ZingTruyen.Xyz

Most Wanted Gl To Be Self Published

September's

I sighed for the nth time. Matinding kaba ang naramdaman ko nang maka-receive ako ng text galing kay Sulli. I bet she's mad as hell right now. Iba kasi yung dating ng message niya, eh.

Let's talk, Imperial.

Kaagad ko namang binigay sa kanya ang location ko so I know by any moment ay darating siya. I'm not afraid na baka magdala siya ng pulis or something dahil kilala ko siya. Hindi siya kikilos basta nang hindi nag-iisip.

And again, a sigh escaped my lips.

I held my chest at parang napapraning na inutusan ang sarili kong kumalma. Sobrang kinakabahan talaga ako. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Pinagsamang kaba, excitement, saya, at takot. I don't want to drink though, tama na yung kagabi. "Sep, calm down."

"Sep."

Muntik na akong mapamura sa biglang pagkarinig ko sa pangalan ko. Kunot ang noong nilingon ko si Avarice pero agad iyong napalitan ng pagkaawang ng labi nang makita ko sa tabi niya si Sulli. I gulped. Damn.

Walang nagsalita ni isa sa amin. Akala ko nga ay buong araw na kaming magtititigan. Mabuti na lang at biglang tumikhim yung isa.

Thank you, Avarice!

"Maiwan ko muna kayo." Paalam niya. "Sulli, you can sit. Baka ugatin ka kung tatayo ka lang."

Matapos ang awkward na humor ni Avarice ay walang pakialam na umalis ito, leaving Sulli and I alone.

Nagbuga ako ng malalim na hininga. Fuck, kinakabahan talaga ako. "U-upo ka."

Halos hindi ako makatingin sa kanya. Her eyes are colder than before. Hindi rin siya umiimik pero naglakad ito palapit at umupo sa single couch na nasa harapan ko lang. Nakatingin lang siya sa akin ng diretso.

I can't read her...

Despite of the nervousness and fear, I still managed to roamed my eyes on her beautiful face and that's the moment I realized that she looked tired and stressed.

I feel bad and guilty. Alam kong mali na hinayaan siyang malaman ang tungkol sa akin ng nag-iisa. Ang sama ko para iwan siya sa kama at bigyan siya ng hindi kaaya-ayang info about sa akin. I'm the worst for hurting her. I sighed.

"Explain."

Napapikit ako. Mahina ang boses na iyon ngunit may awtoridad. That is an order.

Gusto kong magpaliwanag pero hindi ko magawang magsalita. Parang may something sa labi ko na hindi ko man lang ito maibuka. I feel like there's something on my throat. I clenched my fist hard. Sep, speak up!

"Ikaw ba si Kill?" She asked instead.

Sinalubong ko ang tingin niya. Pilit kong hinuhuli ang emosyon sa mata niya pero napakalamig talaga ng titig niya. I bit my lower lip. Ramdam ko yung pag-init ng gilid ng mata ko. "Y-yes."

May dumaang sakit sa mata niya. Sa kabilang banda, parang mas gusto ko na lang na maging cold siya sa akin kaysa sa nakikita ko ngayon. Umiiyak siya. Dahil sa akin.

"September," She sniffed. "Tama ba ako ng p-pagkakakilala sa iyo for all this time?"

"Sulli..." Gusto ko siyang lapitan pero parang nanigas ang katawan ko. Parang namamanhid. Pero yung nararamdaman ko, ang sakit-sakit.

"A-answer me."

"I'm sorry," Unti-unti na ring bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. "Sulli, alam kong hindi ko sinabi sa iyo ang lahat but, b-but believe me when I say na lahat ng nakita mo at ipinaramdam ko sa iyon...lahat iyon totoo."

Nanlalambot man ay pinilit kong lumapit. Hinawakan ko ang kamay niya. Maybe I looked like a fool right now for kneeling in front of her but I don't care. "I'm sorry. Please, forgive me..."

"G-galit ako sa iyo, alam mo ba iyon?" Pahikbi-hikbing tanong niya.

"I know, I know," I kissed both of her hands as we both cry, hard. "I'm sorry, please..." Napayuko na ako at mariing napapikit. "Sulli..."

Hindi siya umimik. Iyak lang namin ang maririnig. Tumingin ako sa kaniya. Maga na agad ang mata niya. Bahagya akong tumayo. I held her nape and kisses her lips. Hindi naman siya tumanggi, instead, she kissed me back, mimicking my movement.

We parted our lips. Magkadikit ang noo namin. Napapikit ako at muli siyang hinalikan ngunit segundo lang ang bilis. "Sulli..."

"Mahal kita." She whispered on my lips, pumikit siya at muling naglandas ang luha sa pisngi. On instinct ay pinahid ko ito. "Galit ako pero...mahal kita."

Parang hinaplos ang puso ko sa narinig. This is the first time she told me her feelings without any kind of force. Kahit nahihirapan siya ay hindi iyon basta nawala.

"I want to hurt you." She cried helplessly. "I want to slap you, kick you, tell you painful words and at the same time, I want to kiss you, hug you, and tell you everything's gonna be alright." Humikbi siya at mataman akong tiningnan sa mata. "Pero alam nating hindi ganoon kadali."

Humaplos ang kamay niya sa pisngi ko. Dinama ko iyon at mapait na napangiti. "Matatanggap mo pa ba ako?" I asked even though I know the answer won't be under my favor. "Despite of who I am? Kahit na ako si Kill? The heartless Kill who murdered numerous people? The Kill who only favors money?"

Matagal bago siya sumagot.

"I don't know."

Natahimik kaming parehas. Bumalik ako sa puwesto ko. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko nang lumipat siya sa tabi ko.

"Maybe you did tons of killing but you did one good thing and it's the one I admire the most. You took care of Sydney."

"But it's not enough." I said weakly. "Even if I love you so much."

Silence.

Maraming naglalaro sa isip ko. What will happen after this talk? What will happen about us? What am I gonna do next? What Sulli thinks? Ayan ang ilan sa mga nagpapagulo ng utak ko. Maraming pwedeng mangyari.

Pero bakit parang lahat ng magiging sagot ay hindi maganda?

"Sulli."

"Hm?"

Tumigil na kami sa pag-iyak pero yung bigat ng atmosphere ay hindi nawawala. Paanong gagaan kung alam kong anumang oras ay pwede niyang akong iwan? Dahil hindi sapat yung love lang.

"Kung nagkataon ba na hindi kita pinasok sa unit mo noon, do you think we'll meet?"

Napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya ng tipid. "I don't know. Maybe. Lalo na kung aayain ulit ako ni Vanessa sa bar."

I held her hand. "May pag-asa ba ako if ever na hindi ako si Kill?"

"I don't know."

I sighed. I bet she won't even notice me. Sa sobrang cold niya? Malabo. Kung hindi ako si Kill, baka wala akong lakas ng loob na gawin yung pumasok sa kung kani-kaninong unit kapag nalalasing. Maybe I won't even be so drunk.

"September."

Hindi ako sumagot pero alam niyang nakikinig ako. I squeezed her hand as a respond instead.

"Kaya mo bang talikuran ang trabaho mo?"

"G-gusto ko pero..." Hindi ko magawang matapos ang sasabihin ko. Bakit ba ang duwag ko?

"You don't know how to? Or you are afraid?"

"Both." Napabuntong-hininga ako. Nakakahiya ako.

"I watched the news about Kill." Simula niya. "I am certain na anytime ay mahahanap at mahahanap ka. You have no choice but to hide. Somewhere far."

"I know."

"You're putting yourself in danger."

Hindi ako sumagot.

"You're putting your daughter's life at risk."

Nakuyom ko ang isang kamay. Iyon ang isa pang nagpapahirap at nagbibigay ng sakit sa'kin. I failed. I failed Sydney as her mother. Just as I thought I could give her a happy family. "I'm sorry."

"I love you, September." She said wholeheartedly.

Tears started to form again because I know, may karugtong iyon. "I...I love you, too."

"But I have to leave you." She said as her voice started to break because she's already crying, too, like me.

Napalunok ako at napasigok. Gustung-gusto ko siyang makasama pero hindi pwede. Bakit hindi pwede?

Bakit?

Is it because of all the evildoings I've done is now bouncing back at me? Maybe. This is my karma after all.

Niyakap ko siya ng mahigpit. We both cry our hearts out in each other's shoulder. Bakit ngayon palang ay nangungulila na ako sa kanya? Why does it hurt so much?

"Mababaliw na yata ako," Iyak niya. "Ayaw na kitang b-bitawan."

"I-I want you to stay, too," Hinarap ko siya habang patuloy sa paghikbi. Humalik ako sa noo niya. "But I can't risk your life, too."

"I know. T-that's why it f-fucking hurts."

I leaned forward and kissed her. I am going to remember her lips. Its softness and sweetness. I am going to remember how our lips move, how it turned deep in each second, even how the kiss ends with a sound.

I want to remember this moment and savor it. Because...

I'm afraid this is going to be the last...

_____

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz