ZingTruyen.Xyz

Crazy Stranger

Chapter 21

JFstories

NAMAMAGA ANG MGA LABI KO.


Hindi ako tinigilan ni Asher hanggang hindi namamanhid ang mga labi ko. Inalis niya pa ang suot kong salamin para walang harang sa pagitan namin. Para ang mga labi ko ay mas malaya niyang maangkin.


Bago siya umalis ay hinalikan niya pa ulit ako. Nakangisi siya nang kapwa kami humihingal na naghiwalay. "Para talagang hindi mo ako makalimutan."


Na talagang nagkatotoo naman. Kahit nagkaklase sa university ay may mga pagkakataon na wala sa loob akong napapahawak sa mga labi ko gamit ang aking mga daliri. Kusang dumadaloy sa alaala ko ang nakakabaliw na hagod ng mainit at malambot niyang mga labi.


Buong linggo akong tila nahihibang. Hinihila ko sa isip ang mga oras at araw, hanggang sa sumapit na ang Sabado, na magkikita na ulit kaming dalawa...



MAAGA PA LANG AY NANDITO NA SI ASHER.


Wala kaming usapan dahil usually ay mga after lunch o pahapon ang schedule ng punta niya. Wala nga siya kahit text kanina, kaya nagulat ako na nandito na nga siya nang ganito kaaga. Mabuti na lang din at maaga akong naligo ngayon.


Hindi na nahintay ni Asher na ipagbukas ko siya ng gate. Siya na ang nagbukas para sa sarili niya. Baby blue na plain shirt, stripe na gray and white cargo shorts, Adidas slides ang suot niya. Dala niya ang kanyang school bag at may bitbit siyang kung anong papel. Test paper yata. Syempre, malayo pa lang ay ang bango-bango niya na.


Sobrang miss ko siya kaya sasalubungin ko sana siya ng yakap, nang biglang isalaksak niya sa akin ang kanyang test paper na hawak. "Tingnan mo, Lai! Up to fifty iyan! Thirty five ako! Hulaan mo ang passing score!"


Bagsak ang panga ko. So, kaya pala ang aga niya ngayon ay dahil yayabangan niya ako?!


"Oy, ano, Lai?! Sirit na ba, ha?!" Namewang siya at maangas na ngumisi pa. "O sige, sasabihin ko na. Ang passing score ay thirty five!"


Gusto ko na siyang pektusan sa ulo, pero pinili ko na lang na pumalakpak. "Wow. Pumasa ka."


Sumilip naman si Mama sa sala mula sa kusina. "Congratulations, tutoy!"


Napangiwi ako sa tawag ni Mama sa kanya. Ewan ko ba kung saan nito iyon napulot. Okay lang naman kay Asher, parang ang ligaya pa nga niya.


Lalo pa ngang naging proud sa sarili dahil sa papuri ni Mama. "Thank you po, Mama! Next time po thirty-six na ako!"


'Mama' na nga rin pala ang tawag niya sa mama ko. Matapos niyang makailang punta sa amin ay feeling niya, kapamilya na talaga siya. 


Nag-thumbs up naman si Mama sa kanya. "Syempre naman, tutoy! Kaya mo iyan kasi magaling ka naman talaga tapos magaling din ang tutor mo!"


Nagkalkal pa si Asher sa dala niyang bag. Pati mga short quiz niya ay pinagsasalaksak niya isa-isa sa akin. Kung dati ay kalahati lagi ang mali niya, ngayon ay twenty percent na lang. Proud na proud siya kasi pasado siya sa lahat— Pasang awa.


"Anong masasabi mo, ha, Lai? Ano, ayos ba?" nagniningning ang mga mata na tanong niya sa akin.


Alam ko ang gusto niya, ang purihin ko siya. Hinawakan ko naman siya sa ulo. "Good job!"


Lalo siyang napangiti at kumiskis pa sa akin na parang naglalambing na kuting. "Lai, hindi ako nangopya. Ako lang talaga lahat nagsagot niyan. Nagsisikap talaga ako kasi gusto kong makapasa."


"That's good to hear."


Nauwi sa pagiging boyish ang ngiti niya. "E, may premyo ba ako?"


Umusod ako para bulungan siya sa tainga. "Mamaya pag-akyat ni Mama, magki-kiss tayo."


"'Yown!" Sa excitement ay napasuntok siya sa hangin.


Tinulungan niya muna kami ni Mama magligpit-ligpit sa bahay, maghain sa mesa noong tanghalian na, at maging sa pagliligpit pagkatapos kumain. Ako ang naghugas ng mga plato habang siya naman ang nagpunas ng mesa at nagwalis ng sahig.


Hay, kung makikita siguro ni Aling Ason na ang sipag ng bunso nito ay baka bigla iyong magpamisa.


Pagkatapos ng mga gawain ay pumuwesto na kami ni Asher sa sofa. Tinuruan ko na siya ng assignment niya tungkol sa climate change, genetics of human behavior, at ginawa rin namin ang project niya sa Filipino na Suring Basa. Puro kamot ulo siya, pero hindi naman nagreklamo.


Sa calculus lang ako nakahinga-hinga, dahil parang basic lang iyon sa kanya. Kumbaga, kaunting turo lang ay gets niya na.


Aliw na aliw naman si Mama sa kanya. Binibiro pa nga siya. "Naku, gusto namin ng asawa ko ng lalaking anak. Baka ayaw na sa 'yo ng mama mo, akin ka na lang kamo."


Natigilan ako sa biro ni Mama.


"Puwede niyo naman ako maging anak, Mama. May alam nga lang akong ibang paraan."


Nahaltak ko si Asher bigla pabalik sa sofa. "Tapusin mo muna iyong Suring Basa mo! May iniwan ka pang 'di nasasagutan!"


"Ang lalim naman kasi ng Tagalog, e. Magagamit ko ba iyon kapag nagtrabaho na ako?"


"Hindi. Pero magagamit mo ang pasensiya na matututunan mo sa paggawa ng project mo! Hala, gawin mo na muna bago ka mangarap maging anak ni Mama!"


"Sige na nga." Ngunguso-nguso naman siya na sumunod na. Pag seryoso na kasi ako ay takot na siya.


Hapon na kami nakatapos. Nasa taas ng bahay si Mama at kami na lang ni Asher sa sala. Nakasandig siya sa akin at nagpapahagod na naman ng kanyang leeg. Nakapikit pa siya kaya malaya kong namamasdan ngayon ang mahahaba niyang pilikmata.


Ah, so fine...


Yumukod ako at binulungan siya. "Asher, nasa itaas na si Mama. Hindi mo pa ba iki-claim sa akin ang prize mo?"


Ang nakatiim niyang mga labi ay bilang ginuhitan ng ngisi. Dumilat ang namumungay niyang mga mata. "Game na ba?"


Ang mga kamay ko naman ay aking ipinanghila sa kanyang leeg, hanggang sa mapahiga ako sa sofa, at mapasunod naman siya sa ibabaw ko.


Kasunod niyon ay ang paglalapat ng mga labi namin. Nakadilat pa kami ni Asher habang matunog na hinahalikan ang mga labi ng bawat isa. May pagkakataon na hindi namin maiwasang mapangiti habang ang paghalik ay patuloy pa rin.


I lost track of how many times we kissed. And, Asher stayed at our house until dinnertime, as he had done in the previous weeks.


SA SUMUNOD NA LINGO AY GANOON ULIT.


Tuturuan ko si Asher kapag may assignment siya o project, tapos kaunting review sa kanya sa mga pinag-aralan nila buong linggo, at kaunti ring advance study para sa next lesson.


Of course, once Mama was in her room and Asher and I were finally alone in the living room, we'd be passionately kissing each other's lips again. And we were also more prepared now. We got a pitcher of water and glasses ready as we knew we'd surely be thirsty later.


Sa pang-apat na round ay iba na ang hagod ng mga labi ni Asher sa akin. Pati ang mga palad niya ay napapahagod na rin. Noong una ay nasa batok ko lang at bewang, ngayon ay pareho nang nasa aking tagiliran. And when I felt the hem of my loose blouse lift, I softly bit him on his lower lip.


Umungol lang si Asher at sa di ko inaasahan ay bigla niya akong dinaganan. His weight made me lie down on the couch. Nang bumaba ang halik niya sa leeg ko ay sinabunutan ko siya. Lumalago na kasi ang semi cal niya, puwede nang sabunutan.


He got up. Nakalabi. "Tsk, sabi na dapat dumaan muna ako sa barbershop."


I touched his cheeks with both palms and reached him to nibble his bottom lip once again. "Kapag nakita tayo ni Mama, anong gagawin mo, ha?"


Namungay pa lalo ang kanyang mga mata dahil sa aking ginawa. "Tulog naman siya, di ba?" maaligagas ang boses na sabi niya. "'Pag ganito, hindi na ulit siya nababa."


"Naughty. Talagang tinandaan mo."


Siya naman ang yumuko upang magaan na hagkan ako. "I miss you. Palagi kitang nami-miss kahit sa buong linggo. Gusto ko nang maka-graduate para magkasama na ulit tayo. Doon din ako mag-aaral sa school mo. Ang kukunin kong course ay iyong course mo rin para pareho tayo. Kahit nasaan ka, doon din ako."


He would take accountancy too? Hindi naman siya mahihirapan dahil magaling siya sa numbers, kaya rin namang magsikap sa ibang subjects, at kaya ring magtiyaga kung gugustuhin. Pero gagawin niya ba talaga lahat ng iyon para lang mapalapit sa akin?


Tinanong ko siya kung ano ang course na gusto niyang kunin, wala pa naman daw siyang naiisip. As in wala siyang plano sa buhay. Kaya kung ano na lang daw iyong plano ko, iyon na din daw ang plano niya.


It was still crazy to think how Asher ended up like this. Na para bang lahat na lang ng sasabihin at gagawin niya ay nakadepende sa akin.


He was no longer the guy who didn't care about anything. Chill-chill lang, pag may lumapit na babae ay gagawing girlfriend, mai-in love na maximum of only two weeks, at maha-heartbroken pero makaka-move on din. And after all that, chill-chill na ulit.


Wala siyang inaalala, walang problema sa buhay. Kapag masaya, e di masaya. Pag malungkot, e di malungkot. Pero ngayon ay iba na. Meron na siyang routine na sinusunod. Kapag weekend ay dito siya sa akin. May target na rin sa pag-aaral buong linggo, kasi gusto niya na may ipagmalaki sa akin pag magkikita na kami.


Takot na rin siyang magkamali at bawat kilos niya, gusto niyang alam ko. Para bang lahat ng kilos niya ay nakasalalay sa reaksyon ko. Na hindi niya gagawin kapag ayaw ko at gagawin naman niya lahat basta iutos ko.


And just like a dog who was devoted to his owner, I must praise him every time he did well...


OUR FIRST ANNIVERSARY.


Dalawang linggo na naman ako na hindi nakauwi dahil busy sa university. Tinapos ko ngayong linggo ang lahat ng gawain at um-absent ako sa huling araw. Gusto ko lang bumawi. Ngayon lang naman ito. At isa pa, unang taon ito.


Naka-uniform pa ako na dumeretso sa Pinagtipunan kung saan naroon ang public high school na pinapasukan ni Asher, na siyang alma mater ko rin. Susunduin ko siya. May kanya-kanya kasing kasabay ang mga kaibigan niya, siya lang ang wala kaya nakakaawa. 


Ang masaklap lang, lampas na ang uwian ay nasa Malabon pa lang ako. Sobrang traffic kasi kanina pagdaan ko sa Tejero. Bahala na kung maabutan ko pa sa school si Asher. Kung wala na siya roon ay baka dumeretso na lang ako sa kanila sa Buenavista. 


Pagbaba sa tricycle ay madilim-dilim na. Wala ng katao-tao sa daan. Sarado na rin ang gate ng school. Aalis na sana ako nang matanaw ko ang isang Click sa tapat ng tindahan. Kilala ko ang motor na iyon, sa kaibigan ni Asher na si Isaiah.


Naglakad ako at sumilip sa daan patungo sa Prinza. Mukhang nakina Pabling pa sila, ang may ari ng bilyaran na tambayan madalas ng ilang kabataan.


Naglakad ako patungo roon at napahinto nang may matanaw na kumpulan. Dahil papadilim na at sarado ang mga tindahan sa tabi ay ang mga ito lang ang makikita. Nasa pito ang mga ito. Karamihan ay mga lalaki na naka-uniform pa.


Nakilala ko agad ang isa. Si Isaiah, naka-t-shirt na lang at wala ng polo. May hinahatak ito sa kuwelyo. Inaawat nito mula sa pakikipag-basag-ulo. Umawang ang mga labi ko nang makita kung sino—si Asher!


Pigtas na ang ilang butones sa suot na polo ni Asher, kita na ang t-shirt sa loob, habang namumula at ang mga kamao ay nakakuyom. Ang nasa harapan niya ay matabang lalaki na nakilala kong si Atong!


Putok na ang gilid ng bibig ni Atong at maga na ang kaliwang mata. Sa likod nito ay ang dalawa nitong tropa, na hindi mga makaporma dahil nasa likod ng mga ito ang dalawang matatangkad ding lalaki, sina Arkanghel at Miko.


Hindi na pumapalag si Atong dahil napuruhan na. Hindi rin nagtatangka nang sumali ang mga tropa nito. Napatago naman ako sa may kanto ng saradong tindahan. Doon ako patagong sumilip sa kanila at nakinig.


Nagtutule sa gamit ang hinlilit na umabante si Miko. Parang tinatamad na at gusto na lang umuwi. "Bebe, tama na! Tara na!"


But Asher was so furious and didn't seem to want to stop.


Na-badtrip na rin tuloy si Arkanghel. "Tangina naman, Asher! Tama na, di pa ako nagsasaing sa amin! Pupunta pa ako kina Sussie mamaya, baka hindi na ako payagan ni Mama!"


Ang kaso ay ayaw talagang paawat ni Asher. Pulang-pula ang buong mukha niya hanggang leeg. "Kakatayin ko pa itong baboy na ito! Dinig na dinig ko kanina'to sa banyo, amputa ang 'sabi ba naman e ex niya raw ang GF ko!"


Ano raw, gago?


Ang duguan ang ngusong si Atong susukot-sukot nang nagsalita. Mukhang pagod nang mabugbog. "P-Prudente, 'di ka naman mabiro. Joke lang naman iyon, e! Saka, ayoko naman talaga sa syota mo!"


Lalong bumangis ang mga mata ni Asher dito. "Anong ayaw mo?! Bakit ayaw mo?!"


Napataas na ng kamay si Atong. "E di sige, gusto ko na!"


"Bakit gusto mo?! Tangina, narinig niyo? Gusto raw ang GF ko! Kakatayin ko talaga itong bwaka ng inang baboy na 'to!"


Napaatungal na si Atong dahil nadale ito ni Asher sa panga.


Si Isaiah ay napipikon na. Pa-leeg na niyakap nito mula sa likod si Asher at hinila palayo kay Atong. Nagpapasag si Asher at sumisipa pa at muntik pang matamaan ang isa sa tropa ni Atong. Tumulong na si Arkanghel, ito ang humawak sa magkabilang mahahabang biyas ni Asher.


Sinenyasan naman ni Miko ang tropa ni Atong upang bitbitin na ito. "Mga kupal, ano pang hinihintay niyo? Alis na!"


Ang dalawang tropa ni Atong ay binitbit na ito. Palabas ng Prinza dumaan paalis. Galit na galit naman si Asher kina Miko, Arkanghel, at Isaiah.


Inambahan na siya ng suntok ni Arkanghel. "Tangina, di ka pa talaga titigil, Asher? Ako na uupak sa 'yo!"


Dinuro naman siya ni Miko. "Umayos ka, Asher, kung ayaw mong hubuan ka namin dito. Uuwi ka talaga sa inyo na nilalamig ang itlog mo!"


Asher though was still fuming mad. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng mga kaibigan niya. Despite being boyish, easygoing, and at times lively, he was like this when he was enraged. Madalang lang naman siyang masagad, pero kapag nagkaganito ay talagang pahirapan siyang pakalmahin.


Aking nakikita ko ang pagod at frustration sa mukha ng mga kaibigan niya, kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko.


I prepared my sweet smile and waved to call him. "Asher!"


And when Asher heard my voice, he immediately looked at where I was. Namilog ang kaninang nanlilisik na mga mata niya sabay tabig sa pagkakahawak sa kanya nina Isaiah. Ang galit na galit niyang ekspresyon ay tila nahihipan ng hangin na agad na nabura. "Lai!"


"Hi!" malambing na bati ko.


Umayos siya bigla ng pagkakatayo na akala mo ay hindi galing sa basag ulo kanina. "Hi, Lai! Bakit ka nandito?" Nagniningning sa akin ang kanyang mga mata, sabay simpleng hagod niya ng palad sa kanyang nagusot na polo.


"Wala lang. Isu-surprise sana kita. Kanina pa dapat ako, na-late lang dahil traffic sa Tejero. Ikaw, kayo, kanina pa uwian, ah? Bakit nandito pa kayo?"


He smiled boyishly. "Ah, wala. Nagpahangin lang kami ng tropa, tamang tambay lang, pero pauwi na rin kami."


Nang nasa harapan niya na ako ay tiningala ko siya. Namumula pa ang gilid ng kilay niya. Pasimpleng nagtagis ang mga ngipin ko. Sino ang walanghiyang bumangas sa perpektong mukha ng baby ko?!


Maingat na hinaplos ko ang makinis na pisngi ni Asher. Awang-awa ako sa kanya. "Ganoon ba? Nagpahangin lang kayo, pero bakit may sugat ka sa kilay mo?" Malungkot na lumabi ako. "Tingnan mo o, kawawa ka naman."


"Ha?" Bumadha naman ang pagpa-panic sa inosenteng mukha ni Asher. "Ano kasi, hindi ko naman ito sinadya. Nadulas lang kasi ako sa banyo kanina. Pero 'wag kang mag-alala, daplis lang ito. Malayo sa bituka!"


"Mabuti naman. Ayaw ko kasi na nasusugatan ka, lalo na ang mukha mo, nasa-sad ako." Lumabi ulit ako. 


"Ha? Nasa-sad ka?" Lalo naman siyang nag-panic. "Sorry, sorry, Lai! Please, 'wag kang ma-sad, please! Mag-iingat na ako sa susunod. Hindi na ako masusugatan lalo sa mukha! Hinding-hindi na talaga!"


"Talaga, ha? Promise mo iyan?"


"Peksman!" Nagtaas pa siya ng kanang kamay. "Hindi na talaga ako mababangasan. Basta, please 'wag ka nang sad, ha? Pag sad ka kasi, sad din ako!"


Matamis na napangiti na ulit ako. "Good boy."


Napangiti na rin si Asher. Nasa mga mata niya ang tuwa dahil hindi na ako sad. Napayuko pa siya sa akin para mahimas ko kanyang ang ulo. Nang sulyapan ko ang mga kaibigan niya ay nakanganga sa amin ang mga ito.


Paungol na nagsalita si Miko. "Pota, me ganto pala!"


Si Arkanghel ay nakapamulsa na naglakad na. "Uwi na 'ko, bahala na kayo sa buhay niyo. Ikaw, Asher, tangina mo, kalbo!"


Si Isaiah ay nagpaalam na rin. "Uwi na kami. Lai, ikaw na bahala riyan sa bebe namin. Mukhang nakikinig naman sa 'yo iyan."


Meanwhile, Asher seemed to have forgotten about the presence of his friends. Nagsialisan na ang mga ito pero hindi man lang niya pinansin. Ang buong atensyon niya ay nasa akin na, na parang wala ng ibang tao sa parteng ito ng Prinza maliban sa aming dalawa.


Magkahawak kamay na rin kaming umalis ni Asher. Sa bawat paglakad namin ay hindi puwedeng hindi niya ako susulyapan ng tingin. The kind of glance that, though appeared to be innocent, was kind of unsettling.


Para bang makikipagpatayan siya kapag may nagtangka na pumagitna sa aming dalawa. Kung sa ibang pagkakataon ay naaaliw ako, ngayon ay tila may bumubulong sa akin na dapat akong maalarma.


"Asher, paano kapag namatay ako?" I suddenly asked him. "Ano ang gagawin mo?"


Sumimangot naman siya. "Bakit? Pinayagan ba kita?"


Deretso sa daan ang kanyang tingin habang naglalakad kami, subalit natatanaw ko pa rin sa mga mata niya ang pagdaan doon ng kislap na matalim. He didn't like my question.


I couldn't tell what was hidden behind that gleam in his eyes, but if my judgment was correct, the three emotions that were there were madness, greed, and possessiveness. But who was I to complain? I was even crazier than him.


Bago makarating sa sakayan ng tricycle ay huminto at pinigilan siya sa braso. Bumadha ang gulat sa mukha niya nang tumingala ako upang hilahin siya sa kwelyo ng kanyang suot na polo.


However, Asher was just stunned for a split second. Dahil saglit lang, naitulak niya na ako sa silong ng isang saradong tindahan. Doon ay isang mainit at walang pakialam sa mundong halik ang aming pinagsaluhan.


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz