Chapter 26
Naalala ko noong bata pa ako... Wala akong iniisip na iba kundi ang maglaro tuwing hapon. Kung paano gumawa ng assignments ko. At kung paano makatulog tuwing hapon na hindi napapalo ni lola.
Totoo nga ang sabi ng iba. Iyong mga nakaranas na ng lupit ng buhay. Na...Habang bata pa, tagalan na ang tulog at matulog ng mabuti dahil pala sa paglaki natin ay hahanap hanapin na natin iyon dahil halos hindi na makatulog ng tama.
Na...Habang bata pa magpakasaya kasi kapag pala malaki kana ang dami nang problema, obligasyon at pagsubok sa buhay. Minsan sa sobrang down mo ay maiiyak ka nalang.
Napapaisip tuloy ako na bakit sa bilyon bilyong tao sa mundo ay ako pa ang nabigyan ng ganitong tadhana?
Parang gusto ko nalang kausapin ang Panginoon na kung pwede ay ibahin nalang ang pagkatao ko? Na hindi ako matapang na tao para sa ganitong sitwasyon.
Buong gabi akong umiyak at hindi ko kinakausap si mama. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Ate..." umupo si Lara sa kama ko at hinaplos ang aking buhok. "Kinausap ni mama si lola. Nalaman ko ang totoo..." halos hindi niya matapos ang mga gusto niyang sabihin.
Bumuhos ang luha ko ng marinig iyon kay Lara. Hindi dapat malaman ni lola ang ganito.
"Ate... Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong ko. Nandito lang ako."
Napapikit ako ng marinig iyon. Hindi ako makapagsalita sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Kanina ko pa rin pinagmamasdan ang cellphone ko na tinatawagan ni Kael.
Hindi ko inaakala na magpinsan kami. Simula noon ay hindi nagkikwento si mama sa amin tungkol sa aming ama. Kahit si lola ay wala rin alam dahil umuwi lang noon si mama na buntis na.
Bakit ang unfair ng mundo?
Wala akong gana na lumabas ng aking kwarto at halos sumakit na ang aking ulo sa kakaiyak.
Nang mag umaga ay pumasok si lola Lourdes sa aking kwarto. Nakatulala ako sa kama at niyayakap ang aking unan. Walang oras na hindi ko inisip ang mga nalaman ko.
Pakiramdam ko kung gaano ka pagod ang aking utak ay siya ring durog ng puso ko.
Pagod kong tinitigan si lola. Nakita ko ang unti unti niyang pag iyak at pag-amba na yayakapin ako.
Kinagat ko ang aking labi ng binalot niya ako ng yakap.
"Apo ko, Kathlyn.... Hindi sayo galit si lola.."
Kumawala ang hikbi sa aking labi at dumaloy ang aking luha at niyakap pabalik si lola.
"Lola.. Gisingin mo ako kung panaginip ang lahat nang' to!" iyak ko.
Hinagod ni lola ang aking likod, tinatahan ako.
"Apo nandito lang si lola. Diyos ko, nagulat ako sa sinabi ng mama mo! Wala namang' sinasabi sakin ang babaeng iyon e!"
"Hindi ko rin inaakala ito. Kathlyn, nakaya natin kina Ara at Santi, kakayanin natin ngayon."
Umiling ako kay lola. "Lola, magpinsan kami ni Kael. H-Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko siya kayang harapin lola! Hindi dahil sa mga nalaman ko kundi dahil baka magkasala ako k-kasi alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya!"
"Shhh.. Tahan na. Tignan mo hindi mo kinain ang pagkain mo kagabi!"
Hindi umalis si lola sa tabi ko hanggang sa makakain ako. Hindi ako lumalabas ng kwarto at piniling sagutin ang tawag ni Kael.
Napamura siya agad ng sagutin ko ang tawag niya. Dumaloy ang luha ko dahil doon.
"Nag aalala ako.." buong buo ang boses nito. "Mag usap tayo. Hindi ako makampante, Kathlyn.."
Nagkatinginan kami ni lola. Tumango si lola sa akin kaya huminga ako ng malalim.
"G-Gusto rin kitang makausap, K-Kael.." tumingala ako ng magsimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Kathlyn... I love you.." bulong niya na tila ba takot na takot siyang iwan ko siya.
"M-Magkita nalang tayo sa park malapit sa skwelahan." pinatay ko agad ang tawag at niyakap ako ni lola ng mahigpit.
"L-Lola! Hindi ko kaya po! Bakit po ganito ang kapalaran ko? Ngayon lang ako nagmahal ng ganito bakit ganito pa?"
"Apo ko, kung kaya kong baguhin ang lahat gagawin ko dahil mahal na mahal kita."
Isa si lola sa naging mahigpit sakin pagdating sa pagboyfriend dahil ayaw niyang matulad ako kay mama. Maraming sinabi na kasinungalingan si mama noon tungkol sa kung paano siya nabuntis ngunit ito ang katotohanan.
Na anak kami ng kapatid ng papa ni Kael. Maging pinsan kami...
Sinamahan ako ni lola sa pagkita kay Kael. Si lola na sobrang higpit sa amin ay siya pang tumutulong sa akin ngayon dahil alam niyang nagmamahal ako. Siguro nadala na siya noon kina Ara at kuya Santi.
Habang papalapit sa park ay parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Parang gusto kong umatras ngunit nandito na ito e. Mabuti nang masaktan na ako ng lubusan.
"Doon lang ako sa duyan apo ko." paalam ni lola. Tumango ako sa kanya at ginala ang mga mata. Mahamog ang kapaligiran at kitang kita ko ang nagkukulay orange na araw. Handa na iyong lumubog.
Sa kakatingin ay dumapo ang aking mata sa lalaking nakahilig sa malaking puno at kanina pa sakin nakatingin. Kumalabog ang dibdib ko ng magtagpo ang mga mata namin ni Kael. Umawang ang labi niya at malamlam ang mga matang nakatitig sa akin, tila nagsusumamo.
Bumuga ako ng hangin at lumapit sa kanya. Yumapos ang mga mata niya sa aking likod at nakita si lola.
"H-Hindi ako puwedeng magtagal.." inunahan ko na siya. Kumuyom ang aking kamao dahil sa nararamdaman. Tila ba naging estranghero na naman kami ulit sa isa't isa.
Nakaitim siyang damit na hapit sa kanyang katawan kaya kitang kita ko kung gaano siya ka matcho. Tinitigan ko ang kanyang mga mata na tila ba hindi siya presentado at maraming iniisip.
Pinsan ko ang lalaking ito... Puwede bang mahalin ang isang pinsan? Puwede bang , puwede nalang kami?
"M-May gusto akong sabihin Kael-"
"Hindi ako makikipaghiwalay sayo, K-Kath." humawak agad siya sa aking kamay.
Nanlaki ang mga mata ko at nalilito siyang tinitigan.
"Kael... Alam mo?"
Pumikit siya ng mariin. Dinilaan niya ang mapupulang labi niya at dahan dahang tumango.
Umawang ang labi ko at walang katapusang luha ang lumabas sa aking mga mata.
"M-Magpinsan tayo..." sabi ko na umiiyak.
Dahan dahan siyang tumango at nanatiling seryoso ang tingin sakin. Tumingala siya, pinipigilan ang mga luha.
"Please don't...Kath." pagsumamo niya.
"M-Mali 'to Kael. Alam mo, kahit saan natin tignan..O ipaglaban, mali parin to." sabi ko sa kanya, umiiyak parin.
Ako ay nagulat ng marahan niyang pinunasan ang aking luha. "Ganito lang ba kadali sayo tapusin ang lahat, Kath?"
Mahina niyang tanong. Lumapit siya ng konti sakin kaya napatingin ako sa gahibla na layo ng aming mga paa.
"H-Hindi Kael..." buong diin kong sinabi sa kanya. "Kasi alam ko na pareho nating hindi sinasadya. Pareho tayong walang alam nung' una! Kung pagpapatuloy ba natin ito ano sa tingin mo ang mangyayari sa atin?"
Yumuko siya at umiling iling. "Kakausapin ko ang mama mo-"
"Na ano? Huh? Wala parin Kael. Walang magbabago sa atin. Magkadugo parin t-tayo." humikbi ako ng tinitigan niya ako.
Kitang kita ko ang pagdaloy ng luha niya. "Fuck! Ang sakit ,Kath! Ang dami kong plano sa atin. Ang hirap hirap mong mahalin!"
Nasapo ko ang aking bibig ng marinig iyon.
Tumalikod siya at sinuntok ang malaking puno ng dalawang beses. Narinig ko ang marahang singhap ni lola.
"Fuck!!!!" sigaw ni Kael st sinuntok muli ang malaking puno. Nakita ko ang dugo na dumaloy sa mga kamay niya.
Hinarap niya ako, tila nahihirapan, at gustong magwala ngunit mas nalamangan ng sakit na nararamdaman.
Kinuha ko ang mga kamay niya at hinaplos iyon.
Mapait akong ngumiti. "Sa kabila ng lahat, ikaw na yata ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko Kael. Ang labi mo.." hinaplos ko ang labi niya.
"Ang mga mata mo.." titig na titig ako sa mga mata niya.
"Ang kabutihan ng loob mo at dedikasyon sa buhay. Minahal ko lahat ng iyon. Mahal kita Kael."
Hinawakan niya ang aking mukha at pinaglapat ang aming mga noo. Ngumiti ako.
"Mahal kita pero hanggang dito nalang..."
Marahan siyang napamura habang magkadikit ang noo namin. Ramdam ko ang panginginig niya.
"Masakit man makita kang nasa iba pero iyon ang tama... Tayo ang mali." sabi ko.
Suminghap siya. "K-Kath.." pakiusap niya.
"Puwede ko na bang sabihin?" para hindi na tayo mahirapan pa Kael.
"K-Kath.." naiiyak niyang sambit. Parang dinurog durog ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kahina.
"Kael.. Lets break up."
Marahan siyang nagmura ulit.
"K-Kael..." nakapikit ako ng ilang saglit.
"You are my greatest...L-Love, baby.." bulong niya bago tumango. Ang pagtango niya na ikinadurog ng puso ko ng pinong pino.
"Lets...Break....Up.." unti unti niyang sambit. Nakahawak ang dalaws niyang kamay sa mukha ko,kinukulong ang aking mukha.
Pinagtagpo niya ang dalawang hinlalaki sa aking labi at hinalikan ako na nakapagitan sa amin iyon.
"I was enchanted by you... Yet, my greatest heartbreak."
Bago pa ako makamulat ay agad na siyang tumalikod, umalis, papalayo sakin.
~~~
Last update here in Wattpad. This story is available the completed version on my Vip page. At marami pang iba! Message me on my fb. Link below
https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz