Chapter 17
CHAPTER 17
"TEKA lang, naguguluhan kasi ako sa 'yo. Ano ba'ng nangyayari? Bakit ka biglang nag-eempake ng gamit mo, Zia Lynn?"
Milagros bombarded me with questions when she entered my room. Kararating niya lang galing Bacolod. Inignora ko siya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng aking mga damit sa malaking bag.
"May nangyari ba? Bakit ka umiiyak?"
Umiling lang ako saka binuksan isa-isa ang mga drawer na naglalaman ng aking iba pang gamit.
"Zia Lynn naman! Sagutin mo kasi ako nang maayos. Alam ba ito ni Senyorito? Ni Nanay Sol? Bakit biglaan naman yata? May nangyari ba sa pamilya mo? Uy!"
Hinila niya ako kaya't napaupo ako sa kama.
Hindi ko na naitago ang aking mga luha. Gustong-gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Napagtanto kong mali pala ang desisyon kong pumunta pa rito.
"Uuwi na ako sa amin, Milagros." Tipid lang akong sumagot.
Tumingala ako sa kisame para matigil na ang aking pagluha. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang kurot sa aking puso. Pagkatapos ng mga narinig ko kanina ay tumakbo ako sa labas at nagpahangin sa gazebo. Mabuti na lamang at wala na siya rito sa kuwarto pagkabalik ko.
"Bakit nga? Ano ba kasing nangyayari sa 'yo? May nang-away ba sa 'yo? Ano?"
Umiling lang ulit ako. Kung puwede ko lang sanang sabihin. Ngunit alam kong hindi rin nila ako paniniwalaan. Isa pa hindi ko naman pamamahay ang mansyon na ito.
"Iyon naman pala, e. Bakit ka aalis? Hindi naman puwedeng wala kang mabigat na dahilan. 'Di ba ang kuwento mo sa amin noong nakaraan ay kailangan na kailangan mo ang trabahong ito? Paano na ang pamilya mo? Paano ang gamot ni Papa mo?"
Natigilan ako't napabuga ng malalim na hininga. Bumalik sa aking isip ang aking pamilya. Kailangan na kailangan nila ako kaya hindi ko sila puwedeng biguin. Pero tama bang manatili ako sa bahay na ito gayong wala naman akong halaga rito?
"Alam mo, girl, pag-isipan mo kaya muna ang mga desisyon mo sa buhay. Huwag kang padalos-dalos kung anuman 'yang pinagdadaanan mo. Baka kasi emosyon mo lang ang nagdedesisyon, hindi ang isip mo. Ikaw rin, baka magsisi ka. Suwerte mo kaya kasi napakabait ng mga amo namin."
Pinahid ko ang aking mga luha saka nginitian nang tipid si Milagros.
Sabagay, tama siya. Naisipan kong umalis dahil nasaktan ako sa aking mga narinig mula kay Hugh kanina. Hindi ko lubos akalain na gano'ng klaseng babae pala ang tingin niya sa akin. Lalo lamang akong nanliliit sa aking sarili.
Pero siguro maigi na rin na nasabi niya sa akin ang mga bagay na iyon. Kahit papaano naliwanagan ang aking isip. Na hindi ko nga talaga siya lubusang kilala. At hindi niya rin ako lubusang kilala. Siguro'y hindi naman talaga niya ako totoong mahal. Dahil kung totoong mahal niya ako'y sana kilalang-kilala niya ako.
At itong nararamdaman ko para sa kanya ay sana mawala na rin. Tama si Papa, napakabata ko pa kaya marupok ako pagdating sa pag-ibig. Isinusumpa kong matututunan ko ring burahin siya rito sa puso ko.
"Zia Lynn?"
Binalingan ko si Milagros na ngayon zay inilalabas na ulit sa bag ang aking mga damit.
"Alam mo tama ka, Milagros. Hindi dapat ako nagpapatalo sa pride ko. Hangga't kaya ko ay titiisin ko para sa pamilya ko. Kasi una sa lahat, sila naman ang dahilan kaya nakipagsapalaran ako rito, 'di ba?"
Kinunutan niya ako ng noo sabay tango.
"Alam mo kahit naguguluhan ako sa nangyayari sa 'yo, sang-ayon ako sa sinabi mo. Pero kung sinuman ang nanakit sa 'yo nagkamali siya. Reresbakan natin siya. Ano?"
I just gave her a small smile.
"Pasensya ka na. Hindi naman kasi importante iyon. Nadala lang ako ng aking emosyon. Hindi na ito mauulit."
"Sigurado ka?"
I nodded in assurance.
"Pero kung sakaling handa ka nang magkuwento ay nandito lang ako, ha? Hindi lang ako, kundi kaming tatlo nina Dionesa at Susana. Alam mo namang hindi na iba ang turing namin sa 'yo kaya nandito lang kami para sa 'yo. Hmm?"
"Salamat, Milagros."
Tinulungan ko siyang magbalik ng aking mga gamit sa closet. Nagpapasalamat ako't mababait nag aking mga kasamahan kaya't kahit papaano ay may karamay ako. Iyon nga lang, wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanila ang totoo. Hindi pa ako handing ulanin ng katanungan. Isa pa, parang hindi rin naman sila maniniwala kung sakaling ikukuwento ko sa kanila ang naging ugnayan namin ng aming amo.
"Sige na, ngumiti ka na ulit. Sabi ko naman sa 'yo hindi bagay sa 'yo ang malungkot nag mukha, e. Lalo na ang umiyak. Tingnan mo nga iyong pisngi at ilong mo namumula. Kaloka!"
Nagpaalam muna ako kay Milagros na maghilamos para ayusin ko ang aking sarili sa banyo.
"Susunod na lang ako sa iyo sa baba."
"O sige, magmemeryenda raw tayo sabi ni Nanay Sol. Hindi puwedeng hindi ka bumaba dahil magtataka iyon."
Tumango lang ako bago pumasok sa banyo.
Napatingin ako sa aking sarili sa salamin nang makapasok ako sa loob. Hinubad ko ang kuwintas sa aking leeg. Hindi ko na dapat ito isinusuot. Ang mabuti pa ay ibalik ko na ito sa may-ari. Hahanap ako ng pagkakataon na maibalik ito sa kanya.
Pagkalabas ko ng banyo ay nagpalit din ako ng damit. Sinigurado kong walang bakas ng luha ang ilalim ng aking mga mata.
I took a deep breath before opening the door of my room. Gano'n na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang hindi ko inaasahang tao.
"Raquel?"
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot na ulit ako ng uniporme naming mga kasambahay.
"Totoo ngang inilipat ka rito sa itaas," aniya. Walang kangiti-ngiti.
Isinara ko ang pinto sa aking likod saka sumadal doon.
"Ah, oo. Ako kasi ang naglilinis ng mga silid nina Senyorito."
Nagtaka ako sapagkat ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umakyat dito sa pangalawang palapag ng mansyon.
"Naglilinis nga lang ba, Zia Lynn?" makahulugang sabi niya.
"Anong ibig mong sabihin—?"
Napasinghap ako nang ginawaran niya ako ng sampal. Pumaling ang aking ulo't napahawak ako sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay bumakat ang kanyang palad dito.
"Raquel, anong? Bakit?"
Tinaasan niya ako ng kilay saka pinanlisikan ng kanyang mga mata.
"Nagtanong ka pa talaga, Zia Lynn? Trayidor ka!"
Napaawang ako't natulala sa kanya nang ilang segundo. Ibang-iba siya sa Raquel na nakilala ko.
"Teka, ano bang kasalanan ko sa 'yo?"
Tumawa siya nang pagak saka humalikipkip.
"Nagmamaang-maangan ka pa talaga? Akala ko kaibigan kita. Pero wala ka rin palang pinagkaiba sa ibang mga katulong dito. Mga malalandi! Akala mo ba hindi ko alam na galing si Timothy rito kanina sa kuwarto mo? Ano? Nilalandi mo siya, 'no? Ambisyosa ka rin pala!"
"Raquel, nagkakamali ka—"
"Hinding-hindi na ako maniniwala sa 'yo, Zia Lynn. Plastik ka! Doble-kara! Akala ko mabait ka, sa loob din pala ang kulo mo! Pero itong tatandaan mo, hinding-hindi ako makapapayag na agawin mo sa akin si Timothy. Sampid ka lang dito. Tandaan mo 'yan!"
Dinuro niya ako sa noo bago taas-noong tumalikod at nagmartsa pababa ng hagdan.
Napahawak ako sa aking dibdib saka nagpakawala ng isang malalim na hininga. Hindi ko akalaing maririnig ko ang mga katagang iyon mula kay Raquel.
Sa kaibuturan ko'y ramdam ko ang mas malalim na sakit.
Tama ka, Raquel. Baka ako nga ang sampid. Mula noon hanggang ngayon, sampid lang ako sa buhay ng taong minahal ko nang lubos.
Siguro nga'y mas mabuti nang sa Maynila na lamang ako makipagsapalaran. Hahanap na muna ako ng pagkakataon para makausap si Nanay Sol. Pero sa ngayon ay mag-iisip muna ako ng pinakamagandang dahilan para maniwala siya kung sakaling magpapaalam na ako.
...
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Zia Lynn?" bungad sa akin ni Nanay Sol pagkapasok ko sa kusina. Mayroon din kasing maliit na lamesa rito. Dito kami madalas kumakain. Ginagamit lamang ang komedor kapag nandito ang mga amo.
"Ayos lang ho, Nanay Sol. Salamat po sa pagbibigay ninyo ng gamot."
Patay-malisyang tiningnan ako nina Dionesa. Alam kasi nilang wala naman talaga akong dysmenorrhea. Hindi ko lang alam kung bakit iyon ang ipinalabas ni Senyorit Gaston bago siya umalis kaninang umaga.
"Basta sinuman sa inyo magsabi kung masama ang pakiramdam para makapagpahinga kayo. Maiintindihan naman ng mga amo natin iyan. Hala, sige kumain ka na."
Kumuha ako ng sandwich kahit na wala akong ganang kumain. Ayaw kong pati si Nay Sol ay magtaka sa aking ikinikilos. Baka mabanggit pa niya kina Mama ang nangyayari sa akin dito. Ayaw kong mag-alala sa akin ang pamilya ko.
"Nasaan nga pala si Senyorito Timothy, Nay Sol? Hindi ko siya nakita mula nang dumating ako kanina," untag ni Milagros.
Naghurumintado na naman ang aking puso nang marinig ko ang pangalang iyon. Ang totoo'y naduduwag pa akong muling harapin siya pagkatapos ng nagawa kong pagsampal sa kanya. Kahit na masakit ang mga sinabi niyang salita sa akin ay wala pa rin akong karapatang gawin iyon sa kanya dahil amo ko pa rn siya.
"Nasa rancho siya. Tiningnan lang ang mga alaga niya."
Nakahinga ako nang maluwag kaya't nalunok ko nang maayos ang aking kinakain.
"Ayos ka lang, Zia Lynn?"
It was Susana who asked this time. Sinulyapan ko siya't nginitian nang tipid.
"Oo naman."
"Sigurado ka? Para kasing may mali sa 'yo ngayon," segunda ni Dionesa.
Nagkatinginan kami ni Milagros. Tumango naman siya sa ibig kong iparating sa pamamagitan ng aking titig.
"Malungkot lang 'yan kasi hindi nakasama kanina sa pagpunta ko ng Bacolod. Hayaan mo, sa susunod na Sabado ay isasama na kita. Manood tayo ng sine," singit ni Milagros.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
Nagkuwento si Milagros tungkol sa kanyang lakad kanina. Mataman lang akong nakikinig. Bukas ay sina Dionesa at Susana naman ang lalabas.
"Nay Sol, total linggo naman bukas. At wala namang masyadong gagawin sa hapon, puwede kayang isama namin si Zia Lynn na magsimba bukas sa Carmelite church sa Bacolod?" biglang tanong ni Dionesa.
"Oo nga naman, Nay Sol. Kasi hindi man lang siya nakakalabas ng mansyon."
Natigilan naman si Nanay Sol at saglit na nag-isip.
"Kung ako lang ang magdedesisyon ay ayos lang sa akin. Wala nga namang masyadong gagawin sa hapon bukas. Pero ipagpaalam natin kay Senyorito Timothy para hindi ka niya hanapin bukas ng hapon."
"Ay, siguradong papayag si Senyorito agad, Nay. Ang lakas kaya ni Zia Lynn do'n," kumpiyansang untag ni Milagros.
Kung alam niya lang. Ni hindi nga ako pinayagang sumama sa kanya kanina.
"Kahit na, magpaalam ka pa rin, Zia Lynn. Para hindi siya magalit," sagot ni Nay Sol.
Tumango lang kaming apat.
Ang totoo'y sinasalakay na naman ako ng kaba. Paano naman akong magpapaalam e hindi ko nga alam kung paano ko siya pakikitunguhan pagkatapos ng nagawa kong pananampal sa kanya. Baka nga ay galit sa akin iyon.
Pagkatapos naming magmeryenda ay tumulong na ako sa pagliligpit sa kusina kahit na itinataboy ako nina Susana. Kailangan ko raw magpahinga dahil off ko.
Nagpasalamat na lamang ako't hindi pa umuuwi si Senyorito Timothy. Kinagabihan ay nauna na kaming kumain ng hapunan dahil hindi pa siya dumadating kahit alas otso na ng gabi. Sa loob ko'y nagdiwang ako kahit papaano dahil hindi ko alam kung kakayanin kong lumunok ng pagkain sakaling kasalo ko siya sa hapag-kainan.
Pagkapasok ko sa kuwarto ay naglinis ako ng katawan saka nagsuot lang ng manipis na sando at pinaresan ko ng pajama. Sanay kasi akong natutulog na walang suot na panloob, dahil hindi ako makahinga. Gano'n nga rin si Dionesa. Lagi ko siyang nakikitang walang bra kapag natutulog.
Pagkahiga ko'y tumawag muna ako sa bahay. Hindi kasi kami nagkausap kaninang umaga dahil hindi nila sinasagot.
"Ate?"
Si Zabelle ang sumagot ng telepono.
"Oh, kumusta na? Bakit hindi ninyo nasagot ang tawag ko kanina?"
Rinig ko ang pagbuntonghininga ng aking kapatid.
"Pasensya na, ate. Hindi lang agad napansin."
Napapikit ako. "Magtapat ka sa akin, Zabelle. May nangyari ba?"
Nanahimik siya nang halos isang minuto kaya't hindi ko naiwasan ang mag-alala.
"Huwag mo na kaming isipin, ate. Ayos lang kami."
"Zabelle..." I warned. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
"Kasi ate ginigipit na kami ng pinagkakautangan natin noong naospital si Papa. Halos kalahati na ang interes."
Nabuhay ang matinding pag-aalala sa aking dibdib.
Sa loob ng isang taon kasi ay ilang beses na naming isinugod sa ospital si Papa kaya nagkautang-utang kami. Iyon ang isa sa mga dahilan kaya't hindi ako nakatanggi noong nagsabi si Divina tungkol sa trabahong ito.
"Si Mama? Ayos lang ba siya?"
"Nagpapahinga na siya, ate. Kanina kasi ay nahilo siya noong nasa talipapa kami kaya ako muna ang nagbantay ng puwesto natin."
Impit akong napaiyak. Diyos ko, kawawa naman si Mama.
"Sige, huwag kayong mag-alala gagawa ako ng paraan. Sa susunod na linggo ay makapagpapadala na ako para maka-down na tayo sa utang."
"Sige, ate. Mag-iingat ka riyan."
Napatitig ako sa kisame nang maibaba ko ang tawag. Naaawa ako kay Mama at sa maga kapatid ko. Batid kong mahirap sa kanila ang aming sitwasyon ngunit wala man lang akong naririnig sa kanilang reklamo. Hindi ko maiwasang makonsensya.
Kaya dapat ay sa trabaho lang ako nakatutok. Hindi na ako mag-iisip ng mga bagay na hindi makatutulong sa pamilya ko.
Baon ang pangakong iyon sa aking sarili ay pinilit kong makatulog pagkatapos kong ipikit ang aking mga mata.
Siguro'y masyadong pagod ang aking utak tungkol sa mga nangyari ngayong araw kaya't hindi ko namalayang nakatulog ako.
Naalimpungatan lang ako nang maramdaman kong may nakadagan sa aking mga binti at may nakayakap sa aking baywang. May sumusuklay-suklay rin sa aking buhok gamit ang... mga daliri?
Sinalakay ako ng takot sa dibdib.
"Sinong—"
Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko ang kanyang amoy. Kahit hindi gano'n kaliwanag ang ilaw mula sa lampshade ay malinaw na malinaw sa akin ang kurba ng kanyang katawan.
Sinubukan kong bumangon ngunit napakabigat ng kanyang brasong nakalingkis sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Nataranta ako.
Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Bahagya siyang sumandal sa headboard ng kama.
"I'm sorry. I'm very sorry."
Iyon ang unang mga katagang lumabas sa kanyang mga bibig. Napaiwas ako ng tingin.
"I can't bring myself to sleep knowing that I made you cry. I'm sorry, please..." he pled.
Sinubukan kong baklasin ang braso niyang nakapulupot sa aking baywang ngunit mas lalo niya akong hinapit sa kanyang katawan. Ang malala pa ay inihilig niya ang aking ulo sa kanyang dibdib!
"Hindi kayo dapat naririto, Senyorito. Baka kung may makakita sa inyo at kung ano pa ang isipin nila."
"To hell with them. I will not leave this room until you forgive me," he insisted.
I can sense the remorse in his voice.
Bumalong ang mga luha sa aking mga mata. Heto na naman ako. Kakapangako ko lang kanina sa aking sarili ngunit tila bibigay na naman ang puso ko.
"I did not mean to say those words, Love. I know I've been a jerk for what I did. Please forgive me."
Pinaulanan niya ako ng halik sa ulo. Inipon ko ang aking buong lakas bago siya itinulak saka mabilis na bumangon.
Tinakbo ko ang tabi ng pinto saka kinapa ang switch ng ilaw. Napanganga ako nang tuluyang kumalat ang liwanag sa loob ng kuwarto.
There he is. He looks wasted on his plain white sando paired with boxers. Napaiwas ako ng tingin nang mapadako ang aking mga mata sa kanyang dibdib.
"Kung anuman ho ang mga sinabi ninyo ay kinalimutan ko na. At saka hindi po ako galit sa inyo. Pasensya rin po kung nasampal ko kayo kaninang umaga. Hindi ko iyon sinasadaya. Nabigla lang ho ako."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kita ko ang bahagya niyang paglunok.
"I know you're mad," he stated as a matter of fact.
Umiling ako. "Nagkakamali ho kayo. Wala ho akong karapatang magalit dahil katulong lang ako rito. Hindi n'yo ho kailangang humingi ng paumanhin."
Wala pang ilang segundo ay gulat ako nang nasa harapan ko na siya. Napasandal ako sa pinto.
"You know what? I can bear the fact that you are mad at me, but I can never bear to see you hurting because of me. Please forgive me, Love?"
Napasinghap ako nang lumuhod siya sa aking harapan saka niyakap ang aking mga tuhod.
©GREATFAIRY
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz