Chapter 29
Nag aalala si Lara dahil nabasa ako ng ulan ngunit hindi mapapawi ng ulan ang nararamdaman kong' saya. Tila ba naki-ayon ang panahon sakin dahil tumila ng paunti-unti ang malakas na ulan.
Nahuli ako sa tamang oras na pagpasok sa trabaho at mabuti nalang ay hindi naman ako pinagalitan.
Habang nagtatrabaho ay marami akong naiisip. Ang dami kong' nagawang palpak.
"Kathlyn, napuna ko na ngayong araw ay ang dami mong nagawang mali. Are you okay?" nag aalalang tanong nang may ari mismo ng restaurant na pinagtatrabahuan ko.
Nanlaki ang aking mga mata at inayos ang aking buhok.
"Pasensiya kana po ma'am Elena."
Huminga siya ng malalim at bumuntong hininga. "No. No need to say sorry. Lahat naman na tao ay nagkakamali. Walang perpekto."
Napalunok ako dahil sa sinabi nito. May kung ano sa akin ang kumudlit.
"Ma'am, pasensiya napo ulit kasi tuwing bisita niya po ay palpak ako. Galing pa naman kayong Maynila. Baka po pagod pa kayo."
Ngumiti siya ng marahan. Si ma'am Elena ang tipo na kung may problema siya ay hindi niya pinoproblema. Ngumingiti siya palagi at hindi bakas sa mukha ang stress sa buhay. Ang sipag rin niya dahil hands on siya sa mga negosyo niya.
"Hindi ako napapagod. Alam mo kasi hija, kung passion mo ang isang bagay ay hindi ka magsasawa. Passion ko talaga ang magnegosyo at ang gusto kong kunin na trabahante ay ang mga nangangailangan sa buhay kasi alam ko na marami sa bansa sa atin ang hindi nakapagtapos at nakapagtrabaho kaya sila ang tinutulungan ko."
Ngumiti ako kay ma'am Elena. "Ang bait niyo ma'am, kaya pala ang dami naming nagsa-summer job dito. Sana po pagpalain kayo lalo ni Lord."
"Ikaw rin Kathlyn. Nararamdaman ko na magiging success kang tao. Basta...choose the right path."
Natahimik ako ng ilang sandali lalo na nang umalis si ma'am Elena. Her words kicked in my mind like a puzzle.
Sa totoo lang ay marami ang bumabagabag sa isipan ko. Ngunit buo na ang aking desisyon. Hindi ko na iisipin kung ano ang magiging kahihinatnan nitong gagawin ko.
Habang papasapit na ang gabi ay mas lalo lang akong kinakabahan. Isang bag lang ang aking dala, ang bag na dala ko lagi sa trabaho.
Nang mag uwian na kami ay nagmamadali akong lumabas. Kakabigay lang rin ng sahod namin kaya naisip ko na may maigagastos ako.
Kinagat ko ang aking labi nang makita na maraming tao sa labas ng restaurant. Sasakay na sana ako sa isang traysikel nang makita ko si Kael sa isang gilid na naninigarilyo.
Bumundol ng sobra ang aking dibdib nang magtama ang aming mga mata. Mabilis akong lumapit sa kanya.
"Hindi na ako makapaghintay kaya nauna na ako dito." aniya. Gumala ang kanyang mga mata sa aking mukha.
Tumango ako at napatingin sa sasakyan na nasa kanyang likod. "Kanino yan?" nagtataka kong' tanong.
"Hiniram ko. Malayo ang pupuntahan natin at ayokong mahirapan ka sa biyahe."
Tumindig ang balahibi ko. Ngayon na nagkita kaming dalawa dahil sa aming pinagkasunduan ay nag-sink in sa utak ko ang lahat.
Sasama ako sa kanya. Magtatanan kaming dalawa. Bilang ako na babae, unang beses kong' magmahal ng ganito ay isasakripisyo ko ang lahat.
Kahit na bawal kaming dalawa ay gagawin parin namin.
Pumikit siya ng mariin na tila ba nahihirapan rin sa sitwasyon naming dalawa.
"Alam ko na malaking kahibangan ito Kath. Malaking kasalanan pero...mahal kita e. Please.. huwag sana magbago ang desisyon mo." nagsusumamo ang boses ni Kael.
Umiling iling ako at napalunok. "H-Hindi magbabago ang desisyon ko K-Kael."
"But you are afraid, right?" hinila niya ako palapit sa kanya. Pilit ko rin siyang tinutulak papunta sa kanyang sasakyan upang makaalis na kami.
"Kael, let's go. Baka may makakita pa sa atin."
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng dala niyang sasakyan. Mas kinabahan ako ng makita ang iilang bag na dala niya.
Nakakakaba ng sobra lalo na nang tumulak na kami at nadaanan namin ang kanto papunta sa bahay.
Nagkatitigan kaming dalawa at hinawakan niya ang aking kamay.
"I know this is a stupid decision but will be worth it, Kath." ni hindi siya kinakabahan. Ang kamay ko ay sobrang malamig na habang sa kanya ay mainit.
Mas natatakot siya na baka umatras ako sa usapan namin kaysa ang matakot sa aming desisyon na magtanan.
"Being with you will be worth it the sacrifices, Kael." sabi ko sa kanya at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
Ang higpit ng hawak ko sa kanya ay siyang paglakas ng tibok ng aking puso.
Tahimik kaming dalawa at tila ba nanaig ang tibok ng aming puso nang biglang may humarang sa daan na sasakyan!
"Damn it!" napamura si Kael at mabilis na nagpreno! Napatilo naman ako sa takot na mabangga ngunit mabilis niyang naiharang ang kanyang kamay sa harapan ko. Mabuti nalang walang nasaktan sa aming dalawa!
Nanlalaki ang aking mga mata habang hindi makapaniwala sa nangyari! Lumabas si Kael at nakita ko si mama na umiiyak ngunit galit na galit!
Mas lalo lang ako kinabahan sa katotohanan na alam nila mama ang balak naming pagtanan! Nandoon rin si Lara at iilang hindi ko kilala!
Mabilis akong lumabas ng sasakyan ngunit itinago ako ni Kael sa kanyang likod. Ang lalaking ngayon ko lang nakita ay galit na galit na sumugod ngunit titig na titig sa akin.
Halos hindi ako makalunok!
Alam ko sa mga oras na ito na ako ay namumutla!
"Ate!" iyak ni Lara nang sinugod ako ni mama ngunit itinago ako ni Kael sa kanyang likod.
"Kathlyn! Hindi ako makapaniwala na gagawin mo ito sa akin! Saan ba ako nagkamali? Saan ako nagkulang sa pagsabi sayo? A-Akala ko okay na? Ha!" sigaw ni mama na umiiyak.
"What's this mess Kael? Nahihibang ka na ba? Kung hindi pa sinabi sakin ay hindi ko pa malalaman ang kagaguhan mong ito! Binalaan na kita na pinsan mo siya!" dumagundong ang boses nito.
"Hindi ako magkakaganito kung hindi ito bawal! Hindi kaba nandidiri?!"
"Ang sabihin mo ang anak mo ang baliw at nakakadiri! Ayaw tigilan ang anak ko! Mga baboy kasi kayo! Ang dudumi niyo! Kathlyn, anak! Please! Huwag ganito!" sinubukan niya akong hilahin kay Kael.
Ang aking mga narinig ay nagbigay kahinaan sa akin. Tila nawalan ako ng lakas at may biglang humawak kay Kael na mga kasama ng alam kong' papa niya.
"Fuck! Let me go! Kath!" sigaw niya ngunit bumuhos na ang luha ko. Akala ko kaya ko itong panindigan. Ngunit ang makita si mama na umiiyak at ang galit ng kanyang papa sa nagawa namim ay tila nagising ako sa isang panaginip.
"Kath!" sigaw ni Kael at nakita ko ang pagsuntok ng kanyang papa sa kanya.
"Stop Kael! Stop it!" sigaw nito. "Ipasok siya sa kotse!"
Sinubukang kumawala ni Kael pero sinaktan siyang muli ng mga tauhan at papa niya.
Nilingon ko si mama. "Mama...P-Please.." nanghihina kong sinabi.
Labis na umiyak si mama. Umiling iling siya sa akin habang hinihila ako palayo.
"K-Kael!" sigaw ko kay Kael nang papasukin na siya sa sasakyan. Nakita ko ang dumadaloy na dugo sa kanyang mukha.
"S-Sumusuko na ako. H-Hanggang dito nalang! Sana makakita ka ng...ng babaeng mas mamahalin ka at ipaglalaban ka!!" sigaw ko dahil sa malayong distansiya naming dalawa.
Madilim ang paligid at nagsimula ulit umulan.
"Siguro hindi kita g-ganoon ka mahal dahil mas pipiliin ko ngayon ang pamilya ko. I-I'm sorry! Hindi ko narin kaya!! Hindi na kita iisipin pa at huwag mo narin akong isipin! S-Sumusuko na ako!"
Nakita ko ang pag iling niya at tila ba ayaw niyang pumasok ngunit anim na tao ang humihila sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang naipasok.
Umihip ang malakas na hangin at ulan. Natuod ako sa aking kinatatayuan, parang hindi makapaniwala sa nangyari.
~~~
Authors note: PLEASE READ.
Para po sa mga nagtatanong kung bakit ang mga stories ko ay kulang sa chapters dahil ang missing chapters ay nasa aking private page (VIP) Kung saan ako nagsusulat na. May mga members napo doon. Kung gusto maging member ay may payment po. Habol na sa lifetimr membership na naka 60% off this week! Message me first on my fb, link below.
https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz