ZingTruyen.Xyz

Obey Him

Chapter 43

JFstories

"OKAY KA LANG?"


Sobrang tahimik ni Jackson mula nang dumating siya. Hindi ko na lang muna siguro babanggitin ang tungkol sa pagdating ni Valentina dito kanina. Sasarilinin ko na lang muna.


Nakaupo siya sa swivel chair at nakatingala sa kisame. Bukas ang mga unang butones ng suot niyang kulay black na polo at magulo ang kanyang buhok. Ang pulang mga labi niya ay mamasa-masa pa at may bahid ng purplish red color ng wine na nasa ibabaw ng mesa. Walang wine glass kundi iyong bottle lang. Mukhang basta na lang siyang tumungga roon.


Hindi niya pinansin ang tanong ko kaya malamang na may problema nga. Nilapitan ko siya kahit parang nakakailang na ganito siya katahimik.


Parang hindi niya nga ako nakita kanina sa sala nang dumating siya. Pagkapasok niya ng main door, dumiretso na siya sa hagdan. Dito siya sa study room niya nag-stay ng ilang oras. Kakatukin ko na sana siya bandang ten pm nang dumating naman si Vice. Nag-usap sila pero hindi umabot ng twenty minutes, umalis na rin si Vice. At kagaya niya, hindi rin ako pinansin o kahit tinapunan man lang ng tingin ng daddy niya.


"Pagod ka ba? Gusto mo masahiin kita?" Huminto ako sa gilid ng mesa. Kalahating dipa ang layo ko sa kanya.


Naghahalo ang amoy ng wine at ng men's perfume sa katawan niya. Mild lang ang amoy pero hindi ko maiwasang hindi singhutin. Nakaka-adik kasi talaga ang amoy ni Jackson, at mas nakakaadik ngayon dahil sa humahalong amoy ng alcohol.


"Hindi ako marunong but I can try." Hahawakan ko na sana siya sa balikat nang magsalita siya.


"I'm fine." His voice sounded so grim.


Napaatras ako. "Okay. Doon na lang muna ako sa kwarto ko—"


Saka lang siya tumingin sa akin. "No. Stay."


"Ha?"


"Actually, I've been waiting for you."


"May problema ba?"


Tumayo siya at sa gulat ko ay bigla niya na lang akong binuhat. Naglakad siya papunta sa sofa na karga-karga ako.


Kung kargahin niya pa ako, parang ang gaan-gaan ko.


Inalis niya ang wallet sa bulsa at inilapag sa center table pagkatapos ay naupo siya sa sofa habang kalong niya ako. "Tell me about your day."


"About my day?" Ipinatong ko ang mga braso ko sa magkabilang balikat niya.


"Yeah. Come on. Tell me." Inayos niya ako sa kandungan niya saka niyakap.


"Sige..." Worried pa rin ako sa kanya pero wala akong choice kundi sagutin siya. Mukha namang hindi niya iku-kwento sa akin kung bakit wala siya sa mood na umuwi. Ayoko naman siyang pilitin mag open kung hindi siya ready. And based sa pagpapakuwento niya sa akin ay gusto niyang makalimutan ang kung ano mang dahilan ng stress niya ngayong araw.


Ikwinento ko lahat, kahit iyong chismisan namin ni Ate Minda tungkol sa LQ nila ni Kuya Tarek. Ang paghihinanakit ng babae dahil cold na raw ngayon si Kuya Tarek sa kanya. Ikwinento ko rin pati iyong parang naiiyak pero feeling strong pa rin si Kuya Tarek noong sinundo ako sa university kanina.


"Sa school, nothing's new naman. Ganoon pa rin. After class, naglibrary lang kami ng mga kaklase ko sa isang subject tapos umuwi na ako. Naubos na ang oras ko sa pakikipag-kwentuhan kay Ate Minda. Need niya kasi ng kausap."


Hindi ko na talaga binanggit ang tungkol sa pagdating ni Valentina kanina. Nakatingin lang si Jackson sa akin habang nagku-kwento ako. Ang mga braso niya, nakapulupot sa bewang ko.


"Pero tingin ko, miscommunication lang ang problema nilang dalawa. Mapaghinala kasi si Ate Minda kaya madalas silang mag-away. Si Kuya Tarek naman, masyadong sinasarili ang lahat at hindi showy kaya tuloy naiisip ni Ate Minda na merong third party. Sa tingin mo?"


Ngumiti lang siya.


"Kanino ka kampi? Kay Ate Minda o kay Kuya Tarek? Malamang bias mo si Kuya Tarek!"


Ngingiti-ngiti lang siya habang ang isa na palang kamay ay nasa gilid ng hita ko. Dahil sa pagkakaupo ay mas tumaas ang shorts ko.


Pasimple kong tinabig ang kamay niya at baka kasi kung saan makarating. Baka maawa lang ako sa kanya kapag nagyaya siya tapos hindi pwede dahil meron ako ngayon.


Ibinaling ko ang paningin ko sa iba kaya napansin ko ang leather wallet niya na nasa ibabaw ng centertable. "Nagpapalit ka ba ng wallet?"


Ngayon ko lang napansin na luma na ang wallet niya. Leather iyon pero namumuti na ang gilid.


Regulahan ko kaya siya ng wallet sa pasko?


Inabot ko iyon at binusisi. Wala namang imik si Jackson na ngayon ay nakasubsob na sa balikat ko.


"Ayaw mo itong lagyan?" Mga cards ang laman at ilang pirasong lilibuhin. Sa lalagyanan ng picture ay walang nakalagay kahit karton.


"Wala akong ilalagay."


Napatingin ako sa kanya. "Ganoon?"


"Yeah," he lazily answered.


Napaismid ako saka marahang itinulak ang noo niya paalis sa balikat ko.


Sumandal siya sa sofa at tumingin din sa akin. "Kailangan bang lagyan?"


"Para saan pa't may lalagyanan ng picture 'to kung ayaw mong lagyan?"


"Anong picture ang ilalagay ko?"


Parang nagpanting ang tainga ko sa tanong niya. Ganito ba siya ka-dense? Akala ko matalino?


Napansin niya yatang wala ako sa mood. Mukhang nakahalata na rin. "Do you want me to put your photo there?"


Nanulis ang nguso ko. "Kahit wag na!"


"You're mad again."


"Ayoko namang ilagay mo rito ang picture ko dahil lang sinabi ko na ilagay mo. Nagtataka lang naman ako kasi bakit hindi mo kusang naisip iyon? Kapag tinitingnan mo itong wallet mo, ni hindi mo man lang yata naalalang asawa mo ako."


I'm being immature again, I know. E nakakainis lang talaga kasi. Hindi niya na nga ako pwedeng gawing wallpaper at screen saver dahil baka may makakita sa phone niya, pati ba naman sa wallet hindi pwede ang pagmumukha ko?


Kung sana nga lang pwedeng pati sa mismong dashboard ng sasakyan niya ay may picture ako e...


"I'm sorry if that offended you."


Napabuntong-hininga ako.


"I just don't feel the need."


"Ang honest mo. You know too much honesty can hurt—"


"I just don't feel the need because I already have a photo of you in my heart."


Bigla nangiti ang mga labi ko. Hinarap ko siya. "Alam mo bang ang cute-cute mo?" Pinisil ko ang pisngi niya.


"Cute? I thought I am handsome?" He raised me his left brow.


"Hmn yup!"


"And gorgeous."


"Uy, wala pa akong sinasabing ganun!"


Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako nang mabilis at mariin. "How much do you love me?" he said against my lips.


Yumakap ulit ako sa leeg niya. Magkadikit ang mga noo naming dalawa at naaamoy ko ang mainit at mabango niyang hininga. Ang naghahalong amoy ng mint, mouthwash, at ng wine. Inabot ko siya at ako naman ang lumasa sa mga labi niya. "Hmn... sobra."


Humalik din siya sa akin. "When did you start?"


"Slam Book ba ito?"


Ni hindi man lang ngumiti sa joke ko. Bigla na naman siyang sumeryoso.


Inilayo niya ako. "I want you to promise me that you will stay with me not just for today or tomorrow, but for always."


Nagtama ang mga mata namin. Sobrang seryoso niya at parang malulunod ako sa klase ng kanyang mga tingin.


"I want you to promise that you will never stop loving me, Frantiska Dyesebel Justimbaste-Cole."


Parang tukso na bumalik sa alaala ko ang ngiti ni Calder kanina. Inis na itinaboy ko iyon sa isip ko. "I promise," sagot ko kay Jackson.


"Good. Thanks."


Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. May kinuha siya sa drawer ng desk niya at pagbalik ay bitbit niya na ang isang puting envelope. Inabot niya iyon sa akin.


"A-ano ito?"


"That is the reason why I waited for you." Tinulungan niya akong kunin ang documents sa loob saka inabot sa akin. "Sign this."


"Ha?" Nang i-check ko kung anong documents ang aking hawak ay napaangat agad ang tingin ko pabalik kay Jackson. "A contract?"


"Yeah," he smirked. "It was written there that you will never leave me, replace me, and stop loving me."


Napanganga ako dahil nga, seryoso siya na papirmahan sa akin ang contract na ito.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz