ZingTruyen.Xyz

Obey Him

Chapter 25

JFstories

Two years passed like a blur. I am now eighteen- in legal age.


Sa mga panahong nagdaan, hindi ko halos nakakasama si Jackson. He was busy during the campaign period and after the election. May pagkakataon na parang nagkakagulatan pa kami kapag nagkikita. Pero kakatwa lang na ang pader na nasa pagitan namin ay tila ba natibag na.


Ngayon nga ay 18th birthday ko na. Ang bilis-bilis ng panahon mula noong pumasok ako sa isang normal university at makaranas makasalamuha ng iba't ibang uri ng mga tao. Hindi lang ang edad ko ang nagbago, pati na rin ang ilan sa pananaw ko. I was no longer naive as I used to be. And I could say that I knew now a lot about the world. 


Puno na siguro ng tao ang garden. Doon kasi gaganapin ngayong gabi ang debut ko. Mabilis na preparation sa tulong ng event planner na pabalik-balik dito sa mansiyon since last month. Kung ako ang tatanungin, ayoko talaga ng magarbong handaan, pero hindi ko naman pwedeng palayasin ang event planner dahil lang sa hindi ko gustong magpaparty, kaya inentertain ko na lang ito at ibinigay ang mga details na hinihingi nito sa akin.


"Barbie!" Nagniningning ang mga mata ng baklang nag-ayos sa akin.


"Thank you, Mommy Pritz." Siya ang hair and make up artist ko. Actually tatlo sila, pero siya ang pinaka leader.


"No. Thank you! Ang sarap-sarap mong ayusan, para kang manika!"


Tumayo ako mula sa vanity chair at humarap sa salamin. Nagco-compliment ang manipis kong make up sa aking color peach tube basque gown. May inilagay ring kaunting highlighter sa balat ko na nagco-compliment sa tunay na mga swarovski crystals sa gown na suot ko.


Inalalayan ako ni Ate Minda pababa ng hagdan hanggang sa pinto ng mansiyon. Madilim na sa labas pero kumikislap ang repleksyon ng mga ilaw mula sa lawn kung saan ginaganap ang party.


"Ganda, saglit lang, ah? Iihi lang ako." Iniwan akong mag-isa ni Ate Minda sa hagdan ng pinto. Katulad ko ay nakagown din siya. Mas simple nga lang ang kanya. Talagang hindi ako pumayag na hindi siya mapagawan ng gown dahil sa lahat ng bisita ay siya lang naman malamang ang kilala ko. She's one of my eighteen candles.


Habang hinihintay siya ay naalala ko ang isa pang kaibigan na piniling umalis sa buhay ko. Wala akong idea kung saang lupalop siya ng mundo naroon ngayon pero kung nasaan man siya, mukhang hindi niya naalala na ngayon ang debut ko.


Bakit ba hinihintay ko pa ang isang tao na iniwan naman ako? Ang dapat sa mga taong nang-iiwan, kinakalimutan.


Nainip ako kay Ate Minda kaya pupunta na sana akong mag-isa sa garden ng may marinig akong sitsit. Napatingin ako sa gate na nasa di kalayuan. Madilim sa part na iyon at walang guwardiya, dahil ang kabilang gate sa may lawn ang nakabukas ngayon para sa mga bisita.


Imagination ko lang yata na may sumitsit. Aalis na dapat ako pero hindi ko magawang bawiin ang paningin ko sa may gawing gate. Para kasing may nakatingin sa akin mula sa labas. Hinanap ko iyon ng tingin ngunit wala naman akong makita.


"Waiting for someone?"


Napapiksi ako nang may mainit na palad na humawak sa akin. "Jackson!"


"Your guests are waiting for you." Nakahawak siya sa siko ko. At medyo mahigpit ang pagkakahawak niya na para bang kakawala ako. Ano na naman kayang problema nito?


"Ah, si Ate Minda kasi umalis saglit. Pero hindi ko na siya hihintayin." Dahil mukhang bored ka na, dugtong ko sa isip.


"All right. Let's go to your party, big girl."


"Sige." Nahuli na iyong sagot ko dahil hinila niya na ako paalis.


Bago kami pumunta sa garden ay nahuli kong matalim ang mga matang sumulyap siya sa tinitingnan ko kanina sa gate. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.


Bago makarating sa garden ay nilingon niya ako.


"B-bakit?" kabadong tanong ko.


Bumaba ang paningin niya sa balikat ko na nakahubad, because I'm wearing a tube style gown. Saglit na kumunot ang kanyang noo bago niya hinubad ang suot na tux at ibinalabal sa akin. Napanganga ako sa kanyang ginawa. Nagmukha akong hiphop sa laki ng tux niya.


"Hey! Anong ginagawa mo? You're ruining my gown-"


"Shut up and don't move." Hindi pa siya nakontento at gusto niya pa yatang iikot sa katawan ko ang amerikana. Mukha tuloy akong burito. "There! Mas okay."


"Anong okay? Hindi na kita ang gown ko at mukha na akong shawarma dahil sa laki nitong amerikana mo! Sayang naman ang mahal nong gown ko at ang ganda tapos tatakpan lang-"


"Don't you dare remove it," nakasimangot na utos niya.


"Mukha akong katawa-tawa rito!" reklamo ko. Ano bang problema niya? Para siyang nagsasayang ng pera kung hindi naman mae-expose ang mamahaling gown na ipinatahi niya for me.


"Mahamog na. Baka sipunin ka."


Ako naman ang sumimangot. "Ano ko sanggol?"


"Hindi maganda ang gown mo." Kahit sa dim na liwanag ay kapansin-pansin ang pamumula ng magkabila niyang pisngi.


"Anong alam mo sa fashion?" Inirapan ko siya at inunahan siyang maglakad. Hinubad ko rin ang tux at ibinato sa kanya. Hindi naman siya nagreklamo pero nakasimangot naman ang pagmumukha.


Oo nga pala, nasasagot-sagot ko na siya minsan. Pero minsan lang. Medyo takot pa rin kasi ako kapag seryoso siya. May ilang nagbago lang sa akin the past years, iyon ay ang feeling ko tumapang at nagmature ako ng ilang posyento.


Nalula ako ng nasa garden na kami ni Jackson. Umiilaw at nagniningning ang paligid. Iyong mga nakikita sa mga ball party sa fairytale books ay tila naririto lahat. Ang kaibahan lang ay puro paborito ko ang nakikita ko rito. Lahat ng nasa harapan ko ay mga paborito kong kulay, bulaklak, pagkain at pati ang kantang kinakanta ng banda sa stage.


"Princess Fran!"


Nagulat ako nang makita si Olly. Kumakaway siya sa akin. What is she doing here? Who invited her?


Mabuti at tinawag na ako ng emcee kaya hindi na ako naharang ni Olly. Sa totoo lang, hindi ko siya ininvite. Hindi na kasi kami magkaklase dahil nagdrop siya last year. Kung ano ang reason sa pagda-drop niya, I have no idea. And seriously, I don't care. Bihira ko na rin siyang makita at makausap after niya akong talikuran noong hinaharass ako nina Sacha sa birthday ni Val. Doon na ako natauhan na she's not really a friend. At kahit sa Facebook ay hindi kami nagkakachat. Kaya paano niya nalaman na ngayon gaganapin ang debut party ko?


Naririto rin ang mga schoolmates ko na hindi ko alam kung paano nakapunta rito at sino ang nag-invite gayong wala akong inimbitahan ni isa man sa kanila.


Speaking of eighteen roses, wala ako nun. Ay meron pala. Mga guwardiya ni Jackson. Pumili siya ng seventeen na magiging escort ko, at syempre siya iyong pang eighteen-my last dance.


Smooth na nagsimula ang party. Kahit hindi ko kilala ang ibang invited ay nag-enjoy naman ako. Lahat ng favorite songs ko, pinapatugtog. Nasunod talaga lahat ng bilin ko sa event planner.


Si Jackson ay kausap ng mga invited na politicians. Yes, may politicians na pumunta sa party ng isang katulad ko lang. I don't know kung bakit nandito sila, maybe because Don Salvo-Vice President Cole invited them. Sabagay, isa nga pala akong charity case sa mata ng madla, at mas babango ang pangalan ng mayor ng Quezon City dahil sa grand debut party ko na ito.


Oo, he won the last election. Mayor na ng bayang ito si Jackson. Kahit tahimik, mukhang suplado at masyadong seryoso ay nagtiwala sa kanya ang nasasakupan. May kung ano sa kanya na pinagkatiwalaan agad ng mga mamamayan. Mabilis siyang minahal ng mga tao siguro dahil guwapo siya? Dahil bago siya? Dahil iba ang plataporma niya at curious ang mga tao sa kanya. At malaking bagay na rin siguro na bise prisedente ng bansa ang kanyang ama.


"Eighteen blue bills..." narinig kong announce ng emcee.


Bumaling ang paningin ko sa mga taong magdidikit ng tag iisang libo sa laylayan ng aking suot na gown. Nagpasalamat ako sa kanila kahit hindi ko naman sila mga kilala. Karamihan sa kanila ay mga asawa ng mga pulitiko, na malamang si Vice din ang umimbita. Magaganda ang ngiti ng mga mayayamang ginang, mga ngiting hindi ko tantyado kung ngiting totoo o pakita lamang. Hindi naman kasi lingid sa akin na marami ang napapataas ang kilay kung bakit nasa poder ako ni Jackson. Hindi naman kasi ako kaana-ano ng mga Cole. Paano pa kaya kapag nalaman ng lahat ang tunay na dahilan kung bakit nasa poder niya ako?

Mas lalo lang sigurong magtataka ang mga tao kung bakit hindi pa ako idinidispatsa ni Jackson, gayung patay naman na ang babaeng naka-business marriage niya. Bukod sa napakabata pa ni Jackson para kay Mama, kasunduan lang ang kasal na agad ding natapos nang mismong araw na iyon. Right after the wedding, balik sa normal na buhay si Mama. Sumama agad sa boyfriend nito patungo sa ibang bansa. Si Jackson naman ay nagpatuloy sa pag-aaral na para ding walang nangyari, and during that time ay simula na rin siya sa maagang pagpasok sa mundo ng pagnenegosyo. Nagkanya-kanya sila. Kaya wala talagang makakaintindi kung bakit nasa poder ako ni Jackson ngayon.

After the eighteen blue bills ay eighteen treasures, eighteen gifts, eighteen shoes, eighteen perfumes, eighteen bags, eighteen candles na mga hindi ko rin kilala, maliban kay Ate Minda. Bumaha ang mga mamahaling regalo sa lawn ng mansion. Ah, hindi ko alam kung paano iisa-isahin ang mga iyon. At hindi ko rin sure kung magagamit ko ang lahat.


Last, the eighteen roses. Pinatayo ako ng emcee at isa-isa ng lumapit sa akin ang mga guwardiya at bodyguards ni Jackson.


Mabilis lang ang sayaw. Halos hindi tumagal ng minuto. Paglapit sa akin, onting sayaw, aalis na kaagad ang kasayaw ko. Parang inoorasan sila, parang mga may lakad, mga nagmamadali. At halos hindi rin humawak sa akin. Awkward tuloy dahil nakalutang ang mga palad nila sa aking bewang habang isinasayaw ako.


Halos kilala ko na ang lahat sa kanila dahil karamihan sa kanila ang nakakasama ko sa school. Sa lahat ay si Tarek ang pinakakilala ko dahil sa Davao palang ay nakakasalamuha ko na.


"Happy birthday, Miss Fran," wala itong kangiti-ngiti. Seryoso. Just like the others.


"Thanks, Tarek." Nginitian ko siya nang matamis. Gusto ko pa sana siyang kwentuhin dahil napanis ang laway ko sa mga nauna sa kanya, ang kaso ay mukhang wala rin siyang balak na makipag-usap sa akin. Sayang, plan ko pa naman silang i-match ni Ate Minda. Nahuli ko kasi siya last time na simpleng tinitingnan si Ate Minda habang nagdidilig ito.


Nang bumitaw na sa akin si Tarek ay biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Nakapagtataka.


"And the last dance..." boses ng emcee sa mic. "The handsome mayor of Quezon City! Mayor Jackson Cole!"


Sandaling nabingi ang magkabila kong tainga sa palakpakan ng lahat at hiyawan ng mga kababaihan, mula sa mga invited na DEMU students, sa mga maids sa mansiyon, sa mga kasama ng ibang guests. May ilang bulungan din. Nasilaw rin ako sa sunod-sunod na kislap ng camera mula sa mga event photog at sa ilang media men na napaunlakang makapasok.


You're just too good to be true
I can't take my eyes off you
You'd be like heaven to touch
I wanna hold you so much


Napanganga ako sa kanta na biglang pumailanlang. Hindi ko iyon inirequest sa DJ. Wala akong natandaang inilista ko iyon sa mga tutugtugin. Nevertheless, I love the song. It's soothing...


Hindi tumigil ang pagkislap ng mga camera para kumuha ng pictures. Kahit ang videographer ay hindi ibinaba ni minsan ang hawak na camera at tuloy lang sa pagrerecord. Hindi ako kinakabahan sa kanila, kinakabahan ako sa matangkad at simpatikong lalaki na papalapit ngayon sa akin.


My last dance...


My benefactor and my only one...


Wala siyang kangiti-ngiti, pero sanay na ako. Ang hindi lang ako sanay ay sa mga mata niyang kakaiba ang kislap ngayong gabi. Mahiwaga, misteryoso, tila may gustong iparating. Nang nasa harapan ko na siya ay hindi ko na marinig ang paligid. Tibok na lang ng puso ko ang aking naririnig at mahinang background music.


"Can I have this dance, big girl?"


Napangisi ako at tinanggap ang nakalahad niyang palad. "Sure, big boy."


Hindi nakaligtas sa akin ang tipid niyang pagngiti.



At long last love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you
♫♬


Nasa bewang ko ang malalaki niya at maiinit na mga palad. Ang mga kamay ko naman ay nakapatong sa matigas niyang dibdib. Ang bango-bango niya. Marahan lang kaming sumasayaw. Ito ang pinakamatagal na pagkakataon na magkadikit kaming dalawa. Halos yakap niya na ako.


Ganito pala iyon? Ganito pala makaramdam na safe ka sa yakap ng isang tao.


Tiningala ko siya. "Hindi mo pa ako binabati ng happy birthday."


Ngisi lang ang sagot niya sa akin. Sa pagngisi niyang iyon ay lalo siyang gumuwapo sa aking paningin. Okay fine kung ayaw niya akong batiin.



♫♫
I love you baby
And if it's quite all right
I need you baby
To warm the lonely nights
I love you baby
Trust in me when I say


Ito ang pinakamatagal kong sayaw ngayong gabi. Parang hindi na ito matatapos. Parang ayaw naming tumigil.


Humigpit ang pagkakakabig niya sa bewang ko. Ang mainit at mabango niyang hininga ay mas lalong lumapit sa balat ko.


"Oh, pretty baby..." mahinang kanta niya. "Don't bring me down I pray oh pretty baby..."


Ngumiti ako sa ilalim niya. Walang may alam na kinakantahan niya ako. Ano kayang sasabihin ng mga bisita at ng media kapag nalaman nila ito? Magkakagulo siguro sila. Pero sorry na lang sila, dahil ako lang ang makakaalam na kumakanta si Mayor Jackson Cole.


♪♪
Now that I've found you stay
And let me love you, baby.
Let me love you...


Habang sumasayaw kami ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Napakarami talagang bisita na hindi ko kilala. Lahat ay nakatingin sa amin, nagtataka siguro kung bakit hindi pa kami tumitigil dito.


May mga matang matimbang sa lahat. Hinanap ko iyon at natagpuan sa pangalawang lamesa mula sa stage. Nakaupo ron ang nakasimangot na si Val. 


Ang ganda-ganda ni Val kahit dim ang ilaw sa gawi niya. Mayamaya ay may babaeng lumapit sa kanya at tumabi. Nakasimangot ito at sa amin din ni Jackson nakatingin.


Oh, wait! Sacha is here? Sino ang nag-invite sa kanya? The last time we saw each other ay iyong hinarass niya ako. Nag-stop na rin kasi siya. She got pregnant-with King's baby. Alam ng lahat iyon dahil hindi nagsayang ng oras si Olly na hindi maipamalita ASAP ang pagbubuntis ni Sacha sa buong DEMU. And even Jaeda and Hyra ay katulong sa pagpapalaganap ng balita. Naging controversial chismis ang pagbubuntis ni Sacha.


She's wearing a fitted black chiffon dress. Ang sexy niya pa rin, parang hindi nanganak. Lumaki nga lang lalo ang dibdib ng babae. Balita ko ay nasa custody niya ang baby nila ni King, while King is in the states. Tinakbuhan siya, based sa mga chismis na kumakalat.


"Bakit ba kung saan-saan ka tumitingin?" iritadong boses. Halatang naiinis.


Napatingala ako sa lalaking aking kasayaw. Nakasimangot ang guwapo niyang mukha.


"Sorry po."


"Whatever." Umismid siya.


Huminto na kami sa pagsasayaw pero nasa gitna pa rin kami ng lawn, at ang lahat ng guests ay nakatingin sa amin. Nasa mga mata nila ang curiosity sa pinag-uusapan namin ni Jackson.


Dahil mukhang wala na siya sa mood ay nawala na rin ako sa mood. Hindi pa tapos ang kainan sa lawn ay umakyat na ako sa kuwarto. Natapos na rin ang party ng saktong ala una ng madaling araw.


Mag-a-alas dos ng lumabas ako. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung bakit parang hinihila ako ng mga paa ko palabas ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan nang mapatingin ako sa nakabukas na sliding doors patungo sa verandah. Nagkusa ang mga paa ko na humakbang papunta doon. Sa bukana palang ay ramdam ko na ang malamig na hangin mula sa labas. Malamig ang hangin at damang-dama ko iyon dahil silk ang tela ng suot kong pantulog na pinatungan ko lang ng bathrobe.


Aalis na ako nang makarinig ako ng pagtikhim. Nang igala ko ang aking paningin sa paligid ay saka ko nakita ang lalaking nakatayo sa gilid. Drawstring pants at white shirt ang suot niya, may hawak siyang tasa ng kape.


Nasa verandah si Jackson. At sa akin siya nakatingin.


"Bakit gising ka pa? Hindi ka ba pagod?" He said between sips of his coffee.


May kusa talaga ang mga paa ko dahil kusang humakbang ang mga ito palapit sa kanya. Huminto lang ng isang dangkal na lang ang pagitan naming.


"Pagod." Sumandal ako sa kabilang bahagi ng verandah. Hinahangin ang mahaba kong buhok ng hanging panggabi.


"Then why are you here?"


"Ah... Magpapahangin..." bakit umiinit ang pisngi ko kahit malamig naman dito?


"Sira ba ang aircon sa kwarto mo?"


Inis ko siyang nilingon. Bakit parang may toyo na naman siya? Ano na naman kaya ang nagawa ko?


Tinaasan niya ako ng isa niyang makapal na kilay. "Don't you have your own verandah in your room?"


"Meron. E ikaw? May verandah ka rin sa kwarto mo, di ba? Bakit ka rin nandito? Sira rin ba aircon mo?"


Nakita kong tumaas ang sulok ng kanyang bibig. Kahit ang mga mata niyang misteryoso at madalas seryoso ay tila ngumiti.


Sa mga dumaang taon ay naging palagay na ako sa kanya. Siguro nagsimula iyon noong hindi ko na siya tinatawag na uncle. Feeling ko nawalan ng pader sa pagitan namin, iyon nga lang ay may mga pagkakataon na pakiramdam ko tuloy ay para kaming friends. Hindi na kasi siya ganoon kahigpit sa akin. Ramdam ko rin na nagtitiwala na siya sa akin, kahit pa ibinalik niya na ang sangkaterba kong bodyguards. At katulad ngayon, pinagkakausap niya na ako, kahit paminsan-minsan lang ito, naaappreciate ko.


Kung may downside man ang pagiging cool niya sa akin, iyon ay ang minsang awkward moments kapag nagkakadikit kami. Kahit simpleng tapik kasi sa balikat ko ay para akong sinisilihan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. At nakakainis kasi habang tumatanda ako, mas napapansin ko kung gaano siya kaguwapo.


"Eighteen," sambit niya na tila nakakatuwang bagay ang salitang iyon. "So this is the eighteen Fran."


"Ha?"


Humarap siya sa akin. "Brave. Bold. Fierce."


Nag-init ang mukha ko sa klase ng titig niya. Isa pa itong titig niya sa mga ikinakabalisa ko minsan.


Humakbang siya palapit at ikinulong ako sa pagitan ng mga braso niya at ng barandilya ng verandah. "Happy birthday, doll."


"Jackson!"


"May sasabihin ka?" Naglalaro ang ngisi sa mapula niyang mga labi.


Kandalunok ako. "Uhm... thank you."


"What else?" Nakangisi pa rin siya. Parang natutuwa siya sa balisa kong reaction.


"Iyon lang."


Akala ko aalis na siya pero lumakad siya pabalik. Hanggang sa dangkal na lang yata ang pagitan namin.


Bigla akong tinubuan ng hiya. "S-sige, babalik na ako sa kwarto ko."


"Okay." Pero hindi naman siya umalis sa harapan ko.


Inisang hakbang niya ang natitirang layo naming dalawa hanggang sa pagtingala ko ay leeg niya na ang nakikita ko.


"Jackson... paraanin mo ako."


"Can I touch you?"


"Ha?"


Lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. "I can't believe that you are real. How did I ever find you?"


Pasalita niya binanggit ang lyrics, dapat matawa ako sa kanya, pero hindi. Naghahalo ang lamig at init sa baritono niyang boses, at natutuwa ang puso ko na marinig ang kanyang sinasabi.


"You are the dream that saved my life. You are the reason I survived, baby."


"Kanta iyan, e."


Ngumisi siya muli at humakbang palapit kaya tuluyan na akong nagitgit sa pagitan niya at ng verandah. Nalanghap ko ang pinaghalong amoy ng mamahalin niyang pabango at ng alak. Kaya siguro siya nagkakape dito dahil uminom siya kanina.


"You're drunk," sambit ko na hindi maiwasang hindi mapatitig sa mamula-mula niyang mga labi.


"Can I hold you?"


He can sing. Narinig ko na siya sa kotse noon, at kanina sa party ko, pero iba ang impact na binabanggit niya lang ang lyrics ngayon. At nakakagulat na may kabisadong kanta ang isang Mayor Jackson Cole.


Ano itong nararamdaman ko? Bakit ganito? Kusang tumaas ang isang palad ko patungo sa balikat niya. Wala na kaming pagitan, at hindi ako nakakaramdam ng kahit katiting na pagkailang. Para bang ok ang ganito. Parang natural lang. Parang dapat noon pa nangyari, nahuli lang dahil sa ibang bagay na kailangang lumipas at matapos. Weird pero iyon ang pakiramdam ko.


"Girl, your smile lights up the sky. You are too beautiful for the human eye..."


"Jackson..." anas ko sa kanyang pangalan.


"You are the dream that never dies..." Pahina nang pahina ang boses niya. "You are the fire that burns inside, baby..."


Magsasalita sana ako pero hindi ko na nagawa. Hindi ko na nagawa dahil may pumigil sa akin. May pumigil na mainit at malambot na mga labi na humarang sa aking mga labi para ako'y makapagsalita. At ang matamis na mga labing ito ay pag-aari niya.


Nang humiwalay siya ay parang hiniwalayan na rin ako ng katinuan. Pinisil niya ang pisngi ko.


"That's my birthday gift to you, big girl."


JF


SONGS: Can't Take My Eyes Off You and Never Thought

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz