He Doesn T Share
Chapter 10
Hindi siya nagpakita nang matagal. Walang paramdam. 'Tapos bigla siyang darating. 'Tapos gusto niya, patawarin ko siya agad. Bakit ganun?
Umalis si Wolf noong gabing iyon dahil hindi ko na siya pinagbuksan ng pinto. Basta alam ko lang na umalis na siya. Narinig ko ang pag-alis ng sasakyan niya. That was two weeks ago. After that, wala na siyang paramdam.
Pinalayas ko siya because I found him creepy the last time we talked. Naramdaman ko ang pagiging iba niya. Parang may tama sa utak si Wolf. Dapat talaga matakot ako at iwasan na siya.
Pero bakit ganito? Bakit hinahanap-hanap ko siya?
Argh. Stupid, Ingrid!
Napapitlag ako ng biglang may kumatok. Sumilip sa bintana ang nakangiting mukha ni Ate Helen. "Ing!"
Pinagbuksan ko siya ng pinto. "Ate Helen, ikaw pala."
"May inaasahan ka bang iba?"
Bantulot akong napangiti. "Wala. 'Lika pasok ka."
"Hindi na dito nadadaan si Wolf."
Nagkibit ako ng balikat. Magkatabi kaming umupo sa sofa. Tahimik ang kabahayan dahil nasa school pa si Aki.
"Nag-away ba kayo?" tanong niya.
"Bakit mo naman natanong iyan, 'Te?" Hindi niya alam na nagkasagutan kami ni Wolf.
"Ewan. E, kasi hindi na siya nagpupunta."
"Bakit hindi siya ang tanungin mo, Ate?" Gusto ko ring malaman kasi, pero nahihiya akong gumawa ng aksyon. Kasi nga pinalayas ko siya. Pinalayas ko, e. Bakit ako pa ang magtatanong?
"Akala ko pa naman ay may unawaan na kayong dalawa."
Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi sigurado kung nagkaroon nga ba talaga kami ng unawaan ni Wolf. Oo nagsabi siya sa akin ng "I love you" and all, pero nagbago na ang lahat dahil sa ipinakita niyang creepy behavior.
"Pero baka busy lang iyon sa work," aniya. "Narinig ko siya last time, may kausap sa phone. Parang pinsan niya iyong kausap niya. Negosyo ang pinag-uusapan nila, may problema ata."
"Ate Helen, hindi ba talaga kayo close?"
Sumandal siya sa sandalan ng sofa saka matamang tumitig sa akin. "Hindi."
"Pero alam mo naman siguro kung..."
"Kung?"
"Kung may psychotic tendencies siya?"
Biglang tumawa si Ate Helen. "Iyong poging iyon ng pinsan ko?"
"Hindi basehan ang itsura. Maraming psycho na may itsura. Looks can be deceiving."
"Wala. Tahimik lang talaga na tao iyon, maniwala ka. Ginagawa niya lang kung ano ang gusto niya. Sinasabi niya lang ang laman ng isip niya. Ganon."
Napayuko ako. Mukhang may kasalanan ako kay Wolf. Hinusgahan ko agad siya. Baka nga dahil may problema sa negosyo niya kaya hindi siya nakapagparamdam sa akin noon. Saka, bakit naman ire-report niya sa akin ang kanyang mga aktibidades? Hindi pa naman kami.
"Kung iniisip mo na baka niloloko ka niya, 'wag kang mag-alala. Hindi siya katulad ni Meryl ko na tatlong beses ma-in love sa loob ng isang linggo."
Hindi naman talaga siguro. Niyaya na nga akong magpakasal, kaya siguro, seryoso talaga. Nabigla nga lang ako kaya napagkamalan ko siyang psycho.
Tumayo si Ate Helen at tumingin sa labas ng bintana. Nagningning ang mga mata niya. "'Andito na ang prince charming mo!"
Pagkarinig ko niyon ay agad na binaha ng kaba ang aking dibdib. Nabuhay ang dugo ko na ilang araw ng malumbay. Nandito si Wolf?!
"Speaking!" ani Ate Helen. "'Lakas ng radar ko! 'Sabi ko na nga ba darating siya! Na-miss ka!"
"Baka ikaw ang sadya, Ate." Bakit naman mag-aaksaya si Wolf ng panahon sa isang makitid ang isip na kagaya ko?
"Ingrid, hindi ako bihasa sa pagbasa ng isang tao." Nilingon ako ni Ate Helen. "Pero malakas ang kutob ko, patay na patay sa 'yo yang pinsan ko. Kahit ano gagawin niya para sa'yo."
Napalunok ako.
"At sa itsura mong 'yan, malakas din ang kutob ko na iisa kayo ng nararamdaman. 'Wag niyong pahirapan ang mga sarili niyo. O siya, aalis na ako. Dumaan lang talaga ako rito para chikahin ka."
Lumabas si Ate Helen ng pinto, nakita ko pa ang pagsalubong niya kay Wolf. Saglit lang silang nag-usap. Bumalik ako sa sofa at pilit na kinakalma ang sarili ko.
Anong sasabihin ko kay Wolf kapag kinausap niya ako? Ano nga pala ang pag-uusapan naming dalawa? Hihingi ba siya ng sorry? O magpapaalam na dahil na-realize niyang ayaw niya nang pagtiyagaan ang isang katulad ko na pakipot na nga, judgmental pa? Baka iyong huli, malamang na-turn off na siya at—
Biglang bumukas ang pinto. Ni walang katok. Oo nga pala, naiwan ko iyong nakabukas.
Nanuyo ang lalamunan ko ng pumasok sa apartment ko si Wolf. Tila biglang lumiit ang paligid. Hanggang sa makaupo siya sa tabi ko ay nakatanga lang ako sa kanya. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko. At naiinis ako sa sarili ko dahil nangangati ang mga palad ko na haplusin ang mukha niya.
"Galit ka pa ba?" kay lambing ng boses niya na ikinataas ng kilay ko.
"...Bakit nandito ka?"
"I've just realized how silly I've been the last time. Dapat kahapon pa ako dito, pinalipas ko lang ang galit mo. Baka kasi ayaw mo pa akong makita... I'm sorry, Ingrid."
Napalunok ako. Siya pa rin ang nagso-sorry. Kahit kasalanan ko naman talaga kung bakit kami nag-away the last time.
"Sorry, Ingrid." Malamlam ang kulay abo niyang mga mata.
Nginitian ko siya. "Tama na 'yang sorry mo."
"Huh?"
"'Sabi ko, tama na ang pagso-sorry." Tumingin ako sa suot kong relo. "Nagmeryenda ka na ba?"
Kinalabit niya ako. "Pinapatawad mo na ba ako?"
"Ayaw mo?"
Napakamot siya ng ulo. Alanganin ang ngiti ni Wolf. And I think that's so cute of him.
"Gusto mo bang magmeryenda, igagawa kita ng halo-halo. Meron ako diyan sa ref."
"Next time." Sumabay siya sa pagtayo ko. "I just dropped by here to check on you and to ask for your forgiveness."
Ang layo ng Makati tapos saglit lang siya rito? Just to say sorry to me?
"May meeting ako sa Shang ng three PM. But I'll be back. Promise, I'll be back."
Ang tamis ng ngiti ko, hindi ako aware. E kasi naman, nagpapaalam na siya at nagsasabi na babalik siya. "Sige, ingat ka."
Kailan kaya siya babalik? Baka bukas agad? Wala pa man, excited na ako. Inihatid ko siya sa pinto.
Bigla siyang humarap sa akin, nakangiti. "Pinapatawad mo na ako, right?"
Mahina akong tumawa. "Kulit."
Hindi pa siya nakakalayo ay feeling ko, miss ko na agad siya. Nakalabas na siya ng pinto pero nakikita ko pa rin sa isip ko ang ngiti niya. At hindi iyon mabura-bura. His smile made me want to make him stay. But I have to let him go... for now.Babalik naman daw siya. And yes, I'll be patiently waiting for him.
ALAS-OTSO ng gabi ng makatapos akong maglaba. Bukas ko na isasampay iyong mga nilabhan ko. Inilagay ko muna iyon sa balde at tinakipan. Mga underwear ko lang naman iyon.
Kailangan kong gawing busy ang sarili ko para makalimutan ko muna siya. Kasi kahit saan ako tumingin, naaalala ko ang guwapo niyang mukha. Ultimo sa panty na nilalabhan ko, nakikita ko ang nakangiting mukha ni Wolf.
Ako yata ang mababaliw. Ganito pala ako ma-in love? Wala akong mapagkumparahan kasi first time, e. Overwhelmed tuloy ako ngayon sa nararamdaman ko.
Naghilamos ako at nagpalit ng t-shirt. Tulog na si Aki, inaantok na dahil napagod sa PE sa school kanina. Maaga ko na lang pinakaiin para makatulog na agad. Saka para makapag-concentrate ako sa paglalaba. Lumabas ako ng kuwarto.
Magtitimpla ako ng gatas para pampaantok sana nang mapatingin ako sa bintana. May nakatayo sa labas. Si Wolf? Nandito na siya? Kausap niya si Ate Helen. Anong ginagawa niya rito? Galing na siya rito kanina, ah? Gusto niya ba akong makita agad?
Agad akong napalapit sa pinto. Binuksan ko agad iyon. Oo na, oo na, na-miss ko siya kahit kanina lang kami huling nagkita. Miss na miss ko na agad siya. Nakakatakot akong ma-in love!
Nakaalis na si Ate Helen at papunta na si Wolf sa akin. Black polo shirt, denim jeans at high-cut na sapatos ang kanyang suot. At ang bango-bango niya.
"Matutulog ka na ba?"
"Hindi. Halika, pasok ka!" Pinaupo ko siya sa sofa, ako naman ay naupo sa upuan na kaharap ng inuupuan niya.
Ngiting-ngiti ako, sana lang ay hindi niya masyadong halata ang excitement ko.
Nakatingin lang ako kay Wolf. Pero bakit parang ayaw niya akong tingnan? Hindi ba nandito siya dahil gusto niya akong makita ulit? "Ah, Wolf..."
"Mag bra ka muna."
"Ha?" Nabura ang ngiti ko.
Nang ma-absorb ng utak ko ang sinabi niya ay napanganga ako. Saka ko lang naalala ang suot ko. Wala akong suot na bra at manipis na t-shirt na pambahay ang tanging nakatabing sa katawan ko!
"Sorry, saglit lang!" Mabilis akong tumayo at pumasok sa kuwarto.
Nakakainis! Bakit ba nakalimot ako?! Ang nipis-nipis pa naman ng suot ko!
Baka isipin niya na inaakit ko siya! Baka isipin niya ang pakipot ko pero may itinatagong landi naman pala! Nakakainis!
Natataranda na hinalughog ko ang drawer. Ano ba ang isusuot ko? Nasaan ba ang matitino kong damit?! Ang closet naman ang binuksan ko. Puro bestida, blouse at jeans ang laman niyon. Alangan namang itong mga 'to ang isuot ko, mukha kong tanga nito!
May bumato sa akin ng unan. Nang lingunin ko ang kama ay nakasimangot na nakatingin sa akin si Aki.
"Ano ba! 'Wag ingay nga! Natutulog ako, e!"
"Sorry na kamahalan! Matulog ka na ulit!" inis na sagot ko sa kanya.
Nagtalukbong siya ng kumot. Iyan matulog ka riyan, in love ang ate mo. First time ito kaya grabe ang taranta ko. Makisama ka lang diyan.
Inabot ako ng siyam-siyam sa paghahanap ng damit. Teka, bra lang daw sabi ni Wolf. Bakit kailangang maghanap pa ako ng ibibihis ko?! Ah, syempre, susulitin ko na dahil ngayon lang naman ako mag-aayos para sa lalaki. Gusto kong maging presentable.
Nagsuot ako ng bra, nagpulbos at naglagay ng kaunting lipstick. Pwede na 'to. Hindi masyadong OA.
Huminga muna ako nang malalim saka ako lumabas ng kuwarto. Nakahanda na ang mga topic na ioopen ko para hindi kami magpanisan ng laway.
Pagkaupo ko sa upuan ay nginitian ko agad si Wolf kahit hiyang-hiya pa rin ako sa kanya. "Uhm, hi! Alam mo, gagawa daw ang Pilipinas ng version ng F4. Hindi ko alam kung GMA 7 or ABS-CBN. Pero astig, 'no?"
Nakatingin lang si Wolf sa akin.
Tumikhim ako. "'Nga pala, mahilig ka magbasa? Try mo mga gawang Pinoy, okay rin naman. Nakakatuwa magbasa ng tagalog na stories, e, feel mo talaga na nangyayari kasi as Pinoy, makakarelate ka. Paborito ko iyong mga romance, e. Horror din minsan—"
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung kumain na ako?" Nakangiti siya sa akin.
Nakangiti? Bakit siya nakangiti? At parang natatawa siya?
"Uhm, kumain ka na ba?" nakangiwing tanong ko.
Lalo siyang napangiti. Tinapik niya ang tabi niya na tila sinasabing doon ako maupo. Na tabihan ko siya.
Napalunok ako. Tatabi ba ako o hindi?
"Wala akong gagawin, gusto lang kitang makatabi, Ingrid."
Tumayo ako at naupo sa tabi niya. May isang dangkal na pagitan.
Ang inaasahan ko ay aakbayan niya ako, didiga siya. Pero wala. Walang ganon. Parang kontento na si Wolf na magkatabi lang kami.
"I can change. In fact, I've already started."
Napalingon ako sa kanya. "Ha?"
"I'm serious, Ingrid." Nakikita ko naman ang kaseryosohan ng mga mata niya.
"Uhm, W-Wolf, gusto ko ring humingi ng pasensiya sa'yo noong gabing iyon. Uh, ano kasi... nabigla lang din ako."
He made an 'ugh' sound. Nang tumingin sa akin ay nakangiwi siya. "Ako dapat ang magsorry."
"Okay na iyon..."
"It's not yet okay." Ginagap ni Wolf ang mga kamay ko.
"Naiintindihan kita. Bago ka lang sa ganito, kaya hindi mo alam kung paano magre-react and all." Tumango-tango ako, pati sarili ko ay kasama sa kinukumbinse ko.
Tama naman, di ba? Hindi ako dapat mag-expect na perpekto siya. He's new to this. Siguro puro work siya kaya wala siyang time manligaw. Laking ibang bansa rin siya so posible na ngayon niya lang naranasan manligaw sa isang manang na, pakipot pa.
"Are you going to give me a chance, Ingrid?"
Tumango ako.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko. "You won't regret it."
Sana nga...
Sana nga dahil ito ang unang beses na nakaramdam ako nang ganito. At delikado pala ako. Delikado pala akong ma-in love, sa maiksing panahon, nagtitiwala na agad ako sa kanya, at sa maiksing panahon, alam ko na sa sarili na siya na ang aking gustong makasama. Mali ba iyon? Kasi kung mali iyon, wala na akong pakialam kung ano ang tama.
Basta, mahal ko ang taong ito. Mahal ko siya na para bang matagal na siyang bahagi ng buhay ko. Mahal ko siya na parang wala na akong ibang gugustuhin pang mahalin maliban sa kanya. Na kung hindi lang din siya, ay wag na.
Pareho kaming bago sa pakikipag-relasyon nang seryoso. Tutulungan ko si Wolf na mag-adjust habang nag-a-adjust din ako.
"Wolf..."
"Mmn?"
"Manligaw ka na ulit sa akin, promise, sasagutin kita."
Nakangiting hinaplos niya ang pisngi ko. "When?"
"H-how about now?"
Pumungay ang magagandang uri ng kulay abong mga mata niya. "You are so lovely..."
Napapikit ako nang maramdaman ang mahahabang daliri niya sa aking pisngi. "Wolf..."
"Hindi ako magmamadali. Hindi na kita bibiglain. Basta gusto ko lang makatiyak na wala ng ibang magmamay-ari sa 'yo. I told you, I am a very jealous man."
Kumalat ang tensyon sa katawan ko ng bumaba ang kamay ni Wolf sa leeg ko. Nanigas ako lalo nang hawiin niya ang buhok ko.
Hindi ako nakapaglagay ng concealer sa leeg!
Hinalikan niya ako sa pisngi. At ang mga labi niya ay sumunod sa palad niya na nasa aking leeg. Gusto ko siyang sawayin pero huli na. Naramdaman ko na ang paglapat ng mga labi niya sa parte ng leeg ko na wala pang sino man ang nakakahawak maliban sa akin at sa...
"Uuwi na ako, Ingrid. Always lock the door, baby."
Tulala pa rin ako.
"Can you promise me one thing?"
Wala sa loob akong tumango.
"Ako lang ang pagbubuksan mo ng pinto tuwing gabi."
Inihatid ko siya hanggang sa pinto. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya saka siya tumungo para marahan akong halikan sa noo.
Nang magtama ang mga mata namin ay kusang bumukas ang mga labi ko. "Sino ka ba talaga?"
Nginitian niya ako. "You'll find out soon enough."
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz