ZingTruyen.Xyz

Reckless Love

Chapter 13

greatfairy

CHAPTER 13

"Timothy Hugh..."

I literally froze on my seat. Bumuka ang aking bibig ngunit hindi ako sigurado kung may umalpas bang boses sa aking lalamunan. Ang alam ko lang ay nabibingi ako sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Diyos ko! Totoo ba itong nakikita ko?

Sinubukan kong tumayo ngunit maging ang aking mga tuhod ay nanginginig.

Shock is an understatement.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka rin pala ngayon, hijo? Para kang si Gaston."

Nagkakagulo ang mga kasambahay sa mansyon ngunit hindi ako natinag sa sofa na aking kinauupuan.

"Bibisita lang ako sa inyo, Nay Sol. I'll be leaving in two days."

Ang boses niya! Ang maamo niyang mukha ngunit maawtoridad. Ang matangos niyang ilong na tila nililok ng isang iskultor. Ang mapupula niyang mga labi. Higit sa lahat, ang mga mata niyang tila hinahalukay ang aking pagkatao.

Kumurap-kurap ako nang ilang beses. Sinampal ko rin ang aking sarili ngunit nagulat ako nang makaramdam ako ng sakit.

Diyos ko! Hindi nga nagkakamali ang aking paningin!

"Aba'y saan ka naman pupunta, anak? Magpahinga ka kaya kahit isang linggo lang dito?"

"I can't, Nay Sol."

Napaawang ako't napahawak sa aking dibdib. Samu't saring katanungan ang tumatakbo sa aking isip. Halu-halong emosyon ang aking nararamdaman. Ngunit nangingibabaw ang damdaming mahigit isang taon kong inalagaan sa aking puso—ang pangungulila.

"Grabe! Lalo ka talagang gumaguwapo sa tuwing umuuwi ka rito, Senyorito!" tili ni Milagros.

Pabilis nang pabilis ang pagtibok ng aking puso habang papalapit siya sa likod ng sofa na aking kinauupuan. Pabigat din nang pabigat ang mga luhang gustong bumagsak mula sa aking mga mata. Tila nauubusan ako ng lakas, dahilan upang hindi ko napaghandaan ang biglang paghigit sa akin ni Dionesa patayo. Muntik na akong matalisod.

"Tama si Milagros, anak. Para ka nang artista! Naku, na-miss talaga kita!" sang-ayon ni Nanay Sol.

Pinagkaguluhan nila ang bagong dating. Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Natatakpan ako ni Susana kaya't hindi niya siguro kaagad napansin ang aking presensya.

"I missed you too, Nanay Sol."

Napapikit ako. Habang papalapit siya'y nagiging mas malinaw sa akin ang boses niya, dahilan upang lalong sumidhi ang nararamdaman kong pangungulila sa kanya.

I missed him so much!

Gusto ko siyang takbuhin at yakapin nang mahigpit, ngunit nabahag ang aking mga tuhod. Gusto ko ring marinig sa kanya na nangulila siya sa akin. Ngunit sa halip na makigulo sa kanila ay pinili kong yumuko at pinagsalikop ang aking mga kamay sa aking harapan.

"Timothy! Sabi ko na nga ba uuwi ka! Na-miss kita!"

Natigilan kaming lahat nang biglang sumulpot si Raquel saka pinulupot ang kanyang kamay sa braso ng bagong dating.

Niragasa ng sakit at inggit ang aking puso. Mabuti pa si Raquel, nakakalapit at nakakayakap sa kanya. Mabuti pa siya walang dahilan upang matakot at mahiya. Mabuti pa siya may karapatang makiyakap. Samantalang ako, tila naglahong bula ang lahat ng inipon kong lakas ng loob noon na hahanapin ko siya para humingi ng tawad.

Hindi ko lubos akalain na taliwas pala sa iniisip ko ang mangyayari.

"Oy, bumati ka. Siya si Senyorito Timothy," mahinang bulong ni Dionesa sa aking tainga. Hinila niya ako papalapit.

I bit my lower lip. Napasinghap ako nang bumaling ang kanyang paningin sa akin. Nakita ko ang sandaling pagrehistro ng gulat sa kanyang mga mata ngunit agad din iyong nawala pagkatapos niyang kumurap.

"Senyorito, ito nga pala ang pansamantalang pumalit kay Manang Inday, si Zia Lynn," pagpapakilala ni Dionesa sa akin.

Napalunok ako nang ilang beses. Halos matumba ako sa aking kinatatayuan kung hindi lang dahil sa likod ng sofa na nakasuporta sa aking mga binti.

Nakatingin silang lahat sa akin. At tila ba dumaan ang prusisyon ng mga anghel sa loob ng ilang segundo sa sobrang tahimik. Kagat-kagat ko ang aking ibabang labi.

I can feel the intensity of his stares.

Pasimple akong siniko muli ni Dionesa. Bumuka ang aking mga bibig ngunit agad ko rin iyon isinara. Barado ang aking lalamunan, na kahit isang salita ay hindi ko kayang bigkasin.

Hindi ko na kaya!

"Zia Lynn!" they called out in unison.

Hindi ko sila pinansin. Dire-diretso akong tumakbo palayo sa kanila.

Marahas kong itinulak ang pinto ng banyong katapat ng maid's quarters. Sumandal ako sa likod pinto pagkatapos ko iyon ma-lock. I just realized I've been holding not just my tears but my breath as well.

Bumuhos ang aking mga luha.

Bukod sa kinikimkim kong pangungulila ay tila sumabog na parang bomba sa aking harapan ang malaking katanungan.

Paanong napunta kami sa ganitong sitwasyon?

Nalilito ako. Paanong ang dating lalaking buong inakala ko'y isang ordinaryong construction worker ay isa palang haciendero? Bakit itinago niya sa akin ang lahat? Bakit pinaniwala niya akong isa lamang siyang hamak na manggagawa? Bakit hinayaan niya noon na gano'n ang isipin ng mga tao sa kanya, lalo na ni Papa?

Bakit niya ako pinaniwala sa malaking akala?

The memories of the past flowed like an avalanche. Ang kuwintas. Ang singsing. Ang bawat pangakong binitiwan niya noon.

Kaya pala noon pa man ay may kakaiba sa kanyang pananalita. Kaya pala parang natural lang sa kanya ang pagsasalita ng banyaga noon. Napakatanga ko para ipagsawalang bahala ang mga bagay na napapansin kong kakaiba sa kanya noon.

"Zia Lynn, ayos ka lang ba? Bakit ka tumakbo?"

Nahugot ko ang aking hininga nang marinig ang sunod-sunod na katok. Boses iyon ni Dionesa.

Tinakpan ko ang aking bibig para hindi niya marinig ang aking paghikbi.

"Zia Lynn! Buksan mo 'tong pinto!"

Mabilis kong tinungo ang toilet bowl saka pinindot ang flush.

"S—sandali! Masama talaga ang tiyan ko. Kailangan kong ilabas 'to!" sigaw ko.

Lumapit ako sa lababo saka binuksan ang gripo. Naghilamos ako ng aking mukha. Hindi nila ako puwedeng makita sa ganitong sitwasyon.

"Diyos ko! Akala ko naman kung ano'ng nangyari sa 'yo. Sige, babalikan kita. Ikukuha kita ng gamot."

"S—sige."

"Kaloka, wrong timing 'yang tiyan mo, ha. Kaya pala mangiyak-ngiyak ka kanina, may pinipigil ka palang sama ng loob. Sabi sa 'yo, huwag ka nang kakain ng mga dala ni Raquel, eh. May kasamang sumpa 'yon," natatawang bulalas ni Dionesa.

Medyo nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang papalayong mga yapak ni Dionesa.

Kung alam mo lang, Dionesa. Kung puwede ko lang sanang sabihin na totoong may pinipigilan ako, ang pagbagsak ng mga ulap sa ibabaw ng aking mga mata.

Huminga ako nang malalim saka tinitigan ang aking repleksyon sa salamin. Namumula ang aking ilong at mga mata. Kahit kaunting iyak lang kasi ganito ang nangyayari sa akin.

Halos habol ko ang aking hininga. His face flashed in my mind again.

Pinaypayan ko ang aking mukha para pigilan ang muli kong pagluha. I held my eyes close to stop my tear ducts from shedding another pool of liquid.

I cupped my face then took a deep long breath to calm myself.

Kailangan kong maliwanagan sa nangyayari ngunit kailangan ko munang kumalma. Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano ang mga tao rito sa bahay.

"Zia Lynn, narito na ang gamot. Hiningi ko kay Nanay Sol."

Muli kong narinig ang boses ni Dionesa mula sa labas. Kumalabog ang puso ko.

"S—salamat. Pakilagay na lang sa ibabaw ng kama ko," sigaw ko. Sapat lang upang marinig niya.

"Hindi ka pa ba tapos?" untag niya. Dali-dali akong lumapit sa toilet ay muling nag-flush.

"Hindi pa, eh. Pakilagay na lang ng gamot sa kuwarto, ah? Inumin ko na lang mayamaya."

Mga ilang segundong namayani ang katahimikan bago ko narinig ang kanyang sagot.

"Oh, sige. Iiwan ko na lang sa ibabaw ng kama mo. Babalikan na lang kita mamaya. Baka agawin ng Raquel na 'yon ang pasalubong ni Senyorito Timothy para sa 'kin."

Napangiwi ako.

Hinintay kong umalis siya bago ako muling naghilamos sa lababo. Tiniyak kong walang bakas ng luha sa aking pisngi. Nang makasigurado na akong nakaalis na si Dionesa ay saka ako lumabas.

Dire-diretso akong pumasok sa kuwarto namin. Nadatnan ko nga roon ang gamot para sa LBM na ipinatong ni Dionesa. Nakokonsensya ako dahil nagawa kong magsinungaling sa kanya. Mabait pa naman siya sa akin. Pero hindi ko puwedeng sabihin sa kanya ang totoong dahilan kung kaya ako tumakbo kanina.

Binuksan ko ang cabinet saka inilagay sa ilalim ng aking mga nakatuping damit ang gamot.

Humiga ako sa kama saka nagtalukbong ng kumot. Mabuti na lamang at may aircon din dito sa loob ng kuwarto namin. Kaya may dahilan ako mamaya sakaling magtanong sila.

I faced the wall ang hugged the pillow. Saka ko na iisipin kung paano ko haharapin ang taong hindi ko lubos maisip na sa dinami-dami ng lugar at pagkakataon ay dito ko pa makikita.

Hanggang ngayon isang malaking katanungan pa rin sa akin kung paanong nangyari ang lahat ng ito. Itanggi man ng aking isip ay tila tadhana ang gumawa ng paraan para muling magtakbo ang aming landas.

Napasabunot ako sa aking buhok nang mag-init na naman ang mga sulok ng aking mga mata. Hindi na dapat ako umiyak, baka magtaka sila.

Pinilit kong makatulog kahit pa na gulong-gulo ang aking utak. Sa tulong ng mga luha hindi ko namalayang nakaidlip ako.

Nagising ako sa mahihinang tapik sa aking pisngi. Kinusot ko ang aking mga mata. Mukha ni Dionesa ang bumalandra sa aking paningin.

"Sa wakas nagising ka na. Kanina ka pa pinapagising ni Nanay Sol."

Nang matauhan ako'y napabalikwas ako ng bangon. Napatingin ako sa orasan na nakasabit malapit sa pinto ng kuwarto.

Pasado alas otso na ng gabi. Kung gano'n ay mahigit limang oras akong nakatulog!

"Oh, dahan-dahan. Okay na ba ang tiyan mo?" tanong ni Dionesa. Saka ko lang napansin na nando'n din pala si Milagros sa loob ng kuwarto.

"Hindi ka na namin ginising kanina kasi sabi ni Senyorito Gaston hayaan ka munang magpahinga. Pero ang bilin niya ay kumain ka raw pagkagising mo at uminom ka ulit ng gamot kung masakit pa rin ang tiyan mo," ani Milagros.

Napahawak ako sa aking tiyan.

"Medyo okay naman na. Salamat sa inyo," mahinang tugon ko.

Diyos ko, patawarin mo sana ako sa pagsisinungaling ko.

"Grabe, ang epic ng first meeting ninyo ni Senyorito Timothy. Bigla kang na-LBM," nailing na untag ni Milagros.

"Kaya nga, eh. Nakakahiya sa amo natin." Nag-iwas ako ng tingin. Paninindigan ko na yata ito.

"Naku, huwag mo nang isipin si Senyorito Timothy. Napakabait no'n. Parang si Senyorito Gaston din."

"Mababait naman silang tatlong magkakapatid. Iyon nga lang si Senyorito Timothy ang medyo seryoso sa kanilang tatlo," sabat naman ni Dionesa.

I nodded my head.

"Matagal na bang hindi umuuwi rito si... Senyorito Timothy?" pasimpleng tanong ko. Tila may bumibikig sa aking lalamunan. Hindi ako sanay na tawagin siya sa unang pangalan.

"Hay naku, madalang pa sa panganganak ng kalabaw kung umuwi 'yan dito. Madalas nasa Cebu 'yan o 'di kaya sa Iloilo. Noong nakaraan nga e parang mga dalawang taon siyang nag-stay sa Iloilo. May business kasi sila roon. Ang alam ko mga condo at hotel ang pinapatayo nila. Hands-on kasi 'yan si Senyorito sa negosyo nila. Ang payo kasi sa kanya ni Senyorito Gaston, mag-field work siya paminsan-minsan para ma-experience niya 'yong trabaho ng mga ordinaryong trabahador. Kaya ayon, naranasan niyang magpukpok ng martilyo at saka magbuhat ng mga bato at semento."

Natigilan ako't bumilis ang tibok ng aking puso. Siguro'y ang dalawang taon na iyon ay ang mga panahon na magkasama kami kaya hindi siya nakauwi rito.

"Kaya gano'n sila kabait sa mga trabahador ng hacienda at sa mga katulong na katulad natin, kasi naiintindihan nila ang hirap ng trabaho."

Ngumiti ako nang matipid kay Dionesa.

"Natutuwa ako kasi dito ako napadpad," anas ko.

Sinungaling. Gusto kong kutusan ang aking sarili.

"Teka, bago tayo mawili sa katsitsismisan, halika na muna sa kusina. Kumain ka para makainom ng gamot," ani Dionesa.

Umiling ako. "Bukas na lang ako kakain. Hindi ako nagugutom."

Natatakot akong lumabas ng kuwarto dahil baka makita ko ulit siya. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang kontrolin ang sarili ko sakaling makaharap ko ulit siya.

"Sira. Nakakain na kaming lahat, ikaw na lang ang hindi. Kaya halika na, sasamahan ka namin. Hindi ka puwedeng hindi kumain dahil inilabas mo lahat ng kinain mo kanina," pamimilit ni Milagros.

Hindi na ako nakahuma nang hinila ako pababa ng kama. Napabuntonghininga ako.

"Sina Senyorito Gaston at Senyorito Timothy, nakakain na rin?" pagkukumpirma ko. Sabay naman silang tumango.

"Oo. Nagpapahinga na sa kani-kanilang mga kuwarto ang mga 'yon. Si Susana at Nanay Sol nasa sala, nanonood ng paborito nilang teleserye."

Nakahinga ako nang maluwag. Nagpatianod ako sa paghila ni Milagros. Dinala nila ako sa kusina at pinaghain ng pagkain.

Ang totoo'y wala akong ganang kumain. Hindi pa nagpoproseso sa sistema ko ang mga nangyari kanina. Windang pa rin ako hanggang ngayon.

"Kumain ka na. Para kang namatayan kung tumulala riyan," puna ni Dionesa.

Natauhan ako't dinampot ang kutsara at tinidor sa aking harapan. Kahit napakahirap lumunok ay pinilit ko.

Isa pang bumabagabag sa isip ko mula pa kanina'y kung bakit gano'n ang kanyang reaksyon nang makita niya ako. Blangko ang kanyang mukha. Ni wala man lang bahid ng pangungulila kagaya ko.

I smiled bitterly.

Bakit pa ba ako umasang pareho kami ng nararamdaman gayong ako naman ang nagtaboy sa kanya palayo? Malamang binaon na niya ako sa limot. Saka, sino ba naman ako para ipaglaban? Wala naman akong maipagmamalaki. Hindi naman ako kagaya niyang nakatira sa magarang mansyon at nakaunan sa kayamanan.

Hanggang sa muli kong pagtulog ay hindi mawaglit sa isipan ko ang nangyari.

Magmamadaling araw na ay dilat pa rin ako. Sabagay, mahaba rin naman ang itinulog ko kaninang hapon.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Bakit ba ako natatakot e ito naman ang isa sa mga dahilan kaya pumunta ako rito ng Negros, 'di ba? Ang hanapin siya kapag may pagkakataon na ako. Pero bakit naduduwag ako ngayong sa iisang bubong na lang kami nakatira.

"Unahin mong linisin ang kuwarto ni Senyorito Timothy dahil hindi iyon nalinis kahapon. Palitan mo na rin ang kobre kama at kurtina," bilin ni Nanay Sol kinaumagahan.

I tried to act casually. Ayaw kong pati siya ay makahalata ng ugnayan namin ni Hugh.

"Sige ho," mahinang tugon ko, kahit na ramdam ko na naman ang pagkakarerahan ng mga kabayo sa loob ng aking dibdib.

Diyos ko. Paliit nang paliit ang mundo para sa aming dalawa.

"Sigurado ka bang maayos na ang tiyan mo? Uminom ka na ba ulit ng gamo?"

"Oho, Nanay Sol. Pasensya na ho ulit kayo sa nangyari kahapon."

Bumuntonghininga si Nanay Sol. "Mabuti na lang at napakabait ng mga amo natin. Nag-alala sila sa 'yo."

Ngumiti ako nang tipid.

"Oh, siya. Sige na. Maglinis ka na roon habang wala pa si Senyorito Timothy. Maaga iyon naglibot sa hacienda kaya wala na siya roon sa kuwarto niya. Iyong katabi ng kuwarto ni Senyorito Gaston, iyon ang kanya."

"Sige ho."

Tumalima ako at mabilis na umalis ng kusina. Bitbit ang panlinis ay dali-dali akong pumanhik sa taas.

Kailangan kong matapos ang paglilinis bago pa siya makarating.

Napapikit ako nang makapasok ako sa kanyang silid. Katulad ng silid ni Senyorito Gaston ay kulay abo rin ang nangingibabaw sa kanyang silid. Maayos nang nakasalansan ang mga unan sa kama.

Agad kong pinalitan ang mga kurtina saka ang kobre kama. Pati na rin ang mga punda. Pagkatapos ay kinuskos ko na rin ang banyo. Kasinlaki rin ng banyo sa loob ng silid ni Senyorito Gaston.

Parang sinisilaban ang aking puwet sa kamamadali.

Sana ay hindi siya agad makabalik para matapos ko agad ang paglilinis. Hindi ko pa siya kayang harapin ulit pagkatapos ng nangyari kahapon.

Tagatak ang aking bawis pagkalabas ko ng banyo. Habol ko rin ang aking hininga sa pagod.

Napapikit ako. Naaamoy ko pa rin ang kanyang natural na amoy katulad ng dati. Ngunit mas matapang na iyon na tila—

Napadilat ako't nanlaki ang aking mga mata nang bumulaga sa akin ang seryoso niyang mukha.

"Hugh..." I mumbled.

Napaatras ako. Paano siya nakapasok nang hindi ko agad naramdaman?

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Muli akong napaatras hanggang sa maramdaman ko na ang pinto ng banyo sa aking likod.

"Uhm, t—tapos na ho akong maglinis."

Nataranta ako nang ilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

"I see," aniya.

Kasunod ay ang pagsakop niya ng aking mga labi.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz