Chapter 40
CHAPTER 40
"CONGRATULATIONS!"
Mangiyak-ngiyak ako habang nakatitig sa monitor ng ultrasound. Kahit halos wala pa naman kaming nakikita ay nag-uumapaw ang emosyon sa puso ko. Pinagamit ako ng doktor ng tatlong pregnancy test kit at lahat ng iyon ay pareho ang resulta.
Positive.
Ngunit hindi nagpaawat si Timothy Hugh dahil nag-request pa talaga siya ng ultrasound kaya't nakahiga ako ngayon sa kama habang sinusuri ng OB-Gyne na inirekomenda ng kaibigan niyang doktor.
"Where's the baby, Doc?" Timothy asked. Hindi pa rin nawawala ang excitement sa mukha at boses niya. Hindi matanggal ang kanyang mga mata sa ultrasound monitor. Natawa ang babaeng doktor.
"It's too early for the ultrasound naman kasi talaga, Mr. Bustamante. Kaya wala pa tayong nakikita. Kasi nasa 3 to 4 weeks pa lang ito, pero kung gusto ninyo, bumalik kayo rito after 2 weeks para marinig na natin ang heartbeat ni baby."
Timothy brought my hand to his lips and kissed the back of it. Nag-init ang pisngi ko dahil nakita iyon ng doktor.
"Alright, Doc. Is there anything my wife needs to take like vitamins or any kind of food she needs to eat on a daily basis?"
Lalong natawa ang doktor sa mga katanungan niya. Nakagat ko na lang ang aking ibabang labi dahil ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Timothy. Namamangha pa rin ako kapag may nadidiskubre akong katangian niyang bago.
Pero bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-sink in sa utak ko ang kanyang sinabi.
Wife.
He called me his wife. Nagkasalubong mga mata namin ni Doc at ngumiti siya sa akin nang pagkalapad-lapad. "Hindi halatang excited si mister sa magiging baby ninyo," aniya.
Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko kaya't ngumiti na lang ako pabalik kahit na ramdaman kong pulang-pula ang aking pisngi ngayon.
"I guess, first baby ninyo ito, 'no?"
Magalang akong tumango sa doktor.
"Normal lang 'yan talaga sa mga first time dad. Anyway, simula ngayon, ingatan mo na ang sarili mo. Iwasan mo na ang kahit anong inumin o pagkain na may caffeine, mga alcoholic drinks, at mga soda, okay?"
"Okay po—"
"That is noted, Doc."
Pareho kaming napatingin ni Doc kay Timothy dahil nakikinig pala siya nang maigi kahit na hindi maalis-alis ang kanyang tingin sa ultrasound monitor at pabalik-balik sa aking tiyan.
"Mabuti na rin pala na kasama mo ang asawa mo sa pagpapa-checkup para atleast pati siya ay alam niya kung paano ka alagaan," ani muli ng doktor.
Gusto ko sanang magprotesta at itama ang kanyang sinasabi na mag-asawa kami kaya lang parang pakiramdam ko ay ang sarap sa pandinig.
Pagkatapos naming magpasalamat at kunin ang niresetang vitamins ni Doc ay nagpasya na kaming umuwi. Sinigurado pa muna ni Timothy na okay na ako bago pumayag na umuwi. He even asked the doctor to check my vitals again. Kaunti na lang iisipin ko nang napapraning siya.
Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Maging ako kasi ay maya't mayang napapahawak sa tiyan ko. Pinapakiramdam ko ang aking sarili. I can't wait to hear the heartbeat of this little thing inside of me. Magkahalo ang excitement at kaba ang nararamdaman ko. Kaba dahil hindi ako sigurado kung magiging mabuti ba akong ina sa kanya. Pero sa tuwing may humahawak sa aking kamay ay napapanatag ang loob ko.
Timothy keeps watching on me. Halos ayaw niya akong ihiwalay sa kanyang katawan. Hawak-hawak niya ang aking kamay mula sa loob ng ospital hanggang sa makasakay kami ng sasakyan. Dumaan lang kami saglit sa isang pharmacy para bilhin ang vitamins at gatas na ni-recommend din ni Doc.
"Nag-alala kami sa 'yo. Kumusta na ang pakiramdam mo, Zia Lynn?" alalang tanong ni Nanay Sol pagkarating na pagkarating namin sa mansyon.
Agad naman na nagkumpulan ang tatlong Maria sa akin at binato ako ng sunod-sunod na tanong. Pero agad din silang napatigil nang hinila ako ni Timothy saka niyakap para hindi sila makalapit.
"Please let her rest. Bukas n'yo na siya kausapin," tila senyoritong utos niya.
Sabay na napakamot sa ulo ang tatlong Maria. Hindi ko maiwasang mailing dahil parang wala lang sa kanya na yakap-yakap niya ako sa harap ng mga kasambahay.
"Pasensya na, anak. Nag-alala lang naman kami."
Sinilip ko si Nanay Sol mula sailalim ng kili-kili ni Timothy. Maging sa kanya kasi ay inilayo niya ako. Marahan kong binaklas ang pagkakayapos niya sa akin saka humarap kina Nanay Sol.
"Okay na po ako, Nay Sol. Salamat sa pag-aalala ninyong lahat."
Nginitian ko sila. Binalingan ko si Timothy na ngayon ay nakakunot na ang noo. "Excuse me, hindi ako pagod para pagpahingahin mo. Wala naman akong ginawa sa ospital kundi mahiga."
Tumaas ang sulok ng kanyang labi pati na rin ang isa niyang kilay na parang sinasabi niyang are you sure? At nag-init ang pisngi ko nang maalala ang ginawa namin kaninang madaling araw sa loob ng private room doon. Mabuti na lang at walang bumukas ng pinto. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako sa tuwing naalala ko 'yon.
"Namumula ka, Señorita!" pasimpleng tukso ni Milagros. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Kahit kailan talaga napaka-mimosa ng isang 'to.
"Oo nga. Parang may iba sa 'yo ngayon. Parang lalo kang gumanda!" segunda ni Dionesa.
"Ang sabihin n'yo parang bulaklak na kadidilig lang!" walang prenong saad ni Susana na nagpalaki sa aking mga mata.
I gave them a death glare; but instead of saving me, I heard Timothy's soft chuckle from behind. Hindi pa man ako nakapagsalita nang hinapit niya ako sa baywang saka binulungan sa tainga.
"You're blushing, Love."
Iwinaksi ko siya at sinamaan din ng tingin. Humagikhik ang tatlong Maria. Hindi alintana ang banta kong paningin sa kanila.
"Ay! May pabulong si Señorito! Pa-share naman ng binulong sa 'yo!" tudyo ni Milagros saka sinundot ako sa tagiliran kaya bahagya akong napaigtad.
"Hey, be careful! She's pregnant!"
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa gitna ng sala. Maging ako ay nagulat sa biglang ibinulalas niya. Ang tatlong Maria pati si Nanay Sol ay kanya-kanyang takip ng kanilang mga bibig. Tila hindi pa nila napoproseso ang kanilang narinig kaya napailing ako.
Muli akong hinapit ni Timothy saka hinalikan sa ulo. Pumitik siya sa ere at kasunod no'n ay sabay-sabay na bulalas ng mga Maria.
"Hindi nga? Buntis ka?"
Napatakip ako ng aking magkabilang tainga sa lakas ng kanilang mga boses. Namimilog ang kanilang mga matang nakatingin sa bandang tiyan ko. Maging si Nanay Sol ay tila hindi makapaniwala pero bakas ang saya sa kanyang mukha.
"You heard it, right. That's why you have to be very gentle with Zia Lynn. Don't do anything that would give her stress."
Tumili ang tatlong Maria, sabay high-five sa isa't isa. Napasuntok pa sa ere si Milagros na animo'y nanalo sa pustahan. Napailing na lang ako sa kakulitan nilang tatlo.
"Huwag kang mag-alala, Señorito, aalagaan namin si Zia Lynn at iingatan," ngingiti-ngiting untag ni Susana.
"Kaya pala kahapon parang ayaw mong kainin ang sinigang na ni Nay Sol. 'Di kaya nagbago na ang panlasa mo? 'Di ba sabi nila gano'n ang mga buntis? Kakaiba ang cravings, tapos madalas hindi na nila bet kainin ang mga pagkaing dati nilang kinakain," tila henyong ni Dionesa.
"Kaya pala ang kakaiba ang glow mo," hagikhik ulit ni Milagros. Lalapitan niya sana ako ngunit niyapos ako ni Timothy.
"That's enough. Have you prepared the room for us, Milagros?" biglang untag niya. Mabilis namang sumaludo ang Maria.
"Opo, Señorito. Nilipat ko na agad ang mga gamit ni Zia sa kuwarto n'yo pagkababa n'yo ng tawag kanina sa telepono."
My eyes widened. I stared at him questioningly, but he just winked and held my hand.
"Let's go upstairs?" Iminuwestra niya ang hagdan.
Wala sa sariling napatango ako at nagpatianod. Nagtitili pa rin sa kilig ang tatlong Maria habang paakyat kami sa hagdan.
True to his words, nasa kuwarto na nga niya ang mga gamit ko. Bago na ang mga kurtina, pati ang kobre kama ay puti na ang kulay. Mas malaki itong kuwarto niya kaya kasya ang apat katao, pero parang kakapusin ako ng hangin kapag kasama ko siya sa iisang silid. Paano kasi laging bumibilis ang tibok ng puso ko kapag magkadikit kami, tulad ngayon.
"Bakit kailangan ko pang lumipat dito? Okay lang naman ako sa guest room." I looked away.
Tinitigan niya lang ako. "I need to look after you all the time." He sighed. "Ayaw kong mangyari ulit sa 'yo ang nangyari the other night."
Rumehistro ang pag-aalala sa kanyang mga mata kaya nakakaintinding tumango na lamang ako. "I'm sorry, pinag-alala kita."
"You don't have to say sorry. It wasn't your fault. Hmm?" Pinisil niya ako sa ilong nang mahina.
Pinaupo niya ako sa kama saka nag-dial sa extension. Binilin niya kay Ismael na ibigay kay Nanay Sol ang mga binili kanina sa pharmacy. Nakasunod lang ang aking mga mata sa bawat kilos niya. Napalunok ako nang mapadapo sa kanyang pang-upo ang aking paningin. He's undeniably gifted with manly curves. Hindi ako makapaniwalang ilang beses nang nag-isa ang aming katawan.
"Yes, Love?" He eyed at me while holding the phone.
Agad akong nag-iwas ng tingin saka tumayo. "M—Magbibihis lang ako."
Agad akong pumasok sa walk in closet para magpalit ng damit. Parang may mga kabayong nagkakarerahan sa loob ng dibdib ko. Sharing the same room with him is totally different. Para akong nasa hinihila paakyat sa ibabaw ng mga ulap.
KINAUMAGAHAN ay nagising ako sa maliliit na halik sa aking leeg at pisngi ngunit hindi pa ako nagmulat kaagad. Ang gaan kasi ng pakiramdam ko at ang bangu-bango ng unan kaya mas hinigpitan ko pa ang pagyakap.
Kung ganito lang din araw-araw, ang sarap mabuha—
Napatigil ako saka napadilat nang mapagtanto kong parang ang tigas ng unan ko. At ang iyong halik hindi tumitigil.
"Anong—"
"Good morning, Love."
Bumulaga sa paningin ko ang maaliwalas na mukha ni Timothy. Namumungay ang kanyang mga matang nakatitig sa akin. I looked down. Agad akong bumitaw nang ma-realize ko na nakayakap pala ako sa katawan niya at siya naman ay nakapulupot ang kamay sa baywang ko.
We slept together last night, but nothing happened.
"G—Good morning." I stuttered. Para akong malulusaw sa kanyang mga titig. Uusog sana ako sa kabilang bahagi ng kama ngunit hinila niya ako. Kinuha niya ang kaliwang braso ko saka muling iniyakap sa kanyang katawan.
"This is life," he uttered.
"Magtatanghali na. Bangon na tayo."
"But I want you to hug me a little longer, please?" ungot niya saka inilibing ang kanyang mukha sa aking leeg. Parang kinikiliti ako lalo na at ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking balat. Tila ginigising niya ang kakaibang sensasyon sa aking katawan. Kaya bago pa man mangyaring kakaibang agahan ay agad na akong nagdeklara ng retreat.
"G—Gutom na kami ni baby," hirap kong tugon.
"Oh, dammit! I forgot!" Diresto siyang bumangon. Pagkatapos ay ibinaba ang kanyang mukha sa aking tiyan. "I'm sorry, baby," bulong niya sabay halik doon.
"Let's go down and eat. Naghihintay na ang barko sa atin," aniya.
Inalalayan niya akong bumangon. I eyed at him. "Barko?"
He smiled at me widely. "Yes, we'll go back to Iloilo."
Hindi na ako nakaangal. Inalalayan niya ako pababa. Pati sa pagkain ay tiniyak niyang may prutas sa lamesa. Siya pa ang naghanda ng gatas at vitamins ko. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil lalo lang niyang napatunayan sa akin kung gaano niya ako kamahal.
Hanga ako sa pagkatao niya dahil kahit ilang beses akong nagkamali ay hindi niya ako iniwan sa ere. Tinanggap niya lahat ng masasamang salitang hindi ko sinasadyang mabitawan laban sa kanya. Kakaiba siyang magmahal at hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya. Hindi niya inalintana ang mga naging epekto ng sobra-sobra niyang pagmamahal.
I've made mistakes one after another. I've made bad decisions that hurt him. When all along I thought I'd lost him, he was there. His love is brave and selfless. His heart is overflowing with reckless love.
"Slowly, please?" untag niya. Nakatakip kasi ang mga mata ko habang inaalalayan niya akong maglakad.
Hindi ko alam kung nasaan na kami. Basta pagkababa namin kanina sa barko ay sinundo kami ng kotse. Si Ismael din ang nag-drive dahil sumama siya sa biyahe. Sigurado rin akong wala ako sa bahay namin dahil iba ang daan na binabagtas namin kanina.
"Ano ba kasi ang ipapakita mo at kailangan mo pang takpan ang mga mata ko?"
Mahinang tawa lang ang itinugon niya sa akin. Pero ramdam ko sa aking balat ang malamig na dampi ng hangin. Sa 'di kalayuan ay parang naririnig ko rin ang hampas ng alon. Pero hindi ko naman nararamdaman ang buhangin sa aking paa.
"Patience, Love." I felt his breath against my skin. Ang hilig niyang bumulong.
Pagkatapos ng ilan pang hakbang ay tumigil kami. "We're here," deklara niya.
Agad ko namang hinawakan ang pagkabuhol ng panyo na nakatali sa palibot ng ulo ngunit naunahan niya ako. Nang matanggal na iyon ay pumikit-pikit pa ako dahil saglit na nagdilim ang paningin ko.
"Nasaan tayo?"
Napaawan ako nang mapagtantong nasa harap kami ng isang malaking bahay. Halos kasinglaking na ito ng mansyon sa Negros. Sa 'di kalayuan ay nando'n nga ang dalampasigan. Pamilyar sa akin ang lugar na ito kahit na matagal na akong hindi nakapunta buhat nang maghiwalay kami noon. Pero ang pagkakatanda ko ay wala pang bahay na ito noon.
Napalingon ako sa kanya.
"Nakikita mo 'yong lupang 'yon?" turo ni Hugh sa malawak na lupain sa tabi ng dalampasigan.
Nangingiting tumango ako kahit hindi niya nakikita ang aking mukha dahil nakayakap siya sa akin mula sa likod. Manaka-naka niyang hinahalikan ang buhok kong nililipad ng hangin.
"Doon natin itatayo ang ating mansyon. At pupunuin natin ng maraming anak para masaya at maingay."
His voice was full of hope. Tila siguradong-sigurado na siyang ako talaga ang makakatuluyan niya balang araw.
"Ilang anak ba ang gusto mo? Ako kasi gusto ko dalawa lang. Isang babae at isang lalaki," I responded dreamily.
I only see myself marrying Timothy Hugh Bustamante. Mahal na mahal ko itong lalaking nakayakap sa akin.
"Gusto ko naman anim. Limang lalaki at isang babae. Para marami siyang tagabantay," aniya.
Napaluha ako nang may maalala. Hindi agad ako nakapagsalita dahil hindi ako makapaniwala. Magara ang bahay, puti ang pintura at hindi ko alam kung paano niyang naipatayo ito nang gano'n kabilis.
"K—Kailan pa?"
"Two years ago. I built this house kahit hindi ako sigurado na babalikan mo pa ako. I'm glad I did because you're here." Malalim niya akong tinitigan.
"Hindi mo pa rin pala nakakalimutan 'yon. Akala ko kasi nagbibiro ka lang noon na—"
"I told you, everything is serious when it comes to you, Love." He held me closer to his body. Niyakap niya ako mula sa likod habang nasa harap kami ng main door ng bahay.
"Kung gano'n, bakit hindi ka nagpakita nang mahigit dalawang linggo? Hindi mo rin sinagot ang mga tawag at text ko," naiiyak kong saad nang maalala ang huli naming pagtatampuhan.
"I was busy manning the worker to furnish this house. I'm sorry, Love. I did not intend to ignore you. I just had to focus so I can show you my surprise sooner."
My heart melted. Saganang umagos ang aking mga luha. Hinarap ko siya saka hinawakan sa pisngi. "Ibig sabihin hindi ka talaga nagalit sa akin dahil sa mga sinabi ko? Dahil sinisisi kita sa nangyari kay Papa?"
"Not ever," he assured. "I can never be mad at you," he answered, planting a kiss on my temple.
"Salamat!"
Niyakap ko siya nang mahigpit habang naiiyak. I couldn't be more grateful because of this man. I mouthed several thank you's while hugging him tightly. Nang maghiwalay kami ay pinahid niya ang aking mga luha gamit ang kanyang daliri.
"Patawarin mo ako kung ilang beses kong pinagdudahan ang pagmamahal mo. Ilang beses kong kinuwestyon ang pagkatao mo. Pero babawi ako sa 'yo, Timothy. Sasamahan kita sa pagtupad ng mga pangarap mo. Sasamahan kita bawat oras."
He grabbed my nape and gave me a full-blown kiss. Napapikit ako at dinama ang kanyang mga labi.
"I have nothing else to ask for, Love. I'm already living my dream," he whispered after the kiss.
©GREATFAIRY
. . . .
Get updated on my latest book releases when you follow my Official Facebook Page, GreatFairy.❤ See below for the photo. Thank you po. Ingat!
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz