ZingTruyen.Xyz

ENCHANTED

Chapter 36

frezbae

   Hindi maganda ang nakaraan namin ni Sky. Wala narin ako naging balita sa kanya simula nang magkaproblema ang pamilya namin dahil sa relasyon namin noon ni Kael. Sabi ni Lara ay kumalat sa lugar namin sa probinsya ang relasyon namin ni Kael. Na pinsan ko raw ay naging boyfriend ko.

Hindi iyon madali. Sa pamilya ko, sa kapatid ko, lalong-lalo na sa akin. Walang araw na hindi ko iyon iniisip ngunit alam ko sa aking puso na kahit anong mangyari ay mahal na mahal ko si Kael.

Nakasakay ako sa kotse ni Sky, hinatid niya ako pauwi. Tahimik kaming dalawa habang ako ay nakamasid sa mga nag iilawang buidings. Hanggang sa malapit na kami sa condominium.

Nang ipark niya ang sasakyan ay hindi ko na alam kung ano ang sasabihin.

"Uh.. Thanks." sabi ko. Nakatitig siya sakin at maging sa aking kilos. Huminga ako ng malalim ng nakalas ko na ang seatbelt.

Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Damn!

"Bumibisita kapa ba kina lola Lourdes?" kunwa'y kanyang tanong.

Umiling ako. Aking dinamdam ang lamig na nanunuot sa aking balat.

"Matagal na akong hindi nakabalik doon. A-Ayaw pa ni mama na bumalik ako doon."

Nakapasok ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa at nakadungaw sa akin.

"Alright." he sighed. Nakikita ko rin na hindi siya makatingin na sa akin. "I would like to say sorry. Pasensiya na kung ngayon lang. Sorry for kissing you. Sorry for being an idiot."

Umiwas ako at tumango sa kanya. "Matagal na iyon." pinaglapat ko ang aking dalawang palad at huminga ng malalim.

Naalala ko kung gaano ako ka inis na inis sa kanya noon.

"Tsaka kalimutan na natin. Like me, you are not perfect. May mga kasalanan talaga tayong nagagawa."

Lumipas pa ang mga araw na araw araw tumatawag sa akin si Kael. Gusto niyang magkita kaming dalawa ngunit hindi magtugma ang schedule namin dahil may mga schedule rin ako.

Tulad ngayon.

Nakasuot ako ng mahabang puting gown. Naka-wig ako na kulay puti. May hawak akong libro habang seryosong nakatayo malapit sa isang shelfs.

Photoshoot ko ng mga araw na iyon para sa company ni ma'am Glenda. Kakaiba ang aura ko ng mga araw na iyon at ang make up ko ay gustong gusto ko.

Ilang shoots ang ginawa sa akin. Damit lang ang pinapalitan ngunit conservative na damit. Seryosong theme ang dapat kong gawin kaya iyon ang aking ginawa.

Halos anim na oras rin iyon hanggang sa natapos kami.

"Perfect! Hindi ako nahirapan. Parang simple ngunit propesyunal mong' ginawa iyon Kath!" bati sakin ni Ben, ang aming photographer!

Ngumisi ako at titig na titig sa akin ang mga staffs.

"Miss Kath! Bagay na bagay kayo! Parang karakter kayo na nasa libro!"

Ako ay humagikhik. "Thank you, Stella."

"Miss,wrap up na raw po. Pwede na kayong makapagpahinga. Puwede rin po kayong magrequest ng lunch kung gusto niyo. " sabi sakin ng secretary ni ma'am Glenda.

Naalala ko ang usapan namin ni Kael sa cellphone kagabi. "Hindi na. I have to meet someone kaya sa labas na ako kakain."

Ngumisi si Wendy. "Pasensiya na po miss Kath ha? Sobrang busy lang po kaya hindi nakapagprepare. Baka mext schedule may prepared foods na."

"Hindi. Okay lang talaga."

I removed my make up at nagmamadali nang makalabas. Nang makalabas ay may bumusina kaagad na sasakyan. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan iyon dahil alam kong' kay Kael ang sasakyan.

Agad na bumukas ang sasakyan at nakita siya sa loob. Kinabahan kaagad kaya umupo ako sa loob.

"Uh.. Saan tayo?" tanong ko para maibsan kaagad ang kaba.

Nagsimula na siyang magmaneho at seryosong seryoso siya.

"Let's eat first. Alam kong gutom kana." aniya.

Bigla sumagi sa isipan ko ang mga panahong kailangan niyang mangisda para makakain kami. Naalala ko pa na malaking isda ang aming ulam, may kamatis, at juice. Naalala ko ang mainit na panahon na iyon sa kanilang kamalig. Mga panahong naging mapusok kami doon.

Huminga ako ng malalim at titig na titig siya sa akin. Alam ko na marami akong gustong tanungin sa kanya ngunit kapag aking ibubuka ang bibig at itanong ay nauunahan ako palagi ng takot.

Malaki ang pinabago ni Kael. Alam kong successful na siya ngayon at masaya ako para sa kanya.

Habang nagdadrive siya ay hinawakan niya ang aking kamay. Kumalabog ng husto ang dibdib ko.

"I love you so much, Kath.." pumikit ako ng sabihin niya iyon. Sa malamlam na mga mata ay nilingon ko siya.

"Mahal na mahal rin kita, El." dahan dahan akong ngumiti at tumingin sa daan.

Kumain kami sa isang restaurant. Lahat ng mga hindi ko pa nakakain na mamahalin ay inorder niya sa akin.

"Kael..tama na iyan. Ayos na ako sa pagkaing simple lang." sabi ko. "H-hati nalang tayo sa bayad."

"Keep your money, baby. Alam ko na hindi maganda ang kondisyon ng lola mo. Let me pay.."

Huminga ako ng malalim. "Ang lola mo pala? Saan siya ngayon?" hindi ko maiwasang itanong.

Mapait siyang tumingin sakin at nakita ko kung gaano siya kalungkot.
"Namatay siya isang buwan ng umalis ako."

Nanlako ang aking mga mata. Alam ko na mahal na mahal niya ang lola niya.

"Reason why, hindi na talaga ako bumalik doon. Doon ako nabigo sa pag ibig, at nawala si lola , mas lalong hindi na ako bumalik."

Kinagat ko ang aking labi. "P-Pasensiya na sa tanong ko Kael."

He licked his lips at tinitigan ako ng naghahamon. "Hindi na kita hahayaang mawala sakin Kath." aniya, bawat bitiw niya ng salita ay tila ba desidong desidido.

"My friend told me that he saw you with Sky. Kaya tumawag ako sayo ng gabing iyon."

Umawang ang aking labi ngunit tumango. "Uh, oo. He offered me a ride to home. Kaya ako pumayag kasi gabi na rin."

"It's okay. You don't need to explain. Iisang mundo lang rin ang ginagalawan namin kaya alam na alam ko ang mga nangyayari." humilig sa sa sandalan at tumitig sa akin.

Halos hindi ko malunok ang aking kinakain dahil sa kanyang uri na pagtitig.

"Miss na miss Kath. Kaya ng malaman kong' nandito ka sa Maynila ay umuwi kaagad ako."

"H-Huh? Saan kaba galing? Akala ko dito ka lang rin sa Manila."

"Inaayos ko ang kompanya sa Amerika. Pero ng malaman ko na nandito ka, pinalitan ko si papa."

Tama nga ang hinala ko. Nang dahil sa nangyari noon ay hindi na niya pinagpatuloy ang pagiging pulis.

"Nang dahil ba sakin kaya hindi mo na pinagpatuloy ang pagpupulis?"

Umayos siya ng upo at hinawakan ang aking baba. Titig na titig siya na tila ba isang magandang bagay ako para sa kanyang mata.

"Sinukuan mo ako noon. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin iyon?" may hinanakit sa boses niya. "Gusto kong makamit ang pangarap ko dahil nandiyan ka sa tabi ko. Pero nang sumuka ka, sinuko ko narin pate ang pangarap ko."

Kinagat ko ang aking labi. "N-Natatakot ako Kael. Baka malaman nila mama at-"

"Shh.." nilagay ang kanyang hintuturo sa aking labi. "Wala nang makakapaghiwalay sa atin, Kath."

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking mukha. Dinamdam ko ang init na batid nun sa akin.

Nakita kong' nag alab ang kanyang mga mata at nagkatitigan kami.

"Want me again, Kael?" I asked him. He closed his eyes painfully, halos hindi makasagot sa akin.

"Because i want you right now, Kael. Alam ko naman na hindi puwedeng ipasok pero gusto ko ulit maramdaman iyon."

Damn! Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon!

Umayos siya ng upo at mabilis na kinuha ang black card na nakaipit sa kanyang coat. Winagayway niya iyon sa waiter para makapagbayad.

Unti unti akong ngumisi habang hawak ang kanyang kamay.

~~~

Would like to read the Missing Chapters? Sa VIP page ko iyan mababasa! Pa member na at humabol sa promo! Message me on my fb link below for membership.

https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz