ZingTruyen.Xyz

Serial Charmer

Chapter 36

JFstories

Five years later...


They couldn't take their eyes off me while I was doing different bubble tricks in the water. Everyone was amazed, especially the child viewers.


Even though I was already tired, I was energized by just seeing the happiness on their innocent faces. Manghang-mangha ang mga ekspresyon ng mga bata, iba-ibang lahi, lahat mga nakangiti. Ang isang batang babae na blonde ang buhok, na karga ng mommy nito ay nagpalapit pa para mas makita ako.


I removed the oxygen from my mouth, smiled, and gave them bubble kisses. Then I swam again, showing them my graceful full-body wave motion under the water.


I swam with both arms, moving symmetrically, accompanied by my legs inside the dazzling, colorful fluke, that was doing butterfly kicks. I was like a mystical underwater fairy; my fluke was my beautiful wings.


After my last lap, I blew bubble hearts to the viewers as my farewell. A sign that my solo underwater show as a mermaid had come to an end. Nagpalakpakan ang mga nasa labas ng malaking aquarium na aking kinaroroonan.


Pag-ahon ko ay sinalubong agad ako ng tuwalya ng isang staff. Pero sa pag-aalis ng aking suot na mermaid tail ay ako lang mag-isa. Halo-halo ang pakiramdam ko, ginaw, pagod, gutom, at antok.


After getting dressed, I immediately took my phone from the locker. I sat on the bench and played the video I received this morning. Ang pagod ko ay agad na nawala nang makita ang isang batang lalaki na naglalaro ang edad sa limang taong gulang. 


Although the boy had plump cheeks, his face was small and cute. His eyes were deep black like the night sky, his eyelashes were thick and long, and his nose was high bridged; the tip was pointed, and his lips were thin and cherry red. He was a very handsome kid.


His name was Vien. Magsi-six years old ngayong taon. Pumapasok na sa school. His clothes in the video were his uniform. A white shirt with his school's logo on it. His hair was a bit messy and his cheeks were stained with chocolate.


[ "Elow, Mommy!" ] unang bungad ng maliit nitong boses. Ang mga mata ay kumikislap sa kapilyuhan... katulad ng...


Ipinilig ko ang aking ulo at pinagpatuloy ang panonood sa video.


Itinaas ng bata ang isang kamay. Ipinakita niya sa akin ang marka ng star doon. Proud na ngumiti pa ang bata. [ "So, ayon nga, Mommy! Kita mu ba 'tong star ku, ha? Sabi pow ni Teacher, good boy aku!" ] Ang maliliit at bungi-bungi nitong mga ngipin ay nakita sa camera. Naghimas pa ito ng baba.


Vien walked around while taking a video of himself. Sa background ay maririnig ang sigaw ng lola nito, hinahanap ang cellphone. Ang bata naman ay parang walang naririnig, panay pa rin ang pa-cute sa camera. 


May pagkakataon pa na napatid yata ito, nasubsob ang pisngi sa screen. Ngumiwi ang mapula nitong mga labi, pero nakabawi naman agad. Nagpa-cute na ulit. Nakakagigil. Kung kaya ko lang siyang hilahin mula sa screen, ay ginawa ko na kanina pa.


Nagkuwento ulit ito, [ Mommy, me nagbugbugan pala sa school ku! Nag-agaw sila sa lapis, e! Nag-away sila pero hinde pow aku sumali. Kase di ba bad makipag-away, Mommy? Kaya nanood na lang pow aku, Mommy!" ]


Inihinto ko sandali ang video para punasan ang luha na sumilip sa aking mga mata. Tumingala ako at nakangiti na muling pinagpatuloy ang panonood.


[ Sabi kase daddy, bad makipag-away! Pag daw merown umaway sa aken, sumbong ku lang daw sa teacher. Pero suntukin ku muna raw ng isa!" ]


Nakangiti ako habang naluluha na nanonood. Pinapakinggan ko bawat detalye ng kuwento, kahit ang mga walang katuturan. Iyon lang iyong paraan ko para kahit paano, ay maramdaman na parte pa rin ako ng araw-araw na buhay ng anak ko.


Buo na ang araw ko pagkatapos ng video. Naghanda na ako na umalis. Nagpaalam ako sa boss ko na si Mrs. Taylor Jones at pati sa mga ibang staff na katrabaho ko, "Bye, guys. Thank you for today. See you tomorrow." 


Hindi lahat ay pumansin sa akin. Iyong iba ay lantaran ang pag-ignore sa akin. Sanay naman na ako. Ilang taon na ako sa bansang ito, nakapag-adjust na rin ako kahit paano, pero hindi pa rin talaga maiiwasan ang ganoon. Lalo na at isa akong Asian. 


I left and got into my aunt's second-hand car in the parking lot. Iyon ang ginagamit ko. Hindi pa agad ako dumeretso pauwi, pumunta pa ako sa isang bahay na naka-schedule kong i-general cleaning ngayong araw.


Hapon na ako nakatapos na maglinis ng buong bahay, maglaba ng tambak na labahin, at pati magtupi ng nilabhan. Bago umalis ay dinampot ko sa ibabaw ng shelf ang aking sweldo. Doon iyon iniiwan ng may ari dahil gabi na palagi itong nakakauwi.


Sa wakas, makakauwi na ako. Ah, hindi pa rin pala. Kailangan ko pang bumili ng stocks. Sumaglit ako sa grocery para bumili ng ilang kailangan. Saka pa lang ako nakauwi sa condo.


Sumalubong sa akin ang magulong sala namin. Kali-kaliwa ang mga nakasampay na ginamit na coat at robe ni Daddy. Pinagpupulot ko pa iyon isa-isa at nilagay sa hamper. Nagsalang muna ako ng sinaing bago pumunta sa kuwartong nasa gitna.


Isang katok lang at pagkuwa'y pumasok na ako sa loob. Isang payat na payat at maputlang babae ang nadatnan ko sa kama. Ang mga kamay niya ay may swero.


"A-are you tired?" she asked me in a weak voice.


"Can I be tired?" nakangiting tanong ko na pabiro.


"I'm sorry, Vivi..." mahinang sabi niya. "I'm sorry because it was not your fault, yet you are the one who's suffering..."


Nakangiti pa rin ako na lumapit sa bedside table. Nag-alcohol ako ng kamay bago nagsuot ng guantes. Niligpit ko ang lalagyanan niya ng mga gamot at itinapon ang ibang gamit na injection doon. 


Although she was weak, she tried her best to get up from the bed. Ang payat at halot buto't balat na lamang niyang mga kamay ay umabot sa drawer na katabi ng kanyang kama. Mula roon ay may kinuha siya at inabot sa akin. 


My eyes widened when I saw that it was my passport. How did she get that? Itinago ko iyon, dahil katulad ng ibang nagdaan na passport ko, ay gusto iyong sirain ni Daddy.


She handed it to me together with a white envelope. Nang buksan ko ang envelope ay napanganga ako nang makita ang laman. Ticket pauwi ng Pilipinas!


"Go home, Vivi..."


Napailing ako kasabay ng pangingilid ng mga luha. Ang pagkirot ng puso ko ay nagpahingal sa akin. "Y-you know that I still can't..."


"I will sell this condo to pay off our remaining debts. You no longer need to work yourself to death, and you can finally go home to the Philippines."


"Saan kayo titira kung ibebenta itong condo?!" basag ang boses na tanong ko.


Napaubo siya bago muling nagsalita, "I'm dying. I won't need a place to live anymore..."


Napaiyak na ako. "Tita Duday..."


"Don't wait until it's too late, Vivi..." Malungkot na siya sa akin. "Go home. It's time now for you to go home to your family..."


Ang ngiti niya na malungkot at puno ng paghihirap, ay malayo na sa matatamis at buhay na buhay niyang mga ngiti sa aking alaala.


Lumabas ako ng kuwarto at pumunta sa sarili kong kuwarto. Nagulat ako nang makitang nasa ibabaw ng aking kama ang aking maleta.


Nakatupi na ang ilan sa damit ko. Ang iba ay nakabalunbon pa sa gilid na tila hindi na kinayang iligpit lahat. Ang nanginginig kong mga kamay ay tila may sariling buhay na inabot ang isang naninilaw na blouse. May mapang mantsa ang harapan sa gawing dibdib.


Naaalala ko ang mga unang buwan ko rito sa Australia. Sa tatlong buwan na hatol ng immigration sa akin bilang tourist. Ang tatlong buwan na  na-extend hanggang sa naging permanente na matapos akong legal na ampunin ni Tita Duday.


Sobrang bigat ng dibdib ko noon dahil sa hindi makalabas sa akin na gatas. Palagi noong basa ang mga damit ko. Palaging makirot at nananakit ang mga dibdib ko.


Gabi-gabi ko na lang iniiyak lahat. Pero hindi iyong pisikal ang iniinda kong sakit, kundi iyong sakit sa mismong puso ko. Hindi ko man lang mapadede sa anak ko ang aking gatas. 


Habang tumutulo ang gatas sa dibdib ko rito, walang nanay ang anak ko sa Pilipinas. Gustong-gusto ko nang umuwi. Gustong-gusto ko nang yakapin, halikan, at alagaan ang baby ko. Sobrang sakit, para akong mamamatay sa pangungulila.


Walang oras na hindi ko pinangarap na makabalik. Pero hindi ko magawa. Si Daddy ay pumapasok sa trabaho, si Tita Duday ay nagtatrabaho rin. Ako ang naiiwan kay Mommy na nag-aalaga at sumasama rito sa ospital. Dahil walang ibang gagawa kundi ako lang.


Isang taon na gamutan ni Mommy ay nasa tabi ako nito. Kung may sobrang oras man ako ay nauubos ko iyon sa pagsa-sideline. Naglilinis ako ng bahay ng kung sino-sino. Hindi ako nakapag-college kaya swerte na lang ako na natanggap pa rin sa ganoong trabaho. 


Eventually Tita Duday's ex-husband got tired of helping our family. Iba nga naman ang utak ng mga foreigner. Hindi sila sanay na may pabigat na kapamilya. Naging sakit ng ulo pa si Daddy na hindi na tumagal sa kahit anong trabaho, at umasa na lang sa puro hingi.


Hindi naman kami matiis ni Tita Duday. Naaawa siya sa amin ni Mommy kaya patuloy pa rin ang pagtulong niya. Iyon ang naging dahilan para tuluyang mawalan ng amor sa kanya ang ex-husband.


Dahil may prenuptial agreement na pinirmahan si Tita Duday kaya matapos ang divorce, ang naiwan lang sa kanya ay ang ipon niya at isang lumang sasakyan. Ang ipon niya ay itong ipinambili sa condo.


Bumalik ang cancer ni Mommy matapos ang isang taon. Hati na ang katawan ko sa pag-aalaga kay Mommy at sa pagtatrabaho para sa expenses namin. Lahat na ng puwedeng pasukan ay pinasukan ko na. House cleaner, care taker, babysitter, and even street sweeper.


Hindi totoong masagana ang mga nasa abroad. Mas mahira dito. Kaliwa't kanan din ang gastos at pangangailangan. Nagkakautang pa rin kami dahil madalas na kinukulang.


I did everything to help our family. Tinupad ko iyong pangako ko kay Kuya Vien na hindi ko pababayaan ang mommy namin. Tinupad ko ang hanggang sa huling hininga ni Mommy sa mundo.


Mommy died more than three years ago, but I still couldn't go back to the Philippines. Our debts piled up. And now Tita Duday was sick. She got her late ex-husband's disease, acquired immunodeficiency syndrome or AIDS.


Ang HIV na hindi agad naagapan ay umaabot sa ganitong punto. Ayaw na ring magpagamot ni Tita Duday. Now she was in home confinement.


She was one of the reasons I haven't been able to return to the Philippines. My conscience could not bear to leave her. Malaki ang utang na loob ng buong pamilya ko sa kanya.


Isa ako sa nagpakasasa noon sa pagwawaldas ni Daddy sa lahat ng pera ni Tita Duday. Ang bawat sweldo niya ay sa pamilya namin niya halos ipinapadala. Late na siya nakapag-asawa at hindi na siya nakapag-anak dahil kakatulong sa amin.


At sa pagma-migrate ng aming pamilya rito sa Australia, si Tita Duday rin ang gumatos at nabaon sa utang. Pati mga lupa niyang pinag-ipunang maipundar sa Pilipinas ay naisanla lahat ni Daddy. Naremata ang lahat ng mga lupang iyon sa huli. 


Ang ring ng phone ko ang nagpahinto sa pagtulo ng aking luha. Nagpunas ako ng luhaang pisngi. I shouldn't look back on things that I could no longer change.


My lifeless eyes blinked when I saw who was requesting the video call. Nagmamadali ako na nag-ayos ng sarili. Sinuklay ko ng mga daliri ang aking magulong buhok at binasa ng laway ang aking maputlang mga labi.


Bago sagutin ang vide call ay pumuwesto pa ako sa pinakamaayos na parte ng kuwarto. Gusto ko kasi na presentable ang background palagi. Nang buksan ko ang cam ay nakahanda na ang aking ngiti. "Hello po, Mama."


Sa kabilang screen ay makikita ang isang babae na nasa early fifties. Matapang ang itsura pero hindi maitatatwa ang magandang mukha. [ Kumusta, Vivi? ]


"Okay lang po ako, Mama. Napatawag po kayo? Kumusta po? Gising pa po kayo, anong oras na po riyan, ah?" 11:40 PM na rito sa Australia at sa Pilipinas ay mag-aalas tres na ng madaling araw. 


[ E alam ko naman kasi na busy ka sa umaga. At okay naman kami rito. Pero teka, bakit parang mas namayat ka yata kaysa noong nakaraan na nag-usap tayo? ]


"Ah, nagda-diet po kasi ako, Mama," nakangiting sabi ko.


[ Sus, mukha mo. ]


Lalo akong napangiti. Alam ko naman kasi na hindi maniniwala si Mama Anya na nagda-diet ako.


[ 'Wag kang masyadong pakapagod. Hindi nagtratrabaho ang mga tao para mamatay. Nagtatrabaho ang mga tao para mabuhay. ]


Nagpasalamat ako sa mga pangaral ni Mama Anya. Nagpasalamat din ako sa pangungumusta niya at sa walang sawang pagsi-send sa akin ng mga pictures at videos ni Vien.


Bago pa siya magpaalam ay sinabi ko na ang balita, "Mama, uuwi na po pala ako..."


Matagal bago nakapagsalita si Mama Anya. Ang mukha niya ay hindi ko malaman kung ano ang ekpresyon. Ang tanging nasabi niya sa akin ay ang mga salitang : [ E di mabuti. ]


Natapos na ang tawag na katulad ng parati. Nagpaalam na si Mama Anya dahil maaga pa niyang aasikasuhin bukas si Vien. Maaga kasi ang pasok ng bata.


Nahiga ako sa kama habang ang luma kong cellphone. Gabi-gabi bago matulog ay ito ang ginagawa ko. Ang mag-browse sa gallery. Ang mga pictures ni Vien mula nang baby siya, noong second birthday, third, fourth, fifth... Paulit-ulit kong tinitingnan. Paulit-ulit na lihim at mag-isang iniiyakan.


Ang video ng anak ko ay aking paulit-ulit na pinapanood. Iyon ang pang-alis ko ang aking lungkot at pagod. Ang aking tanging kasiyahan.


Nagpunas ako ng luha at nag-online. Pinuntahan ko ang isang account na madalas kong bisitahin, pero never akong nagkaroon ng lakad ng loob na i-message o kahit i-add man lang.


Ganoon pa rin ito.  Walang pinagbago. Walang profile at cover picture ito. Naka-lock din at hindi malaman kung ginagamit ba o hindi.


Pumunta ako sa isa pang app. Meron ako ritong ginawang account na walang nakakaalam. Ginagamit ko iyon para tingnan ang isang account na ang display pic ay lalaking nakayuko at nakasuot ng itim na sombrelo.


Bihira itong mag-post pero kapag may post, dinudumog agad ng mga reactors, na karamihan ay kababaihan. Maraming followers at likes ang mga video nito.


His latest video was uploaded last week. He was just standing and leaning against the wall. He was still undoubtedly handsome just like before. O mas lalo siyang gumuwapo ngayon kaysa noon.


Mas nag-matured, mas tumangkad, at mas lumaki ang katawan. Mas moreno na rin kaysa noon. Ang mga mata niya ay may nagbago, hindi na kasing pilyo tumingin; naging seryoso. Pero ganoon pa rin ang hatid na pakiramdam, nakakalunod ng puso.


Ang pangalawang video niya ay noon ding isang linggo. Nakatagilid siya, ginagawang barbell ang isang batang lalaki. Matapos niyang gawing barbell ay pinupog niya ito ng halik sa leeg. Napahagikhik naman ang nakikiliting bata. Napangiti ako dahil ang cute. Pinindot ko agad ang save.


Sumunod na video ay mag-isa na lang ulit siya. Shirt na itim at jeans na itim ang suot niya. Suot niya ang sombrelo na itim din. Dim ang ilaw habang sinasayawan niya ang beat ng isang dance craze. Maiksi lang ang video kaya bitin daw sabi sa comment section.


I continued scrolling on his account. He had a video that he uploaded a month ago. It was a slideshow of his pictures with background music. The pictures were just his different facial expressions. Kaunti lang ang nakangiti, karamihan ay seryoso, o nakadila. He was flexing his silver tongue piercing.


There was also a video of him in corporate attire. He looked so formal yet so hot in a black long-sleeve button-down polo and slacks. His expression was serious, but that just made him look ten times hotter.


Another video on his account that reached one hundred thousand reactions was him doing push-ups. He was wearing a pair of gray sweatpants and nothing on top. Pawisan siya at hindi nakatingin sa camera. Titig na titig ako at nang mahimasmasan ay naibaba ko ang phone dahil sa hiya.


Mainit ang pisngi na napasubsob ako sa unan. Ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib ko. Bakit ganoon ang epekto sa akin nang napanood ko?!


Nang tingnan ko muli ang phone ay lungkot na ang nasa mga mata ko. Lungkot na palaging naririto sa puso ko. Ang lalaking ito na nasa screen ay ang minahal ako nang sobra, pero pananakit lang ang isinukli ko sa kanya.


Siya ang lalaking pinaasa ko, pinagod sa paghihintay sa wala. Siya ang lalaking abot hanggang langit na ang galit sa akin, isinusumpa na ako, at ni anino ko ay ayaw nang makita.


Siya ang daddy ni Vien. Siya si Isaiah Gideon del Valle. Siya ang lalaking iniwan ko at hindi na binalikan pa sa Pilipinas.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz