Chapter 9
Chapter 9
PANAY ANG TINGIN ni Leo sa kanyang wrist watch. Tsk! Bakit ba parang ang tagal? Wala syang ibang ginawa maghapon kundi taktakin ang kanyang relo. Baka sakaling bumilis ang oras. Narito sya ngayon sa kanyang opisina pero nasasabik na siyang makauwi.
Bigla syang napatulala, napangiti. Oh, hell yeah. Right, iyong kagabi – Shit! Napatayo sya. Pilit sinasariwa yung mga nangyari kagabi. Itong si Cynthia kasi, laging may baong surpresa. Bago matulog ay--
"Mr. Saavedra?" Voice in front of him.
"Huh?" Napatingin siya rito.
"Are you with us?" tanong nong isa pa sa mga board members na naroon.
Oh crap! Nasa meeting nga pala sya.
Umayos sya ng tayo. "I think – this meeting is adjourned."
Nagbulungan ang mga board members. Then lumapit sa kanya ang executive secretary nya. "Sir, kararating lang nila."
Damn! Oo nga pala. Tapos um-acting sya. Kunwari'y nahihilo. "Ouch!" Sinapo ang ulo.
How ironic. He wasn't used to acting like this. And he had never ditched work for something personal before. He might be a flirt, but when it came to work, he was always serious. But now? This was a first.
Inalalayan sya ng kanyang secretary. "Are you all right, sir?"
"I think I need some rest." Gusto niyang matawa. Yeah, nakakatawa na talaga ang mga kilos niya lately. Tiningnan niya ang mga ka-meeting. "We should continue this meeting tomorrow. Or – next week is much better."
Nagtanguan lang ang mga ito. A few minutes later, the board members started heading out. This was the first time he'd ever been this unprofessional. He felt a little guilty about it... but honestly, he was way too excited to get home.
"You can go home, too," utos nya sa kanyang secretary.
"Are you sure, sir?"
"J-just go..." aniya na animo'y masakit nga talaga ang ulo.
Nang mawala na sa paningin nya ang kanyang secretary ay tila sya nakikipagkarerahan sa pagtakbo papunta sa elevator.
Pagkarating nya ng basement, agad syang sumakay ng kanyang sasakyan. Kaso ang tanga nya, naiwan nya pala yung susi ng car nya. Fuck! Balik ulit sya sa office nya.
Dammit!
***
NAGMAMADALING UMUWI si Cynthia nang makasalubong nya si Merdie.
"Cynthia!" Para bang first time lang nilang magkita ulit kung makasigaw ito. "May good news ako sa'yo!" Hinihingal pa ito nang makalapit sa kanya. Napahawak pa sa bewang, mukhang rarayumahin pa yata. Bakit kasi kailangan pang manakbo?!
"Siguraduhin mo lang matutuwa ako dyan sa ibabalita mo ah, kung hindi, bebenturatin kita."
Todo tango lang si Merdie. "Tingnan mo ito." Sabay abot nito sa kanya ng isang papel.
"Ano 'to?" Kinuha nya yung papel.
"Kasali ka sa top ten." Biglang sumulpot si Gladis sa kanyang likuran.
"Top ten ng ano?" Nakakunot ang noo nya.
Ang dalawang gurang na feeling bagets nyang kaibigan ay sabay na nagningning ang mga mata.
"Top ten ng pinakamagandang empleyado na nagtatrabaho rito," singit ni Merdie.
Napahalakhak sya. "Alam ko na yan. Eh, ano naman ngayon?"
"Meaning..." Nagkapanabay pa ang dalawa nyang kaibigan. "Kasali ka sa 'Bid For A Date' Night!" Akala mo'y emcee ang dalawa sa isang show.
"Ano naman ang p*tanginang yun?" namewang sya.
Natatawa na lang si Gladis. "Ganito yan, friend..." Inakbayan sya nito. "Every year end kasi ay may pakulo ang kompanya. Ngayong taon, ang pakulo nila ay ito ngang bid for a date. Kada department ay pumili ng pinakamaganda. Kayo iyon. At doon sa program ay para kayong nasa auction. May magbi-bid sa inyo, at ang mananalo ay ang makaka-date niyo."
"Tangina naman, ano kami paninda sa palengke na ilalako? Kailan pa naging bugaw itong kompanya natin? Naghihirap na ba sila at nag-ibang landas na?"
"Gaga ka talaga!" Tinuktukan siya ni Gladis. "Makinig ka muna. Friendly date lang naman iyon. Puwede ka ring tumanggi, pero kung ako sa 'yo ay wag. Sagot naman kasi ng kompanya ang date, at they will make sure din na safe ka. Plus, iyong kikitain sa bid ay mahahati sa dalawa. Sa charity at sa 'yo. O di ba, nakatulong ka na, may take home money ka pa."
Napaisip siya. Basta usapang pera ay napapaisip talaga siya.
"Di lang iyon, day!" May pahabol pa si Gladis. "Alam mo bang ang simula ng bid bawat isa sa inyo ay magsisimula sa sampung libo? Tapos pataasan na lang yung mga boys sa pag-bid sa'yo kung desperado talaga sila na mai-date kayo."
"Ibig sabihin day..." si Merdie na kulang na lang ay lambitinan sya. "...mayayaman lang ang makaka-afford sa auction night na ito."
"Sampung libo ba naman ang start ng bid eh, tingin mo afford yun ng mga simpleng empleyado lang. Kaya kung ako sa'yo..." ani Gladis na lumambitin na rin. "...bonggahan mo ang gown mo. Iyong daring ba. Malay mo, si Mr. CEO ang mag-bid sa'yo!"
"Ano sa tingin mo friend?" Nakangisi si Merdie kaya lalong kumulubot ang noo nito na tadtad ng foundation. "Ito na ang chance mo para makabingwit ka ng mayaman."
"In fact..." Napapalakpak pa si Gladis. "... karamihan ng naroon ay mga MMMM. Matandang mayamang madaling mamatay, yung mga nasa executive position!"
Napangisi siya. Ito na nga talaga ang break nya para makapangasawa ng mayaman. Pero hindi siya gogora sa MMMM. Kaya niya iyong bata-bata pa. Katulad ni Mr. CEO. Mukha namang type siya nito. Salamat kay Leo.
Leo? Bakit ba sa tuwing nababanggit nya sa isip nya itong si Leo, pakiramdam nya natatae sya sa excitement. Pucha, oo nga pala! Excited na syang umuwi. Saka nya na iisipin kung bakit sya sabik makita itong hot nyang boyfie!
Pahakbang na sya ng biglang dumating si Steve.
"Hi, Cynthia." Ito yung executive manager nila na ubod daw ng yaman.
Iyon nga lang, maedad na. Pitong taon na raw itong biyudo. May itsura naman kaya nga kinikilig dito yung dalawa nyang kumag na kaibigan.
"See you at Auction Night. I'll bid for you, no matter how much it costs." Sabay sungaw nito ng simpatikong ngiti. Hindi na sya nito hinantay sumagot, nawala na ito sa kanilang paningin.
Napatili naman ang dalawa. "Matinding labanan ito between Mr. CEO and Sir Steve!" hiyaw ni Gladis.
"Ibang level talaga ang beauty mo, 'day!" Itinulak pa sya ni Merdie.
Napapabuntong-hininga na lang siya. Kasi alam naman niyang bukod sa ganda ay wala na syang maipagmamalaki pang iba. Hinawi nya ang kanyang buhok. "Kailan nga daw yung Auction Night na yun?"
Napakamot na lang si Gladis. "Hindi ka ba nagbabasa ng memo?"
"Sa pangalawang buwan na raw." Si Merdie na nakatanaw pa rin kay Steve.
Humakbang na sya paalis. "O, sya dyan na kayo."
Naguguluhan sya dahil bigla na namang pumasok sa isip nya si Leo. Bigla ay na-miss nya ito. Napahalukipkip na lang ang dalawa niyang kaibigan na sina Merdie at Gladis.
Nasa labas na sya ng building nang mag-text si Camilla. Ito ang best friend nya. Ibinibilin sa kanya sandali ang nakakababata nitong kapatid na si Kara. Naghahanap kasi itong best friend nya ng trabaho. Pupunta muna sya rito. Best friend muna bago jowa.
Minuto nga lang at narito na sya kina Camilla. Papasok pa lang sya ng apartment nito nang may lumapit sa kanyang ale. Iyong masungit nitong landlady.
"Hoy, hoy! Nandiyan ka na naman? Nasaan ang kaibigan mo?!" bungad nito sa kanya sa maangas na paraan.
Umiling sya. May edad na ang ale pero hindi nya yata magagawang igalang, dahil kung hagurin sya ng tingin ay akala mo'y may atraso sya rito kahit wala naman. Gutom sya at pagod kaya wala sya ngayong baon na pasensya.
"Sabihin mo sa Camilla na yan, magbayad na sya ng upa nya. Walanjok! Lagi na lang nya ako iniiwasan!"
Napaatras sya. "Walanjok din kasi yung hininga n'yo, aba! Kaya pala kayo iniiwasan ni Camilla."
Sumimangot ang mukha nito. "Ay putragis na bata ito, ah!"
Kibit-balikat na lang syang pumasok sa apartment ni Camilla. Deadma na sa kanya ang mga pangyayaring ganito, sanay na sya. Bumungad sa kanya ang payat na batang babae. Si Kara. Camilla's younger sister and only family.
"Ate Cynthia!"
"Hi, baby girl! May pasalubong akong tinapay!" Bumili muna sya sa bakery bago pumunta rito. Ang mga bata kasi ay gusto ng pasalubong. Kahit ano pa iyan, basta iyong thought na meron kang dala para dito. Ganoon din kasi siya noong bata pa siya. Iyon nga lang, never niyang naranasang makatanggap ng pasalubong.
Nayakap nito ang paper bag ng tinapay. "Thank you, Ate! Wala ngang meryenda e!"
Mukhang tagilid pa rin sa pinansiyal ang kaibigan nyang si Camilla. Ano kayang nangyari? Akala pa naman nya effective dito yung inerekomenda nyang sideline noong nakaraan, mukhang hindi pala. Nag-aalala siya rito. Bukod kasi sa cell phone nyang kumukurap-kurap, itong best friend na lang din niya ang meron sya.
Hinintay nyang makauwi si Camilla bago sya umalis. Inabutan nya rin ito ng pambayad sa upa since nakakasahod naman na sya. Noong una nga ay ayaw tanggapin nito, pero sa huli ay tinaggap din. Pagkatapos, ay nagpaalam na sya.
HETO na nga sya sa pinto ng condo ni Leo. Kaso may narinig syang ingay. Kakaibang ingay!
"Umn... oh yes..."
Pucha, ungol ng isang babae? Kinabahan sya. Baka may ibang kasama ang lalaking iyon! Naku, subukan lang nito! Ibibitin niya talaga ito nang patiwarik habang nakahubo!
Marahan nyang binuksan yung pinto."Yes! Hmnnn..." Lalong lumakas yung ungol.
Tapos nabungaran nya si Leo.
Nakaupo ito sa couch at may nakadagan na – Laptop!
Nang makita sya nito ay agad nitong isinara ang laptop. "Y-you're back..." Kandautal ito. Namumula ang makinis na pisngi nito.
Napapailing sya na nangingiti.
"What?" Natatawa na rin ito.
"Anong pinapanood mo sa laptop mo?" tanong nya habang papalapit dito.
Hindi ito makatingin sa kanya. "A-ah wala 'yon. Horror." Napapakamot pa ito sa ulo. "Iyong lalaki ano... pinapatay iyong babae..."
Doon na sya natawa. "Kaya ba napapaungol iyong babae? Eh, bakit ganun yung ungol niyong babae, parang sarap na sarap?"
Nagsalubong ang mga kilay ni Leo. "Oh, come on! Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag sa'yo?" napipikong angal nito. Padabog itong napaupo. Pulang-pula ang gwapo nitong mukha.
Lumapit sya rito habang napapailing. "Ang sungit mo ngayon, ah. Ang pogi mo pa naman."
Inirapan sya nito. "Saan ka ba kasi galing?"
"Sa kaibigan ko. Kanina ka pa ba?" Tumabi sya rito at pasimpleng dumikit. Ang bango nito. Pasimple nya itong sininghot-singhot.
Talagang na-miss nya ito. Hindi nya maintindihan dahil hindi naman sya clingy na tao. Lumaki sya na sanay na nag-iisa sa mudo. Pero nang makilala nya si Leo, parang bigla syang naging dependent dito. Halos lahat ng kilos nya ay iniisip nya ito. Araw-araw din ay nasasabik sya lagi na gumabi na para magkita na sila.
Ah, hindi nya na talaga alam ang nangyayari sa sarili. Kung ano man iyon, susulitin nya na lang muna habang magkasama pa sila. Gaano man niya kagusto si Leo, hindi siya nakakalimot na hindi sila panghabang buhay nito.
"Hindi ah." Tinalikuran sya nito. "Kararating ko lang din."
Talaga lang, ah? Mukha na kasi itong nakapag-shower na, napakabango ng smell. Tapos gumapang ang kamay nya. Kinapa nya yung nasa pagitan ng mga hita nito. "Kaya naman pala ang sungit ni pogi, galit na galit itong si general."
Hindi umimik si Leo bagkus ay nag-aalab ang mga mata nang titigan siya. Nang kabigin siya nito sa batok ay napapikit na lang siya, dahil siniil na siya nito ng mainit at nakakahibang na halik. Kinain agad nito ang ibabang labi niya at saka ipinasok ang dila sa loob ng kanyang bibig.
Napaungol sya. Wala na, sigurado na sya. Gustong-gusto nya na talaga ang lalaking ito. Handa na syang itapon muna ulit sa bintana ang katinuan para lang sa kanyang humuhulagpos na nararamdaman.
Bubuksan nya na sana ang zipper nito ng awatin sya nito. "Wait..."
"Ayaw mo?" Napamaang sya.
He lifted her up and placed her on the couch. Kaya naman pala, ang gusto kasi nito ay ito ang sa ibabaw. Pagkatapos ay siniil muli siya sa kanyang bibig. Mayamaya napaigtad sya. Naramdaman nya ang isang kamay nito na naglalakbay na pababa sa kanyang sikmura. "Hmnnnn... Leo..."
Isang linggo na simula ng nasugatan sya nito. Siguro naman magaling na sya. Tapos parang magic, walastik! Wala na pala syang undies, shit!
Then Leo spread her legs. Sumubsob na ito sa gitna ng mga hita niya. With sounds effect pa ang pagsisid nito. Naramdaman niya ang mainit at basang dila nito doon sa pinaka-maselang parte niya.
Napaigtad si Cynthia. "Leo..."
Lalong ginanahan ang binata.
"Anong klaseng technique yan? Tangina ang sarap, ah! Hmnn..." napasabunot siya sa buhok ng lalaki.
Bahagyang umangat ang ulo nito. "Tornado tongue, baby!" at saka nagpatuloy sa pagsisid.
Sya naman ay halos mabaliw. It was a strange sensation, something she had never experienced before. Her whole body felt like it was on fire, and she couldn't quite explain the feeling, like she was about to burst.
"Gago ka, Leo ahhh... kapag inihinto mo yan papatayin kita... uhmnnn..."
Ah, shit! Ganito ba talaga?!
Moments later, she felt something warm slowly slipping away from deep within her. "Ahhh... Leo ayan na..." halos kapusin sya ng hininga. Humigpit ang pagkakakapit niya sa balikat nito ng labasan na siya sa bibig nito.
Umangat ang lalaki. "Are you all right?" hinihingal din ito.
Umiling sya.
"Huh?" Nabahiran ng pag-aalala ang guwapong mukha nito.
"Leo, kasi... gusto ko na." Sabay hawak nya sa weapon nito. "Leo, sige na..."
Malawak na napangisi ang binata.
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz