ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 55

JFstories

"SHIT!"

Naibalot sa akin ni Asher ang kinahihigaan kong mattress, habang siya ay kandarapa sa paghahagilap ng nahubad na shirt niya. Ang gatas sa gilid ng kanyang bibig ay dinilaan niya.

Si Bobbie naman ay lalong napasimangot. Namewang ang mga braso nito habang nakatingin sa kanya. "That'sh bad word!"

"Sorry, sorry!" Halos magkatali-talisod naman si Asher sa pagtayo para hagilapit namang sunod ang underwear ko. Muli siya napamura dahil nasa may gawing pinto ang hinahanap niya, "Shit!"

Hindi na rin ako magkandaugaga sa itsura ko na mistulang siomai na basta binalot ng kumot. Bakit nga ba kasi napunta roon ang panty ko? Sa sobrang excitement niya yata kanina ay napalakas ang kanyang pagbato.

Mula sa labas ay nakarinig kami ng papaakyat na yabag. "Laila, nandiyan ka ba—Shit!" Napabulalas ang tiyahin ko sa nadatnang tagpo.

Tiningala naman ito ni Bobbie. "Mommy Judy, that'sh bad word!"

"Ooops, sorry!" Napangiwi naman si Tita Judy nang maalala na may bata. Pero napamura din ulit ito nang mapatingin muli sa amin. "Shit!"

Sino ba ang hindi mapapamura? Ako rito ay parang sinabunutan ang buhok habang nasa sahig at nakabalot ng kumot, si Asher naman ay topless na nakatayo, at pati iyong sa may sweatpants niya ay meron ding nakatayo, at pagkatapos ay nakakalat sa sahig ang shirt niya at underwear ko!

Ang matinis na munting boses ni Bobbie ang ulit na narinig. "Mamaaa, who'sh that man? He's drinking my milkkk!"

Namimilog pa rin ang mga mata ni Asher sa bata, nang matauhan si Tita Judy. Dinampot nito ang panty ko na malapit dito sa akin ibinato. "Kayong dalawa, ayusin niyo ang mga sarili niyo!" Pagkuwan ay seryoso ang mukha na binuhat na nito si Bobbie at isinara ang pinto.

Nang maisara na ulit ang pinto ay namayani sa amin ni Asher ang katahimikan. Damang-dama ang hindi maikakailang tensyon sa kapaligiran.

Nakatayo siya sa harapan ko, tanging ang sweatpants lang ang suot at wala pa ring pang-itaas. Makailang ulit niyang nahagod ang kanyang buhok gamit ang mahahabang daliri.

"It's our kid, right?"

Hindi ako kumibo. Para akong walang narinig na inabot ang underwear ko. Isinuot ko iyon sa loob ng kumot, saka ko isinunod ang aking shorts.

Nag-squat si Asher sa harapan ko upang magpantay kami. "Right, Lai?"

Nag-iwas ako ng paningin, pero hinawakan niya ang aking baba upang pagtagpuin ang mga mata namin.

"Anak ko lang," sabi ko nang may diin.

"Talaga ba?"

"She's my child. I gave birth to her!"

"May sinabi ba ako na kapitbahay ang nanganak sa kanya?"

"Akin lang siya!"

"Ikaw lang ang gumawa?" May sarkasmo na sa boses niya. "Mag-isa ka lang?"

Ang guwapong mukha niya na kanina ay kababakasan ng gulat ay ngayo'y ang makikita na ang pagkapikon. Pero wala akong pakialam!

Tinabig ko ang kamay niya sa aking baba. "Wala ka nang ipinagbubuntis ko siya!"

Tumayo na siya ulit. "Because I had no idea." Napahilamos siya sa malalaki niyang palad. "We didn't plan her. And you assured me that it was safe. Naniwala ako sa 'yo kaya kampante ako na walang mabubuo!"

Nakatingala ako kay Asher. Nagtatagis ang mga ngipin niya habang ang mga mata ay kasisinagan ng galit. He was mad but was trying to remain calm.

"But damn, meron pala." His hoarse voice started to tremble. "Lai, why didn't you tell me?!"

Ang paghinga niya ay mas malalim na habang pulang-pula na ang kanyang mukha. Parang sasabog na pero nagpipigil nang malala.

"I never changed my phone number or my social media accounts. Isang message mo lang, Lai. Isa lang. Kahit isa lang! Tangina naman, bakit wala kahit nga tuldok lang?!"

Tumayo na ako mula sa sahig. "May mababago ba kung sinabi ko sa 'yo?"

Siya naman ang hindi kumibo. Wala siyang kibo na nakatingin lang sa mga mata ko.

Tumaas ang gilid ng mga labi ko at tinalikuran na siya para lumabas sa pinto. Pero kakatalikod ko pa lang nang marinig siyang magsalita. "I didn't abandon you."

Huminto ang kamay ko sa doorknob ng pinto.

"Oo, duwag ako sa parteng hindi ko nagawang sabihin sa 'yo nang harapan, pero alam mo na hindi kita basta iniwan."

Kumunot ang noo ko nang lingunin siya.

"Sobrang sama ko ba?" basag ang boses na tanong niya. "Do you hate me that much?"

Hindi na siya sa akin nakatingin. Nakayuko siya habang hinihilot ng kanyang mahahabang daliri ang noo. Nang masilip ko nag bahagya ang mukha niya ay nakitaan ko ng pamamasa ang kanyang mga pilik-mata.

"I had my suspicion, yet I chose to still wait for you. I made a fool of myself because I wanted to trust you. I wanted to believe that you couldn't do this to me."

Dumaan ang ilang minuto.

Nang muli siyang magsalita ay naghahalong paos at basag na ang boses niya, "Bumaba ka na, susunod ako."

Tumalikod na ako at tuluyan siyang iniwan sa kuwarto.

Pagbaba ko ay hinanap agad ng aking paningin si Bobbie. Natagpuan ko ang batang babae na tila manikang nakaupo sa sofa. Nang makita ako ay agad itong nanakbo papunta sa akin. "Mamaaa!"

Si Tita Judy naman ay nakasimangot na nakatayo habang nakahalukipkip. Masama ang tingin ko rito habang yakap si Bobbie.

Dinuro naman ako ng tiyahin ko. "Hoy, Laila, 'wag mo akong matingnan-tingnan nang ganyan, at baka dukutin ko iyang mga mata mo! Hindi ko kasalanan nahuli kayo. Malay ko ba na nandito iyang bayaw ko?! At malay ko bang may balak ka na namang magpalahi riyan!"

Problemadang-problemada ang itsura ni Tita Judy, pero mukha pa rin naman itong nasa twenties pa lang dahil nga maligaya ang buhay nito. Ako lang yata ang sakit ng ulo nito.

Nalagok nito ang isang baso ng tubig na nasa mesa. Nang harapin ulit ako ay gigil pa rin ito. "At saka, kung malilintikan ka, ay mas malilintikan nga ako dahil kinunsinte kita! Ano ngayon ang mukhang ihaharap ko sa asawa't biyenan ko?!"

Pati ang tubig sa pitsel ay natungga na rin ni Tita Judy. Hindi na nito naisalin sa baso, deretso na.

Nang makainom ay nagpahid ng bibig gamit ang likod ng palad, at gigil na hinarap na naman ako. "You know you can't avoid it, Laila. Sinakyan lang kita dahil ayaw kong pangunahan ka. At dahil kilala kita. Kung lukaret ako, mas matindi pagka-luka-luka mo. Baka maisipan mo na namang magtago sa kung saang lupalop ng mundo!"

Wala pa rin akong imik. Ang paningin ko ay nasa labas na ng bintana sa sala. Madilim na. Gabi na. Napaaga lang ng dating sina Tita Judy sa oras ng pagsasauli dapat sa akin kay Bobbie.

"Tama na muna, Laila. Utang na loob, ha? Itigil mo na muna iyang paniniwala sa ere mo. Alam ko namang matalino ka, pero kahit gaano ka pa katalino, hindi pa rin lahat ay malulusutan mo!"

Nang marinig na ni Tita Judy ang pagbaba ni Asher sa hagdan ay napaungol ang aking tiyahin. Nagmamadali na nitong hinagkan si Bobbie sa noo saka tinungo ang pinto. Halatang takot makompronta o kahit maka-eye-to-eye man lang ang bayaw nito.

Sakto na paglabas ni Tita Judy sa pinto ay nakababa na si Asher. Naka-t-shirt na siya. Nakatali na rin ang abot na hanggang batok na may kahabaan niyang buhok. Namumula ang dulo ng matangos niyang ilong nang tumingin sa akin.

Ah, no. Hindi siya sa akin nakatingin. He was looking at my daughter, Bobbie. Humigpit tuloy ang pagkakayakap ko sa bata.

"Kumain na ba iyan?" tanong niya na ang tinutukoy ay si Bobbie.

Hindi ako sumagot. Yakap ko pa rin ang anak ko, habang nakayakap din na parang unggoy sa akin ang batang babae.

Walang pasabi na pumunta si Asher sa kusina ko, nagtingin sa cupboard, pagkatapos ay sa ref. Napabuga siya ng hangin mayamaya. Naglabas siya ng phone. "What fast food does she like? McDo, KFC, Jollibee?"

Aalma pa lang ako na bawal ang fast food kay Bobbie nang biglang mauna na sa akin ang bata na sumagot. "Jollibeeee!"

Nanlaki ang mga mata ko. "No, you don't eat food from—"

"Chicken and fwies!" matabil na sabi ni Bobbie, nakalimot nang isang stranger ang nagtatanong! Really, Bobbie?!

Pinandilatan ko ang bata, pero lumabi lang ito.

"Mama, I want chicken and fwies and ice cream! Pleaseee!" Pinagdikit pa nito ang munting mga kamay bilang pakikiusap. Sobrang cute ng baby ko, sandali ko tuloy nakalimutan na may estranghero nga pala sa paligid namin.

Hindi ko na sana maaalala kundi lang siya nahagip sa aking peripheral vision. Nakatayo siya habang nakataas ang isang kilay niya sa akin.

Matalim ang mga mata ko sa kanya nang harapin siya. "Hindi kami kumakain ng pagkain sa fast food. May pagkain diyan, iyon ang kakainin namin."

"E di iyon ang kainin mo, pero 'wag mong idamay ang bata. Gusto niya ng Jollibee, at wala akong nakikitang masama kung minsanan lang at hindi naman palagi."

What the hell?! Ngayon niya pa lang nakita ang anak ko, pero kung magdesisyon siya riyan ay akala mo kung sino siya?!

Kaswal na nagtingin siya phone niya habang ang kausap ay si Bobbie. "Chicken, spaghetti, fries, and ice cream. May iba ka pa bang gusto?"

Umiling si Bobbie na sanhi ng pagtalbog ng mabibilog at mamula-mulang pisngi nito.

"Is she allergic to anything, like chicken, potato, ketchup, or chocolate?" Nang hindi ako sumagot ay tinanggap niya na iyon bilang aking sagot. In-order niya na ang mga binanggit na pagkain kanina.

Thirty minutes ang paghihintay sa arrival ng delivery. Thirty minutes na yakap-yakap ko si Bobbie at ayaw kong ibaba. Nakayakap din naman sa akin ang bata, pero pasimple ang inosenteng mga mata sa pagsulyap sa lalaking nakatingin din dito.

This bastard! Why was he looking at my daughter?! Tumalikod ako pero napaharap naman sa kanya si Bobbie. Kapag ako naman ang humarap sa kanya ay makikita niya ang buong likod ng bata, ang cute na yellow dress nito, at ang cute na bun sa buhok. What if tumagilid na lang kami?

Pero bakit ganito? Kahit anong anggulo ay sinisilip pa rin siya ng anak ko?!

Nang dumating ang delivery ay saka lang ako nakahinga. Siya ang kumuha sa labas. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang magningningang mga mata ni Bobbie nang makita na bitbit niya ang mga paper bag na kilalagyan ng order. Tapos meron pang tatlong box ng Jolly kiddie meal!

Naghugas ng kamay si Asher sa lababo bago isa-isang inalis ang laman ng paper bag. "You can play with your toys once you finish eating." Ang chicken with spaghetti, fries, at ice cream ay maingat na ni-ready niya na sa mesa.

Sa drinks naman ay naglabas siya mula sa ref ng isang pitsel ng malamig na tubig, isinalin niya iyon sa baso na malapit sa mga pagkain. At iyong softdrinks na kasama sa order ay man ay itinago niya sa ref. Hindi raw iyon kasali.

Namimilog naman ang mga mata ni Bobbie nang magpababa sa akin. Sumampa ito paluhod sa upuan na kaharap ang mga pagkain. "Can I really it this pow?!"

May panglaw sa mga mata ni Asher nang sagutin ang bata. "Of course. Sa 'yo lahat iyan."

Nagsimula nang kumain nang magana si Bobbie. Salitan ang pagsubo ng munting bibig sa fries at pagngabngab nito sa hita ng manok. Nagdudungis na ito pero hindi ko magawang sawayin o pigilan man lang. May kung ano sa loob ng dibdib ko ang kumikirot sa mga oras na ito.

Si Asher naman ay nakatingin lang din sa bata. Na parang ayaw niya nang mag-alis dito ng mga mata. Pinagsasawa ang paningin dito, pero may mga sandaling napapatingala siya na tila may pinipigil kumawala sa kanyang mga mata. Ilang beses din umigting ang kanyang panga at nagtaas-baba ang lalamunan niya.

Sa kalagitnaan ay parang hindi na nakatiis si Asher. Lumabas siya saglit sa pinto sa may kusina. Narinig ko siya roong suminghot at umubo. Ang tagal niya roon na nakato lang.

Ako naman ay naiwan dito. Nakatingin ako sa anak ko. Bakit ang gana-gana kumain ni Bobbie knowing na hindi naman nito kilala kung sino ang bumili ng mga kinakain nito? Bakit ang kampante nito knowing na sa paligid ay may ibang tao? Bakit?

"Blood doesn't lie."

Napatingin ako kay Asher na nakapasok na pala ulit sa kusina. Si Bobbie ay nangalahati na ang chicken at rice, ngayon ay paminsan-minsang sumusubo na ng spaghetti habang nilalaro na ang mga kiddie meal, na hindi na nito natiis na di buksan sa box. Lumabas ang pagkabata nito, iyong hindi makapagpigil sa kuryosidad at excitement.

"She is just two, right? But she can already eat on her own. She can also converse and behave like a five-year-old kid." Mababa ang tono ni Asher, subalit makakapa roon ang paghanga at pagka-proud sa bata.

Totoo. Kumikilos si Bobbie na daig pa ang tunay na edad nito na magtatatlo. Malaking bulas pati, kaya kung hindi mo alam kung ilang taon talaga ito ay maiisip mo agad na nasa five years old na ito.

Isang maliit at mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Asher. "A child who looks like me and acts like you."

I couldn't stand it anymore. Pumunta ako sa sala at iniwan sila. Palakad-lakad ako habang nginangatngat ang mga kuko ko. Nagpa-panic ako kahit ayaw ko. Nagpa-panic ako dahil hindi ganito iyong kinalkula ko. Hindi iyon ganito.

Dapat kahit nakaalis na ulit siya ay hindi pa rin niya malalaman, dapat hindi niya pa muna malaman, at dapat ay kung sakaling kailangang-kailangan na lang. Kasi ganoon dapat, siya dapat iyong last resort kapag nagkaproblema. Pero hindi ko sinasabi na hindi ko kaya, kasi kaya ko naman. Kumbaga ay just in case lang. Kumbaga saka lang talaga kapag wala nang pagpipilian pa.

I was doing my best for my kid, I was doing everything for her, and we didn't lack anything. Naibibigay ko naman ang sapat. Hindi sobra dahil masama rin ang ganoon. Kumbaga kalkulado ko. Laging sakto.

Halos magdugo na ang aking hintuturo dahil napapadiin na pala ang kagat ko, nang aking maramdaman ang pagsunod ni Asher sa akin.

Nang lingunin ko siya ay halos malunod ako sa kaseryosohan ng mga mata niya. Right, susumbatan niya na ako. Malamang magagalit na siya at magsasalita ng kung anu-ano at—

"Do you know how lonely it is to be in the midst of a vast ocean for months? It's crazy."

What? Kumibot ang mga labi ko. Hindi galit ang boses niya, hindi nanunumbat, wala rin iyong mga salitang inaasahan ko. Iba ang sinasabi niya ngayon.

"It's lonely being there and the work is not easy either. Still, I intend to go back. Babalik pa rin ako roon. Babalik at babalik ako."

Why was he telling me this?

"Do you know why, Lai?" Ang mga mata niyang kanina'y seryoso, ngayo'y naging malamlam. "Because I have goals. So, I will continue to face the loneliness to pursue those goals. I'm about halfway through and I can't just stop. Especially now."

Nakipagtagisan ako ng titig sa kanya, pero sa pagkakataong ito ay ako ang talo. Wala siyang balak sumuko, at hindi ko na kinaya ang bigat ng mga titig niya.

Mabuti na lang at aking narinig ang munting boses ng anak ko. Kumalma ang dibdib ko.

"Mamaaa, done eating!" Bitbit nito ang mga laruan. May ketchup pa sa gilid ng bibig ang batang babae habang nakatingala at palipat-lipat ang inosenteng tingin sa aming dalawa ni Asher.

Sa wallclock ay 7:40 p.m. na. Nagmamadali akong lumapit sa bata. "Bobbie, it's time for your half bath." 9:00 p.m ko ito pinapatulog.

Dinala ko sa banyo si Bobbie. Doon ay niyakap ko ito. Nagtataka naman sa akin ang bata. "Mamaaa?"

Ngumiti ako nang tumingin ito sa mukha ko. Nilinisan ko na ito ng katawan. Nakabalot ito ng tuwalya nang lumabas kami ng banyo. Si Asher naman ay nasa sala pa rin. Patay na roon ang ilaw. Nasa sofa siya. Pabukaka na nakaupo habang nakasandal sa sandalan. Ang isang bisig niya ay nakapatong sa kanyang noo.

Binitbit ko na si Bobbie papunta sa kuwarto. Binihisan ko ito ng partnered pajama na pantulog.

"Mama, who'sh that man?" Ang tanong nito na kanina pa na hindi nasasagot. "Mama, he drank my milk! But Mama, palitan niya pow milk ko ng Jollibee!"

Napangiwi ako.

"He's a stranger, shouwld I bite himmm?"

"Do you want to bite him?"

Umiling si Bobbie at ngumuso.

"W-why?"

Bumungisngis bigla si Bobbie. "Becosh he has many money!"

Napatapik na lang ako sa aking noo.

"Mama, I want many moneyyy!"

Nagniningning na naman ang mga mata ng anak ko. Ganitong-ganito ito pag nakakakita ng pera.

Mula sa excited na ekspresyon ay biglang nagsalubong ang mga kilay ng anak ko. Parang biglang may naisip na kung ano. "Mamaaa, he's big. But is that owwkay?!"

"Ha?" Okay na ano?

"He drank Mama's milk, too, sooo he's Mama's baby too!"

Laglag ang panga ko.

"Mama, but is that owwkay that he's big? I said I wantcha baby brother! Buuut he's too big to be a baby brotherrr!"

Hindi pa ito tapos.

"Buuut, Mama, if he's my brother, it's owwkay to share Mama's milk with himmm! Buuut, Mama, can I have another baby brother? Mama, I wantcha smaller one next time! Mama, pleaseee!"

Sa pagod sa school at sa paglalaro ay nakatulog na agad si Bobbie. Dahil madalas na itong pagod ay mabilis na talaga itong nakakatulog. Inayos ko na ang kumot nito bago ito iniwan.

Bumaba ako sa sala. Madilim pa rin doon at nakapatay ang ilaw, pero bukas na ang pinto. Nasa labas ko nakita si Asher na nakatayo. Nakatalikod siya sa gawi ko at may kausap siya sa phone niya.

"Basta bukas na lang, 'Nay," sabi niya sa kausap. "Mahirap po sa phone, e. Basta magpahinga na muna kayo ni Tatay, at pakihanda na lang din bukas iyong mga gamot niyo sa high blood. Kakailanganin niyo niyan."

Nang makita niya ako ay saka siya nagpaalam sa kausap. Mukhang binubungangaan pa siya pero pinatayan niya na ng linya.

"Bakit nandito ka pa?" malamig na tanong ko sa kanya.

Pumasok siya sa screen door. "Tulog na ba si Bobbie?" sa halip sagutin ang tanong ko ay nagtanong din siya.

"Umalis ka na."

Namulsa siya sa suot na sweatpants. "Don't you think it's a nice thing to say to someone that you denied the right and chance to meet his own flesh and blood?"

Pinilit kong maging kalmado. Madadaan naman sa usapan ito. "She doesn't need you," kalmado na deretsang sabi ko. "And you don't need her either, do you? You just saw her now. Kaya puwede mo pa siyang makalimutan. Hindi ka pa rin niya kilala kaya okay lang. Makakalimutan niya rin ang tungkol sa 'yo—"

"Naririnig mo ba ngayon ang sarili mo?" malamig na tanong niya.

Tumiim ang mga labi ko. Pinaliliwanagan ko na siya pero ganito ang reaksyon niya?

Inalis ko na ang pagiging kalmado dahil ko na iyon mapapangatawanan pa. "Why do you want to make things worse? Binibigyan na nga kita ng pagkakataon pero ayaw mo pa?!"

Sa gulat ko ay biglang hinaltak ni Asher ang braso ko. "You are not the one to decide now. Three years have been lost and wasted, and you think I'll just let it go like that?!"

May gumuhit na kaba sa loob ng dibdib ko. "A-anong plano mo?!"

Yumuko siya para halos gahibla na lang ang pagitan naming dalawa. Nakakatupok ang mga mata niya nang sagutin ako. "Babawiin ko iyong tatlong taon na nawala sa akin."

Kahit nanginginig ang tuhod ay matapang kong sinalubong ang galit na mga titig niya. "'You think I will let you?! Hindi ako papayag na agawin mo sa akin ang anak ko!"

Pasalya akong binitiwan ni Asher saka malamig na nginitian.

"Then go ahead and try my patience."

jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz