ZingTruyen.Xyz

Serial Charmer

Chapter 25

JFstories

GAWIN NA NATIN.

Ang palad ko ay nasa bandang ilalim ng matigas na sikmura ni Isaiah. Bago iyon makarating sa laylayan ng kanyang shirt ay hinuli niya ang kamay ko. "Tigilan mo."

Binawi ko ang aking kamay saka ako naupo sa kama. Nakatunghay ako sa kanya habang siya ay nakahiga habang mapupungay ang mga mata na nakatingin din sa akin.

"Ayaw mo ba?" tanong ko sa kanya.

Tumingala siya saglit at pumikit. Bumukol ang dila sa kaliwa niyang pisngi. Nang magdilat siya ng mga mata ay mas mapupungay na ang mga iyon.

Hinawakan ko ang laylayan ng aking blouse. Ang mga mata ni Isaiah ay naalis ang pagkapungay at nanlaki nang bigla akong maghubad ng damit. "Hoy!"

Hindi ko siya pinansin. Pagkalapag ko ng hinubad na blouse sa kama ay sinunod kong in-unhook ang aking bra sa likod. Bago ko iyon maalis sa aking katawan ay napabangon na si Isaiah. Niyapos niya ako para pigilan.

Bumagsak kami sa kama habang nakakulong ako sa mga bisig niya. Nakaladlad na ang strap ng aking bra at kung hindi lang sa pagkakayakap niya sa akin, ay baka tuluyan na iyong nahubad sa katawan ko.

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin nang magkakawag ako para makawala.

"Ayaw mo ba?" naiiyak ng tanong ko sa kanya. Nilalakasan ko lang naman ang loob ko kahit ang totoo ay nangangapal na ang mukha ko sa hiya.

Walang sagot mula kay Isaiah. Nasa bandang leeg niya ako kaya nakikita ko lang ang ilang ulit na pag-alon ng kanyang lalamunan.

"Isaiah, bitiwan mo na ako..."

"Ayoko, maghuhubad ka."

"Hindi na."

"Promise?"

Tumango ako.

Binitiwan niya na ako saka siya tumalikod sa akin. "Sabihin mo na lang kapag nakaayos ka na."

Nang makawala na sa mga braso niya ay muli akong naupo, hindi para ayusin ang aking bra, kundi para tuluyan iyong hubarin.

"Tapos na?" tanong niya.

"Oo."

Bumangon siya paupo at humarap sa akin para lang matigagal. Ang mapulang mga labi niya ay napanganga. Matagal pa bago naproseso sa utak niya ang nakikita. Mahina siyang napamura at napapikit ng mga mata.

Sinamantala ko naman ang pagkakapikit niya. Lumapit ako at idinampi ang aking mga labi sa mga labi niya. Paghawak ko sa kanyang balikat ay awtomatikong nanigas siya.

Magkalapat lang ang mga labi naming dalawa ni Isaiah. Hindi siya nagtatangka na igalaw ang mga labi niya para halikan ako, kaya ako na ang kumilos. Marahan kong idiniin ang mga labi ko sa kanya. Tinikman ko ang ibabang labi niya gamit ang aking dila. Hindi pa rin siya gumagalaw pero maaligasgas ang ungol na kumawala mula sa kanya.

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa aking hubad na dibdib. Para siyang napaso na akmang magbabawi pero ayaw ko siyang bitiwan. Sa paghila niya ng kamay ay hindi sinasadya na matamaan ng kuko niya sa daliri ang naninigas na dulo ng aking kaliwang dibdib.

"Aw!" Napausod ako.

Nagulat naman si Isaiah. "Sorry, sorry!" Natatarantang napatingin siya sa harapan ko. "Sorry, hindi ko sinasadya. Saan ka natamaan?"

Nang mapagtanto niya ang tinitingnan ay mahinang napamura na naman siya. Hindi niya malaman kung ititigil na ba ang pagsipat sa aking hinaharap o kung pipikit na lang ba siya at tatalikod sa akin.

Niyakap ko naman ang aking dibdib habang matalim ang tingin ko kay Isaiah. "Sinadya mo iyon."

Namilog ang mga mata niya sa pag-alma. "Ha? Hindi, ah!"

Yumuko ako para umiwas na ng tingin sa kanya. "Tumalikod ka na, Isaiah. Magbibihis na ako," mahinang sabi ko.

"Vi..."

"Tumalikod ka na sabi. O kaya, magtakip ka ng unan sa mukha mo. 'Wag mong aalisin hangga't hindi pa ako ayos." Malamig ang boses ko. "Kumapit ka rin diyan sa headboard kasi baka bigla kitang hilahin paharap sa akin. Kapitan mo na lahat ng puwede mong kapitan o kaya kung gusto mo, magtago ka sa ilalim nitong kama. 'Wag kang lalabas hanggang hindi ako nakakaalis."

"Vi, ano ba?" may pagsuyo sa mahinahong boses niya. Maingat na hinawakan niya ako sa balikat. "Galit ka ba?"

Tinabig ko ang kamay niya. "Hindi. 'Wag mo na lang akong pansinin..."

"Galit ka, eh."

"Hindi nga, sabi!"

Hindi ako makapag-angat ng mukha dahil nag-iinit ang gilid ng aking mga mata sa luha. Hindi ko mapigilan. Nahihiya ako kay Isaiah sa pinagagagawa ko at the same time, nagagalit ako sa sarili dahil naiinis ako sa kanya. Naiinis ako dahil parang takot na takot siya sa akin. Naiintindihan ko naman siya sa rason niya, kaya lang naiinis pa rin ako. Ang gulo-gulo ng utak ko.

"Kung 'di ka galit, tumingin ka nga sa akin."

Hindi ko na napigilan ang paghikbi. Mahina lang pero alam kong naririnig niya. Nakayuko ako habang marahang pinanginginigan ng balikat at tumutulo na rin ang mga luha.

Naramdaman ko ang mainit na lumukob sa akin, niyakap ako ni Isaiah. "Tahan na..." Hinaplos niya ang buhok ko. "Tahan na, sorry na..."

"Sorry, Isaiah..." hikbi ko.

"Hindi sa ayaw ko, Vi. Alam mo naman, di ba?" Hinawakan niya ang pisngi ko para iangat ang aking mukha. Tinuyo niya ng mahahaba niyang daliri ang mga luha ko. "Thank you kasi nagtitiwala ka sa akin. Pero ayaw ko sanang sirain iyong tiwalayang iyon."

Humihikbi akong umiling. "G-gusto ko naman, eh. Hindi naman ako napipilitan lang. Gusto ko kasi ikaw na, ayaw ko na sa iba. Isaiah, dapat tayo na. Ikaw lang ang gusto kong makasama..."

Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. "Sino ba nagsabing papayag ako na hindi ako?"

"Eh, bakit mo ako tinulak kanina?" Lumabi ako. "Natamaan pa ako ng kuko mo."

"Sorry, hindi ko nga sinasadya, promise." Bumalik ang pag-aalala sa mukha niya. "Nasaktan ka ba? Saan ba banda natamaan?"

Umiling ako.

"Saan nga?" Yumuko siya pero yakap-yakap ko ang aking dibdib kaya hindi niya makikita. 

"Hindi mo na puwedeng makita. Tapos na ang free viewing time."

Napaungol siya.

"Bakit gusto mong makita?" tanong ko sa kanya.

Napahaplos siya sa kanyang batok. "Che-check ko lang."

Marahan kong inalis ang mga braso na nakatakip sa aking dibdib. Ang mga mata ni Isaiah ay lumamlam habang nakatingin sa aking kahubaran. Umalon din ang kanyang lalamunan.

"Iyong kaliwa, natamaan ng kuko mo..."

Tumuon naman ang paningin niya dibdib na tinutukoy ko. Sa liwanag na pumapasok mula sa bintana ay makikita na wala namang gasgas ang balat ko. Gayunpaman ay mapapansin ang malabong pamumula sa parteng nadaanan kanina ng kuko niya.

"S-sorry..." paos ang boses niya at doon nakatingin. "Masakit pa ba?"

Napalunok ako dahil sa klase ng pagkakatitig niya sa aking hubad na dibdib. "B-bakit kung masakit? Ano'ng gagawin mo?"  

Umangat ang kamay ni Isaiah at napasinghap ako nang maingat niyang saluhin ang aking kaliwang dibdib. Magaan lang ang pagkakahawak niya pero parang may dalang kuryente na dala ang mainit niyang palad.

"Isaiah..." anas ko nang ang mga mahahabang daliri niya ay dumikit sa dulo ng aking dibdib.

"Vi, okay lang ba gamutin kita..." Halos hindi ko na marinig ang boses niya sa sobrang hina.


Lumapit si Isaiah at yumukod. May ideya na ako sa gagawin niya pero nagulat pa rin ako nang maramdaman ang kanyang mga labi sa aking balat. Sa una ay magagaan at masusuyong halik ang ginawad niya sa dibdib ko, hanggang sa ang kanyang nakakapasong basang dila ay sumali na. Nang tuluyan niyang isinubo ang dulo ng aking dibdib ay nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Ah, Isaiah..." Napasabunot na ako sa malambot na buhok niya. Ang init ng bibig niya na sumasamba sa dulo ng kaliwang dibdib ko, habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa aking kanan, humahaplos doon nang marahan.

Nagkatunog ang ginagawa niya, ang salitang pagsipsip at paghagod ng dila niya. Humigpit din ang pagkakapiga niya sa isang dibdib ko.

Nang iwan ng mga labi niya ang kaliwang dibdib ko ay tila iyon nilamig. Tila nagpoprotesta na naninigas ang dulo.

"Vi, gusto mo ba talaga?" paos na paos ang boses na tanong niya.

Tulala naman ako at hindi makasagot. Windang pa ang sistema at ang tanging nararamdaman lang ay ang ginaw sa dibdib ko na iniwan niya.

Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa ibabaw ng suot niyang shorts. Napanganga ako nang maramdaman ang pagkalalaki niya. Matigas at parang mas lumaki kaysa kanina noong nakahiga at magkayakap kami.

"Masakit," nakangiwing sabi niya.

Napalunok muli ako. Kasalanan ko dahil ako ang nagsimula. Hindi ako nag-iisip nang matino at dahil sa aking pagiging mapusok ay nahihirapan si Isaiah.

"A-anong puwedeng gawin para mawala ang sakit?" tanong ko. "Gagawin ko rin ba iyong ginawa mo sa akin..."

Mahinang tinuktukan niya ako sa ulo. "Baliw. 'Wag, bad iyon."

Bad iyong ginawa niya? Bad din kung gagawin ko sa kanya?

Kinalas niya ang sinturon at sinunod ang butones. "Hawakan mo na lang."

"Ha?"

"Puwedeng hindi mo tingnan kung natatakot ka. Puwedeng 'wag mo na rin palang hawakan kung ayaw mo—"

"Hahawakan ko!" nabibiglang sabi ko.

"Sigurado ka? Humuhulagpos ito."

"Susubukan ko..." Ipinikit ko ang mga mata nang marinig ang pagbaba ng zipper niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba nang kunin niya na ang kamay ko.

Ipinatong niya ang kamay ko roon sa parte na gusto niyang pahawakan sa akin. Napakislot naman ako dahil parang lalo iyong nanigas nang masanggi ng palad ko. Mainit-init iyon, matigas at alam kong malaki.

May paghingal siya nang magsalita, "Hawakan mo lang, 'wag mong sakalin."

"Uhm, s-sabi mo kasi kumakawala."

"Oo, pero okay na ang tamang hawak lang. Hindi naman lilipad 'yan."

Nakapikit ako at nakikiramdam lang habang iginagaya niya ang aking palad sa tamang paghawak. Nang mahawakan ko nang maayos ay natantya ko, parang lalampas ang haba sa isang dangkal ko.

Mahinang napamura naman si Isaiah at lumalim pa ang paghinga. "Sandali, bitiwan mo muna."

Binitiwan ko pero pinigilan niya naman ang aking kamay. Pinahawakan niya ulit tapos napamura na naman siya. Hindi na nagpantay ang kanyang paghinga.

Paulit-ulit kami, patitigilin niya ako tapos pipigilan naman, hanggang sa siya na ang humawak sa kamay ko para mas mapadali ang inaasam niyang mangyari. Hindi nagtagal ay para na siyang nanakbo sa malayong kilometro dahil sa paghahabol niya ng paghinga.

"Isaiah, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko. Natutukso na akong dumilat dahil iyong paghinga niya ay parang sa nag-aagaw buhay na.

"Oo, okay lang—ahhh... Ah, Vi, shet! Bitiwan mo na!" nagmamadali at hirap na sambit niya. Pero bago ko pa mabawi ang aking kamay ay nabasa na iyon ng kung anong mainit at malapot na likido.

Sunod-sunod ang mura niya. Pinunasan niya ang kamay ko ng parang kumot yata. Hindi pa rin ako dumidilat. Nang aking marinig ang pagsara ng zipper ng shorts niya ay doon ko pa lang iminulat ang mga mata ko.

"Sorry, Vi... Sorry..." Nakayuko si Isaiah, kahit may kadiliman sa paligid ay alam ko na pinamumulahan siya.

"Hindi na ba masakit?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Hindi na."

Itinabi ko ang kumot sa gilid ng kama at saka ako nahiga. "Magpahinga ka na muna. Mamaya lang ay umaga na, ihahatid mo na ako. Kailangang makatulog ka muna kahit paano."

Hinubad niya ang suot na shirt at ikinumot sa itaas na parte ng katawan ko na nakahubad pa rin. Pagkuwa'y nahiga na siya sa tabi ko.

"Vi, hindi ka ba galit sa akin?" tanong niya habang nakapikit. May espasyo sa pagitan namin.

"Bakit ako magagalit?" Tumagilid ako paharap sa kanya habang kipit-kipit sa aking dibdib ang t-shirt niya bilang takip sa aking kahubaran. Yumakap ako sa bewang niya at sumiksik sa kanyang leeg.

Mahal namin ang isa't isa. Ayaw ko na siyang mawala at gusto ko na siya na ang habangbuhay ko na makakasama.

Yumuko siya at hinagkan ako sa ulo. "Iyong nangyari ngayon, sa atin lang dapat, Vi. Hindi natin gagawin iyon sa iba."

Napangiti ako saka humigpit ang pagkakayakap sa kanya. "Oo, sa atin lang..."

"ASHER, NINETEEN KA NA, HINDI KA PA RIN MARUNONG MAGSAING!"

Ang boses ay parang boses ng may edad na babae.

"NAY, BIRTHDAY KO, BAKIT AKO MAGSASAING?! SINA KUYA DAPAT!" Boses ni Asher.

Sumunod na boses ay boses ng isang lalaki. "ULOL! KAHAPON PA BIRTHDAY MO!" Isa yata sa mga kuya niya.

"HOY, ASHER! WALANG BUNSO-BUNSO RITO!" Nagsalita rin ang isa pang boses na mukhang isa pa sa mga kuya ni Asher. "DAMULAG KA NA KAYA KUMILOS KA NANG KUSA! BULBULIN KA NA, NAGPAPASABI KA PA!"

"EXCUSE ME, NAG-SHAVE AKO KAYA WALA AKONG BUL—!"

NAPAHIYAW ANG NANAY NILA NA PARANG PAPAWIAN NA NG ULIRAT, "DIYOS KO, BAKIT BA PURO LALAKI ANG MGA NAGING ANAK KO? BAKIT HINDI AKO NABIYAYAAN KAHIT SANA ISANG BABAE MAN LANG!"

"ASON, PUSO MO. TAMA NA ANG PAGTATANONG SA DIYOS, MASAMA 'YAN. MAGPASALAMAT NA LANG TAYO AT KAHIT PURO BARAKO ANG IPINAGKALOOB NA ANAK SA ATIN, LAHAT NAMAN AY NAGMANO NG KAGUWAPUHAN SA AKIN!"

Bumangon ako mula sa kama. Ang malalakas na boses na gumising sa akin ay mula sa mga pamilya ni Asher. Nandito nga pala ako sa bahay nila.

Maliwanag na maliwanag na sa labas ng jalousy na bintana ng kuwarto nang tumayo ako. Dinampot ko ang aking blouse at bra para suutin. Mainit ang aking pisngi dahil sa alaala ng nangyari sa pagitan namin ni Isaiah kagabi.

Sinulyapan ko siya sa kama. Natutulog pa rin siya. Nakatihaya, nakapatong ang isang braso sa noo. Walang kagalaw-galaw ang mahahaba niyang pilik-mata at bahagyang nakaawang ang mapula niyang mga labi. Hindi siya nagising sa alarm. Pareho kaming hindi nagising. Parehong napasarap ang tulog.

Bumaba ang paningin ko sa itaas na bahagi ng katawan niya na nakahubad pa rin. Ikinumot niya kasi sa akin kagabi ang t-shirt niya. Maliwanag na kaya kitang-kita ko ang pantay na kulay ng makinis na balat niya. Malaki na ang katawan niya para sa edad na nineteen. Masipag kasi siya, mukha ring nag-e-exercise.

Ang mga mata ko ay hindi sinasadyang napatingin sa nipples ni Isaiah. Naghahalong light pink at brown iyon. Nang bumaba pa ang paningin ko ay napunta naman sa patag at matigas na sikmura niya. Meron doong maninipis na balahibo pababa. Napaiwas ako ng paningin nang bigla kong maalala ang bagay na pinahawakan niya sa akin kagabi.

May kumatok sa pinto ng kuwarto. "Isaiah, ano na? Pagod na pagod ka ba, repa?!" boses iyon ni Asher.

Doon nagising si Isaiah. Pupungas-pungas siya. "Shet, anong oras na?"

Sinagot ko ang tanong niya. "10:00 AM."

"Shuta! Tanghali na!" Napatayo siya agad mula sa kama. Hinagilap ang t-shirt niya na hinubad. Habang sinusuot niya iyon ay sa akin siya nakatingin. "Pagagalitan ka sa inyo kapag nalaman na umalis ka."

"Hindi nila mapapansin iyon," tamad na sabi ko. Hindi naman lalabas ng kuwarto si Daddy. Gabi ito lumalabas para mag-inom. Si Mommy naman ay sa kuwarto ni Kuya Vien naglalagi.

"Gutom ka na? Tara sa baba. Masarap magluto ng almusal nanay ni Asher."

Lumabi ako. "Wala pa silang sinaing." Narinig ko kasi kanina na pinagagalitan si Asher dahil sa sinaing.

Niyakap ako ni Isaiah. "Sorry, tinanghali ako. Kanina ka pa ba gising?"

"Kagigising lang din." Gumanti ako ng yakap. "Tara na sa ibaba. Magkape ka para makapag-drive ka nang maayos."

Magkahawak kami ng kamay na lumabas ng kuwarto. Nakasabay namin ang isa sa mga kuya ni Asher at ang girlfriend nito. Mukhang dito rin nakatulog. Nauna ang mga ito na bumaba at nasabon ang mga ito ng tatay ni Asher. Pinangaralan ang mga ito dahil mga college students pa lang. Hindi pala alam ng mga magulang ng mga ito na may inakyat na babae sa kuwarto ang kuya ni Asher kagabi.

Nagpahuli kami ni Isaiah at naghintay na umalis na ang nanay at tatay nina Asher bago kami bumaba. Pagbaba namin ay si Asher at Miko na lang ang nasa sala.

Nasa sofa nakahiga si Miko. Mukhang kagigising lang din. Busy ito sa phone. "Oh, pota! Si buntis, may bagong status chismis!"

Mukhang ang tinutukoy ni Miko na buntis ay ang nag-dropped out na kaibigan nilang si Nelly. Palagi ngang may post ito.

Si Asher na kalalabas lang sa kusina ay may hawak din na phone. Nabasa na rin yata ang tinutukoy na post ni Nelly sa Facebook. "Ewan dito kay buntis kung sino ang source. Ang chika niya, nasa Manila na raw ngayon iyong tukmol na si Wayne. Mukhang tinago na ng mga kunsintidor na magulang."

Balita nga sa buong school ang tungkol sa schoolmate namin na si Wayne Daniel Chung. Na-kicked out kasi ito dahil nahulihan ng marijuana sa bag kasama ang mga tropahan. May balita pa na hindi lang daw marijuana ang nakita.

Si Wayne iyong tinatawag na spoiled rich kid. Literal na tinapon mula sa private to public school. Guwapo lang talaga ito kaya naman marami ang nagkakagusto. Akala ko ay mabait, hindi pala. Nanaksak pa raw ito sa labas ng school. Gusto pang mandamay.

Nagpatunog ng mahahabang daliri sa kamay si Miko. "Natae kasi 'yang kupal na 'yan sa school noong elementary siya, kaya ngayon gumaganti sa mundo."

Sinitsitan ni Isaiah ang mga kaibigan. "Grabe naman kayo makahusga sa hayop na bwaka ng inang mega shithead na iyon. Be kind, guys."

Nang yumuko siya sa akin ay ngumiti. Inirapan ko naman siya.

Tinawag niya si Asher. "Boi, pagtimpla mo naman kami ni Vivi ng kape."

Napasimangot si Asher. "Nakitulog na nga kayo, nagpapatimpla ka pa sa akin ng kape? Sana all walanghiya."

Pinagtimpla pa rin naman kami ni Asher ng kape. Pinagsangag pa ako ng kanin at pinagprito ng itlog. Mabait talaga ito, ito ang pinakabunso sa tropahan nina Isaiah. Bunso rin ito sa sariling mga kapatid, kumbaga ito ang baby ng lahat.

Bago kami umuwi ay pinainit pa ni Isaiah ang tirang handa na menudo at spaghetti kagabi. Nagpabalot siya dahil iuuwi niya raw kay Tita Anya. Si Miko naman ay hindi nagpabalot dahil may pasalubong daw ang mama nito rito na kakauwi lang din galing sa duty.

Pagkahatid sa akin ni Isaiah ay tumuloy na ako sa aking kuwarto. Tama nga ako, walang tao sa sala, kaya walang sumita sa akin. Bandang tanghali na ako kinatok ni Mommy para yayaing kumain. Wala itong malay na wala ako sa buong magdamag.

HINDI NA KINA ELI. Sa bakuran na mismo namin pumupunta si Isaiah tuwing gabi. Hindi siya sa gate dumaraan kundi over the bakod. Tinataon lang namin na sarado na ang mga kapitbahay at tulog na rin sina Daddy.

Madilim sa bakuran kaya para hindi lamukin ay may baon palagi si Isaiah na katol at lighter. Sinisindihan niya iyon saka kami tumatambay. Puyatan. Nagi-stay siya palagi hanggang 2:00 AM.

Wala naman kaming gaanong ginagawa. Magkatabi lang sa damuhan. Foodtrip, kuwentuhan at kumustahan na akala mo ay hindi kami nagkikita sa school. Minsan ay naglalatag ako ng kumot para makahiga kami. Nakatingin lang sa stars sa langit, yakapan, 'tapos syempre may nagaganap na halikan. Hindi pa naman kami lumalampas sa kapaan.

Gabi-gabi iyon hanggang sa matapos ang schoolyear. Sa pagdalaw ni Isaiah ko nakayang lagpasan ang lungkot. Dahil sa kanya kaya nagagawa kong matulog nang mahimbing. Dahil sa kanya kaya kinaya ko. Tama ang napagtanto ko...

The key to happiness is Isaiah Gideon del Valle.

JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz