Chapter 60
TRIGGER WARNING: This chapter contains death and other sensitive scenes which may trigger memories and emotions from traumatic events.
--------------------------------------------------------------------------------
IT HAD ONLY BEEN A MONTH since I started working as a maid for the Bennetts, an Australian family. Sumubok lang ako na mag-apply pero sinuwerte na mapili.
The Bennetts' place was far from the city. It was okay since I would only be here for a short time. Kailangang-kailangan ko lang kasi ng sandaling trabaho. Ang huling ipon ko kasi ay napunta lahat sa gastusin. Malapit na akong umuwi sa Pilipinas kaya gusto ko sana na may natatabi ako kahit kaunti.
Sa bahay ng mga Bennets ay dalawa kaming helper. I was the all-around maid while the other one was the full-time babysitter for Mackenzie, the 3-year-old daughter of Mr. and Mrs. Bennett.
Gabi. Nasa trabaho pa ang mga amo namin. Pagkatapos kong kunin ang hamper sa kuwarto ng mga ito ay lumabas na ako. Walang susi kaya wala akong balak isara ang pinto dahil may babalikan pa ako sa kuwarto.
When I turned around, a girl emerged from the other room and dashed into the master bedroom. I was holding something, at nakatalikod ako kaya hindi ko na ito napansin. Pagbaba ko sa sala ay nagulat ako nang makita ang 40-year-old Australian babysitter na si Sophie. Humahagikhik ito habang may pinapanood na kung ano sa hawak na cellphone.
Ang ipinagtataka ko ay bakit wala sa paligid ang inaalagaan nito? "Sophine, where is Mackenzie?" tanong ko sa babae.
Saka lang tumingin sa akin si Sophie. Bigla itong napatayo nang mapagtanto na wala sa paligid ang alaga. "Oh, I don't know! Where's that little brat?!"
Nakarinig nang malakas na kalabog ng pinto sa second floor ng bahay. Sabay kaming napatingala. Ang gulat sa aming mga mukha ay napalitan ng takot. Napaakyat kami sa itaas para lang malamang naka-lock ang pinto sa kuwarto na pinanggalingan ko. Nasa loob ang 3-year-old na si Mackenzie!
"Mommy! Mommy!" Mauulinigan ang maliit at nanginginig nitong boses. Umiiyak ito sa takot dahil hindi ito makalabas. Hindi ito marunong magpihit ng matigas na doorknob.
"Baby, hush!" Naiiyak na rin ako rito. Ang sakit ng dibdib ko sa isiping mag-isa ito sa loob habang takot na takot. "Mackenzie, don't be scared. all right? We're here. Just hang on, we're gonna get you out. Do you trust me?"
Patuloy pa rin si Mackenzie sa pag-iyak. Hinahampas pa rin nito ang pinto. Nagpa-panic na kami ni Sophie dahil hindi namin mabuksan ang pinto. Wala kaming mga kapitbahay kaya walang makakatulong sa amin na malapit.
"Sophie, call 000 now!" pasigaw na utos ko kay Sophie. It was the emergency number here in Australia.
Natataranta si Sophie na napapababa para kunin ang phone nito. Palakas na nang palakas ang iyak ng bata sa loob. Takot na takot ito dahil nga sa nag-iisa lang sa loob at madilim pa. Nakakarinig na ako ng mga pinagbabato nitong gamit sa loob.
"Baby, we're here. Don't be scared, please." Naiimahe ko ang namumula at luhaang inosenteng mukha ng bata. "Mackenzie, listen to Viviane, okay? Just think of this as a play." Pilit ko itong pinapakalma pero parang hindi na ako nito naririnig. "We're just playing right now, baby!"
Pagbalik ni Sophie ay kausap na nito ang nasa emergency number. Hindi ito magkandatuto sa sasabihin dahil sa takot at kaba. Kinailangan ko pang agawin dito ang phone.
Hindi na kami makapaghintay sa pagdating ng tulong dahil tumatakbo ang oras. Pahina na nang pahina ang iyak ni Mackenzie sa loob ng kuwarto. Gamit ang nakuha kong martilyo sa tool box ni Mr. Bennet ay buong lakas na binaklas ko ang doorknob ng pinto.
"Mackenzie, just hang on. We're gonna get you out." Pawisan na ako nang matanggal ang doorknob, kaya lang ay nakasuksok pa rin ang lock sa frame. "Don't be scared, baby. Sophie and I are here. We're not gonna leave you."
Sinilip ko sa loob si Mackenzie pero hindi ko ito makita. Si Sophie naman ay panay mura na sa likod ko. Sinisigawan na ako nito, "Do something, Viviane! Do something!"
Nang masilip ko na bukas ang sliding window sa dulo ng kuwarto ay nanlaki ang aking mga mata. Napasigaw ako nang makita roon ang bulto ng isang bata na nakasampa sa mesa. Napasigaw ako, "Sophie, go to the back of the house! Hurry!"
Hindi ko naisip ang bintana kanina dahil iba ang lupa na kinatitirikan ng bahay ng mga Bennet. Kalahati ay elevated kaya hindi rin kakayanin kung ang bintana ay susubukang akyatin. Masyadong risky.
Napasabunot sa buhok nito si Sophie bago ako sinunod. Nagsisisigaw na lang ito dahil pagdating nito sa likod ay bumagsak na sa batuhan ang maliit na katawan ni Mackenzie. Nang dumating ang tulong pati ang mag-asawang Bennet ay huli na. Wala na ang bata.
That same day, Sophie disappeared. Tumakas ito at ako ang naiwan. After reviewing the CCTV, a case was immediately filed against Sophie due to her negligence. Hindi man ako nasama sa kaso ay hindi rin ako pinaalis ng mag-asawang Bennet. Isa rin ako sa sinisisi ng mga ito.
Dahil sa pagkamatay ng nag-iisang anak, nahulog sa matinding depression ang mga amo ko. And their rage was directed at me because the authorities had not yet apprehended Sophie. The Bennetts confiscated my phone and locked me in their basement.
"Ma'am, Sir, I really need to go home! I have a son waiting for me in the Philippines!" Halos araw-araw, gabi-gabi akong umiiyak at nagmamakaawa sa mga ito, but they would not listen to me no matter how much I begged.
Ang malalamig na mga mata ni Mrs. Bennett ay parang punyal sa dibdib ko nang isang beses na harapin ako nito. "Viviane, you should understand how it feels to be separated from your child. You must be feeling the same misery I am right now!"
Dalawang buwan ang lumipas na nasa dilim lang ako. May pagkakataon na nagdedeliryo na ako, na naririnig ko raw ang iyak ng anak ko. Para akong mababaliw. Kung ito ang gustong mangyari ni Mrs. Bennett, nagtagumpay na ito.
Siguro nga ito ang kaparusahan ko. Namatay ang batang si Mackenzie dahil hindi ko ito nagawang iligtas. Wala akong karapatang sumaya, habang may isang ina na nagdurusa dahil hindi niya na makakapiling pa ang anak niya.
Nang makalabas ako sa basement dahil dumating ang mga investigator. Mr. Bennett warned me not to try anything funny. Naiintindihan ko ito. Pero nang maiwan ako na mag-isa sa kuwarto ay natukso ang puso ko na pumunta sa telepono.
Tinawagan ko si Mama Anya sa Pilipinas. Parang nanlaki ang ulo ko nang malaman na naka confine sa ospital si Isaiah. He had dengue fever and had gone 50-50 the night before. His blood pressure dropped, but thankfully, he was quickly transfused with blood from the blood bank.
[ Vivi, hinahanap ka ni Isaiah. Ilang linggo na hindi ka namin ma-contact. Nasaan ka ba? Kailan ka uuwi? Ang sabi mo, uuwi ka na nang nakaraan, di ba? ]
Pigil ang hikbi ko habang nakikinig sa boses ng mama ni Isaiah.
[ Alam ko na may problema ka riyan, ayaw mo lang sabihin. Kung ano man iyan, hindi mo iyan gusto, di ba? Umuwi ka na lang dito. Magtutulungan tayo. ]
Ibinaba ko ang tawag dahil hindi ko na kayang pigilin ang paghagulhol ko. Gusto ko nang umuwi. Nag-aalala ako kay Isaiah, gusto ko siyang makita. Gusto ko ring makita at mayakap ulit ang anak namin. Gustong-gusto ko na. Miss na miss ko na sila.
Wala akong nagawa kundi magdasal lang. Doon ko ibinuhos ang lahat ng aking lungkot, sakit, at takot. Iyon ang kinapitan ko sa mga sumunod na araw pang nagdaan.
Nakatawag ulit ako sa Pilipinas. Si Isaiah ang nakausap ko. Nagmamakaawa siya na umuwi na ako. Na kailangan niya ako. Pero ayaw ko na siyang paasahin. Ayaw ko na siyang biguin.
Nang isang beses na mahawakan ko ang cellphone ko, punong puno iyon ng messages mula sa Pilipinas. Hindi ko pa nababasa ang lahat nang mahuli ako ni Mrs. Bennett. "Viviane, you're trying to ask for help? How dare you?!"
Sinabunutan ako nito at pinagsasampal. Malaki itong babae at malakas, wala akong nagawa kundi ang salagin lang ang mga atake nito. O baka dahil manhid na ang puso at katawan ko sa lahat ng pananakit nito, verbal man o physical. Hindi rin ito naawat ng asawa nito.
Galit na galit ito nang kaladkarin ako at ibalik sa basement. "You must suffer here forever because that is your punishment for murdering my child!"
Ilang buwan pa ang nilagi ko sa basement. And it was worse this time. Hindi na ako nakakasilip man lang sa labas kahit sandali. Ni hindi ko na alam ang oras o araw. Para akong patay na buhay sa loob. Ang mga mata ko ay blangko na.
Wala na akong pagpipilian kundi tanggapin ang kapalaran ko. Siguro hindi talaga ako mabuting tao kaya nararanasan ko ito. Siguro parusa ito sa lahat-lahat ng kasalanan ko.
Kuya Vien died because of me, I let Mommy die of cancer, and I ruined Isaiah's future because I got pregnant. Hindi rin ako mabuting ina sa anak ko dahil pinili ko na iwan siya. Ang dami-dami kong kasalanan. Ito nga siguro ang kabayaran.
Tanggap ko na na hanggang dito na lang ako. Na ito na ang katapusan ko. Hanggang sa isang gabi ay magkasunog. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maging blangko ang mga mata ko, nabahiran ulit iyon ng takot.
Muli ay nakaramdaman ako ng takot. Takot hindi para sa sarili ko, kundi takot na hindi ko na ulit makikita pa ang mag-ama ko.
Ngayon ko napagtanto na hindi pa talaga ako handa na isuko si Isaiah at ang anak namin. Kahit walang lakas ay sinikap kong makatayo. Nagsisisigaw ako kahit halos wala nang lumabas na boses mula sa bibig ko.
Nagbagsakan na ang kisame. Napuno na rin ng usok ang paligid. My eyes were glazed with tears as I collapsed to the floor, coughing. I crawled but had to halt and screamed because something hot fell on my back.
"Isaiah..." nanghihina nang sambit ko. I knew it was impossible yet I wished he could come and save me.
Tuluyan nang nabalot ng usok ang paligid. No one came for me. I would never see my son again. I would never see Isaiah again. Hindi ko na masasabi sa kanila kung gaano ko sila kamahal, kung gaano sila kahalaga. At hindi na ako makakahingi pa ng tawad sa kanila.
"Isaiah..." Masakit ang lalamunan ko. "Isaiah, sorry... sorry..."
May humawak sa aking kamay at mariin iyong pinisil. Kaninong kamay iyon? Mag-isa lang naman ako sa basement? Kaninong kamay ang humawak sa akin?
Naguguluhan ako. Hindi ko na maramdaman ang aking panghihina dahil sa gutom, wala na rin iyong init na nasa likod ko, hindi na masakit. Hindi rin matigas ang kinahihigaan ko kundi malambot. At bakit ganito? Maluwag na nakakahinga na ulit ako?
Nang magmulat ako ng mga mata ay sumalubong sa akin ang maliwanag na paligid. I was in a room that had white walls and white ceilings and smelled of medicine. Nang itaas ko ang aking isang kamay ay may nakalagay roon na swero.
Pagtingin ko sa aking gilid ay napamaang ako nang matagpuan doon si Isaiah na natutulog. Nakaupo siya sa upuan at nakasandal gilid ng headboard ng hospital bed. Ang isang kamay niya ay nakahawak nang mahigpit sa isang kamay ko.
Napakurap-kurap ako. At saka bumalik sa alaala ko ang nangyari. Nasunog ang bahay namin sa Buenavista. Katulad na katulad ng apoy na nakita ko noon sa bahay ng mga Bennett sa Australia.
The fire that I thought would be my end, turned out to be the fire that saved me...
Dahil doon, nakaalis ako sa akala ko ay habangbuhay ko nang magiging kulungan. I was rescued by the firemen, and taken to the hospital. There was also an investigation after the incident. I had a lawyer, and my lawsuit against the Bennetts was still underway.
It was also a great help that I was given an opportunity to undergo psychotherapy. I wanted to be okay again. Because I had no choice but to be okay. Ilang buwan lang ay nakuha ko nang bumalik sa pagtatrabaho.
Bumalik ako kina Daddy na hindi sinasabi sa kanila ang nangyari. Nakalabas na rin si Tita Duday sa ospital. Lumalaki ang bill namin at nagkaroon pa ng mga utang si Daddy dahil sa pagsusugal.
Nagpatuloy ako sa buhay. Hindi ko na naisip pa na bumalik sa Pilipinas. Siguro dahil natatakot ako na harapin si Isaiah. Siguro dahil duwag talaga ako. Ibinuhos ko na lang ang buong oras sa pagtatrabaho, para sa mga utang, sa gastusin, at para makapagpadala ako kay Vien.
Bumangon ako mula sa hospital bed at pinagmasdan ang payapang anyo ni Isaiah habang natutulog siya. I never thought I would see him like this again. Matapos ko siyang iwan, matapos ko siyang saktan, at matapos ko siyang ipagtabuyan.
"Isaiah, bakit mahal na mahal mo ako?" mahinang tanong ko.
Nangunot ang kanyang noo at tila siya naalimpungatan. Dumilat ang mga mata niya na bahagya pang namumula sa pagtulog. Napatitig siya sa akin. Nang mahimasmasan ay saka siya napaayos ng upo. "Vi, gising ka na?!"
"Hindi pa. Nananaginip ka lang."
Napakurap siya at nagkusot ng mata. "Weh, gising ka na, eh!"
Maliit akong napangiti. "Bakit ka natutulog nang nakaupo? May sofa naman. Hindi ka ba nangalay at nahirapan?"
Ang hospital room na kinaroonan ko ay bagaman maliit lang, solo naman. Airconditioned, komportable, mabango. May sarili pang sofa, mini ref, at flatscreen TV. Malamang na mahal ang per day sa private room na ito.
Napakamot siya ng leeg. "Eh baka kasi magising ka, 'tapos di ko malaman kapag nasa sofa ako."
Napatingin ako sa gilid ng pisngi niya, may maliit na gasgas siya roon. Meron din siyang mga galos sa braso. Mga paso. Kung titingnan, para first-degree burn. Nang mapansin niyang nakatingin ako roon ay itinago niya agad.
Pero saan pang parte ng katawan niya ang may ganoon? Saan pa siya nasaktan dahil lang sa pagligtas niya sa akin? Natatandaan ko kung paanong walang takot niya ako takbuhin. Balewala sa kanya kahit umaapoy ang paligid, basta makalapit lang siya sa akin.
Natigilan siya nang makitang pumatak ang mga luha ko. "Vi, hindi naman masakit ito, eh. Masakit pa nga hampas ni Mama."
Napahikbi ako. "Isaiah, sorry..."
"Hindi nga masakit. Gusto mo kurutin mo pa, eh."
Napaatungal na ako sa iyak. Niyakap naman niya ako habang inaalo ako. Hindi lang naman iyon ang ihinihingi ko ng tawad, kundi ang lahat-lahat.
"Tahan na, hindi talaga masakit. Mas masakit pa rin noong iniwan mo ako saka noong nakipag-date ka kay Eli noong birthday mo. Iyon, mas masakit iyon."
Tinuyo niya ang luha ko sa pisngi gamit ang kanyang mahahabang daliri. Hinalikan niya ako sa buhok, sa noo, sa tungki ng ilong ko. Hinalikan niya rin pati ang mga kamay ko na may swero.
Nang gabing iyon ay doon rin siya sa tabi ko sa hospital bed nahiga. Inaalo niya ako dahil ayaw kong tumigil sa pag-iyak. Natulog kami na magkayakap sa magdamag.
KINABUKASAN ay na-discharge na rin ako. Nalaman ko rin na hindi naman daw lumaki ang sunog. May dumating agad na bombero. Wala ring kapitbahay na naapektuhan dahil wala namang kadikit ang bahay namin. Gayunpaman, alam ko na nakaperwisyo pa rin ako.
Dumalaw sina Eli at Tita Hannah. Nahihiya ako sa mga ito. Todo ang paghingi ko ng patawad. Nangako ako na magsisikap para mabayaran na ang lupa na kinatitirikan ng bahay namin.
"Magpagaling ka muna bago mo isipin 'yan, Vi." Si Eli. Ginulo nito ang buhok ko.
Napalabi ako dahil may mga galos din at burns katulad ng kay Isaiah. Si Eli ang unang nakapansin na may sunog sa bahay. Tinawagan niya agad si Isaiah, at sakto naman na papunta rin pala noon si Isaiah.
May malungkot na ngiti sa mapulang mga labi ni Eli. "May mental telepathy yata iyan si Isaiah Gideon. Tatawagan ko pa lang, papunta na agad. May na-sense raw kasi siya na parang may mangyayaring hindi maganda."
Ngumiti na rin ako. Niyakap ko si Eli. Nagpasalamat ulit ako sa kanya. Sa ngayon ay doon muna ako uuwi sa PK2. Doon muna dahil nga sa hindi pa ayos ang bahay sa Buenavista.
Lumolobo ang sipon ni Vien habang umiiyak ito nang dumating kami sa PK2. Sinalubong agad ako nito ng yakap. "Aalagaan kita, Mommy ku!"
Yumukod naman ako para yakapin ito. "Thank you, baby."
Doon ako sa kuwarto ng bata pansamantala. Hindi pa kami nag-uusap ni Isaiah pero hindi siya nawala sa tabi ko. Nag-leave talaga siya ng two days. Palagi siyang nakaalalay at nakaasikaso.
Kahit sa pagkain ay kulang na lang ay subuan niya ako. Sa pagligo ko ay nakaabang siya sa labas ng banyo. Kahit tinataasan siya ng kilay ng mama niya, wala siyang pakialam.
Sa ikatlong araw ay ako na ang pumilit sa kanya na pumasok sa trabaho. Ayaw ko na masira ang nagsisimula niya pa lang na magandang trabaho dahil lang sa inaalala niya ako.
Parang ayaw niya kung hindi ko pa siya tinakot na doon ako titira kina Tita Hannah kapag hindi pa siya umalis. Bago siya umalis ay niyakap niya pa ako nang mahigpit. "Vi, dapat pagbalik ko, nandito ka pa rin."
"Isama mo na kaya?" sabat ni Mama Anya sa kusina.
Pigil naman ang ngiti ko dahil napangiwi si Isaiah. Kahit kasi si Tita Roda ay may side comment na rin.
"Sige na, umalis ka na. Kailangan mong mag-work." Inihatid ko na siya sa labas. Inayos ko ang kwelyo ng suot niyang itim na long sleeves polo.
"Tatawagan kita. Sagutin mo, ha?" Sinenyasan niya ang bata na nakasilip sa pinto. "Hoy, Kulitis, iyong usapan natin, ah!"
Sumaludo naman agad sa kanya si Vien. "Areglado pow, Daddy ku!"
Hindi ko alam kung ano ang usapan nila. Pero parang hindi rin umalis si Isaiah. Dahil wala nga siya, may pumalit naman sa kanya. Si Vien ay parang tuko na hindi na nawala sa tabi ko. Palaging nakalingkis sa akin. Pati sa pagsi-CR ko, nakaabang ito sa labas ng pinto.
Ultimo sa paghahatid ko rito sa school ay hindi na ito nagpapaiwan. Pagising-gising din ang bata sa gabi para i-check lang kung katabi pa ako nito. Lumalayo lang ito sa akin kapag katawagan sa iPad si Isaiah. Ang cute-cute lang nito kaya nanggigigil lang ako.
SABADO NG GABI. Mag-isa ako sa kuwarto ni Vien habang nagbibihis nang bumukas ang pinto. Pumasok si Isaiah pero hindi lumapit sa akin. Nakatayo lang siya habang ang mga mata niya ay malamlam na nakatingin sa hubad na likod ko.
I didn't even try to hide it from him. Alam ko na nakita niya na iyon noong gabi na magkasunog sa Buenavista. Alam ko na gustong-gusto niya akong tanungin pero hindi niya alam kung saan mag-uumpisa.
Ikinaway ko ang aking kamay sa kanya para palapitin siya. Humakbang naman siya palapit. Nang nasa harapan ko na ay sumubsob siya sa leeg ko. Masuyong hinaplos ko naman ang buhok niya.
"Gusto mo bang malaman?" tanong ko sa kanya.
Tumango siya.
Ikinuwento ko sa kanya ang mga nangyari nang isang taon na tinalikuran ko siya. Nang isang taon na nawala ako. Sinabi ko ang lahat-lahat. Wala akong narinig na kahit ano sa kanya maliban sa mahihinang hikbi at pagsinghot niya.
Basa na ang aking balikat nang ilayo ko siya sa akin. Luhaan ang mukha niya, namumula ang dulo ng matangos na ilong, at nanginginig ang mapupula niyang mga labi. "Boo, sorry. Sorry... I'm sorry..."
Naiiyak na rin na umiling ako. Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya na basa ng luha. "Siguro nangyari talaga lahat kasi may dahilan. Tingnan mo, mas lumakas ako. Mas tumapang ako. At ikaw, mas lumakas ka rin, mas naging matatag ka, at naabot mo ang mga pangarap mo na walang iniisip."
Umiiyak siyang yumuko. "Vi, mahal na mahal pa rin kita..." basag na basag ang boses na sabi niya.
"Alam ko. Pero, Isaiah, tingnan mo ang pagitan nating dalawa. Ang laki na ng agwat, di ba? 'Wag muna nating ipilit. At gusto ko sana munang ayusin ang sarili ko, kilalanin pa ang sarili ko, at palaguin ang sarili ko."
Isaiah's tears just broke me all over again. But I had to endure. Not only for him, but for our child as well. Kailangang pareho kaming buo kung gusto naming mabigyan ng buong pamilya ang anak namin.
Nang bitiwan niya ako ay tumunog ang phone sa bulsa ko. Kinuha ko iyon at nakita ang tumatawag na long distance number. Number sa ospital na pinagdalhan ko noon kay Tita Duday sa Australia. Namatay na ang tawag bago ko pa masagot. Pumasok ang isang text.
+614XXX
Ms. Vivian Chanel Williams, this is Nurse Sue from your mother's hospital. We regret to inform you that Ms. Donita Contamina died yesterday at 4:00 am.
Kasunod lang nito ang text ni Daddy.
Daddy:
Vivi, patay na ang Tita Duday mo. Bilang legal na ampon niya, kailangan mong bumalik sa Australia.
Pag-angat ng mukha ko kay Isaiah ay malamlam na nakatingin sa akin ang mga mata niya. Tumango siya sa akin. "Hihintayin kita. Kahit gaano katagal. Nandito lang ako. Hindi na ako mapapagod. Hindi na ako susuko. Boo, balikan mo ako..."
JF
#SerialCharmerbyJFstories
Up next is the Final Chapter, and then the Epilogue.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz