ZingTruyen.Xyz

Missing Lightbulb

25

_Dominous_




 "Don't tease her, only I can." Bright said in a teasing voice, he look at me before giving a slight chuckle sending butterflies in my stomach. Bakit ganon?! Tawa lang 'yon pero kinikilig ako!

"By the way, anong schedule mo? Baka mag kaklase tayo sa ibang subject." ani niya at agad kong inilahad ang schedule ko sa harap niya. Kinuha niya ito at maski ang sa kaniya ay inilabas at itinabi sa akin. 

"Mhmm.." utay-utay itong tumango. 

"Kaklase kita sa Math kasama si Noah then Research with Marc. And... break time." ani nito at napatawa ako ng bahagya bago kinuha mula sa kaniya ang schedule ko. 

"Okay..." ani ko bago itinuping muli ang schedule ko at muling tiningnan ang apat na matatangkad na lalaki sa harap ko. 

"Ahm... sino yung Noah at Marc?" Nahihiya kong tanong, nagkatinginan ang apat at napatawa si Bright.

"Ah yes, I forgot to introduce you to these men." he said before walking towards my side. I even saw the guy with the glasses chuckle. 

"This on the side in the blue hoodie is my best pal Luke." The guy named Luke shaked his hands with me and gave me a genuine smile. 

Bright pointed at the guy in the middle, the one with the glasses, "He's Noah, huwag ka dyan, masungit 'yan." Pabirong turan ni Bright na ikinatawa namin maliban lang sa Noah niyang tinatawag. 

"And the last one, he's Marc. Okay lang 'yan, mabait naman siya." ani ni Bright at nakipag kamay din si Marc. 

"Parang hindi pa sure na mabait ako ah." Bulong ni Marc habang nakikipag kamay sa akin. Nang kumalas sa pakikipagkamay si Marc ay nakita kong mag-cross ang braso ni Noah at pagtaasan naman kami ng kilay ni Luke. 

"Eh si Xavi, anong description mo sa kaniya?" tanong ni Luke na halatang nang-aasar. Parehas naman kaming napatawa ni Bright at nagkatinginan pa. 

"Hmm? Ano ba?" tanong niya, kamay nito ay nasa kaniyang baba at pinanliitan ako ng mata. Pinandilaan ko lang ito bago tumingin sa kabilang gilid. 

"And guys... Xavi, my girlfriend." ani niya at bigla napapalakpak ang tatlo.

"Yon! Iba ka talaga Bri!" ani ni Luke. At aaminin ko, kinikilig ako. Never pa akong ipinakilala ng lalaki sa kaibigan niya bilang girlfriend niya. At dahil first time ko rin ito na magkaroon ng boyfriend. 

"Stay strong sa inyong dalawa. Sana naman Bri maging mature ka na rin sa relationship. And I know Xavi is... better than her." ani ni Noah at naitikom ko ang bibig ko. Alam ko kung sino yung 'her' na tinutukoy niya. Napa-igtad ako ng bahagya nang maramdaman ang braso ni Bright sa balikat ko. Tangina kinikilig ako! Buti nalang ay naglagay ako ng BB cream kanina at powder. Hindi gaanong nahahalata na namumula ako. 

Tumingin sa akin si Bright bago ngumiti, "Of course she is, she is more understanding, softer, and... she's just better. Someone I want to keep forever." ani nito at naitikom ko naman ang bibig ko sa kilig. Self kalma, nakakahiya. Mahahalatang baliw na baliw ka sa kaniya. 

"Ang cheesy mo, let's go, classes are about to start." ani ni Noah at tumango si Bright bago alisin ang braso niya sa balikat ko. 

"We'll be going now, ingat ka sa first class mo, and goodluck." Malambing na turan ni Bright at tumango ako. 

"Yes, yes, I will, ikaw din. Kayo rin, ingat and goodluck. Bye!" ani ko bago kumaway at tinalikuran na silang tatlo. Naglakad ako pabalik sa table kung saan huli kong iniwan ang mga kaibigan ko. Pagbalik ko ay nag-akit na rin silang pumunta sa first subject namin. 

English ang naging first period namin ni Addi, at ginawa ko lahat ng makakaya ko para maintindihan ko at makapag focus sa klase. Inalis ko muna yung excitement ko na pwede kapag break time or lunch ay makikita ko si Bright. Pero ayaw ko naman na lagi siyang ayain kumain kasama ako. Baka magsawa siya sa mukha ko at mainis. Kung gusto lang niya at kung siya ang mag-aaya. Panigurado naman na sila Tera, Ayen, Arven Addi at Aila ang kasam kumain mamaya. Maliban lang kung busy sila at nakahanap na agad ng bagong kaibigan. 

Nang sumapit ang kasunod na subject na History ay wala na akong kaibigan na kasama doon. Pero pagpasok ko ng classroom ay namukaan ko agad si Marc sa gilid. Dahil wala naman akong ibang kakilala maliban sa kaniya ay tinabihan ko na siya na ikinagulat pa yata niya nang makita ako sa tabi nito. 

"Sila Luke, Noah at Bright?" tanong ko dito nang maka-upo ako sa tabi niya. 

"Well.. nasa ibang History class si Noah, ibang classroom. Si Luke at Bright ay Business Law." ani nito at utay-utay akong tumango.

"Accountancy si Bright diba?" tanong ko at tumango ito, 

"Si Luke daw ba?" tanong ko ulit, umayos ito ng upo niya at mukhang handa nang mag kwento ng tungkol sa buong tropa nila. 

"Si Luke ay business management, since tagapagmana siya ng kumpanya ng family niya." Panimula nito at utay-utay akong tumango. 

"So he's that rich..." bulong ko na narinig ni Marc. 

"He is, tapos si Noah ay Medicine, mag do-doctor 'yon, gustong maging dalubhasa." ani nito na ikinatawa namin parehas. 

"Grabe ka, ako rin naman pre-med." ani ko at napatawa itong muli. 

"Goodluck sayo." ani nito at napa-iling nalang ako. 

"Well ako naman, engineering. 'Yon, yun ang courses namin. Ikaw pre-med, wala ka bang mga kaibigan?" tanong nito at natigilan nama ako, medyo na-offend din ako sa tanong niya. 

"Grabe ka, hindi ah! Meron kaya! Magkakasama pa nga kaming anim sa dorm." ani ko at napakunot ang noo nito.

"Anim? So lima yung close friends mo?" tanong nito at tumango ako. 

"Babae silang lahat diba?" tanong nito at napatawa ako bago tumango.

"Of  course naman, hindi naman ako papayagan ng magulang ko kung may lalaki ako na kasama sa dorm diba?"sagot ko at utay-utay itong tumango.

"Reto mo naman ako sa isa." Diretsahan nitong tanong, 

"Ay grabe! Ang speed mo naman!" sagot ko agad na parehas namin ikinahagalpak ng tawa. Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan. Napagtanto ko na si Marc yung type na maingay sa tropa. Siguro sa kanilang apat ay siya ang joker at madalas magbiro at mag-ingay. Mukha naman kasing tahimik si Luke, lalo na si Noah. Si Bright naman, mukhang may time na tahimik at may time na maingay. Kaya naman sa tingin ko ay magkakasundo kami ni Marc sa kaingayan. 


Maya-maya ay ay dumating na rin ang prof kaya naman natahimik na kami ni Marc sa pagkekwentuhan at nakinig na. Gaya ng ginawa ko sa English class ay sinubukan kong makinig ng maayos sa History class namin. Lalo na at AP major pa man din ang nanay ko sa school na pinagtuturuan niya. At tsaka hindi naman porket pre-med student ako ay sa Science lang ako maatas ang grade. Gusto ko rin naman ma-ace ang bawat subject. Kung kakayanin, pero siyempre dapat mas focus sa Science. 

Pagkatapos ng History ay hindi ko napansin ang oras. Papalabas ng classroom ay natigilan ako nang mapansin ang oras. Lunch time na at hindi ko ito napansin dahil nagfocus talaga ako sa klase. Kinuha ko ang phone ko kung saan may picture ako ng aking schedule. 2-3 hours nga pala kami per subject, kanina lang ay binabalak kong bumili ng tinapay sa Bakery na nadaan ko kanina, mukhang diretso tanghalian na pala ako. 

"Hey, may kasama ka ba mag lunch? Halika dalhin na kita kay Bri." ani ni Marc nang sumulpot ito mula sa likod ko. Napatingin ako sa kaniya bago umiling.

"Huwag na, kayo nalang munang apat. Enjoy niyo first lunch niyo dito, sa friends ko muna ako sasama. Matagal naman tayo dito, marami kaming time ni Bri para magkasamang kumain. Kapag  lagi namin makikita ang mukha ng isa't-isat, baka magsawa kami." sagot ko at nakita ko ang bahagyang pag-awang ng labi nito mula sa isa't-isa. 

Tumango ito, "Oo nga 'no. Sige, happy lunch nalang." ani niya bago kumaway. Kinawayan ko nalang din siya bago ito tuluyang naglakad papalayo. Nag message na ako kila Ayen kung nasaan sila. Nang mag reply ito na nasa UP town center na sila ay napa-awang ang labi ko. Hindi ko alam kung saan iyon. Kaya naman nagpasend ako ng picture kung saan ito malapit. Nang medyo mamukaan ko ang lugar ay lumabas na ako ng campus at nagjeep papunta doon. Malapit lang ito sa may isa pang restaurant na nai-search ko kagabi. 


Pag dating ko doon ay nakita ko agad silang lima. May kinakain na si Aila na sushi na agad akong inalok pagka-upo ko. 

"Order kana Xavi, naka-order na kami." ani ni Tera at tumango ako. 

"Kanina pa kayo?" tanong ko at umiling ang mga ito. 

"Noong mag message ka kay Ayen ay kakadating lang namin" sagot ni Addi at tumango akong muli bago tumayo mula sa bangko ko at naglakad-lakad na sa mga food stalls, nagulat ako nang sundan ako ni Arven at sinabi na baka may gusto pa rin daw siyang bilhin. 


Napagdesisyunan ko na umorder na lang ng steak na may rice. Pwede naman kaming kumain dito sa ibang oras, gaya ng sabi ko ay matagal kami dito. Maraming oras para matikman namin lahat. Pag balik namin ng table ay may dala na si Arven na churros at humingi ako. 

"1:30 PM pa ang next subject diba?" tanong ni Aila at tumango kami, 

"Yes, tapos uwian ay 5:30 PM." sagot ni Ayen at napabuntong hininga kami. 

"Math at Research sakin ngayong hapon. Mukhang makakawawa na ang utak ko." bulong ko, 

"Naku sis, Math and second subject ko, masakit agad sa ulo." Addi said, massaging her temples. A frustrated sigh escaped my lips. 

"Gagi..." ani ko bago uminom ng tubig. Mula sa entrance ay may mga pamilyar na mukha akong nakitang pumasok na siyang nagpatawa sa akin. 

"Ay yawa, destiny ano 'to?" bulong ko at napatingin sa akin si Addi na may nagugulahang ekspresyon. 

"Ha?" taka nitong tanong bago sundan ang direksyon na tinitingnan ko. 

"Kaklase mo?" tanong ni Arven at tumango ako. 

"Ay wow Xavi, may new friends ka agad. And friendly naman po." ani ni Tera at halos mabulunan ako ng tubig. 

"Huy... hindi." ani ko bago ibaba ang baso ko. Naglakad silang apat papunta sa direksyon namin pero hindi pa nila ako nakikita. Hanggang sa ang unang nakakita sa akin ay si Noah, nanlaki ang mata ko at nakita na itinuro ako kay Bright. Agad naman akong napatalikod sa gawi nila.

"Yari," bulong ko at napatingin silang lima sa akin na may naguguluhang ekspresyon sa mukha. 

Narinig ko ang mga yabag ng paa sa likod ko at narinig na gumalaw ang bangko. 

"Bri, dyan kana." boses iyon ni Marc at halatang may halong pang-aasar ang boses. 

Ang mga kaibigan ko ay nakita kong pinanood ang apat. Napansin ko pa ang  panliliit ng mata ni Ayen. At maya-maya ay siya namang malakas na pag higop ng hangin ni Arven.

"Oh my God, diba si Bri-" agad kong nasenyasan ito na tumahimik. Narinig kong tumawa ng pagak si Aila bago tamaan ng realisasyon ang mga kaibigan ko. 

"Oh my God, destiny." ani ni Aila at hindi ko napinggilan na mapahilamos sa mukha. Alam kong maski ang apat na lalaki sa katabing table namin ay narinig na ang mga sinabi nila. 

"Ay...?" napatingin ako kay Ayen nang bumuka ang bibig nito.

"Diba ikaw yung kasama ko kanina sa History?" Hindi ko na rin napigilan na mapatingin sa likod ko nang ituro nito si Noah. Ang mga lalaki ay napatingin kay Noah. 

"Yung nanghiram ng gunting sa akin?" dagdag ni Ayen, napatingin ako kila Addi at Tera at mukhang ako naman ang na curious sa nangyari sa dalawa.

"Ah yes, that's me." sagot ni Noah at tumango si Ayen. 

"Okay, bago kasi 'yon, ikaw ang unang gumamit." ani ni Ayen at naitikom ko naman ang bibig ko. Hindi na nakatingin kay Noah si Ayen pero halatang may halong pagpaparinig ang boses ni Ayen.

"Kasalanan ko ba na pinahiram mo? You should have said 'no' diba?" Nagkatinginan kaming 5 nang sumagot si Noah. Pag tingin namin kay Ayen ay nakabuka ang bibig nito at halatang gulat. 

"Aba may attitude ka ah." ani ni Ayen na agad hinawakan ni Tera para hindi na ito tuluyang makatayo at  magsimula pa ng eksena. 

"Okay, everyone, kalma, first day palang ng classes." ani ni Luke. Napa-irap si Ayen bago muling umupo. 

"Ayen naman.. kalma lang." Pang-aamo ko dito. Tiningnan ako nito at sinimangutan.  

"Kasalanan niya.." bulong nito at napatawa nalang ako.

Maya-maya ay umoder na ang mga lalaki habang ang pagkain naman namin ay dumating na. Tahimik lang kaming kumakain nang marinig kong magsalita si Bright. Tungkol lang sa klase nila ang pinag-uusapan nila pero marinig lang ang boses niya ay sapat na para kiligin ako. Pasensya na ha. Sanay lang kasi ako na sa messages lang kami madalas mag-usap. Kahit napadalas na ang aming pagtatawagan ay iba pa rin kabang alam ko na nasa likod ko lang siya at malapit sa akin. 


"Ay wala tayo tissue?" tanong ni Aila, nagkatinginan kaming anim sa paligid namin na table at napagtanto na wala nga. 

"Girls..." nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko at narinig ang boses ni Bright. Paglingon ko ay halos isang dangkal nalang ang pagkakalayo ng mga mukha namin ni Bright. Nagtagpo ang mga mata namin at isang ngiti ang pinakwalan nito na mas lalong nagpalakas ng tibok ng puso ko. 

Ini-abot nito sa akin ang isang box ng tissue na agad ko namang tinggap at iniharap sa kaniya ang aking likod. Pagharap ko sa mga kaibigan ko ay mga nakakalokong ngiti ang sumalubong sa akin. 

"Ano?" Patay malisya kong tanong bago ini-abot kay Aila ang tissue. 

"Xavi naman, alam naman namin na si ano../ ay ano mo." ani ni Addi at napa-irap ako. 

"Ano?" Panghahamon kong tanong at napatawa ito. 

"Sige ka, pag sinasabi ko, baka mas lalo kang mamula." ani nito at napa-irap nalang ako bago ininom ang iced tea na inorder ko. 

Maya-maya ay natapos na kaming kumain at napagdesisyunan na bumalik na ng campus, naiwan naman ang mga lalaki doon. Naghiwa-hiwalay na kaming anim nang makarating kami ng statue upang pumunta sa kasunod namin na klase. 

Tahimik akong naka-upo sa isang tabi, si Tera naman ay nakaharap sa pader sa tabi niya at naka-earphone kaya hindi ko rin ito maka-usap, biglang may umupo sa kabilang tabi ko at  nakilala ko agad  ang T-shirt at napabaling ang ulo ko sa diresyon ng katabi ko. 

Ngumisi ito, "Ang sarap dun 'no? Date tayo this weekend." ani ni Bright at nanlaki ang mata ko. 

"S-Sure, sige ba. Tatapusin ko nalang agad mga schoolworks ko." Nauutal kong sagot at natawa ito. Xavi kasi, pautal-utal pa!

"Ayos ka lang ba? Bakit nauutal ka?" tanong nito bago bahagyang suklayin ang buhok ko gamit ang kamay niya na mas nagpa-initi pa sa aking pisnge. Mabuti na lang ay nakapag pulbo na ako kanina. 

Napabuntong hininga ako, "I'll be honest, no one have ask me for a date. At kahit boyfriend na kita ay hindi pa rin ako sanay." ani ko at natawa ito bago binawi ang kamay niya. Napansin ko na may suot-suot na rin itong salamin na ipinagtaka ko. Hindi naman malabo ang mata niya ah.

"Edi... sasanayin na kita. Gusto mo ba every after class mag d-date tayo?" tanong nito at nanlaki ang mata ko bago umiling.

"Hindi ah, hindi kailangan. Okay lang ako anytime, tsaka... ayaw ko naman na magsawa ka kapag lagi tayong magkasama 'no." sagot ko at utay-utay akong tumango.

Napahagikhik ito, "Paano naman ako magsasawa sayo? Sige nga, paano?" tanong nito at napasimangot ako.

"Basta, hindi ko ma-explain pero kapag kasi lagi tayong magkikita, bukod sa klase, magsasawa ka sa pagmumukha ko at boses ko." sagot ko at napakunot ang noo nito. 

"Huh? Bakit naman yung mag-aasawa? Lagi nilang nakikita ang isa't-isa, magkatabi pa matulog. Hindi naman sila nagsasawa sa isa't-isa." ani nito at napa-ismid ako. 

"Di mo sure," ani ko, "Bitter." bulong nito na ikinatawa ko. Bahagya kong inayos ang suot kong t-shirt at nang muli siyang tingnan ay laking gulat ko nang nakatitig ito sa akin.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko bago hinawakan ang iba't-ibang parte ng mukha ko. 

Napangiti ito, "Wala, ang sarap mo lang tingnan. Damn, sana noon pa kila nakilala kahit sa internet lang." sagot nito at napakunot naman ang noo ko. 

"Ang corny mo." ani ko bago siya bahagyang hinampas sa kamay niya nakatuon sa arm rest ng bangko ko at naglayo ng tingin. Pero ang totoo sa loob-loob ko ay kinikilg ako sa mga binibitawan niyang salita. 

"Kaya lang naman nagagawang hindi magsawa ng mga mag-asawa dahil mahal nila ang isa't isa-"

"Bakit ba ikaw hindi ko mahal?" Putol nito sa akin na ikinatigil ko sa pagsasalita. Muli akong napatingin sa kaniya na may seryoso nang ekspresyon na ikinalunok ko ng laway.

"Ahm... ano... hindi ko naman alam." Matapat kong turan. Ang sabi ko naman sa sarili ko ay kung nagbibiro at nakikipaglaro lang siya ay sasakyan ko lang. Pero ngayon na nakikita ko ang ekspresyon niya na iyon ay medyo natatakot na ako sa tinatawag kong laro na ito. 

Napabuntong hininga ito bago tumingin tingin sa paligid. Napa-urong ang ulo ko nang inilapit nito ang mukha nito sa mukha ko.

"Mahal kita, makabuluhang salita pero mahal kita." ani  niya habang nakatitig nang diretso sa aking mga mata. Napalunok naman ako at saka naman siya lumayo. 


Matapos iyon ay wala nang nagsalita sa aming dalawa. Dumating na ang prof namin sa math at toto ang sabi ni Gwen na madugo pala ito. First day pero nagpa-recitation sa board. Naintindihan ko naman at willing ako na sumagot kung sakaling tatawagin ako. Pero hindi eh, si Bright ang tinawag na madali lang na sinagutan ang equation. Natawag din si Noah na kasama namin sa class. Medyo napalayo lang ito sa amin ng upo dahil okupado na ang bangko sa tabi ni Bright. 


Nang matapos ang dalawang oras sa klase na iyon ay na late kami sa next subject na research ng ilang minuto. Pagdating namin doon ay andon ng ang prof maski si Marc, pero mabuti na lang at naintindihan ng prof na natagalan kami dahil kay prof. 


Nang matapos ang klase namin sa research at nakalabas na ang prof namin ay napabuntong hininga ako. 

"One down... more to go." bulong ko bago ayusin ang mga gamit na ginamit ko kanina. Nang matapos akong mag-ayos ay nakita ko si Bright na nakatingin sa akin. Maski si Tera sa tabi ko ay napabuntong hininga. 

"I cant wait to go back sa dorm. Gusto ko nalang matulog." ani ni Tera bago tumayo kaya naman maski ako ay napatayo. 

"Uuwi na kayo?" tanong ni Bright at si Tera ang tumango. 

"Yes, magpapahinga na kami." sagot ni Tera. 

"Pwede ko bang malaman kung saan yung apartment niyo?" tanong ni Bright at si Tera nama ang umiling na ikinatikom nalang ng bibig ko. 

"Bawal, di kami nagpapasok ng ibang tao. Sorry, dito nalang kayo mag jowa time. Walang 2nd period si Xavi bukas. Saka mo siya guluhin." ani ni Tera bago ako hawakan sa pulso at hatakin palayo kay Birght palabas ng classroom. Napahagikhik naman ako. Kawawang Bright, walang laban kay Tera, kahit naman ako ay hindi na magbabadya magpumilit pa kung ganon ang tono ng pananalitan ng taong gusto ko. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•3•

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz