Promise To A Stardust (Published Under Flutter Fic)
Kabanata 1
Kabanata 1
"NURSE Lars to ER, please!" Mabilis akong napatayo. Kaagad kong isinuksok ng buo sa bunganga ang tinapay na hawak, may laman pa ang bibig ay ininom ko ang kape na kakakuha ko pa lang limang minuto ang lumipas.
"Nurse Lars!"
"Oo!" I exclaimed and coughed. Napangiwi ako nang mapaso ang dila ko pero wala na 'kong time magreklamo at tinatakbo ko na ang ER habang pinupusod ang buhok.
Sa pagpasok ko pa lang ng station ay napasinghap na. Bungad sa 'kin ang usual na scenario, ang mga nurse na nagkakagulo sa pagpasok ng mga bagong pasyente.
Inikot ko ang tingin bago lumapit sa doktor na pinakamalapit sa 'kin.
"Yes, Doc?" I asked.
"Oh, Nurse Lars. Alam kong break mo ngayon kaso sobrang dami ng pasyente at nakulangan kami sa nurse. Pasensya na." Nabakas ko ang paumanhin sa kanya na kagaya ko'y pagod na rin.
"Ayos lang po." I smiled. "Who am I going to attend?" I looked around the chaotic room.
"May naiwan akong pasyente do'n sa may pinakadulong kurtina. Car accident, mild injuries lang naman. I was supposed to attend to him but there's a new urgent patient to attend. Ikaw na ang bahala."
"Sige po." I nodded.
"Salamat, Lars." Tumango ako. Habang papunta ro'n ay dinukot ko ang name plate at kinabit sa scrub suit.
Being in a medical field, in a hospital setting is exhausting. Limang minuto pa lang akong nakakaupo sa break, kailangan na ako agad! 'Di ko na nga nalasahan ang tinapay ko! Diretso lunok na lang!
But well, ginusto mo 'yan, Lars. Nurse pa more!
"Good morning, Nurse!" Bati sa akin ng iilang doktor na may inaasikaso rin.
"Good morning, Doc! Ang busy dito, a!" I smiled.
"Ano pa bang bago?" Ngumuso siya.
"Nasaan po pala ang pasyente ni Doc Roque?"
"Nasa dulong kurtina, yung malapit sa may aircon." Turo niya.
"Salamat." I smiled. She nodded, I checked my things again before striding closer to the white curtain.
"I am telling you, Wave, let's go back!" A baritone, hard voice echoed from the place.
"Asshole, you're injured!" Another voice hissed.
"I don't care," he scoffed. "This is just a small wound."
"A small wound can lead to bigger complications," sabi no'ng isa. "Paano kung mamatay ka r'yan?"
"E 'di mamatay, dapat lang sa 'kin 'yon," he answered bitterly.
My forehead creased. That was harsh, huh?
Marahang hinawi ko ang kurtina at sumilip nang may ngiti.
"Uhm, good afternoon," I greeted.
The two men paused. Two pairs of beautiful eyes stared back at me na miski ako'y natigalgal din!
Mga gwapings!
Magkatabi ang dalawa sa hospital bed habang ang lalaking naka-white shirt ay may hawak na ice pack, idinidikit iyon sa noo no'ng isang lalaki na medyo natatakpan niya kaya 'di ko masyadong makita ng buo!
The handsome man with brown eyes and dirty blonde hair, the one with the white shirt and jeans was gawking at me that his hold on the icepack loosened.
Napasinghap pa ako nang tumama iyon sa paa no'ng injured! However, the man didn't even flinch.
The other one leaned to get the ice pack he dropped, dahil do'n ay mas nakita ko ang kabuuan no'ng nakaupo bukod sa mga mata niya.
I swear oxygen knocked out of my lungs when I saw his green eyes looking as if piercing through my soul. His clean-cut hair was jet black, his red lips parting as if he was seeing an apparition.
My heart raced. I felt the warmth swarming my stomach upon seeing his face. I shrugged it off.
Mas hinawi ko ang kurtina at nagpakita nang buo. Nakatayo na ang nakaputi at pareho silang nakanganga sa akin.
"Uh, hello?" Ngumiti ako para 'di awkward.
Bakit ganito sila makatingin! May dumi ba sa mukha ko? Hala, baka may kalat pa ng tinapay!
Pasimple kong hinawakan ang gilid ng labi para mag-check pero wala naman!
"Hi, ako muna ang mag-aasikaso sa inyo. Unfortunately, Dr. Roque has an urgent patient to attend–"
"Fuck?" The blonde man cursed slowly.
"H-huh?" Kumunot ang noo ko.
Nakatitig pa rin sila na para bang aparisyon ako. Napahawak ako sa braso.
Hindi kaya namatay na 'ko ng tuluyan at twelves hours straight magkakasunod ang duty ko?!
"I-is there any problem, Sirs?" I asked, confused.
'Di nagsalita 'yong nakaputi at napaupo lang sa kama kaya do'n ako sa berde ang mata pero muntik lang siyang mahulog sa kama nang magkatinginang muli.
"Sir?!" naaalarmang tawag ko, lalo na nang mapansin ang pagpungay at panunubig ng mata niya.
Baka nabagok 'to?!
"Reev..." The man with the green eyes murmured, staring at me with bloodshot eyes.
"Uh, Lars na lang po, Sir!" Ngumiti ako. "Polaris Reeva Reyes." Tinuro ko ang name plate ko.
Muli kong inobserbahan ang may berdeng mata, tulala lang siya. I mentally noted to get him a CT scan quick!
"Miss, don't you know him?" napabaling ako sa biglang tanong no'ng isa.
"Huh? No?" I shook my head. "Ay, artista ba kayo?" Napatitig ako do'n sa blonde at napaawang ang labi ko nang may ma-realize.
"OMG! Wave Nievarez! Model ka, 'di ba?!" I squealed silently.
Sa halip na sagutin ako ay napatango ang lalaki at inilipat ang tingin sa kasama niya.
"Damn, you're fucked, man," he muttered.
Kumurap-kurap lang sa 'kin ang lalaki. Umabante ako.
"Sir, bugok ka ba?" I asked.
They froze again, napasinghap ako at naipikit ang mata sa kahihiyan.
"N-no! I mean, sorry! I was asking if nabagok ka ba? Kung tumama ang ulo mo sa manibela o–"
"Hindi," ani no'ng nakaputi. "Pero mas mabuti pang inumpog na lang niya sa manibela."
Hindi ko alam ang isasagot kaya napakamot ako ng kilay.
These people are weird. Or ako ang weird at nasabihan ko siyang bugok? Bagok dapat!
"Uhm, check ko muna kayo, Sir, ah?"
Lumapit ako sa gwapong si Wave Nievarez, aabutin sana para i-check kung may galos nang biglang may malakas na dumaing sa kama.
Napatalon ako, napalingon sa kasama ni Wave na hawak na ang tagiliran niya at dumadaing!
"Fuck, ang sakit!" He cursed.
I went to him immediately and took his hand. When I touched him, we both froze at the sudden electricity running from his skin towards mine.
"Nasaan ang masakit?" I asked and gripped his hand. His gaze caught mine and my breath quickened when that eye contact did something and made my stomach flutter. Napansin ko rin ang paglalim ng hininga niya.
We stared at each other and my lips parted when I noticed it was watery. I felt suffocated with the pain. Hindi ko rin alam bakit.
"Can I say get a room or something?" Wave blurted.
I looked away, my cheeks burning. Nilingon ko si Wave pero nagitla nang sipain siya ng malakas no'ng berde ang mga mata, dahilan para mahulog siya sa kama't sumalampak sa sahig.
"Tang ina mo, Alcantara!" Wave grunted.
"Sir! Ayos ka lang?" Akmang lalapit ako para tumulong nang may umabot ng palad ko at hinila ako pabalik. Napalingon ako sa nakaupo.
"M-masakit," he coughed, brushing off something in his eyes harshly and placing his hand on his chest. "Ang puso ko."
"Why?" I asked. "Tumama ba 'yong dibdib mo sa manibela?!" Bahagyang tumaas ang boses ko.
"P-parang..." he coughed harder. I reached for his chest and felt the quick pace of his heart.
"Tatawag ako ng doktor,"
When I looked at Wave, he was removing the dirt in his pants, staring at his friend with a ridiculous look, shaking his head.
"Sandali lang, Sir. I will call a doctor–"
"Ayos na pala ako," aniya sabay ngiting alanganin.
"Huh?" Napaayos ako ng tayo. "But your heartbeat is uneven and–"
"Ganyan talaga kasi nakita na 'yong mahal niya," ani Wave.
"Shut up, Nievarez!" The man scoffed angrily pero no'ng nilingon ko'y muling umamo ang itsura. "Reev, parang masakit 'yong dito ko." He pointed to his forehead.
Gulong-gulo ako sa nangyayari. Baka bangag kaming lahat dito?
"Tang ina ka, Caspian. Kadiri ka." Wave smirked.
Oh, so he's Caspian! Pang-prinsipe, ah?
"Fuck you, lumayas ka na rito," taboy ni Caspian kay Wave bago muling umungot sa 'kin.
"Reev, parang mahihimatay ata ako," nanghihina niyang sinabi.
Hinawakan ko ang noo niya para i-check ang temperatura bago humila ng unan at inilagay sa likuran niya. "Lean in, please rest,"
Namungay ang mata niya at tila nanghihinang sumandal. He looked in pain, napapahawak pa sa sentido. Kinagat ko ang labi at lumapit para abutin ang dress shirt niya.
He froze, wide-eyed.
"Ah!" Napataas ako ng kamay. "Sorry, Sir! Ipapahubad ko lang sana 'yong damit mo–"
Mas namilog ang mata niya.
"K-kasi itsi-check ko ang dibdib mo!" dagdag ko pa at baka ano ang maisip!
"A-ah..." Tumango siya at napalunok, namumula. "Sige, pero p'wedeng ikaw na? 'Di kaya no'ng kamay ko, nurse, eh. Nanghihina ako."
I heard a scoff and a burst of laughter. Napasulyap ako kay Wave na nakasandal lang sa pader habang nakahalukipkip at nanunuod.
"What happened to the patient?" I asked him.
"Nawalan ng preno, he hit a tree at the side of the road. Walang seatbelt kaya tumama ang ulo."
"Did he lose consciousness?"
"No," aniya. "Just a small wound. Lilinisin lang. Natignan na no'ng doktor kanina, saka matigas naman ulo niyan literal."
"Kasama ka ba sa aksidente, Sir? I'll check–"
"No, no. I'm okay. 'Yong tanga lang 'yong nabangga, taga-rescue lang ako.
Caspian coughed while glaring at his friend. Ibinalik ko sa kanya ang atensyon, marahang kinakalas ang dress shirt niya. Nakatulala lang siya sa 'kin sa duration no'n at nang tuluyan kong mabuksan ay hinawakan ko ang dibdib niya para i-check kung may signs ng trauma.
He sighed, relaxing.
"Masakit ba, Sir?" I asked again, dinidiin ang hawak.
"M-medyo lang, dito, oh..." Dinala niya ang palad ko sa dibdib niya pataas..
Pinakiramdaman ko iyon. There are no signs of physical trauma or bruises in his chest indicating complication but it's better to be safe than sorry.
Nilingon ko si Wave.
"Magpapa-schedule ako today ng chest x-ray and CT scan," I informed.
"Tama 'yan..." Tumango si Wave na may ngiti. "Pa-check na rin baka may natanggal na turnilyo."
I heard curses from the bed, napalingon ako kay Caspian na masama ang tingin sa kaibigan pero biglang pumikit paglingon ko. He firmed his large palm on mine still placed at the top of his chest.
"What's your relationship with the patient?" I asked. "Friend mo?"
"Cousin," Wave answered. Nagulat ako nang ilahad niya sa akin ang kamay niya at nagsalita. "Nice seeing you, Lars. Finally." He smiled.
"Uh, nice seeing you too?" I chuckled strangely. "Sige, sandali magpapa-schedule ako sa radiology. Urgent for the patient."
"Patient," natawa si Wave at tumango rin sa sinabi ko.
Nang bahagya kong kunin ang kamay ko sa dibdib ni Caspian ay napabangon siya sabay hawak no'n.
"S-saan ka?" I caught the panic in his tone.
"Sa radiology lang, Sir,"
"Babalik ka?" his voice cracked kaya tumango ako at pinisil ang palad niya.
"Yes, Sir. Babalik ako, sandali lang."
"Promise?" Mas inangat niya ang sarili at mukhang gustong sumunod.
I smiled gently. "Promise..."
Hesitantly, he let go of my hand, tumango ako kay Wave bago nagtungo sa radiology para magpa-schedule ng urgent testing para masiguradong ayos lang siya.
Dumaan ako saglit sa pantry para sumubo ulit ng tinapay bago bumalik sa ER. When I got there, my forehead creased when I saw Caspian outside talking to the nurses, looking panicky and frustrated.
"Ayon!" Tinuro ako ni Monique pagkakita. "Lars!"
Tinakbo ko sila at mabilis akong naabot ni Caspian. Nagitla ako nang higitin niya ako ng yakap. Mahigpit na mahigpit.
"Sir?!" I called, "ayos ka lang? May masakit–"
"Akala ko..." he breathed, stuttering. "A-akala ko nananaginip lang ako..."
He sniffed. I was so confused but my heart hurt so badly.
Wave attempted to go closer but he took a step back when someone recognized him.
The nurses gave me a look, asking if I needed help. May security nang papalapit pero umiling ako at itinaas ang kamay para h'wag na silang tumuloy.
Caspian was just confused. He hit his head.
Hinaplos ko ang likod niya.
"Let's get back to the bed, Sir," tawag kong marahan bago lumayo at inilahad ang kamay.
Tumango-tango siya, nanginginig pa rin, namumula ang mga mata nang tanggapin ang kamay ko at nagpahila pabalik.
He was quiet when we got back. Ipinaupo ko siya sa kama bago inabot ang medicine kit bago siya balikan.
"Pasensya na, Nurse Lars," ani Wave na naupo sa gilid. "'Di ko napigilan..."
"Ayos lang." I smiled while staring at Caspian's sleepy eyes. "Okay ka na, Sir?"
"Hmm... sorry," he mumbled apologetically and frantically dried his tears, inabot ko ang tissue at tinulungan siya sa pagpupunas at nanginginig siya. "I-I just panicked and I thought..."
"Okay lang, disoriented ka pa siguro." Hinaplos ko ang noo niya. "Ayos ka na?"
Tumango siya at tumitig. Inangat ko ang cotton. "I've scheduled a chest x-ray and CT scan for you."
Umawang ang labi niya. "Ayaw ko no'ng CT scan..."
"Why?"
"I..." He swallowed. "Paano kapag nawala ka kapag... kapag nalaman kong may sira lang pala ako sa ulo tapos..."
I chuckled. "Bakit naman ako mawawala, Sir? 'Di naman ako multo?"
Napatitig ang mapupungay niyang mata. I touched his hand to prove a point.
"See? I can touch you. Hindi ako multo na nawawala na lang bigla."
He caught my hand. Hinayaan ko siyang gawin iyon habang ang isang kamay ay malayang nililinisan ang sugat sa noo niya.
He stayed quiet and well-behaved after that.
"Reev?" tawag niya.
"Sir, Lars na lang," I said because no one calls me Reev.
"I want to call you Reev," he mumbled.
Ngumiti na lang ako at hinayaan siya. Hinawakan ko ang chin niya, I moved his face.
"Sa kabila naman, Sir,"
"Caspian," his hoarse voice echoed. "Call me Caspian."
"Sige po, Sir Caspian."
"Nurse Lars, kahit h'wag mo na siguro linisan ang sugat niyan. Uwing-uwi na 'yan kanina, eh. It was just a small wound," ani Wave.
"A small wound can lead to bigger complications," Caspian quoted.
Nagpigil ako ng ngiti.
"You just repeated what I said." Simangot ni Wave. "Kanina pinipilit mo akong umuwi kahit 'di na malinis ang sugat mo tapos ngayon–"
"Bakit hindi ka na lang umuwi?" Simangot ni Caspian.
"O, tara! Kapag nakita ako ng mga tao rito baka magkagulo pa," Wave said cooly.
"Umuwi ka mag-isa. Di naman ako sikat, no one would recognized me."
Wave shook his head, an amused smirk etched on his lips.
"Maiwan ko muna kayo, sa labas lang ako," ani nito at bumaling kay Caspian. "Don't fuck this up again, Caspian. Hindi na kita sasamahan maglasing."
When Wave left, we were surrounded by silence. I could notice him staring intently, mabigat at tingin na impossibleng 'di ko mapansin.
Hindi naman ako makatingin kasi ang bilis ng tibok ng puso ko!
His lips parted to say something but hesitated. He licked his lip and sighed.
"What is it?" I asked, smiling.
Napalunok siya. "H-how are you?" Finally, he spoke.
"Ayos lang naman, Sir," I said politely. "Like usual, duty."
He nodded and swallowed painfully. Hindi na muling nasundan ang pag-uusap namin at panay lang ang paninitig niya sa akin.
"Are you alright?" I asked. Ibinaba ko ang cotton at hinanap ang tingin niya.
"I just..." Namungay ang mata niya at nag-iwas ng tingin. "I'm happy... I think my heart will explode."
"Hmm? Why?" I asked curiously.
Mas umamo ang tingin niya. Nabakas ko ang hindi mapangalanang emosyon.
What is that? Pangungulila? Bakit?
I stared at his beautiful eyes and finally noticed the hope and pain. The regret I couldn't understand.
He looked very, very sad. He looked miserable. It made my heart hurt.
I have never felt this way before, never felt this kind of excruciating pain–at least for the last three years that I remembered.
I lifted my hand and as if it has a mind of its own, it unconsciously reached and caressed his cheek. Sa ginawa kong iyon ay nahuli ko ang paghulog ng panibagong luha niya kasabay ng paghila niya para sa isang mahigpit na yakap.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz