Kabanata X
HINDI pinatulog ng halik na iyon si Perisha. Dinaig niya pa ang naka-droga dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata niya kinabukasan. Bangenge siya at wala siya sa sarili.
'Wala ako sa sarili ko kasi nakay Kaden ako, ahihi.'
Bumaba siya ng hagdan at tumungo sa kusina. Pati sa pagkain ay kakaiba siya. Halos hindi niya nginuya ang pagkain, hindi rin siya naghugas ng plato kaya banas na banas sa kanya si Cross. Pero wala siyang pakialam.
Ang pakialam niya ay nakay Kaden Gablin Vox. Sinundan niya ito sa study room kinahapunan.
Feeling niya ay MU na sila. May mutual understanding na kahit hindi pa siya nito love. To the point na pumayag ito na mahalin siya ay oks na oks na. Ang saya-saya niya.
Papasok siya sa university sa Monday na inspirado. At magpapalit na siya ng status sa Facebook pagkabalik niya ng Manila. Una muna ay 'it's complicated', kalaunan ay mag-i-'in a relationship' na siya. Dahil ano pa ba ang kakahinatnan nila ni Kaden kapag mahal na nila ang isat-isa? 'Di ba magiging magjowa na sila?
Kilig na kilig siya sa mga naiisip. Hindi niya akalaing dadating siya sa ganito. Hindi niya inaasahan na mauuwi sa ganito ang feelings niya. Ayaw niya nang mag-isip ng kung anu-ano, ayaw niyang maging komplikado pa ang lahat, basta ang mahalaga ngayon ay masaya siya.
Wala rin siyang pakialam kahit mas matanda ito sa kanya. Hindi naman ito mukhang matanda. Ang mismong tatay nga nito na si Helios ay mapagkakamalang kapatid lang nito, si Kaden pa kaya? Mahiwaga ang pagiging baby face ng mga Vox. Wala siyang dapat alalahanin kundi ang pag-ibig na tumitibok sa puso niya.
"Ako ang magiging unang girlfriend niya," proud siya sa nalamang never pang nagka-girlfirend si Kaden.
Hindi malabo iyon dahil sa tagal niya sa poder ng mga Vox ay wala pang babaeng nakakatungtong doon. Si Lourd ay nababalitaan niyang may girlfriend sa ibang bansa, kahit walang ebidensiya na meron ay kahit paano ay naniniwala siya sa chismis ni Cross.
Si Cross naman ay obvious na kaliwat-kanan ang chicks. Never itong nagseryoso sa buhay.
At ang guwapo at batang-batang daddy ng triplets ay kahit hindi mahilig sa babae, syempre ay malamang na hindi na virgin. Naka-triplets na nga e.
Sa lahat ng lalaki sa mansiyon ay si Kaden ang virgin.
Napahagikhik siya sa naisip. Quits lang naman sila.
'Paano ka nakakasiguro na virgin pa iyon? Tanda na non!' Naiinis siya sa kontra-bidang parte ng utak niya.
So kung hindi na ito virgin? Ang importante ay single ito.
Saka bakit ba tungkol sa virginity ni Kaden ang poproblemahin niya?
"Hi!" Tuloy-tuloy siyang pumasok sa study room.
Nag-angat ng paningin ang lalaki mula sa binabasang mala-encyclopedia sa kapal na mga papeles.
Kakatwa rin itong si Kaden. Matalas ang isip nito ayon sa pagmamatyag ni Perisha. Mabilis itong magbasa, mabilis umintindi at makakabisado. Meron daw itong photographic memory sabi ni Cross. Si Cross naman ay pornographic memory ang meron dahil puro kahalayan ang laman ng utak.
"Busy ka na naman." Lumapit siya rito. Kakaligo lang niya at tiniyak niya na mabango siya at kaakit-akit sa suot na floral dress. Sinuot niya ang regalo ni Cross na bestida.
Gusto niyang mabura sa isipan ni Kaden ang itsura ng isang musmos na Isyang, ang gusto niya ay makita siya nito bilang isang ganap na babae. Ang dalagang si Perisha Escalate.
Dalaga na ako, love!
Naglakbay ang paningin nito sa kabuuhan niya. Mukhang nagandahan sa kanya dahil nakita niyang tumaas ang sulok ng mapulang mga labi ni Kaden.
Kilig na kilig naman siya.
Kung siya ang magiging unang girlfriend ni Kaden ay dapat lang na maging maswerte ito sa kanya. Dapat hindi ito magsisi. Dahil titiyakiin niya na hindi lang siya ang magiging unang babae sa buhay nito, dahil siya na rin ang magiging huli.
Ang pagmamahal niya para rito ay walang expiration, kaya kung magiging sila, titiyakin niyang panghabang-buhay na.
"You're beautiful," sabi nito na madadama ang sincerity.
"Hindi nemen mesyedo..." parang gustong umikot ng tumbong niya sa kilig.
Itinabi nito ang mga papeles na binabasa kanina. At laking gulat ni Perisha ng hawakan ni Kaden ang braso niya. "Come..."
"Ha?"
"Sit on my lap."
Bumaba ang tingin niya sa 'lap' ni Kaden. Pinagpawisan siya kahit kaliligo niya pa lang.
Nabuhat na siya ni Kaden. Kinakarga siya, inihihiga sa kama at kinukumutan. Nakatabi niya na rin ito sa kama. Nayakap na rin. At nagkahalikan na sila ng 'smack' ng dalawang beses sa hardin. Pero iba ang pag-upo sa kandungan.
Iba ang pagkandong!
"Perisha..." tawag nito.
Mukhang naiinip ito. Dapat kumandong na siya bago pa ito mainis.
Pero paano? Patagilid ba? Patalikod o peherep?
"Perisha? Are you okay?"
"Ha?" Doon siya nakatitig sa zipper ng suot na jeans ni Kaden. "Oo naman... okay..."
Hinila siya nito ay marahang ikinalong. Patagilid dahil nakatingin ito sa mukha niya na kasing kulay na ng kamatis.
Hindi siya makahinga sa antisipasyon. Wala pa siyang lalaking kinalungan sa buong buhay niya. Tanging si Kaden palang! At pakiramdam niya ay nanunuot sa manipis na tela ng bestidang suot niya ang init na nagmumula sa katawan ng lalaki.
At ang tigas ng... mga hita nito. Ma-muscle!
Hinaplos ni Kaden ang pisngi niya. "Look ate me, Cara..."
Sumunod siya. Pero ang mga mata niya ay sa nakakatakam na mga labi nito nakatingin.
Mukhang alam ni Kaden ang hiling ng puso niya, mayamaya ay inaangkin na nito ang mga labi niya. Sa umpisa lamang siya nagulat, sa huli ay tinutugon niya na ang halik nito.
Unti-unti ay ginagaya niya ang galaw ng mainit at mabangong mga labi ni Kaden. Sinikap niyang pagbutihan dahil ilang beses niya na itong muntik makagat. Mukhang mahaba naman ang pasensiya nito.
Napaungol si Perisha nang lumalim ang halik nito. Hindi lang iyon smack katulad ng unang beses siya nitong halikan. Mariin ang pag-angkin nito sa mga labi niya ngayon, hanggang sa naramdaman niya ang mainit at basa nitong dila na nagpupumilit pumasok sa loob ng kanyang bibig.
Hindi na ito virgin! Sigaw ng utak niya na naeeskandalo.
Walang virgin na ganito humalik!
Nakakalunod ang kakaibang sensasyon na pinaparamdam sa kanya ni Kaden. Nawawalan ng lakas ang utak niya na mag-isip. Ang mga palad nito ay humahaplos sa kanyang likuran, marahan at mainit, ngunit magaan.
Humigpit ang pagkakayapos nito sa katawan niya, hanggang sa may maramdaman na siyang kakaiba sa lalaki.
Parang nagkaron ng bato sa inuupuan niya. Parang may nanunusok.
Napadilat siya. Sinubukan niyang lumayo pero hinabol ni Kaden ang mga labi niya. Napaungol siya ng bumaba sa bewang niya ang mga kamay nito.
Nang may tumikhim.
Tumigil si Kaden at lumayo sa kanya. Sabay pa silang napalingon sa pinto ng study room.
"Pasensiya na sa istorbo," seryosong nakatayo ron si Cross habang nakapamulsa sa suot na black fitted jeans. Kay Kaden ito nakatingin. "Kaya pala hindi mo nararamdaman dahil busy ka."
Kumunot ang noo ni Kaden at saka biglang natigilan. Hindi naman niya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Umalis siya sa kandungan ni Kaden. Nahihiya siyang salubungin ang tingin ni Cross dahil nahuli sila nito sa akto.
Saka para hindi good mood si Cross ngayon.
Tumayo rin si Kaden, at ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ni Perisha ng makita ang inakala niyang bato na naupuan niya kanina. Namumukol ang harapan ng zipper ng love niya!
"Damn it," matigas na anas ni Kaden saka siya hinila palabas ng study room. Kasunod nila si Cross na bumaba ng mansiyon.
"A-anong nangyayari?" tanong niya ng mapansing tensyonado ang dalawa.
"Pumunta ka muna sa kuwarto mo, Perisha." Utos ni Cross na ikinataas ng kilay niya.
"Sige na," si Kaden. "Pupuntahan kita mamaya."
Hindi siya tuminag. Ano ba kasi ang nangyayari?
Nang biglang bumukas ang malaking pinto ng mansiyon. Iniluwa niyon si Lourd.
Napatanga siya. Hindi lamang dahil sa may dugo sa balikat ni Lourd. Kundi dahil sa may karga-karga itong babae na walang malay.
"Third!" Halos sabay sina Cross at Kaden. Ngunit walang gulat sa mukha ng mga ito. Parang ini-expect na nila ang pagdating ni Lourd ng may kasama.
Ang karga-karga na babae ni Lourd ay hindi pa rin gumigising. Kasing puti at kinis ng porselana ang kutis nito, at ang mahaba at alon-along buhok ay kasing itim ng gabi. Sa nakalaylay nitong kamay ay kitang-kita ni Perisha kung gaano kaganda ang balat nito, at kung gaano kaperpekto ang mala-kandila sa hugis nitong mga daliri.
Parang diyosa sa kagandahan ang babaeng dala ni Lourd. At ang ikinanganga ni Perisha ay ang kaalamang wala maski isang saplot ang babae!
Hubot-hubad ito sa bisig ni Lourd. Saan ito galing? At bakit ganito ito?!
"What is the meaning of this, Third?!" Parang kulog ang boses ni Kaden. "Bakit mo siya dinala rito?"
"She needs our help, Sec, Fourth." Mariing sagot ni Lourd. "Let Lucia stay here, per favore!"
Lucia... Ang pangalan pala ng babaeng mala diyosa sa ganda ay Lucia.
Pero bakit parang kinakabahan siya sa isiping mananatili ito sa mansiyon ng mga Vox?
Sino ba si Lucia sa buhay ng triplets? Sino ito sa buhay ni Kaden?
JF
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz