chapter 10
Nanlilisik ang mga matang sumulyap ni Don Joel sakin at sa mga babaeng nagsiksikan sa likuran ko."Nagdagdag ka pa ng liligpitin!", asik nito sa nakayukong si Alvin na siyang tunay na Luke." Papa, hayaan nalang natin sila-""Tumahimik ka! Wala ka talagang kwenta. Di mo ba alam na dahil sayo ay nasaktan ko ang kapatid mo."Napasinghap ako nang makita ko kung ano ang ibig sabihin ni Don Joel.Parang lantang gulay na nakalupaypay sa loob ng wheelbarrow na hinihila kanina ni Ms. Kim si Mark, ang nakilalang Luke ng lahat."Mark..", nangangatal ang labi kong sambit." Oh, so...marami ka na palang alam. Sino ka ba talaga?", matalim na tanong sakin ng Don."Nasaan ang kapatid ko. Anong ginawa mo kay Ate Grace?", di ko napigilang tanong." Grace?? Ang tinutukoy mo ba ay ang dating girlfriend ng impostor na Luke? Kapatid mo pala iyon? Now that you mentioned it, I can see the similarities. ", nakatawa nitong sagot."So, ikaw pala si Ce? Ang lagi niyang pinapadalhan ng mga sulat na naging dahilan kung bakit di ko agad siya pinagdudahan na padala ng mga naghahabol sa akin. Akala talaga ng babaeng iyon ay habambuhay niya akong maloloko! Kung mga tanga man ang nagiging mga anak ko ay ibahin niya ako. ""Nasaan na si Ate?", natatakot kong tanong." Mahigit isang buwan na siyang nakakulong dito sa loob ng greenhouse, walang tubig,walang pagkain...so , buhay pa kaya siya.", malademonyo nitong sabi.Gimbal akong napatingin sa paligid, sa pasibleng pinagkulungan kay Ate.Nandito lang pala si Ate all this time. Wala akong ibang nakitang pwedeng pagkulungan sa kanya maliban sa isang sementadong parang kabaong sa isang tabi, pero imposible...."Nalimutan ko palang idagdag , wala din palang hangin iyong pinaglagyan ko sa kanya.", naaaliw na sabi ni Don Joel." Hindi...No, nagsisinungaling ka.", umiiyak kong sigaw."Totoo iyon! Patay na ang kapatid mo dahil buhay siyang inilagay ko sa kabaong at pinagawan ng sementadong nitso.", " Demonyo ka! Ang sama mo!""Banta siya sa negosyo ko kaya kailangan niyang mawala. Wag ka nang umiyak dahil susunod ka na sa kanya.", nakangiti nitong sabi. " Kim, sige na patayin mo na siya at ikaw naman Luke, iligpit mo na iyang mga walang kwentang mga babaeng inilabas sa van.", parang hari nitong utos."H-hindi ko po kayang pumatay.", naiiling na tanggi ni Ms. Kim."Mas madaling pumatay kaysa maglibing ng mga patay!", asik dito ni Don Joel. " Kung di mo siya papatayin ay sisiguraduhin ko sayong lalong masisiraan ng ulo si Luke sa gagawin ko.", parang demonyo nitong sabi habang tinutukoy ang tunay na Luke na si Alvin."D-di ko kaya.", umiiyak na tanggi ni Kim. "Bakit ba kasi di ka pa umalis noong tinatakot kita? Bakit ang tigas ng ulo mo?", paninisi sakin ni Ms. Kim at noon ko lang napansin ang baril na hawak niya.Maging si Don Joel ay mayroon ding bitbit na baril.Sa pagkaintindi ko ay si Ms. Kim ang nanakot sakin na nagtangkang pumasok sa quarter namin ni Lisa at siya din iyong nakamaskarang may dalang kutsilyo. Tinatakot niya lang pala ako upang umalis sa mansion." Kim, wag mong gawin. A-ako lang ang pwedeng maging masama.", pigil ng tunay na Luke na si Alvin sa pagtutok ng baril na hawak ni Kim sa akin."Oo nga naman mahal kong asawa. Hayaan mong ang pinakamamahal mong siraulo ang papatay para sayo. Sanay naman siyang pumapatay dahil iyan lang ang silbi niya sakin. Tagaligpit ng kalat.", patuyang sabi ng Don.
"L-Luke, w-wag-", mahina pero klarong sabi ni Mark na nagkamalay na pero nakalugmok parin sa wheelbarrow." Mark...", lumuluha kong sambit.Sunud-sunod na nahihirapang ubo ang narinig ko mula dito."Huwag ka ng magsalita, baka maubusan ka ng dugo.", dalo dito ni Ms. Kim." Bilisan mo na Luke, patayin mo na ang babaeng iyan. Makukulong ka kung hahayaan mong mabuhay iyan. Ikaw din, maiiwan mo si Kim sakin. Mag- I love and goodbye ka na sa pinakamamahal mo kung makukulong ka!", may pagbabanta sabi ni Don Joel kay Alvin na siyang tunay na Luke.Lalong naging maingay ang paligid kasi nagsi-iyakan na ang mga babaeng naibaba sa van.Maging ako ay impit naring umiiyak habang nakatingin kay Mark at sa kalagayan nito.Kitang-kita ko kung paano paglaruan ni Don Joel ang katinuan ng sarili niyang anak.Humahagulhol narin si Ms. Kim habang inilalayan si Mark na mukhang masama ang tama dahil di magawang umalis man lang sa kinalugmukan pero nakapaling ang mukha sa kinaroroonan ko.Kahit halatang nahihirapan ay pilit nitong ibinuka ang mga labi upang bigkasin ang salitang "I love you" habang nakatitig sa akin...Napansin ko ang kahandaan ng tunay na Luke na sundin ang utos ng ama kaya umiiyak na tumingin ako kay Mark.."Goodbye.", mahina kong usal.Isang putok ng baril ang nagpahiyaw sakin at sa mga kasama kong babae. Nakita kong ang kamay ni Don Joel na may hawak na baril ang pinutukan kaya nabitiwan niya ang baril.Nabigla siyang napalingon sa bawat gilid na maaring kinaroroonan ng bumaril."Mr. Joel Mon Verde, you are under arrest. Pakitaas ng inyong mga kamay.", umalingawngaw ang boses ni Sir Anthony sa buong lugar." Hahaha... Ang tapang mo naman para pumasok sa teritoryo ko at arestuhin ako.", tumatawang sabi ng Don na di man lang nakitaan ng takot."Sa mga oras na ito ay napalibutan na ng mga pulis ang buong isla at nahuli narin ang mga tauhan at kasabwat mo.", si Lisa naman ang nagsalita." Sa tingin ninyo, mapaniwala niyo ako? Walang makakapasok sa isla Verde na di ko malalaman!""Diyan ka nagkakamali-", kahit halatang nahihirapan ay pilit na nagsalita si Mark.Nang mapagtanto ni Don Joel na kasabwat ng mga awtoridad ang anak niya ay napuno ng poot ang buong mukha nito.Mabilis ang mga pangyayari, nang tangkaing sugurin ng galit na galit na Don Joel si Mark na di parin nakatayo mula sa wheelbarrow ay mabilis na nabaril ito ni Ms. Kim.Di agad natumba ang Don dahil sa tagiliran lang ang tama nito at takot na agad nabitiwan ni Ms. Kim ang hawak na baril.Nang makita ng tunay na Luke/Alvin na si Ms. Kim na ang napagbalingan ng galit ng ama ay walang pagdadalawang-isip nitong hinataw ng hawak na pala ang ama sa ulo.Di lang isang beses kundi, paulit-ulit hanggang sa halos mayupi na ang ulo ng matanda.Kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Don Joel ay ang pagbagsak ng nabitawang pala ni Luke/Alvin."Luke...", hagulhol na tawag ni Ms. Kim kay Alvin na tulalang natitig sa duguang katawan ng ama." Di ka na niya masasaktan. Malaya na tayo.", nakangiting sabi ni Luke/Alvin.Lalong napahagulhol si Ms. Kim at puno ng pagmamahal na niyakap ang pinakamamahal na lalaki."Sorry, nahuli ako."Napaiyak akong napatingin sa bagong dating na babae."Ate!", patakbo akong yumakap sa kanya ng mahigpit.Akala ko talaga ay totoo ang sinabi sakin kanina ni Don Joel. Buhay ang kapatid ko!Mula sa labas ng greenhouse ay nagsipasukan ang ilang mga kalalakihan na hula ko ay kasamahan ni Ate.Agad silang sinalubong nina Lisa at Sir Anthony.May mga kasamahan din silang medical team na umasikaso sa mga babaeng narescue at kay Mark.Inilalayan naman sina Ms. Kim at Luke/Alvin na di mapaghiwalay palabas ng lugar upang icheck ang kalagayan nila.Napansin ko rin si Ate Bonie na nasa isang tabi, mukhang kasama ito ni Ate pagpunta dito." Akala ko...wala ka na.", umiiyak kong sabi kay Ate."Akala ko nga rin eh! Mabuti nalang at tinulungan ako ni Ate Bonie. Inilabas niya ako sa kabaong na pinagkulungan sakin ng baliw na matandang iyon bago ako tuluyang nawalan ng hangin.", kwento ni Ate." Bakit , ang tagal mong di nagpakita?", namaywang na tanong ni Lisa na nakalapit na sa amin."Loko ka, ilang araw akong walang malay at inalagaan ni Ate Bonie sa loob ng silid niya. Nang magkamalay ako, nalaman kong wala na sa monasteryo ang kapatid ko kaya sa takot na baka hawak siya ni Don Joel ay pinili kong manatili muna dito! Nang malaman kong may operation kayo ngayon ay agad akong tumawag sa headquarter kaya nandito ako.", kibit-balikat na kwento ni Ate." Grabe kah, pinag-alala mo kami lalo na itong kapatid mo!" , sabi dito ni Lisa."Pansin ko nga. Pero, bakit niyo naman sinama sa panganib itong kapatid ko? Di ito pang-action, magmamadre ito!", yamot na sumbat ni Ate kay Lisa." Matapang ang kapatid mo Sanchez, kasingtapang mo kaya huwag kang mag-alala.", sabat bigla ni Sir Anthony.Di nakaligtas sa akin ang bahagyang pamumula ng pisngi ni Ate at ang mapanuksong tingin dito ni Lisa."Salamat po, Sir.", nahihiyang sabi ni Ate." Ano kaba naman Grace, matagal ko ng sinasabi sayo na Anthony nalang. Mukhang mas matagal pa tayong magkasamang magtatrabaho.", natatawang sabi ni Sir Anthony.Pareho kaming nagtatanong na napatingin kay Sir Anthony. Ang alam ko kasi ay private agency ang kinabibilangan nila Ate at Lisa na nakipagpartner lang sa gobyerno dahil sa kasong ito.Mukha namang sarado na ito dahil nahuli na si Don Joel kaya wala ng dahilan para magkasama pa silang magtatrabaho maliban nalang kung..."May mga tauhan pa si Mr. Mon Verde na nakatakas. Di pa tapos ang trabaho natin.", agad na sabi ni Sir Anthony na kumompirma sa mga duda namin.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz