ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 41

JFstories

BAKIT HINDI KO MA-CONTACT?

Galit ba siya? Galit ba siya dahil akala niya ay gusto ko lang siyang makasama dahil wala na si Mama? Dahil wala na akong pagpipiliang iba? Iyon ba ang naiisip niya?

Halos maubos na ang kuko ko sa aking kakangatngat. Pabalik-balik ako ng lakad sa sala. Nakailang baba't akyat na rin ako sa hagdan. Naka-leave pa rin ako sa work kaya ito, para akong nababaliw sa kakaisip dito.

Pumunta ako sa bahay ni Tita Judy dahil gusto ko sana ng kausap. Ang kaso, may emergency sa Manila ang tiyahin ko. Ang nasa bahay lang nito ay ang kambal na anak at iyong partner niya at iyong ex niya. Kilala niyo naman na kung sino iyong ex.

Gusto ko pa sanang mag-stay roon kaya lang ay baka lalo ako roong mabaliw. Hindi magkandaugaga ang dalawang lalaki sa pag-aasikaso ng bahay at sa kambal, dahil yari silang dalawa kapag umuwi ang aking tiyahin na hindi nila nagampanan nang masyos ang kanilang gawain. Nagmamakaawa pa nga ang mga ito na 'wag muna akong umuwi, pero bahala na sila sa buhay nila, tutal desisyon naman nilang gustuhin ang tiyahin ko.

Gabi na ay panay pa rin ang check ko sa phone. Nang mag-beep iyon ay nagmamadali kong dinampot. Notification sa social media ang naroon.

Carlyn Marie Tamayo sent you a friend request!

Ang profile photo nito ay candid photo ng isang lalaki habang kumakain ng icecream. Nakilala ko agad, dahil wala namang gaanong nagbago sa itsura nito maliban sa nag-matured nang kaunti at mas gumuwapo. Kaklase ko noong high school, our top 1, si Jordan Moises Herrera.

Sandali ko pa lang naa-accept ang friend request nang makatanggap ako ng message mula kay Carlyn.

Carlyn Marie: Hi, Lai! Still remember me? Iyong pinakamaganda sa Gov dati tapos medyo mabait?

Kaka-PM pa lang nito ay may kasunod na agad.

Carlyn Marie: Are you busy? Invite sana kita ngayon sa PK2. Birthday ng anak nina Isaiah at Vivi. Dito si kalbo.

Nang mabasa iyon ay napatayo agad ako mula sa pagkakaupo. Nagtipa ako ng reply habang palakad papunta sa closet ko. Pagka-send na pagka-send ng reply kay Carlyn, ay naghagilap na agad ako sa damitan ng susuutin.

Skinny jeans at manipis na cream knitted short sleeved top ang isinuot ko, at sandals sa paahan. Ang buhok ko ay aking itinali paitaas at nagtira lang ako ng kakaunting mga nakalawit na hibla sa gilid ng aking mukha. Nagpabango ako, kaunting pulbo, at tanging manipis na liptint lang sa aking mga labi.

Nagpa-special na ako ng tricycle patungo sa Brgy. Pasong Kawayan Dos. Lampas iyon sa dati naming school sa may Brgy. Pinagtipunan. Alam ko ang compound ng kaibigan ni Asher na si Isaiah, kaya madali ako roong nakapunta. Madali ring makita ang compound dahil may ilang tent at mga sasakyang nakaparada sa labas. Bukas ang gate at maririnig sa loob ang videoke.

Kinokompleto mo ang araw ko, sa tuwing inaaway mo!

Nabosesan ko ang kumakanta. Isa sa tropa nila. Si Michael Jonas Pangilinan o Miko.

Paggising sa umaga mukha mo ang nakita, wala pang nagawa nakasimangot na

At pagsapit ng gabi tampo lalong lumalaki, ang gusto ko lambingan ngunit may unan na namamagitan

Ang almusal ay sigawan, ang hapunan natin ay tampuhan

Ang merienda pagdududa, pero mahal kita, wala ng hahanapin pang iba

Handa kong magtiis, kahit na away, away, away na 'to!

Mga dalawang kanta pa nang pumasok na ako. Nasa isang mahabang mesa nagkukumpulan ang mga pamilyar na mukha. Sina Carlyn at Jordan na nagsusubuan ng mani, si Zandra na kinukuhanan ng video si Miko habang nagpapa-cute ang lalaki, at sina Arkanghel at Sussie na nagtititigan.

Pero wala sa kanila ang pagtatagal ng aking mga mata, kundi sa pares na nasa dulo. The woman sitting next to Asher was talking to him nonstop while he was sitting quietly.

The woman's face was unfamiliar to me, parang isa lang sa mga bisita nina Isaiah. Kung sino man ito ay wala itong kaalam-alam na mainit na rito ang mga mata ko. Lucky her dahil hindi na ako tulad nang dati. Kaya wala akong gagawin... unless she would go too far.

As I could see, Asher was ignoring her. Pero noong akmang kakalabitin na siya nito ay doon na ako humakbang para magpakita. Inihanda ko ang mabait na ekspresyon saka nilapitan ang mesa nila.

Sakto na patay ang videoke dahil katatapos pa lang ng huling kanta. Ang unang nakakita sa akin ay si Jordan. Kinalabit nito ang katabing si Carlyn. Nang makita naman ako ng babae ay tumayo agad at tinawag ako. "Lai!"

Kumaway ako at mahinhin na ngumiti rito. "Hello."

Napatingin na ang lahat sa akin, pati na rin si Asher. Napaawang ang mapupulang mga labi niya kasabay ng pagdaan ng gulat sa mapupungay na mga mata niya. Saglit lang ay napaubo siya at ibinato sa ibang direksyon ang paningin. How cute. Lihim na napangisi naman ako.

Si Carlyn ay pinakuhaan ako ng upuan kay Jordan. Doon ako naupo sa katapat ni Asher at ng katabi niyang babae. Sa biglang pag-upo ko ay napatapak ako sa paa ng babae. Namutla ito pero bago pa nakapagsalita ay mabait na nginitian ko ito bilang paghingi ng 'sorry'.

Si Asher ay narinig kong napa-tsk, pero siya na rin ang lumayo roon sa babae.

"Kumusta ka na, Lai?" tanong ni Carlyn sa akin nang umikot na ang tagay.

"Uhm, okay lang," kiming sagot ko naman.

Ngiting-ngiti ito sa akin pati na rin sina Zandra at Sussie. Ang dami nilang tanong sa akin, unang-una na kung may boyfriend na ako. Mahina at nahihiya ko naman iyong sinagot ng 'wala', sabay simpleng sulyap kay Asher na sa ibang direksyon na naman nakatuon ang mga mata.

Umikot ang tagay. Nalaman ko na buntis pala sina Sussie at Carlyn kaya hindi sila umiinom. Si Zandra lang at iyong isang bisitang babae na di ko kilala ang panay ang tagay. Pero si Zandra ay hindi rin gaano, dahil sinasalo ni Miko ang karamihan ng tagay para dito.

Si Asher ay hindi sumasali sa kuwentuhan ng kanyang mga kaibigan, pero lahat ng tagay ay tinatanggap niya at patagilid na tinuntungga.

Si Jordan at Arkanghel naman ay mga namumula na. Mga mukhang hindi sanay uminom. Ilang saglit lang ay tabingi na ang suot na salamin ng mga ito, pero mga poise pa rin.

Ang batang birthday celebrant naman ay may kasamang dalawang batang lalaki rin na kaedad nito. Naroon sa kulungan ng mga aso at halos pumasok na rin doon ang mga ito. Cute.

Sina Isaiah at Vivi naman na magulang ng celebrant ay kanina pa raw sa kuwarto. Mukhang masinsinan daw at nakakapagod ang pinag-uusapan.

"Miks, tama na," awat ni Arkanghel sa pagbibigay ng tagay rito. Mukhang bangenge na.

"'Wag ganyan, tropa," paungol na reklamo naman ni Miko na lasing na rin. "Matagal kong hinintay na malasing ka, 'tas aayaw ka? Boi, walang CEO-CEO rito!"

Si Sussie naman ay panay senyas na kay Zandra, pero nangingiti na nagkikibit-balikat lang si Zandra.

Safe naman kung sakali dahil hindi naman magda-drive si Arkanghel. Nandito rin sa compound ang bahay ng mga magulang nito. Ang mama nito na si Aling Roda ay kanina pa nga pasilip-silip sa bintana. Matalim ang mga mata sa inabot ni Miko na shot glass sa anak. Napaayos tuloy ng suot na specs bigla si Arkanghel nang makita ang ina.

"Mukhang may mapapalong bata mamaya," nakalabing sabi na lang ni Sussie sabay himas sa balikat ni Arkanghel.

Si Carlyn naman ay kumakanta sa videoke. Ang mga tinitira nitong kanta ay 'The Past', 'If Ever You're In My Arms Again', 'Muli, 'All This Time', at 'Maybe This Time'. Pag banat at madamdamin ang lyrics ay tumitingin ito kay Asher. Kanina pa tuloy napapaubo ang baby ko.

Hindi pa rin matapos-tapos ang pag-i-interview sa akin ng mga ito. Nagbanggit lang ako ng kaunti tungkol sa akin. Katulad ng dito na ulit sa Cavite nakatira, pagtatrabaho ko sa Epza, pagkawala ni Mama, at plano ko na pananatili rito.

Si Zandra ay may tama na. Nangalumbaba ito habang nakatitig sa akin. "Hindi pa rin nagbabago si Lai, she's still cute and shy."

Napahawi naman ako ng mga daliri sa aking buhok sabay maliit ulit na ngiti. Nang magkatinginan ulit kami ni Asher ay kinindatan ko siya. Ayun, naibuga niya iyong shot.

"What in the fuckening fucking fuck?!" bulalas naman ni Miko. "Sayang alak, pota! Every drop counts, tropa!"

Nadagukan ito agad ng katabing si Zandra.

Nang lumalim na ang gabi ay pinatay na ang videoke. Tamang soundtrip na lang sila at kuwentuhan. Biruan. Inom-inom sa mga lalaki at chika-han sa mga babae.

Iyong babae pala na di namin kilala ay isa sa mga nakatrabaho ni Isaiah sa Manila. Bangenge na ito sa kalasingan kaya ang dulas na ng dila. May gusto pala ito kay Isaiah. Ang tibay naman. Pumunta pa talaga sa birthday ng anak nina Isaiah at Vivi. Pinag-book na ito ni Carlyn ng Grab pauwi ng Manila.

Hindi naman na nakatiis sa pagsilip-silip lang sa bintana ang mama ni Arkanghel na si Aling Roda. Nakapamewang ito na lumabas. "Ano, Arkanghel? Wala kayong balak huminto?! Parang wala kayong mga kasamang buntis, ah?!"

Nagtatatalak ito na kesyo buntis pa raw sina Sussie at Carlyn pero nahahamugan na. Inutusan na nitong pumasok ang dalawang babae sa loob. Ako naman ay nagpaalam na dahil nakikita kong lasing na si Asher.

Nilapitan ko na siya para yayain, pero nakayuko lang siya sa upuan. Bago naman sumunod si Carlyn sa bahay nina Arkanghel ay binato muna nito si Asher ng songbook. Doon siya napatayo. Napaungol siya nang hawakan ko siya sa braso.

"Kaya mo ba?" masuyong tanong ko sa kanya. "Uuwi na tayo, ha?"

Tumingin lang sa akin ang mapupungay niyang mga mata, pero hindi naman siya tumutol nang hilahin ko na siya papunta sa gate.

Si Jordan ang nagtawag sa amin ng tricycle. Nagpa-special kami papuntang Sunterra, Pascam. Sa loob kami ng tricycle, halos hindi kami magkasya dahil ang tangkad niya.

Nakasandig siya sa aking balikat. Kahit malabo ang ilaw sa loob ng tricycle ay kitang-kita ang pamumula ng makinis niyang balat. Ang mahahabang pilik-mata niya ay bahagyang gumagalaw at ang makakapal na kilay ay salubong. Masuyong hinaplos ko ang kanyang pisngi. "Nahihilo ka po?"

"Mmn..." Umungol lang siya habang nakapikit. Kawawa naman. Tumingin ako sa labas, malapit na kami sa Pascam.

Pagkarating ay muntik ko nang hindi mapababa si Asher sa tricycle. Nakatulog na kasi siya. Mabuti at nagising siya nang umalis ako sa tabi niya. Namumula ang mga mata niya nang alalayan kong makababa. Nahimasmasan naman na siya kaya nakatayo na siya. Nakaakbay nga lang sa akin hanggang sa makapasok kami sa bahay.

"Gusto mo ng kape?" tanong ko. Sa sofa kaming dalawa bumagsak dahil ang bigat niya.

Imbes sagutin ang tanong ko ay sumubsob lang siya sa aking balikat. Para siyang malaking brown bear sa bigat. Itutulak ko sana siya dahil hindi na ako makahinga, pero kasi ang bango niya kahit amoy alak. Ayun, niyakap ko na lang siya.

Nang mag-angat siya ng ulo ay ako na ang sumalubong sa mapupulang mga labi niya. Naramdaman ko ang kanyang paninigas, subalit sandali lang ay gumanti na siya sa mga halik ko.

Bumaba agad ang mga halik ni Asher sa aking leeg. Inangat ko naman ang aking katawan para mahubad ang aking suot na top, pagkuwa'y isinunod ko ang aking bra. Mula naman sa aking leeg ay agad na bumaba ang mukha ni Asher sa nakalantad na dibdib ko. Parang doon lumabas ang gutom niya.

Ang isang palad niya ay nasa kaliwa habang ang nilalasap naman ng mga labi niya ang kanan. Basang-basa ang aking dibdib nang kanyang tigilan.

He got up and I helped him take off his t-shirt. I also unbuckled his belt. Then I pulled down my skinny jeans and panties. Ang tanging suot ko na lang ngayon ay ang sandals ko sa mga paa.

Akma siyang yuyukod sa pagitan ng aking mga hita nang pigilan ko siya. Hinila ko siya para pagpalitin ang mga puwesto namin. Alam ko na nahihilo na siya, mamaya ay baka sa ano ko pa siya makatulog.

Nang nakahiga na siya ay halos malusaw ako sa intensidad ng tingin ng mapupungay niyang mga mata. Para makaiwas ay ako na ang yumukod. Doon sa buhay na buhay at nagwawalang parte ng katawan niya. Nang hawakan ko iyon ay isang maaligasgas na ungol ang kumawala mula sa kanya.

"Hey, can you give me a blowjob?" paos na tanong niya sa akin.

Lalong nag-init ang aking pakiramdam dahil doon. Para lang siyang humiling ng candy, at ang cute lang.

Kanina pa talaga ako naku-cute-an sa kanya. Lasing siya kaya labas na labas ang kung ano mang nararamdaman niya. Labas na labas kung ano talaga siya. Dahil din sa hiling niya ay nagkaroon din ako ng chance na titigan muna iyon, haplusin, kumustahin. Ang tagal na kasi noong huli.

Pinaraanan ko iyon ng aking dila. "Ah, Lai..." Napahawak siya sa ulo ko.

I moaned softly and took his entire length into my mouth. Mabango naman, ang kaso ay para akong masusuka dahil parang nadagdagan ang sukat noong nasa loob na ng bibig ko. Pero nakakaawa namang tigilan nang silipin ko ang kanyang reaksyon. He liked this. Ah, no, he loved this. He loved this very much.

Asher was groaning loudly, as he continued to expand inside my mouth. He began thrusting deeper, faster, and it was clear that he would be exploding soon. Nang pumipintig na ay doon ako lumayo.

Humihingal naman siya habang mainit ang mga matang nakatingin noong umaayos na ako sa ibabaw niya. Nakatutok pa lang ay siya na ang hindi nakapaghintay. Kinabig ng malalaking kamay niya ang aking balakang. Impit akong napahiyaw nang mag-isa ang aming mga katawan.

Bumangon siya at niyakap ako saka siniil nang malalim at nakakabaliw na halik ang mga labi ko. Ang lahat ng ungol ko ay nakulong sa kanyang bibig. My nipples hardened even more against his chest as I felt him push deep within me.

He put me down on the sofa, grabbed my legs, and spread them wider, allowing his eyes a perfect view to feast on. And he rubbed his thing against my wetness before taking me again. Naglalagutukan ang kahoy sa ilalim ng sofa na para bang bibigay na, pero hindi pa rin siya humihinto.

He reached for my breasts and massaged them while he thrust in and out of my body. Hinila niya ako at pinatalikod. Napakapit na lang ako sa hawakan ng sofa nang maramdaman muli ang pagpasok niya. "Ahh..."

It was more deep that pain and pleasure flowed over inside my core when he hit a spot. It was so amazing, that I almost forgot my own name.

Several times I almost collapsed on the sofa from exhaustion, but he wasn't finished with me yet. Though panting crazily behind me, he remained full of energy. I guess it was the alcohol that made him last this long. Mga ilang saglit pa nang para na siyang malalagutan ng hininga, and then finally, he came.

And the last thing I remember was him hugging me tightly before I passed out.

WHAT TIME WAS IT?!

Napabangon ako bigla kasabay ng paglalagutukan ng mga buto ko sa balakang. Hindi lang pala balakang, dahil masakit ang aking buong katawan. Napatingin ako sa sarili dahil sa kakaibang nararamdaman. Nakahubad ako pero may kumot. At wala ako sa foam ko, naririto ako sa sofa sa sala!

Naalala ko ang kagabi. Nasaan si Asher? Agad kong inilingap ang paningin sa paligid. Papaliwanag na sa labas kaya kahit walang bukas na ilaw rito sa sala ay okay lang. Doon ko sa kabilang sofa nakita si Asher. Nakabihis na siya, shirt at jeans. Nakayuko siya habang ang mga kamay ay nasa ibabaw ng tuhod niya.

Bakit nandoon siya? Bakit malayo siya?

"Asher..." tawag ko sa kanya.

Saka siya nagtaas ng paningin. Napalunok naman ako dahil kahit halatang may hangover ay ang guwapo niya pa rin.

Ngumiti ako sa kanya. Na-miss ko siya. Na-miss ko siya dahil ilang araw ring hindi kami nagkita. "Anong ginagawa mo riyan? Bakit malayo ka sa akin?"

"Hinintay lang kitang magising."

"Ha?" Napatingala ako sa kanya nang tumayo siya.

Lumapit siya sa akin. "I already ordered food for you." Hindi siya sa akin makatingin. Kung saan-saan dumadako ang mga mata niya kahit anong pilit ko iyon na hulihin.

Napatingin ako sa center table ay nakita ko ang umuusok na tasa ng kape. Meron din doong paper bag ng pandesal. Muli akong tumingala sa kanya.

"Your food..." Tumikhim siya upang alisin ang bara sa lalamunan. "The food that I ordered for you will arrive in thirty minutes. Mag-ayos ka muna ng sarili at magkape. Iyong in-order ko ay marami at iba-iba, kasya na iyon sa 'yo hanggang sa gabi."

"Aalis ka?"

"May lalakarin ako." Hindi pa rin siya sa akin makatingin.

"Kailan ka babalik?"

"I..." Nakita ko ang pag-alon muli ng lalamunan niya. "I don't know, Lai."

Hindi na ako nagtanong. Baka pupunta siya kompanya na pinapasukan ng kuya niya sa Manila. Magsisimula na siguro siya roon. Umahon ako mula sa sofa, walang pakialam kahit nahulog na ang kumot sa sahig, at ngayo'y wala akong kahit na anong suot na damit. Yumakap ako sa kanya. "Mag-ingat ka, ha?"

Nanigas ang kanyang katawan sandali. Ang isang mainit na palad niya ay humagod sa aking likod. "You take care, too."

Tumango ako. Bago siya pumunta sa pinto ay dinampot niya ang kumot sa sahig at ibinalabal sa akin. At doon na siya sa akin tumingin. Ang blangkong mga mata niya ay nagtagal sa aking mukha, pagkuwa'y nagbawi na rin agad ng paningin.

Nang makalabas na si Asher sa pinto ay hindi ko alam kung bakit may kaba akong naramdaman. Ipinilig ko ang aking ulo. Hindi naman siya aalis at hindi niya ako iiwan kung hindi importante ang gagawin niya.

Ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano. Ang tagal-tagal ko nang nag-iisip, sa trabaho, kay Mama, sa pamumuhay namin, kung paano ang mga gastusin, at maging mga hakbang sa susunod na araw. At ngayon ay gusto kong ipahinga muna ang isip ko. Gusto kong iasa muna lahat kay Asher.

Gusto ko ring magpahinga. Naupo ulit ako sa sofa at kinain ang pandesal sa lamesita na binili ni Asher para sa akin at ininom ang kape na itinimpla niya. Nang mabusog ay nakangiti na nahiga ulit ako.

Hindi ko na problema ang kakainin sa tanghali at gabi dahil in-order-an niya na rin ako ng pagkain. Tamang hintay na lang ako habang nagpapahinga. Ngayon ay ramdam ko ang lubos na pagpapahinga, hindi lang ng katawan at isip ko, kundi pati na rin ng aking bulsa.

Ang tagal ko nang pagod at nagsasakripisyo, kaya deserve ko naman siguro ito. Pumikit ako at inalala si Mama. Sa aking puso ay pinasasalamatan ko siya. Siya ang dahilan kaya bumalik si Asher sa akin. "Ma, thank you. I promise this time, hindi ko na siya sasayangin..."

FULLY RESTED. Iyon ang pakiramdam kinabukasan. Nabawi ko ang lahat ng pagod ng isip ko at katawan. Especially ang katawan ko na literal na napagod noong nakaraan. Napahagikhik ako nang maisip.

Nasaan na kaya iyon? Hindi siya nagpunta kagabi. Nakauwi na kaya siya sa Cavite?

Hindi niya ako pinuntahan dahil siguro ay gusto niya talaga akong pagpahingahin. Nakapagpahinga naman na ako ngayon kaya ako na ang pupunta sa kanila sa Buenavista. Malamang nandoon siya. Malamang din na magugulat ang pamilya niya kapag nakita ulit ako. Napapangiti na lang ako kapag nai-imagine ang magiging reaksyon ng mga ito.

6:00 p.m. ay gumayak na ako. Isang floral peach doll dress na hindi ko pa naisusuot ang aking pinili. Two inches above the knee ang ikli kaya nakalantad ang mga tuhod ko at binti. Napabungisngis ako dahil kahit noon pa man, gustong-gusto na ni Asher na titigan ang legs ko, lalo kapag hindi ako nakatingin.

Nagpaganda pa ako nang maigi. I even curled my hair, put on contact lenses, and applied a little make up. Gusto ko na maganda talaga ako kapag nag-usap na kami. Yes, mag-uusap kami. Hihingi ako ng tawad sa kanya at sasabihin ko na ang aking nararamdaman. Alam ko naman na iyon na lang ang hinihintay niya.

Muli akong napabungisngis. Iyong lalaking iyon talaga ay hindi pa rin nagbabago. Pa-strong pero para pa ring bata na mahiyain. Di bale, ako na ang bahala.

Hinahanap ko ang setting spray sa drawer nang mahagip ng aking mga mata ang isang maliit na box. May bumundol na kaba sa dibdib ko.

Ang kaba ko ay agad din namang nabura. I remembered what Tita Judy had told me about being prepared before thinking of 'doing it'. And I guess, I was now ready. May trabaho naman ako, may sariling bahay, at hindi naman kung sino lang ang lalaking pinili ko. Sigurado ako sa kanya. Sigurado ako kay Asher...

Bumalik din sa alaala ko ang masasayang mukha nina Carlyn at Sussie. The thought of being happy like them excited me even more.

Nagpa-special ako ng tricycle patungo sa Buenavista. Malapit na ako nang may mahagip ang aking paningin sa kalsada. Nangunot ang noo ko dahil parang si Ate Linda ang nakita kong naglalakad habang nagbibilang ng lilibuhing pera. Ano naman ang gagawin ng ate ko rito sa Buenavista? Nakalampas na ako rito nang magkibit ako ng balikat. Namalik-mata lang yata ako.

Sa kanto ako bumaba para makapag-practice pa ng sasabihin. Panay rin ang haplos ko sa suot na dress dahil baka nagusot. Binabaha ako ng kaba, pero nananaig ang excitement ko. Nai-imagine ko na ang gulat at pamumula ng mukha ni Asher. Makikita ko na ulit ang ganoong ekspresyon niya! Ah, hindi na ako makapaghintay!

Ilang hakbang na lang ay malapit na ako sa gate nila nang bumukas iyon. Dalawang babae ang lumabas mula roon. Ang isa ay si Aling Ason Agoncillo-Prudente, ang ina ng mga barako. Gulat ang ekspresyon nito nang makita ako.

Pero walang sinabi ang gulat nito sa gulat ko nang makilala ang isa pang babae na kasama nito. Isang babae na katulad ko ay naka-dress din, subalit mas maiksi at mas sexy ang na dress kaysa sa akin. Ngumiti ito nang makita ako. Anong ginagawa niya rito?

Ano ang ginagawa ni Lou rito?!

Wala na sila, di ba? O naging sila ba talaga? Di ba hindi? At bakit nandito siya? Nakauwi na siya ng bansa? Kailan pa?!

Bakit dito siya nagpunta? Ano ang kailangan niya? Ang marami kong tanong ay iisang tao lang ang makakasagot. Tinatagan ko ang sarili at kay Aling Ason tumingin. "G-good evening po. Si Asher?"

Hindi pa rin naman mawala ang gulat sa mukha ng ginang. "Laila, nagkikita pa kayo ng anak ko?"

Doon nabura ang pagkakangiti ni Lou. Humabakbang palapit sa akin. "Hindi niya ba sinabi sa 'yo?"

"Ha?" kabadong usal ko. "A-anong sinabi?"

May takot na lumukob sa akin, subalit pinilit kong supilin ito. I didn't want to jump to conclusions without hearing the truth first. Pero ang sumunod na mga salitang binitiwan ni Lou ay daig pa ang malamig na tubig na bumuhos sa buo kong pagkatao.

"Ngayon lang hapon. Sumampa na ulit si Asher ng barko." Ngumisi si Lou sa akin nang nakakaloko. "Lai, huli ka na. Wala na siya rito."

jfstories
#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz