ZingTruyen.Xyz

Reckless Love

Chapter 1

greatfairy

CHAPTER 1

"NAKIKITA mo ba ang lupaing iyon?" turo ni Hugh sa malawak na lupain sa tabi ng dalampasigan.

Nangingiting tumango ako kahit hindi niya nakikita ang aking mukha dahil nakayakap siya sa akin mula sa likod. Manaka-naka niyang hinahalikan ang buhok kong nililipad ng hangin.

"Doon natin itatayo ang ating mansyon. At pupunuin natin ng maraming anak para masaya at maingay."

His voice was full of hope. Tila siguradong-sigurado na siyang ako  talaga ang makakatuluyan niya balang araw.

"Ilang anak ba ang gusto mo? Ako kasi gusto ko dalawa lang. Isang babae at isang lalaki," I responded dreamily.

I only see myself marrying Timothy Hugh Bustamante.  Mahal na mahal ko itong lalaking nakayakap sa akin.

"Gusto ko naman anim. Limang lalaki at isang babae. Para marami siyang tagabantay," aniya.

Natawa ako nang mahina.

"Sabi mo noong nakaraang anniversary natin, tatlo lang. Bakit dumoble? Baka sa susunod isang dosena na, ha."

Pinihit niya ako paharap sa kanya. Nakapulupot pa rin ang kaliwa niyang kamay sa aking baywang samantalang ang kabila ay nasa aking pisngi. He caressed my face using the back of his palm while intently staring at me.

"Gusto ko ng maraming anak, Zia. Gusto kong magiging isang malaki at masaya ang ating pamilya."

His words melted the core of my heart. It's our anniversary today and we are celebrating it together. Madalas kaming nandito sa dalampasigan dahil dito ay walang may makakakita sa amin. Malayo sa pamilya ko.

"I love you," I answered instead.

Natigilan siya. Pagkailang segundo ay unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mapupulang mga labi. Tila bituing kumislap ang kanyang mga mata. I examined the shape of his face. Minsan talaga naiisip kong anak ng mayaman itong si Hugh dahil sa angkin niyang kaguwapuhan. Ang matangos niyang ilong ay tila hinulma ng isang manlililok.

"Mas mahal kita. Mahal na mahal, Zia. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa 'kin," aniya. He caressed my lower lip using his thumb. Napapikit ako nang maramdaman ko ang init ng kanyang hininga. Tila ayaw ko nang matapos ang araw na ito. Gusto ko na lamang siyang kasama.

I held his wrist then opened my eyes. Only to be welcomed by his beautiful pair of grayish eyes. Tila nangungusap ang mga iyon sa akin.

"Hindi ko rin kakayanin kapag nalayo ka sa akin, Hugh."

He gulped as his gaze lowered down to my lips. Nasundan ko ng tingin ang paggalaw ng kanyang lalamunan. I always find that sexy. Tila nakakaakit yata kahit ano'ng gawin ng lalaking ito.

"Alam mo ba kapag tinititigan kita nang ganito kalapit, pakiramdam ko hawak ko ang buong mundo," aniya. His diction sounded so sexy to my ears. At lalong nagpapahurumintado ng puso ko ang init ng kanyang hininga.

"Ipinapangako ko sa 'yo, Zia, gagawin ko ang lahat para maging masaya ka sa piling ko habang buhay. Kayo ng magiging mga anak natin."

With that, he lowered his head and captured my lips. Buong init ko iyong tinanggap. This is not the first time that we kissed but it always feels like one. Sa lambot ng kanyang mga labi at bango ng kanyang hininga, hindi ko akalaing isang hamak na construction worker lamang siya. Not that I am looking down on his job, I am actually so proud of him. Siya lang yata ang pinakamasipag na taong nakilala ko. Na kahit pa pagod na pagod siya sa buong maghapon na pagpupukpok ng martilyo at pagbubuhat ng semento ay nagagawa  pa rin niya akong sunduin  sa eskuwelahan gamit ang kanyang motorsiklo.

Napakapit ako sa matigas niyang dibdib nang lumalim ang kanyang halik. Na para bang may hinahanap siya sa aking mga bibig. Na para bang isa akong paborito niyang ulam na ngayon niya lang ulit natikman sa loob ng mahabang panahon.

I felt the fast beating of his heart. Just like mine. Napangiti ako sa gitna ng aming paghahalikan hudyat para matigilan siya at pinakatitigan ako. Sapo niya ang aking pisngi gamit ang kanyang kanang kamay. At bawat segundo yatang tumatalon ang puso ko sa tuwa sa tuwing sasalubungin ko ang kanyang nakapapasong tingin.

His eyes speak so much admiration and love. It always feels like I am his greatest possession in life.

"Happy anniversary, asawa ko."

Lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Malalim ngunit malambing ang kanyang boses. Hindi ko maarok ang emosyong nararamdam ko ngayon.

"P--pero hindi pa naman tayo kasal," I stuttered which made him chuckle. He tucked the stray hair behind my ear. Muli niya akong kinintalan ng mabilis na halik sa labi na nagpasinghap sa akin. Bagamat mabilis lang iyon ay libo-libong boltahe ng kuryente ang idinulot niyon sa aking kalamnan.

"Bakit gano'n? Hindi ako nagsasawang titigan ka? Gustong-gusto na kitang asawahin. Kung puwede lang sana."

He bit his lower and smiled at me naughtily. He's 23 and I'm just 19. Nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Ilang buwan na lamang at magtatapos na ako sa kursong Edukasyon. Bata pa lamang ako ay pangarap ko nang maging grade school teacher. Kaya kumuha ako ng Bachelor of Science in Elementary Education.

"N--naiinip ka na ba?"

Bagama't pabulong lang iyon ay nagulat ako sa sarili kong tanong. Nagsalubong ang makakapal niyang kilay saka hinuli ang aking tingin. Magdadalawang taon pa lamang ako noon sa kolehiyo nang sinagot ko siya.

"Of course, not."

Ako naman ngayon ang nagsalubong ang mga kilay. Ako lang ba o parang ang gandang pakinggan ng accent niya? It's as if he's used to speaking English. Saglit siyang umiwas ng tingin saka kumurap.

"Maghihintay ako hanggang sa handa ka na. Sasamahan kita sa pag-abot ng mga pangarap mo, asawa ko."

He grinned this time. His complete set of white teeth made me think that he can be a perfect endorser of  a well-known toothpaste brand.

Parang modelo ang angking tindig ni Hugh kaya noong unang beses kaming nagkita ay inakala ko pang anak-mayaman siya. Noong niligawan na niya ako'y nalaman kong wala na pareho ang mga magulang niya. Tanging tatlo na lamang daw sila ng kapatid niya ang nabuhuhay pero nasa Negros Occidental daw ang mga iyon. Kaya't hindi ko maiwasang humanga sa kanya dahil nagagawa niyang iraos ang bawat araw na mag-isa na lamang siya.

Asawa ko.

Lately ay iyon ang itinatawag niya sa akin. Dati kasi tinatawag niya akong Mahal. At hindi ko maiwasang kiligin na nakikita niya talaga ang sarili niyang maitali sa akin habang buhay. Gano'n din naman ako sa kanya. Naniniwala akong malayo ang mararating niya dahil napakasipag at responsable niyang tao.

Muli niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig. Hinagkan niya ako sa gilid ng leeg bago pinakawalan. Nahigit ko ang aking hininga nang isang segundo. Kakaibang sensasyon ang dulot ng pagdampi ng kanyang malambot na labi sa aking leeg. Mayamaya'y naramdaman ko ang malamig na bagay na dumampi sa aking balat.

"Hugh, ano itong---"

"Don't ever take it off, please..." he said.

Hinawakan ko ang pendant ng kuwintas na isinabit niya sa aking leeg. Base sa itsura nito'y hindi ordinaryong kuwintas lang ito. The pendant is an engraved initials of his name, T and H.

"Hugh, mukhang mamahalin ito. Baka naubos mo ang pera mo---"

"Shhh... Mas mahal pa ang halaga mo kaysa kuwintas na 'yan, Zia. Huwag kang mag-alala, hindi pa naman ako magugutom dahil binili ko 'yan. Pinag-ipunan ko 'yan. Kaya sana huwag mong huhubarin, dahil ang kuwentas na'yan ang magpapaalala sa akin na pag-aari kita," aniya.

I gulped hard. Tila matutunaw na ako sa kanyang mga titig. I am so lucky to have this man in my life.

"Kapag may lalaking umaaligid sa 'yo, sana huwag kalimutang hawakan ang mga letrang nakasabit sa leeg mo. Na si Timothy Hugh Bustamante lang ang tanging lalaki sa buhay mo."

Napangiti ako. He's so territorial in a gentle way.

"Maraming salamat, Hugh. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya. At hindi mo naman kailangan gumastos para lang pasayahin ako. Sapat na sa akin na ako lang ang mahal mo."

I tiptoed and kissed him on the lips. It was supposed to be just a quick kiss but he held my waist and deepened it.  Napakapit ako sa kanyang batok nang biglang nanghina ang aking nga tuhod. Sinapo niya ng kanyang kanang kamay ang aking likod habang nasa baywang ko pa rin ang kaliwa niya.

"Hugh...Hmmp!"

Napaungol ako nang buong-buo niyang sinakop ang aking mga labi. He's so damn good kisser. I couldn't agree more.

Naramdaman ko ang unti-unti pagbaba ng mga halik niya sa aking leeg kaya't napapikit ako. Oh, God! Hindi ko yata kayang pigilan ang nararamdaman ko lalo na nang unti-unti kong naramdaman ang kamay niya sa aking balakang.

Nagpaubaya ako ngunit napasinghap ako nang tumigil siya at inalalayan akong makatayo nang maayos. Mabuti na lamang at walang taong nagagawi sa bahaging ito ng dalampasigan kaya walang nakakita sa amin.

"Kailangan kong pigilan ang sarili ko, mahal. Ayaw kong masira ang pag-aaral mo," hirap niyang sabi.

Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi.

"I'm s--sorry," I murmured.

Inayos niya ang nagusot kong damit pati ang aking buhok.

"It's not your fault, mahal. Hindi mo kasalanan na sobrang nahuhumaling ako sa 'yo. Na kahit wala kang ginagawa ay naaakit mo ako," kagat-labing sabi niya.

Hinampas ko siya sa dibdib ngunit hinuli niya ang aking kamay saka dinala iyon sa kanyang mga labi at hinalikan.

"Kahit ano'ng mangyari, akin ka lang, 'di ba?" nangungusap niyang tanong.

Sunod-sunod akong tumango. Para sa akin ay napakasuwerte ko na kung sakaling magkatuluyan kami. Wala na akong ibang mahahanap pa sa isang lalaki. Na kay Timothy Hugh na lahat ng katangian ng isang responsableng lalaki.

"Sa 'yong-sa'yo lang ako, Hugh. Ako nga ang dapat mangamba kasi ang daming babaeng gustong maangkin ka."

Nalukot ang aking mukha nang maalala ko na naman na maraming nagpapansin sa kanya. Lalo na sa mga schoolmates ko. My boyfriend is undeniably handsome and has a strong sex appeal. Sa araw-araw niyang pagbubuhat ng semento at kung anu-ano pa sa construction ay lalong nahuhubog ang kanyang katawan.

"Silly, you're the only woman who owns my heart, mahal."

Natigilan na naman ako. There he goes again. The way he talks sounds like he has grown to speak that foreign language. He's so weird sometimes. Kapag kasi tinatanong ko siya tungkol sa sarili niya, ayaw niyang magkuwento. Sariwa pa yata sa kanya ang pagkawala ng kanyang mga magulang kaya hinahayaan ko na lang.

"Napakasuwerte ko, Hugh. Sapat na sa akin na ako lang ang mahal mo. Happy anniversary..."

Muli kaming nagyakap. Ito ang paborito naming bahagi ng bayan dahil walang nagagawi rito. At saksi ang bawat alon na humahampas sa dalampasigan sa aming pagmamahalan.

"Salamat, mahal."

Hinagkan niya ako sa noo pagkatapos niya akong pakawalan sa yakap. Pinagmasdan namin ang mga alon sa dagat habang nakaakbay siya sa akin.

"Hindi ka ba nangungulila sa mga kapatid mo? Kailan ka ulit uuwi ng Negros?" pagkuwa'y tanong ko.

He blew a deep breath.

Hindi naman sa ipinagtutulakan ko siyang umalis. Siyempre, ayaw ko rin namang hindi siya makita sa loob ng isang araw. Tiyak na kahit isang araw lang kaming hindi magkita mangungulila na agad ako sa kanya. Gusto ko lang naman makilala rin ang  pamilya niya. Nahihiya lang akong magsabi pero ang totoo'y gusto kong sumama roon para makita ang pinagmulan niya. Kahit magkalapit lang ang Negros at Iloilo ay hindi pa ako nakaapak doon kailanman.

"Kapag graduate ka na," aniya. Pinisil niya ako sa ilong.

"Talaga? Isasama mo na ako?"

Bigla akong na-excite.

"Oo, mahal. Limang buwan na lang makaka-graduate ka na. Malapit mo nang matupad ang pangarap mo."

Biglang bumulusok ang excitement ko nang may maalala ako.

"Pero ang sabi ni Papa mag-re-review ako para sa LET exam pagkatapos ng graduation. Baka hindi ako makasama."

Isa pa patago lang na may relasyon kami ni Hugh. Magagalit si Papa kapag malaman niyang ang isang katulad ni Hugh ang boyfriend ko. Matayog ang pangarap niya para sa akin. Ayaw niya raw kasing maranasan naming mga anak niya ang naranasan nila ni Mama noon. I totally agree to that, pero hindi ko naman kailangan ng lalaking mayaman para maiahon ang sarili ko sa hirap. Ang kailangan ko ay lalaking responsable at mahal na mahal ako, katulad ni Hugh.

"Kung gano'n hihintayin ko munang matapos mo ang review at exam. Saka kita dadalhin sa Negros."

Namilog ang mga mata ko.

"You can't wait that long, Timothy Hugh. Aabutin ng mahigit isang taon iyon. Puwede ka namang umuwi ng Negros. Babalik ka naman, 'di ba?"

May bumikig sa aking lalamunan. Hindi ko yata kaya. Hindi ko lubos maisip ang sarili kong nangungulila sa kanya.

"Mahal, ayos lang sa aking maghintay kahit gaano katagal basta nakikita kita. Pero mas maghihirap ang kalooban ko kapag nasa malayo at hindi ka kasama."

Nakagat ko ang ibabang labi. Kahit hindi siya magkuwento nakikita ko sa mga mata niyang gusto niya ring makita ang mga kapatid niya dahil nangungulila siya sa kanila.

Naupo ako sa tuyong dahon ng niyog na nahulog sa buhangin. Agad naman niya akong tinabihan.  Awtomatikong pumulupot ang matitipunong braso niya sa aking baywang. Napasinghap ako nang magdikit ang aming katawan.

Maingat niyang isinandal sa kanyang balikat ang aking ulo. Hindi ko alam pero nag-uumapaw ang kasiyahan ko dahil magkasama kami ngayon. I don't need candle lights and expensive meal for an anniversary date. Makasama ko lang siya ay sobrang sapat na.

"Pasensya ka na tanging sumbrero lang ang iniregalo ko sa 'yo," namutawi ko.

I gave him an embroidered cap. Pinag-ipunan ko ring maibili siya no'n pero ako mismo ang nag-gansilyo ng initials naming dalawa.

"Yakap at halik mo lang naman ang gusto kong regalo. Hindi ko lang alam bakit mo pa naisipang bilhan ako," bulalas niya. I wrinkled my face. Tumawa siya.

"Biro lang, mahal. Hindi mo naman kailangang magbigay ng regalo. Ang pagmamahal mo lang ang kailangan ko."

My heart melted. He's just too good to be true.

We watched the sunset by the sea together to celebrate our  two-year old relationship.

Nang nag-aagaw na ang dilim at liwanag ay saka niya ako inihatid. Katulad ng dati ay sa kanto niya lamang ako ibinaba. Hindi kasi siya puwedeng makita nina Papa. Saka ko na lang siya ipapakilala sa parents ko kapag graduate na ako. Ipinagpapasalamat ko na lang na naiintindihan iyon ni Hugh.

Inalalayan niya akong makababa sa motorsiklo. Ang sabi niya, fully paid na raw iyon. Kinuha niya kasing installment. Nakakatuwa kasi nagawa niya iyon sa loob lang ng isang taon.

Hinubad niya ang suot kong pink na helmet saka isinabit iyon sa kanyang motor.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi," mahinang bilin ko. Nakikita ko na naman ang lungkot sa kanyang mga mata. Na para bang gusto niya akong ihatid sa tapat mismo ng bahay.  I couldn't help but to feel guilty. Dahil hindi ko pa siya kayang iharap sa pamilya ko.

"Mag-iingat ako para sa 'yo, mahal. Aasawahin pa kita, 'di ba?" aniya.

Pinamulahan ako. Gustong-gusto ko na siyang halikan kahit sa pisngi lang pero baka may makakita sa amin.

"Sige na, umuwi ka na sa inyo," sabi ko ngunit umiling siya.

"Sisiguraduhin ko munang ligtas kang makarating sa pinto ng bahay ninyo. Kaya, sige na. Mauna ka na, mahal," he boldly said.

I sighed. Alam ko namang wala akong panalo sa kanya.

Tumalikod na lamang ako bago pa magbago ang aking isip. Sinimulan ko nang maglakad pauwi sa bahay.

Nilingon ko siya nang matanaw ko na ang aming bahay. Nakasandal pa rin siya sa kanyang motor habang pinapanood ako. 

Kumaway ako bago tuluyang tumalikod. Pagpasok ko ng bahay ay isang sampal ang sumalubong sa akin.

"Kailan ka pa natutong makipagkita sa isang lalaki, Zia?"

Pumaling ang aking mukha. Ramdam ko ang bigat ng kamay ni Papa sa aking pisngi.

©GREATFAIRY

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz