ZingTruyen.Xyz

Drastic Measures

chapter 36

ljArci

Halos mag-iisang buwan na simula no'ng maikasal kami ni Franz at nalalapit na rin ang church wedding namin na unang napagkasunduan ng aming pamilya.

Nabalitaan kong lumipat sa ibang school si Ma'am Sabrina at huling pagharap na namin iyong sa pamanhikan.

Mabilis kumakat sa buong school ang tungkol sa matagal nang paghihiwalay nina Franz at Ma'am Sabrina at ang pagkaugnay ng huli kay Felix.

Iba't ibang espekulasyon ang lumabas hinggil sa unang napabalitang pagpapakasal ni Franz at Sabrina na muling nabuhay dahil sa pagkabunyag sa relasyon ng huli kay Felix.

At ang dahilan nang pagsapubliko ng nasabing relasyon ay walang iba kundi ay si Ate Rhea.

Hindi ko inakalang dakilang chismosa pala ang pinsan kung iyon. Mula sa aming dalawa ni Franz ay nalipat ang spot light kay Felix at Sabrina.

Mabilis na natanggap ng lahat ang tungkol sa namagitan sa'min ni Franz at sa kanya mismo nanggaling ang balita tungkol sa nalalapit naming kasal kaya mas kapani-paniwala iyon kumpara roon sa engagement diumano nila ni Sabrina.

Noon pa man ay lantaran na ang pagpapakita ko ng pagkakagusto kay Franz sa buong school namin kaya hindi na iyon ikinagulat ng nakararami at mas kumuha sa atensiyon ng mga ito ay ang pakikipagrelasyon ni Ma'am Sabrina kay Felix.

Lumalabas kasi na tinuhog mg babae ang magkapatid na del Rio at iyon ay dahil na rin sa paraan nang pagdedetalye ni Ate Rhea sa buong pangyayari na hindi ko alam kung kanino nito nalaman.

Sa rami ng koneksiyon ni Ate Rhea ay talagang nag-trending sa buong probinsya at maging sa kalapit na lalawigan ang balita.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Ate Rhea sa ginawa nito pero minsang nabanggit ng pinsan kong si Tyron na lagi raw kaaway ni Ate Rhea si Felix.

Kahit bata pa ay mapagkakatiwalaan naman sa chismis iyong si Tyron dahil mausisa ito at likas na chismoso. Kilala nito si Felix kaya sigurado akong hindi ito nagkakamali sa pagtukoy sa lalaking laging kasagutan ni Ate Rhea.

"Good morning, Juls," malambing na bati sa'kin ni Franz na nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan.

Sabado ngayon at wala akong pasok sa eskwela at kapag ganito ay di rin siya umaalis ng bahay at tinatawag lang sa kanya ang mga importanteng ganap sa opisina.

"Morning,"nakangiti kong tugon.

Lalong lumaki ang ngiti ko nang yumuko siya upang pupugin ng halik ang buo kong mukha.

Ito ang nakagawian niyang gawin tuwing umaga pagkagising at matagpuan akong nagmuni-muni rito sa balkonahe ng kwarto niya.

Tuwing Friday at Saturday ay rito kami matutulog sa bahay niya tulad nang napagkasunduang usapan namin ni Daddy.

Okay lang naman dahil sa mga natitirang araw ay magkasama pa rin kami pero sa bahay nga lang namin.

Para na rin kaming normal na mag-asawa na nagsasama pero dalawa nga lang ang bahay na tinitirhan namin.

Mag-asawa naman talaga kami pero in-denial pa rin si Daddy.

"Maligo na tayo,"malambing niyang ungot at ipinatong ang baba sa balikat ko.

Pahinamad kong inayos ang pagkakasandal sa kinauupuan sabay abot sa kanya ng maliit na box na dapat ay kagabi ko pa binigay pero dahil medyo busy kami ay nakaligtaan ko.

Nagtataka niyang tinanggap ang inabot ko at umikot paharap sa'kin.

"Para sa'kin?" naaaliw niyang tanong habang sinusuri ang box na hawak.

Simpleng plain na white box lang ito na kasya sa palad at madaling buksan ang takip.

"Buksan mo," udyok ko sa kanya.

"Anong laman nito," nakangiti niyang pahayag habang tinataas ang takip ng box.

Mataman kong pinagmasdan ang reaksiyon niya nang tuluyang tumambad sa kanya ang nag-iisang laman ng box.

No'ng una ay nangunot ang noo niya nang makita ang nasa loob ng box pero agad ding nagliwanag ang buong mukha nang mapagtanto kung ano ito.

Awang ang bibig na nagpalipat-lipat siya ng tingin mula sa hawak na pregnancy test kit papunta sa'kin.

"I'm pregnant," nakangiti kong anunsiyo.

"Oh my God!" namamangha niyang bulalas.

Iglap lang ay buhat-buhat na niya ako habang masayang inikot-ikot.

"Magkaka-baby na tayo!" paulit-ulit niyang sigaw habang buhat-buhat ako.

Masayang-masaya siya at para akong maluluha dahil kasama ako sa dahilan ng kasiyahan niyang ito.

Buong buhay ko ay pangarap kong maging bahagi ng buhay ng isang Franz del Rio. Isa ako sa maswerteng taong maagang nakatagpo ng pag-ibig.

Unang kita ko pa lang kay Franz ay sigurado na ako sa kanya kaya siniguro kong hindi ako matutulad sa mga bida sa nobela na palalayain ang natagpuang pag-ibig at dadaan sa madugong pag-move on tapos sa bandang huli ay muling magtagpo pagkatapos ng mahabang panahon at tsaka pa ang ilalaban ang pagmamahal.

Inaangkin ko na so bakit ko pa pakakawalan? Kung kayang ipaglaban ngayon ay hindi na kailangan pang maghiwalay para lang muling magtagpo.

"Magiging daddy na ako! Tagumpay nating nabuo si Julian," tuwang-tuwa pahayag ni Franz na lalong nagpatamis sa ngiti ko.

"Julianne," pagtatama ko sa kanya.

Mas gusto ko kasing babae ang magiging una naming anak.

"Gawin na lang nating kambal, Juls, para may Julian at Julianne tayo," nangingislap ang mga mata niyang suhestiyon na ikinahagalpak ko ng tawa.

Ang magaling kong asawa, pinagbigyan na nga sa kagustuhan niyang makabuo kami ng baby ay humirit pa ng kambal.

"Franz, hindi ba ako masyadong bata para magiging mommy?" mahina kong tanong kapagkuwan. "Natatakot akong baka hindi ko maalagaan nang mabuti ang baby natin kung sakali."

Maingat niya akong ibinaba pero nakayapos pa rin ang mga braso niya sa baywang ko.

"Magiging mabuting mommy ka dahil pinlano natin si baby. Nandito ako, Juls. Tutulungan kita sa pag-aalaga sa kanya kaya wala kang dapat ikatakot," masuyo niyang sabi.

Magaan niyang hinaplos ang pisngi ko habang masuyong sinalubong ang titig ko.

"Mahal na mahal kita, Juls. Mahal na mahal ko kayo ng mga magiging anak natin," madamdamin niyang pahayag.

"Alam ko, Franz," tugon ko. Isinandal ko ang pisngi sa kanyang dibdib habang ninamnam ang mainit niyang yakap. "Mahal din kita. Pinaghirapan ko kayang magpapansin sa'yo rati."

Anumang pangamba at pag-aalinlangang umusbong sa puso ko ay mabilis na nalusaw habang ninamnam ko ang sinasabi at pinaramdam na pagmamahal ni Franz.

"Kahit 'di mo na ginawa iyon ay sigurado naman akong tayo pa rin sa bandang huli," natatawa niyang sagot. "Nakahanda na ang plano kong siluin ka kung kinakailangan," pabulong niyang dagdag at ginawaran ng halik ang ko.

"Paano kaya kung hindi kita nagustuhan noon?" bigla ay naisip kong itanong.

"May tiwala ako sa ganda ng lahi namin," aniya.

"Ang yabang," nakabungisngis kong wika. "Paano nga kaya kung hindi?" pangungulit ko.

"Aakitin kita... papakasalan at bubuntisin," sagot niya.

"Ang swerte mo pala, ako na iyong gumawa ng pang-aakit," natatawa kong sabi.

"Talagang maswerte ako kasi akin ka na ngayon," tugon niya.

Mula sa pagkakasandal sa dibdib niya ay tumingala ako upang makita ang gwapo niyang mukha.

"Pareho pala tayong may binabalak sa bawat isa noon pero iisa lang iyong gusto nating ending," wika ko hhabang may naglalarong ngiti sa mga labi ko.

Lumilitaw kasi sa isip ko iyong mga nagawa ko rati para mapansin lang niya at iyong binabalak kong gawin upang tuluyan siyang maagaw noon kay Ma'am Sabrina di naman pala kailangan dahil simula pa lang ay akin na siya.

"Pasalamat ka noon at mapagtimpi ako, 'di agad ako nagpadala sa mga ngiti mo," nakangit niyang sagot.

Puno ng pagmamahal ang mga mata niyang nakatingin sa mukha ko habang nanatili ang masuyong pagkayapos sa'kin ang kanyang mga braso.

"Pero sa bandang huli ay ikaw iyong humila sa'kin pakasal," natatawa kong saad.

"Na paulit-ulit kong gagawin hanggang sa next life natin?" masuyo niyang tugon. "Mahal na mahal kita, Juls."

Walang mapaglagyan iyong sayang nararamdaman ko at lahat ng iyon ay dahil dito sa lalaking matagal kong pinagplanuhang maangkin pero mahal din pala ako kaya sa nagkusa nang magpaalipin.

Hindi man kagandahan ang una kong naging plano ay sa huli kami pa rin pala ang nakalaan sa bawat isa at ngayon lalong pinagtibay ang aming pagsasama nitong bunga ng pagmamahalan naming kasalukuyan kong dinadala.

Wala na akong mahihiling pa... isinabuhay ko na ang happily ever after na akala ko ay sa libro lang nababasa.

Muntik man akong naging kontrabida sa simula ay ako pa rin naman ang bida sa puso ng lalaking tinatawag ko na ngayong asawa.

No more drastic measures because everything is planned according to God's will pero may konting contribution nga lang galing sa'kin.

Ramirez ako kaya minsan ay pinangungunahan na namin ang kapalaran at dahil del Rio na ako ngayon ay feeling blessed na ang status ko for life!

***END***

Tatapusin na natin, guys, dahil marami na akong utang sa inyo na update(dami kong story na nasimulan lang pero wala pa ring update🤧).


Pasensiya na talaga kayo, medyo madalang ako sa update nitong nakaraan at sa susunod na mga buwan.

Medyo busy po sa school lalo na at thesis na namin... nakapagsulat lang po ako kung masyado na akong sakal sa school activities at kailangan ko ng breather. Minsan gusto ko na magsulat ng suspense at bida ay serial killer para doon ko iipunin lahat ng mga gusto kong itorture sa real life... Hahahaha... Lumalabas pagkautak kriminal ko kapag masyado akong stress at pressure...

Anyways, thank you po sa inyong lahat. Nabibigo ko man kayo minsan pero andiyan pa rin kayo☺️❤️

Ingat po kayo palagi... life is short, enjoy every second of it.❤️😘

PS: MABABASA PO ANG COMPLETE STORY SA TypeKita...



Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz