Mi Amore Series 3 My Broken Heart
Fin's POV"Goodmorning beautiful." nakangiting bati ko kay Rose pagkalabas nya ng kwarto nya. Nakasuot pa rin sya ng pangtulog nya.Napakunot ang noo nya naikatawa ko ng bahagya. Hindi nya siguro ine-expect na maaga ako ngayon. Tumingin sya sa orasan na nakasabit sa pader tapos sakin. Nginitian ko sya."Ang aga mo." sabi nya at naglakad papunta sa counter.Ala singko palang ng umaga ay nandito na ako sa bahay ni Rose. Maaga ang pasok naming parehas pero mas maaga papasok si Rose dahil may gagawin pa raw ito sa unang araw nya.Nakitbitbalikat ako. Pinaghain ko ng pagkain si Rose. Fried foods lang ang niluto ko dahil ayun lang naman ang kaya ko tsaka umaga naman ngayon kaya okay lang ang mga niluto kong ulam."Kape lang sakin ah." sabi ko dahil nagtitimpla sya ng gatas nya.Hindi naman sya nagsalita pero pinagtimpla nya ako ng kape. Masayang hinintay ko sya sa lamesa tapos sabay kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ay naligo na sya habang hinugasan ko naman ang pinagkainan namin.Nung okay na ang lahat ay pumunta na kami sa school. Hinatid ko sya sa clinic dahil baka maligaw pa sya rito. Ayoko pa sanang umalis dahil masyado pang maaga para sa klase ko kaso madaming aasikasuhin si Rose sa new environment nya kaya naman nag-ikot ikot na lang ako sa buong schools. Kahit ilang years na ako rito nag-aaral may mga parte pa rin ng school akong hindi napupuntahan. Malawak ang Hills University at kailangan ng sasakyan para makapunta sa pinakalikod nitong school kung ayaw mong mapagod.Nung alam ko na nandito na ang apat ay pumunta na ako sa school namin. Nakita ko naman na naglalakad mag-isa si Jade kaya naman minadali ko ang paglalakad para mahabol sya."Goodmorning Jade!" masayang bati ko kay Jade."Ang saya mo ah? excited pumasok? wala naman na si Ms. Dani." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya."Shhh! pinagsasabi mo?" napatingin ako sa paligid baka may makarinig sa sinabi nito. Pahamak talaga minsan ang taong ito."Ang saya mo kasi eh parang natuwa ka pang pasukan na." sabi nya.Napangiti naman ako. "Syempre naman 'no." napakunot ang noo nya. Mukhang nagtataka ito kung bakit."Bakit?""Eh kasi..." napahalikgik ako nang maalala ko si Rose. "Dito na nagtra-trabaho si Rose." masayang sabi ko. "Weh?! seryoso?" gulat na tanong nya. Napatango-tango ako."Yup! saya 'no?" sabi ko. Napailing sya. "Mamaya nga magsasakit sakitan ako para makapunta sa kanya." bawal kasing tumambay sa clinic kung wala naman sakit na nararamdaman pero sa tingin ko naman ay papayagan ako ni Rose na tumambay doon dahil sa hospital nga lagi akong nakatambay eh. "Siraulo. Tatakas pa eh." tinawanan ko sya. Bakit ba? gusto kong makasama si Rose eh.Pumasok kami sa classroom namin at nandoon na ang tatlo. Nakisali kami ni Jade sa kanila"Guys, alam ninyo bang dito na nagtra-trabaho si Rose." balita ko sa kanila. Pati sila nagulat sa nalaman nila."Oh? edi madalas mo na syang makikita nyan?" tanong ni Veron. Kinindatan ko ito."Ayos 'di ba?" nakangiting sabi ko. Masaya naman sila para sakin. Botong boto rin sila kay Rose dahil sabi nila, nagagawa raw ni Rose na pasayahin ako. Sobrang saya ko naman talaga basta kasama ko si Rose. Si Rose na nagbigay ng sigla sa buhay ko.Maya-maya ay nag-bell na at nagsiayusan na kami dahil terror ang prof. namin ngayon, ayon sa mga dating fourth year student. Matanda na kasi kaya ganon. Bumukas ang pintuan at sobrang tahimik naming lahat. Mahirap na ma-badshot sa unang araw.Pumasok ang prof. namin pero hindi ang matandang prof. namin ang pumasok. Isang magandang nilalang. Hindi ako makagalaw pagkakita ko sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko pero may kirot. Yung sakit na nararamdaman ko noon ay bumalik."Ms. Dani!" may masaya, may nagulat at may nagtaka kung bakit sya bumalik. Pero ang apat kong kaibigan ay nag-aalala. Nag-aalalang nakatingin sakin. Ngumiti ako sa kanila at sinabing okay lang ako kahit hindi.Hindi ako makapaniwala na bumalik sya. Akala ko hindi na sya babalik. Pero alam kong kahit bumalik sya ay wala rin naman pag-asa, mas gusto nya si kaliwa. Alam ko dahil nakita kong napasulyap sya kay kaliwa na nasa pinakadulo ng row namin. Ni hindi nga nya ako tinapunan ng tingin. Siguro wala lang sa kanya yung nangyari samin kaya hindi nya ako tinignan.Kung dati ay nagfo-focus ako sa mga tinuturo nya at nakatingin sa kanya. Ngayon ay mas pinili kong yumuko o tumingin sa labas ng bintana. Nasasaktan ako kapag tumitingin ako sa kanya. Ayoko ng magpakatanga pa kaya umiiwas na ako. And besides, masaya na ako kay Rose.Napangiti agad ako nang maalala sya. Oh god, namimiss ko agad sya. Pagkatapos na pagkatapos talaga nito ay pupuntahan ko sya. Pagkatapos ng klase nya ay nagpaalam ako kanila kaliwa na pupuntahan ko si Rose."Guys, sumakit tiyan ko pupunta lang ako sa clinic para magpahinga." sabi ko habang kinukuha ang bag ko. May two hours pa naman kaming vacant bago ang sunod na klase namin. Usually, kapag ganito katagal ang vacant namin ay tumatambay kaming lima sa mga bench at kapag may napagtripan kalokohan ay ginagawa namin.
"Tiyan mo talaga o puso mo?" sabi ni kaliwa. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Hindi kami mag-bestfriend kung hindi nila ako kilala sa nararamdaman ko."O baka naman pupuntahan mo lang si Nurse Rose ah?" tanong naman ni Veron. Napangiti ako pagkabanggit nya sa pangalan ni Rose. Gusto kong matawa dahil sabay silang napailing. What? masaya ako kay Rose eh."Sige na, mukhang si Nurse lang naman ang gagamot sayo." sabi ni kaliwa."Naman, sya lang naman ang pinakamagaling na nurse sa buong mundo." proud na sabi ko."Corny mo Fin. Lumayas ka na nga." natawa ako kay Jade."Sige, kitakits na lang mamaya." sabi ko at pumunta sa clinic.Five minutes lang ang lakad papunta sa clinic pero dahil atat akong makita sya ay binilisan ko ang paglalakad ko kaya umabot lang ng tatlong minuto. Ganon ko sya kamiss.Nagtataka ako dahil ang daming lalaki ang sumisilip sa clinic. Naririnig ko ang mga bulungan nila. Mukhang si Rose pa ang pinag-uusapan nila kaya naman tumigil ako sa paglalakad at pinakinggan sila."Grabe, ang chicks ng bago nating nurse. Parang gusto ko na lang palaging magkasakit." kumunot ang noo ko sa sinabi ng isang lalaki. Aba't gagayahin pa ang style ko."Oo nga eh. Ang ganda nya tapos ang sexy pa." sabi ng isa pang lalaki. Well, swerte na lang talaga ako kapag sinagot nya na ako.Isipin pa lang na sinagot nya na ako ay parang akong kiti-kiti na kinikilig sa tabi. Ang saya lang isipin na akin si Rose. Tae, ang corny ko."Ang sarap nya pre. Laki ng boobs." Okay. Iba na 'yon. Minamanyak na nya si Rose. Mga lalaki talaga, purkit maganda, bira agad. Sarap nilang ingud ingud sa putek."Ano, kamusta pre?" tanong nila sa lalaking lumabas ng clinic. Mukhang aso ulol syang nakangiti habang hawak sa dibdib nya at nakatingin sa itaas. Parang tanga naman ito."Ang bango nya." tila ini-imagine nya pa si Rose dahil napapikit ito.Mabango naman talaga si Rose kahit nga pawisan 'yon, ang bango pa rin eh. Isang beses nga hindi naligo 'yon pero ang bango nya pa rin. Hindi mo nga talaga aakalain na laking probinsya ang taong iyon."Ako naman, ako naman." sabi ng isang lalaki. "Pre suntukin mo ako dali." sabi nya. Napailing ako sa mga kalokohan nila. Mga pasimple."Fin!" isang lalaking nakapansin sakin kaya lahat ng lalaking nasa labas ay napatingin sakin."Oh?" mataray na sabi ko sa kanila. "Ganyan talaga kayong mga lalaki 'no?""A-anong ganito kami?" utal ng isang lalaki. Napangisi ako."Magsasakit sakitan para lang mapalapit sa bagong nurse?" sagot ko sa kanila at humalukipkip ng braso."Uy hindi ah! napadaan lang kami. Tara na nga pre." sabi ng isa at hinila ang isang kaibigan nya siguro. "Tangina, sayang." narinig ko pang bulong nya. Gago 'yon ah.Umalis na rin yung iba. Nilagpasan nila ako na tila wala akong narinig sa pinagsasabi nila kanina. "Tsk." sabi ko sa inis. Tatandaan ko ang mga mukha ng mga 'yon. Subukan nilang bumalik, makakatikim sila sakin.Hindi lang kami kilala rito bilang cheerleaders, troublemaker din kami dahil sa mga kalokohan namin pero yung mga pinagtri-tripan namin ay yung mga bully na sobra-sobra na ang ginagawa sa mga kawawang estudyanteng wala naman ginawa sa kanila. Ginagantihan lang namin sila. Kaya yung mga 'yon? malilintikan ang mga 'yon samin kapag binastos nila si Rose. Ayaw pa naman namin na may binabastos sa mga taong kilala namin lalo na sobrang mahalaga samin.Bumuntong hininga ako. Mas madami palang lumalapit kay Rose rito sa school kaysa sa hospital. Sa hospital nga may nagbibigay pa sa kanyang bulaklak at chocolate. Maraming nanliligaw kay Rose pero binabasted nya rin agad. Ako lang yung hinayaan nyang ligawan sya kaya nga sobra-sobra ang saya ko dahil ako lang pinayagan nyang ligawan sya. Hindi ako nababahala sa magiging karibal ko sa kanya dahil doon pero nababahala ako sa mga lalaking kung tignan sya ay hinuhubaran sya.Ewan ko nga sa mga lalaking iyon at nagagawa pa rin makita si Rose na sexy sa suot nitong uniform na maluwag naman sa kanya. Paano pa kaya kung fitted shirt na isuot nya? baka maglaway na ang mga lalaki sa kanya kasi ako halos maglaway na talaga nung nakita ko syang nakasando lang sa bahay nya at nakapanty lang. Shete lang dahil ang laki ng dibdib nya tapos ang curve pa ng katawan nya, parang bote ng coca-cola sa sobrang sexy tapos ang laman ng pwetan nya. Nahihiya nga ako sa kanya sa mga oras na 'yon dahil nakatitig ako ng matagal sa kanya. Kung hindi lang sya pumasok sa kwarto nya at nagbihis hindi pa ako matatauhan. Ang sexy nya lang kasi! Kung naging lalaki siguro ako may tumayo na sakin. Nakakawala kaya sa katinuan ang katawan nya kaya simula non kapag nagbibihis sya ay nasa labas talaga ako at kapag ganon ang mga suot nya ay pinagbibihis ko sya ng maayos na sinusunod nya naman.Hay nako Rose. Kapag nagkaroon ng outing na swimming wag na wag lang talaga sya magsusuot ng two piece. Baka kung ano mangyari sa kanya.Pumasok na ako sa loob ng clinic pagkatapos kong alalahanin ang katawan ni Rose. Napatingin agad si Rose sakin at mukhang ine-expect nya akong dumating dahil hindi man lang sya nagulat o nagtaka kung bakit ako nandito."Ano naman ang idadahilan mong sakit?" natawa ako sa kanya. Ganyan ang bungad nya palagi sakin kapag pinupuntahan ko sya sa hospital. "Puso ko. Nagseselos ako dahil mas dumami ang mga nagkakagusto sayo rito sa school. Hustisya naman 'di ba?" sabi ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan nya."Gusto mo rin naman na nandito ako." sabi nya tapos ginamitan nya ako ng stethoscope."Yes naman 'no." kinindatan ko ito pero inirapan nya lang ako. Nakatingin lang ako kanya habang chine-check ang dibdib ko. Kahit na wala naman talaga syang iche-check. Tumigil sya sa tapat ng puso ko. Alam kong naririnig nya ang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit na pinatibok nito kanina ni Ms. Dani, tignan ko lang ng ganito si Rose parang gustong lumabas ng puso ko sa sorbang lakas ng tibok nito. Beautiful.Hindi lang naman ang katawan nito ang nakakawala ng katinuan ko dahil pati ang malaanghel nyang mukha. Maganda, sobrang ganda ni Rose. Mula sa hindi gaano kakapal na kilay nya, ang malachocolateng mga mata nya, sa matangos nyang ilong hanggang sa nakakaakit nitong pinkish lips. Gusto ko ngang tanungin kung totoo nya bang mga magulang ang kilala nya magulang dahil halata naman sa kanya na may lahi sya. Ang puti nya. Ilang beses ko na sinabi ito na para syang hindi laking probinsya dahil sa kutis nito. Ako nga na naka-aircon palagi sa bahay hindi naman ganon kaputi katulad nya.Pinagmasdan kong umangat ang tingin nya sakin. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa tingin nya. Kusa naman gumuhit sa mga labi ko ang ngiti. Kada nakikita ko talaga ang malaanghel na mukha ni Rose ay napapangiti ako. Para kasi akong nasa langit na.Walang duda.In love nga ako sa taong ito.Ang taong laging laman ng isip ko bago matulog at sa paggising ko. Sya ang dahilan kung bakit sobrang saya ko ngayon. Tipong banggitin lang ang pangalan nya ay napapangiti na ako. Makasama ko lang sya kahit saglit lang, buo na ang araw ko. Kahit sungitan nya ako o hindi pansinin ay ayos lang. Makita ko lang sya, masaya na ako."So? may sakit ba ako sa puso? kasi kada nakikita kita parang akong aatakihin sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko." sabi ko. Kailan pa ako natutong bumanat? iba na tama ko.Napailing sya sa sinabi ko pero hindi naman nakaiwas sakin ang ngiti nya. Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagngiti sa kilig.One point, Fin! Diwang ko sa loob-loob ko."Sabay tayo mag-lunch ah? sa rooftop tayo kain. Masarap kumain doon, mahangin." sabi ko habang sya ay may sinusulat. Siguro report nya o baka reseta ko sa pagkahulog ko sa kanya ng sobra. Okay, ang corny ko na talaga.Nahiga naman ako sa higaan para naman kung sakaling may dumating ay hindi nila ako maisipan na tumatambay kahit ang totoo talaga ay tambay ako rito. Ang lakas kong magtaboy ng mga lalaki kanina pero isa rin ako sa mga gustong makasama si Rose. Well, at least ako matino ang intensyon ko kay Rose."Wala ka bang klase?" bagkus ay tanong nya. Kailan kaya ako nito sasagutin sa tanong ko na hindi patanong?"Wala pa. Mamaya pang alas dose." sagot ko."Paano tayo magsasabay mag-lunch kung alas dose ang next class mo?" sabi nya. Tumingin ako sa kanya. Hala oo nga 'no? Napatampal ako ng noo ko. Ang panget pala ng schedule namin. Tatlong beses sa isang linggo ko hindi makakasabay kumain si Rose sa lunch. MWF pa."Hindi ka ba pwedeng kumain ng eleven o'clock? kahit eleven thirty?" nakasimangot na sabi ko. Gusto ko pa naman sabay kaming kumain ngayon since first day nya ngayon dito."Hindi pwede." lalo akong sumimangot. Tumingin ako sa kanya na nagmamakaawa pero hindi sya lumilingon sakin. "Sabay na lang tayo mag-dinner mamaya."Biglang nagliwanag ang mood ko. "Talaga?" napaupo pa ako sa sobrang saya ko.Lumingon sya sakin. "Ayaw mo?" mabilis na napailing ako."Gustong gusto ko kaya." nakangiting sabi ko. "Pero lagi naman tayong sabay kumain sa gabi." pero masaya pa rin ako na niyaya nya ako na sabay kami kumain. Usually kasi ako ang nag-aaya sa kanya kaya natuwa ako na niyaya nya ako. Pambawi siguro dahil hindi kami sabay kakain mamayang lunch.Magsasalita pa sana si Rose nang pumasok ang tatlo kong kaibigan. Nagtataka ako dahil inaalalayan nila si Jade na tila nanghihina."Anong nangyari?" tanong ko sa kanila at nilapitan si Jade. Tinignan ko kung may sugat ba sya."Ako na." sabi ni Rose at sya na tumingin kay Jade. Tinignan ko ang dalawa kung ano bang nangyari kay Jade."Pumunta kami kanina sa baseball field. Muntik na syang matamaan ng bola." sabi ni kaliwa."Ano? alam ninyong may trauma si Jade sa baseball. Bakit kasi pumunta pa kayo roon?!" sigaw ko sa kanila. Napangiwi naman ang dalawa pero hindi naman sila sumagot. Napahilot ako sa sentido ko.Si Jade ang pinakamalapit sakin sa kanilang apat. Ako ang laging nasa tabi nya nung natrauma sya sa baseball kaya alam ko kung gaano kahirap kay Jade sa tuwing naaalala ang baseball. Nawala sa kanya ang pinakagustong career nya sa buhay."She's okay. Kailangan nya lang magpahinga." sabi ni Rose. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Kung wala na sa inyo ang may nararamdaman sakit ay pwede na kayong umalis. Bawal ang masyadong madaming estudyante rito sa clinic.""Alis na kayo." pagtataboy ko sa dalawa. Napailing naman sila sa inasta ko pero alam kong wala lang iyon sa kanila."Kasama ka, Fin. Wala ka naman sakit." sabi ni Rose na ikinasimangot ko habang natawa naman yung dalawa."Akala mo ah." nang-aasar na sabi ni kaliwa."Bakit kasama ako?" nagtatampong tanong ko kay Rose."Wala ka naman sakit eh. Nagsasakit sakitan ka lang." sabi ni Gia. Inirapan ko naman sya."Layas na." sabi ni Rose habang nakatingin sakin. Hindi naman ako nasasaktan sa pagtataboy nya sakin. Minsan napag-usapan namin na baka magtampo ang apat sakin dahil madalas kaming magkasama. Sinabi ko naman sa kanya na hindi naman ganon ang apat pero gusto nya pa rin na maka-bonding ko ang apat at ito ang ginagawa nya.Sumimangot ako. "Okay. Kumain ka mamaya ah?" sabi ko."Oo. Kumain ka rin bago pumasok sa next class mo." napangiti naman ako sa pagiging concern nya."Aye aye captain." nakangiting saludo ko."Bakit ang corny mo ngayon?" tanong ni kaliwa tila naiirita sa pinaggagawa ko. Palibhasa si Nissan ang sunod sunuran sa kanya."Maganda kasi ako." tila nasusuka naman yung tatlo sa sinabi ko. Epal."Tara na nga. Jade, kapag okay ka na, sunod ka na lang okay?" sabi ni kaliwa."Sige." sabi ni Jade. Ngumiti kami sa kanya. Nagpaalam ang dalawa kay Rose at ganon din ako syempre pero may kasamang kiss sa pisngi. Inasar naman ako ng tatlo pero binaliwala ko lang sila. Lumabas na kami ng clinic."Kapag tinamaan ka nga naman ng pag-ibig." sabi ni Gia. Napatingin samin si kaliwa. Nasa gitna kasi ako ng dalawa. Tapos natawa sya."Mai-inlove ka rin, sa tamang tao." sabi ni kaliwa. Si Gia at kaliwa naman ang magkalapit sa isa't isa. Magkapitbahay lang kasi sila noon kaya sila ang naging close sa isa't isa. Si Veron, sabihin na natin sya ang takbuhan naming apat. Parang sya ang ate saming magkakaibigan kahit na sya ang pinakabata. Mature na kasi syang mag-isip. Sa edad pa lang nya ngayon ay may sikat na syang bar. May saltik lang talaga minsan pero kapag seryoso ang usapan, sya ang pinakamatino samin."Tsaka ko na iisipin 'yan. Thesis muna." natawa kaming tatlo. Buti natauhan na sa huling boyfriend nya na ilang beses na syang niloko kaya ang lakas din asarin ni kaliwa si Gia kapag lovelife ang pinag-uusapan dahil nagpakatanga sya roon sa panget na ex nya.Alas tres ng hapon ang tapos ng klase ko habang ala singko naman ang tapos ng duty ni Rose kaya naman tumambay ako sa clinic at doon sya hinintay. Hindi naman na ako pinalayas ni Rose kaya naman umacting ako na may sakit kapag may pumapasok na estudyante o prof. tapos kapag kami na lang ang naiwan sa clinic ay nakikipagkwentuhan ako kay Rose.May kumatok sa pintuan kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko."Excuse me." bigla akong napamulat nang ma-realize ko kung kaninong boses 'yon.Nagtama ang tingin naming dalawa. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko pero naramdaman ko ang kirot nang mabilis din syang umiwas ng tingin. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at hinayaan silang dalawa mag-usap.Masakit ang ulo ni Ms. Dani kaya sya nandito at humihingi sya ng gamot. Akala ko pagkabigay sa kanya ng gamot ni Rose ay aalis na sya pero nanatili sya at nahiga sa kabilang higaan. Pinayuhan sya ni Rose na dapat gawin ni Ms. Dani para makaiwas sa masakit ang ulo."Gusto mo?" idinilat ko ang mga mata ko at tumingin kay Rose. Nasa gilid ko sya kaya alam kong ako ang kinakausap nya."Ayan ba yung pasalubong ko?" nakangiting sabi ko pagkakita ko sa binili kong panutsa para sa kanya."Oo." sagot nya at binigyan ako ng panutsa.Kumain lang ako ng panutsa hanggang sa matapos ang duty ni Rose. Medyo awkward lang dahil kasama namin si Ms. Dani. Alam kong nakilala ni Rose si Ms. Dani kaya naman hindi na ako kinibo nito pagkatapos ako bigyan ng pagkain. Patay na naman ako nito kapag nakalabas na kami dito at hindi pa rin ako iniimik.Dumating ang kapalitan ni Rose sa clinic. May panggabi na nurse dahil may umaabot ng alas nueve ang klase rito. Kaibigan naman ni Rose ang kapalitan nya. Idinamay nya na rin ang kaibigan nya dahil pati rin ito ay may pangangailangan. Mabuti na lang ay mabait ang may ari ng school at tinulungan silang dalawa."Anong sakit mo Fin?" tanong ni Jen ang kaibigan ni Rose. Natawa ako. Kilala nya ako at alam nyang wala akong sakit at gusto ko lang makasama si Rose. Parehas sila ni Rose na ganon ang bungad sakin."Sakit sakitan." sabi ni Rose habang inaayos ang gamit nya. Napakamot naman ako ng ulo nang tumawa si Jen."Nako Fin." naiiling na sabi ni Jen. "Oops may kasama pala tayong iba." sabay-sabay kaming napatingin kay Ms. Dani na sa tingin ko ay tulog. Kanina pa sya nakapikit eh tapos medyo nakaawang pa ang bibig nya. Mukhang stress sya ngayon. Naalala ko na bumagsak pala ang ilang company nila kaya sila umalis.Nakalimutan ko sya roon ah."Natutulog naman sya." sabi ko. "Let's go?" aya ko kay Rose at kinuha ang bag ko na nasa tabi lang din ng bag nya."Jen. Mauuna na kami." paalam ni Rose."Ingat kayo." ngumiti kaming parehas kay Jen bago lumabas ng clinic.Habang naglalakad kami papunta sa parking lot ay tinanong ko sya kung saan nya gusto kumain."Sa bahay na lang. Ipagluluto na lang kita." sabi nya na ikatigil ko sa paglalakad."Talaga?!" kahit na minsan ay share kami sa baon nya, gustong gusto ko talaga ang mga luto ni Rose. Ang sarap kasi eh. Mas pipiliin ko nga na kainin ang luto nya kaysa sa mga pagkain sa restaurant.Nakahinga rin ako ng maluwag dahil hindi nya naisip si Ms. Dani kanina. Akala ko hindi nya ako papansinin na naman."Oo pero wala na akong stock kaya mamamalengke muna tayo pero..." tumigil sya sa pagsalita at tumingin sakin mula ulo haggang paa. "Magpalit ka muna ng damit. Ang ikli ng palda mo." napatingin naman ako sa suot kong skirt. Maikli talaga ang skirt namin. Above the knee. "Baka may humipo pa sayo sa palengke kapag nakita ka nilang ganyan." kinikilig naman ako sa pagiging concern nya."Edi sa supermarket na lang tayo bumili." sabi ko. "Mahal doon at hindi pa fresh ang mga gulay." sabi nya."Ikaw bahala." pinagbuksan ko sya ng pintuan ng kotse. "Sige, para maipakilala na kita sa mga magulang ko." nakangiting sabi ko.Napatigil naman sya sa pagpasok ng kotse at tumingin sakin."Seryoso ka dyan?" tanong nya."Ayaw mo ba?" napakamot ako ng ulo ko. Pansin ko kasi sa mukha nya ang pagkagulat."Hindi naman sa ganon. What if, ayaw nila sakin?" ayun lang ba ang problema nya? kung alam nya lang."Wag kang mag -alala. Gustong gusto ka nila lalo na pinapasaya mo ako." nakangiting sabi ko. Napakagat sya ng labi nya at umiwas ng tingin. Oh my god, ang hot nya roon!"Napapasaya ba talaga kita?" tanong nya at muling tumingin sakin na nag-aalala.Isinarado ko ang pintuan ng kotse at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang isang kamay nya at iniligay sa kaliwang dibdib ko."Narinig mo naman kanina 'di ba? kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobra-sobra ang saya ko kapag nasa tabi kita. Hindi mo alam kung gaano mo napasaya ang buhay ko nung dumating ka. Alam mo bang lagi sinasabi sakin ni Papa na nung makilala kita ay sobrang saya ko, kahit sila kaliwa ay ayun ang sinasabi nila at nagpapasalamat sila dahil dumating ka. Botong boto silang lahat sayo." nakangiting sabi ko.Nagtaka ako dahil yumuko sya."Yung babae kanina sa clinic. Sya 'yon hindi ba?" tanong nya. Una ko agad naisip si Ms. Dani. Nag-aalala ba sya kay Ms. Dani?"Tapos na ako sa kanya, Rose. Ikaw na ang gusto ko ngayon." inangat ko ang mukha nya. Tinignan ko ang mga mata nya. Mukhang nababahala sya kay Ms. Dani.Sabi ko na nga ba. Kahit na sinusungitan nya ako ay alam kong nagugustuhan nya na rin ako. At ngayon bumalik na si Ms. Dani, akala nya siguro ay mawawala na ang feelings ko sa kanya. Nagkakamali sya. Tapos na ako kay Ms. Dani. Oo nagulat ako nung bumalik sya pero alam kong kahit bumalik sya wala pa rin. Suko na ako. Ayoko na, lalo lang ako masasaktan kapag pinagpatuloy ko pa at tsaka nandyan si Rose. Ayoko syang saktan dahil alam ko kung gaano kasakit ang masaktan. "Fin." ngumiti ako sa kanya."Pwedeng pahalik?""Hindi." sabi nya sabay bukas ng pintuan. Napasimangot naman ako pero ngumiti rin agad at nagmadaling pumunta sa kabilang side."Sa tingin ko sa bahay na tayo kumain. Bukas mo na lang ako ipagluto. Gusto nila Mama na makakwentuhan ka. Matagal na nilang gustong makilala ka kaya sigurado akong matatagalan tayo doon." sabi ko habang iniistart ang engine. "Uuwi muna tayo sa inyo o diretso na tayo samin? okay naman ang suot mo eh. Hindi mo naman kailangan magpa-impress sa kanila. Gusto nila ang simpleng tao lang.""Sure kang ayos ang suot ko?" kahit na ang seryoso ang mukha nya ay nahahalata ko naman na medyo kinakabahan sya. Sino ba naman ang hindi kakabahan kapag pinakilala sa parents?"Sure ako. Maganda ka pa rin at sexy." kinindatan ko sya at namangha ako na makita syang mag-blush. Mabilis akong tumingin sa daan dahil nagdri-drive na ako.Sa totoo lang ay ngayon ko lang sya nakitang mag-blush, ngayon ko lang kasi sya pinuri sa kagandahan nya. Nahihiya kasi akong sabihin 'yon sa kanya kaya hindi ko 'yon masabi sabi sa kanya dahil baka kasi isipin nya na katawan lang ang habol ko sa kanya. Kaya dinadaan ko lang sa pagpacute at pangungulit. Maganda rin pala na pinupuri sya, nakikita ko ang pagmumula ng mukha nya. At least hindi lang ako yung palaging namumula ang mukha saming dalawa."Ang cute mong mag-blush." sabi ko at saglit na tumingin sa kanya."Shut up." sungit nya. Natawa ako.Hay nako Rose. Ako na talaga ang pinakamasayang tao sa lahat.
----------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz