Chapter 73
6 MONTHS.
Malaki na ang tiyan ko. Halatang-halata na. Bilog na bilog na. Nararamdaman ko na rin iyong pagkilos ng munting buhay sa loob. Wala pa nga lang may alam ng gender. Ayaw ko pang alamin. Kahit ano naman, okay lang sa akin. At alam kong okay lang din sa kanya.
I opened the curtain of the room I was in. The real owner of this room was not here. He was no longer here.
Minsan tumatawag, madalas sa umaga kaya lahat kami ay nakakausap siya, tapos wala na ulit. Bihira din mag-online. Kahit ganoon, hindi ko nakakalimutang mag-chat. Mangumusta. Sabihan siya na palaging mag-iingat. Sinasagot niya naman minsan. Sagot lang din na katulad ng chat ko. Na kung kumusta na ba ako, kami, at si baby. Tapos mag-iingat din kami. Ganoon. Pagkatapos ay wala na ulit.
Now, I realized that he never actually said goodbye when he left. Katulad nang dati, umalis lang siya ulit. Iniwan ako ulit. Kahit pa alam ko ngayon ang pag-alis niya, hindi kami nakapag-usap man lang muna. Hindi talaga siya sa akin nakapagpaalam.
We were both silent the entire night while his mother and I helped him pack. Ang halos na nagsasalita lang ay ang nanay niya na maraming bilin at pangaral sa kanya, habang kaming dalawa ay kapwa lang tulala.
On my part, I was afraid to hear anything he could say. Ang nasa isip ko ay at least, wala siyang uuwiang iba kundi dito lang. Sa parte naman niya, windang pa rin siya dahil sa huling oras niya pa nalaman ang tungkol sa pagkawala ng kakambal ni Bobbie. Ni wala na siyang oras para magluksa pa, kasi aalis na agad siya. Tulala lang siya hanggang sa nag-umaga na.
Nagising na lang ang diwa ko noong talagang alam ko na wala na siya. It seemed like all of my emotions—including my fears—came back, and anxiousness struck me.
This time, though, I wasn't alone because there were people who were by my side, supporting me and never leaving me behind.
Si Ason Agoncillo Prudente na kahit palaging naka-max volume ang boses ay inaalala ako lagi. Akala ko ay maiirita ako sa pagiging masalita, pagkapala-desisyon, at pangingialam nito sa akin, pero ayos lang pala. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay nakakapagpahinga ang utak ko. Hindi ko kailangang mag-isip, aasa na lang ako, at maghihintay. And it felt good, surprisingly.
As much as I enjoyed the nosiness of Asher's mother, ay nae-enjoy ko rin ang pagiging tahimik ng tatay niya na parang display lang ito minsan sa bahay, ang pagna-nag sa akin ng aking tiyahin, ang ingay ng mga bata sa paligid, lalo ang paglabas ng kakulitan ni Bobbie, at kahit ang kawalang paki ni Amos sa tuwing nagkakasalubong kami nito. It still felt surreal, but I thoroughly enjoyed being a part of this big chaotic, loving family.
Ito ang pinag-iwanan ni Asher sa akin, dito niya kami pinagkatiwala ni Bobbie, at dito kami. Dito rin namin hihintayin ang kanyang pag-uwi.
I picked up the photo frame of his college graduation. He was wearing his immaculate white maritime uniform here, and he looked so neat and elegant in it. He also had his pershing cap on his head. Pormal na pormal na sana kundi lang sa klase ng ngiti ng mapupula niyang mga labi. May kung ano roon na parang kikiliti sa imahinasyon mo.
Or maybe I simply missed him so much that no matter how I looked at his photo, his smile appeared naughty to me.
He was always hot and sexy.
Ah, I really missed him. Hinalikan ko ang picture niya na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang ginawa. "Everything is fine here, so don't worry about us..."
The Punzalans were no longer a problem. Hindi na nagpakita pa rito matapos magkapirmahan at makuha ang pera na ibinigay ko. Gamit ang pera na iyon ay makakapagsimula na ang mga ito.
About the Estradas, Rio was currently occupied, and Renren was grounded. Pinahinto na muna ng mga magulang nito si Renren sa pagtatrabaho dahil wala rin naman daw kinapupuntahan ang suweldo nito. Nanghihingi pa rin ang babae sa mga magulang at wala man lang naipon kahit sinco. Walang may alam kung saan nito dinala ang mga kinita sa nagdaang tatlong taon na pagtratrabaho.
Niyakap ko ang photo frame at binulungan. "Asher, love, ikaw na lang ang kulang dito..."
"JUDAY, PAKAININ MO NA ANG PAMANGKIN MO."
Narinig ko ang boses ni Kuya Abel mula sa labas ng pinto. Nakauwi na pala ito last month. Napaaga. Isang linggo lang sila sa bahay nila sa Lancaster, pagkatapos ay pumunta na rito dahil bakasyon naman ng mga bata.
Kasunod ng sinabi ni Kuya Abel ay ang mahinang pag-uusap nila ni Tita Judy. Sinasaway siya nito na wag maingay. Akala siguro ay tulog ako.
Napabuga ako ng hangin. Sa paglaki ng tiyan ko ay nawalan na kasi ako ng ganang magkakakain. Iyong first semester ay hindi ko masyadong ininda, pero ngayon na anim na buwan ay palagi akong hinang-hina at walang gana. Siguro kasi alam ng katawan ko na marami sa akin ditong umaalala.
Apektado sa kalagayan ko ang buong sambahayang Prudente. Lahat sila ay nag-iingat, nangangapa, at nakikiramdam. Nag-a-adjust lahat sa akin, inaalala ako maya't maya, at kulang na lang ay tratuhin akong babasaging bagay rito. Hindi nila alam na mas lalo lang akong nahihirapan dahil hindi naman ako sanay maging pabigat kahit kanino.
Ang hirap, nakakapanibago, at naiinis din ako sa sarili ko, kasi may mga pagkakataon na parang nae-enjoy ko lahat, dahil in fairness, masarap din pala minsang magpabigat.
"LAILA, MAY BISITA KA. SANA ALL NABIBISITA."
Nakakaidlip na ako nang katukin ako ni Tita Judy. Dumating daw ang pamangkin kong si Betchay. Nang marinig ang sinabi niya ay bumangon ako. Madilim na pala sa labas. Nag-tali lang ako ng buhok saka lumabas na agad.
Nakataas ang isang kilay ni Tita Judy sa akin paglabas ko. "Hoy, Laila, hindi ka nagmeryenda kanina. Baka sabihin ni Asher ay inaapi ka namin dito at di ka pinapakain."
"Kumakain naman ako ng tanghalian. Hindi ko lang kayang kumain nang marami." Dahil nga wala akong gana. Pero sinisikap ko namang palaging malamnan ang aking tiyan. Hindi rin ako pumapalya sa vitamins. At hindi lang kasi pagkain ngayon ang kailangan ko.
Iba ang gusto ko. Ibang cravings. But, unfortunately, I couldn't have it as the one person who could give it to me was not here.
Napangisi ang magaling kong tiyahin habang nakatingin sa akin. "Alam ko na iyan! Saklap, ba? Feel kita kasi danas ko iyan!"
Nag-init naman sa hiya ang pisngi ko. Lalo lang napangisi si Tita Judy. Hinila niya ako sa sulok at binulungan. Siya namang labas ni Kuya Abel mula sa kuwarto nila. "Juday, iyong mga bata baka nanggugulo na naman sa kuwarto nina Nanay."
Natigilan ito nang makita kaming nagbubulungan. "Hoy, ano iyang pinagbubulungan niyong magtiyahin, ha?!"
Bumungisngis ang aking tiyahin sabay hila kay Kuya Abel. "Wala, mahal, tara muna sa kuwarto habang busy ang mga bagets."
Nang wala na ang mag-asawa ay bumaba na ako. Saka ko na iisipin ang binulong sa akin ni Tita Judy. Pero kahit siguro subukan ko ay mukhang malabo. Galit pa rin sa akin ang marino ko.
Okay lang. Puwede siyang magalit hanggang gusto niya dahil karapatan niya iyon, basta habang galit siya, mahal niya pa rin ako. Iyon ang mahalaga at para sa akin ay sapat na.
BETTINA HUCALINAS. Pagbaba ko ay nasa may sala na nga ang pamangkin kong si Betchay at hinihintay ako. Ngayon ko na lang ulit nakita. Dalagang-dalaga na pala talaga siya. Morena, maliit ang mukha, at balingkinitan ang katawan. Hanggang balikat ang buhok, ang suot ay baby tee, at pedal shorts. Maganda kahit may kaputlaan.
"Tita!" Tumayo si Betchay nang makita akong bumaba. Nang magtama ang aming mga mata ay doon ko nakita ang iba pang nagbago sa kanya. Noong bata pa siya ay kahit kakikitaan ng pagiging pursigido ang kislap ng mga mata niya ay walang tapang na makikita, pero ngayon ay parang kahit anong pagsubok sa buhay ay kakayanin niya.
"Kumusta ka na?"
"Okay lang po," maagap na sagot ni Betchay. "Nag-aaral na po ako. Salamat, Tita!"
Nagningning ang mga mata niya pagtingin sa malaki ko nang tiyan. Parang ang saya-saya niya nang makitang buntis ako.
"Totoo bang sumama ka sa boyfriend mo noon?" tanong ko. Iyon iyong unang tinanong ko si Ate Laura na mama niya. Ang sabi nito ay doon na nga siya nakatira sa boyfriend niya bago siya sinundo ulit.
Naupo kami ni Betchay na magkatabi sa sofa.Nakita ko ang pagnguso niya bago sumagot. "Opo. Pero ginamit ko lang iyong dahilan para makaalis sa bahay. Hindi po ako tumuloy talaga sa bahay ng boyfriend ko, tapos noon din po ay nakipag-break na rin po ako."
"Bakit ka lumayas na naman sa inyo ngayon?"
"Palagi pong magulo sa bahay sa Bacao. Sabay-sabay po na namang nagbuntis sina Mama at Tita Lenlen, tapos mga walang trabaho po ang mga asawa nila, kaya laging maiinit ang mga ulo. Ako po ang napag-iinitan ni Mama. Ambisyosa raw po ako, makasarili, at walang silbi. Panganay raw ako, pero hindi raw ako maasahan, dahil ayaw kong mag-alaga sa maliliit kong kapatid at magtrabaho para makatulong sa gastusin."
Nakayuko si Betchay habang nagsasalita.
"Tita, ambisyosa, makasarili, at wala na akong silbi, pero gusto ko po talagang magpatuloy sa college, e. Hindi naman ako nanghihingi sa kanila e, kaya kong mag-working student, basta makapag-aral lang. Gusto ko po sanang may marating. Kahit hindi malayo, basta may marating lang. Tutulong naman po ako sa kanila e, pero gusto ko po sana munang tulungan ang sarili ko."
What she said made my lips smile. Hindi ako nagkamali sa nakita sa kanyang mga mata kanina.
"Tita, di ba..." Tumingin siya sa akin. "Hindi ko kasalanang ipinanganak akong mahirap, pero kasalanan ko kung makukuntento ako sa ganito. Kasalanan ko kung hindi ako gagawa ng paraan para mabago ang kalagayan ko. Kasalanan ko kung hindi ako susubok sa abot ng makakaya ko."
I patted Betchay's shoulder. "Tapusin mo ang pag-aaral mo, maghanap ka ng magandang trabaho, tumulong ka rin sa mga magulang mo, pero wag mong kalimutang magtira para sa sarili. Do your best to make your life better, but don't forget to rest and do the things that makes you happy."
Nagpaalam na rin si Betchay dahil may naghihintay sa kanya sa labas ng gate.
"Okay ka lang ba?" tanong ko na ang tinutukoy ay kung komportable siya. Wala kasi akong ibang maisip na puwedeng tuluyan niya, hindi siya puwede sa bahay ko sa Sunterra dahil baka matunugan ng mga Punzalan na naroon siya, at hindi rin naman siya puwede kay Ate Linda. Hindi ko pa rin kasi alam paano contact-in ito at kung nasaan ito nagbo-board ngayon.
Ngumiti si Betchay sa akin. "Mabait po siya, Tita. Mabait siya kahit madalas suplado at maiksi ang pasensiya." Ang tinutukoy niya ay iyong lalaking nakatayo sa labas ng gate at naghihintay ngayon sa kanya.
Tumingin ako sa may kusina. Walang lumalabas mula roon. Binalikan ko ng tingin si Betchay. "Dito ka muna," mahinang sabi ko, pagkuway sinamantala ko na tumalilis palabas ng pinto.
Madilim sa garahe at patay rin ang ilaw kahit sa labas ng gate, pero may liwanag iyong malapit na lamppost. Paglabas ko ng gate ay natanaw ko agad ang matangkad na lalaki na nakatayo sa ilalim niyon.
Naka-jeans, blue hoodie, at white sneakers. Mukhang inip na inip na at paubos na ang pasensiya habang pinagtatadyakan iyong bato na nasa kanyang paahan. Hindi ko napigilan ang aking paghagikhik. Yes, mababaw na ngayon ang kaligayahan ko. Kasing babaw ng aking luha. Labas na labas ngayon ang mga emosyon ko.
Nang marinig ako ay napatingin tuloy siya sa akin. "L-Lai..." bulalas niya na hindi makapaniwala.
Humakbang ako palapit sa kanya. "Thank you, Rio. I owe you."
Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa akin. Nasa guwapong mukha pa rin ang pagkagulat. "Lai, why do you look so... bright and lively?!"
Nanatili akong nakangiti habang nakatingala sa kanya.
"What happened to you?" Bumaba ang paningin niya sa aking halatang-halata ng tiyan. "And your tummy is so big! Did you swallow a whole watermelon?!"
"Yes. Again."
Nagusot ang kanyang matangos na ilong. "It's the same culprit, right?"
Ngiti lang ang sagot ko. Alam naman na niya iyon.
"And he left you again." Namewang siya sabay yuko sa akin. "Do you want to run away with me?"
Pitik sa noo niya ang sagot ko. Napangiwi naman siya sabay layo sa akin.
"Hindi ako puwedeng umalis dito. Maselan ang lagay ko ngayon kaya kailangan kong mag-ingat muna sa ngayon." That was the only answer he would accept, so that was what I said to him. "Mag-focus ka na lang muna sa pag-a-apply mo ulit pabalik sa ibang bansa. Saka, ikaw muna ang guardian pansamantala sana ng pamangkin ko."
Lumamlam ang mga mata ni Rito. Napayuko siya at nagbawi sa akin ng paningin. Humakbang naman ako upang haplusin siya sa kanyang ulo. "Rio, please take care of her for me..."
"I will," mahinang sagot niya. "But I can't promise that I'll be lenient to that brat. Itatapon ko siya sa ilog kapag nagpasaway siya sa akin."
"Okay. You have my blessing to do that."
Narinig ko ang pag-ismid niya pero hindi nakaligtas sa akin ang lungkot ng kanyang mga mata pag-angat muli ng mukha niya. "We have to go, Lai. Maaga pa siyang pupunta sa school bukas kasi enrollment na for next sem."
Lumabas na rin si Betchay sa gate. Parang kanina pa nga ito roon nakasilip at lihim sa aming nakikinig. Lumapit ito sa amin. "Tita, baka hinahanap ka na sa loob. Aalis na po kami ni Theodore!"
Binatukan ito ni Rio. "This brat! I told you to not call me that!" Kahit dim ang liwanag ay kitang-kita ko na pulang-pula ang lalaki.
Kinatok lang naman ni Betchay ang baba niya saka sa akin ngumisi. "Bye, Tita!" Pagkasabi'y hinila na nito sa kamay si Rio na kahit malayo na ay nagtatatalak pa. Mukha namang okay lang sila.
Bumalik na ako sa loob. Pinuntahan ko na si Bobbie sa kuwarto nina Tita Judy dahil mamaya lang ay kakain na ng dinner. At mamaya lang, katulad ng mga nagdaang gabi, ay maghihintay na naman ako sa isang tao na hindi ko sigurado kung magpaparamdam ba...
KINAGABIHAN. I was looking at my phone again. Nang sumapit ang 11:00 P.M. ay saka ako sumuko. Nag-type ako ng 'goodnight' at ipinadala sa kanya. Baka wala na naman kasi siyang signal, o baka busy siya sa pagtatrabaho, o kaya ay oras ng pahinga niya.
Nakakalungkot pero ayaw ko rin naman siyang maabala.
Papatayin ko na ang WiFi ng phone ko para matulog na sa tabi ni Bobbie nang may kumatok sa pinto. Tatlong katok nang bumukas na iyon. "Nanay..."
Iyon na pala ang tawag ko kay Ason Agoncillo-Prudente. Kapag kasi hindi ko iyon gagawin ay magtatatalak ito nang walang palya.
Pumasok ang ginang nang tuloy-tuloy at naupo sa gilid ng kama kung saan naroon kami ni Bobbie. May inilabas siya mula sa bulsa ng suot na malaking duster, at inabot sa akin. Naaninagan ko lang sa ilaw ng lampshade ang tila passbook. "Sahod ni Asher sa barko."
Napanganga ako dahil ito iyong laman din ng envelope na ibinibigay ni Asher sa akin noon. Hindi ko iyon tinanggap dahil hindi pa naman namin maayos na napag-uusapan. Saka alam ko na nasa nanay niya pa nga iyon. Ayaw ko namang isipin nito na inaagaw ko.
"Dapat noon ko pa iyan ibinigay sa 'yo, Laila. Ipinabibigay ni Asher sa 'yo kasi hindi mo nga raw tinanggap noong ibinibigay niya sa 'yo. Nakailang sahod na siya mula sa muling pagsampa niya. Iyang sa passbook ay updated na para sa sahod para naman ngayong buwan. Ikaw na ang bahala riyan. Isusunod ko sa 'yo bukas ang mga papel."
Nangilid ang mga luha ko at napayuko sa passbook. Hanggang sa makaalis na si Nanay Ason sa kuwarto ay impit na humahagulhol ako. Galit siya pero hindi niya pa rin talaga ako pinababayaan. Galit siya pero mahal niya pa rin talaga ako. He still wanted to take care of me. He still wanted me to have everything.
Nanginginig ako sa pag-iyak nang biglang mag-ring ang phone ko na hindi pa pala napapatayan ng WiFi kanina. Namilog ang luhaang mga mata ko nang makita kung sino ang tumatawag. Si Asher!
Pinunasan ko ang luhaang mga mata. Totoo ba itong nakikita ko? Tumatawag siya? After making sure I wasn't just hallucinating, I frantically picked up my phone to answer him. My chest felt warm when I heard his breathing.
And then I finally heard his voice again. [ Lai. ]
Napahikbi ako. "Bakit ngayon ka lang tumawag?!"
[ Kakadaong lang namin... ]
Oo nga, may mga parte talaga sa dagat na wala silang ka-signal-signal. Hindi rin sila puwedeng basta mag-cell phone kapag oras ng trabaho. Kapag naman oras ng pahinga ay pagod na pagod sila. Bukod pa sa hindi madali ay delikado rin ang trabaho nila.
"Kumusta ka na?" tanong ko na may pananabik sa boses. Ngayon ko lang siya nasolo, dahil kadalasan ay nakikiagaw si Bobbie. Miss na miss na rin siya ng bata kaya hindi ko ito masisisi, pero kasi, gusto ko rin minsang maging makasarili.
Gusto ko rin siyang minsang masolo. Kahit minsan lang naman. Nagpapakabait ako, hindi ako gumagawa ng ikagagalit niya, at inaalagaan ko ang mga anak niya katulad ng bilin niya. Ito lang sana ang reward na gusto ko. Kasi miss na miss ko na siya. Sobrang miss na miss ko na siya.
Nanginginig pa ang boses ko habang nagsasalita. "Kumusta ka na nga? Baka puro trabaho ka? Kumakain ka ba sa oras diyan sa barko? Hindi ka ba nahihilo? Sobrang hirap ba ng trabaho? Nakakapagpahinga ka naman ba? Saka, wala ka naman bang nakakaalitan sa mga katrabaho mo?"
[ Okay lang ako. Kayo riyan ni Bobbie, okay lang ba kayo? Kumakain ba kayo sa oras? Wala bang problema? Komportable ba kayo riyan? Binilinan ko sina Nanay na wag kayong pababayaan diyan. Sabihin mo lang sa kanya pag meron kayong kailangan. ]
"Iba iyong kailangan ko!" Napataas na ang boses ko.
Saglit siyang natigilan. [ Oh, okay. Magkano ba? Nasa 'yo na ba iyong passbook ko? Magpasama ka kay Nanay o kay Ate Judz sa mall, may bibilhin ka kamo. Ikaw na bahala, bilhin mo iyong gusto mo. Gamitin niyo iyong Mazda, 'wag iyong owner ni Tatay, para naka-aircon ka sa loob at hindi ka maalikabukan— ]
"Wala sa mall ang gusto ko!"
I wanted to cry again because I was frustrated. Everything I needed was already here, and I didnt need to buy anything more. Iba ang gusto ko. Hindi materyal o pera!
[ Huh? Ino-order ba sa online? Okay, um-order ka na lang. May credit card ka ba? Doon mo na lang sa passbook kunin iyong pangbayad sa bill. Order-in mo iyong gusto mo– ]
"Wala rin sa online..." sabi ko sa mahina at maliit ng boses.
Doon na siya matagal bago nakapagsalita. [ Huh? Wala rin?... ]
"Oo, wala..."
Narinig ko ang paglunok ni Asher sa kabilang linya. And I guess, may ideya na siya.
"Asher, galit ka pa ba?"
[ ... ]
"Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit ka pa, kasi hindi naman basta-basta iyong nalaman mo, at alam ko ring hindi mo iyon basta-basta makakalimutan lalo ngayon na malayo ka. I'm sorry. I sincerely am. But, just for tonight, can you forget about your hatred for me?"
[ ... ]
"Because I miss you..." Napahikbi na ako. "Asher, I miss you so much..."
[ You mean that? ]
Kahit hindi niya nakikita ay ngumiti ako kasabay ng pagpatak ng aking luha. "Sobra."
Paos na ang boses niya nang muling magsalita. [ So how can I help you with that? ]
Nakagat ko ang aking ibabang labi bago mahinang sumagot. "Walang tao sa kuwarto sa rooftop..."
Matagal si Asher bago nakasagot, at nang sumagot siya ay ganoon na lang ang pagkalat ng init sa loob ng aking dibdib.
[ Okay, Lai. Go there. And once you're there, open your cam and I'll open mine. ]
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz