ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 30

JFstories

PAGKATAPOS NITO HINDI NA TAYONG PUWEDENG MAGKAHIWALAY.


Inisang karga lang ako ni Asher. Pagmulat ng aking mga mata ay nakahiga na ako sa kama. He was on top of me and his lips were still on mine. He only got up for a moment to take off his shirt, and his eyes were full of heat as he bent down to claim my lips again.


Kinakapos na ako ng hangin sa paghalik niya, pero noong bumaba ang mga halik niya sa aking leeg, ay parang lalo akong hindi makahinga. Nakakapaso, nakakaubos ng lakas ang paghagod sa ng mga labi niya sa balat ko.


Inalis niya ang buhol ng suot kong robe. Nang buksan niya iyon ay kusang napatakip ang mga kamay ko sa aking katawan. Kahit patay ang ilaw ay bukas ang lampshade ng kuwarto, malinaw na nakikita niya pa rin ako. At wala akong suot na kahit ano.


"Lai, paano ko makikita kung tatakpan mo?" reklamo niya pero sa boses na mainit, maaligasgas.


Hinila ko siya para hindi na siya tumitig pa. Isang malambing na tawa lang ang kumawala mula sa mamasa-masa pang mga labi niya. Muli kaming naghalikan. Sandali lang. Humiwalay rin siya dahil marami siyang gustong gawin. At napakapit na lang ako sa sapin ng kama ng isa-isa niya na iyong gawin.


Nakakulong ang magkabilang dibdib ko sa malalaki niyang palad, habang pinapapak niya ako sa leeg. Hindi siya nakuntento roon, bumaba ang mga halik niya. Humahagod ang hindi lang ang mga labi niya, kundi pati ang basa at mainit na dila niya sa katawan ko. Salitan niyang sinamba ang dibdib ko, habang ang isang kamay niya ay nasa pagitan na ng mga hita ko.


Asher was only nineteen, yet he already knew what to do to drive a woman crazy.


Sa tuwing yuyukuin ko siya ay mas lalo pang nag-iinit ang aking pakiramdam. Ang itsura niya kung paano niya padaanin ang kanyang dila sa aking balat, ay mas nakakadagdag sa pag-iinit ko. He even showed how he licked and sucked on my most private part. Ah, damn! I never imagined to see such an erotic view in my entire life.


Ilang beses yatang nanginig ang katawan ko sa nakakawindang na pakiramdam. Ilang beses akong napaliyad, napasinghap, at halos mapahiyaw sa sarap. Nang umahon siya ay basang-basa ang mga labi niya sa dim na liwanag ng bedside lamp. Nangapal sa init ang mukha ko sa isiping kung bakit.


Hinubad niya na ang shorts at briefs niya habang hindi umaalis ang mapupungay na tingin akin. Nasa pagitan na siya ng aking mga hita nang kong maalala. "Condom, Asher!"


Kahit siya ay nagulat. "Ay, pota. Oo nga pala." Sa sobrang dalang-dala niya, nakalimutan niya.


Napabangon agad ako. Dinampot ko ang box ng condom sa katabing mesa ng kama. Kumuha ako ng isa at ako na ang nagbukas. "Marunong ka maglagay nito?"


Napalabi siya at umiling. "Hindi pa ako nakakagamit niyan, Lai."


"Ows?"


"Peksman." Nagtaas pa siya ng isang kanang kamay. "Cross my heart, hope to die! Me ganyan iyong kuya ko, saka tropa ko, pero hanggang tingin lang ako. Kahit isukat, di pa ako nag-try!"


"Okay, ako na." Ako na ang nagsuot sa kanya dahil baka magkamali pa siya. Hindi rin ako marunong pero bahala na.


Kaso noong nasa harapan ko na iyong ano niya ay parang natuliro na ako. Ganito pala kapag malapitan, iyong tipong isang dangkal na lang sa mukha ko ang pagitan. Dagdag pa na hindi ko naman talaga iyon tinitingnan, kaya ngayon ay talagang windang kung windang.  


Tiningala ko siya. "Bakit ganito? Namamaga?!"


"Ha?" Napayuko naman si Asher. Pero pagyuko niya, bigla naman iyong tumango.


Napaatras ako bigla kasi muntik na akong matamaan sa mukha. Muntik kong mapitik sa aking pagkabigla. 


"Sorry." Humingi naman agad si Asher ng sorry. "Ganyan kasi talaga iyan kapag nae-excite, nag-e-expand."


"'Wag kang gagalaw, ilalagay ko na!" Huminga ako nang malalim. Kailangan nang matapos ito habang nasa katinungan pa ako. "'Pag gumalaw ka, ayawan na!" pagbabanta ko sa kanya.


Hindi naman siya gumalaw, pero iyong ano niya, kundi tatango ay umiiling. Nakakagigil. Sa huli, sa aking pagtatiyaga at pagsisikap, ay sa wakas natakluban ko rin.


"Ayan, okay na—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang sa pagtingala ko ay sinalubong na ako ni Asher ng nakakaubos na halik. Nakadilat pa ako at ganoon din siya, kaya kitang-kita ko ang pag-aalab ng mga mata niya. Mukhang kanina pa niya pinipigilan ang sarili niya.


Sa umpisa lang ako nanulak dahil sa pagkagulat, sa huli ay napakapit na ako sa kanyang balikat. Napahiga ulit ako sa kama habang sa nasa ibabaw ko siya. Ang isang hita ko ay kanyang hawak-hawak, isinasaklang niya sa kanyang bewang.


Nang maramdaman ko na ang pag-iisa ng aming mga katawan ay halos makagat ko ang ibabang labi niya. Marahan ang kilos niya, maingat, pero para pa rin akong mahahati sa gitna. Sabi ko na nga masakit. Itsura pa lang niyon kanina, alam ko nang mapanakit na.


Alam ni Asher na nasasaktan ako, nahihirapan siya pero sinikap niyang mas bagalan pa. He was still clumsy, but he was doing his best not to hurt me too much. Pero hindi puwedeng hanggang kalahati lang. Hindi rin puwede na hindi na siya gagalaw. Masakit pa pero sa aking tingin ay hindi ko naman ito ikamamatay.


Ako naman ang umabot sa mga labi niya. Hinalikan ko siya nang mainit kasabay nang aking pagsalubong sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang sumagad siya, pero wala siyang nasabi dahil nga sa magkadikit ang aming mga labi.


Tiniis ko kahit masakit. I met his every move until the pain was replaced by another sensation. In the following moments, all that could be heard in the motel room were moans, touching lips, and the wet sounds of our meeting bodies.


Asher was getting hotter as the minutes passed. Bumibilis na, dumidiin. My eyes widened at his next thrust. Just how deep was he going?


"Asher, sandali, dahan-dahan..." Pero nakulong na lang sa aking bibig ang mga salita nang angkinin niyang muli ang aking mga labi.


Pagkatapos ay humihingal na sumubsob siya sa dibdib ko. Nang makapagpahinga ay umahon siya at nakangiti akong tinanong. "Lai, anong masasabi mo?"


Hindi ko na magawang sumagot dahil hinang-hina na ako. I felt as if I had just returned from my first hiking experience. My whole body felt tired and heavy.


We did it twice the whole night. Asher was hotter the second time. Nakatatlo lang kami ng condoms dahil napunitan ng isa.


Nakatulog na si Asher pero ako ay gising pa rin. Kahit pagod at gusto ko na ring matulog ay mas pinili ko na pagmasdan lang siya hanggang sa abutin na ako ng umaga. Bago siya magising ay maingat na hinalikan ko ang natural na mapupula niyang mga labi. "Mahal kita..."



MY WHOLE BODY HURT.


My body was still sore when I returned to Manila the next day. Pumasok sa school kahit na-late na, pagkuwan ay dumeretso sa trabaho. Hindi na pala ako humihingi ng allowance kay Mama, ang mga pinapadala ni Papa ay iniiwan ko na sa bahay. Ako na lahat ang gumagastos sa sarili ko, kaya todo kayod ako. The ending, I fainted from fatigue.


Tatlong subjects ang na-drop ko. Hindi na talaga kinaya. Ang bigat sa loob pero iyon ang nangyari kahit pinilit ko pang maghabol. Katawan ko na rin ang sumuko. My doctor told me that my anemia was getting worse, and I needed to slow down or I'd regret neglecting my health later on.


Sa sumunod na araw ay napagdesisyunan ko na umuwi muna ng Cavite. Hindi ko rin matiis si Mama. I missed her, I wanted to see her, and I was hoping to finally have a proper conversation with her.


Naabutan ko siya sa kuwarto nila ni Papa, tulala at yakap na naman iyong kahon. Seeing that, all of my courage vanished like a puff of air. Pinanghinaan na naman ako. Nakayuko na aalis ulit sana ako, nang marinig ko siyang mahinang magsalita. "Makasarili ba ako, Laila?"


Napahinto sa paghakbang ang mga paa ko.


"Makasarili ba ako na ayaw kitang makilala nila? Makasarili ba ako na gusto ko ay ako lang ang ituring mong ina, habang ang tunay kong anak naman ay hindi ko magawang kalimutan? Na iniisip ko pa rin, na sana di na lang siya nawala? Na sana siya ang kasama ko ngayon?"


Lumingon ako sa nakabukas na pinto ni Mama. Sa akin na siya nakatingin habang yakap-yakap pa rin ang kahon kung saan naroon ang mga gamit ng dapat na baby nila noon ni Papa.


"Hindi na ako puwedeng magbuntis," puno ng pait ang boses na sabi ni Mama. "May problema ako sa matris kaya ako nakunan. Hindi ko na mararanasan maging ina."


"Hindi ko po ba naiparanas sa inyo ang pagiging isang ina?" mapait ding tanong ko. "I did my best to be a good daughter to you and Papa. Is that still not enough, Ma?"


May luha sa mga mata na umiling si Mama. "Gaano man kita ituring na anak ko, hindi mababago ang katotohanan na hindi ka naman talaga sa akin galing. Iba pa rin iyong sa akin galing. Iba pa rin na mabigyan ko ng tunay na anak niya si Gil! Baka kung hindi ako nakunan noon, baka hindi ganito ang trato sa akin ng pamilya ng asawa ko"


Daig ko pa ang nasampal sa sinabi niya. It was one of the things I somehow expected to hear from her, and I was prepared for it, but hearing it now still stung.


"Mahal naman kita, Laila. Sobrang mahal kita. Pero maraming pagkakataon na naiisip ko pa rin na hindi ka talaga sa akin. Ang daming ampon, na kahit gaano mo man mahalin, naghahanap pa rin sila ng pagkakakilanlan nila. Hinahanap pa rin nila ang tunay na mga magulang nila. Inaalam kung saan sila nagmula. At ginagawa mo na ngayon iyon ngayon."


Naikuyom ko nang mariin ang aking mga palad at umiwas sa kanya ng tingin.


"Ang mga ampon, gaano mo man ituring na iyo, aalamin at hahanapin pa rin nila ang kanilang pinagmulan. Hahanapin pa rin ang ugat nila. Kesyo hindi kompleto ang pagkatao nila kaya kailangan nilang buuhin."


Humakbang na ako pababa ng hagdan dahil hindi ko na kaya pakinggan pa ang ibang sasabihin ni Mama. Tama naman kasi siya. Kahit anong gawin namin, hindi na namin mababago ang katotohanan. We were not connected by blood, and I was not her biological child. I was only the one they used to fill the gap, and no matter how much they loved me, the truth remained the same. 


Pagbaba ko ng hagdan ay natigilan ako nang mapagmasdan ang tahimik na kabahayan. It was as if a beautiful movie started to play in front of my eyes; showing me the times when Papa, Mama, and I were here together. We were eating happily at the table, watching TV on the sofa, and in the kitchen, where Papa and I were waiting and cheering for Mama as she made us delicious meals.


This was a place full of dreams, love, and wonderful memories. I used to call this my home, this was my haven, and I never imagined that one day... I would no longer feel the same way.



WHERE SHOULD I ACTUALLY BE?


Sa Bacao ako dinala ng aking mga paa. Sa lugar na hindi ko man matanggap noong una, na sa kabila ng mga kapintasan ng mga tao rito, hindi mababago ang katotohanan na sila ang mga kadugo ko. Sabi nga nila, kapag nakakasuka ang isang tao ay madali lang na isuka ito kung di mo ito kaano-ano. Pero kapag kapamilya mo ang taong ito, kahit nakakasuka ito, ilang beses mo man itong isuka, hindi na magbabago na pamilya mo pa rin ito. Kumbaga ay sumpa na ito sa pagkatao mo. 


Sa pinto pa lang ay mauulinigan na ang ingay. Galit na galit si Tatay. "Putangina ng mga magulang niyan ng Mari na 'yan!"


The context: Binugbog ni Limuel si Mari. Nahuli raw kasi nito ang girlfriend na ka-text pa ang ex-boyfriend. Ayun, dinugo si Mari at nakunan. Nagpabaranggay ang mga magulang ng babae.


Pagpasok ko sa pinto ay nakasalubong ko ang palabas na si Tatay. "Ikaw, bakit ngayon ka lang? Pag-aaral ba talaga ang inuuna mo, o nakikipagkita ka sa boyfriend mo?!"


It was the first time he yelled at me.


"Baka malaman na lang namin na buntis ka na! Napakahirap ng buhay para unahin ang kalandian! 'Wag ka nang tumulad sa mga ate mong nagsipag-asawan nang maaga! Hindi na nga nakatulong sa pamilya, mga pabigat pa!"


Hinampas ito ni Nanay sa balikat. "Nonoy, ano ka ba? 'Wag mong pagsalitaan nang ganyan si Lai!"


"At bakit hindi? Dahil ba hindi siya rito sa atin lumaki? Kahit pa saan iyan lumaki, ang nananalaytay sa ugat niya ay dugo pa rin ng pamilyang ito! At ako ang padre ng pamilyang ito!"


"Pasensiya ka na, anak," pang-aalo ni Nanay sa akin. "Mainit lang ang ulo ng tatay mo gawa ng nasa baranggay si Limuel. Kapag hindi umatras sina Mari, baka tuluyan nang makulong ang kapatid mo."


Sa kuwarto ay nayukyok si Ate Linda sa kama nito. "Bakit ikaw pa?" mahinang tanong nito. "Bakit ikaw pa ang ipinaampon nina Nanay at Tatay? Bakit hindi na lang ako?"


Wala akong imik na nakatitig lang sa babaeng nanginginig na ang payat na katawan sa pag-iyak. 


Nang tumingin ito sa akin ay luhaan ang mga mata. "Sana ako na lang ang pinaampon nila. Sana ako na lang iyong nakaranas nang masaganang buhay, nakakapag-aral, at walang problema. Sana ako na lang para hindi ako nahihirapan nang ganito!"


Maliit ako na ngumiti sa kanya. "Hindi ka sure diyan."


Napahinto siya sa paghikbi. Lalo lang naman akong napangiti. The woman might have looked fragile because of her delicate appearance, but she had always been resilient. Mahaba rin ang pasensiya niya sa pamilyang ito. 


Pero kahit anong tatag ni Ate Linda, wala akong nakikitang tapang sa kanya. Ni hindi niya magawang talikuran ang pamilyang inaabuso lang siya. Kaya paano niya masasabing makakaya niya ang lumagay sa lugar ko? Kung siya ang pinaampon, magiging okay ba talaga siya? Could she have pretended to be the perfect child who never caused trouble just so she would not become a burden? Could she have always acted cute and sweet toward my adoptive parents so they would continue loving her?


Could she have studied like crazy just so there would be something about her they could be proud of? Could she have pretended not to notice that she was only adopted and a replacement for a dead child? Could she have endured the wrath and the endless biting remarks of the Valmoridas? Could her weak heart have handled all of that?


Tulala na lang si Ate Linda nang lapitan ko siya at magaan na yakapin.



HINIHIKA RAW KAGABI SI NANAY. Hanggang ngayon ay nasa baranggay pa rin kasi si Limuel. Itutuloy raw ng nina Mari ang demanda hanggang hindi kami nagbabayad ng danyos.


Mari's parents were asking for twenty-five thousand pesos. Kapag hindi namin naibigay, makukulong na ang kapatid ko. Pama-pamasahe nga lang papunta sa Public Attorney's Office ay wala sina Nanay, twenty-five thousand pesos pa kaya?


Hinanap ko sina Ate Laura at Ate Lenlen. Naabutan ko ang mga ito na nagtitimpla na ng kape sa kusina. Natuon ang paningin ko sa malaking bote ng kape na never naman silang nagkaroon. "Saan galing iyan?" tanong ko sa dalawa.


Si Ate Lenlen ang sumagot. "Iyong boyfriend mo na si Asher ang bumili. Ipinag-grocery niya kami pero kaunti lang naman, kasi nga hiniritan siya ni Nanay."


Napatingala ako kasabay ng mahinang napamura. Nagulat naman ang dalawang babae. Nakaramdam yata ng takot bigla sa akin.


"Ito si Lenlen, hindi man lang umawat, eh!" Tinuro ni Ate Laura ang katabi.


Si Ate Lenlen ay napasimangot sa panlalaglag dito. "Aba, bakit ako? Ikaw nga riyan, hiningi mo pa ang number ni Asher para mangutang!"


"Bakit kayo nangungutang kay Asher?! Anong karapatan niyo?!"


Nanahimik ang mga ito at nagsiyuko.


Naglalagutukan na ang mga buto ko sa daliri nang malamig ang mga mata na tanungin ko muli sila. "Ang nanay niyo. Nasaan siya ngayon? Sumagot kayo kung ayaw niyong magkagulo tayo rito!"


"Pumunta siya sa Buenavista!" nabibiglang sagot ni Ate Lenlen. "Mangungutang daw siya ng pampiyansa sa nanay ng boyfriend mo!"


Hindi ko na hinintay pa ang ibang sasabihin nila. Paalis na nanakbo na ako.


Pagkababa ng tricycle ay nanakbo agad ako sa bahay ng mga Prudente. Hindi na ako nag-doorbell o nagtawag nang matanaw ang tsinelas ni Nanay sa labas ng pinto. Dere-deretso pasok na ako.


"Mare, babayaran ko rin naman. Kailangang-kailangan ko lang talaga ng pampiyansa. Pag hindi kami nagbigay agad, makukulong na ang bunsong kapatid ni Laila."


Kausap ni Nanay si Aling Ason na pormal na pormal ang mukha habang nakapamewang. "Masyadong malaki ang bente sinco mil. Kapag nagpapautang ako ay simula muna sa limang libo. Kapag good payer lang, saka lang ako nagpapadagdag."


"Hindi naman kami tatakas, mare. Kilala mo naman ang anak ko. Girlfriend ng anak mo."


"Tumigil ka!" sigaw ko.


"Lai!" Gulat na gulat si Nanay nang makita ako.


Pumasok ako at yumuko kay Aling Ason. "Pasensiya na po, Aling Ason." Pagkasabi'y dinampot ko agad ang pulso ni Nanay ay hinila ito palabas ng bahay ng mga Prudente.


"Lai, ano ka ba?" Kandatali-talisod naman si Nanay sa paghila ko. "Lai, kausap ko pa si Mareng Ason—"


Doon sa madilim na kanto na katapat ay hiway ko binitiwan ang babae. "Hindi niyo siya kumare kaya 'wag niyo siyang tawaging ganyan! Mahiya kayo!"


"Bakit ba? Gusto ko lang naman manghiram para pampiyansa sa kapatid mo! Anong masama roon?!"


Napahagod ako ng kamay sa aking buhok bago siya hinarap na malamig ang mga mata. "Kilala niyo man lang ba iyong tao? Nasaan ang hiya niyo?"


"Uunahin pa ba natin ang kahihiyan na iyan? Ililipat na ang kapatid mo sa kulungan! Alam mo ba ang ginagawa sa mga bagong pasok sa kulungan? Binubugbog, binibinyagan! Hihintayin ko pa bang umabot sa ganoon, ha?!"


Napapalatak ako. 


"Kahihiyan lang ang iniisip mo, pero ako ay ang kapakanan ng kapatid mo! At ano kung mangutang ako? Utang naman iyon at hindi hingi! 5/6 pa nga, napakalaki ng tubo ng Ason na iyon!"


"Malaki man o maliit ang tubo, may pambayad ho ba kayo?!"


"Saka ko na iisipin ang pambayad! Kahit pa alam ko sa aking sarili na wala talaga akong maibabayad, magsisinungaling ako na meron. Lahat sasabihin ko, ipapangako ko, tatamisan ko ang dila ko, para lang makautang ako, dahil desperada na ako!"


Sumakay na si Nanay sa dumaang tricycle, habang ako ay naiwang nanginginig sa kinatatayuan. Napasandal ako sa saradong bahay dito sa kanto kung saan ako naroroon.


"Lai..."


Hilam ang mga luha na napatingin ako sa katapat na daan. Naroon si Asher. Nakatayo siya  at hindi ko alam kung kailan pa siya roon, kung nakita at narinig niya ba kami ni Nanay kanina.


"Pumupunta ka raw sa Bacao," mahinang sabi ko na hindi patanong. Kasing lamig ng mga mata ko na nakatingin sa kanya ang aking boses. 


Napayuko siya at lumapit. "Sorry hindi ko sinasabi sa 'yo, baka kasi hindi mo magustuhan."


"Hindi talaga."


"Lai, sorry."


"Pero alam ko naman na nahihiya ka lang tumanggi kapag itini-text ka nila. Pero kasalanan mo pa rin, dahil bakit mo ibinigay ang number mo? Higit sa lahat, bakit ka pumunta roon? Bakit ka nagpakilala sa kanila?"


"Kasi, Lai, pamilya mo sila. Gusto kong makilala ang pamilya mo..."


Napatingala ako sa madilim na kalangitan. May kung ano akong naramdaman na init sa gilid ng aking mga mata. Gusto kong mapangiti nang mapakla. This was it. This was the perfect moment. 


Nang tingnan ko ulit si Asher ay napakaseryoso ng aking ekspresyon. "Why would you like to know them? Tingin mo ba, kung ano ang meron tayo ngayon ay panghabambuhay na talaga?"


Napalunok siya kasabay ng pagbadha ng pagpa-panic sa kanyang inosenteng mukha. "Lai, tayo naman na talaga, di ba?"


"Paano kung sabihin kong hindi?"


Namilog ang mga mata ni Asher sa aking sinabi. "L-Lai, anong hindi? Anong sinasabi mong hindi?"


Malamig na ngumiti ako sa kanya. "Ayoko na."


"Lai, galit ka ba kasi pumunta sa amin ang nanay mo? Galit ka ba kasi pumupunta ako sa inyo? Sorry na, Lai. Kung ayaw mo nang ganoon, hindi ko na gagawin. Hindi ko na gagawin ang mga ayaw mo."


"Ayoko na, Asher," ulit ko sa mas matigas na tono.


Natigagal siya sa akin. Pagkuwan ay dumilim ang kanyang mga mata. "Paano iyong nangyari sa atin?"


Sinikap kong tumawa kahit mapaklang tawa ang kinalabasan. "Moderno na ang panahon, iisipin mo pa ba iyon? Normal na lang ang ganoon."


"Sa akin, hindi normal iyon!" Napataas na ang boses niya. "Lai, ikaw iyong first ko! Sinabi ko na sa 'yo, kapag may nangyari sa atin, hindi na tayo puwedeng maghiwalay! Hindi ako papayag!"


"Asher, hindi porke't may nangyari na sa atin, e tayo na talaga hanggang sa huli. Iyong iba nga riyan, nagkakaanak pa, may nagpapakasal pa nga, pero nauuwi rin naman sa paghihiwalay."


"Puwes hindi tayo ganoon! Ayoko nang ganoon! Galit ka lang, Lai. Galit ka lang kaya sinasabi mo iyan, di ba? Sige, magpalamig ka muna. Kung gusto mo ng space, okay lang. Pero 'wag ganito. Mag-usap tayo kapag okay ka na."


"Hindi mo ba naiintindihan? Ayoko na nga, Asher."


Nagpakakalma siya kahit puno ng pait ang kanyang mga mata. "Galit ka nga lang sabi. Alam ko, mali ako. May kasalanan ako. Sorry na nga, Lai. Sorry na talaga. Please, 'wag kang makipag-break."


"Bata ka pa talaga."


Natigagal siya sa sinabi ko.


"Bata ka pa talaga, Asher. Tingnan mo ang sarili mo, napakaisip-bata mo pa rin. Ang bilis mong mauto, ang bilis mong mapaniwala. Akala ko kapag tumagal ay magbabago ka pa, hindi pala. Ganyan ka pa rin."


"Lai, ano iyang sinasabi mo? Gusto mo lang akong saktan kasi galit ka, di ba? Hindi mo naman talaga gustong sabihin sa akin iyan, di ba?"


Pero nagpatuloy ako. Hinagod ko pa siya nang tila nandidiring tingin. "Napakaisip-bata mo. Sa totoo lang, nakaka-turn off na. Sabagay, kulang ka pa kasi talaga sa karanasan sa mundo. Tingnan mo nga, may nangyari lang sa atin, feeling mo agad, forever na?"


Nakayuko na tumalikod na siya. "Mag-usap tayo kapag hindi ka na galit. Umuwi ka na muna..."


"Hindi na ako makikipag-usap pa sa 'yo. Ang dami ko nang problema para intindihin ko pa itong relasyon na ito."


Nahinto siya sa paglalakad bagaman hindi lumingon.


I continued spouting double-edged remarks that could also wound me. "Sa wakas, nagkaroon din ako ng pagkakataon na masabi sa 'yo ang mga ito. Ayoko na talaga, Asher. Sawa na ako sa 'yo. Matagal na. Sawa na ako sa boyfriend na hindi lang mas bata sa akin, isip-bata pa. Alam mo iyon? Itutulog ko na lang at ipapahinga, kailangan ko pang mag-update sa 'yo para di ka malungkot at magtampo. Nakakapagod na."


"E di 'wag kang mag-update." Humarap na siya sa akin. Para akong nalunod sa sakit na nasa mga mata mata niya. "Okay lang naman kahit hindi mo na ako i-text o i-chat. Hindi na ako magtatampo. Kahit din minsan na lang tayo magkita, okay lang."


"Pwede ba iyon? Isipin ko pa lang na merong nagpapakamartir sa akin, ay ang bigat na sa pakiramdam. You know, I can't afford another burden."


"E di 'wag mong isipin iyon!" Tumaas ulit ang boses niya pero basag na. "Kahit ituring mo na lang ako na hangin lang! Kahit makipagkita ka na lang kung kailan mo gusto! O kahit sa video chat na lang! Kasi uso naman ang LDR, di ba? Iisipin ko na lang kunwari OFW ka!"


"Okay lang talaga sa 'yo iyon? O sinasasabi mo lang iyan ngayon, pero pag napagod ka na, saka ka magrereklamo. Saka mo ako susumbatan!"


"Hindi. Hindi, Lai. Kahit ayaw mo sa akin ngayon, okay lang. Wala kang maririnig. Basta kapag okay ka na ulit, bumalik ka lang," garalgal ang boses na makaawa niya. "Lai, balikan mo ako kahit kailan." Napasinghap ako nang tumulo na ang mga luha niya.


Daig ko pa ang dinurog nang makitang umiiyak siya. Pero nagpakatatag ako. Umiling ako. "A-ayoko na nga, e. H-hindi mo pa rin talaga maintindihan? Ayoko na nga. Pagod na nga ako. Sawa na ako. Ano ba? Sobrang hina ba talaga ng pag-intindi mo?!"


"L-Lai, please..." basag na basag ang boses na makaawa niya.


"Seryoso ako. Ayoko na talaga, Asher." Ako na ang tumalikod sa kanya sa pagkakataong ito, bago pa bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang kumawala.


Nang may dumaang jeep ay pinara ko iyon agad. Sumakay ako agad. Bago makahabol si Asher ay sinigawan ko ang driver sa harapan. "Manong, paandarin niyo na po. Hindi po sasakay iyan."


Nang umandar ang jeep ay nakahabol si Asher. Sumisigaw siya. "Lai!"


I didn't look back. Tumatakbo si Asher, humahabol pa rin siya, pero tinigasan ko ang aking mukha na wag na wag siyang lilingunin. Ang lahat nga lang ng emosyon na pinigilan ko mula pa kanina ay ngayon na isa-isang kumakawala. Tao pa rin pala talaga ako.


Iyong kasama ko sa jeep ay napasinghap. "Miss, nadapa iyong boyfriend mo!"


Nanatili pa rin akong matigas. "Wag niyo siyang pansinin."


Nadapa siya, akala ko ay hihinto na siya, nang sumulyap ang driver sa akin sa rearview mirror. "Neng, humahabol pa rin ang boyfriend mo!"


Mariin na napakuyom ang mga palad ko. "Tuloy lang, manong. 'Wag niyo siyang intindihin. Titigil din iyan kapag napagod."


Ang mga kasama ko sa jeep ay iba na ang tingin sa akin. Siguro naaawa sila kay Asher. Siguro ang tingin nila sa akin ay napakasama ko at wala akong awa. Hindi naman sila nagkakamali.


Nang nakalayo-layo na ay saka ko pinagbigyan ang sarili na lumingon. Natanaw ko pa si Asher na nakayuko habang nakahawak sa magkabilang tuhod niya. Nakagat ko ang aking ibabang labi kasabay ng masaganang pagtulo ng aking mga luha.


Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan ako ng mga kasama ko sa loob ng jeep. Ang impit na pag-iyak ko ay lumakas na hanggang sa maging hagulhol. Nanginginig ako.


'Asher, sorry.


I'm sorry because I love you. I'm sorry I made you believe I was brave when, in reality, I am a coward. I'm sorry. Mahal kita pero hindi ko na kayang panindigan ang pagmamahal na ito. Ayaw kong mahirapan ka at dumating ang araw na ikaw na mismo ang mapagod at sumuko. I'm sorry I don't want to trouble you. I don't want to ruin the bright future that awaits you. 


I'm so sorry... but please do not ever forgive me.' 


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz