40
"Kasal na ba ang kasunod?"
Nasamid ako sa sarili kong laway nang marinig ang kaniyang tinuran, agad niyang binitawan ang ginagamit niya na panluto habang inabutan naman ako ng tissue.
"S-Sirualo ka...!" ani ko sa pagitan ng aking pag-ubo, napangisi siya habang ako itong naghahabol ng hininga.
"Well... I'm just... you know, thinking about the future." ani nito, habang pinupunasan ko ang gilid ng aking labi ay napatulala ako sa kaniya.
"I know, nagulat lang naman ako." ani ko at utay-utay siyang tumango bago nagpatuloy sa pagluluto habang ako itong sumusubo ng pagkain na nakatulala sa kawalan.
Hindi pa rin halos ma process ng utak ko ang kaniyang sinabi. Seryoso ba siya doon? O pinpakilig nanaman lang niya ako? Kasi kung gusto lang niya akong pakiligin, gumagana yung pagpapakilig niya.
"Do you really see your future with me?" Tanong ko mula sa kawalanan, nag-angat siya ng tingin bago napakunot ang noo.
"Alam mo Xavi, nalilipasan ka na talaga ng gutom, kung ano-ano na yung sinasabi mo." ani niya habang may bahid ng inis sa kaniyang tono ng pananalita.
Agad akong umiling, "I'm just asking, kasi malay mo-"
"Of course Xav, I see my future with you, I can see you walking down the aisle with your parents towards me, I can see you with me in front of the altar saying our wedding vows. Of course I see my future with you. Ano ba naman 'yan Xav." He didn't sounded mad nor aggressive, he more sounded like... sad which made me feel a bit of guilt.
"How about you? Do you see us in the future together?" tanong nito at bahagyang nanlaki ang mata ko.
"Of course!" Sagot ko agad, alangan naman pag-isipan ko pa diba? Of course agad ang sagot.
Napangisi ito, "See, we see each other together in the future. Sa kasal din tayo mauuwi, Xav." ani nito at bahagya akong napangiti habang pinipigilan ang sarili ko na kiligin nanaman. Ano ba naman 'yan Bright! Ilang taon na tayong nasa relasyon pero bawat salita yata na lalabas sa bibig mo papakiligin ako! Ito ba ang epekto ng ilang taon na halos hindi tayo magkita sa kaka-aral ko? Masyado ba kitang na-miss noong nag-aaral pa ako kaya ito ako ngayon na parang nagsisimula nanaman lang tayo sa isang relasyon?
"By the way..." ani ko na naka-agaw ng attensyon nito mula sa kaniyang pagkain.
"Mhmm?" sagot nito habang nakatingin sa akin.
Huminga muna ako ng malalim, "Kinakantyawan ako sa ospital kanina," Panimula ko, agad kong nakita ang pagkunot ang kaniyang noo.
"Mhmm?? Why?" tanong niya,
"Ilang taon na daw kasi tayong nasa relationship pero hindi mo pa ako nadidiligan." ani ko, agad siyang nasamid sa aking sinabi at ako itong napahagalpak ng tawa. Mabuti nalang at hindi ganon karami ang tao dito sa restaurant.
"What the fuck, Xav! Ano ba naman 'yan. Did they really said that you?" tanong niya at ako naman itong tumatango habang nakangisi. He is able to calm down in few seconds of coughing, he pick up the glass of water that is on the table and take a sip.
When he place it back down, he took a deep breath and look at me.
Pinagtaasan ako nito ng kilay, "Well... if that's the case, we can change that." ani niya at agad nanlaki ang aking mata.
"Huy! No 'no! Huwag muna! Next month na." ani ko at napahagalpak siya ng tawa.
"Why next month? Bakit hindi sa 8th anniversary natin?" ani niya at napasimangot ako.
"Basta! Magsisimula palang ako mag pills bukas." Halos ibulong ko na rin 'yon dahil sa hiya, pero narinig pa rin ni Bright.
"Oh... OH! So you like it raw-"
"Bright! Shhh na nga! Kain na tayo!" Putol ko dito at muli siyang napahagalpak ng tawa. Gaya ng aking sinabi ay nagpatuloy na kami sa pagkain, dahil sa dami nito ay inabot kami ng alas nuebe sa kainan. Paano, kapag nabubusog na kami ay titigil kami ng ilang minuto at magkekwentuhan para magpagutom ulit. Nakaka-ilang pahinga kami.
"So... I'll text you the location for tomorrow." ani niya nang bumaba kami ng Taxi na sinakyan namin papunta ng apartment namin. Inihatid kasi muna ako nito.
Tumango ako, "Yes, kinakabahan ka ba?" tanong ko dito na may nakakalokong ngiti sa aking labi.
Napatawa ito nang bahagya, "Yes, I have to prepare myself for tomorrow." ani niya at napatawa ako bago tumango.
"Sige, uwi kana, ingat! Bye! Love you!" ani ko at napatawa ito bago kumaway, "Love you too." sagot niya at saka ko ito tinalikurank at pumasok na sa loob.
"Anong oras kayo aalis diyan bukas ma? Dapat mga 9AM andito na kayo." ani ko kay mama na kausap ko sa cellphoone habang nagpapahtid ng mga kung ano-ano sa mukha ko.
[Oo naman, ala-una kami aalis dito ng papa mo. Baka ma traffic pa kami eh.] sagot ni mama at tumango ako.
"Katabi mo ba si papa?" tanong ko dito,
[Hindi, nagpapakain pa ng aso si papa mo. Bakit?] tanong ni mama, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at inilapag ang hawak ko na lagayan ng cream.
"Diba sabi ko may ipapakilala ako bukas?" ani ko, narinig ko naman na napahagikhik si mama sa kabilang linya.
[Oh, tapos?] tanong ni mama. Halatang interesado sa sasabihin ko.
"Sasabihin ko na para hindi kayo mabigla bukas... boyfried ko yung ipapakilala ko." ani ko at pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko ng ilang segundo.
Biglang napahagalpak ng tawa ang nanay ko sa kabilang linya, [Hay salamat! May pag-asa na akong magka-apo!] Nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni mama.
"Ma naman! Apo agad?! Boyfriend pa nga lang eh!" ani ko at muli itong napahagalpak ng tawa.
[Ay oo nga naman, pogi ba? Dapat pogi para maganda ang lahi. Huwag kang magppaalahi sa pangit, naku po!] ani nito at napasapo ako sa aking noo.
"Mama naman, kung ano-ano ang sinasabi eh! Bye na nga po, makikita niyo nalang bukas." ani ko at napahagalpak ito ng tawa , [Sige sige, bye.] ani niya,
"Sige po, bye, ingat bukas." ani ko bago pinatay na ang tawag. Tinapos ko lang ang pagpapahid sa aking mukha bago nahiga na s akama.
Dapat pala pogi? Naku ma, tirador ng pogi ang anak mo, kahit malabo ang mata nito, lumilinaw kapag may pogi.
Kinabukasan paalis na agad si Addi at Ayen ng apartment, ayaw kasi nilang maabutan sila nila mama. Nahihiya daw. Kahit ako naman, kapag bibista ang isa sa magulang ni Addi o Ayen, paalis din ang nais ko.
"Goodluck mare, sana hindi maging tragic love story niyo kung saan magagalit ang magulang niyo at paghihiwalayain kayong dalawa. Tapos malalaman mo na buntis ka sa anak niyo pero itinago mo, tapos after few years magkikita ulit kayo-"
"Gaga ka! Mag gala ka na nga lang, kung ano-ano pa ang sinasabi mo!" Putol ko kay Addi, napahagalpak naman ito ng tawa.
"Advance lang ako mag-isip 'no. Kasi malay mo, movie material pala love life mo." ani niya at napa-irap ako. Hinigit na siya paalis ni Ayen ng apartment kaya naiwan ako mag-isa. Naglinis-linis na rin ako ng apartment habang hinihintay sila mama. Kagabi pa nai-send sa akin ni Bright ang address.
to boyfie:
Hinihintay ko nalang sila, diyan ka na ba?
from boyfie:
Yes, kakadating ko lang dito. Take your time.
Ilang minuto pa ako naghintay, mga bandang 8:30 ay may kumatok na sa pinto ko at napatalon ako mula sa sofa at tumakbo papuntang pinto kung saan sinalunbong ako nila mama.
"Aga niyo ah! Walang traffic?" tanong ko dito bago sila niyakap.
"Wala naman, mabuti nga wala eh." ani ni mama nang kumalas sa yakap.
"Tara na? May pupuntahan pa tayo." Pag-aaya ko agad, napatawa si mama, "Hindi man lang kami pinapasok eh." ani niya at napatawa rin ako.
"Huwag na, may naghihintay sa atin." ani ko bago kinuha ang bag ko na nasa lamesa at lumabas na ng apartment.
Pagbaba namin ay nasa tapat na ng apartment building ang van namin.
"Pa, dito daw tayo oh." Ipinakita ko kay papa ang location ng restaurant.
"Ah... oo, alam ko 'yan." ani niya at tumango ako. Pinatakbo na nito ang sasakyan at agad akong nag message kay Bright.
to boyfie:
Papunta na kami, kalma ka lang. Mukhang chill lang naman sila.
from boyfie:
How can I calm down? I'm gonna meet your parents, what if ayaw nila sa akin, what if hindi ako approve sa kanila?
Pinigilan ko ang mapahagikhik nang mabasa ang message ni Bright, masyadong advance talagang mag-isip ng isang 'to.
to boyfie:
Sira ka, may trabaho ka, malaki sweldo mo, gwapo ka, ayos na 'yon. Tsaka mabait ka ha!
from boyfie:
Right, mahalaga sa magulang na makapangasawa ang anak nila ng tao na kaya silang buhayin. Bukod sa malaki rin ang sweldo mo, malaki rin sa akin. Right, hindi dapat ako kabahan. See you!
Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na kami sa tapat ng restaurant, pagbaba namin ng sasakyan ay dumiretso na kami sa babae na nasa entrance.
"Good morning ma'am, may reservation po ba kayo?" tanong nito,
"Yes, nag pa reserve si Bright Nañagas dito, table for 4." sagot ko at tumango ang babae bago kami sinamahan papunta sa table.
Malayo palang ay nagakakitaan na agad kami ni Bright. Bakas sa mukha niya ang kaba at parang sumabog na rin ang kaba sa akin.
"Thank you." ani ko sa babae nang tumigil kami sa harap ni Bright na nakatayo na.
"Good morning po, tita, tito." ani ni Bright at agad nakipagkamay kay mama at papa. Sa mukha ni mama ay nakaguhit na ang ngiti habang walang ka ekspre-ekspresyon ang mukha ni papa. Napaka hirap basahin ni papa. Hindi mo alam ang susunod na mangyayari. Hindi mo alam ang susunod niyang sasabihin o gagawin.
"Upo po kayo, waiter, yung menu, please." ani ni Bright, umupo na si mama at papa na magkatabi at ako naman ito na tumabi kay Bright. Dinala na ng waiter ang menu at pina-una na namin ang dalawa na mag-order.
Hindi ko alam kung anong trip nilang dalawa pero napakarami nilang inorder, halos tig-lima silang dalawa ng putahe.
"Ikaw Xav, ano sayo?" tanong sa akin ni Bright, nahiya ako bigla, ang dami nang inorder nila mama, nakakahiya na kay Bright, ang mamahal pa man din ng pagkain dito.
"Ano... creamy pasta tapos chicken fillet." ani ko at tumango ito.
"I'll have Pesto pasta ang cucumber juice." ani ni Bright sa waitress at tumango ito bago umalis.
"Kamusta naman ang trabaho mo, Xavi?" tanong bigla ni papa.
"Ayos naman pa, nakakapagpadala pa nga ako sa inyo, diba?" ani ko bago bahagyang tumawa. Sabi ko pa man din kay Bright kagabi na huwag kabahan tapos ako ito ngayon na kinakabahan na.
"Ano nga yung sasabihin mo sa amin, anak? Sabi mo sa amin ni papa mo may ipapakilala ka? Siya na ba? Kaibigan mo?" tanong ni mama, si mama talaga, galing umarte.
Naramdaman ko na bahagyang pinisil ni Bright ang kamay ko na nasa hita ko. "Ah... opo, si ano nga po pala, si Bright... boyfriend ko." Pakiramdam ko ay lumamig bigla ang paligid ng sabihin ko iyon. Si mama ang una kong tiningnan na nakangiti lang habang si ppaa ay pinag cross pa ang kaniyang mga braso.
"Bright... anong trabaho mo?" tanong nito,
Nilingon ko si Bright na nag-ayos ng upo, "Isa po akong accountant sa isang kumpanya dito sa Manila, kumikita po ako ng 70,000 kada buwan, ang 15% po ng sweldo ko ay ipinapadala ko sa magulang ko, ang 35% po ay para sa kunsumo ko sa isang buwan at ang natitira po ay iniipon ko." sagot ni Bright, napakagat ako sa pang-ibaba kong labi habang nakikinig lang. Mukhang pinaghandaan nga ni Bright ang sasabihin niya.
"Taga saan ka?" tanong pa ni papa.
"Taga Cainta Rizal po, doon po ako lumaki. Pero ngayon po na andito ako sa Manila nagtatrabaho, tumutuloy po muna ako sa apartment. Pero sa mga susunod na araw po ay kukuha na rin ako ng condo para may sarili na akong titirhan. At para na rin po sa kinabukasan namin ni Xavi." Dahil sa tinuran niya na iyon ay mas lalong nanlamig ang pakiramdam ko. Masyado talaga siyang straight forward.
"Ah... tirahan niyo ni Xavi?" tanong ni papa at tumango si Bright.
"Ayos pala eh, planado na pala kayong dalawa. Kailan ang kasal?" Napa-angat ako ng tingin dahil sa tinuran ni papa.
"Tinanong ko na rin po 'yan kay Xavi, kaso mukhang wala pa siyang balak." ani ni Bright,
"Bakit naman? Bibili ka namna na ng tirahan niyo, pagkabili niyo, ayaw niyong ikasal na? Gusto niyo ba ng magarbo na kasalan?" tanong ni papa at napasimangot ako.
"Papa naman, kasalan agad, boyfriend ko pa nga lang siya eh." ani ko at napatawa si papa.
"Ah sige, sabi mo eh."
Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto bago dumating na ang mga pagkain. At gaya ng inaasahan ko ay kung ano-ano na ang tinanong ni papa kay Bright. Mabuti naman at nakakasabay si Bright sa trip ni papa at hindi ito nawawalan ng isasagot sa matanong kong tatay.
Nang bayaran na ay nakitingin ako sa bill, napalunok ako ng laway nang makita na nasa 14,000 ang bill. At ipinabalot pa nila papa ang natira. Medyo nakakaihiya pero sayang nga naman. Ang dami nilang tirang pagkain. Ang dami kasi ng inorder.
"Uuwi na ba agad kayo?" tanong ko kila mama nang makabalik kami ng apartment.
"Pupunta pa kami kila tita mo sa Laguna, may pupuntahan pa ba tayo?" tanong ni mama, napatingin ako kay Bright na ansa tabi ko bago nagbalik ng tingin sa aknila at umiling.
"Wala naman, ingat kayo sa biyahe, at saka nga pala..." Dinukot ko ang wallet ko sa aking bag.
"Oh, pampagasolina niyo." Inabutan ko si mama ng 20,000.
"Isang drum na ba ng gasolina ang bibilhin namin?" Pagbibiro ni mama at napatawa kaming lahat. Nagpaalam na ng dalawa paalis at hinintay talaga namin na mawala sila sa aming mga panahingin bago kami parehas na napabuntong hininga.
"Malapit na akong mag colapse kanina." ani ni Bright at napahagalpak ako ng tawa.
"Gagi huwag, tara muna sa taas, wala doon sila Addi." ani ko at hinawakan ito sa kaniyang pulso.
"Magdidiligan na ba tayo?" Napatigil ako at sinamaan siya ng tingin na agad niyang ikinhagalpak.
"Joke lang, joke lang, ikaw naman galit agad." ani niya at napa-irap ako.
Pagpasok namin ng apartment ay para akong ahas na nakatulong agad sa sofa at hindi na naalayan kung ano ang ginawa ni Bright. Nagising nalang ako sa ingay na nanggagaling sa TV. Pagmulat ko ay nakita ko ang ulo ni Bright sa harap mismo ng mukha ko. Napakunot ang noo ko at utay-utay umupo sa sofa na naka-agaw sa attensyon ni Bright.
"Anong oras na?" tanong ko dito habang nagkukusot pa ng mata.
"Alas tres, why?" tanong nito habang ngumunguya ng chips.
"Nag lunch kana?" tanong ko dito, napakunot ang noo niya, "Busog pa ako kanina." sagot niya, napahikab ako bigla. "Eh ngayon? Gutom kana? Ipagluluto kita." ani ko at tumayo, mula sa kaniyang pagkaka-upo sa sahig ay agad din siya na napatayo.
"No, Xavi may pupuntahan tayo." ani niya at napakunot ang noo ko bago tumango, pinatay niya ang TV at inilagay sa ref ang chips. Inayos ko lang ang damit ko na medyo nagulo dahil sa pagtulog at saka niya ako inakit paalis.
Pumara siya ng taxi at doon kami sumakay. Dahil hindi pa ako gaanong gising ay hindi ko narinig kung saan kami pupunta. Pero malayo ito, inabot ng isang oras halos. At sa buong biyahe na iyon ay nanatiling magkahawak ang aming mga kamay na nakapatong sa kaniyang hita.
Tumigil kami sa harap ng isang hindi pamilyar na bahay. Nang makababa ako ay napakunot ang aking noo.
"Bright, nasaan tayo?" tanong ko sa kaniya habang binubuksan niya ang gate. Nagulat ako nang makarinig ako ng tili mula sa loob.
"Kuya Bright! Kuya Bright! May pasalubong ka?" Napatulala sa akin ang dalawang dalaga nang makita ako.
"Siya po ba si ate Xavi?!" ani ng isa, kambal sila! Magkamukha na magkamukha!
"Yes, Lila, that's ate Xavi, diba sabi niyo you want to see her?" tanong ni Bright at tumango ang kambal. Pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay at doon ko nakita ang lalaki na halos kaedad ni papa.
"Good evening po, tito." Bati ko agad, agad akong nginitian ni tito.
"Siya na ba ang girlfriend mo?" tanong nito, inakbayan ako ni Bright at tumango.
"Yes pa, ganda 'no?" ani nito at bahagya akong napatawa.
"Oo naman, dito na ba kayo maghahapunan? Sandali at ipagluluto ko kayo. " ani ni tito at tumango kami.
Hinigit ako ni Bright papunta ng kaniyang kwarto. Pagpasok ko ay malinis ito at maski ang mga gamit dito ay naka-ayos. Siguro ay pinapanatili nila itong malinis kung sakali man na umuwi si Bright.
"Nagugutom na talaga ako, ikaw ba? Kukuha ako ng miryenda." ani niya at tumango lang ako. Lumabas siya ng kwarto at naupo ako sa kaniyang kama. Hindi pa nakunteto at humiga na kalaunan. Pagpasok ni Bright ay may dala itong bote ng softdrinks at Pringles at iba pa na junk foods.
"Netflix and chill?" tanong niya nang ilapag ang mga ito sa kama. Napatawa ako bago tumango.
"Netflix and chill... lang." ani ko at tumawa siya bago tumango. Inayos na niya ang aming papanoorin habang ako itong nagkakain na.
Nang umupo siya sa tabi ko ay agad akong umunan sa kaniyang hit at nanonood na kami. Series ito kaya naman bago pa man kami tawagin ni tito ay nakailang episode na rin kami.
Pagkalabas namin ng kwarto ay napanganga ako nang makita ang mga pagkain. may isang ilao ng shanghai, manok, calamares at kung ano-ano pa. Pag palabok, may pizza at ice cream pa.
"Na excite ako nang makita na may dalang baabe si Bright, matagal na kasi ang huling beses na may dinala siya dito. Highschool pa siya noon." ani ni tito habang umuupo ako. Nilingon ko si Bright.
"Ianna..." bulong niya at tumango-tango lang ako.
"Kailan ba ang kasal?"
Kasal ba talaga dapat agad?! Bakit naman ganon?! Kasal agad?! Ganon na ba kami katatanda para kasal agad ang tanungin nila?
"Pa naman, wala pa po, ipinakilala ko lang po sa inyo si Xavi, mapapangasawa ko palang. Pero wala pang kasal, bata pa kami." ani ni Bright,
"Sus, bente singko kana, Bright, yung iba na nasa edad mo ay may mga asawa at anak na." ani ni tito, mas bata nga pala ng isang taon sa akin si Bright, pero kung titingnan mo kami ay mukha kaming magka edad nalang.
"Dadating tayo diyan pa, kalmahan mo lang." ani ni Bright at napatawa kami. Sumabay na rin sa amin ang dalawang dalaga. Kung ano-ano ang tinatanong nila sa ain. gaya ng kung ano daw ang trabaho ko, kung ilang taon na ako. Kung may gwapo daw ba sa med school, agad naman silang nasita ni Bright. MAsyadong strikto ang pinsan.
Halos alas otso na nang umalis kami sa Cainta, kaya naman sa biyahe pauwi ay nakatulog na ako. Ginising ako nito nang nasa tapat na kami ng apartment.
"Hey, hindi pa natin nababati ang isa't isa." ani niya at doon ay nagising ang diwa ko.
"Hala oo nga! Happy 8th anniversary!" ani ko bago ito niyakapang toto ay halos matumba na rin ako sa antok.
"Let's check the condo on your next day-off, okay?" aani niya at tumango ako bago kumalas sa yakap.
"At... don't forget your pills."
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz