35
"Wha flavor do you want?" Tanong ko dito nang makarating kami sa stall ng crepes. Ang amoy ng niluluto na crepes ay mas lalong nakakapag pagutom sa akin. Mukhang lagot ang diet ko today ah.
"Mhmm..." napahawak ito sa kaniyang baba habang nakatingin sa menu.
"I want white chocolate." sagot nito at tumango ako.
"Ate isa po na dark choco crepe and white chocolate crepe." ani ko at tumango ang nagtitinda, ini-abot ko na rin ang five hundred ko na hawak.
"Ang dami ng booth today, may gusto ka ba na subukan?" tanong ni Bright habang hinihintay namin ang aming binili.
Bahagya akong napanguso habang nag-iisip, "Well... ayaw ko ng wedding booth." ani ko at bahagya itong napatawa bago napakunot ang noo.
"Why naman?" tanong nito at napasimangot ako.
"I think its cringe." sagot ko at muling napakunot ang kaniyang noo.
"Why? I think its cute." sagot nito at umiling ako, "It's cringe for me, wala lang, hindi ko talaga siya gusto. We can still do it if you want." ani ko at muli siyang napahagikhik.
"Oh no its fine, I won't force you on that. Pero ang bitter mo sa part na yun ha." ani niya at parehas kaming napatawa, ini-abot na ng tindera ang crepes sa amin na tinanggap namin at naglakad na palayo ng stall.
"Hindi yon sa pagiging bitter, ayaw ko lang talaga." ani ko at utay-utay siyang tumango.
"Photo booth looks fun, maraming costume." ani ko habang kumakain kami ng crepes sa isang bench, ang paa ko ay hindi pa maabot ang lupa kaya nag s-sway ito sa hangin.
"Mhmm, let's go to the photo booth after this. I think it's fun too." ani nito at tumango ako.
Hindi kami gaano nagtagal sa pagkain ng crepes, itinapon na anmin ang aming pinagkainan at saka ay umalis na ng bench para puntahan ang photo booth na aming sinasabi. Pag dating namin doon ay may maikling pila kaya naghintay kami ng ilang minuto.
"Do you want polaroid or sa photopaper?" tanong nito habang pinapanood ang kinukuhanan ng picture.
"Ahm... photopaper, ayaw ko ng polaroid." sagot ko at tumango ito. Nang matapos ang nakasalang na magkakaibigan ay kami na ang kasunod. Pumunta na kami sa likod ng frame at nagsuot ng mga costumes. Isa akong daga na cute at maganda.
"Photopaper po, 4 pictures." ani ni Bright na hindi ko gaano pinagtuunan ng pansin dahil namimiili pa ako ng aking susuotin sa ibang picture. Nang mapalingon ako kay Bright ay bahagya akong napatawa dahil sa itsura nito. Nakasuot ito ng lion hat at may gloves pa na suot.
"On the count of three, 1... 2... 3!"
Sari-sarili kami ni Bright ng pose, may magka-akbay, may naka wacky, kunyari tinatakot niya ako at kung ano-ano pa. Pero isa lang ang sigurado ko, na ang cute ko sa mga pictures.
"Magkano po?" tanong ni Bright habang hinihintay namin na ma-laminate ang mga pictures.
"180 pesos po," sagot ng babae na nag la-laminate. Kumuha ako ng 100 sa wallet ko bago pa man makapaglabas ng 200 si Bright.
"Hati tayo." ani ko dito na may halo pa na pagbabanta sa boses. Napangisi naman siya bago tumango at kinuha na ang 100 sa kamay ko.
"Thank you po, ma'am, sir." ani ng babae at nagpasalamat na kami.
"Tig dalawa tayo, akin 'to kasi ang cute ko." ani ko sa kaniya habang hawak-hawak ang dalawang picture.
Muli itong napatawa, "Sure, no problem." ani niya at nanatili akong nakangiti habang pinagmamasdan ang mga pictures. Parehas kaming natigilan nang makarinig kami ng sigawan sa isang tabi.
Nahulog ang aking panga nang makita si Ayen at Noah na nasa wedding booth, sila Luke at Marc ay nasa tabi at sige ang pag sigaw sa dalawa na ikinakasal.
Nagkatinginan kami ni Bright na parehas nanlaki ang mata, "Tara?" tanong nito at napatango ako bago kami nagtatakbo papunta sa gawi nila Noah at Ayen para panoorin ang kanilang 'kasal'.
"Oh, andito pala kayo, nakapag pakasal na ba kayo?" tanong ni Luke nang makarating kami sa kaniyang tabi, agad namin kaming napa-iling ni Bright.
"Ayaw ni Xav. Tsaka may nauna na sa amin." ani ni Bright bago itinuro sila Noah at Ayen.
Napatawa si Marc, "Oo nga eh, humiwalay sa amin si Noah kanina, tapos after half an hour, nakita nalang namin siya na kasama si Ayen at nagpalista na sa wedding booth," ani nito at pare-parehas kami na napatawa.
Nagpalitan na ng 'I do' ang dalawa na parehas mukhang hindi masaya sa nangyayari. Paano kaya sila nauwi sa ganito? Sino ang nag-aya? Ang sama naman siguro kung trip lang nilang dalawa na magpakasal.
Napasigaw kami nang matapos na ang so called 'kasal' nila. Agad silang bumaba sa stage at agad inalis ni Ayen ang veil nito at ibinaba ang boquet. Mukhang hindi pa ako napapansin nito dahil akmang aalis na siya at iiwanan si Noah nang biglang tinawag ni Marc si Noah at parehas silang napatingin sa gawi namin. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mtaa ni Ayen at gumuhit ang panic sa kaniyang mukha.
Si Noah naman itong hinawakan bigla sa pulso si Ayen at hinatak papalapit sa amin.
"Ang gara naman Noah! Kasal agad!? Wala nga kaming balita na kayo pala, tapos kasal agad?" Pang-aasar ni Marc, nakita kong napabuntong hininga si Noah bago naglayo ng tingin at binitawan ang pulso ni Ayen.
"Go explain to them, it's your suggestion anyways." ani nito at napakunot ang aming mga noo bago nagkatinginnan kaming apat na litong-lito.
Sinamaan muna ng tingin ni Ayen si Noah bago umirap, "Parehas kasi kaming nahuli sa Jail booth, bukod sa kung may tutubos sayo, pwede kang magpakasal sa isang nakakulong din paar makalabas kayo. That was our only escape from the booth kaya lang namin nagawang magpakasal, kadiri nga eh." ani ni Ayen, agad naman itong nilingon ni Noah na nakakunot ang noo.
"Kadiri ka diyan? You want what happened, just admit it." ani nito, nanlaki ang mata ni Ayen at bahagya pa na nahulog ang panga nito.
"Kapal mo! As if gusto ko rin naman yung nangyari, ginamit lang naamn natin ang isa't-isa-"
"Okay, tama na yan, hindi siya maganda sa madumi ko na utak." Pagpigil ni Marc dito, muling napa-irap si Ayen bago nag martsa paalis.
Naitikom ko naman ang bibig ko habang nagpipigil ng tawa. Ang suspicious talaga ng dalawa na 'to.
Nang mag lunch ay lumabas kami ni Bright ng campus at sa UPTC kumain, marami naman ang pwedeng kainan sa loob pero dito kasi nagkasundo ni Bright.
"Miss dalawang sisig rice then 4 pieces pork barbecue." ani ni Bright sa waitress,
Tumango ang waitress at nilista na ang order namin, "Dessert po? Drink?" tanong nito, napatingin sa akin si Bright.
"Ahm... cucumber juice po." sagot ko at tumango ang waitress.
"Then... isang banana split po." Dagdag pa ni Bright bago umalis na ang waitress.
"What's your plan after today?" tanong nito habang naghihintay kami ng aming order. Bahagya akong napanguso at nagkibit balikat.
"Ahm... well... date? Manood tayo ng sine o di naman kaya ay mag arcade tayo? Remember the first time we met after noong RSPC? We went sa arcade, grabe, it's been a year 'no? Pero parang ang laki ng pinagbago natin na dalawa?" ani ko at tumango ito.
"Yes, I agree, you look more mature and you think more mature too. But some things on you still doesn't change which made me fall deeper on you." ani nito at bahagya naman akong natigilan.
"Sira," binato ko ito ng tissue na pinaglalaruan ko.
"Ang cheesy mo, hindi ako sanay." sagot ko at bahagya siyang napatawa.
"You're blushing and you look extremely cute when you're blushing, sarap mo pisilin sa pisnge." ani nito bago akmang aabutin ang pisnge ko para kurutin, mabuti nalang ay naitulak ko agad ang kamay niya papalayo.
"Sira, tigilan mo nga ako." ani ko at napatawa ito.
Maya-maya ay dumating na ang aming pagkain at nagsimula na kaming kumain. Dumami na ri ang mga tao dito at karamihan ay mga taga UP din.
"Next month na pala ang audition sa cheerdance, ready kana ba?" tanong nito habang kumakain kami. Nag-angat ako ng tingin bago nagkibit balikat.
"Parang ayaw ko nang mag-audition, nakakahiya. Well mapapahiya lang ako, ang taba ko tsaka mukhang hindi naman talaga ako qualified as a member ng cheerdance." Malungkot kong turan, nakita ko na kumunot ang noo nito.
"Alam mo kung ano-anong sinasabi mo. Hindi yan totoo, I know you can do it, I believe in you, diba sabi ko, iche-cheer pa kita sa auditions. And don't worry, if hindi ka makapasa, I will comfort you, it's their lost." ani nito at bahagya akong napatawa bago umiling at nagpatuloy na sa pagkain.
Nang matapos kami ay si Bright ang nagbayad sa mga kinain namin at bumalik na kami sa campus. May mga pa event pa sila kaya naman hindi na rin nag klase nag ibang prof. Iyon nga lang ay may tinapos akong requirement kaya naman hinayaan ko muna na sumama si Bright sa mga kaibigan niya, Baka nagsasawa na siya sa pagmumukha ko. Magkikita pa naman kami mamaya dahil manonood kami ng sine at mag ma-mall na rin.
Around 3PM, nagulat ako nang may tumabi sa akin, ang una kong naisip ay si Aila dahil yung way ng pag-upo sa tabi ko ay parang bata na excited makita ang kaibigan nito. Pero bahagya napa-awang ang labi ko nang si Bright ang nakita ko sa aking tabi at nakangiti na parang bata.
"Why?" Taka kong turan, ngumisi ito na parang bata, "I have something for you!!" ani nito, napakunot ang noo ko dahil para talaga siyang batang excited na excited.
"Ano?" taka kong tanong, medyo hindi pa ako gaano makapag isip ng maayos lalo na at nagising niya ako mula sa pag-idlip ko.
Ngumiti ito, "Guess." ani niya, napatingin ako sa kaniyang hoodie at nakita na may itinatago siya sa loob nito.
Bahagya akong nanahimik habang nag-iisip, "Ahm... pagkain?" tanong ko at tumango ito.
"Tada!!" Mula sa kaniyang hoodie ay inilabas nito ang dalawang lollipop na hugis puso, halos kaisng laki na ito ng mga palad ko kaya na-amaze din ako.
"Muntik na akong maubusan niyan, buti nakipag unahan ako." ani nito bago i-abot sa akin ang lollipop, napatawa naman ako habang pinagmamasdan ito.
"Kanina ka pa dito? Buti hindi mainit dito, tapos kana ba sa requirements mo?" tanong nito habang binabaltan ang kaniyang lollipop na kulay violet, sa akin ay pink at blue ang kulay.
Tumango ako habang binubuksan na rin ang akin, "Yes, naipasa ko na rin at inaantok na ako." ani ko bago tinikman ang lollipop. Okay lang, matamis pero ganun naman talaga ang lollipop.
"Pwede na daw umalis ng 4PM, gusto mo na ba na mag mall tayo after?" tanong nito, ako itong nakatulala sa kawalan habang dinidilaan ang lollipop.
"Parang gusto ko munang umuwi, tapos matulog, tapos gabi na tayo mag mall." ani ko at tumango ito.
"Okay, then sa apartment niyo muna tayo, tapos alis tayo mga 6PM, okay ba yon?" tanong nito at tumango nalang ako.
Inubos lang namin ang lollipop na kinakain namin bago nakapagdesisyon kami na umuwi na. Napansin ko rin na hindi na ganon karami nag estudyante. Nag message ako sa group chat namin na uuwi na ako at kasama ko si Bright. Si Aila naman itong napaka dumi ng utak at huwag daw namin kalimutan gumamit ng protection, impakta talaga.
"Tutulog lang ako, diyan ka lang sa sala, bawal ka sa bedroom." Pagbabanta ko kay Bright, napatawa ito bago tumango at ako naman itong pumasok na ng bedroom at nahiga sa kama ko. Hindi nagtagal ay nakatulog agad ako dahil sa lambot ng kutson.
Nagising ako sa hagikhikan na naririnig ko, dahil ang pinto ay nasa paahan ko ay dito ako unang napatingin, nakita ko si Addi, si Aila at si Bri na sinisilip ako mula sa labas, mga noo at mata lang ang kita sa mga ito at hindi nakatakap ang mga paa sa sahig sa tulugan.
"Anong trip niyo?" tanong ko bago naupo sa kama,
"May date pa daw kayo ni Bright, 6PM na po." ani ni Addi, napakuskos ako sa aking mata bago tumango at tumayo na mula sa aking kama at isinuot na ang sapatos ko bago nagsuklay at nagpulbo manlang. Inayos ko lang din ang gusot ko na damit at lumabas na ng kwarto at nakita silang kumpleto sa sala.
"Ready?" tanong ni Bright at tumango ako habang hawak-hawka ang bag ko.
"Una na kami, hinatayin niyo 'ko ha! Huwag niyo akong tulugan." ani ko sa mga kaibigan ko at nagtawanan sila bago tuluyan na kaming lumabas ni Bright.
Sumakay na kami sa taxi papunta ng mall at pakiramdam ko ay hindi pa ako nahihimasmasan.
"Mag dinner muna tayo, tapos... arcade, tapos sine?" ani nito at tumango ako.
Hanggang sa makarating kami ng mall ay pakiramdam ko ay tinatawag pa rin ako ng kama. Kumain kami sa Mang Inasal at saka lang ako nabuhayan ng dugo.
"Favorite ko talaga barbecue nila, parehas masarap yung kinain natin kanina na barbecue at barbecue ng Mang Inasal." ani ko habang kumakain, napapatawa nalang sa akin si Bright habang kumakain.
Mabuti nalang at nahimasmasan na ako kaya nakapagsaya kami sa arcade. Paramihan kami ng tickets mula sa paglalaro, puro siya sa mga barilan habang ako naman sa mga nahuhulog na bola. Na miss ko na rin talaga ang arcade. Matagal na akong hindi nakakapunta dahil busy sa university.
"Xavi, look oh!" Naagaw ang attensyon ko nang tawagin ako nito, nilingon ko siya at nakita na may hawak-hawak itong pink na rabbit.
"Aww ang cute!" ani ko bago niyapos ito.
"Ubos na tokens mo?" tanong ko dito habang kinukuha ang mga tickets na nakuha ko.
Sumandal ito sa katabing machine at tumango, "Yep, hindi ako nakarami." ani nito at pinandilaan ko siya.
"Bleh! Marami sa akin, sana may maganda na prize." ani ko at ngumiti siya, dinala na namin sa counter ang mga tickets na nakuha ko. At sumakto ito para sa isang couple bracelet na nakita ko.
"Cute diba?" tanong ko at tumango ito nang isinuot ko ito sa kaniya. Pinagmasdan niya ito at tumango.
"Yep, I remember noong una tayong magkita, we both agreed that couple bracelets are cringe." ani nito at napatawa naman ako.
"Noon 'yon, wala pa tayong label that time, so it will be weird if may couple bracelet tayo pero di naman tayo couple." ani ko at napatawa siya bago tumango.
Lumabas na kami ng arcade at sunod namin na pinuntahan ay ang sine, may magandang romantic movie kaya iyon ang pinili namin. Sakto rin na ilang minutes nalang ay simula na ang movie. Bumili siya ng pop corn at ako naman ay drinks bago kami pumasok.
Naghintay kami ng ilang minuto para mapuno ang sinehan at magsimula na ang palabas.
Dahil sa lamig sa loob ay dinadaan ko nalang sa pagkain para hindi ako makatulog. Dahil sa drinks namin ay kinailangan ko pa na mag banyo sa kalagitnan ng palabas, tinawanan pa ako ni Bright.
Pagbalik ko naman ay hindi ko na kinuha sa kaniya ang pop corn at nanood nalang. Saka naman ako nakatulog dahil sa lamig.
Basta nagising nalang ako nang tapikin ako ni Bright sa braso.
"The movie is over, i-uuwi na kita." ani nito at napatingin sa paligid kung saan utay-utay nang umaalis ang iba.
"Hala sorry nakatulog ako." ani ko at ngumiti siya bago umiling.
"It's fine, you're tired, that's why we will go home na." ani nito at tumango lang ako.
Paglabas namin ng sinehan ay nakakapit na ako sa kaniyang braso at nilalabanan ang nanlalambot kong mga tuhod. Pagsakay namin sa taxi ay magkahawak akmi ng kamay habng nakasandal na ako sa kaniyang balikat.
"Take a good rest, okay? Huwag kana magpuyat." ani nito nang tumigil kami sa harap ng pinto ng apartment namin.
Tumango ako bago nagkusot ng mata, "Mhmm, okay, happy valentines ulit, kiss mo 'ko." Paglalambing ko dito habang nakanguso.
Napahagikhik ito bago ko naramdaman ang labi niya sa labi ko. Mabilis lang iyon pero napangiti agad ako.
"Goodnight, bye!" kumaway pa ako sa kaniya bago ito tinalikuran at binuksana ng pinto.
"Bye, I love you!"
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz