Chapter Thirty Nine
SASKIATahimik ang mesa. Parang gusto kong humithit kahit isang stick ng yosi lang. Huling yosi ko hindi ko pa alam na buntis na ako kay baby Migs noon. Mula noon, tumigil na ako sa paninigarilyo. "Sino naman ang may sabi sa'yo na hahayaan namin na kunin mo si Tintin?" Umarko ang kilay ni Ninang Jodie na kasing nipis ng .2 ballpen. Kakikilay lang kasi sa kanya noong kapitbahay namin kagabi."I am Bettina's father. May karapatan ako sa bata." Mariin na sabi ni Migs. "Basta ba ibibigay mo sa amin si Savina." Nanghahamon na sabi ko. Gusto kong malaman niya na hindi ko ganon-ganon lang ibibigay sa kanya si Tintin dahil alam kong hindi rin niya ibibigay sa akin si Savina. Humugot siya ng malalim na hininga bago sunod-sunod na umiling. "Savina is mine.""Akin din si Tintin!" "Nag-angkinan na kayo ng kanya-kanyang anak. Quits na kayo." Sabi naman ni Mammy."O, bato-bato pik na lang. Sino'ng unang maka-tatlo, mapupunta sa kanya ang kambal." Nagawa pang mang-okray ng malditang bakla."Bakit hindi na lang kasi kayo sumama sa akin, Saskia? You and your family. You know I am very financially capable in supporting my daughters. Hindi ito ang buhay na gusto ko para sa kanya." Sabi ni Migs."Ano? Pera-pera na lang ba? Oo, mahirap kami. Hindi ko naibibigay ang lahat kay Tintin pag dating sa mga materyales pero lahat ng lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay ay binuhos ko sa kanya. Huwag mo akong aakusahan na nagkulang ako sa pagpapalaki sa anak ko." Hindi ko na napigil ang emosyon ko."Anak ko din siya." Mariin na sabi ni Migs. "Ate, bakit hindi na lang kasi tayo sumama kay Kuya Migs? Kawawa naman si Tintin at Savina kung maghihiwalay na naman sila. Hindi ka ba naaawa sa mga anak mo?" Sabi ni Yuka."Nako, huwag mong demonyohin yang Ate mo, Yuka! Sinasabi ko sa'yo. Puro sarili mo ang iniisip mo. Kung gusto mo ikaw ang magpakangkang kay Migs at magpabuntis sa kanya. Tapos kapag nagkaanak kayo ikaw na sumama sa kanya at tumira sa bahay niya." Sabi ni Ninang.Nasamid si Migs sa sarili niyang laway at naubo."Alam mo kung hindi lang nakakadiri kasi natikman niya na si Ate at may anak na sila. Bakit hindi?" Umirap si Yuka.Lalong napaubo si Migs. At mukhang siya pa ang nahiya sa pinagsasabi ng dalahira kong kapatid at ninang."Ninang, Yuka, tumigil na nga kayo. Kung anu-anong sinasabi niyo. Ang kambal ang pinag-uusapan dito." Saway ko sa kanila."Ipapaalala ko lang, Migs, ikaw ang nagtaboy sa anak ko. Wala ka noong naghihirap siyang magbuntis sa kambal at wala halos wala kaming maibayad sa kumadronang nagpaanak sa kanya. Kaya wala ka rin karapatan kunin sa amin si Tintin." Sabi ni Mammy."I'm sorry. Gusto ko lang makasama ang anak ko." Nagbaba siya ng tingin."At ganon din naman ako, Migs. Gusto ko din makasama si Savina.""Kaya nga sumama na kayo sa akin. Ayaw ko din naman mahiwalay ang kambal sa isa't-isa. And I want to be with Bettina, too." "Eh bakit hindi ikaw ang makisama sa amin? Sasabihin mo sumama si Saskia at si Tintin sa'yo tapos sa huli isusumbat mo ulit iyon sa kanya na parang dehadong-dehado ka. Ikaw nga, kahit alam mong buntis yan noon, nakakakangkang ka ng libre." Umasim ang mukha ng bakla."Ninang naman. Marinig ka ng mga bata." Sabi ko at lumingon kina Tintin at Savina na abal pa rin sa paglalaro ng mga paper dolls sa sala. "Hinay-hinay lang.""Kung ayaw mong sumama sa akin. Will you let Savina and I stay here with you?" Tanong niya. "Please, Saskia, I just want to be with Tintin. Gusto ko din makasama ang anak ko at ayaw kong maghiwalay sila ni Savi."Napabuntong-hininga ako at napakagat sa pang-ibabang labi ko.
MIGS"Daddy, can you bring my dolls so Tintin and I can play with it later?" Savi beamed. I was done packing my things and was now busy packing my daughter's. Savi had been busy rummaging through her toys, looking for toys to bring her sister."Sure, baby. You should share all your toys with your twin sister, okay?" I said as I stroked her dirty blonde hair. "Mmhm!" She nodded her head with enthusiasm. She took something from the toy box and showed me a doll. "Look, daddy! This Barbie doll looks like the one we were playing earlier. But this one is a real one." "Then let's put it in the bag." I said and she did as I told her to do. She had been packing the toys she'd bring for her sister. I was planning to take them out tomorrow so I could buy her toys and maybe take her to Mama and Dad's house. Gusto kong mas makilala pa nila si Tintin. I wanted my family to get used to the twins' presence because Tintin's going to be a permanent part of it. There was no way in hell I would ever let anyone take her away from me again. I wanted to spoil Bettina to compensate for the six years I wasn't by her side. She deserved the world and I wanted to give that to her."Is she going to be my sister forever, Daddy?" Savi asked."Of course, you were sisters the day you were born and that will never change." I said, my eyes warm as I looked at my child."And Mommy's going to be my mommy forever, too?" She smiled a little wider.I nodded my head. "Yes, of course.""I've always wanted a mommy. Thank you, Daddy!" She excitedly wrapped her arms around me. "I love you so much. I'm so excited to tell Kuya Coco, and kuya Arthur, and Pixie, and Monty, and Brad, and Sid about my mommy and my sister!""I love you, too." I said, kissing her forehead. I felt a pang in my chest. I didn't know Savi had longed this much for a mother. She had never asked me why she didn't have a mother. Hindi din naman siya naghanap ng ina sa loob ng anim na taon. I thought maybe it was because my family and I had nurtured and spoiled her with so much love and that was enough to fill the other half of her that was missing. Hindi ko alam na ramdam niya rin pala ang kawalan ni Saskia. I knew what it felt like as I grew up without a father myself. I knew how it felt to envy other kids when I see them with their father and wished I had one. Thinking of my daughter feeling and going through the same thing I did was heartbreaking. Ganon din kay Tintin. She had to grow up without me. I had a lot of making up to do. Right at that moment, I promised myself that they'd never go through it again. Bubuuin namin ni Saskia ang pamilyang dapat ay noon pa'y binigay namin sa kambal namin.
"Mommy!" Savi jumped onto Saskia as soon as the door opened to their apartment."Savi, anak!" She wrapped her arms around our daughter and pulled her into a tight embraced. She kissed her all over as if they hadn't seen each other for years when we just left their apartment this morning. Saskia didn't want Savina to come home with me to get our things. She was scared I wouldn't bring her back to her. I promised and assured her about a hundred of times that we'd be back. Savi wanted to come so she could pick out all the toys to bring her sister, Tintin wanted to come too but Saskia and her family wouldn't let her. "Daddy and I brought some clothes and a lot of toys with us. Sabi ni Daddy dito daw muna kami so Tintin and I could play with the toys I brought for her." She cheerfully said. "Saskia, ayan na ba sina Savina at daddy?" I heard Tintin say from inside then she came running towards the door.I couldn't help but let out a wide smile when I saw Tintin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na lumapit sa kanya ang buhatin siya. "Hey, sweety. Marami kaming laruan na dinala para sa'yo.""Talaga, Daddy?" Her eyes glowed. "Oo, at bibilhan pa kita ng marami. We'll go to the toystore and I'll let you pick any toy you want." I told her."Daddy, gusto ko yung malaking ulo ng barbie na naaayusan ng buhok. Nakita ko kasi yun na binebenta noon sa bayan noong nasa Sitio Sto. Antonio kami kaso kulang ng pera si Saskia kaya hindi namin nabili." Sabi niya."Bibilhin ni daddy kahit ano'ng gusto mo." I playfully pinched her nose.Saskia let us in and I brought our bags to their room. The kids happily played the toys we brought for them. Tinabihan ko si Saskia sa salas habang pinanonood niyang maglaro ang dalawang bata. "This is my slambook. Lahat ng friends ko have already signed here. Pwedeng ikaw din?" Savi said as she opened the notebook. She was really making effort to speak to her sister in tagalog and I was happy that she was adjusting for her. Tintin was also doing the same for her. "They're so cute, aren't they? Kakikilala lang nila ngayon and they're already getting along." I smiled."Mabati na bata naman yan si Tintin kahit ganyan ang bibig niya. Pagpasensyahan mo na lang. Si Ninang kasi ang nagpalaki diyan, alam mo naman si Ninang kung anu-ano din ang lumalabas sa bibig. Maganda din naman ang pagpapalaki mo kay Savina." Saskia said, her eyes fixed on the two as if looking at me would burn her."Okay! I sign!" Sagot naman ni Tintin. "Name, Bettina Miquel Flores.""Miquel. I like it." My smile grew wider."Gusto ko rin naman kahit paano, kahit sa pangalan lang may parte ka sa buhay ni Tintin." She sighed."Thank you for raising my daughter, Saskia. You did an amazing job. She grew up to be a smart girl." "What's your birthday?" Asked Savi."December 7." Tintin answered."I was born in December, too." Savi excitedly said. "What year?""Shonga! Syempre taon-taon. Bakit ikaw, hindi ka ba nagbibirthday taon-taon?" Her cute face crumpled with confusion. "Kami kasi kahit mahirap kami, pag birthday ko kailangan bongga. May spaghetti, may cake, may ice cream, tapos may hotdog na may marshmallow na nakatusok sa repolyo. Kasi sabi ni Saskia, yun daw yung pinaka-espesyal na araw para sa kanya kaya pinag-iipunan niya talaga yung birthday ko.""Tintin, yan bibig mo na naman, ha. Tinatanong ng kapatid mo kung ano'ng taon ka ipinanganak. Hind kung tuwing kailan ka nagbibirthday." Saskia said, massaging her temples. I chuckled a little. They were indeed brought up different. Tintin really took on the Flores' personality. She was a vibrant kid with a smart mouth. She was a real charmer. Savina on the other hand, was a sweet and affectionate child. Her personality wasn't as loud as her twin sister's but she was lovable in her own way. "Saskia..." I softly said. She slowly turned her head to me and cocked a brow. "Bakit?""I'm sorry for all the things I said before. You've been nothing but a wonderful mother to Tintin and I just want to thank you for carrying my children and bringing them into this world. Simula ng dumating si Tintin sa buhay ko, I felt content like I had never felt before. She taught me that I didn't need everything to be perfect to be happy. Sometimes, it's the small things that count the most. Alam mo ba na noong unang beses na lumabas sa bibig niya ang salitang daddy, I really cried." I chuckled, nostalgically. And then I felt my eyes water. "And now there's also Bettina calling me daddy. It's the best feeling ever.""Tinanggap ko na noong binigay ko si Savina sa'yo na hindi ko na siya makikita. Sabi ko na lang sa sarili ko na mas maganda naman ang buhay niya sa inyo. Hindi ko din akalain na mangyayari pa ito. Hanggang ngayon para pa rin akong nananaginip." The quiver in her voice told me that she was holding back her tears. "Tignan mo sila, o. Ang sarap panoorin.""Saskia, is it okay if we have dinner tomorrow with my family? I'm sure they'd be happy to see the twins together." Sabi ko."Kasama ako?" She asked."Kayo ng pamilya mo. I want my family to get to know yours. Gusto kong makilala ng pamilya ko at ina ni Bettina at Savina at ang mga nagpalaki kay Tintin. I know you've met my parents before but my siblings have yet to meet you.""P-paano kapag hindi nila ako nagustuhan? Ang pamilya ko? Alam mo naman na hindi sosyalera sina Mammy." There was worry in her tone."That doesn't matter. You think our family is perfect? You've already met Coco but Ronnie's the worst, I tell you." I chuckled a little.
SASKIA"Akin na lahat ito, pagong! Gutom na gutom na ako at kulang pa ito sa akin. HAHAHA. Tuwang-tuwang sabi ni matsing." Pinanonood ko ang mag-aama habang binabasahan niya ng kwento ang kambal. Parehong nakasiksik ang dalawa sa magkabilang gilid ni Migs. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa nakikita ko."Daddy?" Mahinang sabi ni Savina, bumibigat na ang talukap ng mga mata niya."What, baby?" Malambing na sabi niya."What's matsing?" Tanong nito."Monkey." Sagot naman niya. "Alam mo meron kaming kapitbahay sa Sto. Antonio na matsing ang pangalan. Mukhang unggoy din siya." Tumawa si Tintin."Really?" Natawa din si Migs. "Crush na crush niya kaya si Saskia. Feeling naman niya magkakagusto si Saskia sa kanya, eh ang ganda-ganda kaya ng mama ko.""Ikaw talaga, Tintin. Ang talim talaga ng dila mo." Saway ko sa kanya."Totoo naman, eh. Ang magaganda bagay sa mga pogi. Katulad na lang ni Daddy." Tumingala siya sa ama niya. "Matulog na kayo. Ano'ng oras na?" Naiilang na nag-iwas ako ng tingin. "Hoy, palabasin mo si Migs diyan. Dito mo siya patulugin sa salas. Baka bukas-makalawa buntis ka na naman, Saskia." Narinig kong sabi ni Ninang mula sa labas ng kwarto. Tela lang ang nagsisilbing pinto ng maliit na kwartong iyon. Noong lumipat kasi kami dito halos lahat ng gamit dito ay sira-sira. "Lumabas ka daw." Sabi ko kay Migs."Good night, girls. I love you both." Isa-isa niyang binigyan ng halik ang kambal bago tumayo mula sa kama. Huminto siya sa harap ko. "Good night, Saskia."Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Bumaba ang mga mata ko sa labi niya. Ang labing humalik sa akin nitong umaga. Mayroon isang parte sa isip ko na iniisip na gagawin niya ulit iyon ngayon. "Saskia, bakit hindi pwedeng matulog si Daddy dito sa kwarto?" Tanong ni Tintin. "Kasi hindi tamang matulog sa isang kwarto ang babae at lalaki kapag hindi pa mag-asawa." Paliwanag ko sa kanya."Eh di ba dapat bago magkaanak, kailangan maging mag-asawa muna. Bakit nagkaanak kayo ng hindi kayo mag-asawa?" Patuloy na tanong nito."Matulog ka na lang. Ipahinga mo na yang bibig mo." Sabi ko sa kanya bago muling tumingin kay Migs. "Maglalabas na lang ako ng unan para sa'yo."Tumango siya bago lumabas sa kwarto. Kinuha ko siya ng isang unan at inabot sa kanya. Walang bintilador sa salas at gawa pa sa kawayan ang mahabang upuan doon. Nakaupo siya doon nang lumabas ako hawak ang unan niya.Tahimik na inabot ko sa kanya iyon at nagpasalamat siya sa akin bago ako muling pumasok sa kwarto. Patulog na ang kambal nang mahiga ako sa kama. "Mommy..." Narinig ko ang maliit na boses ni Savina na tinatawag ako."Bakit, anak?" Tanong ko sa kanya."I'm very sleepy but I still don't want to sleep." Paos na ang boses ni Savi sa antok."Bakit naman?" Kumunot ang noo ko habang hinahaplos ang buhok niya."What if I wake up and you're no longer here? Gusto kong paggising ko, I'll still have a mommy." "Nandito lang ako, Savi. Hindi na ako mawawala sa buhay mo.""You'll forever be my mommy?" "Forevere and ever. Amen." Sabi ko bago ko siya hinalikan. "Matulog ka na. Tulog na si Tintin, o. Napagod kakadada.""Good night, Mommy. I love you.""Mahal na mahal din kita. Kayong dalawa ni Tintin." Niyakap ko siya ng mahigpit."And daddy?" Tinignan niya ako na para bang hinihintay ang sagot ko. Nangingislap ang mga mata niya. "Oo naman." Sagot ko pagkaraan ng ilang sandali. "Hindi naman kayo mabubuo ni Tintin kung hindi ko mahal ang daddy niyo. Sige na, matulog ka na. Nandito lang si Mommy. Naiinutun ka pa rin ba?""Mm... not really." Sumiksik siya sa akin at pagkaraan ng ilang sandali ay nakatulog na rin ito.Tahimik akong nagpasalamat sa Diyos habang tulog na ang dalawa. Alam kong siya ang gumawa ng daan para magtagpo ulit kami ni Savina at nabigyan ako ng pagkakataon na maging ina sa kanya. Hinding-hindi ko na siya hahayaan muli sa tabi ko. Mamamatay muna ako bago mailayo ni Migs sa akin si Savi.Hindi ko mapigilan na yakapin si Savi at halik-halikan siya habang natutulog. Anim na taon kong hinintay ang pagkakataon na ito. Ilang beses kong hiniling na sana matanaw ko man lang siya kahit sa malayuan. Gusto kong sulitin ang pagkakataon na ito na kasama siya. Gusto kong punuan ang anim na taon nawala sa amin.Nagising ako sa gitna ng gabi at tumayo mula sa kama. Nauuhaw ako kaya naisipan kong pumunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig. Pero ang totoo, dahilan ko lang iyon. Sino ba ang niloloko ko? Sarili ko rin. Gusto ko lang talagang masilip si Migs. Dahan-dahan akong lumabas mula sa kwarto at madilim na ang salas. Naaninag ko mula sa ilaw na nanggagaling sa bintana si Migs na nakahiga sa matigas na kawaya na upuan, wala na ang pang-itaas na saplot niya. Pawis na pawis ito at may nakapatong na pamaypay sa dibdib. Muntik na akong mapatili ng gumalaw ito. Pinaypayan niya ang sarili at pinalo-palo ang dibdib at mukha niya gamit ang pamaypay. Malamang ay pinapapak na siya ng lamok.Muli siyang gumalaw na para bang naghahanap ng kumportableng puwesto. Bukod sa matigas ang higaan ay bitin pa ito sa kanya. Nakalaylay ang paanan niya dahil masyado siyang matangkad para rito."Saskia?" Napaigti ako ng marinig kong tinawag niya ako."B-bakit?" Tanong ko.Umupo siya mula sa pagkakahiga at isinuklay ang daliri sa buhok. Kahit madilim, kita mo ang tagaktak ng pawis mula sa kanyang katawan. Napalunok ako. Huling kita ko sa kanya na ganyan ang itsura, umiindayog siya sa ibabaw ko.Sunod-sunod akong umiling, pilit na tinatanggal ang imahe na iyon sa isip ko."Can we talk?" Tanong niya."Tungkol naman saan?""Sa kambal. Sa atin." Mahinang sabi niya. "Can you come sit here with me?"Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Naghalo ang amoy ng pawis niya at ang cologne na gamit niya. Napasinghap ako. Ang sarap pa rin amuy-amuyin. Iyon pa rin ang cologne na ginagamit niya noong ipinagbubuntis ko pa lang si baby Migs. Naalala ko dati noong naglilihi pa ako, gustong-gusto kong nakadikit kay Migs at naaamoy siya. Kaya pag natutulog kami palaging nakasiksik ang mukha ko sa leeg niya. Lalaking-lalaki kasi talaga ang amoy niya. Ang sarap langhapin. Kagigil! Kumusta na kaya si General?"Yung one million cheque..." Simula niya. "Hep! Huwag mo akong susumbatan diyan, Migs! Hindi ko ginalaw ang pera mo! Kahit isang katutak na gamot ang tinurok sa akin at kahit noong kinailangan namin ng pera pampagamot kay Savina hindi ko ginalaw ang pera mo. Buong-buo pa rin iyon. Isang milyon. Walang labis, walang kulang." Sasapakin ko talaga ang lalaking ito kung aakusahan niya akong kumuha ng pera mula sa kanya."That's what I want to ask. Bakit hindi mo ginamit ang pera noong kinailangan mo? I would've understood." Kumunot ang noo niya."Para ko na rin inamin ang paratang mo sa akin kung ginawa ko iyon. Minahal talaga kita, Migs." Hindi ko alam kung halata niya ang bahid ng lungkot sa boses ko. "I know and I'm sorry." Yumuko siya at humugot ng malalim na hininga. "Saskia, I'll make it up to you and Bettina. I promise. Just give me a chance.""Huwag na sa akin, Migs. Sa anak mo na lang. Kay Tintin." Sabi ko na lang.Ayaw ko na ulit umasa. Nakakatakot na. Okay na sa akin ang minsang naramdaman ko o nag-ilusyon ako na mahalaga ako sa buhay ni Migs noon. Na may posibilidad na mahalin niya rin ako. "Sige na, matutulog na ulit ako." Mahinang sabi ko bago tumayo at muling pumasok sa kwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz