28
"Ito oh, si Jake..."
Napakunot ang aking noo ko bago lumingon sa gawi kung saan nakaturo si Addi. Napasimangot ako bago nilingon sila Ken at Addi.
"Kanina pa kayo?" tanong ni Jake nang maka-upo sa tabi ni Aila, sa kaharap ko mismo.
"Late ka, grabe ha, usapan 7:30, 8:48 na. Saan ka galling?" tanong ni Ken kay Jake. Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi bago napasubo ng pulutan.
"Jake oh, shot mo, after Xavi ka ha." ani ni Tera nang ilapag sa harapan ni Jake ang shot glass.
Napatango si Jake bago nag-angat ng tingin at sakto naman na nagkatagpo ang aming mga paningin. Siyempre, dahil ako itong nahihiya, ako na ang naunang naglayo ng tingin.
"May inasikaso lang muna ako sa uni, ang hectic lang." sagot ni Jake at napatango ang iba, napalingon sa akin si Ken at napangisi.
"Hindi mo ba kakamustahin si Xavi?" tanong ni Ken, bahagya ko siyang siniko sa ilalim ng lamesa at napatawa ito nang pagak.
Muling nagtagpo ang mga mata naming ni Jake at isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi nito.
"She looks fine, she dyed her hair again, she looks healthy. Mukhang inaalagaan naman siya ng boyfriend niya." Ani nito at napatungo ako bago napakagat sa labi.
"Ay true ka diyan! Kapag magkikita silang dalawa, hinahalikan siya ni Bright sa ulo tapos kinakamusta siya, tapos tinatanong kung kumain na ba sya tapos-
"Aila..." saway dito ni Tera. Napa-angat ako ng tingin at nakita na napakagat sa labi si Aila.
"Ay... sorry, di kasi ako magaling bumasa ng situation." ani ni Aila, nanahimik kami at tila bumigat ang paligid. Napa-inom si Ken ng shot niya at halatang nabibigatan din sa paligid.
"Bakit nanahimik kayo? Ano bang pinag-uusapan niyo bago ako dumating? Ituloy niyo lang." ani ni Jake bago kumain ng pulutan.
"Ahm... tungkol din sa boyfriend ni Xavi." Sagot ni Ken,
"Oh, edi ituloy niyo lang. Wala naming kaso eh." Ani nito at napatango kami.
Hindi ko kinakaya 'to, masyadong mabigat, nakaka-suffocate. Hindi ko kinakaya.
Napa-iling ako, "Hindi na, iba nalang pag-usapan natin, marami naman tayong pwedeng pag-usapan." Ani ko bago dinampot ang shot glass at nagsalin ng tequila, hindi ko na ito pinatagal at ininom na.
"Xavi kalma, andito na si Jake siya ang pabibilhin natin ng inumin." Ani ni Tera at napatawa ako.
Gaya ng aking sinabi ay nagkwentuhan nalang kami. Kung ano-ano ang mga ginagawa namin na kalokohan sa university. Yung mga events na nagaganap sa school. Kung gaano ka-hectic at nakakawala ng tamang ulirat. Ginhawa sa pakiramdam na nakikisabay na si Jake sa amin. Nakikitawa ito at nagke-kwento sa amin, mga nangyayari sa university niya. May mga kabigan naman daw siya pero hindi siya gaano nakakapagkwento sa kanila.
"Xavi sabog kana." Narinig kong turan ni Addi habang nag-aayos na kami ng aming mga gamit.
"Siraulo ka, okay pa ako." Ani ko habang nakahawak sa sandalan ng bangko para suportahan ang bigat ng katawan ko.
"Okay pa, pero halos pikit na mata mo." Narinig kong turan ni Ken, napasimangot ako bago ito pinandilaan.
"Di..." napatigil ako sa pagsasalita nang animo'y umikot ang paningin ko. Humigpit ang hawak ko sa sandalan ng bangko at napapikit ng mariin.
"Xavi!" Naramdaman ko na may humaway sa magkabila kong balikat nang muntikan na akong matumba.
"You're drunk." Narinig kong turan ni Jake, napamulat ako nang mata at doon napagtanto na si Jake pala ang nakasalo sa akin.
"Hindi ah.. okay lang ako." Ani ko bago bahagyang lumayo kay Jake at inalis ang mga kamay ni Jake sa balikat ko.
Nag-ayos ako ng tayo at napasuklay ng buhok gamit ang aking kamay.
"Makaka-uwi ka ba ng apartment niyo?" tanong sa akin ni Jake. Inayos ko ang pagkakasakbat ng bag ko sa balikat napatango.
"Andiyan naman sila Addi at Tera tsaka si... Aila, magkakasama na kami uuwi." Sagot ko dito, narinig ko itong tumawa nang bahagya.
"Pare-parehas kayong lasing, sigurado ba kayong kaya niyo?" tanong nito at napasimangot ako. Medyo malabo na ang paningin ko at hindi ko na makita nang maayos ang paligid.
"I-uuwi ko na kayo." Ani nito at muli kong naramdaman ang kamay nito sa balikat ko. Mas bumigat ang pakiramdam ko at halos sumara na ang mga mata ko.
"Ramdam ko yung sakit sa gulugod." Ani ko nang magising ako sa aking kama at halos ma knock-out ako sa sakit ng ulo ko. Muli akong napahiga sa kama at napabuntong hininga. Umikot ang paningin ko at nakita na wala na ang iba kong kasama. Malamang ay namamalengke sila Arven at Ayen, si Tera siguro ay pumunta muna sa mga kamag-anak niya na nakatira lang din dito sa Manila. Si Aila at Addi kaya?
Kahit gusto kong alisin ang ulo ko mula sa katawan ko ay pinilit kong tumayo ng kama. Naglakad ako papunta sa harapan ng salamin namin at nagsuklay muna ng buhok. Humihikab pa ako habang nagsusuklay at napapakamot ng leeg. Nang ilapag ko ang aking suklay at napatingin sa salamin ay nanlaki ang mata ko nang makita ang mapula na nag v-violet na marka sa leeg ko.
"Gagi..." bulong ko habang sinusubukan na alisin ito, kahit alam ko naman kung ano ito at alam kong hindi ito matatanggal.
"Yelo, yelo siguro!" ani ko bago lumabas ng kwarto at napaharipas ng takbo kusina naming.
Agad kong binuksan ang ref at kumuha ng yelo sa freezer, agad ko itong inilpat sa pulang marka sa leeg ko.
"Bri..." napanganga ako nang mabungaran si Bright sa kusina namin mismo nang isara ko ang freezer.
Maski ito ay napatulala sa akin na bahagyang nanlaki ang mata.
"What is the ice for?" tanong nito at napalunok ako ng laway.
"Bri ano... wala, wala naman." Pagsisinungaling ko habang tinatakpan ang leeg ko.
Napakunot ang noo nito, "No, there's something there, show me." Ani nito at bahagyang humakbang paunahan na siyang ikina-urong ko naman.
"Wait nga! Wait nga! Bakit ka andito?! Bawal ka dito! Asan yung mga kaibigan ko?! Panaginip ka lang eh! Hindi 'to totoo!" ani ko bago sinampal-sampal ang pisnge ko. Napasabunot pa ako sa buhok ko.
"Bawal ka dito eh! Sino nagpapasok sayo?" Taranta kong tanong dito.
Napatawa ito bago inilapag ang siyanse na hawak nito, "Mga kaibigan mo mismo-
"Bagong gising ako pero hindi mo ako ma-uulol." Putol ko dito habang humahakbang patalikod dahil siya naman itong humahakbang paunahan.
Muli itong napahagikhik, "I'm not joking, sila talaga ang nagpapasok sa akin kagabi." Ani nito at napakunot ang noo ko.
"Anong kagabi? Eh sila Jake-" Natigilan ako nang mapagtanto ang isang bagay.
Si Jake ang naghatid sa amin kagabi, ibig sabihin... itong nasa leeg ko...
"Bright..." Nanlaki ang mata ko at napa-angat sa kaniya ng tingin.
Pinagtaasan ako nito ng isang kilay, "Yes?" tanong nito at napalunok ako ng laway.
"I'm sorry..." mas lalong humigpit ang hawak ko sa aking leeg para itago ang mapulang marka.
Napakunot ang noo nito, "What are you sorry for?" seryoso nitong tanong, naramdaman ko ang pagsikip ng aking lalamunan. Naiiyak ako, dahil alam kong nagkasala ako. Alam kong nagkamali ako, hindi ko pwedeng isisi sa alak ang nangyari, alam kong kasalanan ko lahat.
"Kasi Bri... Bri ano... I'm sorry." Paghingi ko ulit ng tawag.
"Why-
"Bri I cheated..." Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi at napapikit ng mariin. Naramdaman kong umagos ang mga luha ko sa aking pisnge. Isang hikbi ang pumakawala sa aking labi nang mas tamaan ako ng guilty.
Naramdaman ko na walang kakibo-kibo si Bri kaya naman napamulat ako ng mata at nakita na nakatulala lang sa akin si Bri.
"How come?" tanong nito, nagpahid ako ng luha at lumunok ng laway.
"Kasi... Bri hindi ko alam kung paano pero..." ibinaba ko an kamay ko na may hawak na yelo at ipinakita sa kaniya ang marka sa leeg ko.
"Oh... nakita mo na pala, I did that." Nanlaki ang mata ko at agad napalingon sa kaniya.
"Huh?! Ikaw... Ikaw may gawa nito?!" tanong ko dito, napatawa ito bago tumango.
"Yes, that was last night. I slept here, dito sa sala." Ani nito at napanganga ako.
"You're joking?" tanong ko at umiling ito.
"Pero si Jake ang naghatid sa amin dito." Ani ko at napatawa ito nang pagak.
"I did, na-abutan ko kayo sa BGC, you guys were about to leave. Buti nalang na-abutan ko pa kayo. And I brought you guys here. Masyado na kayong late natapos." Ani nito at napanganga ako bago utay-utay tumango.
"Seryoso ka ba?" tanong ko at muli siyang napatawa, siraulo 'to, kanina pa ako tinatawanan.
"Gusto mo bang malaman kung paano ka nagka marka sa leeg mo?" tanong nito at nanlaki ang mata ko bago umiling.
"Hindi, ayoko, magluto ka na diyan. Nagugutom na ako." Ani ko bago ito bahagyang itinulka palayo at pumunta sa dining para umupo. Muli itong napatawa bago nagpatuloy sa pagluluto.
"Asan mga kaibigan ko?" tanong ko habang pinapanood itong maghanda ng almusal.
"Well... they all left, I don't know where they went." Ani nito bago inalis ang apron na suot niya at harapan ko.
Napasimangot ako habang pinapanood itong lagyan ako ng kanin sa aking pinggan, "Konti lang..." sita ko dito nang makita na marami na itong kanin na nailalagay sa aking pinggan. Nag-angat ito ng tingin sa akin at napakunot ang noo.
"Anong konti lang, kumain ka. May hang-over ka kaya dapat kumain ka ng marami." ani nito bago ilapag ang kanin at kunin naamn ang pinaglalagyan ng ulam.
"Diet nga ako eh..." bulong ko na hindi ko inaasahan na maririnig niya.
"Anong diet na pinagsasabi mo? Kumain ka." ani nito habang patuloy na naglalagay ng ulam sa pinggan ko.
"Kumakain naman ako, hindi lang ng rice." sagot ko dito habang nakasimangot bago dinampot ang kutsara at tinidor ko.
Narinig kong napasaltik ito ng dila, "Hindi ka patatabain ng kanin, Xavi." ani nito at napa-ismid lang ako bago sumubo ng pagkain.
"And why are you even in a diet? You look fine, nothing's wrong with you." ani nito at napa buntong hininga ako.
"Wala lang, para hindi naman nakakahiya kapag sinabi mo na girlfriend mo ako..." mahina kong turan, nahagip ng mata ko na biglang natigilan ang kamay nito kaya naman tuluyan akong nag-angat ng tingin at nakita itong nakakunot ang noo.
"Putangina... anong pinagsasabi mo na nakakahiya? Kumain ka Xavi, baka lasing ka pa. After we eat go take a bath while I was the dishes." ani nito at wala akong ibang nagawa kundi ang tumango na lamang. Matapos iyon ay hindi na ulit kami nag-usap at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Nauna siyang matapos kumain pero hindi niya ako iniwan sa lamesa, hindi rin niya inalis ang pinggan niya, bagkus ay nakatulala lang ito sa akin habang ako itong binibilisan na ang pagkain. Nakakailang kasi na kumakain ako habang siya itong nakatulala sa akin.
"Finish na?" tanong nito at tumango ako habang umiinom ng tubig.
"Take a bath na, take your time." ani nito bago kinuha ang pinggan ko at dinala sa sink kasama ng sa kaniya. Tumayo na rin ako mula sa aking bangko at dumiretso ng kwarto para kumuha ng damit. Kinuha ko na rin ang aking vanity box at towel bago lumabas ng kwarto at natagpuan si Bright na naghuhugas na, dumiretso na ako sa banyo at naligo. Sinigurado ko na na-alis ko ang amoy alak sa katawan ko at sinigurado kong nabalot ako ng bango ng mga panligo na ginagamit ko. Kaya siguro pinapaligo na ako ni Bright ay dahil hindi na siya natutuwa sa amoy ko.
"May magic ba sa banyo niyo at parang pumuti ka?" Natigilan ako nang tanungin ako ni Bright nang makalabas ako nhg banyo.
Napatawa ako nang bahagya, "Sira, sabi talaga ng mga kaibigan ko na pagkalabas ko daw ng banyo ang puti ko daw." sagot ko dito at napatango ito.
"I see." ani nito bago nagpatuloy sa pagwawalis ng sahig.
Dumiretso ako sa pagto-toothbrush at matapos iyon ay pumunta sa kwarto para magsuklay at maglagay ng kung ano-ano sa mukha. Nagpabango na rin ako at sinigurado na ka aya-aya akong tingnan.
"Bakit ka naglilinis?" tanong ko dito nang madatnan siyang nagpupunas ng mga cabinet.
Humarap ito sa gawi ko at napangisi, "Let's say I'm curious about my girlfriend that I asked her friends about things she likes and hates." sagot nito at napakunot ang noo ko bago naglakad sa gawi ng sofa namin at umupo dito. Siya itong nakatayo pa rin sa gawing unahan ko sa tabi ng TV.
"Huh?" taka kong turan at napahaghik ito nang bahagya.
"You don't like eating alone, or you don't like the idea of someone eating alone so you make sure that you eat all together. Ayaw mo rin na pinag-iimpisan ka ng pinagkainan. You usually take a bath after breakfast kapag weekend pero kapag may pasok maaga kang maligo. You don't like things messy, mahilig ka maglinis. Almost three times a month kung ayusin mo ang mga pinaglalagyan ng gamit dito sa apartment niyo. And lastly, you like being babied." ani nito at nahulog ang panga ko. Hindi agad ako nakasagot at siya itong tinawan lang ako nang malakas.
"Paano... how did you know that?" Nagtataka kong tanong dito.
"Well I ask your friends, like what I said. Kagabi noong binibihisan ka ng mga kaibigan mo, kausap ko si... Tera at... ano yun? Yung isa pang masungit?" ani nito at napakunot ang noo ko.
Si Tera lang naman ang madalas na mainit ang ulo sa amin. Sino pa ba ang iba niyang tinatawag na masungit?
"Yung nakasalamin na chinita na maputi-"
"Ahh, si Addi! Hindi 'yon masungit 'no!" Putol ko dito at nakita kong napakunot ang noo nito.
"Ang sungit kaya, noong sinabi nga ni Tera na dito na ako matulog halos itulak ako palabas noong Addi na 'yon." ani nito at ako naman itong napahagalpak ng tawa.
"Gagi, sayo lang 'yon masungit, ang bait-bait kaya ni Addi, ang funny pa." ani ko at napa singhal ito.
"Grabe, feel na feel ko yung welcome kagabi. Si Tera na nga lang ang nagpahiram sa akin ng unan at kumot." ani nito bago umalis mula sa kinatatayuan niya at ibinalik ang basahan.
"Yiee, crush mo si Tera 'no?" Pagbibiro ko, napakunot ang noo nito habang naglalakad sa akin pabalik.
"Selos ka naman?" tanong nito nang maka-upo sa tabi ko.
"Hindi 'no, tsaka as if papatulan ka ni Tera." ani ko dito at napahagalpak ito nang tawa.
"Alam mo ang cute-cute mo, halika nga dito." Isang ipit na sigaw ang pumakawala sa bibig ko nang hatakin ako nito papalapit sa kaniya at inakbayan ako.
"Hindi ka daw mahilig manood ng TV, may NBA kasi ngayon, pwede ba ako manood?" tanong nito nang damputin ang remote ng TV.
"Manood ko kung gusto mo, bahala ka." ani ko bago nag-ayos ng upo sa tabi niya at sumandal sa balikat niya.
"Hindi ako mahilig mag basketball, si Aila naglalaro nun, ako hindi." sagot ko at tumango ito, buti nalang ay nadala ko na ang cellphone ko pagpunta dito kaya naman habang nanonood siya ng basketball ay ako itong nagce-cellphone.
Una akong nag message kay Tera at tinanong kung nasaan siya, nasa bahay daw ito ng tita niya dito sa Manila. Si Addi naman ay nasa Pasay sa tita din niya, si Aila, Arven at Ayen ay magkakasama na namamalengke at nag-gagala na rin daw.
from Ailapot:
Mag bebe time muna kayo diyan, use protection ha!
to Ailapot:
Siraulo ka! Mamalengke kayo diyan! Dalhan niyo ako ng pasalubong!
Itinatago ko nalang kay Bright ang cellphone ko dahil baka asarin din ako nito kapag nakita ang message ni Aila. Impakta talaga yung babaeng yun, kung ano-ano a ng sinasabi.
Ilang segundo akong natigil sa pag gamit ng cellphone ko dahil na-agaw ang atensyon ko ng pinapanood ni Bright na basketball. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan, baka kasi si Aila nanaman at kung anong kalokohan ang sinasabi.
from Ayenski:
Babalik kami before lunch, tanungin mo jowa mo kung makikikain na sa atin. Sana huwag na siyang makikain, si Aila ang magluluto ng chicken teriyaki na sinasabi niya.
Isang pigil na tawa ang kumawala sa labi ko nang mabasa ang ang chat ni Ayen, bahagya kong nilingon si Bright at napanatag nang makita itong busy pa rin sa panonood.
to Ayenski:
Sige tanungin ko siya, dalhan niyo ko ng pasalubong, kahit sugar glazed donut lang.
from Ayenski:
Sige, naglilihi ka na yata ah.
to Ayenski:
Sira, sige bye na!
from Ayenski:
Bye bye!
Napabuntong hininga ako bago ibinaba ang aking cellphone at muling nakinood ng basketball na pinapanood ni Bright. Napatingin ako sa orasan at nakitang halos mag 11 na rin. Grabe na yung puyat ko, pero di na bale, weekend naman.
"Bright, dito ka daw ba mag lu-lunch?" tanong ko dito habang nanonood pa rin kami ng basketball.
"Sorry but no, may kailangan kaming gawin nila Luke sa apartment." ani nito at napatango ako.
Ilang minuto pa ang nakalipas at may kumatok sa pinto bago nasundan ng tawag ni Arven na animo'y nag e-eskandalosa. Napatayo ako mula sa sofa at ganon din si Bright. Pagbukas ko nang pinto ay agad sinilip nila Aila kung andon pa si Bright.
"Paalis na rin naman, hindi daw dito kakain." ani ko at napatango si Ayen.
"Aba dapat lang." ani nito bago pumasok na, ako naman itong napatawa bago sinaraduhan ang pinto nang makapasok na ang tatlo.
"Xav, I'll be going na, you're okay naman na diba?" tanong ni Bright habang nakasakbat na ang isang maliit na bag sa balikat niya.
Tumango ako, "Yes, I'm fine." sagot ko at tumango ito.
"Bye, take care, see you sa monday." ani nito bago bahagyang ginulo ang buhok ko, nag goodbye na rin ako dito bago siya tuluyang lumabas ng apartment.
Ilang segundo ay nabalot kami ng katahimikan bago biglang napatili si Aila.
"Sana all may jowa!" ani nito bago dinala ang mga pinamili niya sa kitchen.
Kasunod akong pinag diskitihan ni Ayen at Arven.
"Sana all talaga." ani ni Ayen bago napa-upo sa sofa. Napa buntong hininga ako bago tumulong kay Aila sa pagluluto.
"You seem tired, monday palang ah." ani ni Bright sa akin nang matagpuan ako sa cafeteria, kakatapos lang ng last period namin ngayong araw pero ma-uutas na ang utak ko.
"Okay lang ako, kailangan ko lang ang kama ko." ani ko at napatawa ito.
"Sasabay ka ba sa mga kaibigan mo sa pag-uwi, tara ihatid na kita." ani nito,
"Nauna na si Ayen sa apartment eh, may project daw siya, yung iba maiiwan dahil may meeting sa org at may project pa." sagot ko dito habang nakasubsob sa lamesa.
"Ikaw, wala kang org?" tanong nito at napasaltik ako ng dila.
"Bri, huwag muna ngayon please, huwag mo muna ako tanungin. Nasakit ulo ko." sagot ko dito habang bahagya na minamasahe ang noo ko. Math kasi ang naging huling subject namin ngayon, feeling ko ay ma-uutas ako.
"Okay, tara, hatid na kita." ani nito at tumango nalang ako bago kinuha ang bag ko at umalis na ng cafeteria.
Sumakay kami ng jeep papuntang apartment namin, pero pagdating namin ng apartment ay may nagtitinda ng kwek-kwek at street foods sa labas kaya bumili muna kami. Ako na rin ang nang libre dahil ako naman ang nag-aya.
Inihatid niya rin ako hanggang sa tapat ng pinto ng apartment namin.
"Maaga ka bang papasok bukas?" tanong nito at tumango ako.
"8AM pa first period namin pero aaga na rin ako ng pasok." sagot ko at tumango ito.
"Sorry nga pala sa kanina, pagod lang talaga ako." Paghingi ko ng tawad, baka kasi isipin niya ay galit ako.
Tumango ito, "Hindi, okay lang, sige na, magpahinga kana, bye." Kumaway pa ito at tumango ako bago hinarap ang pintuan ng apartment namin, saktong aabutin ko ang door knob nang bigla itong bumukas at sumalubong sa akin ang pamilyar na mukha.
Maski si Bright ay napasinghap, "Noah? Bakit ka andito sa apartment nila Xav?" tanong ni Bright, biglang sumulpot ang kaibigan ko sa likod ni Noah na halatang nagulat din.
Huli kang babae ka.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz