ZingTruyen.Xyz

Reckless Love

Chapter 19

greatfairy

CHAPTER 19

"WHY do you keep on avoiding me, hmm?" he gently whispered behind my ear.

My breathing hitched. He breathes ruggedly against my bare skin, and that sent me chills down to my spine.

Ramdam na ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa bawat ugat ng aking katawan.

"Uhm..."

Bumuka ang aking bibig ngunit agad ko rin iyong isinara. Tila umurong maging ang aking dila.

"Don't you know the more you resist me, the more I become addicted to you? Hmm?"

Nahigit ko ang aking hininga nang lumipat siya sa kaliwang bahagi ng aking tainga. Ang kanyang magkabilang braso ay nakapulupot sa aking katawan. I felt his lips brushing against my skin.

"S...Senyorito."

"Yes, Love?" he whispered erotically. Nanindig ang aking mga balahibo. Diyos ko! Inaakit ba ako ng amo ko?

"I love it when you call me Señorito. Your lovely voice makes me feel like you need me," he whispered, giving me a kiss mark at the side of my nape.

Nanghina ang aking mga tuhod. Gusto kong kumawala ngunit sa kabilang banda'y tila nagugustuhan ko ang kanyang ginagawa. Diyos ko!

Hindi! Mali ito! Maling-mali.

Hinawakan ko ang kanyang mga brasong nakapulupot sa aking baywang saka buong lakas na binaklas ang mga iyon. He grimaced.

"M...mali ho ito," mahinang sambit ko.

Inilang hakbang ko ang pinto para makatakas sa kanyang silid ngunit hindi ko pa man nahahawakan ang seradura ay bigla niya akong hinaklit saka pinaharap sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata nang isinandal niya ako sa pinto.

Sa pinto na naman.

"Hindi isang exam ang pagmamahal ko sa 'yo, Zia Lynn. Na ikaw ang magpapasya kung tama o mali. Why do you keep holding yourself?" he asked frustratedly. He locked his arms on my sides.

"Bakit hindi mo aminin sa sarili mo na mahal mo pa rin ako, huh?" mariin niyang tanong. Nagsusumamo ang kanyang mga mata. Gustong-gusto ko nang bumigay ngunit natatakot ako na maaaring mali na naman ang magiging desisyon ko. Gusto ko munang makasigurado bago ako magpasya.

"What keeps holding you back, huh?"

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang malalim niyang mga titig, dahil baka tuluyan na akong bumigay.

"Dammit!" He run his fingers through his hair. Sinalakay ako ng konsensya, ngunit sumagi sa isip ko ang aking pamilya. Sila muna ngayon. Kung talagang para kami sa isa't is ana Hugh, darating din ang araw na iyon.

"Lalo mo akong binabaliw, alam mo ba iyon?" namamaos niyang untag.

"S...Senyorito—"

"Damn!"

Napasinghap ako nang bigla niyang inatake ang aking mga labi.

His tongue teased its way to go in, and I eventually gave in. Napakapit ako sa kanyang braso. Namalayan ko na lamang ang sariling tumutugon sa kanyang halik.

Huli na talaga ito! Pagbibigyan ko muna ang aking sarili.

"I love you so much, Zia Lynn..." he murmured in between the kisses.

Wala na ako sa huwisyo. Hinayaan ko siyang sakupin ako.

His kisses were telling me that he wants me so much. Ramdam ko ang kanyang panggigigil sa bawat paghagod ng kanyang mga labi. Unti-unti akong nalalasing sa sensasyong ibinibigay ng bawat halik niya sa akin.

"I love you..." I heard him whispered again.

Para siyang bampirang hindi nakainom ng dugo sa loob ng ilang taon. His lips went down to my jawlines, down to the crook of my neck. My eyes momentarily closed.

Parang ayaw ko na siyang tumigil. Marahil kahit sa ganitong paraan lang kahit papaano maramdaman niyang siya pa rin ang mahal ko. Kahit ngayon lang.

"Mahal na mahal na mahal kita!" muling untag niya.

I felt his hand cupping the valley on my chest while his kisses went up again. Kahit may suot akong makapal na tela ay ramdam ko ang init ng kanyang palad. Nanginig ang aking mga tuhod. Nababaliw na rin ako!

Muli niyang sinakop ang aking mga labi. Napadiin ang aking mga kamay sa malapad niyang dibdib. Tila biglang uminit ang buong paligid. Ngunit lasing na lasing na ako sa kanyang mga halik para pigilan pa siya.

I gasped when I felt something poking my belly. Doon na kami parehong natigilan.

Napatakip ako sa aking bibig. Malapit pa rin ang kanyang mukha sa akin. Nakasandal pa rin ako sa likod ng pinto.

Lalo akong namilog nang mapansing nakabukas na ang unang dalawang butones ng aking suot na uniporme at sumisilip ang aking—

Nataranta ako't hindi magkaundagaga sa pagsara niyon. Bahagya siyang napalayo sa akin dahil muntik ko na siyang maitulak. Ngunit nasa gilid ko pa rin ang isa niyang braso, nakatukod sa pinto.

"M—mali ito."

I heard him chuckled. Was it just me or I saw amusement in his eyes?

"Try harder, Zia Lynn, because I swear, I'm gonna do everything until you give in," he whispered sexily.

Pinandilatan ko siya saka buong lakas na itinulak.

Tinalikuran ko siya't pinihit ang pinto. Ngunit naestatwa ako nang inisang hakbang niya na naman ako't niyakap mula sa likod. I felt his lips at my nape.

Diyos ko! Hindi maaari.

Akma kong babaklasi ang kanyang kamay nang maramdaman ko ang malamig na bagay sa aking leeg.

Ang kuwintas!

"Don't you dare take this off again," banta niya.

Pero paano niya nakuha? Ang alam ko'y itinago ko iyon sa drawer ng vanity table sa loob ng kuwarto ko.

Saglit akong natulala kaya't hindi ko napansing nasa harapan ko na siya. Kinuha niya ang isa kong kamay.

"And this should always be here," tila presidenteng sambit niya bago isinuot ang singsing sa akin.

Ang promise ring na ibinigay niya noon!

"Don't you dare take this off as well, or else I will lock you inside my room for a night. And I will make sure my lips will never leave any part of your skin—untouched," he threatened hoarsely.

Napanganga ako sa kanya.

"Now, go. Before I totally lose my control and take you here right now," aniya saka tiningnan ang kanyang ibaba. Wala sa sariling sinundan ko rin iyon ng tingin, na siyang pinagsisihan ko.

Nanlaki ang aking mga mata.

"Bastos!" bulalas ko.

Marahas kong binuksan ang pinto para makalabas. Ngunit rinig ko pa ang mahina niyang halakhak bago ako tuluyang nakalabas.

Napasapo ako sa aking dibdib. Ngayon ko lang napagtantong kanina ko pa pala pinipigilan ang aking sarili kaya't habol-habol ko ang aking hininga. Sumandal ako sa pader ng hallwaypara pakalmahin ang aking sarili.

What the hell just happened?

Did we just make out?!

My face heated up. Binatukan ko ang aking sarili. Diyos ko! Walang ipinagbago, napakarupok ko pa rin.

Last na talaga 'yon! I chanted. Napakarupok ko talaga! Ikinahihiya ko ang aking sarili.

"Nasaan si Timothy?"

"Hayun matigas na."

"Ano?!"

Natutop ko ang aking bibig at nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang aking sinabi.

"Raquel?"

Sa sobrang lutang ko'y hindi ko napansing nasa harapan ko na pala siya. Pero teka, ano na naman kaya ang ginagawa niya rito sa itaas?

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. At saka mula paa hanggang ulo. Tama sina Milagros, parang Donya palang umasta itong si Raquel. Pero hindi ko naman siya masisisi kung masama na ang trato niya sa akin. Alam kong nagmamahal lang siya.

"Ano'ng sinabi mo? Ano'ng matigas?" mapanghusgang tanong niya. Tinaasan pa niya ako ng kilay.

"Ah, ibig kong sabihin ang tigas ng ulo ni Senyorito. Kasi sinabi ko na sa kanya kaninang nalinis ko na ang kuwarto niya, ayaw maniwala. Hayun, pinalabas ako. Okay na raw," palusot ko.

Humalikipkip siya sa aking harapan.

"Sinungaling! Tiyak na palihim mo siyang nilalandi. Nananadya ka para kunin ang atensyon niya." Nanlisik ang kanyang mga mata. Napaatras ako.

Siya kaya ang palihim na lumalandi sa akin. Gusto ko sanang isagot kaya lang baka itulak niya ako sa hagdan.

"Alam mo, Raquel, hindi ako ang kalaban mo rito. Huwag kang mag-alala, trabaho lang ang pakay ko rito. Sa'yong-sa 'yo na si Senyorito Timothy. Hindi ko siya aagawin sa 'yo," labas sa ilong na tugon ko. Sa tingin ko talaga malapit nang sumundol sa kisame ang sungay ko dahil ilang beses na akong nagsinungaling. Pero malapit na akong mawalan ng pasensya kay Raquel.

Napangiwi ako nang bigla niya akong hinaklit sa braso.

"Talaga lang, ha? Hindi kasi gano'n ang nakikita ko. Alam mo, Zia Lynn, maganda ka naman. Puwede mong puhunan 'yang katawan mo. Mag-Maynila ka. Doon mas maraming pera. Lumayas ka rito sa mansyon," aniya bago ako itinulak. Muntik na akong matumba sa sahig.

"Alam mo, Raquel, kung talagang mahal ninyo ni Senyorito Timothy ang isa't isa, walang makapipigil sa inyo. E 'di magmahalan kayo. Wala akong pakialam, pero hindi mo ako puwedeng diktahan kung ano'ng gusto kong gawin sa buhay ko dahil buhay ko 'to. Wala akong ginagawang masama sa 'yo kaya sana tigilan mo na ako bago pa kita isumbong kay Senyorito."

Nanlaki ang kanyang mga mata at biglang umilap ang kanyang tingin.

"Please lang, Raquel. Alam kong mas nauna ka rito at mas kilala mo ang amo ko, pero kung wala kang sasabihing maganda, diyan ka na."

Tinalikuran ko na siya bago pa mandilim ang aking paningin. Ang totoo'y labag sa aking loob ang aking pinagsasabi sa kanya. Wala naman talaga akong pakialam kung sakaling magkaroon sila ng malalim na pagtitinginan ng amo ko, pero bakit parang binibiyak ang puso ko habang iniisip ko pa lang na mangyayari iyon?

Bumuntonghininga ako't binilisan ang pagmartsa papasok sa loob ng aking silid. Ini-lock ko ang pinto para siguraduhing walang makapapasok.

Pumasok ako sa banyo para maghilamos. Hanggang ngayon kasi parang ramdam ko pa rin ang mga labing naglakbay sa aking leeg.

Namilog ako nang makita ang aking sarili sa salamin. Gulong-gulo ang aking buhok. Tanda na nakipagdigmaan ako sa likod ng pinto!

Natutop ko ang aking bibig. Kaya pala galit na galit sa akin si Raquel. Tiyak na iba na ang iniisip niya!

Nakita ko ang pamumula ng aking pisngi sa repleksyon ko sa salamin. Tumili ako.

Alam kong wala namang makaririnig dahil sound-proofed ang mga kuwarto rito sa itaas.

Naisipan ko na lamang na mag-shower ulit. Pakiramdam ko kasi ay bigla akong nanlagkit. Lumabas ako't kumuha ng roba at tuwalya. Ang sabi kasi ni Senyorito ay para sa akin daw ang mga gamit dito.

Pumailalim ako sa shower at hinayaan mabura ng tubig ang mga ebidensyang may malisya.

Tinuyo ko ang aking buhok saka muling nagsuot ng uniporme. Pinanlantsa ko na rin muna dahil bahagyang nagusot iyon.

Ngunit ayaw ko munang lumabas ng kuwarto. Sana ay umalis na ang aming amo. Dahil tiyak na mamumula ako sa tuwing makikita ko siya. Maaalala ko lang ang mga maiinit na tagpo sa—

Ipinilig ko ang aking ulo.

Ngunit hindi ako makatiis. Bahagya kong binuksan ang pinto ng kuwarto para silipin ang nangyayari sa labas. Saktong nakita ko sa hallway sina Senyorito at Raquel. I held my breath. Parang biglang sinakal ang puso ko.

"Bakit ba pabago-bago ka ng isip? Nakakatampo," rinig kong wika ni Raquel. Nasa unang baitang sila ng spiral staircase.

"I'm sorry, Raquel, may importante lang akong aasikusahin mamaya," tugon naman ng amo ko. Pareho silang nakatalikod sa direksyon ko kaya't hindi nila ako nakikita.

"May lakad ka mamaya? Puwede ba akong sumama?" muling tanong ni Raquel.

"No, it's a business meeting."

Hindi ko nakita ang reaskyon ni Raquel ngunit base sa pagkibit niya ng balikat ay dismayado siya.

"Sige na nga. Basta kapag bakante ka na, ha? Isasama mo ako sa rancho?"

Hindi sumagot ang amo ko. Nakita ko ang sabay nilang pagbaba sa hagdan.

Agad kong isinara ang pinto, dahan-dahan na hindi makagawa ng ingay.

Nakagat ko ang aking ibabang labi. Bakit gano'n? Bakit parang kinakain ako ng selos sa tuwing nakikita ko silang magkaharap? Wala naman akong karapatan na, 'di ba? Pero totoo kaya ang mga sinabi niya sa akin kanina? Na mahal pa niya ako.

Wala sa sariling napahawak ako sa singsing na nasa aking daliri. Hindi ko alam kung paano niya ito nahanap sa drawer. Hinubad ko kasi ito kagabi pati ang kuwintas bago ako natulog.

Napasabunot ako sa aking sarili.

Bumalik ako sa gitna ng kuwarto saka humiga sa kama. Ininunan ko ang aking magkabilang braso saka tumulala sa kisame. Napapailing ako sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyari kanina sa kanyang kuwarto.

Hindi na dapat mauulit iyon.

Sa kaiisip ko nang malalim ay hindi ko napansing nakaidlip ako.

Nagulantang lang ako nang marinig ko ang sunod-sunod na katok. Parang sisirain na ang pinto ng kuwarto.

Napabalikwas ako ng bangon saka dali-daling pumunta roon.

Bumungad sa akin ang pagmumukha nina Dionesa at Susana.

"Kanina ka pa namin ginigising. Ano na? Alas dos na. Baka mahuli tayo sa misa," bulalas ni Susana.

Nataranta naman ako kaya nilakihan ko ang pinto. Pareho na silang nakabihis.

"Teka lang. Maghihilamos lang ulit ako at magbibihis."

Nakaligo naman na ako kanina. Kaya okay naman na ako.

Inikutan nila akong dalawa ng kanilang mga mata.

"Nakakaloka! Buti sana kung mkasakay tayo agad ng bus."

Nagmadali na ako, umupo silang dalawa sa kama ko. Tumakbo naman ako sa closet at saka hinablot ang isang dress para magpalit. Sinuklay ko ang aking buhok at hindi na nag-abalang hanapin ang ponytail. Kumuha rin ako ng perfume at nagwisik nang kaunti.

Naglagay ako ng matte powder at saka lip gloss. Saka nang makuntento na ako ay lumabas.

Napalingon silang dalawa ni Susana sa akin. Hinagod nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ang kinis mo talaga, Zia Lynn!" bulalas ni Susana. Napangiw ako. Lagi na lang nila akong sinasabihan nang gano'n.

Isang sage green square neckline na fitted dress ang suot ko. Hanggas siko ang manggas nito.

"Ang ganda ng kuwintas mo! Mukhang mamahalin!" tili naman ni Dionesa. Namilog ako at napahawak sa pendant. Diyos ko!

"Teka, patingin!"

Lumapit silang dalawa sa akin. Agad ko naman iyong itinago ngunit huli na. Nahawakan na ako ni Dionesa.

"Wow! Customized necklace pa. T at H?" bulalas ni Dionesa. Tila henyong itinukod na naman niya ang baba sa kanyang daliri sabay tingala sa kisame.

"Kaninong initials 'to?"

"W—wala. Regalo lang 'to ng bestfriend ko."

"Weh?" tukso ni Susana.

"T at H! Aha! Alam ko na!" bulalas ni Dionesa.

Nagkatinginan silang dalawa ni Susana bago sabay na tumingin sa akin nang nakaloloko.

"Umamin ka nga, kay Senyorito Timothy Hugh ito galing, 'no?" nanunuksong tanong ni Dionesa. She even emphasized the name. Nag-init ang aking pisngi.

"Hindi, ah."

Diyos ko! Bakit nakalimutan ko kasing hubarin?

Pero baka totohanin ni Senyorito ang banta niya sa akin kapag hinubad ko ang singsing at kuwintas.

"Wait, ang ganda rin ng singsing mo! Mukhang ginto! 'Yong totoo?" tili ni Susana sabay suri sa aking daliri. Lalo akong napangiwi.

"Zia Lynn, ha. Baka naman gusto mong magkuwento?" untag ni Dionesa. Ang laki ng ngisi niya.

Inismiran ko silang dalawa.

"Akala ko ba nagmamadali tayo? 'Di ba nga alas kuwatro ang misa? Kaya halina kayong dalawa. Ang dami n'yo pang tanong, eh."

Hinawakan ko sila sa kamay saka sabay na hinila palabas ng kuwarto ko.

"Teka, teka. Huy, huwag mo kaming kaladkarin. Umamin ka na kasi," nanunuksong untag ni Dionesa. Tinakpan ko ang kanyang bibig nang makalabas na kami ng kuwarto.

"Wala akong aaminin dahil wala lang ang mga ito."

"Hindi kami naniniwala," sabay nilang untag.

Inikutan ko silang dalawa nga king mga mata.

"Kung ayaw ninyong maniwala, e 'di bahala kayo." Tinalikuran ko sila saka nagmartsa sa pasilyo patungo ng hagdan. Ngunit bumagal ang aking paghakbang nang makita ko ang bultong naglalakad din sa kabilang pasilyo patungong hagdan.

Si Senyorito Timothy!

He's wearing a rugged jeans paired with Army green polo. Napalunok ako. Lalo yatang nadepina ang hubog ng kanyang katawan. Ang kanyang malapad na dibdib.

"Aalis din po kayo, Senyorito?" untag ni Dionesa nang tuluyang magkakaharap na kami ng aming amo.

Tumango lang ito saka itinuon sa akin ang kanyang mga mata. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang bahagya pag-alon ng kanyang lalamunan.

"Ano, Senyorito? Ang ganda ni Zia Lynn, 'no?" patay-malisyang tanong ni Dionesa. Pasimple ko siyang siniko ngunit humagikhik lang siya.

"Sobra," mahinang sambit nito habang sa akin pa rin ang tingin. Nagtilian ang dalawa.

Umiwas ako ng tingin.

"Grabe, ang init dito! Tara na!" tili ni Susana. Natauhan ako kaya't nauna akong bumaba ng hagdan.

"Aalis na ho kami, Senyorito."

Dire-diretso akong bumaba ng hagdan.

"Huy, Zia Lynn! Dahan-dahan lang! Hintayin mo kami!" natatawang sigaw ni Dionesa.

Napasimangot ako. Pinagkaisahan ba naman ako. Pagkalabas ko ng mansyon ay doon na ako tumigil. Nakasunod sa akin sina Dionesa at ang aming amo.

May kotse sa labas. May lakad din pala si Senyorito. Iyon siguro ang tinutukoy niya kanina kay Raquel.

Umibis mula sa kotse si Mang Ramon. Binuksan niya ang likod ng kotse.

"Dionesa at Susana, dito na kayo sa likod."

Nagkatinginan ang dalawa.

"Ihahatid mo kami, Mang Ramon?" tanong ni Dionesa. Umiling ang matanda bago pinasalo kay Senyorito ang susi ng sasakyan. Hindi ko napansing nasa likod ko na pala siya.

"Sasamahan kayo ni Senyorito sa Carmelite," ani Mang Ramon.

"Ay! Salamat, Senyorito!"

Nagtilian ang dalawa saka nag-unahan sa pagsakay sa kotse. Napanganga ako at hindi makapaniwalang tiningnan sila.

Humakbang ang amo namin papalapit sa pinto ng kotse sa harap. Binuksan niya iyon saka binalingan ako.

"Let's go?" he gestured. Maaliwalas ang kanyang mukha at tila tuwang-tuwa sa kanyang nakikita.

"Zia Lynn, sakay na!" tili ni Susana.

Wala akong nagawa kundi sumakay ng kotse. Pinanlakihan ko muna si Senyorito Timothy. Importanteng lakad daw sabi niya kanina kay Raquel. Iyon pala sasama lang sa amin. Sinungaling din.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz