Chapter 13
HE'S BACK!
Napangiti ako nang makita sa tabi ng Camaro si Kuya Calder. Mabuti naman. Mabilis akong lumulan ng sasakyan at nagkabit ng seatbelt. Ang tahimik naman niya sa driver's seat. Parang may malalim siyang iniisip. Baka hindi nakapagkape?
Nang paandarin niya na palabas ng garahe ang kotse ay nakikiramdam pa rin ako sa kanya. Mukhang hindi nga maganda ang kanyang gising. Akala ko pa naman ay magku-kuwentuhan kami ngayon. Bakit bigla naman siyang ganito?
"Hindi ka nagsasalita," puna ko kay Kuya Calder. Kanina pa siya tahimik e. Hindi siya nagkukuwento, nangungulit o nagtatanong.
"May dapat ba akong sabihin?" walang ganang sabi niya.
Lumabi ako. Ngayon ko lang naranasang magkaroon ng kaibigan, sa katauhan niya at ng kaklase ko na si Olly. Para ko na rin siyang kuya kahit isip bata siya at maligalig kapag kami lang dalawa, kaya naman nakakapanibago na bigla siyang ganito.
"Magtanong ka na, alam ko naman na gusto mo akong tanungin," nakangusong sabi ko.
Hindi siya nagsalita. Seryoso pa rin siya habang nagda-drive.
Humalukikip ako. "Sige, ako na lang ang magtatanong." Para lang mawala ang awkwardness sa pagitan namin. Saka may gusto rin talaga kasi akong malaman.
Wala pa rin siyang imik.
"Sino ba si Valentina na iyon?"
Nang silipin ko siya ay may ngisi na sa kanyang mga labi.
"Bat nakatawa ka diyan?" Kumiling ang ulo ko sa pagtataka dahil sa pagbabago ng mood niya. Bakit bigla na lang siyang natawa? May nakakatawa ba sa tanong ko kung sino si Valentina?
"I'm not." Pilit niya pa ring pinangangatawanan ang pagkaseryoso.
Dinuro ko ang mukha niya. "Ayan at nakangisi ka!"
Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at nilingon ako. "Namiss mo ba ako?"
Inirapan ko siya. "Hindi kaya."
"Ganyan ka makamiss, ipinagpapalit mo agad sa iba."
"Huy!" Hinampas ko siya sa balikat.
"Valentina is just a friend, Milady."
"O-okay..." Umayos ako sa pagkakaupo.
"Yeah." Saglit siyang tumitig sa akin saka unti-unting ngumiti. "Magsabi ka nga nang totoo, nagseselos ka?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Kanino? Kay Valentina at sa 'yo? Utot mo!"
Ngumisi siya. "She's my boss' business partner. Technically, boss ko na rin siya."
"Ganon? So kapag inutusan ka niya, susundin mo rin siya?"
"Ganon na nga."
"Kahit anong utos niya? Susundin mo?!"
"Syempre depende kung kakayanin ba ng estamina ko ang iuutos niya."
"'Wag mo akong paandaran nang ganyan, bata pa ako!" tili ko na kunwari'y galit. Masaya ako na makitang good mood na ulit siya. Maligalig na ulit.
Ang lakas ng halakhak niya. Nang makabawi ay pinisil niya ang ilong ko. "Alam na alam ng nene kung paano ako aamuhin."
"Ewan ko sa 'yo. Magdrive ka na nga diyan!" Sinimangutan ko siya. Hindi ko na siya kinausap ulit. Nakakainis kasi, ngingiti-ngiti na ang loko habang nagmamaneho.
Pero deep inside ay nangingiti na ako. At least wala nang sumpong ang aking paboritong driver slash bodyguard!
...
BODYGUARD KNIGHT
Until what time ka sa library?
ME:
Before 7 tapos na ako...
Pahirapan pa ang paalam ko. Hindi naman kasi ako basta-basta pinapayagan na mag overtime sa school. Kahit pa sabihing studies ang dahilan.
"Oh, shit, Fran!" Pasalampak na ibinalik ni Olly ang phone niya sa loob ng kanyang bag. "They are flooding my inbox!"
"What's wrong, Olly?" Katabi ko siya sa bench at kanina pa siya aligaga sa phone niya.
"Wrong timing ang pag-uwi nang maaga ni Mommy. Eight palang daw nasa house na siya, e sina Sacha nagyayaya ng party. Paano kaya ang gagawin ko?"
"Saan na naman nagyayaya? Kaka-bar niyo lang nong isang gabi, ah? Hindi ka ba pwedeng mag-pass muna diyan?" Kasisimula pa lang kasi ng klase, kaya parang hindi naman yata maganda na panay ang gimik nila. Mabuti sana kung hindi sila bangag pagpasok kinabukasan.
"May pa pool party si Jaeda sa kanila. Pupunta lahat. Meaning, ako lang ang wala ron pag nagkataon."
"E paano nga iyan? Baka magalit na ang mommy mo sa sunod-sunod mong gala?"
"Di mo kasi naiintindihan," buntong-hininga niya. "Last time we went to the bar, I got drunk. Nagsuka ako." Sumimangot siya. "I messed up. I did a lot of embarrassing things."
"Hindi ka naman kasi dapat naglalasing kung hindi mo kaya," mahinahon naman na sabi ko sa kanya.
"Please?! Sermon ang pinakahuling bagay na gusto kong marinig from you!" Dumikwatro siya. "Kailangan kong makabawi kina Sacha, okay? Ayoko na isipin nila na weak ako. Na wala akong kwenta. Na feelingerang gimikera lang ako. Hindi ako mahina, Fran."
Issue ba ang pagiging mahina?
"I know you won't understand me, Fran. Pero malaking bagay sa akin na maplease sila Sacha. Ang hirap makapasok sa circle nila, at nandon na ako. Ayoko nang lumabas pa."
"I understand the peer pressure. Mahirap tanggihan iyan, pero may mga pagkakataon na kailangan tingnan ang limitasyon."
"Fran, ang bata mo pa! Wag kang pakamatured masyado. Hello? Mas bata ka sa aming lahat, ikaw ang mas dapat nag-e-enjoy." Hinawakan niya ako sa kamay. "Alam ko na! Sumama ka kaya? Para may reason ako na umuwi agad."
"Susunduin ako by seven ni Kuya Calder."
"Five palang o? Saka saglit lang tayo kina Jaeda promise. Saka Saturday naman bukas, plus nakapagpaalam ka naman na magla-library ka. Sabihin mo na lang na nagkaroon ng biglaang group project kaya mas matatagalan ka."
"But, Olly..."
"Please? Ngayon lang ako hihiling sa'yo. Saka saglit lang naman tayo ron e. Magpapakita lang ako then uuwi na tayo."
Hindi ako tinigilan sa pangungulit ni Olly. Ako lang daw ang pag-asa niya para makauwi nang maaga. Mangiyak-ngiyak siya sa pagmamakaawa sa akin. Sa huli ay pumayag na ako. "Okay, pero saglit lang, ha?" paniniyak ko sa kanya na sinang-ayunan naman agad niya.
Nagtext ako kay Kuya Calder na magkakaroon ako ng group project kaya baka eight pm na kami makatapos. Hindi ko na binasa ang reply niya. Binura ko na iyon agad dahil sa guilt ng aking pagsisinungaling. Ipinut on silent ko rin ang setting ng phone.
Pagkarating ng sundo ni Olly ay sumakay na agad kami. Sa bahay nila kami dumiretso para makapagpalit ng damit. Pinahiram niya ako ng color royal blue na halter blouse at color black na skirt at wedges. Siya na rin ang nagmake up sa akin at nag-ayos sa buhok ko. Bago mag seven ay nasa taxi na kami papunta sa subdivision nila Jaeda.
Nang makarating kami sa bahay nila Jaeda ay bumaba na agad kami ng taxi. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Olly na may makakita sa amin na nakataxi lang kami sa pagpunta rito.
"'Yaman nila, 'no?" siko sa akin ni Olly. "Magkasingyaman sila Sacha, Jaeda at Hyra." Parang labas sa ilong niya ang pagkakasabi niyon.
Tama si Olly, mayaman sila Jaeda. Mansiyon sa laki ang bahay nito. Halos doble ito ng bahay nila Olly. At ang gate, napakalayo sa mismong bahay. May garden pa na katulad ng sa mansiyon ni Uncle Jackson.
"Bilisan natin, nagsisimula na." Dinig na dinig na kasi namin dito palang sa labas ang malakas na sounds mula sa loob ng mansiyon.
"Olly, hindi ba talaga masyadong sexy itong suot ko?"
Siya kasi ang pumili ng isusuot ko. Bagay raw sa akin ang kulay nitong halter blouse kaya ipinilit niya talaga ito sa akin. Hindi naman ito gaanong revealing pero hindi lang talaga ako sanay na onting tungo ko lang ay makikita na ang cleavage ko. Nakapush up bra kasi ako kaya kahit hindi kalakihan ang aking dibdib ay bahagya itong yumabang.
"Hindi, 'no!" nakatawang sagot ni Olly. "Ang cute mo nga diyan. Para ka na talagang barbie doll!"
"Masyado kasing maiksi ang palda. 'Tapos hindi ako sanay na naka sleeveless."
"Wag kang mag-alala, Fran. Hindi ka mukhang bastusin, inosenteng-inosente ka pa rin kahit medyo sexy ka ngayon. May magic ka yata e."
Sa bungad ng pinto ng mansiyon ay may mga nakatambay na lalaking nagsisigarilyo. Mga estudyante rin sa DEMU.
"Bago?" tanong ng isa sa mga nakatambay. "Who's she?"
Ngumiti lang si Olly at hinila ako papasok sa loob. Patay-sindi ang party lights sa loob kaya masakit sa mata. Sa malawak na sala ay may mga nakatambay habang nag-iinuman. May mga nagkukuwentuhan kahit halos hindi na magkarinigan dahil sa lakas ng music. Maraming nakatambay sa loob, isa sa mga mukhang nakilala ko ay si Jaeda, ang hostess ng party. Isa sa mga kaibigan nina Sacha at Olly.
"Olly's here!"
Lumapit sa amin ang napakagandang si Sacha na naririto rin pala sa sala. Katulad ko ay nakahalter blouse rin siya, ang kaibahan lamang ay mas mayabang ang kanyang dibdib kaysa sa akin.
"Hey there!" masayang bati niya sa amin.
"Hi, Sach! I'm with Fran pala." Hinila ako ni Olly.
Ibineso ako ni Sacha. Napakakinis at napakabango ng kanyang pisngi nang magkadikit kaming dalawa. "Hello, Fran. Mabuti naman nakasama ka na this time."
"Magandang gabi sa 'yo, Sacha," bati ko rito habang naghahalo sa akin ang pagkailang at pagkagulat. Ngayon lang kasi ako um-attend ng isang party. Sa movies ko lang madalas na nakikita ang mga ganito.
Classy na napahalakhak siya. "Cut the formality, my god!"
Nagkaroon na ng ibang kakuwentuhan si Sacha kaya tumungo na kami ni Olly sa pool area. Patay sindi rin ang mga ilaw dito, lamang ang neon colors na nasa gawing pool. Umuulan ng alak sa mga table stand sa gilid-gilid. Marami na ang nagsu-swimming, mga naka-two piece na babae at naka-trunks na lalaki. May ilan pang halos sa pool na nagme-make out kaya agad kong inalis ang aking paningin doon.
Nakasalubong namin si Hyra na may kaakbay na lalaki. Sweet na sweet ang mga ito habang nagtatawanan. Nang mapatingin sa gawi namin ay ngumiti agad ang babae. "Fran, you're here!"
"Nahirapan nga akong kaladkarin 'yan dito," tawa ni Olly.
"Matutuwa ang hari niyan!"
"Wag ka maingay, marinig ni Sach!"
Napahagikhik si Hyra. "Wala na siyang karapatan sa hari!"
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya ngingiti-ngiti na lang ako sa tabi ni Olly.
Kinawayan ako ni Hyra. "BF ko pala, si Benson."
"Hi!" friendly na bati sa akin ng boyfriend niya.
"Hello..." kimi naman na sagot ko rito. Hindi pa rin kasi talaga ako sanay makipag-usap sa mga lalaki. Ang tanging nakakapalagayan ko lang ng loob ay si Kuya Calder.
"Tara pakilala kita roon." Nabigla ako sa biglang pagkaladkad ni Olly sa akin. Para matapos na, sumunod na lang ako sa kanya. Sa gulat ko nga lang ay sa parteng may mga lalaking nag-iinuman niya pala ako dinala.
Ang daming lumapit sa amin, isa-isa akong ipinakilala ni Olly sa kanila. Matapos ang konting pakilala ay naiwan na akong mag-isa sa upuan na nasa poolside. Siguro naramdaman ng mga kaibigan ni Olly na boring akong klase ng tao kaya hindi na sila nagtagal sa pagkausap sa akin.
Umalis saglit si Olly dahil may tumawag sa kanya, hindi ko na siya napigilan dahil alam kong umpisa palang ay disappointed na siya sa pagiging malamya ko. Napahiya siya sa mga friends niya dahil obviously, wala akong kagana-gana.
Patingin-tingin ako sa paligid habang panaka-nakang sumusulyap sa suot kong relo. Malapit nang mag-eight pm. Nagcheck ako ng phone. 2 messages ang nasa screen. 'Pag open ko palang ng inbox ay nabasa ko na agad ang dalawang new messages.
BODYGUARD KNIGHT:
Where are you?
JACKSON:
Where are you?
Nalito agad ako kung sino ang uunahin kong sasagutin.
Nakauwi na kaya si Uncle Jackson sa bahay kaya alam niyang wala pa ako? Si Kuya Calder ba? Galit kaya siya kasi hindi ko na hinintay ang sagot niya sa paalam ko kanina?
"Hi!"
Nahinto ang pagta-type ko sana ng reply kay Uncle Jackson nang biglang may umupo sa aking tabi. Gulat akong napalingon sa lalaking nakakulay itim na polo at may magandang ngiti sa mga labi.
"Alone?"
"Uhm, I'm with Olly."
"I'm King Latorre. Third-year. From Engineering Dept." Inilahad niya ang palad sa akin.
"Frantiska," tipid kong sagot. Nagdalawang isip pa ako kung tatanggapin ang pakikipagkamay ni King, na kalaunan ay tinanggap ko na rin. Ayaw ko lang na isipin niya na maarte ako. Binilisan ko na lang na bawiin ang aking kamay mula sa kanya.
"Frantiska Jezebel Justimbaste, right?"
Napamata ako sa kanya.
Tumawa siya nang mahina. "Hindi ako stalker. Nagkataon lang na friend ko si Olly, palagi kitang nakikita na kasama niya."
Ibinalik ko ang phone ko sa bag ko. Mamaya na ako magrereply sa dalawa kapag pabalik na ako sa school.
"Umiinom ka ba, Fran?"
Umiling ako.
"Uminom ka kahit kaunti. Mahirap masabihan ng KJ."
"Hindi pa kasi ako nakakaranas uminom..." At wala akong balak. Bata pa ako at ayaw ko ring pilitin ang aking sarili para lang sa huli ay magkalat.
"There's always a first time, you know." Kinindatan niya ako.
Napanganga na lang ako. Alam ba ng lalaking ito na minor pa ako?
"King—" Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso at itayo.
"Don't worry, akong bahala sa 'yo."
"King, hindi talaga."
Pero hindi niya ako pinansin. Nakakahiya naman na magwala ako para lang makawala sa kanyang pagkakahawak. Hinayaan ko na lang siya na dalhin ako sa loob ng bahay. Marami naman doong ibang tao.
"King, my man!"
"Hey! What's up?!" Nang matamaan ng ilaw ay saka ko lang napansin na namumula na ang mga mata ni King. Siguro ay kanina pa siya napapainom dito.
"Bago 'yan, ah?"
Nilingon niya ako. "Si Fran pala. Freshman."
Nakipag-apir sa akin ang kausap niyang lalaki. "Batang-bata compared to Sacha."
"Yeah. Maaga nakagraduate. Accelerated pa. Matalino ito."
"Magaling ka talagang pumili, King."
Ha? Alam ni King na bata pa ako at maagang naka-graduate? Alam din kaya niya na homeschooled ako dati bagong pumasok sa university? Tuluyan na akong nakaramdam ng pagkailang sa lalaki.
"Olly!" tawag ko nang mamataan ko si Olly.
Nanakbo siya papunta sa akin. "Uy, binalikan kita! Kasama ka na pala ni King!"
"Olly, matagal pa ba tayo rito?" Ang sabi niya kasi ay saglit lang kami, kaya ko nga siya sinamahan.
"Hello? Kararating lang natin." Mapupungay na ang mga mata niya.
"Lasing ka na ba, Olly?"
"Oh, just tipsy. Sila Sacha kasi, pinainom agad ako." Pabiro niya akong hinampas sa balikat. "Mukhang okay kayo ni King, ah? Crush ka niyan! You're so very lucky talaga, my dear!"
"Ex siya ni Sacha," pagdidiin ko.
"So? Ex na nga, di ba? Saka don't worry, hindi kawalan kay Sacha 'yan. Halos kalahati yata ng guwapong populasyon ng Don Eusebio ay kung hindi ex-boyfriend e ex-fling ni Sacha!"
"Olly, akala ko sandali lang tayo?"
Ngumiwi siya. "Nagtext si Mom, e. Hindi pala siya makakauwi tonight so okay lang kahit gabihin tayo."
"Pero ako, kailangan nang umuwi."
"Hindi ka ba nag-e-enjoy?" Lumungkot ang kanyang mukha. "Itext mo na lang ang driver mo na mayamaya ka pa. Tell him na marami tayong projects na gagawin."
"Olly, hindi pwede." Ayaw ko nang magsinungaling. Iyong pagsisinungaling ko nga lang na magla-library ako ay labis na akong nakokonsensiya. Inaalala ko lang talaga siya dahil nagmakaawa siya sa akin kanina.
"Hindi kita maihahatid kasi nakapag-yes na ako kina Jaeda. May dare sila sa akin mamaya sa pool e. Ayaw ko masabihan ng KJ, Fran."
"Paano 'yan? Kailangan kong magpalit ng damit. Nasainyo iyong uniform ko, hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang suot ko."
"Alam ko na!" Kinawayan niya si King. Sakto na umalis na ang kausap ng lalaki.
"Hey, Olly!"
"King, ikaw na munang bahala sa friend ko. Kailangan niyang umuwi nang maaga, but wala siyang sasakyan. Need niya ring dumaan muna sa house ko to change."
Matamis na ngumiti si King. "Ako nang bahala."
"Thank you!" Nagbeso sila saka ako hinarap ni Olly. "Chill now, okay. Don't worry, you're in good hands!"
"Olly!" Pero nakatalikod na ang babae.
"Come." Naramdaman ko ang paghawak ni King sa palad ko.
Pasimple ko namang binawi ang aking kamay. "Kailangan ko na kasi talagang umuwi, King."
"Ihahatid kita. Inom muna tayo konti."
"King, hindi ako umiinom at ayoko pa ring sumubok." Pinipilit ko na magmatigas.
"Please?" nag-puppy eyes siya sa akin. "Kahit pakitang tao lang. Mga nakakasalamuha mo ang mga iyan sa campus, ayaw ko namang isipin nila na KJ ka. I promise you, ihahatid kita agad pagkatapos."
Sumunod ako sa kanya kahit pa may pag-aalinlangan ako. Gusto ko na talagang makauwi dahil alam kong hinahanap na ako ngayon ni Uncle Jackson.
"Isa lang talaga, Fran," bulong ni King sa akin. "Masamang ginagalit ang mga 'yan, dapat pagbigyan."
Pagdating sa table ay binigyan agad kami ng tag-isang shot. Isang sip lang, ayoko na. Siguro dahil hindi ako sanay o hindi ko talaga gusto ang lasa. Kitang-kita ko ang pagtataasan ng mga kilay ng mga kaharap naming babae. Including Sacha na nasa table na rin. Pero sa anong magagawa nila e sa ayoko na nga.
Uminom naman ng mga apat na shots si King bago siya nagpaalam na ihahatid na ako. Umungol sa pagtutol ang mga kaibigan niya pero wala namang nagawa nang umalis na kami. Sa tingin ko, iginagalang nila ang pasya ni King.
"Lasing ka na yata?" worried na tanong ko.
"Nope."
Hindi ako naniniwala. Mukhang kanina pa nga siya umiinom at talab na talab na ngayon sa kanya ang alak. Touchy na siya at hindi na tuwid ang kanyang paglalakad. Natatakot ako na maaksidente kami dahil mukhang hindi niya na kaya ang magdrive.
Tinabig ko ang braso niya nang subukan niya akong akbayan.
"King, okay lang kung mag-Grab na lang ako pabalik sa school. Hindi na muna ako dadaan kina Olly para magpalit—"
"Hey? Wala kang tiwala sa akin?"
"Hindi naman. Ayoko lang din na kunin ang gabi mo. Dapat nag-e-enjoy ka ron sa loob with your friends at hindi maghahatid sa akin."
"Mas enjoy ako na ihatid ka."
Hindi kami sa garahe ng mansiyon pumunta sa halip ay sa gilid ng madilim na garden. Walang katao-tao ron bagamay abot naman ng kaunting liwanag mula sa mansiyon at sa liwanag ng buwan. Palinga-linga ako sa paghahanap kung saan banda rito nakaparada ang sasakyan ni King pero wala akong makitang ni isang kotse na naririto.
"You're cold." Hinaplos niya ang braso ko.
Pasimple akong lumayo sa kanya. "San ba ang sasakyan mo?"
"Sa dulo."
Imbes na kotse ang naghihintay sa amin ay isang big bike ang natanaw ko na natatakpan pala dahil may nakaharang na puno. Nang malapitan namin ay kumpirmadong iyon nga ang sasakyan na hinahanap namin. Ducati ang tatak niyon, pula na may halong itim ang kulay. Napalingon ako kay King.
"That's my baby," proud na sabi niya.
Inilabas niya ang susi ng motor saka lumapit doon. Wala akong helmet na nakikita sa paligid kaya tiyak na hindi kami maghe-helmet. At kahit may helmet pa, wala rin talaga akong balak na umangkas sa kanya.
"King, ayos lang talaga na umuwi akong mag-isa..."
Pumalatak siya. "Pinapasama mo naman ang loob ko."
"Sorry pero hindi kasi ako umaangkas sa motor."
"E di good! First time mo ngayon."
"King, kasi—"
"You know what? I'm happy, Fran. Lahat ng first time mo, mukhang sa akin mangyayari." Bigla siyang humarap sa akin.
Nagulat ako nang dikdikin niya ako sa puno. Nalanghap ko agad ang amoy ng pinagsamang alak at mamahaling perfume sa kanyang katawan.
"Can I also have your first kiss?"
"Ano ba, King?!" Nanghihilakbot na iniharang ko ang mga palad ko sa pagitan namin.
"O baka meron na?" Bumaba ang mga kamay niya sa bewang ko.
"Bastos ka!"
Tumawa siya. "Wala pa akong ginagawa."
"Bitawan mo ako kundi sisigaw ako!"
"You can try. But I'm telling you, you'll just waste your energy. Wala namang tutulong sa 'yo rito." Ngumisi siya. "Wala ang parents ni Jaeda ngayon, kaya nga siya nagpaparty, di ba? Wala ring guards dito. At hindi ka maririnig sa mansiyon dahil malakas ang sounds doon, plus lahat ay busy sa party."
Ginapangan ako ng matinding takot dahil sa sinabi niya. Ngayon ko higit na pinagsisisihan ang pagsama rito kay Olly. Hindi ko alam na magkakaganito, hindi ko alam na mauuwi sa ganito. Ngayon ay para akong natuto ng isang leksyon sa buhay.
"Malayo ang ibang bahay rito..." Bumaba ang labi niya sa gilid ng leeg ko. "Wala ring dumaraan sa labas..."
Sumasalit sa isip ko ang galit na mukha ni Kuya Calder. Kapag napahamak ako ngayong gabi ay wala akong ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko. Walang alam si Kuya Calder na naririto ako, mas lalong walang idea si Uncle Jackson kung nasaan ako. Alam ko na pareho ko silang masasaktan dahil sa katigasan ng ulo ko.
Natatakot ako sa galit ni Uncle Jackson. Hindi siya nagkulang ng pagbabawal at paghihigpit sa akin. At ang mapariwara ang pinaka hindi niya nanaising sapitin ko. I respect him so much and disappointing him was the last thing I wanted.
Ang mga mata ko ay nagsimula nang maluha. "Please..." nanginginig na makaawa ko.
"Please what, Fran? Hmn, baby?" Tumigil si King sa paghalik sa leeg ko.
"Stop this, please. I'm willing to forget about this just please... let me go..."
Idinikit niya ang kanyang noo sa akin. "Hindi naman kita sasaktan e. I just wanna feel you..."
Kumalma ako. Pinairal ko ang isip ko kahit pa gulong-gulo ito. Hindi ako nanlaban dahil natatakot na baka lalo siyang maging marahas at masaktan niya pa ako. Hinayaan ko muna siyang isipin na sumusuko na ako, na payag na ako. Nang maramdaman ko na hulog na siya sa ginagawa ay saka ako humanap ng tyempo para makapwesto sa pagitan ng mga hita niya.
Napaluhod siya sa harapan ko nang tuhurin ko siya sa kanyang crotch area. "Putang—"
"I-I'm sorry, King!" Namumula ang mukha niya habang gulat na nakatingala sa akin.
Buong lakas ko siyang itinulak kahit pa nanginginig pa rin ako sa takot. Nang makawala ako ay nanakbo ako sa abot ng makakaya ko.
Nang makabawi ay nagsisi-sigaw si King. Galit na galit siya. Tinatawag niya ako ngunit hindi na ako nagtangkang lumingon. Habol ang paghingang tinakbo ko ang gate ng mansiyon at walang pag-aalinlangang lumabas. Gusto kong makalayo sa kanya.
Nasira na ang takong ng sapatos na ipinahiram sa akin ni Olly at naghahalo na ang luha at pawis sa aking mukha ngunit wala pa rin akong tigil sa pagtakbo. Kung hindi pa ako natalisod ay hindi pa ako hihinto. Walang sumusunod sa akin. Wala si King. Sapat na iyon para makahinga ako at maramdaman ko ang pagod sa pagtakas ko. Naupo ako sa gutter ng kalsada, mga limang dipa ang layo mula sa pinakamalapit na lamppost.
Hindi ko alam kung saan ang papunta sa gate ng subdivision, naliligaw na ako. Walang nagro-roving na guards, walang dumaraang sasakyan at matataas ang mga sementong bakod ng mga kabahayan sa paligid. Hindi ko alam kung kanino hihingi ng tulong.
Binuksan ko ang aking bag, nasa loob ang phone ko. Madali ko iyong kinuha. Nasa sikwenta ang missed calls at messages. Naka-silent pala ito kaya hindi ko napansin. Nang magkaroon ng incoming call ay agad ko iyong sinagot. "H-Hello?"
"Where are you?!" Galit at pikon ang boses na narinig ko.
"Kuya Calder!" Napaluha ako.
Kahit pautal-utal ay pinilit kong masabi kung nasaan ako. Tiniyak ko ang street na kinaroroonan sa subdivision para madali niya akong matunton. Ilang minuto lang ay nasisilaw na ako sa headlights ng paparating na sasakyan. Tumayo ako mula sa gutter ng kalsada nang makilala ko ang umibis mula sa driver's seat ng Camaro.
Salubong ang mga kilay niya nang makita ako. "What happened?"
"Kuya Calder!" Sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap. Napahagulhol ako. Umiyak ako sa polo niya. "Sorry! Sorry!"
"Tangina! Anong nangyari sa 'yo?! Bakit ganyan ang suot mo?!" Galit na galit siya pero alam ko na hindi sa akin.
Ang matigas niyang katawan ay unti-unting kumalma. Gumanti siya ng yakap sa akin at marahang hinagod ang aking buhok.
Nagulat ako nang imbes na alalayan ay kinarga niya ako papunta sa sasakyan. Hindi na rin ako nagreklamo dahil sa totoo lang ay pagod na pagod na ako.
Nang nasa loob na ng sasakyan ay si Kuya Calder na rin ang nagkabit ng seatbelt ko. Wala siyang imik pero ramdam ko na nag-aalala pa rin siya. Panay ang sulyap niya sa akin mula sa rearview mirror.
"Wala ka ba talagang balak sabihin sa akin kung ano ang nangyari?"
Umiling ako nang marahan. Hiyang-hiya ako sa kanya.
"Wag mo nang uulitin iyon. Pinag-alala mo ako nang sobra."
Nang makarating kami sa mansiyon ay hindi niya muna ako pinababa.
"Ayoko ng sorry lang. I want you to promise me na hindi ka na ulit gagawa ng pwede mong ikapahamak. Hindi dahil sa natatakot akong mawalan ng trabaho kapag may nangyaring masama sa 'yo."
Nang tingnan ko si Kuya Calder ay nagtatagis ang mga ngipin niya habang nakayuko siya. Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakakapit sa manibela.
Nilingon niya ako. "Mahal kita, sana aware ka."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz