ZingTruyen.Xyz

Kabit




Acey's POV

"Hindi ko na alam gagawin ko sayo, Lorenzo!" rinig namin na sigaw ni Maru mula sa labas ng kwarto.

"Akala ko matino kayong tao." sabi naman ng kasama ko drito sa kwarto. "Paano ninyo nagawa 'yon kay Maru?" tumingin ako sa kanya. "Acey, ikaw ang kahuling huling taong naisip ko na hindi kayang gawin ang ganitong bagay." may himig na inis na sabi nya.

"Kinukuha ko lang ang dapat ay akin." makahulugan na sabi ko at lumabas ng kwarto.

"Acey!" hindi ko na sya nilingon pa.

Tumingin ako kay Maru na nakasandal sa pader habang umiiyak at hawak ang cellphone ko.

"Mag-divorce na tayo, Lorenzo." maya mayang sagot nya. Tinakpan nya ang mukha nya gamit ang isang kamay nya. "Tang*na Lorenzo! sobra na akong nasasaktan! paano kita iintindihin kung ang rason mo kung bakit mo 'to ginagawa sakin ay hindi mo masabi sabi! nagmumukha akong tanga rito lalo na sa kabit mo! sana inisip mo man lang ang anak mo!"

"Oh my god, Kevin." napatingin ako kay Jelly na nasa likuran ko tapos kay Kevin na nasa pintuan ng kwarto nya.

"Ako na bahala kay Kevin, puntahan mo si Maru." sabi ko sa kanya. Balak ko ng puntahan si Kevin pero pinigilan nya ako.

"Hindi ko alam kung kaya ko pang pagkatiwalaan ka, Acey. Mas mabuti pang umalis ka na lang muna at bahala na ang mag-ina ang mag-usap." sabi nya. Tinanggal ko ang pagkahawak nya sa braso ko.

"Matalino si Kevin, alam kong mauunawaan nya ang sitwasyon ngayon."

"What? ganon ka na ba kadesperadang mapasaiyo si Lorenzo?" ngumiti lang ako sa kanya.

"Damn you Lorenzo!" kasabay ng sigaw ni Maru nakarinig ako ng basag na bagay. Hindi ako makapaniwala na yung cellphone ko ay basag basag na.

My god! ang dami kong files don tapos sisirain nya lang?!

"Mommy!" sigaw ni Kevin at patakbo itong pumunta sa mommy nyang nakaupo na sa sahig at humahagulgol sa iyak. Pati tuloy si Kevin ay napapaiyak na.

"Masaya ka na ba?" napatingin ako kay Jelly. "Nasira mo ang pamilya ni Kevin." tumingin ako sa mag-ina.

"Mas magiging masaya ako kung tuluyan silang maghihiwalay." nakangising sabi ko at tumalikod sa kanila.

"What? wait Acey!" nagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kwarto ko.

Tumungo ako sa isang picture frame na nasa study table ko. Pinagmasdan ko ito ng maigi.

"Pasensya na, pero sakin talaga sya." mahinang bulong ko.



Maru's POV

"Sure ka bang okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Jelly. Ngumiti ako sa kanya ng pilit.

"Okay lang ako Jelly, sige na baka hinahanap ka na ng asawa mo." sabi ko sa kanya. Ayokong makaabala pa sa kanya, may pamilya rin syang kailangan asikasuhin tsaka anong oras na. 

"O sige, basta okay ka lang huh?" tanong nya ulit. Ang kulit talaga nito.

"Okay lang ako, promise." pero kahit hindi...

"Sige na, aalis na ako. Bye." hinalikan nya muna ako sa pisngi bago tuluyan na lumabas ng bahay. Hinatid ko sya ng tingin hanggang sa umalis ang sinasakyan nyang kotse.

Bumuntong hininga ako. Naglakad ako patungo sa kusina. Kumuha ako ng isang boteng alak na collection ni Lorenzo rito sa bahay. Wala akong paki kung mainis sya, kasalanan nya naman ang lahat.

Nagsalin ako ng alak sa baso at straight kong ininom iyon. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng hapdi sa lalamunan ko pero hindi ko iyon pinansin. Nagsalin ulit ako ng alak sa baso at inubos ulit. Siguro nakakalimang baso na ako nang makaramdan ako ng pagkahilo ng kaonti kaya tumigil na muna ako saglit.

Pinagmasdan ko ang baso ko na may lamang alak at inisip kung bakit ba nagkaganito ang pamilya ko. Masaya na kami eh walang kagrabe na away, lagi naman may time pero bakit...

Nilagok ko ang laman ng basong hawak ko at nagsalin ulit, mabilis kong inubos ang laman ng baso at nagligay ulit. Iinumin ko na sana ulit ang laman ng baso nung may umagaw lang. Pagkatingin ko sa kanya ay nakatingin sya sakin habang straight nyang inubos ang laman ng alak.

"Ikaw..." madiin na sabi ko. "Masaya ka na ba? masaya ka na ba na masisira mo na ang pamilya ko?" nakatingin lang sya sakin na para bang walang saysay ang sinasabi ko kaya lalo akong naiinis sa kanya. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para murahin sya pero nagsalita sya.

"Kapag hiwalay na kayo. Mas magiging masaya ako." mabilis ko syang sinampal sa mukha nya. Napabaling sa kaliwa ang mukha nya.

"Napakawalangya mo! Bakit mo ba 'to ginagawa huh?! Ganyan ka ba kadesperadang makuha si Lorenzo at wala kang pakialam kung may makasira ka ng pamilya?!" sigaw ko sa kanya sa sobrang galit ko sa kanya.

"Wala talaga." nakangising sabi nya pa. Gago talaga ang babaeng 'to! tuwang tuwa pa sya sa ginawa nya huh! "Hindi naman dapat kayo nagkatuluyan ni Lorenzo dahil unang una palang, nauna na ako."

"Wala sa unahan 'yan! ikaw lang ang nakikisabit dahil makati kang babae!" bulyaw ko rito.

"Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin pero hindi mo mababago ang isip ko na kunin ang para sakin." sabi nya at tumalikod para umalis.

Sa sobrang galit ko sa kanya ay naibato ko ang basong ginagamit ko kanina pa sa sahig.

"Bwisit ka talaga!"


Kinabukasan ang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Naparami ang inom ko kagabi dahil sa sobrang galit ko kay Acey. Ang kapal na mukha nyang sabihin sakin ang mga 'yon, akala mo talaga eh..

Bumangon ako sa pagkahiga at tumungo sa banyo para maligo at mabawas bawasan naman ang sakit ng ulo ko. Pagkatapos kong maligo't magbihis ay lumabas ako ng kwarto. Nagtaka ako nung may marinig akong tawanan na nagmumula sa kusina.

Dahan dahan akong lumapit sa kusina at nung nasa pintuan ako ng kusina, nakita ko kung paano maging mandirigma si Acey. Hawak nya ang takip ng kaldero sa kaliwang kamay nya habang nasa kanan nya naman yung spatula at nakikipaglaban sya sa nilulutong nyang sa tingin ko ay masusunog na dahil hindi nya ito tinatanggal sa kawali.

"Go tita Acey!" at tuwang tuwa naman ang anak ko dahil nga sa itsura ni Acey.

"Shit. Masusunog na." natatarantang sabi nya. Sinubukan nyang lumapit sa kalan pero hindi nya natuloy dahil tumalsik ang mantika. Ang lakas ba naman ng apoy nya.

"Kawawa naman si Lorenzo sayo kung nagkataon." iling na sabi ko at pumunta sa ref.

"Good morning Mommy!" masigla na sabi ni Kevin. Nilingon ko sya at pilit na ngumiti.

"Good morning too, baby boy." napangiwi sya sa tinawag ko. Natawa ako at nailing.

About kay Kevin, tinulungan ako ni Jelly kahapon para i-explain sa kanya ang lahat-lahat. Habang sinasabi namin 'yon sa kanya, taimtim naman syang nakikinig samin at nagtatanong rin sya kung bakit nga raw iyon nagawa ng daddy nya at dahil hindi ko naman alam, iyon ang naisagot ko sa kanya. Pagkatapos namin sabihin sa kanya ang lahat. Wala syang ibang sinabi kundi ang kausapin ang daddy. Hindi ko na alam ang pinag-usapan nilang mag-ama dahil pagkatapos nila mag-usap ay natulog na si Kevin kaya nag-aalala ako sa kanya.

Tapos makikita ko syang masayang kasama si Acey, para bang hindi nasisira ni Acey ang pamilya nya.

"Kevin, pwede ba kitang makausap?" tanong ko sa kanya. Tumango sya.

Tumungo kami sa kwarto nya.

"Ano nararamdaman mo ngayo'y alam mo na ang lahat?" unang tanong ko sa kanya.

"Mommy...ayoko po kayong nakikitang umiiyak." sagot nya. Napangiti ako ng pilit sa kanya. Hinawakan ko ang pisngi nya.

"Ano na gusto mong mangyari? anong balak mo ngayon?" tumingin sya sakin ng matagal.

"Mommy...wag po kayong maghiwalay ni daddy." napapikit ako. Alam kong yon ang gusto nyang mangyari, syempre naman, sinong batang gustong maghiwalay ang mga magulang nya? pero...

"Pero Kevin..."

"Mahal ka po ni daddy, mommy." kung mahal nya ako hindi nya gagawin ito. "Mahal nya rin po si tita Acey..." nakayukong sabi nya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Naawa ako para kay Kevin, hindi nya dapat ito nararanasan.

"Pero mommy...gusto ko pang makasama si tita Acey." napatingin ako sa kanya.

"Kahit na nasisira na ang pamilya natin nang dahil sa kanya?" ano bang pinakain ng Acey na 'yon sa anak ko at bigla na lang nya nagustuhan ang kabit na 'yon?

"Eh kasi mommy..." nakayukong sabi nya. "Okay lang sakin na magkaroon ng iba pang mommy, gustong gusto ko po talagang makasama pa si tita Acey tsaka mabait naman po sya eh, makakasundo mo po sya, promise po." nakataas na kanang kamay nyang sabi.

"Kevin...bakit ganon mo sya kagusto? at sa tingin ko malabong mangyaring magkakasundo kami. Alam mo naman na kabit sya ng daddy mo." hindi ako makapaniwala na nalalason na ang anak ko.

"Mommy, mabait po si tita Acey─"

"Kevin, sabihin mo nga, ano sinabi nila sayo? bakit ka nagkakaganyan? masaya ka pa na may kabit ang daddy mo?" napatayong sabi ko dahil hindi ako makapaniwala sa kagustuhan nya.

"Mommy..." malungkot na sabi nya.

Napahilamos akong mukha.

"Mabuti pang doon ka muna sa lola mo, nalalason ka na ng babaeng 'yon." sabi ko sa kanya. Kumuha ako ng bag para iligay ang gamit nya.

"Pero mommy..."

"No buts, Kevin. Kung sayo ganon-ganon lang kadali tanggapin ang lahat, pwes ibahin mo ako. Sobra-sobra na ako nasasaktan, Kevin. Niloko ako ng daddy mo tapos dadalhin nya pa ang babae nya rito sa bahay na 'to at tignan mo, nalalason ka na nya." sabi ko sa kanya habang kinukuha ang mga damit nya.

"Mommy! hindi nya po ako nilalason, mommy." hindi ko sya pinansin, patuloy ako sa pagligay ng gamit nya sa bag.

"Mag-ayos ka na. Sa ayaw at sa gusto mo, sa lola mo muna ikaw titira." seryosong sabi ko sa kanya para sumunod na sya sa gusto ko.

Bagsak balikat syang kumilos. Bumuntong hininga ako.





----------------------------------------------------------




Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz