Prologue
This novel is intended for mature readers only and should not have been read by 18 below.
Contains mature scenes, strong language, and VIOLENCE. You may skip this story if you're not into this kind of genre. I write different genres and use different voices.. You may check my other works if you're uncomfortable reading this story.
Note: This is different from the old print book, this one is the improved 2023 copy with additional new scenes and chapters that were only released this year. Thank you.
---------------------------------------------------
ANONG ORAS NA BA?
Wala akong alam sa oras dahil wala namang orasan dito. Pinagmasdan ko ang kapirasong liwanag mula sa mataas na bintana. Kakaunti na lang iyon. Dumidilim na kaya siguro ay magagabi na. Kailangan ko nang buksan ang aking makulay na lampara.
Ang kuwartong kinaroroonan ko na bagaman may maliit na sariling banyo ay wala namang ibang gamit, kundi ang aking foam na higaan sa lapag, isang kumot at isang unan. Wala ring kuryente at ang nag-iisang bintana ay bukod sa napakaliit ay napakataas din. Mabuti na lang at malamig sa lugar na ito, kaya kahit paano ay komportable ako. O baka aking pinaniniwala na lang ang sarili na komportable nga ako rito?
Ilang araw na nga ba? Ilang linggo? Ilang buwan? Maglilimang buwan na yata simula nang ikulong niya ako dito sa maliit na kuwartong ito.
Kailan ba ako makakaalis? O sa madaling salita ay makakatakas? Pero gumagawa nga ba ako ng paraan para tumakas?
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang pagtunog ng kandado mula sa labas ng kwartong ito. Bumilis ang tibok ng puso ko. Siya na ba iyon?
Siya na dahilan kung bakit nandito ako.
Siya na bumihag sa akin nang hindi ko alam ang dahilan.
Siya na pinupuntahan lang ako kapag dapit-hapon na, kapag madilim na, at hindi ko na siya gaanong makikita. Tumayo ako at hinintay siya na makapasok. Ang inaasahan ko na takot na mararamdaman ay wala. Siguro nasanay na ako. O baka dahil sa alam kong kahit may mga panahong gusto niya, hindi niya pa rin talaga ako kayang saktan.
Iniluwa ng pinto ang isang matangkad na lalaki. Dahil nga sa papadilim na, halos hindi ko na siya makita. Hindi ko pa rin nabubuksan ang aking makulay na lampara, sabagay ay hindi rin naman iyon sasapat para masilayan siya. Talagang sinasadya niya na tuwing gabi niya lang ako pupuntahan para hindi ko makita ang itsura niya.
Ang alam ko lang ay parang hindi nalalayo ang edad namin sa isa't isa. Ang mga mata niya ay palaging malamlam na bahagya kong nasisinag kapag malapit na malapit siya. Kabisado ko na rin ang mabangong amoy niya, ang malamig at matigas na boses niya, at maging ang kanyang paghinga. Sino nga ba talaga siya? Kailan ko ba siya tuluyang makikilala?
Hindi nga ako nagkamali dahil ilang saglit lang ay nasa harapan ko na siya. Tumatama sa aking balat ang mainit at bagamat amoy alak ay mabango niyang hininga.
Nang lumapit na siya sa akin ay napasinghap ako. Amoy alak na naman siya. Ang lalaking ito na tila ba may dala-dalang napakalaking problema. Tumingala ako sa kanya at ang aking isang kamay ay tila may sariling buhay na umangat upang damahin ang makinis na pisngi niya. Naramdaman ko ang pagpitlag niya dahil sa aking ginawa.
"B-bakit ba galit ka sa akin?" mahinang tanong ko.
Wala siyang sagot.
Ang aking nanginginig na palad ay marahan siyang hinaplos. Ang aking mga daliri ay tumulay sa kanyang panga, paakyat sa gilid ng kanyang mga labi, patungo sa kanyang matangos na ilong. Pati ang mahahaba niyang pilk-mata ay aking dinama. Nang bumalik sa kanyang mga labi ang aking daliri ay doon niya na hinuli ang kamay ko.
"Stop it," maaligasgas na bigkas niya. Ang boses niya na ngayon ko na lang ulit narinig. Dalawang araw at dalawang gabi na kasi mula nang huli siyang pumunta rito. Ngayon na lang ulit kung kailan nakainom siya. Kung kailan may lakas ng loob siya.
Ang kamay niya na nasa aking pulso ay tumungo sa leeg ko. Hinawakan niya ako roon na para bang may balak siyang sakalin ako. Pero katulad ng parati, hindi niya magawa.
"I want to kill you. So bad."
"P-pero hindi mo kaya..."
Kung noon ay puro takot ang nasa dibdib ko, ngayon ay hindi ko na makapa ito. Humakbang ako para mapalapit sa kanya. Naramdaman ko ang agad na paninigas ng katawan niya.
"S-sabihin mo, ano ba talaga ang kasalanan ko sa 'yo?"
Walang katapusan ang tanong na ito na sa palagi ay itinatanong ko sa kanya, pero kahit minsan ay hindi niya masagot. Hindi ko talaga alam kung bakit siya galit sa akin? Bakit niya ako dinakip at dinala rito? Bakit gustong-gusto niya akong saktan kahit hindi naman niya magawa?
Alam ko na hindi pa kami nagkakakilala kahit kailan. Kahit pigain ko ang aking isip ay wala talaga akong matandaang meron akong nagawan ng masama. Malinis ang aking konsensiya na kahit kailan ay wala akong taong naagrabyado sa buong buhay ko.
"Pakiusap... Sabihin mo sa akin... Gusto kong maintindihan ang lahat... Ang lahat-lahat..."
"You don't have the right to ask me questions."
Okay. Kung ayaw niya talaga, susubukan ko na lang ulit sa ibang araw. Sa ngayon, 'wag sana muna siyang umalis agad. At mukhang hindi nga siya aalis. Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin. Nang muli akong tumingala ay nakayuko na siya. Nasamyo ko ang mainit at mabango niyang hininga.
Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin, pero katulad ng mga nagdaang gabi, inabot ko muli ng mga labi ko ang mga labi niya.
Ang pagkagulat ng lalaki ay sandali lang. Mayamaya lang ay marubdob at malalim niya nang ginaganti ang mga labi ko. At sa sumunod na sandali ay magkayakap na kami sa ibabaw ng aking higaan habang ang aming mga katawan ay wala ng suot na kahit ano. Sa ganitong paraan lang... Sa paganitong paraan lang naiibsan ang mga lungkot sa aming mga puso.
"Ah, fuck, ahh... Ahhhh...." Humigpit ang yakap niya sa akin habang pabigat nang pabigat ang kanyang paghinga.
Muling bumilis at dumiin na ang mga galaw niya. Naghahalo na ang aming mararahas na ungol at daing hanggang sa pareho na kaming humihingal.
"Ahh... I'm coming..." Sumubsob siya sa balikat ko kasabay ng panginginig niya sa aking likuran.
Natulala ako sa pader nang makatapos siya.
"Rest for a bit because later, I'm gonna fuck you again," anas niya sa aking balat.
Ang 'later' na sinasabi niya ay sandali lang. Ni hindi ko pa nakukuhang magpahinga nang maramdaman na ulit ang pag-iisa ng aming mga katawan.
Mapait akong napangiti. Hindi ko kayang tumanggi. Nakakatawa mang sabihin, pero para bang ang lalaking ito ay bahagi ko na. Nababaliw na nga ba talaga ako nang tuluyan?
Dahil sa tingin ko, hindi ko na kayang mabuhay pa nang wala siya...
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz