ZingTruyen.Xyz

It Started in the Elevator✔️

PROLOGUE

JFstories

⚠️ Content Warning: This story contains mature themes, violence, and dark humor. Reader discretion is advised.

A/N: This is one of my older works, which I recently revisited to revise and add new scenes. While you may notice a more old school writing style, this story is also a glimpse of where jfstories began. I hope this updated version gives you a glimpse of how much my writing has grown since I first wrote this story. -JF

♠ L E O ♠

HUMIHIKAB akong pumasok sa elevator, then I pressed the button to the President's floor—my floor.

Soon, I will be in the CEO's office. My father is retiring from his position and barely comes in anymore. He's already entrusted everything to me. Not that I'm complaining, though. I just think it's a bit too soon. I don't really know why he's in such a hurry to leave the company when he's not even that old yet.

Because of the bigger responsibilities, I've had way less time to unwind. I was only starting to enjoy life after years of studying, grad school, and doing OJTs across our different companies. Now, I'm busier than ever, and there's barely any time left for parties or the good life.

Though honestly, I was just trying to keep myself distracted, because something about my life feels incomplete. Hindi ko lang masabi kung ano ba iyong kulang gayong kung tutuusin ay nasa akin naman na yata ang lahat? Well, good looks, money, power, connections and the 'Montemayor-Saavedra' name. Still, I can feel that something in me is missing.

Bakit parang may KULANG? Ano kaya iyong KULANG?

TING!

Bumukas ang elevator sa 8th floor. This is impossible. This is a president's elevator. Ako lang ang puwedeng sumakay sa elevator na ito. Limited lang ang access nito sa lahat ng mga floors. Unless, may tangang napagkamalang employees elevator ito.

Anyway, bumukas nga ito ngunit wala namang tao. Siguro nga may nagkamali lang. Pinindot ko ang button para magsara. Pero bago pa man magsara ay biglang —

"Last call!" Isang babae ang tumalilis papasok.

"Excuse me?" I looked at her, annoyed.

Pero tuluy-tuloy lang ang babae patungo sa aking likuran. "Sa 25th floor nga."

I blinked at what she said. "Do you know that this is a president's elevator and you are—"

"Put*ngina! Paaalisin mo na naman ako?!"

"What?!" I was stunned. Is she really cursing me?!

"Gago ka! Hintayin mo akong makauwi dyan!"

Naka-headset pala siya at may kausap sa kabilang linya—ah iyon pala ang minumura niya, akala ko ako na, e. Pagkatapos ay bumaling siya sa akin.

"Whew! Tang*nang buhay iyan. Ang hirap talagang maging ulila."

She's smiling ngunit hindi ko gaanong maaninagan ang buong mukha niya dahil naka suot siya ng cap. "Napindot mo na ba ang 25th-floor, Mister?"

Alam ba ng babaeng ito na ako na ang CEO ng kompanyang kinatatayuan niya ngayon?

Nahagip ng aking paningin ang bitbit niyang luggage. Mukhang marami siyang kargada. Tapos napatingin ulit ako sa babae. May height ito at balingkinitan ang pangangatawan. Naka-polo shirt na white, maong jeans, then sandals. Napansin kong pawisan ang babae.

Tinanggal niya ang suot na sumbrelo at ginamit pamaypay sa sarili. "Punyeta! Airconed ang building na ito ah, bakit ang init?"

In fairness may itsura. Lumantad ang mahaba niyang buhok na ikinubli ng suot na cap.

I just found myself pressing the 25th floor button.

And I instinctively stepped back at what she did next. Damn! She just took off her polo shirt!

"Oh, Mister! Talikod ka muna magbibihis lang ako." Naka-bra na lang siya sa pang-itaas.

Sa di malamang dahilan na kusang umikot ang aking katawan patalikod sa kanya. Kailan ka pa naging masunurin, Leo? I thought to myself.

"'Nak ng pucha kasi, eh! Akalain mong sumabay pa ang final interview ko ngayon." Nagsasalita siya habang nagbibihis —I think.

Nanatili lang akong nakatikod sa kanya. Ewan kung bakit biglang — mainit nga! Pinagpapawisan ako nang malapot.

"Empleyado ka ba rito?" tanong niya sa akin.

I nodded. Kung alam mo lang, babae ka. Ako ang may-ari ng kompanyang ito.

"We'll, kapag nakapasa ako sa final interview ko ngayon, magiging magkatrabaho tayo. Ah, pakihawak naman 'to, please." May isinampay siya sa balikat ko.

Nang mahawakan ko iyon ay namilog ang aking mga mata. Maong jeans! Pero sana wag niya akong gamiting clothes tree.

"Bago ka lang dito?" She asked me again.

Para akong robot na ang tanging alam ay tumango. Darn it! What the hell is happening to me?! Bakit ba sinusunod ko siya? Ngayon lang yata ako— oh what's this? May isinampay kasi ulit itong babae sa balikat ko.

It's her bra!

"Pahawak na rin, mister." Halata sa tinig niyang siya'y nagbibihis pa rin.

Habang ako rito, nagpa-panic. How many girls did I sleep with? How come na sa ginagawa ng babaeng ito ay nati-turn on ako? Ginigising niya ang malikot kong damdamin at isip!

"Payo lang, Mister..." Nagpayo pa! "Galingan mo para maregular ka rito. Ang hirap kaya ng walang trabaho. Ah, pakihawak na rin nito."

Napapikit ako bago nahagip ng palad aking ang inabot niya.

Oh, wag naman sanang ito yung iniisip ko. Pinisil-pisil ko pa, eh. Malambot at kapiraso lang.

Hinulaan ko kung ano iyon. Her panties? But I was wrong. It was her sock. Damn!

"Don't worry! Malinis 'yan."

Whew! Akala ko gamit na, akala ko panty na.

TING!

Shit! 25th floor na pala. Mabuti at naagapan ko, napindot ko ulit ang president's floor paitaas pa.

"Ow, thank you! Mabuti at naagapan mo, mister." Sabay kuha niya sa mga pinahawak niya sakin.

Napaharap tuloy ako and —

Son of a gun!

Naka-dress na kasi siya and she's so gorgeous. Maganda ang hulma ng katawan, long-legged, at maganda ang kutis.

"Mister, last na. Pahawak nito." Inabot niya sakin ang isang salamin sa kasing laki ng platito."Magre-retouch lang ako nang konti."

Itinapat ko naman sa kanya ang salamin. Bahagyang yumuko ang babae habang nagme-make up. Sa kanyang pagkakayuko ay hindi sinasadya na bumungad sa akin ang puno ng dibdib niya. Napalunok ako at napataas ng tingin sa kanyang maamong mukha.

Mahaba ang pilik mata niya, may magagandang mga mata, matangos ang ilong at pouted ang lips. Then, balik ako sa boobs!

TING!

The elevator's door opened. We're now on my floor—the President's floor. Mabilis kong pinindot ulit ang buton sa 25th floor, pababa.

"Saan ka ba talaga, mister?" the woman asked me while her eyes were still fixed on the mirror.

"Ha?" Darn, bakit tameme ako?! Ang bango niya kasi.

"Ah, oo nga pala bago ka pa lang." Tuloy lang siya sa pagmi-make up.

At ang purpose ng luggage na bitbit niya, puro damit pala ang laman, nakakatawa naman. Bigla akong napangiti.

Napatingin siya sakin. "Akalain mo, ngayon ko lang napansin... Pucha! Guwapo ka pala!"

Nag-init ang mukha ko. F*ck! First time 'tong nag-blush ako dahil sa isang babae! Hindi na kasi bago sakin na mapansin ang itsura ko. Well, kung hindi ako guwapo hindi naman ako makakapaglangoy sa pagitan ng iba't-ibang legs gabi-gabi, right?

TING!

This is it! The 25th floor.

"So, paano, Mister? Dito na lang ako." Sabay bitbit niya sa dala niyang luggage. "Salamat, ah..." Sabay hakbang palabas ng elevator.

Holy crap, Leo! At least say something!

"Ahem!" That's it?

Buti nilingon ako nitong magandang babae. Ask her to dinner, Leo! My mind's shouting at me. Pero iba ang nasabi ko.

"Good luck!" Very disappointing.

"Thanks..." she smiled and then I heard my heart beating so fast.

TING!

What the?! Nagsara ang elevator and I forgot to get her name. Well, it's all right. At least now hindi na ako bored because someone already filled the word —

KULANG.

JAMILLEFUMAH

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz