ZingTruyen.Xyz

ENCHANTED

Chapter 37

frezbae

   "Pasensiya na talaga Charmaine. Ayaw narin ako ni lola na bumalik diyan. Gusto niya muna na magbakasyon ako." kinabukasan habang nagkakape ako.

"It's okay Kath. I already talk with miss Glena. Ayos lang raw na madelayed ang photoshoot mo kasi hindi pa naman on rush ang project. I understand Kath."

Ngumisi ako habang kausap si Charmaine sa cellphone nang mamataan si mama na pumasok sa aking kwarto.

"Salamat talaga Charmaine. Uh, ibababa ko na."

Pinatay ko ang tawag at tumayo mula sa aking kama.

"Uuwi ako mamaya ng Manila. So, dito kalang?" patiuna ni mama. Pumikit ako ng mariin para pakalmahin ang sarili.

Gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil ang galing kong magtago ng lihim, ng emosyon, at hinanakit. But since it's my right to ask, I won't hold back anymore.

"Ma... Dito na muna ako. Kailangan ako ni lola. I would like to ask something.." tumayo ako at humalukipkip sa harapan niya habang nakaupo siya sa couch.

"You had an affair with sir Calixto. Ma... I don't get it. Pinsan ko ba si Kael o... kapatid sa ama?"

Habang hindi ko pa natatapos ay nalaglag ang panga ni mama. Napalunok siya ng matindi. Tense was evident too.

"I need t-to know..." gumaralgal ang boses ko.

"Ayoko itong pag usapan!" tutol niya at tumayo ngunit bago niya tinungo ang pintuan ay hinaklit ko ang braso niya.

"Okay! Oo na! Hanggang ngayon hindi ko alam dahil pate kapatid ni Calixto ay naging fuck buddy ko noon! Habang may nangyayari sa amin ni Calixto ay may nangyayari rin sa amin ng kapatid niya! Reason why I don't know exactly who is your father! Sila lang dalawa ang natikman ko noon kaya mag eni-mi-ne- mo ka nalang sa kanilang dalawa!"

Shit. Gusto kong magmura ng malutong. Taas baba ang dibdib ni mama. Umiwas ako at hindi siya tiningnan. Gusto tumakas ng aking mga luha habang naninikip ang dibdib ko sa mga narinig mula kay mama.

Ayokong manumbat. Ayoko.

"Puwede ba Kath? Huwag mo na akong tanungin ng kahit ano tungkol sa mga Dominador na iyan dahil matagal ko nang binaon sa hukay ang mga alaala ko noon! Naintindihan mo?" namumula ang mga mata ay umalis si mama sa aking kwarto.

Nalaman ko nalang na umalis na pala si mama at sina tita Chimen ng lumabas na ako ng kwarto.

And again, tinago at kinimkim ko ang lahat ng mga salita at hinanakit na gustong kumawala. I'm not yet over from what I've been through. I don't think I could.

"Mabuti naman at lumabas ka ng kwarto mo akala ko ayaw mo nang lumabas. Kumain ka muna." si lola na may nilulutong meryenda para sa pang hapong iyon.

"Si Lara po wala pa lola?" tinulungan ko si lola sa paglalagay ng mangkok dahil sopas ang niluto niya.

"Alas sais na iyon ng gabi lagi umuuwi. Alam mo naman diba? Nagsisikap rin ang isang iyon dahil ayaw niyang iasa lahat sa iyo ang gastos."

Tinikman tikman ko ang luto ni lola at napuna ang tingin niya sa akin.

"Hmp!" sinundot sundot ni lola ang gilid ko kaya ako ay napangisi. "Namiss kita apo ko. Ang dami daming nangyari sa lumipas na mga taon. Pakiramdam ko malapit na akong kunin kaya napag isipan ko na gumawa ng paraan upang umuwi kayo ng mama mo."

"Don't say that lola. Nagpaplano po talaga akong umuwi. Nag iipon ako. Kaso napaaga talaga dahil sa binalita sa akin na may nangyaring masama sayo lola."

"Pasensiya kana apo kung nagawa ko iyon. Na miss lang kita. Si Sky pala nagpaiwan rin dito. Di'ba nag invest raw siya sa coal plantation dito sa atin. Sa DMCI. May meeting raw sila ngayon kaya nagpaiwan."

Natahimik ako at tumango nalang.

"Siguro pagkatapos kong maglinis ay pupunta ako sa birthday ng ka klase ko noon dito. Si Sonya, lola."

"Isama mo si Sky kung ganoon! Para naman kahit gabi na ay may makakasama ka."

Napatingin ako kay lola dahil may nahahalata ako. Halos hindi rin siya makatingin sakin at lumapit siya ng lababo.

"Alam mo Kathlyn, mas bagay kayo ni Sky. Hindi naman kayo tunay na magkadugo at hindi rin naman lingid sa kaalaman ko na gusto ka niya."

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang sopas na halos hindi ko pa nauubos.

"Lola....Hindi ko gusto si Sky."

"Kung ganoon ay gusto mo parin ba si Kael, hija?" malamig na tanong ni lola habang nakatalikod.

Uminit ang gilid ng aking mga mata nang sumiksik lalo sa utak ko kung gaano ka kumplikado ang pagkakagusto namin sa isa't isa ni Kael.

Kay hirap huminga ng malalim ngunit nagawa ko at tinitigan ang kinakain.

"S-Si Kael parin po, lola." pagtapat ko. Hindi na lumingon pa si lola Lourdes sa akin at nanatiling nakatalikod.

"Mas mabuti pang kumain kana diyan Kathlyn at magpasama ka kay Sky papuntang birthday ni Sonya." malamig na sinabi ni Lola. Alam na alam ko na kaagad na iniiwas niya ako kay Kael.

Gusto kong magsalita at sabihin lahat ng nasa puso ko ngunit parang bakal iyon lahat sa aking lalamunin. Sa sobrang sakit ng dibdib ko ay tila ba pate aking luha ay napagod na.

Tumayo ako ngunit hindi ko magawang umalis sa aking kinatatayuan. Nilingon kong muli si lola na abala sa lababo.

"Sana lola... Intindihin mo kasi hindi ako magawang intindihin ng lahat. N-Nagtatampo ako kay mama.."

Hindi gumalaw si lola ngunit alam ko na nakikinig siya.

"Hindi ko puwedeng bigyan ng problema si Lara. Ikaw na lang ang inaasahan ko na makakaintindi sa akin lola. K-Kahit huwag mo akong suportahan. Kahit kausap lang lola kasi... kahit ang sarili ko hindi ko na rin maintindihan."

Nang tumalikod ako ay siyang nagsimulang pumatak ang aking luha ngunit kinagat ko ang aking labi upang hindi umiyak.

Halos dalawang oras ang ginugol ko sa banyo at parang ayaw ko nang lumabas. Kahit sa mga ganitong sitwasyon ay si Kael lang ang naiisip ko at ang mga alaala naming dalawa.

I know we commit sin. We made mistakes. But like other people, we are not perfect too.

Nakatapis ako ng tuwalya ng marinig ang tunog ng aking cellphone. Kinuha ko kaagad iyon dahil si Charmaine ang tumatawag.

"Kath, birthday pala ni Sonya ngayon. Aattend ka? Di'ba inaaway ako ng isa nun dati?"

Umirap ako sa ere at umiling iling.

"Kath? Still there? OMG! Don't tell me you're going-"

"Yes, Maine. I am invited to her birthday."

I heard a screeching sounds at the backround. Nagsisigaw na naman ang gaga.

"Ahh! Dont make friends with her ha. Wala pa naman ako sa mood ngayon kasi itong si Carlo ngayon lang sinabi sakin na umuwi rin pala diyan sa atin si Kael! At alam mo ba? Siya pala may ari ng coal plantation diyan sa atin?"

My jaw dropped instantly sa aking narinig. Hindi ako nangahas na magtanong tungkol kay Kael pagkatapos ng gabi naming iyon. Pakiramdam ko nga ay panaginip parin ang lahat ng iyon. Ang alam ko noon ay nagpulisya siya ngunit kinuha ng kanyang mama.

"M-Maine, Uh, I don't know? Ngayon ko lang rin nalaman sayo." hinilot ko ang aking ulo. Parang sumasakit ang ulo ko sa mga nalalaman ko.

"Of course hindi mo alam." sinundan niya ng tawa iyon. "Busy ka pala sa pagpapaaaral sa kapatid mo at gastos sa mama mo. Ngayon ko lang rin nalaman."

"Nag aayos na ako ngayon. Pupunta ako." sabi ko at habang nagbibihis ay niloud speaker ko ang cellphone ko.

"Wear your best dress! Baka sina Maica at Drezella ay pupunta! Alam nila na ikaw na bestie ko ngayon. I am warning you, mas masama ang ugali nila sakin."

I chuckled. "Really? May sasama pa ba sa ugali mo?"

"Ugh! Kath naman?"

Habang inaayusan ko ang sarili ay nawiwili ako sa pag uusap namin ni Charmaine. Ngunit dahil may gagawin pa siya kaya natapos iyon. Nagsuot ako ng knitted white sleeveless dress. Maikli iyon kaya kitang kita ang hugis ng aking hita. Pinuyod ko ang buhok ng sakto lang at may kokonting bangs sa aking noo.

Nagpaalam ako kay lola at nakitang nag aabang si Sky sa akin. Tumayo siya ng makita ako.

"Mag enjoy kayong dalawa ha!" bilin ni lola kaya wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng bahay.

"Hindi kana sana nag abala pa Sky." sabi ko ng buksan niya ang pintuan ng kotse. "Kaya ko naman."

Titig na titig siya sakin bago siya huminga ng malalim. Napuna ko na mas lalong lumaki ang pangangatawan niya. Macho parin siya at magkasing tangkad na sila ni kuya Santi.

"It's okay. Mananatili muna ako dito dahil sa trabaho." seryoso niyang sinabi.

"Sana nga sa trabaho Sky. Hindi sana dahil sakin." umiwas ako at dinilaan ang sariling labi.

"Dahil wala paring pinagbago ang nararamdaman ko. Si Kael parin-"

"I don't care Kath. Kahit panakip butas lang. Ayos na ako. Kahit minuto lang sa isang araw...Ayos lang sakin Kath." sa kaseryosohan na pagkasabi niya nun ay halos malaglag ang aking panga.

He nodded with determination.

"Pinaglalaban ka nga ni Kael... even with the thick boundaries, long distance, and incest relationship with you... Ako pa kaya? Wala nang urungan Kath. Kahit itulak mo ako palayo... Hindi mo ako mapipigilan."

Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang init at nangilid ang aking luha ng marinig iyon.

"Kahit na maging masama ako sa tingin mo... Titikman at titikman ko parin ang labi mo." pinal niyang sinabi at sinara ang pintuan.

~~~

Authors Note: For missing chapters and other novels to read just message me on the link below for vip membership where I the platform I am writing now. Message me on the link below.

https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz