ZingTruyen.Xyz

Obey Him

Hindi pa rin nagpaparamdam si Calder sa akin kaya hindi ako mapalagay. Ano bang nangyari sa kanya? Bakit bigla na lang siyang nawala na parang bula? Ni wala siyang pasabi. Nag-aalala ako sa kanya dahil baka napaano na siya, pero hindi ako makakilos dahil hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula.


At kung ang pagsisimula ay ang pagtatanong kay Uncle Jackson, hindi ko talaga kayang magsimula. Dahil paano mo lalapitan at tatanungin ang isang tao na kung iwasan ka ay para kang may sakit na nakakahawa?


Sa sobrang busy ko sa pag-iisip kay Calder ay hindi ko alam kung umuuwi pa ba si Uncle Jackson dito sa mansiyon.


The next day ay nakapasok na ako sa school, pero may apat na bodyguards na nakabuntot sa akin, pwera pa sa driver ng SUV na naghahatid sa amin sa Don Eusebio Mariano University.


"Hi, Pretty Fran!" Nakangiting nilapitan ako ni Olly.


Alisto ang mga guwardiya sa paglapit sa akin ni Olly. Naiilang ako dahil para akong anak ng presidente na kahit saan ako magpunta ay hindi talaga lumalayo ang apat na lalaking inutusan daw ni Uncle Jackson upang bantayan ako. Hanggang sa mismong pinto ng classroom ay naroon sila.


Naupo si Olly sa bakanteng upuan na nasa aking tabi. "Ano palang meron? Bakit ang dami mong guwardiya?"


"Utos ng step-dad ko," tipid kong sagot sa kanya.


"Oh, really? Ang protective naman masyado, e hindi ka naman prinsesa."


Nagkibit ako ng balikat.


"Love na love ka ng uncle mo. E pano ka na maliligawan niyan kung marami ka ng bantay?" Lumabi siya. "Sad."


Nakapagtataka na kinakausap ako ni Olly na parang hindi niya ako sininghal-singhalan noong huli naming pagkikita. Hinayaan ko na lang din siya na muling tumabi sa akin.


"Saka pala, nabalitaan mo ba iyong nangyari kay King?"


Hindi ako kumibo dahil alam ko na kahit naman hindi ako magtanong ay matutuloy-tuloy pa rin ang kwento niya.


"Nasa ospital sila ng tropa niya. May tama ng baril pareho."


Tahimik lang akong nakikinig kay Olly, kunwari ay hindi interesado sa impormasyon.


"Pinagbabaril sila sa legs at tuhod kaya hindi makatayo ang dalawa. Ang gago talaga nong may gawa non sa kanila, pero mabuti na rin na ganon lang ang ginawa at hindi sila tinuluyan."


"Sino ba iyong g-gago na gumawa non sa kanila?" hindi ako nakatiis na hindi magtanong.


"Holdapper daw e."


Tumango-tango ako. Mabuti na lang at duwag si King— Duwag sa katotohanan.


"Mabuti at hindi sila pinuruhan," komento ko, fishing din kung ano na ang lagay nina King.


"Right! And okay naman na sila, mabuti talaga at hindi sila pinatay. Kinuha lang iyong mga gadgets and cash nila. Ang kaso, iyon nga, baka magsaklay muna sila para lang makalakad ulit."


"H-hindi ba nahuli iyong holdapper?"


"Hindi e. Diyan sila naholdap sa parking ng Gate 1, pero hindi na nahuli ang suspect kasi mabilis daw na nakaalis. Nong pinacheck naman iyong CCTVs, sakto pa na nagloko that time iyong mga cameras kaya wala ring napala iyong mga pulis."


Magaling ang pagkakagawa, sa isip-isip ko. Iba talaga ang nagagawa ng pera.


"Sinamahan ko nga si Sacha kahapon sa hospital to visit King. Ang babaitang iyon, may pagtingin pa rin yata ron sa ex niya."


Hindi na ako nagcomment. Hinayaan ko na lang si Olly na magkwento nang magkwento. Sapat na sa akin ang nalaman ko na hindi napuruhan si King at ang kasama nito.


"Iyong issue pala ng pagpapasara ng DEMU, tuloy na tuloy na pala. Nakakalungkot dahil hindi pala tayo rito gagraduate." Kinalabit niya ako. "May lilipatan ka na bang school?"


"Wala pa."


"Tell me kung saan, ah? Doon din ako e."


Tumango lang ako.


"Saka nga pala, bati na tayo, ah? Namiss kita, BFF!"


Right after class ay umuwi agad ako. Ni hindi na ako nakadaan sa library dahil sa sobrang awkward na may mga bodyguards na nakasunod sa 'yo. Nagmukha talaga akong ewan dahil sa mga ito. Ultimo hanggang pinto ng banyo ay sumusunod sila. Kahit nga nong break time ay hindi ako nakakain nang maayos dahil wala talaga silang balak lubayan ako ng tingin. Okay na rin pala na ganoon kasi kahit si Olly ay hindi na lumapit pa sa akin. Nailang din siguro sa titig ng mga guwardiya ko.


Nakakalungkot lang dahil buong magdamag na naghintay ako ng text o tawag from Calder ngunit kagaya noong nakaraang gabi, hindi pa rin siya nagparamdam. Hanggang kinabukasan ng Sabado ay wala pa rin kahit anino niya.


"Ate Minda, nakita mo na ba si Calder?" Nakapangalumbaba ako sa armchair ng sofa habang pinapanood si Ate Minda na magpagpag ng mga throwpillows.


"Oo. Dumating kanina pero umalis din agad e."


Napaunat ako sa pagkakaupo. "Talaga? Dumating na siya?!"


"Oo." Nilingon niya ako. "Nagmamadali ring umalis."


"Anong sabi?"


"Wala e."


"As in wala? Wala siyang sinabi na kahit ano?" dismayadong tanong ko.


"Bakit ba, Ganda? Tamang hi at hello lang kami kanina sa isat-isa. Ewan ko ba ron kay pogi, parang wala sa mood." Ibinalik niya na sa pagkakasalangsang ang mga throwpillows.


Tila napansin niya ang katamlayan ko. "Okay ka lang?"


Tumango ako at tumayo. "Punta muna ako sa kuwarto ko, Ate Minda."


"Di ka na naman maghahapunan. Makakagalitan na naman kami ng uncle mo niyan."


"Hayaan niyo siyang magalit."


"Hala siya..."


"Magalit siya hanggat gusto niya. I don't care."


Tulala si Ate Minda ng iwan ko siya. Hindi niya yata inaasahan ang sinabi ko patungkol kay Uncle Jackson. Papunta ako sa hagdan nang mapatingin ako sa labas ng main door. May matangkad na lalaking nakaputi ang biglang dumaan. Natulala ako ng ilang minuto.


Namilog ang mga mata ko nong marealized ko kung sino iyong lalaking naka all-white. Napatakbo agad ako palabas kahit pa pangbahay na tsinelas ang suot ko.


"Miss Fran, may kailangan kayo?" Lumapit sa akin ang isang guard na may hawak na pit bull na nakatali.


"Si Calder, parang nakita ko–" Nahinto ako nang makita ang papalabas na big Ducati bike mula sa garahe. Ang nagmamaneho nito ay nakakulay puting shirt at puting pants. Tanging suot na helmet lamang nito ang kulay itim at ang mismong Ducati big bike.


"Miss Fran, sandali! Bawal ho kayong lumabas!"


Hindi ko pinansin ang guard. Nanakbo ako para habulin ang Ducatti at ang lulan nito. "Calder!"


Halos magkatali-talisod ako. Sinisigaw ko ang pangalan niya habang nananakbo ngunit hindi niya ako naririnig. Malas lang talaga, bago pa ako makalapit ay nakalabas na sa gate ang big bike. Humihingal na hanggang habol tanaw na lang ako.


Bakit hindi niya ako narinig? Bakit hindi niya ako nilingon?


Agad na isinara ng mga guwardiya ang gate matapos akong tapunan ng sulyap. Mangiyak-ngiyak na bumalik ako sa mansiyon.


Saan ba siya pupunta? Kailan siya babalik?


Nakaidlip ako at naalimpungatan bandang alas-siete ng gabi. Tumutunog pala ang phone ko at meron na akong sampung missed calls. Lahat ay galing kay Olly. Io-off ko na sana iyon nang bigla iyong magring ulit. This time ay hindi si Olly ang caller.


"Hello?" mabilis kong sagot.


Nagsimula na akong maluha. Mabuti naman at tumawag na siya.


"Hello, Calder?" Napabangon pa ako sa kama habang hawak ang dibdib ko. "I'm so glad you called. Nabasa mo ba iyong mga messages ko? I'm so sorry. May kasalanan ako sa 'yo. Maybe this will make you cringe... or mad. I'm so sorry but I think I like you..."


Kaysa sa iba niya pa malaman, ako na ang lakas-loob na nagtapat. Bahala na kung ano ang isipin niya. At pagkatapos, sasabihin ko na rin ang nangyari noong nagdaang gabi na si Uncle Jackson ang sumundo sa akin.


"Alam ko na matatawa ka lang kung malalaman mo ang nararamdaman ko, dahil may isang nene na nagkakagusto sa 'yo. But believe me, hindi ko naman sinasadya na mahulog sa 'yo. Alam ko na hindi dapat, pero ano bang gagawin ko? Basta ko na lang naramdaman ito. And this is the first time I feel something like this." 


Hindi siya sumagot, nagpatuloy ako sa pagsasalita. Natatakot ako na maputol ang tawag na ito kaya ang bilis-bilis ng buka ng bibig ko habang panay tingin ako sa pinto.


"Kailangan nating magusap. Alam na ni Uncle Jackson ang nangyari. Kinakabahan ako dahil hindi niya pa ako kinokompronta pero ramdam ko na galit siya. At alam mo ba na ipapasara na ang DEMU? May kutob ako na siya ang may gawa non. Galit siya sa akin, Calder. Natatakot ako! Please, magusap tayo. Hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto kitang makita at makausap."


Matagal na naghintay ako sa kanya. Nakapagtataka dahil tahimik lang siya sa kabilang linya. Parang pinakikinggan niya lang ang boses ko.


"Hello? Nandiyan ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita? Nasusuka ka ba? Galit ka ba? I'm sorry. Pero puwede bang isantabi mo muna iyan? Bukod sa nangyari sa parking, nalaman na rin ni Uncle Jackson ang feelings ko sa 'yo. I'm afraid he'll do something to you—"


"I'm sorry, Frantiska." Malamig ang boses niya nang magsalita siya. Nahinto ako sa pagsasalita.


"W-why are you saying sorry? Ako ang dapat humingi ng tawad..." At bigla rin akong kinabahan dahil sa kalamigan niya. 


Hindi na naman siya nagsalita. Ang tahi-tahimik kung nasaan man siya.


"Hello, Calder?"


"Yeah, 'still here. I just called to check on you. Hindi ka na guguluhin ni King at kung ipapasara na ang university niyo, meaning mas safe ka na. Kailangan mo na lang lumipat ng ibang—"


"Why do it feels like that you're leaving?" bigla kong tanong. 


"'Have to go."


"Teka sandali!" pigil ko sa kanya. "Hindi pa tayo tapos mag-usap!"


Buntonghininga ang aking narinig mula sa kanya.


"Nagkausap na ba kayo ni Uncle Jackson?"


"It's late. You should be sleeping by now."


"Ayoko pang matulog! At hindi pa late! Seven palang!" Tumaas na ang boses ko. "Ano bang problema mo, Calder? Kinausap ka ba niya? Nagalit ba siya sa 'yo? Sana ipinaliwanag mo na wala lang kasalanan! Na ako lang iyon. Ako lang iyon pasaway rito. Ako lang itong may gusto sa 'yo! Please, defend yourself!" Hindi ko na maampat ang pagtulo ng aking mga luha. "I'm sorry, I'm so sorry!" Pumiyok na ako. 


Nang marinig niya ang pagpiyok ng boses ko ay alam ko na nagtagis ang mga ngipin niya.


"Calder, I want to talk to you... Please, don't go..."


"Mag-uusap tayo pagbalik ko."


Pagbalik? Agad na nag-panic ang aking sistema. "Ano? Aalis ka? Saan ka pupunta?!" He's the only friend I have now, maliban kay Ate Minda, 'tapos mawawala pa siya? Dahil sa pagiging selfish at childish ko? No, I can't lose him!


"I can't tell you right now, Fran." Mababa na ang kanyang boses.


"At bakit hindi?" kanda sigok na ako sa pagpipilit makapagsalita sa pagitan ng pag-iyak. "Bakit nga hindi?! At bakit ka aalis?!"


"Please, Fran. Don't make this harder for me."


"Bakit kung magsalita ka parang malayo ang pupuntahan mo, ha? Saan ka ba pupunta?"


Hindi siya makasagot.


"Bakit hindi mo p-pwedeng sabihin, ha? Bakit? Tell me, si Uncle Jackson ba ang dahilan kaya ka aalis? Pinaalis ka ba niya? Sumagot ka!"


"Fran..."


"Siya di ba ang dahilan?! Sinesante ka ba niya? Pinarusahan?" Hindi ko mapigil ang sarili, ngayon lang ako nagkaganito. "Sabihin mo kasi sa kanya na wala kang kasalanan! Hindi mo kasalanan na cute ka, sweet ka, at mabait ka. Hindi mo rin kasalanan na ikaw ang unang lalaking naging kaibigan ko at ako ay isang rebeldeng teenager na sabik sa tao, kaya nahulog agad ako sa 'yo! Hindi mo kasalanan iyon!"


"I really have to go."


Nanghihinang napahikbi ako. "Y-you will not see me even for the last time?"


"I'm sorry, Fran. Pero hindi dahil aalis ako ngayon o hindi pa sigurado kung kailan ako babalik, ay hindi na tayo magkikita. We cannot tell what will happen tomorrow. Katulad ng hindi rin masasabi kung ang nararamdaman mo ngayon ay nararamdaman mo pa rin kapag lumipas na ang panahon."


What? Was he doubting my feelings just because I was still a child in his eyes? Tama naman siya, wala siyang maling sinabi, pero ang sakit marinig ng katotohanan. Para niya akong sinampal na hinding-hindi niya ako magugustuhan.


Masakit din na kahit na ang frienship namin ay parang isinusuko niya na rin. Basta siya aalis. Basta lalayo. Walang paliwanag kung bakit. Kung nandidiri ba siya sa akin, nasusuka, o dahil pinaalis siya ni Uncle Jackson, hindi niya man lang nilinaw. Mas gusto niya akong basta iwan sa ere.


At kung sakali man na si Uncle Jackson ang may gawa ng paglayo niya, bakit wala siyang ginawa? Bakit kahit kaunti, hindi siya lumaban? Ang sabi niya noon ay siya ang bahala sa akin, na hindi niya ako pababayaan. Inasahan ko iyon, pero nagsinungaling lang pala siya!


Parang biglang nag-iba ang tingin ko sa kanya. Lahat ng magagandang bagay na ipinakita niya sa akin, lahat ng masasayang sandali na pinagmasahan namin, and even our short-lived friendship seemed to have vanished into thin air.


"Fran, I'll understand if you resent me, but I can only promise you one thing... that I'll be back no matter what. At kapag dumating na ang araw na iyon na walang nagbago sa nararamdaman mo, mag-uusap ulit tayo."


"Kung may babalikan ka pa!" Pinatay ko ang phone at ibinato iyon sa dingding saka ako parang batang humagulhol sa sama ng loob at sakit na ngayon ay aking nararamdaman. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay ko, nabasag ang puso ko.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz