ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 62

JFstories

DITO NA RIN AKO SA 'YO TITIRA.

Kalmado na tumingin si Rio sa suot na wristwatch. "It's my daughter's birthday. Ilang oras na lang matatapos na. But, it's okay. We can celebrate her birthday tomorrow. Parang noong nasa abroad ako, di ba late din doon ang oras ko."

Si Asher na kahit karga ang natutulog na si Bobbie ay hindi na nakapagtimpi. "Who the hell is your daughter here?!"

Kalmado pa rin si Rio nang tingnan siya. "Who the hell else? Alangan naman si Lai? O gusto mo, ikaw?"

"Tumigil kayo. Naririnig kayo ng mga kapitbahay." Pumagitna na ako hindi lang dahil baka makaeskandalo kami rito, kundi dahil naririndi na ako sa kanila. Pagod ako at gusto ko nang magpahinga.

Binuksan ko ang gate. Nauna akong pumasok sa loob pero ramdam ko ang tensyon sa akin likuran. Sa loob ng bahay ay inilapag ko ang ilang gamit at paper bag na dala-dala. Sandali lang ay nasa loob na rin ang dalawang lalaki. Si Rio ay bitbit ang maleta niya na naupo sa sofa.

"I can sleep here on the couch."

Tamad ko siyang tiningnan. "Okay lang sa inyong dalawa na magkapatong kayo?"

Umabante si Asher. "I can sleep in the room. Sanay naman na si Bobbie na katabi ako. Pag nagna-nap siya ay magkatabi kami sa hapon."

Bago pa may masabi si Rio ay tinakpan ko na agad ng kamay ko ang bibig niya. Sinenyasan ko naman si Asher na dalhin muna ang karga na si Bobbie sa kuwarto, dahil baka sa ingay nila ay magising pa ito.

Habang nasa itaas si Asher ay hinarap ko si Rio. Para namang maamong tupa ang lalaki na nakatingala sa akin. Hinuli niya pa ang kamay ko at hinalikan ang mga daliri ko. "Lai, can't you see? I am also here to protect you. Nag-aalala ako na may ibang lalaki rito na kasama kayo ni Bobbie!"

"Do you think I can't protect myself and Bobbie?"

Napalis ang ngiti ni Rio. "No! H-hindi sa ganoon! Hindi kita kinukuwestiyon! Ang akin lang, nag-aalala ako dahil mamaya kung ano pa ang gawin niya sa inyo!"

Idinikit niya ang makinis na pisngi sa palad ko habang namumungay sa akin ang kanyang mga mata. "You still like me more than you like him, right? His era is over, and I am now more useful than him."

Hinila niya ang kamay ko sanhi upang mapalapit ako sa kanya. Niyakap niya ako sa bewang saka isinubsob ang mukha sa aking tiyan. Lumayo naman ako at iyon na rin ang pagbaba ni Asher mula sa hagdan.

"Okay, para walang gulo, ayusin niyo bukas iyong kabilang kuwarto. Doon kayo." May kurtina doon, puwede nilang gawing harang para talagang hindi sila magkita. Isipin na lang nilang nasa magkaibang planeta silang dalawa.

Sakto na pagbaba ni Asher nang marinig niya ang sinabi ko. Naihatid niya na sa itaas si Bobbie. "What? Iisang kuwarto lang kami?!"

"Oo, unless may isang gusto rito sa sofa."

Itinuro niya si Rio. "Bakit hindi na lang siya, at ako ang sa kuwarto!"

Hindi naman nagpapatalo ang isa. Mabangis na naman. "Why should I do that? How about you, huh? Don't you have a house? Why are you here? Nakikisiksik ka pa rito! Why not go home at bumalik ka na lang sa isang taon?!"

"Malayo ang sa amin."

"You live in Buenavista. One tricycle ride from here. Saan doon malayo?"

Napa-tsk si Asher. "Bakit mo alam? Ini-stalk mo ba ako?!"

Lumikot naman ang mga mata ni Rio. "I just guessed that you live there, and it just so happened that my guess was right."

"Yeah, I live there. Ako ang pinakaguwapo sa Buenavista."

"Yeah, be grateful kasi hindi ako roon nakatira."

Naririndi na ako at masyadong pagod para intindihin pa sila. "Bukas na tayo magharap-harap," singit ko sa kanila. "Kung gusto niyong mag-stay, okay. Pero hindi libre. At ang pinakaayaw ko sa lahat iyong maingay!"

Pumanhik ako sa itaas para kumuha ng extra na kumot at unan. Ibinato ko iyon sa kanila. Dito muna sila sa ibaba habang di pa nila naaayos ang kuwarto sa itaas. Bahala na silang gumawa ng paraan kung ano ang siste nila ngayong gabi. Basta, ang importante sa akin ngayon ay makapagpahinga muna ako dahil pagod ako.

Bumalik na ako sa itaas at tinabihan ang natutulog na si Bobbie. Wala naman na akong ingay pa na narinig sa ibaba. Antok na talaga ako kaya nanalig na lang ako na wala naman siguro akong maaabutang madugong senaryo kinabukasan.

MULAT NA AKO 6:30 am pa lang. Sanay na ako magising nang maaga, o baka dahil medyo kabado ako na naging crime scene na pala sa magdamag ang bahay ko.

Wala namang amoy dugo pagbukas ko ng pinto. Ang naaamoy ko ay ginigisang bawang. Mukhang may nagluluto. Nakakarinig din ako ng tugtog. Pagbaba ko ay una kong nakita ang cell phone na nasa counter top. Cell phone ni Asher.

Everybody gets high sometimes, you know
What else can we do when we're feeling low?
So, take a deep breath and let it go
You shouldn't be drowning on your own

Napanganga ako sa linis ng paligid. Ang mga throw pillow sa sofa ay pantay na pantay na nakasalansang, ang center table ay walang kahit anong nakapatong at nangingintab sa kinis, katulad ng tiles na sahig. Pagdako ng paningin ko sa dining table ay nakahanda na roon ang mga plato, utensils, at may pa-flowers pa sa vase!

Hinanap agad ng mga mata ang dalawang boarders ko. Sa kanugnog na kusina ko natagpuan ang mga ito. Si Asher ay hinahalo ang mabangong sinangag sa kawali gamit ang siyanse, habang si Rio ay gumagawa ng cucumber juice! Parehong bagong ligo, parehong umiindak sa tugtog, habang parehong nakasuot ng kitchen apron!

Hindi nila ako napansin dahil sa lakas ng tugtog. Habang kumilos ay sumasabay sila sa beat. Si Asher ay pinapaikot pa ang siyanse sa mahahaba niyang daliri at si Rio naman tinatapik-tapik pa ng panghalong kutsara ang babasaging pitsel.

Si Asher na ngayon ay hinahango na ang sinangag ay sinasabayan ang kanta ng kanyang malamyos at malamig na boses. "And if you feel you're sinking, I will jump right over into cold, cold water for you."

Si Rio na ngayon ay pinipigaan na ng lemon ang cucumber juice sa babasagin kong pitsel. "And although time may take us into different places, I will still be patient with you."

At may pagkakataon pa na duet silang dalawa. "And I hope you know I won't let go. I'll be your lifeline tonight. I won't let go. I'll be your lifeline tonight..."


Hindi ko alam na imbes crime scene ay free concert pala ang aking madadatnan!

Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila. Saka lang nila ako nakita. Sabay na ngumiti na akala mo ay ang gaganda ng gising. Seryoso? Anong nangyari sa kanila kagabi?!

"Good morning, Lai." Dala na ni Asher sa isang kamay ang bandehado na may sinangag at sa kabila ay bandehado na may sunnyside up egg, ham, at bacon.

Si Rio naman ay pitsel na may cucumber and lemon juice at sa kabilang kamay ay bandehado na may pancake. "Good morning, honey."

Hindi nakaligtas sa akin ang pag-igting ng panga ni Asher, pero nanatili siyang nakangiti. Matapos mailapag ang mga pagkain ay ipinaghila niya ako ng upuan. "Did you sleep well?" malambing niya sa aking tanong. "Pagod na pagod ka kahapon."

"Honey, tulog pa ba si Bobbie?"

"Can you see Bobbie here?" tanong din naman ni Asher kay Rio. "'You think Lai will leave our child sa kuwarto kung gising na ito?"

"Your child?" balik ni Rio sa kanya. "Kailan kayo nagkaanak ni Lai? Wala akong nababalitaan kahit kami noon ang magkasama dahil missing in action ka!"

"Kakain na ako!" sabi ko. "Unless gusto niyong mawalan ako ng gana kung itutuloy niyo pa iyang pagtatalo niyo!" Saglit lang pala iyong truce na naabutan ko kanina.

"He started it!" Itinuro ni Rio si Asher.

"Because you're stupid."


"What?! Alam mo bang wala pang nakakapagsabi niyan sa akin?!"

"Puwes ngayon, meron na. Magpasalamat ka sa akin."

Napahampas na ako sa mesa. "Ano ba? Gusto niyo ba akong kumain o hindi?!"

Bumuga ng hangin si Rio, at saka naupo na sa tabi ko. Masama pa rin ang loob pero nagsimula nang ipagsandok ako ng sinangag sa plato. Si Asher naman ay matalim pa rin ang mga mata kay Rio na naupo na rin sa kabilang tabi ko. Siya naman ang naglagay ng ulam sa plato ko at nagsalin sa akin ng juice sa baso.

Kumain na rin sila at mga mukhang gutom na gutom. Kanina pa yata sila gising para maglinis at magluto. Pagdako kasi ng mga mata ko sa screen door sa may kusina ay natanaw ko na nakasampay na sa labas ang mga damit ni Bobbie.

"Sinong naglaba ng mga damit ni Bobbie?" tanong ko sa kanila.

"Me!" mabilis na sagot ni Rio. "I used your washing machine. Ilang piraso lang naman kaya okay lang—"

Tumikhim si Asher sa kabiling gilid ko. "I helped him because he didn't know how to operate the machine. At ako ang nagsampay."

Nagtagis ang mga ngipin ni Rio, pero ngumiti pa rin. "Lai, nadiligan ko na pala iyong mga tanim mo sa labas. Hindi kasi maganda di ba kapag naabutan pa ng init bago diligan. Don't worry, your plants are safe with me because I have green hands."

"Pasikat ang putangina," narinig ko na lang na bulong ni Asher.

"And Lai, do you like the juice I made for you? I've researched about it and found out it's good for body detoxification. Carrot juice is also good, I'll make one for you too later at snack. Tapos, ako rin ang magsasamsam ng mga sinampay mamaya at magtutupi para wala ka nang—"

Itinaas ko ang aking isang kamay sa ere.

Matamis na ngumiti lang na naman sa akin si Rio. "Oh, you're so happy that you wanna thank me? Don't mention it. You know, you can order me to do anything."

"Really? Okay, please shut up."

Ginawa naman ni Rio. Hindi na siya nagsalita. Pero good for ilang minuto lang.

Gising na si Bobbie. Hindi ko na muna ito pinapasok sa playschool dahil may sinat. Mukhang napagod talaga kahapon, tapos hindi pa masyadong nakakain dahil sa excitement sa party nito, at noong hapon ay nakailang ice cream pa.

Alalang-alala naman ang dalawang lalaki. Si Asher ay hawak ang munting kamay ng bata sa kaliwa, habang si Rio ay hawak sa kabila.

"Why are you sick, my baby?" Si Rio. "You know Papa is sad whenever you are sick."

Si Asher naman ay halos yumukod na sa harapan ng bata. "Bobbie, are you hurt anywhere? Do you want me to take you to the hospital?" Nilingon niya ako. "Lai, hindi na tayo dapat nagsasayang ng panahon, dalhin na natin si Bobbie sa ospital!"

"I agree! We should bring her to the hospital now!"

Tamad na tiningnan ko lang sila. Para silang mga hilong talong sa pagpa-panic, samantalang iyong batang inaalala nila ay chill lang.

Nag-slice ako ng orange at pinainitan. Iyong katas niyon ay nilagyan ko ng honey saka pinainom kay Bobbie. Maya't maya ko rin pinagtutubig ang bata, para kung may nasagap man itong kahit anong virus kahapon ay mailabas din nito agad.

Pinagigitnaan ito ng dalawa nitong 'papa' sa sofa. Malakas naman ang resistensiya nito kaya bandang hapon ay umayos na rin agad ang pakiramdam. Naka-observe pa rin naman. Hinayaan ko na muna na manood ng TV sandali. Naghanap lang ako ng calm and non-stimulating kiddie show at iyon ang ipinanood dito.

Iyong dalawang 'papa' naman ay inutusan ko na lang na ayusin ang magiging kuwarto nila sa itaas pansamantala, kaysa abalahin pa ang naka-siesta na bata. Ayun, busy sila ngayon sa ginagawa. Minsan ay may naririnig akong kalabog mula sa itaas pero mas okay na iyon kaysa wala akong marinig.

Dinala ko naman muna ang basura sa labas ng gate nang matanaw ang dalawang palapit na babae. Hindi na mainit kaya hindi na nakapayong ang mga ito. Oo, sila na naman. Ang mag-inang Lydia a Laura Punzalan. Ano na naman ang ginagawa rito ng mga ito?

Ang bilis sa akin na nakalapit. Bago ko maisara ulit ang gate ay naiharang na nito ang kamay. "Anak, pasensiya ka na dahil naririto na naman kami ng Ate Laura mo. Kagabi ka pa namin pinag-uusapan. Hindi talaga kami mapakali na nag-iisa ka rito."

Sumingit si Laura. "Lai, walang-wala na kasi talaga kaming malapitan ni Nanay. Ang gulo ngayon sa atin sa Bacao. Napakahirap dahil ang dami namin doon. Tapos ito pang si Ate Lenlen mo, alam naman na buntis ako, pero nakikipag-agawan pa sa akin sa kuwarto ni Linda."

Doon nangunot ang noo ko. "Bakit pinag-aagawan niyo ang kuwarto ni Ate Linda? Saan naman siya matutulog kung kukunin niyo ang kuwarto niya?"

Nagkatinginan ang dalawa.

Si Lydia ang sumagot sa tanong ko. "Laila, hindi mo pa ba alam? Matagal nang hindi nakatira sa atin ang Ate Linda mo!"

Totoong nagulat ako. "Ano? Kailan pa?" Walang nabanggit si Ate Linda sa akin noong nagkita kami.

"Matagal na, Lai." Sumimangot si Laura. "Magtatatlong taon na mula nang nag-alsa balutan iyang si Linda. Nagbo-board daw siya malapit sa trabaho niya. Hindi nagpapigil, basta na lang desisyon ang bruha. Mapagmalaki porke't siya ang kumikita ng pera."


"Anak, nagsusuporta pa rin naman sa amin ang Ate Linda mo sa amin. Iyon nga lang ay hindi namin alam kung saan siya nagbo-board. Umuuwi rin siya minsan. Okay na lang naman na. Ang mahalaga naman ay hindi siya nakakalimot sa obligasyon niya sa ating pamilya."

Si Ate Laura ay hinuli ang mga kamay ko. "'Wag na nating pag-usapan pa iyang mayabang na Linda na iyan. May maganda akong balita sa 'yo kaya ako sumama kay Nanay rito."

Magandang balita? Parang ayaw kong maniwala.

"Lai, may balak akong mag-abroad," nakangiting sagot ni Laura sa tanong sa isip ko. "May alam na akong a-apply-an pagkapanganak ko. Pero kailangan ko ang tulong mo. Alalay lang naman ang kailangan ko."

"Anong alalay? Pilay ka ba?!"

Napausod na lang ako sa pagkabigla nang itulak nila ang gate para lalo iyong bumukas. Tuloy-tuloy silang mag-ina sa pinto.

"Ah, basta. Bahala kayong mag-usap magkapatid, pero ako ay dito na muna talaga para may kasama ka rito, Laila. Hindi puwede iyang nag-iisa ka sa buhay. Ni hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa 'yo rito, kung kumakain ka ba nang maayos, o—"

Nahinto si Lydia sa pagsasalita, at maging si Laura ay natigilan nang makapasok sila sa sala. Paano, may isang batang babae lang naman na nakaupo sa sofa habang nagtatakang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Sino ang batang iyan?!" gulat na bulalas ni Laura.

"Bata ba iyan? Di ba manika lang?" Si Lydia naman na namimilog ang mga mata kay Bobbie.

Nagtaas ng kamay ang bata sa kanila. "Hewow!"

Nilingon ako ni Lydia. "Laila, bakit may bata rito? Kaninong anak iyan? Anak ba ng isa sa mga kapitbahay mo?"

Natawa naman si Laura. "Naku, Lai! 'Wag kang mag-alala, pag nakapanganak ako, hindi mo na kailangang manghiram ng bata sa kapitbahay mo. Kung gusto mo, pag nag-abroad ako ay sa 'yo ko iiwan ang anak ko, para  may instant baby ka na rito—"

"Hindi siya anak ng kapitbahay," sabi ko na hindi na sila pinatapos at hinintay pa na makapagsalita pa. Nilapitan ko si Bobbie. "Dahil... ang batang ito ay anak ko."

Sabay na napatigagal sa akin ang mag-ina.


Kumiling naman ang maliit na mukha ni Bobbie. "Who are they, Mamaaa?"

"A-anak mo?!" gulat na ulit ni Lydia. "Paano kang nagkaanak?!"

Tiningnan ko lang ito, at sapat na ang bagot kong ekspresyon para iparating ang aking sagot.

Napahilamos naman ng palad sa sariling mukha si Laura. "May anak ka? Sa buong pagkakataon ay may anak ka na pala na hindi mo man lang sa amin sinasabi? At sigurado ka bang anak mo talaga iyan, o gusto mo lang na naman kaming itaboy ni Nanay?!"

Iyong huling tanong nito ay nasagot din ng mga nakakalat na gamit na pangbata sa center table. Nandoon din ang pinag-inuman ni Bobbie ng fresh juice kanina.

Nanginginig ang boses ni Lydia nang muling magsalita. "Laila, bakit hindi ka man lang nagsabi na nabuntis ka? Bakit hindi man lang namin alam?! At nasaan ang batang iyan tuwing pumupunta ako rito?!"

Sunod-sunod ang tanong nito. At may pahabol pa.

"Sino ang ama niyan?!"

Ang tanong na iyon na wala akong kabalak-balak sagutin ay may sumagot para sa akin. Hindi nga lang iisa, kundi dalawa, at sabay pa: "AKO."

Mula sa hagdan ay magkasamay na bumaba ang dalawang matangkad na lalaki na kapwa salubong ang mga makakapal na kilay at madilim ang mga ekspresyon ng mukha.

Ang gulat sa mukha ng mag-inang Lydia at Laura ay hindi lang yata basta nadoble, kundi naglimang patong pa. Nganga sila habang palipat-lipat ang namimilog na mga mata sa dalawang lalaki na ngayon ay nasa harapan nila.

"Ako ang papa ni Bobbie," sabay ulit na sabi ng dalawang lalaki. Nagkatitigan pa sila habang kapwa matatalim ang mga mata.

"Asher?" bulalas ni Ate Laura. "May anak kayo ni Lai?!"

"It's Lai's kid with me," sabat ni Rio na parang mapipikon na.

"Ikaw?" Dinuro naman ni Lydia ang lalaking may dalang sinamsam na mga damit. Namumukhaan niya yata. Nagkita na sila sa Bacao nang sundan ako noon ni Rio roon.

Okay, kakapayapa lang ng pamamahay ko, pero mukhang magkaka-riot na naman. Itinaas ko ang aking kamay at itinaboy na ang mag-inang Punzalan. "Kayo, umalis na kayo."

Si Rio ay maangas na tiningnan sina Lydia at Laura. "Didn't you hear Lai? O nabingi na kayo sa gutom? Ang sabi niya, umalis na kayo at wag na kayong babalik, dahil hindi kayo welcome dito!"

"At sino ka para paalisin kami?!" pulado ang mukha na sigaw ni Lydia sa lalaki. "Napakabastos mong lalaki ka! Hindi kita gusto para sa anak ko!"

Malas lang nito dahil mapagpatol si Rio. Nakasigaw rin ito. "It's a tie. Hindi rin kita gusto para kay Lai!"

Si Laura ay bumaling kay Asher. Nasa mga mata ang pag-aasam na matutulungan sila. "Asher, binabastos kami ng lalaking iyan!"

Iyong inaasahan nga lang nila ay hindi nila nakamtan. Dahil blangko ang mga mata ni Asher na ngayon ay nakatingin sa kanila.

Dinampot ko na si Bobbie na nasa sofa. Hinarap ko si Asher at Rio. "Sa taas muna kami. Kayo na muna ang bahala rito. Wag kayong magpapapasok ng kung sino-sino."

"All right, Lai," nakangiting sabi naman ni Rio. Mula sa pagiging madilim ng ekspresyon ay parang magic na biglang naging malambot at malambing. "Tatawagin ka na lang namin sa dinner time."

Si Asher naman ay patag ang boses nang kausapin ang nakatangang mag-inang Punzalan sa pinto. "Umuwi na ho kayo."

Hindi naman na ako kahit lumingon pa sa mga ito. Bitbit ko si Bobbie na umakyat na kami sa itaas. Bumaba nga lang kami noong dinner na. Sila na lang ang tao sa ibaba. Katulad noong umaga at tanghalian ay pareho silang abala sa kusina.

Pagkakain ay nilinisan ko na si Bobbie. Dahil may work ako ay hindi na rin kami nagtagal sa ibaba. Maagang natulog si Bobbie habang ako ay tinapos ang ilang pages na file ko. Around 2:00 a.m. na ako nakatapos.

GUSTO KONG UMINOM muna ng tubig bago mahiga. Hindi rin ako inaantok kaya naisipan ko na bumaba sa kusina. Lumabas ako ng kuwarto. Napakatahimik ng paligid. Mukhang tulog na tulog na ang dalawa kong boarders sa kabilang kuwarto. Sa tingin ko ay magiging okay naman ang tulog nila. Hinati nila ang kuwarto sa dalawa gamit ang mga kurtina at maleta.

Madilim sa hagdan, pero hindi na ako nagbukas pa ng ilaw. Bumaba ako nang masanay na ang mga mata sa dilim. Hindi rin naman ganoon kadilim dahil may kakaunting liwanag galing sa lamppost sa labas, dahil nakahawi ang kurtina ng bintana sa sala.

Sa kusina ay muntik akong mapasigaw nang makitang bukas ang pinto sa may kusina. May anino ng matangkad na lalaki roon!

"Ano ba?! Bakit hindi ka man lang nagbukas ng ilaw?!" mahinang gigil kong sita nang makilala si Asher.

Kalmado na pumasok siya sa loob at huminto sa harapan ko. T-shirt at boxer shorts ang suot niya. Hindi nakatali ang buhok at tila basa pa. Mukhang galing siya sa pagligo. Nalalanghap ko rin sa kanya ang mabangong sabot na gamit niya.

Para akong biglang natuyuan ng laway. "B-bakit gising ka pa? Nasaan si Rio?!"

"Tsk." Maaligasgas ang mahinang boses niya na naghatid ng init sa aking gulugod. "I am the one who's with you right now, so you should focus on me."

Napalunok ako dahil nakayuko na siya sa akin habang ako ay nakatingala sa kanya. Ang pagitan namin ay gahibla na lang.

"Stop seducing me with that face," mahina pero mariing sita ko sa kanya. Tubig ang ipinunta ko rito, at hindi siya.

Lalo lang naman namungay sa akin ang mga mata niya, at ang boses niya ay mas nanghahalina. "Why? Is it because you might fall for it?"


Tinaliman ko ang mga mata sa dilim. "No. Because I might do something bad to you."

He chuckled, which sounded quite sexy. "You just made me hard."

"Pervert."

"Thanks."

Lalong nanalim ang mga mata ko. "Ano pang hinihintay mo? Bilisan mo habang tayo lang dito."

"Very well. I've been holding back for a while," he said, his lips already against mine.

Ang pagitan sa mga labi namin ay ako na ang tumawid. Pero hindi rin nagtagal dahil dumausdos ang maiinit niyang mga labi pababa sa leeg ko. Napakapit na lang ako sa counter sa aking likuran nang magtuloy-tuloy pa siya pababa. Ang shorts ko at underwear ay nasa tuhod ko na. Ang init ng mga labi niya at basang dila ay ngayo'y nagsisindi ng mas matinding init sa buo kong pagkatao.

"Lai, only I should be able to taste this part of you..." he said between licking and kissing me between my thighs. "Only I..."

Habang ang bibig ni Asher ay nasa sentro ng pagkababae ko, ay mga mata niya naman ay malalamig at tila may babala na gustong iparating, na hindi ko naman napapansin, dahil masyado akong nababaliw sa pakiramdam ng ginagawa niya sa akin.

Sa buong sandali ay nakatingala lang naman ako habang kagat-kagat ang aking ibabang labi. Matapos kong maabot ang dapat maabot ay dinaklot ko ang kanyang buhok upang patingalain siya. Nang yukuin ko siya ay namumungay na ang mga mata niya at basa ang kanyang mapupulang labi sa dilim.

"Let's do it fast," humihingal na sabi ko dahil tumatakbo ang oras.

Mula sa pagkakaluhod sa sahig ay tumayo siya. Sa isang kilos lang ay napatalikod niya na ako at napatuwad sa counter top. Hinawi niya ang aking buhok upang halikan ako sa batok. Itinaas niya rin ang shirt ko upang hagurin ng halik ang aking hubad na likod.

"F-faster..." Nagsisimula na akong manginig dahil gusto ko na. Ilang araw na akong hindi nagpapadede kay Bobbie. Madalang na rin mula nang magsimulang pumasok ang bata. And I was no longer taking contraceptives. "Faster, Asher..." padaing na utos ko. "Faster and finish inside me."

Hindi niya naman ako binigo. Muli akong napakapit sa counter nang maramdaman ang pag-iisa ng aming mga katawan. Para siyang kinakapos ng paghinga sa aking likuran. Sliding his manhood into me gradually before dragging it out.

The friction between our bodies became intense as minutes passed. He pulled out again only to put it back again. And this time, it was deeper that I arched my back and almost screamed his name.

Kasabay ng pagtilaok ng manok ng kapitbahay ang pag-alpas ng mga paos na ungol namin nang maabot ang sukdulan. Mahigpit na niyakap ako ni Asher mula sa likuran. "Lai, I am really happy that you came back. I really miss you."

Humihingal ako na lumayo sa kanya na dahilan para maghiwalay rin ang aming mga katawan. Umagos sa aking mga hita ang inipon niya sa loob ko.

"Lai..." Akma niya akong hahawakan nang iiwas ko ang aking kamay. "I still can wait for you no matter how long. But can you hear me out now?"

Hindi na ako nag-abala na maghanap ng pampunas. Nabanlawan na ang kati at humupa na ang init. Itinaas ko ang aking short at panloob, saka siya malamig na tiningala dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan. "Can't you still get it? It doesn't matter to me what went wrong, or who was at fault back then..."

Kahit madilim ay ramdam ko ang biglang pamumutla niya. "Lai..."

His eyes were pleading with me, but I still dropped the bomb. "I don't care who is wrong or right, because unfortunately...

I don't love you anymore, Asher James Prudente."

JFstories
#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz