Prologue
OPERATION: ASSASSINATE QUIRO CASTILLO SAAVEDRA
Matapos kong itali ang aking mahabang buhok ay nagsuot ako ang dark shades. Nagpahid din ako ng kaunting red lipstick sa aking mga labi. Fitted dark sleeve less top na may patong na black jacket ang suot ko, sa pang-ibaba ay dark skinny jeans. Sa paahan ko naman ay high heeled leather boots na kulay itim din— my usual get up para sa side job kong ito.
Nandito ako ngayon sa parking lot ng Montemayor Condominium. Mula sa kotseng kinaroroonan ko ay sumilip ako sa labas ng windshield. I checked the perimeter if it was safe. And nice, walang katao-tao. CCTVs were everywhere pero madali namang iwasan.
Ngayong gabi ko isasakatuparan ang misyon na ibinigay sa akin ni Cobra — ang leader ng sindikatong pinagta-trabahuan ko. Planado ko na at nakalkula ang lahat. Eksakto din ako sa oras.
Mula sa glove compartment ay dinampot ko ang .38 caliber lady gun na gagamitin ko para itumba ang aking target: "The young billionaire: Quiro Castillo Saavedra"
Lumabas na ako ng kotse at maingat na naglakad papasok sa condo. Sumakay ako sa elevator patungo sa floor ng aking target. Same drill, same protocol.
Ilang sandali pa'y narito na ako sa harap ng pinto ng target. Nakapagtataka lang dahil bahagyang nakabukas ang kanyang pinto. Bakit hindi niya ini-lock? Ang bobo naman ng bilyonaryong iyon.
Something was not right here kaya't hinanda ko na agad ang baril ko. Marahan akong humakbang papasok.
Pinagmasdan ko ang kabuuhan ng condo. Sa klase ay malinis at masinop na tao ang target. Organized ang lahat ng gamit na halatang lahat ay mamahalin.
Sumilip ako sa kitchen ngunit walang tao ro'n. Wala ang target doon. Dumiretso ako sa shower room at study, pero wala rin siya ro'n.
I doubt na wala siya rito sa kanyang condo. Matalas ang aking pang-amoy at nalalanghap ko ang aroma ng kape na kagagawa lang. Pihadong nasa kwarto siya dahil iyon na lang ang hindi ko napupuntahan.
Sumilip ako sa nakaawang na pinto ng bedroom, and I found him there. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatalikod sa gawi ko. Tumingin siya sa suot na wristwatch habang lihim ko siyang pinagmamasdan.
"You're late."
Kamuntik na akong mapatalon sa sinabi niya. He knew that I was here?
"Come in," sabi pa niya sa kalmadong boses.
Mabilis akong lumapit sa kanya at tinutukan siya ng baril. "Mr. Saavedra?"
"Yes. It's me."
Gusto ko na siyang barilin pero hindi ko gustong pumatay na nakatalikod sa akin ang target ko. "I'm here to kill you."
"I know." Kalmado pa rin siya. Ang totoo ay nagugulat ako sa kilos niya dahil para bang alam na niya ang lahat.
"Any last words?"
Marahan siyang tumayo at umiling.
"So my assassin is a lady, huh?"
Napaatras ako dahil sukat ko ang distansya ng kanyang mga braso. Mataas ang range ng mga ito at gasino lang na maagaw niya sa akin ang baril. 'Come on, turn around' sabi ko sa isip. 'Gusto kong makita ang fez mo.' Makita ko lang ang kanyang mukha ay puwede ko na siyang barilin.
Ilang segundo lang ay kampante siyang humarap sa akin. Hindi ko alam kung bakit nang magtagpo ang mga mata namin ay may kung anong nagpahinto ng mga ugat ko sa daliri. Gustung-gusto ko nang kalabitin ang gatilyo pero napahinto ako. Shet naman kasi, bakit ubod siya ng guwapo?!
Oo, alam kong guwapo siya, pero hindi ko akalaing ganito kaguwapo sa personal!
Ang kulay tsokolateng mga mata, parang mata ng agila! Matapang, mariin tumitig. At ang pilik-mata, mahaba pa kesa sa pilik-mata ko. Medyo kulot ang buhok na hindi ko tiyak kung natural blonde ba talaga. Matangos ang ilong at mapula ang mga labi. Makinis din ang mukha at mapanga ang lalaki. In short—guwapo! Guwapo talaga. Sayang ang lahi kapag maagang natsugi!
Mas naligalig ang sistema ko nang tumayo siya at ngumiti sa akin. Expected ko nang matangkad siya pero hindi ko akalaing jumbo pala! At ang damit, pak! Yayamanin. Elegante. Fafa. He was wearing a black coat at fitted na pants pero nakayapak. Malinis at mahahaba ang daliri niya sa paa.
Nang humakbang siya patungo sa akin ay kusang napapikit ang mga mata ko. Naamoy ko agad ang mamahalin niyang pabango.
Gusto ko na talaga siyang barilin sa dibdib subalit nang mapatingin ako sa bahagi niyang iyon ay lalo lamang akong nagdalawang isip.
"Something's wrong?" tanong niya, nakangiti pa rin.
Teka ano bang ingini-ngiti-ngiti niya?!
Ok, fine! He was gorgeous, But for the record, I still needed to kill him. Bigla na lang may kumibot sa kaibuturan ko nang mas tumiim ang titig niya sa akin.
Bumuka muli ang mapula niyang mga labi. "You know what? You're beautiful."
Ewan pero pakiramdam ko ay nag-init ang aking mukha dahil sa kanyang sinabi. "T-thank you. A-any last words?"
Namulsa siya sa suot na pants. "None."
Then I must kill him. But damn it, ayaw gumalaw ng aking daliri!
"I just wanna die," aniya habang nakatitig sa akin.
"Bakit gusto mo nang mamatay?" nawala ako sa sarili at naitanong ko sa kanya.
"I'm bored."
"Bored saan?"
Nagdilim ang kanyang guwapong mukha. "I have everything. And it seems to me that I'm done here."
"Iyon lang ang dahilan mo?"
Umangat ang isa sa makakapal niyang kilay.
"Ba't gusto mo nang mamatay? Mayaman ka..." Napalunok ako. "S-saka may hitsura ka."
"Oh, yeah?"
"W-wala ka bang balak bumuo ng pamilya?" Totoo ba ito? Ngayon lang yata ako nagkandautal nang ganito! Saka bakit ba nakikipag-chikahan pa ako sa kanya? Dapat ngayon ay pinapatay ko na siya, 'di ba?!
Nagulat ako nang lumamlam ang kanyang mga mata. "Wala naman nang magseseryoso sa 'kin."
"H-how can you be so sure?" Sa guwapo at hot mong iyan? Gusto ko pa sanang idugtong.
"Because I'm a Saavedra." Binaklas niya ang kanyang kurbata at saka ihinagis sa kung saan. "Pera lang ang magiging habol nila." Pagkatapos ay sinimulan niyang kalasin ang butones ng suot na polo.
Nanlaki naman ang mga mata. Anong ginagawa niya?!
"H-hoy, b-bakit naghuhubad ka?!" Humigpit ang hawak ko sa baril. Kahit malamig ang paligid dahil sa AC ay biglang namawis ang kili-kili ko.
"I wanna die like this." Hinubad niya nang tuluyan ang suot na polo at saka ibinagsak sa sahig.
"L-like wh-what?" utal-utal na ako dahil nasa abs niya na ngayon ang paningin ko.
"Naked," sagot niya. Nakangisi siya nang magtama ulit ang aming mga mata. Mayamaya pa'y binabaklas na rin niya ang kanyang sinturon. "I wanna die naked."
"S-sandali!" sigaw ko. Nalilito na talaga ako kung babarilin ko ba siya o ano!
Ipit-ipit ko ang aking mga hita dahil iba na ang aking nararamdaman. Iba ang dating sa akin ng lalaking ito.
Tuloy lang siya sa kanyang ginagawa. Hanggang sa heto nga, naka-boxers na lang siya!
Hindi na ako makatingin sa kanya. "B-babarilin na kita..."
"Wait. Isa na lang naman ang huhubarin ko at puwede na–"
"Tumalikod ka!" sigaw ko nang makitang nakahawak na siya sa garter ng pambaba niya. "Utang na loob, 'wag mong ibababa iyan!"
"What?"
"A-ayokong makita 'yan!" Nagpa-panic na ako.
"Ang alin?"
"Iyan!" Inginuso ko ang harapan niya.
Napatingin siya roon. "Hindi ka pa ba nakakakita nito?"
Umusok ang aking ilong. "Anong palagay mo sa ganda kong ito? Walang jowa?! Nakakita na ako niyan! At mas malaki pa riyan!"
Kalmante siyang nagsalita. "Well then, let's see if mas malaki ba talaga 'yung sa jowa mo kaysa rito sa'kin."
"Bastos! Babarilin na talaga kita!"
"Wait! Ito na, tatalikod na lang ako." Tumalikod siya at saka siya naghubo. Tumalbog ang makinis at mapintog niyang puwet.
Lalo akong napalunok. "R-ready na ba?"
"Okay na," huminga siya nang malalim. Akma ko na siyang babarilin nang magsalita siya muli. "Ayaw mo ba talagang humarap ako sa'yo?"
"Ayoko nga, putragis ka!"
"Fine. Just shoot me."
Iyon din ang gusto ko nang gawin. Kaya nga lang ay tila may pumipigil sa akin.
"Could you at least tell me your name," hirit niya.
Kusa namang bumuka ang aking bibig. "Tawagin mo na lang akong Tecla."
Putsa! Bakit ba nasabi ko sa kanya ang pangalan ko?!
Kumibit ang balikat niya. "I'm Quiro Saavedra. You can call me 'Q' if you want."
"I know all about you. Pinag-aralan ko ang pagkatao mo bago ako nagpunta rito."
"You're too beautiful to be an assassin, has someone told you that?"
"Bakit ba ang daldal mo?" Napi-pikon na ako. Ito ang unang beses na nakipag-chikahan ako sa target ko.
"Because I want to be killed facing you."
May tumulong butil ng pawis sa sentido ko. Hindi yata ako handa na makita ang harapan ng lalaking ito.
"Come on! It's just my cock."
"It's not just a cock!"
"I know. It's a monster cock."
Yabang, ah. "Ilang inches ba yan?"
"Eight? Nine?"
"Fine. Humarap ka na."
Marahan siyang humarap sa akin. Iniwasan kong mapatingin doon. Subalit nalilito pa rin ako. Kusa kasing naglalakbay ang mga mata ko. "Tangina!" Napapikit ako.
"Why?"
Pilit ko na lang idinilat ang aking mga mata. "Bakit nakatayo 'yan?!"
Tumingin siya ro'n, "sorry. Ang ganda mo kasi."
Ano bang iniisip ng lalaking ito? "Okay... B-babarilin na kita, ah?" Kandautal na naman ako.
Pumikit siya. "Go on. I'm ready."
Itinutok ko sa kanya ang baril. Pero ang mga mata ko – nakatutok sa kanyang—
"Tagal mo naman."
Nagtagis ang bagang ko. "Peste kasi, istorbo kasi yang titi mo."
"Inaano ka ba ng titi ko?"
"Hindi mo ba mapapalambot 'yan?"
Hinawakan niya iyon at pinagpag. "Calm down... calm down..."
Bumagsak ang balikat ko. Nakakasira ng momentum. "Ano ba kasing problema n'yan? Bakit ba galit na galit 'yan?" Saka ko lang namalayan na nakatitig na pala ako roon.
"Ewan ko ba. Ayoko namang mamatay ako nang nakatirik 'to."
"Eh, kung dyan na lang kita barilin?!" Napikon na ako. Limitado lang kasi ang oras ko at nauubos na ito. Anytime soon ay tatawag na si Cobra para i-confirm kung natapos ko na ba ang trabaho. Baka mamaya nito ay wala akong maisagot, mayayari ako.
"Could you shoot me at my chest? Ayokong mamatay ng sabog ito."
Pumikit ako. Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakalma ang sarili. "I lied to you."
Nakatitig lang siya sa mga mata ko.
"Hindi pa ako nagkaka-boyfriend." Ngumisi ako. Pagkasabi'y pinaputok ko na ang baril.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz