ZingTruyen.Xyz

Obey Him

NO MORE CRUSHES!


Dahil lang doon sa huling pag-uusap namin ni Kuya Calder ay nai-stress ako. Simpleng salita lang, simpleng ngiti, pero bakit ako nagkakaganito? Ito ang unang beses na nagkaganito ako, kaya hindi ko tuloy maintindihan ang nararamdaman ko. 


Ngayon lang ako nakasalamuha ng ibang tao, at siya pa iyong unang lalaki na nakilala ko. Siya ang unang kumausap sa akin, nakipagkaibigan, at siya rin ang unang nakasama ko nang solo. Alam ko na hindi dapat ang ganito dahil matanda siya sa akin ng sampung taon, at malabong magustuhan niya ang isang teenager na tulad ko, pero ano ang gagawin ko? Hindi na siya maalis sa isip ko!


Pagkababa ko sa sanga kanina ay talagang dinurog ko sa irap si Kuya Calder. Tawa lang siya nang tawa. Ligayang-ligaya!


Wala siyang alam sa kaguluhang nararamdaman ko. Ah, bukas ay magpapalibre ako sa kanya ng fishball para makabawi ako. Sa ngayon, ibabaling ko na lang muna sa iba ang aking atensyon. Ibubuhos ko ang panahon sa aking bagong cellphone.


Thank you, Facebook! Nalibang na ako sa sumunod na mga minuto. Nakakalibang pala ang internet. Ang dami kong bagong natutunan sa mundo. Mula sa mga seryoso hanggang sa kalokohan. At masasabi ko na hindi na ako ganoon katanga ngayon.


Si Kuya Calder ang mukhang tanga. Guwapo nga siya pero mukha siyang tanga. Lalo na noong dumating si Uncle Jackson, nag-transform na naman  into robot ang bodyguard ko na nasa loob ang kulo. Sa naisip ay napangisi ako.


"Kung makangiti ka diyan, para kang nalandi sa lalaki."


Agad kong itinago ang aking cell phone at pati ang ngiti ko nang lumabas mula sa kusina ang mayordoma ng mansiyon na si Mrs. Cruz.


"Kakapasok mo pa lang sa eskwela, Frantiska. Unang araw mo pa lang." Wala siyang kaemo-emosyon maliban sa malamig niyang titig.


"Good evening po, Mrs. Cruz."


"Hindi ka pinag-aaral para kumire."


Napipi ako sa sinabi niya.


"Kung sa Davao ay walang dumidisiplina sa 'yo, dito ay ibahin mo. Hindi ko gusto ang mga babaeng makakati. At tigilan mo ang pakikipaglapit kay Luzviminda, napakalandi non. O talagang nagkakasundo ang mga taong pareho ng pag-uugali?"


Pahiyang-pahiya ako sa mga sinabi niya. Masama ang titig niya sa akin nang talikuran niya ako.


Tama naman siya. Hindi ako pinag-aral para humarot. Pwede naman akong mabuhay nang masaya kahit wala akong crush. Hindi ko pa siguro talaga panahon ang ganon. Bakit ba kasi kailangang magmadali? Saka dapat pag-aaral ang atupagin ko.


"'Musta ang first day of school, Ganda?"


"Ate Minda!" Huminto ako at lumapit sa kanya. Nagpapagpag siya ng mga pillow case sa sofa. "Okay lang po." Naalala ko ang sinabi ni Mrs. Cruz. Naawa tuloy ako kay Ate Minda dahil nahusgahan agad siya nang walang kalaban-laban.


"Marami bang pogi?"


Napangiwi ako. "Marami naman po."


"Speaking of pogi. Kumusta iyong bago mong bodyguard?" Huminto siya sa ginagawa at lumapit sa akin. "Crush na crush ko rin iyon."


"Si Kuya Calder? Okay naman po siya."


"Oo naman! Okay talaga. Masungit nga lang. Hindi namamansin iyon, e. Manang-mana sa amo natin. Pero ayos lang. Makita lang sila, maligaya na ako. Sila na lang na mga guwapo sa bahay na ito ang libangan ko, pampaalis ng stress kay Mrs. Cruz kumbaga!"


Hindi ko na sinabi na iba ang ugali ni Kuya Calder kapag kami lang dalawa. Feeling ko, gusto ng lalaking iyon maging misteryoso siya sa mga tao. Ayaw ipaalam na deep inside, kengkoy siya. E di pagbigyan.


"Alam mo kaya ayaw kong magresign dito e dahil marami talagang masasarap sa mata. Maliban lang syempre don sa nag-e-early menopause na si Mrs. Cruz."


"Wag ka magre-resign, Ate Minda. Ikaw lang ang friend ko rito."


"Kaya  nga hindi talaga. Tinitiis ko na lang talaga iyang toyo ni Mrs. Cruz. Lahat ng kasambahay rito, tiis to the max sa babaitang iyon. Kay Sir Jackson lang iyon mabait. Plastic!" Ang sama ng mukha ni Ate Minda, mukhang naiinis talaga siya kay Mrs. Cruz.

Bakit kasi napakasungit ni Mrs. Cruz? Inaano ba namin siya?


"Sige balik na ako sa paglilinis at baka dumating ang bruha, malintikan na naman ako."


"Sige, 'Te." Tinungo ko ang hagdan.


"Nasa veranda pala sexy mong uncle at ang sexy mo ring bodyguard, nag-uusap," pahabol niyang nakangiti. "Mag-iisang oras na sila ron. Nagha-heart to heart talk yata ang dalawang guwapo!"


Nag-uusap sila. Close ba sila?


Sa glass door palang ay tanaw ko na ang dalawang matangkad na bulto na malapit sa pasimano ng balcony. May mapusyaw na liwanag malapit sa kanila, dagdag pa ang liwanag ng buwan kaya kahit medyo malayo ay nakita ko ang anyo nila. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila Uncle Jackson at Kuya Calder.


Wala akong balak makinig, kundi lang may kung anong pumipigil sa akin para hindi ako umalis. Para bang may bumubulong sa akin na manatili. 


Lumabas ako at lumapit. Dahil wala ako sa line of vision nila kaya hindi nila ako napansin. Nakatagilid sa gawi ko si Kuya Calder at busy sa pagsimsim ng kape sa hawak na tasa. Si Uncle Jackson naman ay nakatalikod at mukhang busy sa pag-iisip. Hindi gumagana ang matalas niyang pakiramdam dahil hindi niya talaga ako napuna.


Bahagyang tumagilid si Uncle Jackson. Napatanga ako sa ganda ng mga mata niya sa liwanag ng buwan. He got gorgeous eyes, yet they were ruthless.


"I plan to take care of her."


Anong pinag-uusapan nila? Sino ang tinutukoy niya?


"You're already decided, Sir."


"I will win this election. Iyon lang naman ang kailangan para hindi guluhin ni Dad si Fran."


"Kung hindi ka lang pinendeho ng nanay niya, kung hindi lang mas matanda sa 'yo ang namatay mong asawa, at kung hindi mo lang siguro ikinulong nang matagal sa mansiyon mo sa Davao si Fran ay magiging madali na sana ang lahat sa kandidatura mo. Pero marumi ang politika, hindi lang sila basta titingin sa kabutihan mo na kupkupin ang anak ng namatay na si Marsha, mas titingnan at uusisain nila ang mga hindi magagandang pasya mo sa buhay mo."


"Hindi siya makakaapekto sa kandidatura ko. I just need to take care of some things para hindi na maungkat kung saan galing si Fran."


Tumalim ang mga mata ni Kuya Calder. "Pero hindi ni Vice. He changed his mind about Fran. And now, he wants you to kick her out of here and deny your connection to each other."


"I will not do that." He folded his muscular arms over his chest as he talked. He didn't even wince.


"Kung sakali lang maisip mong sundin ang plano ni Vice, maaasahan mo naman ang serbisyo ko. I can take care of her while—"


"Stop it. Fran will stay here with me and that's final."


Nong nakaalis na si Uncle Jackson ay pasimple akong lumabas sa pinagtataguan ko. Aalis na sana ako nang biglang magsalita si Kuya Calder.


"Kailan mo pa naging ugali makinig sa usapan ng iba, Milady?"


Napatigil sa paghakbang ang mga paa ko. Nang tumingin ako sa kanya ay hindi naman sa akin nakatutok ang kanyang paningin.


"How long have you been there??"


"Kani-kanina lang..."


Inilapag niya sa pasimano ng veranda ang tasa ng kape. Namulsa siya at humakbang palapit sa akin. Nakataas ang kaliwa niyang kilay at gilid ng kanyang labi.


"You've heard it."


Napayuko ako sabay kagat ng labi. Hindi siya naniniwala na hindi ko napakinggan ang pinag-uusapan nila tungkol sa akin. Bakit kasi halata agad kapag nagsisinungaling ako?


"He's still young but he's smart. He's a shark in the business industry."


Nakikinig lang ako.


"Wala siyang negosyo na hinawakan na hindi lumago nang sobra pa sa tubo. Wala ring nakakaisa sa kanya. Wala pa."


Hindi ko matumbok ang sinasabi niya.


"Chill, Milady. Kung gusto niyang maging mayor, mananalo siya." Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa aking reaksyon. "Matalino pa sa daga ang uncle mo."


Tumango ako. I get it. Kumalma ako kahit paano.


"Hindi ikaw ang ikababagsak niya. Maniwala ka," makahulugang sabi niya saka ngumiti at ginulo ang buhok ko.


Napanguso ako at tinabig ang kamay niya. Nakakainis. Palagi na lang niyang ginagawa ito.


"If he wanted something, he is going to get it."


Kuya Calder is right. Meron bang taong kayang pabagsakin ang uncle ko? Wala. At walang magtatangka.


...


CALDER RAEGAN


My phone beeped inside my jeans pocket. Dinukot ko iyon at tiningnan. I wasn't expecting anyone to text me at this late hour. Wala ring nakakaalam ng number na ito maliban kay Frantiska at sa uncle niya. At hindi ugaling magtext ng huli.


Awtomatikong gumuhit ang ngisi sa mga labi ko nang mabasa ang sender's name ng message. "Gising pa ang nene."


FRANTISKA
Thank you sa pagkalma sa'kin kanina, Kuya C. In fairness naman sa'yo, pwede ka rin pala maging seryoso ( smile emoticon)


I typed a reply.


ME
Di ba dapat tulog ka na, Milady? Alam mo ba kung anong oras na? You have an early class tomorrow.


Saglit lang ay nagbeep ulit ang phone.


FRANTISKA
Serious again? Hula ko, kasama mo na naman uncle ko.


ME
Oo. Katabi ko. He's reading your message actually.


FRANTISKA
Seryoso?!!


ME
Muehehe. Kidding. Pwede ka nang huminga.


FRANTISKA
Nakakainis ka. Kinabahan ako! Dahil diyan libre mo ko bukas ng fishball!


ME
Sorry gipit ako ngayon. May pinag-iipunan. Baka pwedeng ikaw muna manlibre tutal libo naman baon mo.


FRANTISKA
Kuripot ka lang. Sigurado naman ako na malaki sahod mo.


ME
Goodnight.


FRANTISKA
Goodnight sa bodyguard kong kuripot pero ililibre pa rin ako ng fishball bukas kasi kung hindi, hindi ko siya papansinin! Hehe. (smile emoticon)


I laughed out loud and shook my head. Damn this girl.


Nagtipa ako muli at nagpaalam na dahil baka mapuyat pa lalo ang nene. Ngising-ngisi pa rin ako habang ibinabalik sa bulsa ko ang cell phone.


"Mukhang masaya ka."


Mabilis na nabura ang ngisi ko nang makita sa bungad ng pintuan si Mrs. Cruz, the 48-year-old woman na head ng mga kawaksi.


"Gising ka pa," pormal na bati ko sa kanya.


Walang kangiti-ngiti ang babae dahilan kaya mukha tuloy mas matanda siya sa kanyang edad. Maputla siya at may iilang visible fine lines at wrinkles sa mukha.


"Tiningnan ko lang kung sino ang tao rito. Ano palang ikinakasaya mo? Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya, ah."


Kumunot ang aking noo at sinalubong ang nanlilibak niyang mga mata.


"Calder, wag ka sanang makakalimot."


Nagtagis ang mga ngipin ko.


"Matulog ka na." Tumalikod na ang babae.


Wala na sa paningin ko si Mrs. Cruz ay mainin pa rin ang ulo ko. "I know what I'm doing," anas ko sa hangin.


...


FRANTISKA


Kinabukasan ay ganado akong dumeretso sa garahe. Nakatayo na sa tabi ng red Camaro si Kuya Calder at nakangiting naghihintay sa akin. Palagi talaga siyang nakangiti kapag kami lang na dalawa.


Nakarating na kami sa gate ng Don Eusebio Mariano University ay wala pa ring kaimik-imik si Kuya Calder sa driver seat. Ipinark niya sa gilid ang Camaro saka bumuga ng hangin at ibinagsak ang likuran sa sandalan ng driver's seat.


"Ang tahimik mo kanina pa," puna ko sa kanya. Sobrang palagay na ang loob ko sa kanya kaya kaswal na lang ako kapag kausap siya. Puwede ko na ring sabihin na close na kaming dalawa. 


Umiling siya at ngumiti sa akin sa rearview mirror ng kotse. "Kulang lang sa kape."


"Sige, baba na 'ko. Basta mamaya, ah? Fishball ko!" Pababa na ako ng sasakyan ang kaso hindi ko mabuksan ang pinto sa passenger side. "Huy! Buksan mo!"


"I need to tell you something first."


Umarko ang kilay ko. Hindi ba makakahintay ng mamaya ang sasabihin niya? "Ano ba iyon? Na hindi mo 'ko ililibre mamaya?"


Mahina siyang tumawa saka inabot ako para guluhin ang buhok ko. Kandatulak naman ako sa kanya.


Nakakainis naman kasi ang ayos-ayos ng buhok ko 'tapos ginulo na naman niya. Mabuti na lang at tamang pony-tail lang ang ginawa ko at hindi ako nag-effort na magkulot ngayon, kundi yari talaga siya sa akin.


"Galit ka na ba niyan?" Nanunukso ang boses niya pero ang mga mata niya ay hindi naman mukhang nakikipagbiruan. Ang weird niya ngayon.


"Ano ba kasi iyong sasabihin mo!?"


"Frantiska Jezebel Justimbaste..." sambit niya sa pangalan ko.


"Ano ba iyon?"


Matagal muna siyang napatitig sa akin bago magsalita, "I know you're still young, but I think..."


"You think what?"


"I think I like you."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz