ZingTruyen.Xyz

Obey Him

"THIS WILL BE YOUR NEW HOME, DOLL."


This was the first time he called me that. Siguro dahil hindi na talaga nagbago ang tingin niya sa akin mula pa noon, isang batang babae na kargo niya.


He's cold. Pero kahit nakakapaso sa lamig, naaabot ko na siya ngayon. Parang bigla niya na lang akong binigyan ng access na malapitan siya. O guni-guni ko lang iyon?


Pumasok kami sa loob ng kabahayan. Nauuna siyang maglakad sa akin papasok sa mansiyon. "You'll be fine here."


Namimilog ang mga mata ko sa paglingap sa paligid. Mas malaki, mas modern talaga ang bahay na ito kaysa sa mansiyon sa Davao. Isang babaeng payat at hindi hindi palangiti ang lumapit sa amin sa entrada ng mansiyon. Sa tingin ko ay nasa mid forties lang ang edad ng babae, pero pinapatanda ito ng seryoso nitong ekspresyon. Parang mahirap biruin dahil mukhang magagalitin.


"Welcome back, Sir Cole," pormal na pormal na bati nito kay Uncle Jackson, ni hindi ako tinapunan ng kahit katiting na tingin.


Kulay puti ang plantsadong uniporme nito na wala ni isa mang dumi o mantsa. Sarado hanggang sa dulo ang butones nito kaya mukha na itong hindi makahinga, at may ribbon ito sa dibdib na kagaya ng sa ibang kasambahay sa mansiyon.


"Mrs. Cruz, I would like you to meet Fran. She'll be living here with us starting tonight."


Saka lang ako tiningnan ng babae. Tinaasan ng kilay.


Itinuro sa akin ang magiging kuwarto ko na sabik ko namang pinuntahan. Mas malaki rin ang kuwarto ko rito sa Maynila kaysa sa mansiyon sa Davao. Mas maaliwalas din dito. Siguro dahil walang masakit na alaala rito.


Matapos kong magbihis ay bumaba ako ng hagdan para lang matigilan dahil sa isang pag-uusap. Bumalik ako at binisita ang paligid. Sa dulo ng hallway ay merong malaking veranda kung saan may dalawang lalaking nakatayo.


"You brought her here?"


Agad akong nagtago sa likod ng posteng haligi. Kilala ko ang lalaking kausap ni Uncle Jackson, siya ang vice president ng bansa, si Vice Salvo Cole III. Nakita ko na siya noon sa civil wedding nina Uncle at Mama. At ngayon ko na lang ulit siya nakita.


"Well, ayos lang. At least hindi ka masasabihan ng mga tao na wala kang kwentang stepfather. Mas maigi na rin kung ipapasok mo siya sa malaking university here in Manila."


Namilog ang mga mata ko sa excitement. University? Mag-aaral ako sa isang university?!


"I will think of that."


"Come on, son. Bakit kailangan mo pang pag-isipan?" May iritasyon sa boses ni Vice.


"Hindi sanay si Fran na makihalubilo sa ibang tao."


Napasimangot ako. Paano naman kasi ako masasanay e hindi naman niya ako hinahayaang humalubilo sa ibang tao? Ever since, home schooling ako. 


Tumayo si Vice, at tinapik sa balikat ang unico hijo. "And it's already time na masanay siya. Hindi siya isang manika na dapat itago sa madla. Hayaan mo siyang makawala."


Tila bilang naging anghel sa paningin ko ang matandang Cole.


"She's turning sixteen, dapat lang na matuto na siya. Wag mo siyang ikulong lang dito na gaya ng ginawa mo sa kanya sa Davao."


Your father is right! Please listen to him!


"Son, makakatulong kung mag-aaral siya sa isang magandang university. Babango ang pangalan mo. Good publicity will help you on the next election."


"Don't you think it's too early for me to run for a position?"


"Kung pwede na nga sana sa edad mo, senatorial position na agad ang patatakbuhan ko sa 'yo."


Hindi kumibo siya kumibo sa sinabi ng ama.


"Believe and trust your dad on this. You will be the next mayor of Quezon City and I will be the next president of the country. Sigurado na 'yan."


"Hindi pa ako nagpapasya tungkol sa pagtakbo sa pagiging mayor, Dad," walang gana ang boses ni Uncle Jackson. Nang silipin ko siya ay nakapamulsa siya sa suot na pants at nakatingin sa kawalan.


"Pwes, ako, nakapagpasya na ako na tatakbo ka. Ako ang bahala sa kandidatura. You will be the youngest yet smartest mayor of Quezon City. Rest assured that you will be loved and adored by people. And next, sa senate ka na agad."


Umalis ako sa pinagtataguan ko. Nawawala na ako sa usapan nila, naliligaw na sila ng paksa.


"Frantiska?" Napalingon sa akin si Vice.


Magalang akong bumati. "Good evening, Vice."


Wala pa rin siyang ipinagbago. Dumami lamang ang gatla sa kanyang balat dahil sa kanyang edad, ngunit naroon pa rin ang kanyang kakaibang karisma. Naghahalo sa aura ng mayamang vice ang kadominantehan at ka-istriktuhan.


Lumapit siya sa akin at bumeso. "Pretty... very pretty. Hindi ko akalaing lalaki kang sobrang ganda."


Matamis talaga ang dila ng mga nasa politika. Parang kailan lang noong kasal nila Uncle at Mama, ni hindi niya nga ako tinapunan man lang ng tingin.


"Support your uncle's candidacy, all right?"


Tumango ako.


"Good. Good." Niyakap niya ako. "I know you will. Malaki ang utang na loob mo sa amin, I'm sure you will help us in every way you can, right?"


"Opo..."


Tumingin siya kay Uncle Jackson. "I'll go ahead, Jackson. May pupuntahan pa akong meeting."


"All right."


Tinapik pa ako ng vice sa balikat bago siya umalis.


"Bakit hindi ka pa natutulog?" sita sa akin ni Uncle Jackson.


Nakagat ko ang ibaba kong labi. "Narinig ko ang pinag-uusapan niyo."


Kahit katiting lang ang liwanag sa parte ng kinatatayuan niya ay hindi nakaligtas sa akin ang pag-igting ng kanyang panga.


Bakit ba kasi nakalimutan ko na hindi ako dapat nakikinig sa usapan ng ibang tao? Masyado akong naexcite at nakalimutan ko na ang manners ko.


Nakatingala ako sa kanya kaya kitang-kita ko ang paglalakbay ng mga mata niya sa mukha ko. May kakaibang kislap akong nakikita sa mga mata niya na hindi pamilyar sa akin.


Si Uncle Jackson ang unang nag-iwas ng tingin. Binitawan niya ako at namulsa siya. Ang mga mata niya ay wala na sa akin, sa halip ay ibinato niya iyon sa kawalan. Tumikhim siya at bahagyang tumalikod.


"T-talaga bang iniisip mo kung papasok ako sa isang university?" pagmamatapang na tanong ko. Handa akong i-risk ang hiya ko para lang sa tanong na ito. Pangarap ko ang mamuhay nang normal katulad ng ibang teenagers na tulad ko.


Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakatalikod siya. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya o ano.


"Kahit hindi matuloy, masaya pa rin ako na dumaan iyon sa isip mo, Uncle. Pero hindi ko itatago na gusto ko po talagang maranasang pumasok sa isang university." At makasalamuha ng ibang tao...


"How can I let you?"


Napakurap ako. Anong problema?


"How can I let you?" ulit niya na parang sarili ang kausap at hindi ako.


Pumait ang panlasa ko. "Gusto kong maranasan ang mundo..."


"You're too beautiful," maaligasgas ang boses na halos bulong niya.


Tinawag niya ulit ako sa ganoong paraan. Nakakapanibago pero dahil sa kaswal na pagkakabanggit niya sa salita, nahihirapan akong mailang. Para tuloy normal na lang na ganoon ang tawag niya sa akin.


Humarap siya sa akin at mataman akong pinakatitigan. "Too beautiful..."


Napapikit ako ng hawakan niya ang pisngi ko at marahang haplusin.


"I can't share you to the world. It's too risky."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz