Hunk Series 5 Travis Ross On Going
Chapter 4
CLARISSE'S POV
"Mam," napa anggat na lang ako ng tingin na marinig ang pag tawag sa akin ng katulong na naroon sa likod ng pintuan. Yakap-yakap ko ang aking tuhod na naka upo sa malambot na kama at hindi ko na matandaan kong ilang oras na ako sa posisyon na iyon. Hindi ko na pinansin ang medyo gusot kong damit, ang buhok kong magulo na at pag hahapdi at mugto ng aking mata na ilang oras na umiiyak. "Kakain na po ng tanghalian." Mababa nitong tinig at narinig ko muli ang pag katok niya sa pintuan para hikayatin akong lumabas at kumain na.
"Umalis kana." Pag tataboy ko na lang sakanya. "Hindi ako nagugutom, at pwede ba umalis kana?! Alis!" Medyo tumaas na ang aking boses, wala na akong pakialam kung magalit man siya sa akin basta ang gusto ko lang ang mawala silang lahat sa buhay ko.
Ang tantanan nila ako!
Mag kakasunod muli ang pag katok niya sa pintuan na marindi pa talaga ako ng tuluyan.
"Pero Mam, kahapon pa po kayo hindi kumakain at lumalabas sa inyong silid at labis na kaming nag aalala. Pinag uutos kasi ni Sir na kumain na raw ho kayo."
"Wala akong pakialam kong ano man ang kanyang pinag uutos! Pwede ba, tantanan niyo na ako?!"Malakas ko na lang na singhal maririnig mo sa silid na iyon, na pinag halong galit at inis na lang ang lumukob sa aking mga mata.
"P-Pero kasi Mam ako ho ang mapapagalitan kapag hindi kayo lumabas, sige na po Ma———"
"Hindi mo ba ako narinig? Ang sinabi ko, alis! Alis sabi!" Dumaongdong ang malakaw kong sigaw. Hindi na ako makapag timpi pa at, kinuha ko na ang unan sa tabi ko at kay lakas na lang iyon binato sa pintuan para tantanan na nila ako.
Tumama na lang ang unan na binato ko sa pintuan kasabay ang pag bagsak no'n sa sahig.
Napa hilamos na lang ako ng aking mukha at hindi ko na mapigilan ang sarili ko, na lumandas ang luha roon.
Napa titig na lang ako sa pintuan, at wala na akong narinig pa na anumang salita o yabag ng paa ng katulong na paalis sa silid na iyon na bigla na lang nanahimik. Mabibinggi kana lang sa katahimikan at napa tinggala na lang ako para pigilan na lang tumulo ang luha na nag babadyang tumulo muli.
Sobrang bigat na ng aking dibdib, na tila ba'y may naka patong doon na mabigat na bagay na hindi ako maka hingga ng maayos. Ginala ko na lang ang mata ko sa paligid at hindi ko maiwasan na mapa iyak na lang na hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakaka alis sa puder na ito.
Hindi pa rin ako nakaka alis sa impyernong ito.
Tatlong araw na ang nakaka lipas, heto't narito pa rin ako sa puder ni Travis. Sinubukan ko naman lahat ng makakaya ko para maka alis rito subalit hindi ko magawa.
Bantay-sarado sa akin ang mga tauhan ni Travis lahat ng kilos, galaw at bawat hiningga ko lahat ng iyon bantay nila.
Ilang beses ko sinubukan na maka takas subalit, kaagad rin naman nila ako nahuhuli at kinukulong sa silid na ito.
Ilang beses na ako nag makaawa at umiyak para pakawalan na nila ako ngunit hindi nila ako pinakinggan.
Hindi nila ako dinidinig.
Napaka sakit lang dahil bakit ginagawa nila ito sa akin?
Bakit nila ako pinapahirapan ng ganito?
Bakit sinasaktan nila ako ng ganito?
Sa bawat oras at araw na nag daan lalo lamang lumiliit ang tyansa ko na maka alis sa lugar na ito. Lumiit ang tyansa ko makita ko si Luke.
"L-Luke, miss na miss na kita," basag ko na lang na tinig. Hindi pa rin ako nauubusan ng pag asa sa puso ko na maka alis sa lugar na ito at mag sasama kaming dalawa. "Hintayin mo ako, makaka alis rin ako rito." Basag ko na lang na tinig at parang may karayom na lang na kumurot sa aking dibdib habang sinasabi ang katagang iyon.
Lumandas na lang ang huling luha sa aking mga mata na kaagad ko naman kina punas iyon.
Nanatili ako ng ilang minuto sa posisyon na iyon hanggang mapagod na ako, kusa na akong bumaba sa kama. Lumapat na lang ang paa ko sa malambot na carpet at nag patuloy akong nag lakad hangga't tumigil ako sa harapan ng malaking salamin.
Pinapanuod ko na lang ang repleksyon ko, walang kaamor-amor at walang anumang sigla sa full sized mirror sa harapan ko ngayon.
I'm Clarisse Villaforte, 18 years old first year college in St. Lucas University taking Bachelor of Science of Business Administration. I have thick black curly hair na hanggang baywang ang haba. Balingkinitan ang pangangatawan at sakto lang naman ang height, kayumanggi ang aking kutis mayron na bilugang mukha. Napaka natural na mamula-mula ang aking pisngi at labi kahit hindi mag lagay ng lipstick.
Ang aking mata nabahiran ng lungkot at pamula-mula patandaan ng pag iyak na walang humpay.
Suot ko ang mahabang dress na sleeveless, na lagpas tuhod ang haba at may konting design pa iyon na laces kaya't lumalabas ang pagiging natural no'n.
Nanubig na ang aking mata muli at kasabay no'n ang pag patak ng luha sa aking mga mata habang pinapanuod ang sarili ko. Napukaw na lang ang atensyon ko na marinig na lang ang mahinang pag katok sa pinto muli kaya't kina punas ko na lang ang bakas ng luha para hindi nila mapansin ang pag iyak ko.
Katahimikan na lang ang sumagot matapos ng mahinang katok at nanatili ako sa aking kinatatayuan, hindi gumagalaw. "Mam?" Boses kaagad iyon ng katulong, alam ko naman na iba na iyon kumpara sa kumatok kanina sa silid ko. "Mam Clarisse? Nariyan na po ang iyong Mama at Papa," ang pag bigkas na lang nito ang pag kalabog ng aking dibdib.
Nandito si Mama at Papa?
Katahimikan na naman muli ang nanaig at hindi ko alam kong ano bang emosyon ang dapat kong ipakita ng sandaling iyon na marinig na nandito sila.
Dapat ba akong maging masaya?
Dapat ba akong masaktan at magalit na ngayo'y parang binenta nila ako kay Travis.
"Naroon sila sa ibaba at gusto niya raw kayo maka usap." Pag papamalita na lang nito at sobrang higpit na lang ang pag kakahawak ko sa suot kong dress, hindi mawala ang galit sa aking mga mata. "Mam Clarisse?" Pag tawag niya muli nang mapansin nitong hindi pa ako sumasagot.
"S-Sige, susunod na lang ako." Sapat na ang lakas ng aking boses para marinig niya na ang sinabi ko.
Wala na akong narinig pa sa katulong na anumang sagot. Tumitig muli ako sa repleksyon ko sa salamin, at nagiging malamig lamang iyon. Inayos ko na ang sarili at medyo magulo kong buhok para maging presentable na haharap sakanila.
Sinuot ko na ang simpleng sapin sa paa, at siniguro ko muna sa harapan ng salamin at wala man lang na saya ang gumuhit roon. Nang masiguro ko na maayos na ang lahat at napag pasyahan ko ng lumabas ng kwarto.
Tuloy-tuloy lang ang aking pag lakad, hindi ko mawari kong ano ba dapat kong maramdaman ng sandaling iyon habang tinatahak ko ang aking paa sa malawak na pasilyo. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad hanggang marating ko na ang malaking hagdan at ilang sandali lang at maka rating na ako ng tuluyan sa unang palapag.
Naabutan ko na lang ang mga katulong na abala sa kanilang mga ginawa. Mga lalaking naka itim na kasuotan at animo'y nag babantay sila sa paligid.
Nag pakawala na lang ako ng malalim na buntong-hiningga na pinag patuloy ko ang pag lalakad ko hanggang maka rating ako sa malawak na sala.
Mabagal lamang ang ginawaran kong hakbang hanggang maka lapit na ako, kumalabog na ng kay lakas ang aking dibdib na malayo pa lang nakita ko na ang dalawa ng bulto ng tao na nag hihintay sa akin.
Dalawang bulto ng tao, na gustong-gusto ko na makita.
At iyon ang aking mga magulang.
Tahimik lamang silang nag hihintay sa malawak na sala. Napako naman ang mata ko sa isang babae, na naka upo sa mahabang couch. Siya siya Solidad Villaforte, 52 years old ang aking Mama. Kulay porcelana at puti ang kanyahgbkutis. Hanggang leeg ang haba ng kanyang maitim na buhok na animo'y gabi. Ang kanyang mukha naman, napaka simple at hindi gaano nag lalagay ng anumang make-up sa mukha.
Naka suot ito ng ternong light green na damit na bagay sakanya, pasuotin mo man siya ng kahit na anong klaseng damit kaya niyang dalhin.
Napaka hinhin at lambing ni Mama kung mag salita at napaka lambot ng kanyang puso kaya't si Mama lang talaga ang nakaka sundo ko sa bahay, lagi niya akong pinag tatanggol kay Papa kapag naka gawa man ako ng anumang pag kakamali.
Ang aking pag tingin naman naka pako na lang sa isang lalaki na naka upo sa single couch. Naka kunot ang noo at halatang hindi alam kong ngumiti man lang.
Siya si Dominggo Villaforte, 58 years old ang aking Papa. Pag mamay-ari ng Crystal Lining Jewelries kung saan iyon ang aming negosyo na pinapatakbo ng aking mga magulang.
Kagaya rin ni Mama, naka suot rin ito ng magandang damit at tila ba'y naiinip ito base pa lang kong gaano nag kasalubong ang kanyang noo na nag hihintay sa malawak na sala.
Napaka bigat ng aura ni Papa habang naka upo, na kahit sino masisindak kong paano kalamig ang kanyang mga mata.
Siya ang klase ng tao, na hindi palaimik at hindi gaanong nag sasalita pero kapag nag naka gawa ka man ng anumang pag kakamali doon kana matatakot dahil likas siyang strict sa lahat ng bagay lalong-lalo na rin sa bahay.
Malayo pa lang ako at hindi pa nakaka lapit, kaagad na ako nakita ni Mama. Tumayo siya sa kanyang kina-uupuan at sinalubong niya kaagad ako na matamis na ngiti at mahigpit na yakap.
"Clarisse, anak." Tawag niya sa akin, na hindi na lang ako umimik at hinayaan na lang siyang yakapin ako.
Ayaw kong pangunahan ang mga nangyari.
Ayaw kong maging bastos na magalit kaagad sa ginawa nilang pag papakasal sa akin, na walang basbas kay Travis.
Gusto kong maging mahinahon.
Gusto kong maging kalmado dahil alam kong mayron naman silang rason kong bakit, nagawa nila iyon sa akin.
Si Mama na ang kumalas sa pag kakayakap naming dalawa at hinawakan niya ako kaagad sa mag kabilang braso, na may kakaibang kislap at saya ang mata niya na makita ako.
"Kumusta kana, anak? Naka tulog ka ba ng maayos?" Hindi na maipaliwanag ang saya sa kanyang boses na kinakausap niya ako, samantala naman ako tahimik lang na naka tayo at pinapanuod siya.
Bumaba na lang ang mata ni Mama sa aking mukha at sa suot kong damit. "Oh, bakit ganiyan ang suot mo? Mag ayos ka nga Clarisse, parang hindi kana man babae na ganiyan kang itsura haharap kay Travis. Nakaka hiya." Sita niya na lang sa akin na hindi na lang ako kumibo pa.
Mabilis na si Mama kumilos na umalis ang pag kakahawak sa aking mag kabilang braso at nag mamadali itong lumapit sa couch para may kunin. Hindi na maitago ang saya at kilig na kanyang naramdaman ng sandaling iyon na pinakita niya sa akin ang ilang piraso na paper-bag na kanyang dala. "Tamang-tama, pinamili kita ng magaganda at bagong damit ngayon, Clarisse." Excited na wika niya na lang sa akin, na malamig lang na napa titig sa couch sa mahigit sampung paper-bag na naroon pawang mga mamahalin at may mga brands kong titignan.
Tahimik ko lang na pinag mamasdan si Mama na ngayo'y suot-suot ang mamahalin na damit, magandang sandals. Mga alahas at palamuti sa kanyang katawan at napako na lang ang mata ko sa designer bag na kanyang dala na alam kong hindi biro ang halaga no'n kung titignan. Puno ng lungkot ang mata kong, napa baling ang tingin ko kay Papa na ngayo'y masungit ang mustra ng mukha na naka upo sa single couch pareho lang sila ni Mama suot ang mamahalin na damit.
Mamahalin na kasuotan at gamit na alam kong hindi naman namin kayang bilhin ang mga iyon.
Mamahalin na mga kasuotan, na hindi ko alam kong kanino o saan galing.
Hindi na lang ako kumibo subalit, napaka bigat na ng aking dibdib na ngayo'y alam ko na.
Alam ko na, kong kanino galing lahat ng ito.
"Binilhan kita ng magandang damit. Tignan mo ito, anak." Nilabas niya mula sa paper-bag ang binili niya para ipag malaki iyon sa akin. Isa lamang iyon na magandang dress at may iba't-iba pang burda at mamahalin na mga bato halatang mahal ang itsura. Pinakita na lang ni Mama ang matamis na ngiti sa akin, na napaka hirap para sa akin na maging masaya ng sandaling iyon. "Diba ang ganda? Bagay na bagay ito sa'yo. Pinili ko na talaga itong kulay dahil tiyak kong bagay ito sa'yo at magugustuhan rin ni Travis kapag ito ang suot mo.. Tyaka binilhan na rin kita ng sexy lingerie para maisuot mo kapag nag honeymoon na kayong dalawa. Hihi." Abot langit ang ngiti sa labi niya, na pinakita rin ang magandang mga binili niya sa Mall, na hindi ko na lalo pa tuloy akong nasasaktan.
Uminit na lang ang mag kabilang sulok ng aking mata na isa-isa niyang pinapakita sa akin lahat ng mga pinamili niya. Bawat salita niya at mga pinamili niyang mga gamit, lahat ng iyon kumikirot sa aking dibdib.
"Saan iyan galing Ma? Wala naman tayong pera, pang bili nito hindi ba?" Sapat na ang hina ng aking boses na matigilan si Mama sa pag papakita sa akin ng mga naloob ng paper-bag na hawak niya.
Gusto kong paniwalaan ang sarili ko na mali ang kutob ko.
Mali ang hinala ko na sakanya galing ito lahat.
"Hindi na importante kong kaninong pera galing ang lahat ng ito Clarisse." Binaba niya ang paper-bag na hawak niya at kinuha naman ang isa katabi rin ng nauna na pinakita niya sa akin. Abot-langit ang ngiti sa labi niyang kinuha para ipakita iyon sa akin. "Halika, may ipapakita pa ako sa'yo na binili ko sa pag shopping ko kanina. Ang saya-saya ko talaga anak dahil naka bili kami ng Papa mo na mga bagong damit at iba pang kailangan nami——"
"Galing ba ito kay Travis?" Matabang ko na lang na pag kakabigkas na mawala na lang ang matamis na ngiti sa labi ni Mama. Nawala na rin ang sigla niya na pag papakita ng kanyang mga pinamili niya at dahan-dahan iyon binalik sa couch.
Tama nga ako.
Galing lahat ng ito kay Travis.
Lahat ng pera at pinamili nila ng lahat ng ito, galing lahat sa lalaking iyon!
"Oo anak, galing ito lahat sakanya." Pag kompirma na lang ni Mama na lalo lang akong nag hina sa sinabi niya. "Narito kami ng iyong Papa para sabihin sa'yo na tinulungan na tayo ni Travis anak, na bayaran ang lahat ng utang natin. Iyong kompaniya, nangangako siyang mag invest roon at nag bigay rin siya ng pera sa atin para makapag simula ulit, Clarisse ana———" hindi na mitago ang saya niya habang kinu-kwento iyon sa akin.
"Ano masaya na kayo? Ma, Pa?" Nag pasalit-salitan ako ng tingin sakanilang dalawa na ngayo'y pareho na silang natahimik. "Masaya na kayo, na wala na tayong utang at sa perang binigay sainyo ni Travis? Hindi niyo man lang ako tatangunin kong kumusta, o kong ano ang mararamdaman ko sa ginawa niyo? S-Sa ginawa niyo sa akin, para niyo na rin naman akong binenta eh." Basag ko na lang na tinig na nag simula na akong maging emosyonal.
Lahat ng salita na binibigkas ko lahat ng iyon, bumara sa puso at lalamunan ko.
Sila ang dahilan kong bakit ako nasasaktan.
Sila rin ang dahilan kong bakit ako umiiyak ngayon.
Akala ko, ipapaliwanag nila sa akin lahat ng mga nangyari, pero bakit ganito?
Bakit parang kabaliktaran pa ata, lahat ng mga inaasahan ko?
Bakit parang masaya pa sila?
Bakit, pakiramdam ko napaka dali lang sakanila na ipamigay ako nang ganun-ganun lang?
Lunapit si Mama sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. "Clarisse, sana maintindihan mo kung bakit nagawa namin sa'yo ng Papa mo ang bagay na ito. Hindi naman naming ginusto ito."
"Hindi gusto, pero ginawa niyo pa rin. Ginawa niyo pa rin na ipag pakasal ako sakanya na hindi ko alam." Mapakla konna lang na pag kakasabi, sabay bitaw sa kanyang kamay kaya't napa kurap na lang ng mata halatang nabigla sa ginawa ko.
Nakita ko na nasaktan si Mama sa ginawa ko, pero mas matindi ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Alam mo naman ang sitwasyon ng pamilya natin diba? Nalulugi na ang kompaniya at hanggang ngayon wala pa rin tayong balita sa Ate Erisse mo. Nag kabaon-baon na rin tayo sa mga utang anak kaya't kinailangan naming gawin ito para maalis tayo sa gulong ito at si Travis lang naman ang makaka tulong sa atin." Tugon pa ni Mama na mababa na tinig.
Pinapamulat nila ako na tama ang kanilang desisyon.
Pinamulat nila ako na tama ang kanilang ginawa kapalit lang na makabayad kami sa lahat ng utang namin.
Paano naman ako?
Paano naman ang nararamdaman ko?
Hindi ba iyon importante?
Gusto kong sabihin ang lahat ng iyon sakanila pero mas pinili ko na lang itikom ang bibig ko dahil lalo pa tuloy akong masasaktan na marinig ang sagot sa mga katanungan ko.
"Kaya't pinakasal niyo ako sa lalaking, hindi ko naman mahal, Ma?" Hindi ko na mapigilan na bumuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. "Kaya ko naman na pag trabahuhan at gawan ng paraan para maka tulong ako sainyo ng mga utang natin pero bakit sa ganitong paraan pa, na itali niyo ako sakanya?" Para na lamang na gripo na bumubuhos ang luha sa mga mata ko.
Lahat ng bigat at sakit sa dibdib na aking kinikimkim lahat nailabas ko na.
Lahat naibuhos ko na.
"Clarisse, anak." Pilit ni Mama na hinuhuli ang aking kamay subalit, iniiwas ko naman ang sarili ko palayo sakanya at lalo lamang akong napapa-iyak.
"Hindi Ma, eh." Iling na tugon ko. "Alam niyo naman na si Luke lang ang mahal ko, diba? Pero bakit nangyari ito? N-Napaka sakit lang ang ginawa niyong ito sa akin, na akala ko kayo ang makaka intindi sa nararamdaman ko pero bakit naman ganit———"
"Tumigil kana nga sa kaartihan mo Clarisse! Paulit-ulit na lang ba tayo?" Ang matinis na bulyaw na lang ni Papa sa malawak na sala, ang mag patigil sa akin.
"Dominggo." Saway naman ni Mama sabay baling ng tingin sa akin.
"Pinag sasabihan ko lang ang magaling mong anak, Solidad!" Umalingawngaw na lang ang nakaka takot niyang boses sa silid na iyon, at nakita ko naman ang takot sa mukha ni Mama na umiba na ang timpla ng kanyang mukha.
Kay talim na titig na ang pinukulan niya sa akin na animo'y papatayin niya ako sa talas kong paano niya ako tignan. Uyam na umigting na lang ang panga ni Papa at dahan-dahan itong tumayo sa kanyang kinauupuan na lalo pa tuloy kaming mabahala lalo't ang simula na siyang magalit.
Napaka lakas na ng kalabog ng aking puso, hindi ko maitago ang takot na lang para sa sarili ko lalo't iba na ang mustra ng mukha ni Papa at nakaka takot na. Kong gaano man ako kinakabahan, doble ang nararamdaman ngayon ng aking Mama.
Hinakbang ni Papa ang paa niya palapit sa gawi naming dalawa, bawat yabag ng kanyang paa lalo lamang nararagdagan ang kaba sa aking puso lalo't nag lakad siya na animo'y nag hahanap ng away.
Pinili ni Papa na huminto sa harapan ko at nakita ko naman ang biglang pag kataranta ni Mama, sa kakaibang kilos ni Papa lalo't alam niya ang kaya nitong gawin kapag nag simula na itong magalit.
"Parang awa mo na Dominggo, huwag mo ng gawin kong ano man ang iniisip mo. Huwag mong palakihin pa ang sitwasyon, at maging mahinahon ka lang." Kinakausap ito ni Mama ng mahinahon at mababa na tinig para sa ganun, maging kalmado si Papa subalit alam kong hindi naman siya mag papaawat. "Dominggo, pakiusa——" hindi na natapos ni Mama ang anumang sasabihin niya na inis niyang tinabig si Mama palayo sa akin na labis niya naman kina-bigla.
Kulang na lang tumalsik si Mama sa lakas ng kanyang impact, mabuti na lang at nabalanse niya ang katawan na hindi matumba. "Dominggo." Akmang lalapit si Mama sa gawi namin para awatin si Papa subalit bago niya pa magawa iyon na binigyan na siya ni Papa ng matalim at nag babantang titig kaya't napa tigil na lang siya.
"Tumigil kana, Solidad! Huwag kang makialam pa rito!" Pag babanta na lang ni Papa kaya't bigla na lang natahimik at namutla ito sa takot.
Hindi na nakapag salita pa si Mama at hindi pa rin naalis ang matalim na titig sakanya ni Papa kaya't takot na takot na inatras niya ang paa niya palayo sa aming dalawa.
Nag pakawala na lang si Papa ng mabigat na buntong-hiningga at uyam na binalik niya ang titig niya sa akin. Parang naging slow-motion lamang at hindi ako naka ligtas sa nag babanta niyang titig, na naririnig ko na ang malakas na kalabog ng puso ko.
"P-Pa." Kahit nangangatog ang kalamnan ko, nagawa kong tawagin siya. "Ngayon lang ako hihiling sa'yo, hindi kasi ako hinayaan na maka alis dito.. Tulungan niyo na ako Pa, gusto kong puntahan si Luke. Gusto ko siyang maka u-usap. Parang awa niyo na Pa, tulungan niyo ako." Basag ko na lang na pakiusap sakanya at nanubig na lang ang bakas ng luha sa aking mga mata.
Wala akong nakuhang anumang sagot mula kay Papa, hindi pa rin nag babago ang emosyon sa mga mata nito kong paano niya ako tignan ngayon.
Kahit maliit na tyansa pang hahawakan ko kahit alam kong napaka labo na paboran niya ang hiling ko.
Ito lang ang naisip kong paraan para maka alis at maka usap kaming dalawa ni Luke, iyong huminggi ako ng tulong sakanila.
"Parang awa niyo na Pa, tulungan niyo akong maka alis rito. Hindi kasi ako pinapayagan na maka alis rito ni T-Travis." Hinawakan ko na ang kamay ni Papa at maluha-luhang nakikiusap sakanya na tulungan niya ako.
Nabigla na lang ako sa sunod na gawin ni Papa na padabog niyang inalis ang kamay kong naka hawak sakanya. Nanikip ang aking puso sa ginawa ni Papa, na ngayo'y napaka dilim ng aura niya ngayon|
"Hindi ka ba talaga nag iisip, Clarisse ha?!" Ang malakas niya na lang bulyaw ang pag iyak sa akin nang husto. "Hindi mo pupuntahan ang lalaking iyan, dito ka lang! Maganda na ang buhay mo at maayos na ang lahat para sa atin, tapos mag bibigay ka pa ng problema at sakit ng ulo?!" Dumaongdong na lang ang malakas niyang sigaw sa buong sala na walang tigil na lang na umaagos ang luha sa mga mata ko'y lalo't nakaka takot na ang mukha niya
"Pero Pa, si L-Luke." Garalgal kong tinig.
"Tumigil kana Clarisse, lalong-lalo na sa kahibangan mo sa lalaking iyan! Bakit matutulungan ba tayo ng lintik na pag mamahal mo na iyan sa problema natin? Kaya niya bang solusyonon ang mga kumakalam nating sikmura ng lintik na sinasabi mong pag mamahal sa lalaking iyan? Gamitin mo kasi ang kokote mo at huwag kang tatanga-tanga." Paulit-ulit niyang dinuduro ang gilid ng aking noo, pilit pinapatatak sa isipan ang bagay na iyon na tahimik lang akong umiiyak. "Hindi ka nagaya sa Ate Erisse mo, matalino at ginagamit ang isip. Kong narito lang siya, hindi niya ako bibigyan ng sakit ng ulo na ginagawa mo sa akin ngayon Clarisse! Wala ka talagang kwenta!" Bulyaw niya sabay duro ng mariin sa aking noo at doon na lahat bumuhos lahat ng sakit at bigat na kinikimkim ko.
"O-Oo, kung nandito ang Ate." Basag kong tinig kasabay ang pag patak muli ng luha sa aking mga mata. Lakas-loob akong humarap kay Papa na ngayo'y domoble ang galit ng mukha nito.
"Anong sabi mo?!" Pag uulit lamang nito na animo'y hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
Lumunok muna ako ng mariin at matapang na humarap sakanya. "Asan ngayon ang Ate? Diba wala Papa? Umalis rin siya dahil hindi niya kaya ang pinapagawa mo sakanya kaya't kusa na siyang umalis. K-Kusa niya na tayong iniwan." Hindi ko alam kong saan hinuhugot ang tapang para masabi ang bagay na iyon sakanya.
Sobra na kasi eh. Sobrang sakit na ginawa nila sa atin. "Hindi niyo rin ako masisisi kong bakit ganito ako Papa, kong nandito lang ang Ate, naiintindihan niya kong ano man ang nararamdaman ko ngayon na kahit kayo, hindi niyo magawa para sa akin!" Matapang kong tinig na ngayo'y bumigat na ang pag hingga ni Papa na alam kong nasagad ko na siya.
Nilapit pa ni Papa ang sarili niya sa akin, na matapang ko naman siyang hinarap. "Kalimutan mo na ang lalaking iyan Clarisse at tuonan mo na lang pansin at atensyon ang asawa mong si Travis!"
"Hindi ko nga s-siya mahal, Pa." Mababa kong tinig. "Bakit hindi niyo maintindihan ang bagay na iyon? Hindi ko nga siya mahal, si Luke lan——-" hindi ko na natapos ang anumang sasabihin ko, binigyan niya ako nang malakas at malutong na sampal na labis ko naman kinabigla.
Umagos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Sobrang sakit na.
Ang sakit-sakit na.
Pakiramdam ko, nahilo ako sa malakas na sampal niya sa akin. Nanuot sa laman ko ang kirot at sakit na pag kakasampal niya subalit, wala nang mas sasakit pa ang pinaparamdam niya sa akin ngayon.
Kulang na lang sasabog na ang dibdib sa naka patong sa dibdib ko na hindi ako maka hingga ng maayos
"Iyan na ang huling beses na maririnig ko na binabanggit ang pangalan ng lalaking iyan, Clarisse!" Banta niya habang dinuduro ako. "Itong tatandaan mo, kapag nalaman kong tumakas at gumawa kana naman muli ng anumang kalokohan kay Travis, hindi lang iyan ang makukuha mo sa akin!" Ilang beses niya pa pinapamukha sa akin ang bagay na iyon kasabay ang pag patak ng luha sa mata ko.
Naroon ang nag babagang mga mata ni Papa, kong paano niya ako tinignan na isang iyak lang ang sinukli ko sakanya. Uyam niya akong tinignan at pag katapos, inis na siyang nag lakad para talikuran na ako kasabay no'n ang walang preno na pag agos ng luha sa mga mata ko.
Sinundan ko na lang si Papa ng tingin palabas ng Mansyon hanggang napako na lang ang mata ko sa isang tabi na ngayo'y pinapanuod ako ni Mama. Naka tayo lamang siya, puno ng lungkot at pakiusap na tulungan niya ako.
Tulungan niya akong kumbinsihin si Papa.
"M-Ma." Basag kong tawag sakanya na animo'y nag susumbong at nag hihinggi ng tulong sakanya.
Tinignan lang ako ni Mama na walang emosyon at wala akong nakuhang sagot sakanya, lalo lamang akong napa iyak na inihakbang niya ang paa niya pasunod kay Papa kasabay ang pag guho ng pag asa sa aking puso.
Hanggang hindi ko na kinayanan, tuluyan na akong nag hina at napasalampak na lang na napa-upo sa malamig na tiles. "Ma, Pa." Patuloy kong pag tawag sakanilang pangalan kahit alam kong hindi rin naman nila ako papakinggan.
Kahit alam kong, hindi rin nanan nila ako tutulungan.
Tanging iyak lamang ang ang aking ginagawa na pinapanuod ko na lang ang mga magulang ko paalis hanggang tuluyan na silang nawala sa mga mata ko kasabay na lang pag patak ng luha sa aking mga mata.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz