Lipstick Lullaby
"You're a persistent little one, aren't you? Mana ka talaga sa Mommy mo." Pinugpog ni Migs ng halik ang bata bago muling binaba. "Okay, champ, we can do this. Let's walk to Mommy."Kahit gumegewang at nagkatapi-tapilok ay pinilit ni Evan na maglakad palapit sa akin habang inaalalayan siya ni Migs sa magkabilang kamay. Ilang hakbang pa ay nasa harap ko na siya.
"Ang galing galing naman ng baby namin. Natututo nang maglakad." Kinuha ko siya mula sa pagkakahawak ng ama niya sa kanya at binuhat.
"He just won't stop until he gets what he wants." Naiiling at nangingiting sabi ni Migs bago yumuko para siilin ako ng halik sa labi.
Walong buwan na mula nang magsilang ako ng isang lalaking pinangalanan namin na Evandro Cordova. Katulad ng ama ay blonde din ang buhok ni Evan. Kamukhang-kamukha ito ni Migs. Kung itatabi mo ang baby picture ni Migs kay Evan ay pagkakamalan mong siya ang nasa litratong iyon.
Biglang hinaklit ni Evan ang suot kong damit at ibinaba iyon. Pareho kaming natawa ni Migs habang pinanonood siyang hinahanap ang dibdib ko at dumede mula doon. Bumaba ang ulo ni Migs at hinalikan sa pisngi ang anak niyang abala sa pagdede.
"You're a go-getter, aren't you?" Paglalambing niya sa bata.
"Baka naman kasi nakikita sa tatay kaya ginagaya." Biglang parang kabuteng sumulpot si Ninang sa hardin.
Lumingon kami sa gawi niya at nakita silang dalawa ni Mammy na may tig-isang hawak na tray at ibinaba iyon sa mesa sa veranda.
"Hindi, ah. Behave kami sa harap ng mga bata." Depensa ko.
"Kumain na kayo. Handa na ang merienda. Nagluto ako ng ginataang bilo-bilo." Sabi ni Mammy. "Nagpakulo din ako ng malunggay para hindi ka nauubusan ng gatas. Aalam mo naman yang anak mo, sobrang takaw sa dumede."
"Kaya tumataba lalo ang Evan namin, spoiled na kay Mama Cassie at Papa Nick, spoiled pa rin kay Lola Mammy at Lola Jodie, ano?" Kiniliti ko siya sa baba. Tumawa ito habang ang mga labi ay nakadikit pa rin sa dibdib ko.
"Hey girls, it's lunch time! Come on!" Sinenyasan ni Migs ang kambal na abala sa paglalaro sa hardin.
Nag-uunahang tumakbo ang dalawa, ang buhok nila ay lumilipad sa hangin sa kanilang likod. Halos magdadalaga na ang mga anak namin na iyon at lalong gumaganda. Hindi ko sinasabi ito kasi nanay nila ako. Maganda talaga ang mga anak ko. Si Migs ba naman ang tatay eh.
Hingal na hingal ang dalawa nang makarating sa ama at tumatawang napayakap kay Migs. Hinaplos naman ni Migs ang mga buhok nito. "You girls just don't run out of energy, do you?"
"Naku, kakaligo niyo lang kanina naglalagkit na naman kayo sa pawis." Lumapit si Mammy sa kambal at parehong nilagyan ng bimpo sa likod.
"Kumain na kayo, nagluto sina Mammy at Ninang ng bilo bilo. Hindi ba gusto niyo yun?" Sabi ko sa kanila.
Kinuha nila ang tig-isang mangkok sa tray at kinain ang luto nila Mammy.
"Eat up, babe." Habang kalong ko naman si Evan at dumede sa akin ay sinusubuan naman ako ni Migs.
Sweet talaga ang asawa kong yan. Hindi pa ako buntis para na akong reyna kung tratuhin niya pero noong nagbuntis ako para na akong diyosa. Kahit ano ang hilingin ko ay ibinibigay niya. Lahat ng pag-aalaga sa akin ay niya. Kaya nga hindi ako nahirapan masyado sa pagbubuntis. Noong nanganak lang ako nahirapan dahil halos isang buong araw yata akong naglabor. Kung anu-anong pagmamakaawa na ang ginawa niya sa doktor na tanggalin ang sakit na nararamdaman ko. Nandoon si Migs noong nanganak ako, siya ang pumutol sa umbilical cord ni Evan at siya ang unang kumalong sa baby namin.
Kahit nang i-uwi na namin si Evan ay hindi natigil doon ang pag-aalaga sa akin ng asawa ko. Siya ang nagpapaligo sa akin noong sariwa pa ang tahi ko. Siya ang gumigising sa madaling araw para padedehin si Evan. Habang tulog na tulog ako, binubuksan niya ang suot kong pantulog at pinadede si Evan. Minsan magigising na lang may dumedede na sa dibdib ko. Pati ang pag-aasikaso sa kambal namin ay siya rin ang gumagawa. Ang katwiran niya ako naman daw ang naghirap sa pagbubuntis at pagpapanganak kaya gusto niyang makabawi at mapagaan man lang ang trabaho ko bilang ina.
"Daddy, we want to play with Evan." Si Savi.
"After you eat." Sagot ni Migs.
"Pwede namin kargahin si Evan?" Tanong ni Tintin.
"If he doesn't fall asleep yet." Hinaplos ni Migs ang ulo nito.
Maya-maya ay tumigil na ito sa pagdede at kinuha ni Migs mula sa akin ang bata para padighayin. Natapos na ang mga ate niya sa pagkain ng meryenda nila at hinaharot na ang kapatid nila. Tuwang-tuwa naman ito.
Umupo kami sa banig na nakapatong sa ibabaw ng damuhan at pinaupo ni Migs ang dalawang kambal at inilapag si Evan doon. Pinanood namin habang gumagapang ito sa dalawa niyang Ate na tila ba gustong makipaglaro.
Pareho namin pinagmasdan ang mga buhay na binuo namin. Hinatak ako ni Migs sa pagitan ng mga hita niya, sumandal ang likod ko sa matipunong dibdib niya. Kinuha ni Migs ang kamay ko at dinala iyon sa mainit niyang labi.
"Thank you for this, Saskia." Mahinang sabi niya.
"Para saan?" Bahagya akong natawa.
"For giving me this life." Naramdaman ko ang paglobo ng dibdib niya sa likod ko nang humugot siya ng malalim na hininga. "I know I say this a lot but I'm lucky to have you as my wife. You gave me three beautiful children and an angel. Ang sarap nilang panoorin. Sometimes I can't help imagine Baby Migs playing with his siblings. May Kuya sana si Savi at Tintin."
"May Kuya pa rin naman sila. Wala man si baby Migs dito, hindi siya mawawala sa puso natin. Sa pamilya natin." Nilaro ko ang wedding ring na nasa daliri ni Migs. Ang gintong singsing na iyon ay hinaluan ng abo ng anak namin at ganon din ang wedding ring na suot ko. Si baby Migs ang puno't dulo ng lahat ng ito. Siya ang unang nag-ugnay sa amin ni Migs at kahit kailan hindi namin malilimutan ang unang buhay na nabuo namin.
"You're right." Hinalikan niya ang buhok ko. "Have I told you today how much I love you?"
"Oo naman. Paggising na paggising mo pa lang." Parang dalagang napahagikgik ako.
"Have I told you everything I love about you?" Patuloy siya sa paghalik sa buhok ko. "I love your wit." Hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. "your sense of humor." At bumaba iyon sa pisngi ko. "Your kind heart." Sa panga ko. "Your gentle spirit." At sa leeg ko. "Your determination in every aspect of your life."
"Migs, nandito yung mga bata." Nakikiliting umiwas ako sa kanya.
"We've been married for four years now and I'm still crazy about you, babe. I'm falling more and more in love with you. Mahal na mahal kita, Saskia. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito."
Pumihit ang ulo ko paharap sa kanya at tinitigan siya. "Mahal na mahal din kita, Migs."
"Thank you for making me whole." At siniil niya ako ng halik sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz