ZingTruyen.Xyz

Reckless Love

Chapter 15

greatfairy

 CHAPTER 15

"HIMALA, ang aga mong nagising ngayon, Milagros. Hindi ba off mo ngayon?" untag ni Nanay Sol.

Nasa komedor kaming lahat, kumakain ng agahan. Sabado ngayon kaya't off namin ni Milagros. Bukas naman ang off nina Susana at Dionesa. Hindi kasi puwedeng magsabay-sabay kami ng off, walang matitira rito sa mansyon para pagsilbihan ang mga amo.

Natigilan si Milagros at naibaba ang hawak na kubyertos.

"Eh, ipapasyal ko ho kasi si Zia Lynn sa hacienda para naman maging pamilyar na siya rito," sagot ni Milagros. Nakaupo siya sa katapat kong puwesto sa lamesa. Napapagitnaan naman ako nina Dionesa at Susana.

"Sigurado ka niyan? Akala ko kasi pupunta ka na naman sa Bacolod para gumala," untag ni Nanay Sol.

Nagkatinginan kami ni Milagros. Kagabi pa niya ako sinabihan na ililibot nga niya ako sa hacienda. Pumayag naman ako kaagad. Gusto ko rin kasing makilala ang mga taong dapat kong kilalanin dito sa hacienda. Isa pa, gusto kong makita kung gaano ba talaga ito kalaki.

"That's actually a good idea, Milagros. Mabuti naman at sasamahan mo si Zia Lynn para naman marunong na siyang umuwi mag-isa sakaling mawala siya," sabat ni Senyorito Gaston. Nakaupo siya sa kabisera ng lamesa. Na kanan niya naman ang kanyang kapatid na kanina pa tahimik ngunit ramdam ko ang isang pares ng mga matang kanina pa nakatingin sa akin.

"Siyempre naman, Senyorito. Isa pa, sa ganda nitong si Zia Lynn, malayong hindi siya makabingwit ng matipunong lalaki rito sa hacienda. Ipapakilala ko siya sa lahat ng trabahador natin. Malay natin dito pa niya mahahanap ang forever niya!" kinikilig na untag ni Milagros sabay sipa sa aking paa. Pinandilatan ko siya. Sabay naming sinulyapan si Senyorito Timothy.

I gasped when I saw how his face darkened. His jaw clenched. Ngumisi naman nang nakakaloko si Milagros nang magtama ang aming paningin.

"Ikaw talaga, Milagros, ang dami mong kalokohan. Hindi pa magnonobyo itong si Zia Lynn, may mga kapatid pa 'yang pinag-aaral," saway naman ni Nanay Sol.

"Sus, hindi naman niya pababayaan ang mga kapatid niya, Nay. Hindi naman ibig sabihin na magbo-boyfriend siya e hindi na niya masusuportahan ang mga kapatid niya. Siyempre kailangan din niya ng inspirasyon para sipagin siyang magtrabaho. 'Di ba po, Senyorito Gaston?"

Tumawa lang si Senyorito. Pasimple ko na lang na sinipa ang paa ni Milagros sa ilalim ng lamesa pero lalo lang lumapad ang kanyang ngisi at panay sulyap sa kapatid ni Senyorito Gaston.

Kagabi pa nila ako kinakantiyawan ni Dionesa dahil sa paglilipat sa akin sa guest room sa itaas. Sinamahan pa nila akong mag-ayos ng gamit sa kuwarto kagabi. Halos maghatinggabi na silang bumaba sa maid's quarters dahil nakipagdaldalan pa sila sa akin.

"Tiyak pipilahan ka ng mga lalaki. Sa ganda mong 'yan," sulsol naman ni Susana. Nag-high five pa sila ni Milagros. Napangiwi ako.

Natigilan kaming lahat nang malakas na ibinagsak ni Senyorito Timothy ang kutsara't tinidor sa kanyang plato kaya't naglikha ito ng ingay. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Oh? Tapos ka na ba, hijo? Ano oras ka ba babyahe papuntang Iloilo?" untag ni Nanay Sol na walang kamalay-malay sa nangyayari. Habang ako parang gusto ko nang tumayo at magtago. Ramdam ko kasi ang bigat ng bawat titig na ipinupukol sa akin ng aming amo.

"Hindi na 'yan aalis, Nay. Ako muna ang bibisita sa site sa Iloilo." Si Senyorito Gaston.

Napamaang kaming lahat. Ang naipon kong pag-asa mula kahapon ay biglang bumagsak. Kahapon ko pa naman ipinagdadasal n asana ay mag-umaga na para makaalis na siya. Hindi ko alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan pagkatapos ng halik na namagitan sa amin kahapon.

"Talaga, hijo? Mabuti naman at napag-isipan mo munang dumito sa hacienda. Halos wala ka na kasing pahinga," bulalas ni Nanay Sol.

"Siyempre, Nay, hindi naman niya na talaga kailangang pumunta ng Iloilo. We decided to switch responsibilities for the meantime. Siya na muna ang mamahala rito sa hacienda habang nag-aaral pa si David. I will take care of the businesses in Iloilo," makahulugang paliwanag ni Senyrito Gaston sabay sulyap sa akin.

Tumayo na ang kanyang kapatid at tinapik ang balikat ng kuya niya bago umalis nang walang lingun-lingon.

Muntik na akong mapatalon nang may sumipa sa aking paa. Pagtingin ko'y malawak ang ngisi sa akin ni Milagros, gano'n din sina Susana at Dionesa.

"Buti naman napapayag mo 'yang kapatid mo, hijo. Hindi ba nga dati mo pa sinasabi sa kanya na siya muna ang mamahala ng hacienda pero ayaw niya dahil mas gusto niyang nasa Iloilo siya. Naku, hindi na 'yan nagpapahinga, puro kayo trabaho," wika ni Nanay Sol.

"Maybe Timothy has finally realized his priorities, Nay Sol. Besides, hindi naman talaga kailangang personal naming pamamahalaan ang condo at hotel sa Iloilo. May mga general managers naman kaming mapagkakatiwalaan to man the business. Kailangan lang bisitahin paminsan-minsan para masigurong nasa maayos ang lahat."

Nagkatinginan na naman ang tatlong kasamahan kong kawaksi sabay ngiti sa akin nang makahulugan. Kagabi pa nila pinipilit sa akin na may gusto raw sa akin si Senyorito Timothy kaya gano'n na lang makatingin sa akin.

Kahapon pa nila binabantayan ang bawat galaw at reaksyon ni Senyorito Timothy, lalo na sa tuwing magkakaharap kami. Malakas daw ang kanilang suspetsa na may gusto sa akin ang aming amo.

Diyos ko! Tiyak na hindi magtatagal ay mabubuko rin nila ang sekreto ko. Sa daldal at kulit nilang tatlo, lalo n ani Milagros, baka isang araw ay mapapaamin nila ako. Sa ngayon ay mas pinili ko munang ikimkim ang ugnayan ko dati sa aming amo. Tiyak kasi na araw-araw din nila akong tutuksuhin. Baka mapahiya pa ako sa aming amo.

"Iyon naman pala. Kung makakayod kayong dalawa parang daig pa ninyo ang may sampung anak na binubuhay. Iyong bunso ninyong si Senyorito David sana maisipan din niyang umuwi rito. Nasasabik na rin akong makita ang batang iyon. Nakakaloka kayong tatlo, hindi kayo mapirme rito sa hacienda."

"Just two more years, Nay, ga-graduate na si David. Isa pa, hindi pa iyon uuwi rito. May importante lang siyang inaasikaso bukod sa pag-aaral niya."

Saglit na dumaan ang lungkot sa mga mata ni Senyorito Gaston. Naku-curios din ako kung ano ang itsura ng kanilang bunso. Nakita ko na iyon sa litrato dahil ipinakita ni Dionesa kagabi. Magkakamukha silang tatlong magkakapatid.

Nakakatuwa rin na parang ina talaga ang turing nila kay Nanay Sol. Kahit na sabihing mayordoma lang ito ng kanilang mansyon ay ramdam ko ang paggalang at respeto nila sa matanda. Kaya hindi na rin ako nagtataka na hindi pa nagreretiro si Nanay Sol. Totoo nga ang sinabi niyang parang pamilya niya ang mga pinagsisilbihan niya.

Wala namang masyadong ginagawa sa mansyon si Nanay Sol, pero siya nag nagdedesisyon ng mga pagkain sa araw-araw. Siya rin ang namamahala ng gastusin sa grocery at siya rin ang namamahala ng mga pasahod ng mga trabahador at maging ang sahodng sa amin.

Pagkatapos naming kumain ay nagkanya-kanya muna kami ni Milagros na pumunta ng kuwarto para mag-ayos. Si Susana naman at Dionesa ay naiwan sa kusina para maghugas ng mga plato. Halos magkasunod naman kami ni Senyorito Gaston paakyat, nauna lang siya nang kaunti. Mukhang mag-aayos na rin siya sa kanyang pag-alis.

Napatulala ako nang makapasok na ako sa loob ng kuwarto sa taas.

Napakalaki ng kuwartong ito para lang sa akin. Pang queen-sized bed na iyong higaan. Kahit yata magpagulong-gulong ako'y hindi ako mahuhulog. May sarili rin itong banyo kagaya ng kuwarto nina Senyorito Gaston. Ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng kobre kama at mga kurtina.

The wall is painted with beige. May couch rin sa paanan ng kama ngunit maroon naman ang cover nito. Sa totoo lang ay labag sa kalooban ko ang lumipat dito, ngunit ang sabi nina Dionesa ay baka magalit si Senyorito Timothy kapag hindi siya sinunod. Mabuti na lamang at naging matiwasay ang pagtulog ko kagabi. Ngunit magdamag na nakabukas ang lampshade.Hindi kasi ako makatulog kapag masyadong madilim nang mag-isa sa kuwarto. Pakiramdam ko'y nalulunod ako sa karimlan.

Pagkatapos kong magmuni-muni nang ilang minuto ay napagpasyahan kong maligo na. Tinimpla ko muna ang tubig sa shower para hindi masyadong malamig. May sariling bathtub dito ngunit ayaw ko namang mag-ala may-ari ng bahay para gamitin pa iyon.

Nagsuot lang ako ng skinny jeans at puting blouse na hapit sa aking katawan. Wala kasi akong maluwang na t-shirt. Ang sagwa naman kung magsusuot ako ng unipormeng pang-maid gayong naka-off naman kami ni Milagros.

Nang matuyo na aking buhok at masuklay ko'y naglagay ako ng kaunting polbo at lip gloss.Nagwisik din ako ng kaunting cologne. Ang sabi kasi ni Milagros ay ipapakilala niya ako sa mga trabahador ng hacienda para atleast kapag uutusan ako ni Nanay Sol na maghatid ng kung anu-ano sa mga iyon ay makikilala nila ako.

Dinampot ko muna ang cellphone ko sa ibabaw ng vanity table saka ibinulsa. Baka kasi biglang tumawag sina Mama mamaya. Alam pa naman nilang off ko.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto pagkalabas ko. Hahakbang pa lamang ako nang mabangga ko ang bulto ng lalaking pilit kong iniiwasan. Muntik na akong matumba. Mabuti na lamang at nasambot niya ako sa baywang. Napahawak ako sa kanyang braso at agad ding kumalas nang mapagtanto ko ang aming posisyon.

"Pasensya na ho, S...enyorito." I stuttered.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla akong naasiwa kaya't napayakap ako sa aking sarili. He's wearing a khaki pants and loose white polo. His attire was completed by a brown knee-high pair of boots. Mukha talaga siyang haciendero.

"Uhm... Alis na ho kami, Senyorito." Umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko'y hinahalukay niya ang buong pagkatao ko.

"Hindi ka aalis."

Dumagundong ang kanyang boses na siyang nagpanganga sa akin. Napaatras ako nang bigla siyang lumapit.

"S—senyorito?" I startled. Nagliliyab ang kanyang mga mata. Kung galit ba iyon, hindi ko matukoy.

"You heard me? You are not leaving," he stated with a hint of authority in his voice.

Napasinghap ako nang bigla na naman niya akong na-corner sa pader ng kuwarto. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ganitong-ganito ang posisyon namin kahapon sa labas ng banyo sa kuwarto niya!

"Pero may... may usapan po kasi kami ni Milagros na maglilibot kami sa hacienda," mahinang sabi ko.

I looked away to avoid his burning stares. I can feel his minty breath fanning my face. Lalong nagrambulan ang mga kabayo sa loob ng aking dibdib.

"Then tell her to leave alone, but you are not gonna leave this house," he paused looking down at my lips.

"...without me," he continued while pursing his lips.

Halos mangatog ang aking mga tuhod. Baka may makakita sa amin!

"Pero, Senyorito..."

"No more buts, Zia Lynn. Sa akin ka sasama, naintindihan mo?"

His lips were almost touching mine. Alam kong kapag tumango ako ay tiyak na magtatagpo ang aming mga labi.

"Masusunod ho, Senyorito."

Halos hindi ako makahinga nang maramdaman ko ang kanyang mga labi sa gilid ng aking leeg.

"Your collar bones are cordially inviting me to lick them, Love..." aniya.

Napasinghap ako. Parang kinukuryente ang loob ng puso ko sa bawat paghagod ng malalambot niyang labi sa aking balat. Bumara sa aking lalamunan ang mga salitang gusto kong sabihin. Lalo na at unti-unti sinasakop ng kanyang amoy ang aking sistema.

Natigilan kaming dalawang nang makarinig kami ng tikhim.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita si Senyorito Gaston na naglalakad sa hallway. Mukhang kalalabas lang ng kanyang silid.

"You better get a room, guys!" nakangising untag niya.

Nag-init ang aking pisngi. Gusto ko na lang lamunin ng lupa ora mismo.

Diyos ko! Nakita niya kami!

"Uhm..." I stuttered. Halos hindi ko kayang harapin si Senyorito Gaston.

"Are you leaving, kuya?" balewalang tanong nitong lalaking basta-basta na lang nanghahalik ng leeg ng may leeg.

"Yeah, this house is too small for us. You know I can always give way when it comes to your happiness, bro."

Wala na sa kanilang pinag-uusapan ang aking utak sapagkat halos hindi na ako makahinga. Paano kasi nakapulupot ang mga kamay ni Senyorito sa baywang ko habang kaharap namin ang kuya Gaston niya! Diyos ko!

"Thanks. Call me when you need help," maikling tugon ni Senyorito Timothy. Sinubukan kong kumawala sa kanyang pagkakayapos ngunit lalo pa niya itong hinigpitan.

"No worries. Just enjoy, bro. Pagbalik ko sana may tagapagmana ka na," nakangising untag ni Senyorito Gaston. Nanindig ang balahibo ko nang ngumisi rin ang lalaking nakalingkis sa akin.

"Pakisabi kay Milagros, umalis siya mag-isa niya," aniya kay Senyorito na siyang ikinanganga ko.

"Sure! My pleasure, brother." Lalong lumapad ang ngisi ni Senyorito Gaston. Nabibingi na ako sa lakas ng pintig ng aking puso.

"Una na ako, Zia Lynn..." untag niya sabay talikod sa amin at bumaba ng hagdan. Hindi ko na nagawang tumugon.

"Senyorito—"

Hindi lumingon ang magaling kong amo. Nang mawala na siya sa paningin namin ay mga ilang segundong katahimikan ang namayani. Nasa baywang ko pa rin ang kanyang kamay. Tila wala siyang balak na pakawalan ako.

"Uhm, Senyorito puwedeng mauna na ho ako sa baba? Baka kasi hinahanap na ako ni Milagros."

Nakuha ko yata ang kanyang atensyon dahil bigla niyang ibinaling ang kanyang tingin sa akin, ngunit hindi pa rin niya ako binibitawan. Gulat ako nang bigla makarinig ako ng pag-click ng lock sa likod ko. Binuksan niya ang pinto ng kuwarto saka hinila ako papasok.

"Senyorito, anong ibig sabihin—"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla niya akong isinandal sa likod ng pinto at sinakop ang aking mga labi.

Mahabaging langit! Lagi na lang akong napapahamak sa tuwing mapapalapit ako sa isang pinto.

His kisses went fiery and possessive. I couldn't even follow his pace. Parang leon siyang gutom na gutom habang sinasakop ang aking mga labi. Napaungol ako nang bigla niyang ipinasok ang kanyang dila. As if he's searching for a rare treasure inside my mouth. Nakakaliyo ang kanyang hininga at ang kanyang halik. Tila hinihila ako paakyat sa ibabaw ng mga ulap.

"Akin ka lang, Zia Lynn. Naintindihan mo? Akin ka lang," tila lasing niyang untag habang nilalamukos ako ng halik. Pababa nang pababa ang kanyang mga labi sa aking panga, sa aking leeg. Hindi ko na nararamdaman ang sahig sa aking mga paa. Ni hindi ko na rin alam kung saan ibabaling ang aking paningin.

He scooped me like a thin piece of paper. Nasa leeg ko na ang kanyang mga labi, pababa sa aking dibdib. Unti-unti na akong tinutupok ng apoy na sinisindi niya sa aking katawan.

"Hugh..." muli akong napaungol.

Halos mawalan ako ng lakas nang marating niya ang dalawa kong dibdib. He kneaded the right site while his mouth is invading the other one. Kahit may suot akong damit at panloob ay hindi nakatulong iyon para hindi ko madama ang init ng kanyang hininga.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa gano'ng posisyon. He continued licking me, touching my upper extremities. Ang alam ko lang ay lasing na lasing na ako sa sensasyong dulot niya sa aking katawan, ngunit bigla na lang siyang tumigil saka pinakatitigan ako.

"Ngayon, aalis ka pa ba?" namamaos niyang tanong.

Nag-init ang aking pisngi. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na sunod-sunod na umiling.

Paano ako aalis gayong may mga marka sa aking dibdib? At sigurado akong pati na rin sa leeg.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz