CHAPTER 03
"This destruction is your rebirth."
Napahinga ako ng malalim ng makapasok ako sa simbahan, napakaganda ng simbahan na kinaroroonan ko. At sino ba namang makakapagsabi na makakapunta ang isang tulad ko sa ganitong klaseng lugar? Ni hindi ko nga alam na makakasakay ako ng eroplano pero heto at talaga ngang nandito na ako sa Spain at maglalagi pa ako dito ng anim na buwan.
"This church is almost 400 years old Sister Zycel, at nakita mo naman siguro kung gaano kaganda ang simbahan na 'to." Sabi ng Reverend Mother na si Cecilia, siya ay nasa limampung taong gulang na. At nandito nga sila sa Spain para sa isang misyon sa pamumuno na rin niya.
"Opo Reverend napakaganda nga." Sabi ko habang nakangiti, kita mo naman kung gaano kaganda ang simbahan hindi lang dito sa loob kung hindi sa labas. Nagtagal nga din kami kanina doon sa labas, tinitingnan at ina-apreciate ang ganda ng St. Joseph church. At bilang isang magmamadre na katulad ko ay talaga namang pangarap ko ang makapunta sa ganitong klaseng simbahan. Dahil isa na din itong tourist attraction dito na talaga nga namang dinadayo hindi lamang ng mga katoliko kung hindi pati na din ng iba't-ibang turista saan man galing sulok ng mundo. This church is so serene and magnificent, you can see how this church is so pristine and captivating to the visitor. At hindi lang ako ang namamangha sa construction ng simbahan kung hindi pati na din ang iba kong kasama. Every church I visited is so welcoming, kahit ba wala ito sa Pilipinas ay pakiramdam mo ay welcome na welcome ka pag pumasok ka dito.
"Napakaganda diba? At kahit ilang beses na akong nakarating dito ay gandang-ganda pa din talaga ako." Sabi pa ng Reverent Mother habang naglalakad sila sa loob ng simbahan.
"Opo Reverent, maganda po talaga saka ang gaganda din ng mga santo." Sabi ko din, kahapon pa kami dito dumating pero ngayon lang kami nagsimula mag-ikot-ikot dito. Mula dito sa simbahan ay walang sampung minuto ang layo ng kumbento kung saan kami pansamantalang titira at naglakad nga lang din kami. Sampu lang kaming mga madre ang pinadala dito sa Spain at isa na nga ako sa pinalad na makasama. I am a novice or trainee as a nun, who follow the period of postulancy. Sa madaling salita ay hindi pa talaga ako ganap na madre pero ako ay ganap ng myembro na ng simbahan at maghihintay pa ng isa't-kalahating taon para sa aking vow. At hindi na din talaga ako makapaghintay pa na maging ganap na sa isang madre dahil ito talaga ang pangarap ko noon pa, ang maglingkod sa Diyos.
"At hindi lang itong simbahan ang puwede mong makita kung hindi pati na din ang iba pang simbahan dito sa Espanya. Pero halika muna at ipapakilala ko kayo kay Father Maceo." Sabi pa ng Reverent sa kanyang mga kasama.
At doon nga sa opisina ng simbahan sila nagpunta, hindi pa agad nila nakausap ang pari dahil may kausap din ito. Kaya naman naghintay pa sila ng halos kalahating oras bago sila nakapasok sa pinaka-visiting lounge area.
"Buenas tardes Reverent Cecilia.." Bati ni Padre Maceo sa kanyang mga bisita, itinawag na ito sa kanya kanina pang umaga. May mga darating nga daw na madre dito sa simbahan at siya ang sadya ng mga ito.
"Good afternoon Father, Como estas?" Bati din na sabi ng madre sa salitang espanyol, iilan lang at bilang lang naman sa daliri niya ang alam niyang espanyolna salita pero marunong naman ang pari sa salitang English at kakaunting Filipino.
"Soy bueno, soy bueno. Come in, dito tayo sa loob." Ani ni Padre Maceo, he's a polyglot or a multilingual person were he can speak different language fluently. He's a half Spanish and half Italian, his mother is Italian while his father is Spanish. At natuto siya sa iba-t-ibang lengguwahe hindi lamang dahil sa hilig niya sa pagbabasa kung hindi maging sa pakikipag-usap sa iba't-ibang tao at pakikipag-kaibigan na din. Kaya siguro isa siya sa mag-aasikaso sa mga madreng ito dahil marunong siya magsalita ng Filipino.
Malinis at napaka-organisado ng mga gamit dito sa loob, at hindi lang pala 'yon dahil may mga naglalakihang santo din dito gaya na lang ng kay Saint Benedict, Saint Francis Borgia at St, Peter of Alcantara. At oo marami akong kilalang santo dahil isa 'yon sa pinag-aaralan namin. Simple at napakatahimik dito sa loob at malamig din dahil nakabukas ang malaking aircon.
Hindi naman mapigilan ni Padre Maceo na tingnan ang mga madre na nasa harapan niya, ito ang grupo ng madre na galing sa Pilipinas at narito sa Spain ngayon para sa isang misyon. Actually their mission is to serve the rural community here with the help of others nun. At itong mga nandito ngayon ay hindi pa talaga ganap na madre at magiging madre pa lamang pagkalipas ng isa't-kalahating taon. Ipapakita sa mga ito kung ano ba talaga ang totoo at talagang trabaho ng isang madre ng sa gano'n ay ngayon pa lang malaman na nila kung pagmamadre ba talaga ang guto nilang gawin sa buhay. Dahil hindi lang ito isang trabaho, being a nun is a calling, a vocation. Na dapat alam mo na marami ka ng hindi puwedeng gawin oras na maging madre ka. They are all wearing a whit veil, at sa damit mo malalaman kung sino ba ang nakatanggap na ng vow sa hindi.
"Kumusta po ang biyahe niyo? Sinabi sa akin kanina na kahapon daw kayo dumating dito sa Spain." Ani ni Maceo, buti na lang at malawak at mahaba ang sofa dito sa visiting lounge area nila dahil nakaupo ang lahat ng labing isang madre ngayon.
"Maayos naman Father, medyo mahaba nga lang talaga ang biyahe papunta dito pero ayos lang naman." Sagot ni Reverend Mother Cecilia.
Tiningnan ko ng maigi ang nagsasalita, kulay asul na polo at pantalon lang ang suot nito pero siya nga yata talaga ang Father Maceo na sinasabi ni Reverend. Pero bakit gano'n? Bakit parang hindi siya mukhang pari? At parang mas papasa pa nga siya na model. O ganito lang talaga ang itsura ng mga pari dito dahil iba nga ng lahi.
"Nice, so we should start our meeting then? Alam niyo naman Reverent na medyo mahaba-haba ang dapat kong i-discuss ngayon." Sabi ni Father Maceo, ayaw niya kasing nasasayang ang oras niya kaya naman..
"Si Father, let's start our meeting now." At tiningnan pa talaga ng Reverent Mother ang mga kasama niyang madre at nginitian ang mga ito.
Complete on Patreon and vip group! Want to read this stories? Dm me on my fb page! (Maribelatenta stories)
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz