Kabanata 3
Kabanata 3
"ANAK, ayaw mo bang pagupitan ang buhok mo? Ang haba na," tanong sa akin ni Mama habang sinusuklay ang buhok ko. We're in sofa, inaantay si Kuya Macky dahil si Papa ang maghahatid sa amin sa school.
"Ayaw ko, Ma," I told her and pouted, inabot ko ang aking buhok sa balikat at marahang hinaplos. "I want it long so I can style it the way I like, bakit, Ma? Hindi ba bagay sa akin na mahaba?"
"Of course not, Daru." She chuckled, inilagay niya ang buhok sa likod ng tainga ko bago ako marahang pinaharap sa kanya. Our eyes met and I won't lie when I said I think I'm now looking at my older version.
When I became a woman, I knew I'd look a lot like my Mom. Beautiful and angelic looking.
Ewan ko lang sa ugali dahil parang ang layo ng ugali ko kay Mama. I am thinking I got my attitude more from other members of our large family.
"Any hair would suit you, anak." She smiled at me. "Bagay kahit ano, mahaba man or maiksi. I'm just curious why you don't like it short, si Zire at Scira nagpaiksi ng buhok, ah? Sabi nila sa akin may napanuod daw kayong movie na maiksi ang buhok ng bida kaya ginaya?" She noticed.
"Gusto ko rin sana, Ma, kaso nanghihinayang ako. And I like my long hair more, I was tempted to cut it short like Scira and Zire kaso I can't imagine myself in shorter hair, I can't tie it in a pony."
She chuckled and nodded, slowly touching my cheek.
"Sa bagay, maganda naman ang anak ko kahit anong buhok, right?" Her eyes were so soft that I couldn't resist but to hug her.
"S'yempre, Ma! Hawig kaya tayo, sabi nga ni Papa. He's positive na when I became a lady, kahit naman dalaga na ako ngayon, sobrang kamukha raw kita. He said, he's not ready to have a headache when boys started to approach and court me. Magpa-practice na raw siya ng suntukan kapag nalaman niya."
I pouted. She rolled her eyes teasingly.
"Si Dash talaga, hayaan mo at tumatanda na 'yang tatay mo at medyo bugnutin." She said cheekily. "Bakit, Daru, may manliligaw ka na ba?"
Lumayo ako sa kanya at ngumuso, napapaisip.
"Well...I have admirers," I confessed. "I've been keeping their letters, Ma."
"Hmm, I knew it." She pinched my nose. "Alam ba ni Papa?"
"'Yong letters?" I asked. She nodded. "No, baka maglista ng pangalan 'yon at alam mo na, Ma—"
"Anong letters?" Mom and I almost jumped when we heard the voice. Sabay kaming napalingon sa harapan at nakita si Papa na naglalakad sa amin.
"Pa!" I chirped. Nanliit ang mata niya at tumaas ang kilay. His black eyes sought for my mom's who only shrugged.
"Parang pinag-uusapan n'yo ako, ah?" he asked kaya napalunok ako bago sumagot.
"Hindi po," I said.
He then looked at me curiously and at my Mom smiling beside me.
"Babe?" he called.
"Hindi, ah." Mama smiled innocently.
"Oh, you two definitely has secrets, don't you?" he concluded now kaya sabay kaming napahugot ng hininga ni Mama.
He smirked. Lumapit siya sa amin, ginulo ang buhok ko bago naupo sa tabi ni Mama at humalik sa pisngi nito.
"So...anong sekreto n'yong dalawa?" he asked kaya natahimik na naman kami ni Mama, walang ni isang nagsasalita sa aming dalawa. "I heard about letters..."
Nakagat ko ang labi para 'di masyadong kabahan, napaisip si Papa at mayamaya'y kumunot na ang noo bago humarap sa akin.
"Darshana, don't tell me—"
"Pa, let's go." Laking pasalamat ko nang bumaba si Kuya Macky sa hagdan, suot ang kanyang uniporme.
"Alright, but..." He glanced at me. "Ano 'yong—"
"Dash Rakiel, late na ang mga bata," putol ni Mama na nangingiti.
"No, babe. May narinig ako kanina, eh—"
"Hindi, tayo na..." Tumayo na si Mama at hinila patayo si Papa. "Late na ang mga anak mo."
"Pero—" I giggled when Mama kissed him to stop him from talking, nakita ko ang pagkakatigil ni Papa sa ganoon at parang batang umayos ng tayo.
"O-okay," pumiyok pa siya. Pinigil kong humagalpak at mang-asar.
"Come on, pumasok na kayong tatlo," ani Mama na bumaling sa amin ni Kuya Macky. Kuya smirked, staring at the both of them. Si Papa ay nanatiling nakatitig kay Mama kaya mas kinikilig ako.
I really hope to find a love like this!
"Let's go, Darsh." Kuya took my bag kaya natawa na ako, inayos ko ang uniform at sumunod sa kanya.
Nahuli si Papa na naglalambing pa kay Mama at off ngayon ni Mama sa university kaya wala siyang pasok at nandito lang sa bahay, meanwhile, my father has an overseas flight later kaya wala siya hanggang bukas.
"Kuya," I called his attention while he's opening the backseat for me.
"Hmm?" he asked, his blue eyes staring at me. He offered me his hand kaya kinuha ko iyon habang umaakyat.
"Do you believe in true love?" I asked. Tumango siya kaagad.
"Well, yes?" He smiled a bit. "I can see our parents, even our uncles and aunties. Papa Jer and Mama Lena is our living proof so, I guess I believe in it. We've experienced familial one. Hindi nga lang siguro natin nararamdaman pa sa ngayon ang pagmamahal ng mismong sa partner mo manggagaling."
"Kailang kaya iyon dumadating, Kuya?" I asked curiously. He shrugged, chuckling.
"I don't know, siguro sa tamang panahon? Kapag nakita mo na ang the one?" Ginulo niya ang buhok ko.
I pouted and nodded. "What if kunwari may crush ako tapos gustong-gusto ko, true love na ba 'yon kaagad?"
"I have no experience with that true love thing, princess." He chuckled. "So, neither I have no idea about it but for now? I think feelings are still not certain, bata ka pa, marami pang magbabago."
"You mean...kunwari I have a crush tapos gustong-gusto ko siya, p'wedeng mawala pa?" I asked and he nodded.
"It might be a simple infatuation, Daru." Bigla siyang natigilan at nanliit ang mata sa akin. "Why are you so curious, anyway? No'ng nakaraan pa 'yan, ah? Do you like—"
"Of course not!" Depensa ko at sinuklay ang buhok ko. "I just...you know, curious? I wanna try painting new pieces."
"Painting lang ba talaga, Darshana?" aniya kaya nanlaki ang mata ko at tumango.
"Oo nga, Kuya. Promise!" I exclaimed. "I'm getting bored painting sceneries these days so, I wanna try new subjects, you know?"
"I see..." He nodded, still staring at me curiously. "Papa-check ko nga kina Zire kung—"
"Wala nga, Kuya! Promise!" I showed him my hand, as if nanunumpa at umiling-iling. "May mga admirers lang naman pero I'm not doing anything silly."
He raised his brow at me, sumandal pa sa may nakabukas na pintuan.
"Should I believe you?"
"Of course." I smiled proudly at him. "Good girl ako, Kuya. Sabi ko sa mga admirers na bawal pa akong mag-boyfriend."
Pinagmasdan niya ako na parang sinusuri ako kaya hindi ko pinahalatang kinakabahan ako kaya ngumiti ako ng maliit sa kanya.
"Alright..." I was relieved when let it go. "Your art materials, bibilhin ko mamaya. Maaga ang uwi ko."
"Thank you, Kuya! Love na love kita!" I beamed as I pull him for a hug at natawa siya at niyakap ako mula sa labas ng sasakyan.
"No worries, just promise me no boys, okay? Study first, princess. Anong turo namin sa'yo ni Papa?"
"Maging good girl." I smiled cutely. "Mabait ako, Kuya, tanong mo pa mga pinsan natin."
Natigil lang kami sa usapan ni Kuya nang lumabas na rin sa bahay sina Mama at Papa na magkausap pa. My mother is simply wearing a shirt and her pajamas, si Papa ay suot ang kanyang kulay asul na uniporme at hawak ang cap niya.
He's a captain of the airlines our family owned and now, my brother aspires to be like him. He's taking a course offering Aviation while me? I wanted to take Tourism when I got to college.
Matangkad naman ako at pagbubutihan ko ang pag-aaral ko para deserve ko na makapasok sa airlines namin at maging Flight Attendant someday.
My mother kissed us goodbye before we left the house. Ang dalawang lalaki ay nasa harapan at nasa likod ako, ka-text ang mga pinsan na excited na excited sa papanooring basketball ngayon.
"Will you watch basketball, Darsh?" Nilingon ako ni Kuya roon kaya bumaling ako at tumango.
"Yes, Kuya. Scira and Zire are coming. Maglalaro ata sina Kuya Zy?" I asked. He nodded.
"Yes, I wanted to join too kaso may practicals kami mamaya." He shrugged.
I guess busy talaga kapag college, ano?
"Susubok na ba kayo magpalipad, Marcus?" Dad asked and I got curious too kaya dinungaw ko si Kuya na tumango.
Wow, baka susubok na silang magpalipad ng mga maliliit na helicopter or something? I wanted to try it too! Ang saya kaya sa eroplano! Bata pa lang ako at kapag may tour kami sa ibang bansa tuwang-tuwa ako kapag nasa ere at nanunuod ng mga crew at mga ulap!
I feel like I could do anything while on the top, mas mataas sa mga tao at halos kapantay na ang mga ibon sa ere. It felt so freeing, to be so high and see what's beyond the clouds.
Just that...kapag nasa ere ka at nahulog at walang sasalo, masakit.
I almost laughed.
Anong connect, Darshana? You're just talking about the flight and nothing else. In the future too, I will make sure that the man I'll love won't leave me in the air, alone.
No way.
"It's my first time so, I'm quite scared but...I can do it, right?" Bumaling siya kay Papa na tumawa at tumango.
"Oo naman, you can do it, son." Dad said then glanced at me in the mirror. "How about you, princess? Manunuod ka lang basketball?"
"Opo, may practice game mamaya para sa varsity kaya manunuod lang. Wala naman pong klase at nagche-check lang ng results ang teachers, Pa." I smiled.
"Kasama mo ba ang mga pinsan mo?"
"Opo, it's the college game. Baka kahit sina Ate Clyte nandoon," I said.
Ibinaba ako nina Papa sa tapat ng university at nagpaalam akong nakangiti, hindi bumaba si Kuya Macky dahil sa field siya ngayon para sa practicals. Isa pa, parang may mga tips pa ata si Papa sa kanya para 'di kabahan.
Pagkapasok ko pa lang ng university ay binati ako nang mga teacher na nakita ko.
"Magandang umaga rin po,"
"Nga pala, Miss Beauty Queen," ani ng isang teacher na babae.
"Yes po?"
"We forgot to tell you but next year sa intrams, kahit college ka next year, we are inviting you to judge." She smiled kaya bahagyang nanlaki ang mata ko pero mabilis na sumang-ayon.
"Sure, Ma'am!" I chuckled. "It would be an honor, I will pass the crown too, right?"
"Yes, hija," ani ng lalaking teacher sa akin. "The judges last time from your pageant commended you for doing a great job kaya they think you'll be a good judge, hija."
"Thank you, Sir, Ma'am." I smiled, feeling so flattered for the praises.
"You have a great future ahead of you, are you planning to join Miss Universe next time?" he even teased kaya natawa na ako.
"Ay, Sir. Wala pa po sa utak ko 'yan." I chuckled. "It's a long journey, magka-college pa lang po ako so, I am still not sure."
"You should consider joining, hija." She said. "Kuhang-kuha mo ang poise at aura ng isang Leona Harriet."
"Oh, that's too much of a praise po pero thank you." I smiled sweetly. "Mama Lena is a legend in pageantry, maybe if I got some tips and maybe if I'm good enough, sasali po ako."
"That's good to hear, hija. You got the aura of your grandmother and Professor Sandejas." She said, referring to my mother. "Plus the Sandejas blood? Oh, I can't say anything."
"Salamat po, Ma'am, Sir." I was very pleased and overwhelmed. "Those words are motivating, I will think of it in the future."
Pagkapaalam ko sa mga teacher ay at saka na ako umalis para dumiretso sa classroom sana pero nahagip ng paningin ko si Chance na bumibili ng pagkain sa may cafeteria.
My heart jumped, giddy and excited. Hinawi ko ang buhok ko at nilagay sa balikat, inayos ang hand bag na dala at taas-noong naglakad palapit sa kanyang tabi at kumaway sa tao sa canteen.
"Hello, Ate Mia, isang sandwich po at juice."
"Oh, Daru. Sige, hija." She smiled and left.
I can feel the intense stares beside me kaya pinaling ko ang ulo ko at nilakihan ang mata ko.
"Chance?!" I called, pretending to be shock.
He eyed me coldly, licking his lower lip and avoided my gaze. I bit my lip.
"Nandito ka pala? 'Di ko napansin." Kausap ko at ngumisi. He nodded nonchalantly.
"I can see." Tipid niyang sabi, mukhang nag-aantay ng order niya.
"Breakfast?" I asked.
He nodded a bit, not even looking at me kaya ngumuso ako.
Sungit naman ni Kuya! Snobber, akala mo talaga...
"Good morning pala," I greeted. "Sinong mas maganda? Ako o umaga?" I asked, remembering what he told me the last time.
Hindi siya umimik doon pero kita ko ang pagkunot ng kanyang noo. His jaw ticked, lumubog ang dimples niya nang basain niya ang labi niya.
Ang gwapo naman talaga, oo! Kaso ang sungit-sungit!
"Uy, Chance..." I called. He glanced at me again, looking annoyed or something.
"What?" he asked.
"Sabi ko, anong mas maganda? Umaga o ako?"
The side of his lips curved. I was very confident. Nagkatitigan kami.
"Umaga," he answered while looking at me straight in the eye. My jaw dropped.
What?
"Akala ko ba, ako—" naputol ang sasabihin ko nang biglang may kumalabit sa akin. I shifted my gaze and my eyes widened when I saw Brandon beside me.
"Hello, Darsh." He smiled handsomely.
"Brandon, hello!" I smiled widely at him. Nakita ko si Ate na binigay sa akin ang sandwich na order ko at juice kaya nagbayad ako at nagpasalamat.
"Congrats nga pala sa pagkapanalo mo sa intrams," he said. "I wanted to watch you live but I was in States for days but don't worry, I watched your full performance in social media."
"Really?" I asked happily.
"Yes, the crown's well-deserved." He smiled again. "You look beautiful, by the way—"
We both hear a drop, it made us jump. Lumingon ako at nakita si Chance, padarag siyang kumukuha ng kutsara sa lagayan sa gilid ko sa may counter, kunot ang noo at nakabusangot.
May humawak sa siko kaya bumaling kay Brandon na tinatawag ang pansin ko.
"Nga pala, Darsh, are you watching the practice game later? Nandoon ang mga pinsan mo, right? I was asking dahil manunuod ang section namin, how about you—"
"Excuse." Napahiwalay kami ni Brandon nang dumaan si Chance sa may gitna namin kaya napakurap-kurap ako.
He took some tissue before glancing at me a bit with his creased forehead and cold eyes. I pursed my lips.
Walang salita siyang umalis at bumalik sa p'westo niya kanina. I saw him fixing his tray, nang may inabot sa kanyang bowl ang nasa counter para sa ulam niya.
Tinawag ulit ni Brandon ang pansin ko.
"So, Darsh, ayon nga—" May tumikhim sa tabi namin kaya sabay kaming napatingin at nakitang malamig lang na nakatingin si Chance sa pagkain niya, hindi gumagalaw.
"So..." He started again. "I was wondering if you'd like to sit with me?"
"Huh?" Napabaling ako sa kanya at pabalik kay Chance na paalis na ata kaya nag-panic na ako. "Uhm, ano kasi, katabi ko ang mga pinsan ko."
"Oh, I see. Gano'n ba? Sige." He smiled a bit.
"Sorry! Ah, next time na lang!" I waved at him and turned my back, inayos ko ang hawak kong sandwich at humabol kay Chance na papunta na sa isang empty seat.
His back looks so good, matangkad siya, malinis ang gupit at medyo suplado. Pero sabi nila mabait naman? Well, I heard them talking na mabait naman talaga ito sa lahat pero bakit kapag ako ay sinusungitan?
When he sat on the empty seat ay lumapit ako, hawak pa rin ang pagkain ko.
I looked around and saw there are a lot of empty seats pero gusto ko talagang sumabay kaya ngumiti ako at tumikhim.
"P'wedeng makiupo?" I asked.
He glanced at me coldly and lowered his gaze on his food.
"No," he answered pero dahil hindi ako nagpapatalo ay walang-hiya akong naupo sa harapan niya at ngumisi.
"Paupo, Kuya, ah?" I smiled. He glanced at me like I have something weird on my face pero 'di naman nagsalita kaya hinawi ko lang ang mahabang buhok at binuksan ang sandwich.
"Hindi talaga papatalo," he said in a low voice pero narinig ko kaya natawa ako at nag-dekwatro, binubuksan ang sandwich.
"Of course, ano?" I said confidently. "Paano pang beauty queen ako kung hindi ako competitive? Right?"
"Bakit hindi ka makiupo doon sa kaibigan mo?" malamig niyang tanong sabay lingon sa likod kung nasaan sina Brandon kasama ang iilang kaibigan.
I shrugged.
"Gusto ko sa crush ko," I said and he was stunned. Nakita kong naiwan sa ere ang kutsara niya at napatitig sa akin.
I gave him another smile, binaba niya ang kutsara at tumikhim. He brows furrowed.
"Hindi ako pumapatol sa bata, Miss," ulit niya.
"Saktong pag-college na ako next year, eighteen na ako. I'm not a child anymore," I explained.
He scoffed.
"Maturity does not come with age, Miss Sandejas," he said. sipping on his coffee. "It doesn't matter if you'll be eighteen soon."
"At bakit hindi?" Kumunot ang noo ko. "I'm a woman na! I can definitely like you kasi hindi na ako bata—"
"You're too young for me, Miss," inulit niya. "I don't like young kids."
"But I don't look like my age, right?" I asked, medyo iritado na kasi ayaw niya talagang umamin na gusto niya ako at sumimsim ng juice. "They said I looked like I'm in nineteen or early twenties na!" I defended myself.
His dark eyes roamed on my face before lowering his head to check his food.
What's that look? Does he think I looked young?!
"And...and...I'm tall too!" I said. "Ako kaya pinakamatangkad na girls sa room namin and mind you. I can definitely join college girls! Kayang-kaya ko na makipagsabayan sa kanila—I am matured!"
"Matured girls definitely won't act that way," he said, muling kumain na parang wala lang.
Naiiritang kinagatan ko ang sandwich.
"Eh, anong tipo mo?" I snapped. "Maganda? Sexy? Ano?"
Hindi siya umimik at pinagmasdan lang akong nagra-rant sa harapan niya kaya naiinis na ako. He looks like he's enjoying this! He's enjoying my frustrations!
"Chance!" I called, my forehead creasing. "Ano nga kasing tipo mo—"
"Anyone," aniya. "Just not...you."
I froze, tongue-tied. When he turned his attention back, I'm sure he knew I was startled.
"So, please stop this, Miss Sandejas," he breathed. "You're too young for me."
"B-bakit?" laban ko kahit na nasaktan sa sinabi niya. "Bakit hindi? Ilang taon ka na ba? I know you're done with college and taking Masters but that's just maybe five or what years? Anong too young—"
"You actually still don't know a lot of things, Miss," komento niya at umiling. "You're too young for liking someone."
Nanuyo ang lalamunan ko.
"But I like you," I said shamelessly. "You know I like you, right? Wala naman masama roon, 'di ba? Masama bang humanga—"
"No, it isn't."
"Oh, ayon naman pala, ah?" I hissed. "Bakit ayaw mo—"
"That's just infatuation, Miss. That will fade away in time," he said straightforwardly. "You're young and I like mature and girls my age."
Huli ko nang natantong naubos na niya ang pagkain niya. Natulala lang ako at hindi na naubos ang kinakain ko nang tumayo na siya dala ang kanyang pinagkainan at malamig na bumaling sa akin.
"I only came here for my sister, Miss," I noticed the frustration in his voice. "Please, let's just pretend we didn't know each other. Excuse me."
Badtrip ako buong araw, kahit sa panunuod ng basketball ay wala ako sa wisyo at iritadong-iritado, Zire and Scira were cheering their lungs out while watching our cousins play.
"Go!" Narinig ko ang sigaw ni Ate Crest at Ate Clyte sa gilid.
Bumalik ako sa wisyo at bumaling sa court. Na kay Kuya Zion ang bola habang pawisan na tumatakbo roon.
"Here, Zion!" Kuya Deion exclaimed at mas tumili ang mga pinsan ko kaya ngumuso ako at sumandal sa bleachers habang nanunuod.
"Chiel!" Narinig kong tawag ni Kuya Deion at napaayos na ako ng tayo, mas nagkainteres na sa laro nila. I saw how Kuya Deion threw the ball to Kuya Chiel at si Kuya Chiel ang nasa tapat ng ring.
"Galingan mo, Alchiel!" eksaheradang sigaw ni Ate Clyte sa gilid ko kaya napatakip ako ng bibig at mas naging interesado na.
"Kuya!" I screamed when he dribbled and threw it. I gasped when he got it! Pumasok sa ring!
"Kambal ko 'yan!" Ate Crest screamed, tumayo sa bleachers at tinaas ang banner niya bago tumili-tili kaya tawang-tawa na ako at nakisali na sa pag-cheer sa susunod na round.
I was screaming my lungs out when I felt a gaze on me. Napawi iyon at inikot ko ang tingin para hanapin at 'di ko inaasahan ang nakita.
It was Chance in the other end of the bleachers, paniguradong sa kabilang hagdan dumaan kaya 'di ko napansin.
He's holding his sketch pad, glancing at our direction. He stopped when he saw me looking, naibaba niya ang lapis na hawak at kumunot lang ang noo ko.
Bumalik tuloy ang sinabi niya kanina kaya 'di ako ngumiti.
I lost the drive again kaya umirap ako at bumaling na lang muli sa court at parang tangang nakisigaw kasama ang mga pinsan, hindi na siya pinapansin.
The last time I saw him that day is when I went to the restroom. Nakasalubong ko si Brandon at nakausap at nakita ko ang pagdaan niya sa gilid, palabas ng court. He lowered his sketch pad when he saw us.
Lumubog muli ang dimple niya nang gumalaw ang kanyang panga sa pag-igting no'n pagk
kita kay Brandon na inabot ang wrist ko. I shot my brow up when our gazes met before rolling my eyes.
Sinimangutan niya rin ako at umalis, kunot ang noo.
–
It was like we had our mini reunion whenever my guy cousins are having a game, practice lang naman dahil sa nalalapit na varsity ang mga lalaki. Sayang nga at 'di nakasama ang Kuya Macky dahil sa practicals niya ngayon but he's joining the team.
Kilig na kilig si Zire at Scira habang magkakapit kami palabas ng university para kumain kasama sina Ate at Kuya, dahil maganda raw ang practice ay galante ang Kuya Chiel at nag-ayang kumain ngayong gabi sa labas. We changed our clothes because we're planning to take OOTDs of each other later.
Nagrereklamo si Zire habang naglalakad kami dahil nga naririnig niyang pinag-uusapan siya sa classroom nila at iritado pa.
"Ano bang nangyari?" I asked.
"Sabi nila, mata ko raw pang-alien!" She exclaimed kaya bigla kaming natawa ni Scira.
"Why? Because it's blue?" ani Scira doon at ngumuso si Zire, iritado.
"Oo!" She whined. "That Kierra! Akala mo kagandahan, nagbabayad lang naman kapag magpapagawa ng essay! Nakakairita na, sana kasi kaklase ko kayo!"
"Well, magkakaiba naman tayo ng grade level kaya..." I shrugged a bit. "I wanted to have you as my classmates, girls."
"Sana all brainy, sana all accelerated," ani Zire kaya bigla kaming napabaling kay Scira na nanlaki pa ang mata sa aming dalawa.
"What?" She asked, chuckling a bit.
"Sabi ko, sana all nasa higher level kaagad," ani Zire na badtrip na badtrip na. "Kasi, alam n'yo ba? Kaunti na lang tatambangan ko na si Kierra, copy cat pa! Remembered last time when my research got lost? The heck, noong pasahan nakita ko 'yong kanya at halos kagaya no'ng akin. Iniba lang ng ilang salita!"
"Ni-report mo ba?" I asked and my cousin sighed, shaking her head.
"Paano ko i-re-report eh, wala naman akong proof?" She mumbled kaya hinaplos ko na ang likod ng pinsan ko.
"Hayaan mo na at may paglalagyan din ang Kierra na 'yan," alo ko. "Dapat sumbong mo kina Tito Zeij or kay Kuya Zy."
"Hmp, ayoko. Sayang pa sa oras nina Dad." Nguso niya. "Tama ka, may paglalagyan din 'yan."
"She's just envious, Zire," ani Scira na hinawi ang buhok. "Envy can really drive a person insane, galit kasi sila na wala sila no'ng talent mo. May paglalagyan din 'yon, at saka inggit siguro kasi walang kulay ang mata." She said, pinapagaan ang atmosphere kaya nagtawanan na lang kami.
"Anyway, I heard Brandon talked to you?" Scira asked curiously me kaya natigilan ako, sa aming tatlo kasi ay ako ang mas higher grade at ka-batch ko si Brandon.
"Uh, yes," I answered. "Bakit? Ang galing ko 'no?" My lips rose for a smile.
"Ang s'werte mo, girl!" Zire exclaimed, halos sabunutan na ako. "Ang s'werte mo, sana pinakausap mo rin kami!"
"Well...beauty queen?" Pagsasakay ko at hinawi ang buhok ko kaya mas nagtawanan kaming tatlo at kung hindi pa tinawag nina Sibyl ay hindi pa lalapit sa kanila sa sasakyan.
Brandon Ocampo is a Grade 12 student like me, gwapo, basketball player din at matangkad. We knew him noong may orientation at siya ang model ng school brochure dati. Ang pogi niya kasi sa picture pero s'yempre sa personal din!
Brandon is our group crush. Group crush as in, kaming tatlo. Zire, Scira and Daru. Sabay-sabay kaming kikiligin kapag nand'yan 'yan.
Pero s'yempre bukod sa group crush, may individual crush din kami. S'yempre ang individual crush ko si Chance na masungit! Akala mo naman yummy!
Pero ayaw niya pala sa akin? E 'di, okay! Hindi naman siya kawalan, tanggal na siya sa listahan ng mga crush ko at marami pa akong reserba para sa mga next.
Kung anong bait ko kapag nand'yan sina Mama ay siya namang kalokohan ko kapag kasama ang mga pinsan, lalo na itong dalawa. We all have the same vibe when it comes to things, medyo magkakaiba man ang ugali pero nagkakasundo talaga.
Scira only has Brandon for a crush, may mga manliligaw pero medyo suplada kasi kaya hindi siya masyadong nilalapitan. Ayaw niya rin ng crushes kaya si Brandon lang ang kanya.
Kami ni Zire ang maraming crush pero ang main crush ko si Chance, ang s'werte nga noon at sa kanya lang ako umamin na may crush ako! I mean, okay, may list ako ng crushes ko mentally pero sa kanya lang ako sobrang nagka-crush ng ganito.
Ever since he helped me, he gave me that kilig factor I haven't felt for anyone else. Ang kilig ko sa crushes ko ay sakto lang, 'yong tipong kapag makikita ko silang pogi ay okay na okay na ako but Chance? I don't know. Gusto ko siyang makausap at masabing gusto ko siya.
I like him so much pero ayaw niya naman sa akin, kaya...e 'di h'wag! Marami pa namang lalaki sa future. Hindi ko na rin siya crush starting bukas! Itaga ko pa 'yan sa bato!
I-a-uncrush ko na siya! Akala niya?!
But I know for a fact that it was a scam...pero exempted pa naman ngayon, right? Kasi bukas pa naman ako nangakong hindi na siya crush.
Masama ang tingin ko sa kanya at sa babaeng kasama niya habang nakaupo sila sa resto kung saan kami kakain ngayong gabi. My cousins decided we'll eat in the tables outside para mahangin at maganda rin ang view dahil sa ilaw sa city na tanaw na tanaw namin sa ibaba.
Sumama lang naman ako kina Kuya mag-order sa counter at nang makita ko siya ay nagpaiwan ako, sinabing magbabanyo pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit may kasama na kaagad na babae si Chance?
I was seated at the table near them, I saw the two of them talking and unlike the way he talks to me, he looks so gentle talking to the girl. The girl she's with looks like she's just about my age or a bit older pero alam kong hindi ito nalalayo sa edad ko.
Nasa harapan niya ang babae, nag-uusap sila pero mayamaya ay tumango si Chance kaya tumayo ang babae para lumapit sa kanyang tabi.
My eyes widened when the girl kissed his cheek and hugged his arm happily na parang excited. Napangiti pa siya roon at may sinabi sa huli.
My heart physically ached.
What the heck? I thought...I thought he didn't like younger girls?!
Bakit ako? I'm sure hindi nalalayo ang edad ko sa kanya! Bakit gano'n? He's unfair!
I was so annoyed that I felt like I was betrayed, sinabi niyang ayaw niya sa bata pero kapag iba...
I saw him take his phone, nilagay niya iyon sa kanyang tainga at napatingin sa puwesto ko. I was expecting he'd be shocked at least but he wasn't! As if he knew I was there! Did he see me already?!
Kumunot ang noo ko at matalas na ang tingin sa kanya, the girl encircled her arms more on his arm while texting and I bit my lip, stopping myself from confronting him kasi, why would I?
I am a classy woman, I don't do catfights.
I am not—
I saw how Chance glanced at me again with the menacing yet cold brown eyes, lumubog ang dimple niya sa pag-ngiti habang may kausap sa phone.
Inaasar ba ako nito? Inaasar akong okay na ibang babae kahit mas bata basta hindi ako?
I couldn't stop myself anymore, tumayo na ako.
I stood with utmost confidence, as if I was walking on the runway or a pageant. My long legs stride as I make my way towards them.
That handsome smile on his lips vanished when he saw me approaching, tumayo ako sa harapan nila at lakas loob na nagsalita.
"You're cheating on me?!" I accused.
Natigilan siya pati na rin ang babae sa kanyang tabi at bumaling sa akin, nagtataka.
She's beautiful, alright! She looks classy too pero 'di ko matanggap na may dine-date siya na mas bata at hindi nalalayo ang edad sa akin pagkatapos niyang sabihing ayaw niya kasi bata pa ako?!
"How dare you cheat on me, Chance? Akala ko ba ako lang? You even said you'll introduce me to your parents?!" litanya ko.
I expected he'd be shocked or say something bad to me but to my surprise, a playful smirk appeared on his lips. He stood from his seat with the phone still on his ear, lumapit siya at kaagad na hinapit ang baywang ko palapit sa kanya.
I didn't expect he'll react this way kaya nagulat ako. I gasped, pushed him but he held me firmly on the waist, not letting me escape.
"Baby, this is Rene, my sister..." Sumulyap siya sa akin at bumaling sa babae at parang tinakasan ng kulay ang mukha ko sa narining.
My heart thumped nervously.
Shit!
What the hell? Kapatid niya 'yan?!
"O-oh...s-sorry! I thought..." Nanginig ang boses ko sa kahihiyan, wala ng lakas ng loob at kakapalan ng mukha.
"Rene," aniya na binalingan ang kapatid. "This is Darshana Sandejas, my girlfriend."
Imagine how my jaw dropped after hearing it from his mouth. I panicked and shook my head, tinulak ko siya pero mas pinirmi niya lang ang kamay sa baywang ko.
"I—" hindi ko na alam ang sasabihin at gagawin nang muli siyang bumaling sa kausap sa phone at may sinabi.
"Mama, guess I'm introducing my girlfriend to you," he said while staring at me, smirking.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz