Chapter 52
YOU HATE ME FOR REASONS I CAN NOT UNDERSTAND.
Matagal na nakahinang ang mga mata namin ni Asher sa isa't isa. Ang mga titig niya ay mapupungay, may kung anong lambong doon, may tila hinihintay.
Nginitian ko siya. "Do you think I hate you?"
Hindi siya makasagot. Nakatingin pa rin sa akin, like he was saying na ako ang mas higit na nakakaalam, dahil kung siya ang tatanungin ay wala siyang alam. Gustong magtagis ng mga ngipin ko sa harapan niya, pero pinili ko na manatiling nakangiti.
"Do you really know me?" I let out those words in a normal tone.
Umawang naman sa akin ang mga labi niya.
"Do you think you'll be able to breathe well in front of me if I hate you?"
Dinampot ko ang baso na nakapatong sa center table, iyong babasaging baso na pinag-inuman niya kanina, at nilaro iyon sa kamay ko. Nakita ko ang pag-alon ng lalamunan niya, na sanhi ng aking pagngiti.
"And do you really believe na habang galit ako sa 'yo ay hahayaan kitang relaxed na maupo riyan sa sofa ko, na naka-electric fan pa, at pagkatapos ng lahat ng ito ay uuwi ka nang payapa?"
"But you didn't answer my question, Lai."
Tumamis ang ngiti ko sa kanya. "Pero sa tingin ko ay nasagot ko na."
Yumuko siya ulit. Nang mag-angat ulit ng mukha ay burado na ang kapungayan ng kanyang mga mata. "Was it hard?"
"Ha?" Ano ba iyong tanong niya?
"Your work, I mean. Katatapos mo lang kamo ng trabaho mo kanina bago pagdating ko."
"May madali ba?" Meron namang madali na trabaho, pero matatawag ba iyong trabaho? Kaya nga trabaho, kasi iyon ang bagay na pinaghihirapan mo para kumita at makapag-provide ng isang tao.
Hindi naman na nagsalita si Asher. No follow up question na sa trabaho ko, o kung anong klase ng trabaho meron ako.
Mga ilang minuto pa siya na nag-stay, habang nakaupo lang sa sofa. Nakasandal sa sandalan at nakapikit ang mga mata. Hindi ko alam kung saan siya galing, kung pagod ba siya, o kung kulang ba ang tulog niya, pero hinayaan ko siya. Hinayaan ko siya na ganoon habang malaya ako na pinagmamasdan siya.
Nang magmulat siya ng mga mata ay hindi ko masabi kung nakatulog ba siya. Hindi siya sa akin nakatingin nang tumayo. Hinihintay ko siya na magsalita para magpaalam na, pero parang wala siyang mailabas na boses.
Nilapitan ko siya para ihatid sa pinto, nang hawakan niya ako bigla sa pulso. Napatingala ako sa kanya. "Asher."
Hindi siya sa akin nakatingin nang hilahin niya ako. Inikot niya ang braso ko sa bewang niya. Sa kanang gilid niya. Dahil sa gulat ay natulala ako. Hindi pa siya nakuntento, hinila niya rin pati ang kabila kong braso. Inilagay niya naman iyon paikot sa kaliwang bahagi ng bewang niya, hanggang sa parang nakayakap na ako sa kanya.
Hindi niya ako hinahawakan, ako lang talaga iyong pinayakap niya sa kanya. Yumukod siya sa balikat ko pagkuwan. Marahan lang, maingat, at magaan.
Nang aking mahamig ang sarili ay pasinghap na nagsalita ako, "Ginagawa rin ba ng magkaibigan ang ganito?"
"Oo, pero sa akin mo lang gagawin ito," sagot niya sa maaligasgas na boses.
"May favoritism sa friends?"
"Oo, ako ang favorite friend mo."
Tumaas ang sulok ng bibig ko.
Siya na rin ang humiwalay makalipas ang ilang sandali. Pero ramdam ko ang hirap niya, na parang ayaw niya pa. "Baka hinahanap na ako ni Nanay. Sabi ko, sandali lang ako. Ako kasi magda-drive, susunduin namin ngayon sa airport ang tatay ko."
"O-okay." Kumalas na rin ako sa kanya. Napangiwi ako nang makitang nagkaroon ng manipis na malabong mapa ang harapan ng shirt niya kung saan dumikit ang aking mukha. Oil iyon. Nagmantika ako sa init sa kuwarto. Kapag wala kasi Bobbie ay hindi ako nagbubukas ng aircon.
Napatingin naman si Asher sa tinitingnan ko. Napanganga siya nang makita ang mapa sa shirt niya, pero hindi siya nagsalita. Hindi niya mahanap kung ano ba ang dapat sabihing salita.
Ako na ang nauna, dahil baka kung ano pa ang masabi niya. "Sorry, ang oily ko. Hindi pa ako naghihilamos, e. Nasa bahay lang naman kasi saka hindi naman ako lalabas—"
"No, okay lang," biglang agaw niya sa sinasabi ko. "Sanay naman na ako na madalas kang oily."
Nangunot ang noo ko. "Ano kamo?"
"I mean, cute nga, e. Astig o, may mapa iyong shirt ko."
Lalong nangunot ang noo ko.
Mahina siyang napamura sabay haplos sa batok niya. Makailang ulit bumukol ang dila sa loob ng kanyang pisngi. Parang na-stress siya nang matindi sa pag-iisip kung ano ang sasabihin.
"Lai, come on. Even if your skin is always oily—I mean, even if your skin is sometimes oily.... You're still pretty."
Humalukipkip ako at tamad na nagsalita, "Really?"
"Yes, you're pretty. Makikipagkaibigan ba ako sa 'yo kung hindi? Choosy ako sa friends. Lalo sa special friend."
Special friend. Nakuha niya ang tamang term. Nasa pinto na siya nang unti-unti nang nagiging normal ang ekspresyon ng aking mukha. Iyon nga lang, bago lumabas ay bigla siyang huminto.
"Do you know how pretty your are to me?"
"T-tell me..."
Lumingon siya at sa gulat ko ay nginitian niya ako. "So pretty that I want to have a child who looks like you."
Nakaalis na si Asher ay nakatigagal pa rin ako sa nilabasan niyang pinto.
BEEP NG PHONE ANG GUMISING SA AKIN. Hindi ko pala nai-silent kagabi. Mabuti na lang at nailayo ko sa akin, dahil ayaw ko na malapit ang phone sa amin ni Bobbie kapag natutulog kami.
Bakit hindi ko nilagay sa silent? Mag ini-expect ba ako? Wala rin naman akong na-receive na kahit ano. As in wala. At wala namang bago para manibago pa ako.
I stood up and grabbed my phone. Sino ba itong nag-text? Si Renren pala. Normal lang naman sana, kasi sanay na ako na palaging nagti-text at nag-ch-chat sa akin ang babae, kaya lang ay parang may kakaiba sa text nito ngayon. It was a simple text, short, and, surprisingly, not OA.
My Better Half:
How's everything?
I didn't bother to reply Renren. Kung sanay ako na hindi lilipas ang isang araw na hindi ito magpaparamdam, ay sanay na sanay na rin ito sa madalas na pangdi-deadma ko.
I was supposed to cut up contact with my late adoptive father's family, as I had nothing to do with them anymore, but I just couldn't get rid of Renren. Kahit maligalig ito ay may utang na loob ako rito. She was the one who brought me to the hospital when I gave birth to Bobbie. Ewan ko kung bakit at paanong naroon ito sa oras na iyon, pero bigla na lang itong lumitaw noong oras na mismong nangangailangan nga ako.
Wala akong pinagsabihan kung saan ako pumunta noong umalis ako rito sa Cavite. Kahit si Tita Judy ay walang alam. Nagulat na lang ang tiyahin ko nang bigla akong maglaho noon ng tatlong taon. Pero itong si Renren? Alam nito kung saan ako nagpunta, kaya alam nito kung nasaang lupalop ako sa loob ng tatlong taon.
Paano nga ba nalaman ni Renren? Ang paliwanag nito ay sakto raw kasi na pinuntahan ako nito rito sa Sunterra noong paalis ako. Nagtataka raw ito kung saan ako pupunta, kaya sinundan ako nito. At iyon nga ang dahilan kaya alam nito kung saan ako matatagpuan.
Ang palaisipan lang sa akin hanggang ngayon ay bakit nga ba ako pinuntahan noon ni Renren? Sa pagkakatanda ko kasi, madaling araw ako umalis noon ng Cavite. As in Alas tres ng madaling araw noon. Bakit ako nito pinuntahan nang ganoong dis oras? Anong trip nito?
NASA MGA PRUDENTE ANG KAMBAL AT ANG MAGALING NA INA NG KAMBAL.
Umuwi na ang ama ng mga barako ni Aling Ason na si Jacobo Prudente. Syempre, hinahanap nito ang mga apo, kaya pumunta roon ngayon ang tiyahin ko. Tapos ngayong araw ay pupunta raw sila ng Batangas. May pa-outing ang mga biyenan niya. May family bonding sila.
Hapon na. Ngayon lang hindi nag-afternoon nap si Bobbie. Matamlay ito na nakapangalumbaba sa mesa. Napakalungkot ng magandang mukha. Nakaramdam naman ako ng pitik sa loob ng dibdib ko.
Kanina pa ganito ang bata. Pagkakain ay hindi na kumilos. Nakatulala na lang habang nakasubsob ang baba sa maliliit nitong mga palad. Parang matandang nalugi. Gusto kasi nitong makita ang kambal na sina Atlas at Adam, kaya lang ay wala nga ang mga ito. Naroon sa pa-outing nga ng lola't lolo.
Tinabihan ko si Bobbie, at masuyong hinaplos ang malambot nitong buhok. "Mama has no work today, do you want us to go the mall?" nakangiti kong sabi.
Tumingin sa akin si Bobbie. May kinang na sa mga mata na tumango. Masaya itong yumakap sa akin na ginantihan ko naman nang mainit na yakap. Ang totoo ay may file pa talaga ako. Pero puwede ko naman iyong paspasan mamayang gabi. Pagdating sa anak ko, ay wala nang iba pang mas importante.
Gumayak na kaming mag-ina. White baby shirt na pinatungan ng yellow jumper shorts, at yellow boots naman sa paahan ang suot ni Bobbie. I just put her hair up in a bun, and put a yellow clip on her bangs. Ang cute-cute ng doll ko kaya nakailang kiss ako sa cheeks nito.
Para sa suot ko naman ay simple lang. Plain white rib baby shirt na naka-tuck in sa plain khaki shorts, na nakasinturon ng manipis na plain black leather sa bewang, at plain white esparadillas sa paahan. Ang buhok ko na maiksi ay nilagyan ko lang ng plain white headband. Naglagay ako ng clear contact lens sa mata, tamang lip gloss naman sa mga labi, at tapos na.
Sa pag-alis ay nagdala lang ako ng malaking de-zipper na plain light denim tote bag para lalagyan ng mga gamit namin ni Bobbie. Nag-Grab kami papunta ng SM Tanza. Pinaglaro ko ang bata ng isang oras sa play center. Pagkatapos ay pinunasan ko ng pawis at pinalitan ng sapin sa likod.
Ibinili ko si Bobbie ng ice cream. Nakakita ito ng maskara na mukha ni Sponge Bob, na agad nitong itinanong sa akin kung puwede ba raw naming bilhin. Ibinili ko naman dahil may budget naman ako ngayon. Tuwang-tuwa naman ito at panay ang pasasalamat sa akin.
Bitbit ng bata ang maskara ni Sponge Bob hanggang sa department store. Natuwa ito nang sabihin ko na pumili ito ng bagong coloring pad at sandals. Ang tagal na rin nang huli ko itong ibili ng gamit, kaya ito na ang pinaka-reward ko rito.
Hinayaan ko si Bobbie na mamili habang tumitingin-tingin din ako ng bagong purse. Punit na kasi ang mahigit three years ko nang ginagamit na purse. Nagtitingin ako ng presyo nang may lalaki na lumapit sa akin. Tumitingin din ito ng wallet. Nakilala ko ito. Si Zeph. Taga Mandaluyong, tenant din sa inupahan ko roon na building apartment.
May istura si Zeph, may katawan, hindi nga lang sobrang katangkaran. Binata pa. Siya iyong nagtangka na ligawan ako, pero binasted ko dahil bakit ako magsasayang ng panahon sa tao na hindi ako interesado?
Bakit pala nandito siya? He seemed to read my mind, ngumiti agad na akala mo ay pinatisod ng swerte ng tadhana. "Laila, what a coincidende that you're also here in Tanza. Tagarito iyong lolo ko. Lamay niya ngayon kaya nandito kami ng mga kapatid ko."
I had no reaction, or whatsoever, while Zeph was still smiling like an idiot. Ang mga mata niya ay napatingin kay Bobbie na nasa di kalayuan namin. Huling-huli ko ang maliit na pag-ismid niya ng mga labi pagkakita sa batang babae.
Nang magbalik si Zeph ng tingin sa akin ay saka siya ngumiti ulit. "Kasama mo pala ang anak mo. Ano pala ang ginagawa niyo rito? Dito na ba kayo lumipat? I heard, umalis na raw kayong mag-ina sa apartment."
Wala pa rin akong reaksyon. Lalampasan ko na siya para puntahan si Bobbie nang pigilan niya ako sa braso. "Laila, I'm still talking to you. Kaunting respeto naman diyan."
"Ikaw ba, nirerespeto mo na ayaw kong makipag-usap sa 'yo?" Ang tagal ko na siyang binasted, pero kahit saan kami magkita ay umaakto siya na akala mo ay close kaming dalawa. Wala nga akong naging ka-close sa Mandaluyong, kahit pa kasera ng ilang taong apartment na inupahan ko roon.
"Hey, ganyan ka ba talaga kasuplada?" may pagkapikon na sa tono na tanong niya. "Ako na nga lang iyong nagtiyaga na manligaw sa 'yo, ginaganyan mo pa ako."
Nagpantig man ang tainga ay kalmado pa rin ako.
"Hindi mo ba alam na pinagsasabihan na ako ng mga tagaroon sa apartment? Bakit daw kita pinagtatiyagaan, hindi ka naman daw ganoon kaganda, may anak ka pa sa pagkadalaga, samantalang ako ay binata."
"Pero mas marami akong pera sa 'yo," hindi na nakatiis na mahinang sabi ko.
Nangunot ang noo ni Zeph. Hindi niya yata narinig. May pagkabingi ang lalaking ito, pansin ko. Pero sa totoo lang, mas malaki ang sweldo ko sa kanya. Kompleto rin ako sa investment at insurance plan, kaya 'wag niya ako riyang pagmalalakihan.
"Come on, Laila." Hindi pa siya tapos. "Alam naman nating hindi ka na babalikan ng tatay ng anak mo. Unang kita ko pa lang doon, alam ko nang nasa loob ang kulo niyon. Malamang din na may iba na iyon sa ibang bansa. Tingnan mo nga, maski anino niya ay hindi na ulit nagpakita doon sa apartment, di ba?"
Nagsisimula nang pumintig ang sentido ko sa mga sinasabi niya.
"Laila, look, I tried to forget you and find something better, but to no avail. Kaya sige, tanggap ko na. Okay lang sa akin kahit may anak ka na, kahit ano pa ang sabihin sa akin ng ibang tao, at kahit ayawan ka pa ng mga magulang ko."
Doon ko sinalubong ang mga mata ni Zeph. I didn't need to get inside his head to figure out what was going on there, since I already knew. He was the type of person whose ego was bigger than his dick.
Hindi totoo na kailangan mo pang magsayang ng panahon at pakisamahan sa iisang bubong ang isang tao para malaman ang tunay na ugali nito. Dahil kung talagang gugustuhin mo at kung bubuksan mo lang ang mga mata mo, ay makikilatis mo agad sa ilang pagkikita pa lang, kung anong klaseng tao ang nasa harapan mo.
Dahil judgemental ako ay isasagad ko na ang pagka-judgemental ko. Itong taong kaharap ko ngayon ay ang tipo ng lalaki na puro bunganga pero walang laman ang kukote. Susumbatan ka kahit bayag lang naman ang kayang i-offer sa pagsasama niyo, at kapag nahirapan sa buhay ay ipagpapalit ka na lang bigla sa iba, doon sa mas convenient sa kanya.
"Laila, ano ba talaga ang hinahanap mo sa lalaki?!"
"6,7,8," kalmadong sagot ko.
Nalukot ang mukha niya. "What 6,7,8?"
Ngumisi ako. "6 feet tall, 7 digits salary, and 8 inches long."
Ang pagkakanganga ni Zeph ay nauwi sa pagtatagis ng mga ngipin. "Whoa, you really think highly of yourself!"
"Wala akong nakikitang mali sa gusto ko at sa tingin ko ay deserve ko. Hindi naman ako namimilit ng tao."
Everyone had the liberty to set their own standards. As for me, itinaas ko talaga ang aking standard para walang makaabot. Pero kung may gustong umabot, then go. Pero kung walang may kaya o lakas ng loob, then okay lang din. Walang problema sa akin. Ganoon kasimple.
Ngumiti si Zeph pero nasa mga mata na ang pagkapikon. "You know, Laila. Baka sa kapipili mo, tumanda ka na mag-isa."
Ngumiti pa rin ako. "Being single with high standards is way better than being in a relationship but settling for less."
Tinalikuran ko na siya, at pinuntahan si Bobbie. Hindi ko na siya nilingon pa kahit humahabol pa siya ng maaanghang na mga salita. Paulit-ulit lang naman ang mga sinasabi niya. Ang pagtapak niya sa kalagayan ko para pagtakpan ang durog niyang ego.
Ano ba ang masama sa pagtanda nang walang kapareha? May sariling bahay ako, hindi nagugutom, at may ipon. Payapa ang mundo ko para ipagulo lang sa isang lalaki na baka magpabuhay pa sa akin sa huli.
Niyaya ko na si Bobbie papunta sa cashier ng department store. Babayaran na namin ang nabili nitong sandals at coloring materials.
Naglalakad kami nang magsalita ang anak ko. "Mama, I know that guy pow."
Ayaw ko mang papuntahin si Zeph sa apartment dati, ay kusa itong pumunta, para manligaw nga. Maliit pa si Bobbie pero matandain na ito, natatandaan nito ang mukha ng lalaki.
Nauna na sa akin sa cashier si Bobbie kaya hindi ko na nakita ang pagdidilim ng ekspresyon ng bata. "Papa hates that guy," bulong nito na halos hindi na umabot pa sa pandinig ko.
"Bobbie!" tawag ko rito sabay takbo para habulin ito. Baka kasi mawala ito.
Ni hindi ako nilingon ng bata. Nang huminto ay isinuot ang maskara na binili namin kanina sa labas ng department store. Hindi ko na tuloy makita kung nakangiti ba ito, o ano.
Kahit hindi ito magsalita ay alam kong nag-iba na ang mood nito. "We'll talk later, okay?" sabi ko rito.
Pagdating sa cashier ay nagmamadali na inilagay ko na sa checkout counter ang mga pinamili namin ni Bobbie. Lumitaw na ang presyo. Nine hundred fifty pesos. Kumukuha pa lang ako sa wallet ng pangbayad nang meron nang mauna sa akin na nag-abot sa cashier ng isang libong buo.
Gumapang agad ang inis sa mga ugat ko. Matalim ang mga mata na nilingon ko ang lalaki. "Are you serious? You know that my salary is bigger than yours—"
Nahinto ang pagsasalita ko kasabay ng pag-awang ng aking mga labi nang mapatingin sa lalaki na hanggang leeg lang ako. This was not Zeph. There was no way this was him, that he was this tall, and his neck and Adam's apple were this captivating!
Marahan akong tumingala upang makita ang guwapo, bagaman walang kangiti-ngiting mukha. Bumukas ang mapupula niyang mga labi. "How can you say that your salary is more than mine? Why? Do you know how much my allotment is?"
What the f—
Ang seryoso at nakakatupok na titig ni Asher sa akin ay hindi rin nagtagal. Bakit? Dahil may maliit na braso na bigla na lang yumakap sa bewang niya. Pero hindi iyon ang pinaka dahilan ng panlalaki ng mga mata niya, kundi ang narinig na tawag ng maliit na boses sa kanya. "Papa!"
jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz