Chapter 30
TIME CHANGES EVERYTHING.
I'm no longer a child. Hindi na sa isip, sa pisikal, at sa asal. I'm now in the legal age. Nineteen going twenty. Marami na akong alam. Marami na akong bagong nararamdaman. At hindi ko ikakaila ang aking pagkasabik sa mga bago ko pang matututunan.
Huminto kami sa lawn ng mansiyon. Nauna akong bumaba sa motor, kasunod si Jackson. Siya ang naghubad ng suot kong helmet.
"'You okay?" Tinapik niya ang aking pisngi na bahagyang nanlamig.
"Hmn," tango ko.
My heart was beating wildly the whole drive back to Quezon City. Hindi ko namalayan na nakabalik kami. Ni hindi man lang ako nilamig sa byahe dahil sa mainit ang jacket na aking suot at mainit ang katawang yakap ko. Nagworry lang ako sa kanya kasi naka-Tshirt lang siya dahil ako nga ang gumamit ng kanyang black jacket. Pero mukha namang okay lang si Jackson, hindi naman kasi siya nagreklamo. Basta naiinis lang siya kapag lumuluwag ang kapit ko sa kanya.
Siguro kasi giniginaw.
Ngayon na lang kami ulit nag-usap. Buong stay kasi namin sa rest house sa Antipolo ay magkatabi lang kami sa malaking sofa. Nakasandal lang ako sa kanya habang nakaakbay siya sa akin. Ganoon lang kami habang nanonood ng kung anu-ano sa Netflix at nagfu-foodtrip. Chill lang kahit ang totoo e wala akong naintindihan sa kahit isa man sa mga pinanood namin. Ewan ko lang siya.
Hindi ako makapag-concentrate kasi katabi ko siya. Kasi nararamdaman ko ang init ng katawan niya. Kasi nalalanghap ko kung gaano kabango ang amoy niya. Kasi naririnig ko nang malapitan ang tibok ng puso niya.
At pinakaiisip-isip ko iyong sinabi niyang magsimula kami ulit. Magsimula ng bago. Parang magkakilala palang.
Sinalubong kami ng guwardiya sa mansiyon. Inabot ni Jackson ang susi ng Ducati rito at saka hinila ako sa pulso. Parang wala lang na hawak-hawak niya ako, parang hindi kami pinagtitinginan ng mga tauhan niya sa lawn. Paano ba naman? Naka-uniform pa ako mula sa kahapon kong suot.
It's seven in the evening. Akala ko nga maaga kami aalis sa Antipolo pero buong araw na natulog si Jackson sa sofa— sa kandungan ko. Ayoko siyang gisingin dahil baka iyon na lang ang pahinga niya. Mula kasi ng maging mayor siya ay hindi na siya halos nagpapahinga.
Nang feeling ko tulog na tulog na siya, saka lang ako umalis sa sofa. Ang hirap kasi kapag gagalaw ako e pinipigil niya ang kamay ko. Ihing-ihi na ako pero tiniis ko para lang mapasarap ang tulog niya. Nang makatayo ako ay naligo ako agad at ibinalik sa closet ang stock na damit na hiniram ko sa magdamag. Nang magising siya nagpadeliver ulit kami ng Grab food tapos tahimik na kaming umalis.
"At saan kayo galing?"
Muntik na akong mangudngod sa likod ni Jackson nang bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nasa gitna ng sala si Vice. Ang daddy niya.
"Uncontacted kayong dalawa since yesterday!" Salubong na salubong ang kilay ng bise prisidente ng Pilipinas. Ang aristokrato niyang mukha ay seryoso, hindi tulad ng ipinapakita niyang palangiting anyo kapag nakaharap sa publiko.
Jackson didn't mind the presence of his dad. Hila-hila pa rin ako ng lalaki papunta sa hagdan. Ayoko sanang sumunod dahil kabastusan na talikuran si Vice pero mahigpit ang pagkakahawak ni Jackson sa aking pulso.
"Frantiska!" sigaw ni Vice na nagpahinto ulit sa akin.
"Jackson..." I called out Jackson. I wanted to stop. Natatakot ako kapag galit ang daddy niya.
"Bumalik ka rito, babae!" gigil ang tono ng matanda. Lumagutok pa ang baston nito sa marmol na sahig.
Pero ayaw tumigil ni Jackson kaya napahakbang ako. Pinigilan ko siya sa paghila sa akin at kunot noo niya akong nilingon.
"Ang daddy mo..." naiiyak na anas ko. Para akong naiipit sa dalawang nagbubungguang bato.
"Damn it," mariing usal niya.
"'Wag mo siyang sasagutin..." mahinang pakiusap ko. Ayokong magsagutan na naman silang mag-ama.
He threw his dad a sharp look. At kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko sa likuran ko ang matalim ding tingin ng matanda para sa kanya.
"What do you want?" kalmado pa pero mariing tanong ni Jackson sa ama.
Narinig ko ang paglapit sa amin ni Vice. Hindi ako makalingon dahil natatakot ako sa makikita kong reaksyon ng matanda. Napapalakas ako ng pagkakahawak ni Jackson sa akin kaya kahit paano kinakaya ko ang tensyon.
"What the hell do you think you're doing with that girl?!"
Jackson's jaw clenched.
"You're ruining your political career! Saan ka nakakita ng mayor na nakasakay sa motor at may angkas na babae?! Babaeng naka-uniporme ng kolehiyo at masaklap, babaeng anak ng ex-wife mo!"
Jackson let go of my hand. "Go to your room, Fran."
"Don't leave, you ungrateful brat!" pigil na sigaw sa akin ni Vice.
Hindi ko alam kung sino ang susundin sa kanila dahil pareho silang galit.
"Umakyat ka na sa itaas," gigil na utos naman sa akin ni Jackson.
Mangiyak-ngiyak na ako sa tensyon at takot kaya hindi ko napansin na humawak ulit ako sa kamay ni Jackson. Naninigas siya pero nang lumapat ang palad ko sa kamay niya ay naramdaman ko ang kanyang bahagyang pagkalma.
I looked at him with a heavy heart. I don't wan't to leave him here dahil siguradong papalagan niya si Vice kapag prinovoke pa siya nito. Dapat nandito lang ako.
Hinarap niya ang kanyang ama. "What's your problem? And why are you here?"
"Ako ang may tanong, at ang tanong ko ang sagutin mo! Why are you with her? At saan kayo galing? Hindi kayo umuwi!"
"It's none of your business, old man."
"None of my fucking what?!" Humampas ang baston sa gilid ng hagdan. "'Wag mo akong tinatarantado, Jackson!"
"Fran, umakyat ka na sabi sa itaas."
"Bakit ayaw mong marinig ng babaeng 'yan ang pag-uusapan natin? Hayaan mo siya rito para malaman niya na salot siya sa buhay mo! Salot siya political career mo!"
Napayuko ako.
"Hindi mo ba nakikita ang pinagagagawa mo? Umalis kayo using a big bike at nakauniforme pa iyang tinangay mo sa magdamag! Malaking kasiraan ito! Paano ka magiging senador kung ngayong mayor ka palang e nagkakalat ka na?!"
I bit my lower lip. Sanay na ako sa ganito, pero masakit pa rin.
"Why can't you get rid of her? Do you like her? Sabagay, hindi na iyan batang paslit. Pero mag-isip ka, use your brain, hijo. Maraming babae sa mundo, mas may halaga diyan. Mas magaganda, mataas ang pinag-aralan at may mga narating na. Hindi diyan sa estudyanteng palamunin mo lang dito."
Yukong-yuko ako habang nagsasalita si Vice. Humihigpit naman ang pagkakahawak ni Jackson sa kamay ko.
"Why not settle with one of the women in your circle? Maigi rin na mag-asawa ka na para lalong mahalin ka ng masa. People love a family man. People love romance. Pakiligin mo ang buong Quezon City. Look for a suitable woman and propose to her!"
Nang silipin ko ang mukha ni Jackson ay pulang-pula na siya hanggang sa kanyang leeg. Nagtitimpi na lang siya.
"You've done enough for the Justimbaste's, my son. Pwede mo ng pabayaan si Frantiska. Sustentuhan mo hanggang makatapos ng college and that's it. Sobra-sobra na ang gastos mo kung tutuusin, wala ka namang napapala kundi issues. Dahil ang babaeng 'yan ay paalala lang na nagkaroon ka ng asawang mas matanda sa 'yo. Na pinindeho ka ni Marsha, na nagsuicide siya. Kasiraan mo lang ang lahat ng iyon. Anong sasabihin ng mga tao sa 'yo?"
"Just to remind you in case you forgot, you're the one who planned everything that happened in the past, Dad."
"I know and I regret it now." Matalim akong sinulyapan ni Vice. "Kung alam ko lang na totoong palugi na ang negosyo ng mga Justimbaste, na gagamitin lang nila tayo, na magkakaroon ka ng pabigat na sampid dito, hindi na sana kita ipinakasal kay Marsha na doble-doble ang tanda sa 'yo."
"I don't regret anything in the past, kahit pa ayoko sa ibang ipinagawa mo sa akin. Nangyari na iyon, wala ka ng magagawa. Just live with the outcome. And leave Frantiska alone," matigas at mariing bitaw ni Jackson kay Vice.
"That girl will ruin you!"
"Then be it!" Tiningnan ako niya ako. "Let's go, Fran." Hawak niya ang kamay ko ng umakyat na kami sa hagdan.
"Jackson, hindi pa tayo tapos! Come back here! O talagang tototohanin mo nang asawahin ang babaeng 'yan! Then do it! Pero wag kang magkalat in public! Do it privately, you son of a bitch!"
Hindi na rin ako lumingon. Galit na galit na naiwan sa sala si Vice, ngunit hindi na siya ang inaalala ko ngayon kundi si Jackson na ramdam kong nagpipigil pa rin ng galit. Namumula pa rin siya at salubong pa rin ang makakapal na kilay.
"Kumalma ka na..." mahinang wika ko.
Magpapaalam na sana ako na pupunta na sa aking kuwarto, ang kaso hindi niya pa rin ako binibitawan. At mukhang wala pa siyang balak na bitawan ako.
"Sumama ka muna sa akin."
Sa studyroom kami tumuloy. Inilock niya ang pinto saka ako inalalayang maupo sa sofa. Tahimik lang kami. Nakatayo siya sa harapan ko pero hindi sa akin nakatingin.
"Gusto mo ba ng tubig?" tanong ko.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot, tumayo ako at ikinuha siya ng tubig sa dispenser na nasa loob din ng kuwarto. Inabot ko sa kanya ang may lamang baso.
"Thanks." Kalmado naman ang awra niya, pero namumula ang kanyang makinis na balat at salubong ang kanyang mga kilay kaya batid kong sa loob-loob ay asar pa rin siya.
He's good in hiding emotions. O nakasanayan niya na talaga ang ganoon. I guess mula ng mamatay ang mommy niya ay naging ganoong klaseng tao na siya. Itinatago palagi ang tunay na nadarama.
I sat up on the sofa again and looked at him. Nakasandal siya sa mahogany table at nakatingin na sa akin. "Don't mind the old man," he said.
I forced a smile and nodded my head. "Okay na ako. Alam mo, sanay na ako kay Vice. Hindi ko na masyadong kinikimkim." Hindi ko na sinabi sa kanya na nadudurog pa rin ako kapag nagsasalita nang hindi maganda sa akin ang daddy niya. Ayoko ng gumatong sa inis niya kay Vice.
Tumango-tango siya.
"Sana kasi hindi mo na siya sinagot pa. Daddy mo siya eh."
He just looked away. Minsan talaga para siyang bata na ayaw mapagsabihan.
"Jackson..."
Namulsa siya at nagpakawala ng buntong hininga. "And what do you expect me to do? That old man must stop. Hindi na siya nakakatuwa."
"But he's still your dad. Natutuwa ka man or not. Sino lang ba ako compared to him para mainis ka sa kanya because of me. And just like what I've said earlier, sanay na ako. Maiintindihan ko naman kung hindi mo ako ipagtatanggol sa daddy mo."
Napahaplos siya sa kanyang batok at nagbuntong-hininga. Kalmante na siya talaga. Hindi na nagliliyab ang mga mata niya at hindi na rin siya gaanong namumula. Mabuti naman.
"Basta sana next time, 'wag mo na uling sagutin ang daddy mo kung tungkol lang rin naman sa akin. Wala namang katotohanan iyong ibinibintang niya sa 'yo..." Wala ka namang gusto sa akin...
Natigilan siya at parang malalim na nag-isip.
"Bakit?"
Tumingin siya sa akin. Matagal. Ako ang unang bumawi ng tingin dahil kahit kailan naman ay hindi ko kayang makipagtagisan sa mga mata niya na parang pinapasok ang hanggang kaloob-looban ko.
Bigla akong naconscious. "B-bakit nga?"
"I just realized something," sabi niya na naiiling.
I winced. "What?"
"I think I'm crushing on you."
Napatanga ako sa kanya. "Ha?"
Kumiling ang ulo niya. "It's a millenial thing, isn't it?"
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" tanong ko at huminga nang malalim. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.
Walang kabuhay-buhay ang tono niya, pati ang emosyon niya ay parang nasa meeting lang siya sa munisipyo; seryoso. Pero iyong gulat at kaba ko, ang taas ng level.
Wait! Bakit ba ako nag-iisip agad ng kung anu-ano? Crush lang naman. Natutuwa siguro siya sa akin dahil palagi ko na siyang sinusunod. Gusto niya lang rin ako kasi nga nagkakasundo na kami ngayon dahil hindi na kami nalalayo sa isat-isa. Baka ganun. Pero gusto kong klaruhin.
Sinikap kong ngumiti nang kaswal kahit naiilang at natataranta talaga ako ngayon. "C-crush lang naman, di ba? Crush, paghanga. Thank you."
"No it's more than that," he spoke tenderly.
Ang dibdib ko, parang mawawasak sa kaba. "A-anong ibig mong sabihin?"
Kumunot ang noo niya. "I guess I used the wrong word. What I feel is really more than that."
Hindi na ako humihinga ngayon. Pero si Jackson, wala man lang kaemo-emosyon, cool lang sa harapan ko habang nakapamulsa sa suot na pants at nakatingin nang diretso sa akin.
"A-ano bang nararamdaman mo... para sa akin?"
"There are no words to describe it."
I am now more than confused and frustrated. Ayokong mapuyat kakaisip ng sagot. Para na nga akong mababaliw ngayon 'tapos hindi ko pa masure kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Gusto ko nang maiyak.
Sumimangot ang guwapo niyang mukha. "I never felt like this before so I can't explain it. Ok?"
Bumagsak ang balikat ko. "Bakit parang galit ka?"
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. Ang mapula niyang mga labi ay bahaya ring umismid. Pero bakit ganoon? There's still sophistication in his rudeness.
"I'm new to this. I can't explain my feelings to you, but I will try to express them. Would that be okay?" Kung magsalita siya, parang may isinasara lang siyang deal.
"H-hindi naman kita pini-pressure sa feelings mo..." I said, stuttering.
"Yeah. Don't do that."
"I just wanna know what kind of... feelings do you have for me. Anong level.... ganun..." Gusto kong kaltukan ang aking sarili dahil hindi ko mapunto ang sasabihin ko. "Basta... kung anong feelings iyong sinasabi mo, okay na iyon." Tumayo ako at pilit na ngumiti. "Goodnight. Tulog na a-ako."
Nagmamadali ang kilos ko sa kaba dahil nakatingin siya sa akin. Para akong sira na hindi mapakali at nagkakanda-tali-talisod pa. Nakakainis bakit ganito ako!
"Fran. I just found words to explain it," habol niya sa akin.
"Ha t-talaga?" nauutal pa rin ako. Hindi na tumino ang dila ko mula kanina.
"Yes," pormal na sagot niya.
"A-ano naman?"
Pormal na pormal ang mukha niya. "I don't want you to be with somebody else but me."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz