ZingTruyen.Xyz

Golden Sin

Chapter 03

vampiremims

Chapter 03


Nauna na sina Miaka at Patricia sa akin sa gym dahil kinuha ko pa sa sasakyan ni Kuya ang gamit ko. Sa loob na rin ako ng sasakyan niya nagpalit ng damit para mas mabilis at ayaw ko namang ma-late sa unang araw ng training.

I was wearing a pastel pink dri fit shirt and black spandex shorts. I wear my pink and white sneakers and tied my hair into a high ponytail, securing loose strands with pink and white clips so nothing would fall into my face.

Nilagay ko na lang din sa bag ko ang knee pads at ang finger tape kung sakaling kakailanganin ko iyon mamaya. I'm not sure what the coach will ask us to do but to be sure, I brought my things.

I grabbed my pink duffle bag and walked to the gym.

Magkatabi lang ang gym ng para sa basketball at sa volleyball at naririnig kong patuloy pa rin ang training ng mga basketball players sa loob. Hindi na ako sumilip dahil baka ma-late na ako sa training kaya kahit nakakatukso na sulyapan muli si Benedict sa loob, pinigilan ko ang sarili ko.

Pagdating ko, wala pa naman si Coach kaya inilapag ko na muna ang gamit ko sa tabi ng gamit ng mga kaibigan ko at nilapitan ko sila. They're starting to do stretching so I joined them.

Maliban sa amin, may tatlo ring bago na naroon. Mukhang nahihiya pa sila na lumapit sa mga matatagal ng players na naroon at natural lang naman iyon dahil magkakakilala na ang mga naroon at kami ang bagong salta.

"Hi! We're also new here. I'm Belly," pakilala ko sa kanila. I just figured it's better if we—rookies—will get along. Kami-kami naman din ang magkakasabay, e.

Ngumiti sila sa akin. Parang nabawasan ang pag-aalangan na naramdaman nila kanina.

"Vera," pakilala ng babaeng may headband na itim.

"Maggie," sabi naman ng babaeng chinita.

"Joan," ani naman ng babaeng nakatirintas na dikit sa anit ang buhok.

"This is Miaka and Patricia," pakilala ko sa dalawang kaibigan na malaki rin ang ngiti sa tatlong baguhan din sa team gaya namin.

Magkakasabay na kaming nag-stretching. Si Patricia ang nangunguna sa paggawa ng topic. Nayaya na nga niya ang tatlo na magkape sa coffee shop kapag libre raw sila. Siya na rin ang naunang mag-add sa mga ito sa social media account.

"Kapatid mo si Gab, 'di ba?" mayamaya sabi ni Maggie.

Ay...

Mabuti na lang at sanay naman na ako sa gano'n kaya napanatili ko pa rin ang ngiti ko.

"Yes," I nodded. "He's my brother."

Since grade school ay ganito na ang ganap sa buhay ko lalo at marami talaga ang nagkaka-crush kay Kuya. Mukhang hanggang college ay dala-dala ko pa rin ang pasanin na iyon.

"Ang galing naman, nasa basketball team siya at nasa volleyball team ka naman," sabi ni Vera.

Napangiti na lang ako lalo at hindi na sumagot pa.

Mayamaya lang ay dumating na rin si Coach Rachel at ipinakilala na rin kami sa lahat ng naroon. Kasabay niya ring dumating ang Captain na si Jia at nagsimula na rin kaming mag-training.

Ang assistant coach na si Coach Randy ang tututok sa amin habang nagsisimula naman na mag-training ang mga naroon. May tournament na magaganap sa susunod na mga buwan kaya naghahanda na rin talaga sila kahit noong wala pa kami.

Hindi ko alam kung papalaruin ba kami agad sa tournament na iyon at kung sakaling mabibigyan ng pagkakataon, hindi ko sasayangin iyon.

We jogged around the court, we did a series of stretching, ball passing and planks.

Parang nagsisisi tuloy ako ngayon na hindi ako masiyadong nag-jogging nitong mga nakaraang linggo dahil bakasyon naman at wala naman akong training dahil wala pa naman akong team noong mga panahon na iyon.

Nagpupunas ako ng pawis habang umiinom nang tubig nang may nagsalita sa likod ko.

"Belly, right?"

Sinulyapan ko ang pinanggalingan ng tinig. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko nang makita kung sino iyon.

Tinapos ko na muna ang pag-inom ng tubig bago ako tumango.

It was Saint, the men's volleyball team's captain. Wala silang training ngayon pero kanina ay nakita ko ito na pumasok sa gym para manood sa training namin.

"Yes po."

Natawa siya, lumabas ang isang dimple niya sa may kanang pisngi.

"You don't have to use 'po'. I'm just two years older, I think?" he replied. "I'm Saint, by the way. Saint Gallego, from the men's team." He offered his hand.

Hindi ko naiwasan din na matawa.

"You're not just from the men's team, you're the captain," sabi ko sa kaniya. Iniisip ba niya na hindi ko alam ang bagay na iyon? Ang laki-laki ng pictures nila sa entrance ng gym, e.

Natawa siya at kinamot ang may dulo ng kilay. "Well, yeah. I'm the captain."

I smiled again. "It's nice meeting you, Kuya Saint." Tumayo na ako at nagsabi sa kaniya na babalik na sa mga kasama at tumango naman din siya sa akin.

Nagtuloy kami sa training at bandang alas-siyete na rin iyon nang matapos kami. Doon na rin kami nag-shower dahil hindi ako pasasakayin ni Kuya sa sasakyan niya kung pawis na pawis ako.

Magkakasabay na kami na lumabas ng mga kaibigan ko para makauwi na rin pero dadaan pa ako sa kabilang gym para puntahan si Kuya dahil sabay kaming uuwi.

"Tapos na rin sila?" bulong ko nang makita na wala ng nagti-training doon at may mangilan na lang na nagpapahinga.

Sinisipat ko kung nasaan si Kuya pero hindi ko siya makita. Baka nasa shower pa siya. Sumandal na lang ako sa may gilid at kinuha ang telepono para mag-message sa kaniya na naroon na ako at hinihintay siya.

Napalingon akong muli sa loob ng gym. Kahit si Benedict ay wala rin doon.

"Baka sinundo na ni Lory," bulong ko, may pait akong nalasahan bago napairap kahit wala namang kaaway at muling bumaling sa telepono ko.

I just messaged my brother again and told him I'll just wait for him in the car and then started walking again.

Nakatatlong hakbang pa lang ako nang may humila sa strap ng bag ko dahilan para mapabalik ako at bumangga ang likod ko sa kung anong matigas na bagay.

"What the—" nilingon ko iyon at nakita ko si Benedict na nakatayo sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napaatras para umayos ng tayo.

Nandito pa siya?

"B-bakit ka ba nanghihila bigla?" tanong ko para itago ang pagkabigla na naroon pa siya, pati na rin ang pamumula ng mga pisngi ko.

"Where are you going?" he asked instead of answering my question.

He was wearing a plain white shirt and black shorts. Nasa balikat niya rin ang duffle bag niya.

"Sa parking. I'll just wait for my brother there," sagot ko. Gusto ko sana na itanong sa kaniya kung bakit nandoon pa siya at kung sabay ba sila ng girlfriend niya na uuwi pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Okay, let's go," he said and then reached for my duffle bag and took it from me. Binitbit niya rin iyon.

"Huh?" takang tanong ko. "Hindi mo naman ako kailangan na ihatid doon. I know my way there. Baka maabala ka pa," sabi ko kahit na naglalakad na rin ako dahil nagsimula na siyang maglakad.

Hindi siya nagsalita, basta diretso siyang naglalakad.

"Benedict, give me my bag. You don't have to carry it. Tsaka alam ko naman kung nasaan ang sasakyan ni Kuya. Hindi mo ako kailangan ihatid at—"

"Sasabay ako sa inyo," putol niya sa sinasabi ko nang huminto siya at tumingin sa akin. "I don't have my car with me. Magpapahatid ako kay Gab."

Naglakad na naman siya kaya sumunod na naman ako.

"What? Akala ko ba sabay kayo ng... ni..." Fudge, I can't even say it!

"Bilisan mo na, ang bagal mo," sabi niya at nilingon pa ako ng mabilis lang.

Sinimangutan ko siya at sumunod na lang sa paglalakad. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit siya sa amin sasabay.

Nag-away ba sila ni Lory?

Alam ko na masamang humiling ng kalungkutan ng iba pero nag-break na kaya sila? Am I a bad person if I wish they did?

Nakarating na kami sa sasakyan ni Kuya. May susi rin ako ng sasakyan niya dahil sa mga pagkakataon na kailangan kong kunin ang gamit ko sa sasakyan niya.

Inilagay ni Benedict ang mga gamit namin sa may back seat at pumuwesto na siya sa harapan ng sasakyan. Papasok na sana ako sa loob at uupo sa likod nang tawagin niya ako.

"You can sit on the driver's seat while we're waiting for Gab," sabi niya sa akin.

Gusto niya na tabi kami?

Nararamdaman ko ang pagkalat ng init sa pisngi ko.

"Para mas malamigan ka sa aircon," sabi niya at tumingin na sa harapan ng sasakyan kahit wala namang interesante roon.

Hindi ko itinago ang pagsimangot dahil kahit hindi niya alam, binara niya agad ang pangarap ko.

"Hindi na, okay na ako rito sa likod," sabi ko na masama pa rin ang loob at pumasok na at naupo. Binuksan ko na lang din ang aircon doon at itinutok sa akin.

Pinagmamasdan ko si Benedict na nakasandal at tila nagpapahinga. He's not even using his phone now. Naroon lang siya, hindi ko alam kung tulog na ba siya o ano.

Ano kayang pakiramdam na maging girlfriend niya? Kung ako siguro ang magiging girlfriend niya, ako na ang pinaka masaya sa mundo.

I smiled sadly.

But then again... it's not possible. I'm just a little sister in his eyes. Hindi ako katulad ng iba na nakikitaan niya ng potensiyal na maging girlfriend.

I sighed and shook my head.

Inabot ko na lang ang tumbler ko pero wala palang laman na iyon. Hindi ko nalagyan kanina bago umalis. Naalala ko na may mineral water akong inilagay sa may gilid ng pinto.

Kaso ay nasa side iyon ni Benedict!

Pakiusapan ko kaya siya na pakiabot sa akin?

Pero mukhang tulog siya, e. Iistorbohin ko ba?

Kaso nauuhaw na ako.

I bit my lip and moved carefully. Maingat akong kumilos papunta sa pagitan ng driver's seat at ng inuupuan ni Benedict. Nakapaling sa kabilang direksiyon ang mukha niya kaya hindi ko makita kung tulog siya pero mukhang tulog nga.

Itinukod ko sa may armrest ang kamay ko para abutin ang mineral water na nasa may gilid ng sasakyan kaso ay hindi ko pa maabot kaya halos paupo na rin ako sa armrest para lang maabot ang tubig. Maingat na maingat ang kilos ko at iniiwasan ko na gumawa ng ingay dahil tulog si Benedict.

When I turned to him, my eyes widened, my heart went into overdrive!

He's awake, and he's looking at me.

Our faces were just inches away from each other. I could smell his scent and the soap he used when he showered.

"What are you doing?" he asked in a controlled voice.

Napalunok ako. Nag-iinit ang pisngi ko dahil sa hiya!

"I..." oh, fudge! "I... I was thirsty..." humigpit ang hawak ko sa mineral water. "Walang laman 'yung tumbler ko at naalala ko na may tubig ako rito..." itinaas ko pa iyon para makita niya. "Kinuha ko... natutulog ka kasi kaya hindi na kita inistorbo para ipaabot..."

Hindi niya inalis ang tingin sa akin.

"Sorry kung nagising kita," sabi ko at mabilis na kumilos para bumalik sa upuan ko. Hiyang-hiya sa ginagawa ko sa buhay ko!

I bit my lip and looked down.

Narinig ko ang pagtikhim niya pero wala naman siyang sinabi at kulang na lang ay ibaon ko ang sarili sa inuupuan ko.

Laking pasasalamat ko nang dumating na si Kuya at umuwi na kami.

Nalaman ko na may exhibition game sila kuya bukas kaya rin pala sila nag-training lahat kanina ng maaga pa at ginabi na rin sila para roon. Nakita ko rin iyon sa mga group chats namin sa school at wala kaming klase sa oras na iyon kaya makakanood kami.

Sa bahay na rin nag-dinner si Benedict at ipinahatid na rin siya ni Mommy sa driver namin para makapagpahinga na rin daw si Kuya at may laro sila bukas.

Kinabukasan, hindi ulit namin kasabay na pumasok si Benedict.

"Baka okay na sila," bulong ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Hmm? What was that?" Kuya Gab asked me.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at umiling.

"Wala... I was just thinking about your game later, kuya. Sana maging okay kako..." palusot kong sabi.

He chuckled like I said something funny. "It's a sure win, Belly."

I made a face. "Hindi ka mayabang, 'no?" irap ko sa kaniya.

Matapos kumain ay dumeretso na rin kami sa school. Mamaya pang alas-tres ang exhibition game kaya pumasok na muna kami sa mga klase namin. Kahit noong lunch ay usap-usapan ang exhibition game.

Tanda iyon na magsisimula ang tournament kaya nagkakaroon na ng mga exhibition game. Talagang ganado ang mga player na magpakitang gilas sa mga tournament lalo at may mga nag-i-i-scout na mga coaches para gawing professional player ang mga ito.

Ang iba ay posible pa ngang alukin para lumipat ng school at doon maglaro.

"Belly, tara na! Baka mamaya hindi tayo sa likod ng players makaupo!"

Alas-dos y media pa lang iyon pero inaaya na nila ako na magpunta na sa gym. Wala naman akong nagawa kaya sumama na ako sa kanila at kahit na maaga pa at tatlumpung minuto pa bago magsisimula ang game, halos puno na agad ang gym.

Mabuti na lang at may bakante pa sa likod ng bench kaya doon pa rin kami nakaupong tatlo. Wala pa ang mga player pero mukhang kaabang-abang na agad ang laro.

May mga estudyante rin doon mula sa kalabang team at hindi pa man nagsisimula, nagkakainitan na ang mga estudyante sa pag-aasaran.

Fifteen minutes before the game, the players entered the court.

Our players were wearing their black and gold uniform while the other team was wearing white and red uniforms.

Mas lumakas ang hiyawan at pag-cheer kahit na exhibition game lang iyon. Para bang totoong game talaga iyon kung maghiyawan ang mga tao.

In the midst of the noise, my focus was at player number eight.

Torreviera.

He really looked so good in his jersey uniform. Siya 'yung tipo ng player na kahit pawis, amoy mabango pa rin talaga.

He glanced at our direction and maybe I was imagining things when I saw his lips curled into a smile while he was looking at us. I smiled a little while looking at him.

They started warming up, and as usual, he and my brother are part of the first five.

The game started and the cheer was loud.

Benedict shot at the three point line and it got in! Kahit kami nila Miaka ay napapatili at napapa-cheer sa kanila.

Lamang sila nang mag-half time na at bumili sina Miaka at Patricia ng maiinom namin. Hindi nila ako sinama para hindi raw mawawala ang upuan namin dahil baka may umagaw roon.

Pinagmamasdan ko lang ang court nang bumalik na sila at may kasama pa.

"Kuya Saint?" tawag ko sa lalaki na natawa.

"Nakasalubong namin si Captain sa may entrance, wala siyang maupuan kaya sinama na namin," sabi ni Miaka.

"Is it okay to sit here with you?" he asked us.

"Oo naman," sabi nila at bakante ang silya sa tabi ko kaya roon na naupo ang lalaki.

Mayamaya, bumalik na ang mga players para mag-warm up ulit.

"Your brother is good. Silang dalawa ni Torreviera," komento ni Kuya Saint. Lumapit siya ng bahagya dahil nagsisimula na namang mag-ingay sa court.

I smiled and felt proud.

Magaling talaga sila!

"I didn't know you're going to watch the game, Kuya Saint," sabi ko sa kaniya.

He looked at me and chuckled. "Drop the 'kuya', okay? Just call me Saint."

"But you're two years older than me," paalala ko sa sinabi niya sa akin as gym ng volleyball team.

He laughed and shook head. "Just call me Saint, Belly."

"Okay, fine. You're a captain, baka i-report mo ako sa captain ko," sabi ko na natatawa rin. Bumaling akong muli sa kinaroroonan nila Benedict at nakita ko na salubong ang mga kilay niya.

He looked... pissed?

Ano'ng nangyari?

Hindi ko alam kung may nangyari ba dahil nag-uusap kami ni Saint.

Nagsimula ang laro at nakikita ko ang pagiging aggressive na ni Benedict. Wala pang isang minuto ay natawagan na ito ng foul.

Mabuti na lang at kahit tila naging distracted bigla si Benedict ay nanalo pa rin sila sa game na iyon.

Iniisip ko pa rin kung ano kaya ang nangyari sa kaniya. Nag-away kaya sila ni Lory? Gano'n niya kamahal si Lory na naapektuhan ang laro niya?

Napailing na lang ako habang naghihintay sa mga kasama ko habang umiinom ng strawberry frappuccino na oder ko.

"Belly," lumapit sa akin si Saint. "Salamat sa pagpapa-upo kanina. Napanood ko ng maayos ang game."

I smiled at him. "Wala 'yon, Captain."

"Do you want anything? Treat ko," tanong niya at tumingin pa sa menu na naroon.

"No, no. I'm good, don't bother."

"I insist. Pa-thank you ko sa pagpapaupo mo sa akin doon."

Natawa ako. "Okay lang talaga 'yon. No need to buy me anything."

"Belly."

Napatingin ako nang may tumawag sa akin at nakita ko si Benedict na papalapit na sa gawi namin.

"Benedict," I acknowledged him.

He looked at Saint. He still looked pissed.

"Congrats on your game. You did well," sabi ni Saint kay Benedict.

"Thanks," he said coldly before looking at me. "What are you still doing here? Don't you have a class?" his forehead creasing.

Bakit parang sa akin naman nabaling ang inis niya ngayon?

"Wala na. May meeting lang kami sa team mamaya pero walang training," sagot ko na nakasimangot.

Natawa ng mahina si Saint kaya napalingon kaming dalawa sa kaniya.

"Sorry, I just find it cute. It's like you have two brothers, Belly. Mukhang mahihirapan ang kahit na sino na manligaw sa'yo."

"Huh...?" namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niyang iyon.

Tumingin naman si Benedict sa lalaki, seryoso pa rin ang eskpresiyon.

"Yes, they will have a very hard time," he responded.

May lumapit na teammate ni Saint sa kaniya kaya nagpaalam na rin siya at naiwanan naman kami ni Benedict doon.

Mukhang inis pa rin siya, at hindi ko talaga alam kung bakit sa amin niya ibinubunton iyon. Makipag-break na kasi siya sa girlfriend niya tapos ligawan niya ako para hindi siya naiinis kasi hindi kami magkakaroon ng LQ kung sakali!

Sinulyapan niya ako at kumunot ang noo niya.

"What?"

"Wala. Pupunta na ako sa gym," paalam ko at naglakad na.

He's claiming whoever courts me will have a hard time. Talagang hindi niya naiisip na mapabilang sa manliligaw sa akin.

Kainis na friendship kasi 'yan! Panira sa posibleng relasyon. 

***

This story is complete on Patreon and VIP Group/Spaces. Send a message to my Facebook page, Vampiremims to join. 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz