ZingTruyen.Xyz

Chasing After You

33

vampiremims

This story is already completed in Patreon, and VIP Group.

Visit my Patreon at patreon.com/vampiremims

You can also join my VIP Group on Facebook, visit my wall for more details.

Leave a comment if you like the story. 🙂

☀️☀️☀️


Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Therese sa akin nang magkita kami sa parking lot. Hindi ko mawari kung ano ba ang ibig niyang sabihin na nagbago si Cloud. That he was not the same Cloud I knew and he was just going to hurt me.

Kunot ang noo ko habang nakatitig sa laptop screen ngunit wala roon ang atensyon ko. I kept on thinking about what she said and what it meant...

Kagabi ko pa iniisip iyon hanggang sa makauwi ako. Hindi rin kami nagkausap ni Cloud dahil na rin may pinuntahan itong event kagabi at late na rin natapos kaya hindi na ito nagpunta sa bahay namin. Hindi rin ako nito nasundo kanina dahil maaga pa lang ay pumunta na ito sa office ng Daddy nito.

Wala namang kaso ang mga bagay na iyon dahil alam ko naman na may ibang ginagawa si Cloud and I can't demand him to be with me all the time. Hindi naman din tama ang bagay na iyon at hindi rin iyon makakabuti sa aming dalawa.

What bothers me is what Therese said.

I sighed heavily and leaned on my swivel chair. Pilit kong ikinakalma ang sarili habang iniisip kung dapat ko ba talagang pakinggan ang babae o wala namang basis ang sinasabi nito sa akin...

Though she's Cloud's friend... I bet she's the only person he talked to regarding what happened to both of us... ito lang ang napagsabihan nito ng ganoong bagay...

Possible kaya na may sinabi si Cloud sa babae na hindi nito sinabi sa akin? Kung mayroon, ano naman kaya 'yon? And what made her think that I should be careful?

"Ugh," I bowed my head and heaved a deep sigh. I am just making myself worry about the things that I am not sure of! Maybe, I should talk to Cloud instead of thinking what that woman told me.

Cloud won't lie to me...

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok doon at sumungaw ang sekretarya ni Daddy.

"Good morning, Ms. Ashanti. May bisita po kayo. Kaibigan niyo raw po," sabi nito sa akin na ikinakunot ko ng noo. Dalawa lang naman ang kaibigan ko at imposibleng dumalaw sa akin ang mga iyon dahil nagkikita naman kami linggo-linggo.

"Kaibigan?" I asked her and she nodded her head. "He said he's friends with you and Sir Cloud," she added and that didn't help me have any clue who the visitor was.

"Sige, just let him in," sabi ko na lang sa babae. Mabuti na rin sigurong tumanggap muna ng bisita ngayon nang sa gayon ay mawala rin sa isipan ko ang sinabi ni Therese. Her words kept on repeating in my mind and it's starting to irritate me, big time!

Inaayos ko ang lamesa ko nang muling bumukas ang pinto ng opisina ko at nang mag-angat ako ng tingin, nakangiting mukha ni Benjamin ang bumungad sa akin.

"Hi!" He greeted me cheerfully as ever. Sa mga araw na inilagi namin ni Cloud sa probinsya noon, hindi ko yata nakitang sumimangot man lang ang lalaking ito. He's always smiling and he's always cheerful.

"Benjamin? What are you doing here?" napangiti ako at tumayo para lapitan ang lalaki. "I didn't know you'll be here," dagdag ko matapos makipagbeso rito. Pinaupo ko na rin muna ito at inalok kung gusto ng kape o hindi naman ay juice.

"I am good, Ash. Don't bother," he smiled and looked around. "Your office looks good," he commented and I smiled at him. "I was supposed to meet Cloud but they said he's not here, so I just went here to drop by."

Tumango naman ako sa kanya. "Cloud is with his Dad today," sabi ko rito na tinanguan naman din ako bago tumingin sa relo nito.

"Well, it's almost lunch time. Can I invite you for lunch, Ash?" tanong nito sa akin. I looked at him and nodded my head. Wala naman din akong nakikitang masama kung kakain kaming dalawa sa labas, isa pa ay kaibigan naman din ito ni Cloud.

I will just tell him that I am with Benjamin.

"I'll just fix my things," sabi ko sa lalaki na tumango naman din sa akin. Inayos ko lang ang lamesa ko at kinuha na rin ang bag ko bago ako lumabas ng opisina kasama ang lalaki. Dahil may dala ring sasakyan ito ay iyon na rin ang ginamit namin para magpunta sa restaurant.

We've decided to just go out to eat ramen. Hindi naman din nagreklamo si Benjamin sa akin at panay ang kwento nito tungkol sa nangyaring bagyo noon.

"But everything's well now. Ganoon naman kadalasan doon, e. Mabuti na lang din at maagang nailikas 'yung mga tao," sabi nito na ikinatango ko. Mabuti na lang din at hindi na ako nagpumilit noon na masundo kami pabalik dahil napaka delikado pala talaga ng sitwasyon noon.

"How about you, Ash? How are you?" he asked me while we're eating.

I looked at him and creased my forehead. "Uhm, I am good?" I chuckled. "Still busy at work and other things..." I shrugged and smiled a little.

"Is it true, though?" he asked and I looked at him again. "You and Cloud," sabi nito para mas bigyang linaw ang sinabi nito sa akin.

I smiled and nodded my head. "Yeah."

"Talagang binakuran ka pala, ano?" nangingiting sabi nito habang umiiling. "Though, I am not surprised. He talked to me before when I told him that I think I like you," napangisi ito nang muling tumingin sa akin.

"What did he say?" usisa ko dahil hindi ko alam ang bagay na iyon. Hindi ko rin naman alam na nagsabi ng ganoon si Benjamin kay Cloud.

"He just told me to forget whatever I was feeling because you're not available. I even asked him if you have a boyfriend in Manila, and he said no. Iyon naman pala ay siya ang manliligaw sa'yo."

Napangiti na lang din ako dahil naiimagine ko si Cloud na sinasabi iyon habang nakakunot ang noo at nakasimangot.

"Cloud was my first boyfriend... 5 years ago," sabi ko na ikinakunot ng noo ni Benjamin. Hindi nito alam ang bagay na iyon dahil hindi naman kami nagtagal ni Cloud noon. Isa pa, hindi naman din public knowledge ang bagay na iyon. "And, we got back together..." ngumiti ako sa kanya at tumango naman siya sa akin.

"First love, huh? It really never dies," he commented and I nodded my head.

Pagtapos namin kumain na dalawa ay nagpaalam na ako kay Benjamin na magtitingin na muna ng damit na bibilhin ko ngunit nagpumilit naman itong sumama sa akin kaya hinayaan ko na lang din.

Hindi naman na rin ako nagtagal sa pamimili ng susuotin ko para sa reunion namin. I just paid for the dress and went out.

Naglalakad kaming dalawa papunta na sa parking nang makita ko si Cloud sa labas ng isang store.

"Is that Cloud? What is he doing here?" Benjamin asked me. Hindi naman ako sumagot at nakatingin lang sa lalaki. Hinawakan ni Benjamin ang siko ko at iginiya ako papunta sa lalaki.

Cloud was holding his phone while waiting outside the store.

Hindi pa kami hustong nakakalapit nang lumabas mula sa store si Therese at nakangiting lumapit sa lalaki.

"Cloud!"

Napatingin ako kay Benjamin nang tawagin nito ang lalaki. Lumingon naman sa amin si Cloud at kumunot ang noo nito nang makita ako. Naglakad ito papalapit sa amin habang ang mga mata ay nakatingin sa akin.

"What are you doing here?" he asked when he saw me.

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi iyon ang inaasahan ko na sasabihin niya sa akin. Lumingon ako kay Therese na sumunod kay Cloud sa paglapit sa amin.

"Hi, Ashanti!" Bati nito sa akin bago tumingin kay Benjamin. "Hi... who are you?" she asked Benjamin.

"Benjamin."

"Oh, hi!" She smiled again and looked at Cloud. "Is everything okay?" he asked her and I stopped myself from rolling my eyes.

"What are you doing here, Ashanti?" Cloud asked me again. Diretso ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"We had lunch and I bought something," itinaas ko ang kamay na may hawak na paperbag. "We're heading back to the office now, too. Benjamin dropped by the office, hoping to talk to you. I told him you're... busy." I gave him a small smile.

"I'll drive you back to the office," hahawakan nito sana ang kamay ko nang iiwas ko ang mga iyon. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Cloud dahil sa ginawa ko.

"No need for that. I know how to go there by myself," pilit akong ngumiti sa kanya bago lumingon kay Therese. "Excuse me, I have to go. May trabaho pa kasi ako," sabi ko bago nilingon si Benj na tinanguan lang din ng maliit at naglakad na papunta sa exit ng mall.

I might just hail a cab to go back to the office... or maybe go home.

Wala na rin naman ako sa mood na bumalik sa opisina, sa bahay ko na lang itutuloy ang trabaho ko.

I was walking towards the exit when someone held my hand. Nilingon ko iyon at nakita ko naman agad si Cloud na nasa tabi ko at hawak ang kamay ko.

"What are you doing?" I asked him. I tried pulling my hand but he just held it tighter.

"Cloud."

"I will drive you back. No buts," he said and pulled me to walk towards the parking lot. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad kami at hindi ko na rin alam kung nasaan si Therese at si Benjamin dahil bigla na lang naman talaga akong nag walked out.

He opened the door and looked at me.

Nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay na magsalita siya. "Get in, baby."

"You're not going to tell me why you're with her?" I asked him, still looking at him. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya.

"She just asked me to go with her because we saw each other in the restaurant, that's it."

Nakatingin lang ako sa kanya. Napansin ko ang muling paghinga ng malalim ni Cloud bago lumapit sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "I just finished a meeting with my dad, she saw me at the restaurant where my dad and I ate, she asked if I could accompany her here. That was it, baby. I promise."

"I couldn't say no because–"

"She was by your side when I left." Ako na ang tumapos sa sasabihin nito. Napakunot ito ng noo kaya binawi ko na ang mga kamay ko at pumasok sa loob ng sasakyan nito. Isinara ko na rin ang pinto at hinintay na makapasok ito.

Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Cloud. Naiinis din ako sa sarili ko dahil sa inakto ko pero hindi ko mapigilan na hindi makaramdam ng inis, ng irita, ng selos.

"Baby," untag ni Cloud sa akin. Inabot niya ang kamay ko at pinisil iyon. "I'm sorry. I should've told you what happened..."

I looked at him and leaned on my seat. Umiling ako sa kanya. "No, I am sorry. I got pissed off easily..." mahinang sabi ko.

Dinala ni Cloud sa mga labi nito ang kamay ko at muling tumingin sa akin. "I am really sorry, baby. It won't happen again, I promise."

I just gave him a small smile. Sinabi ko na lang din sa kanya na sa bahay na lang ako ihatid dahil gusto kong magpahinga. He even asked me if I was okay and I said yes.

Pakiramdam ko lang ay gusto kong magpahinga dahil para akong napapagod sa kakaisip ng mga nangyayari. I saw Therese yesterday and she said things, now I saw her with Cloud...

Simula nang makilala ko ang babaeng iyon, parang may kakaibang nangyayari sa amin... sa amin ni Cloud.

I just stayed in my room while resting. Nagpaalam na lang din ako kay Daddy na magpapahinga dahil masama ang pakiramdam ko at pinayagan naman ako nito. Nagpalipas ako ng buong maghapon na nasa loob lang ng kwarto.

Cloud told me he will be back by evening since he still has something else to do. Hinayaan ko na lang din ito sa mga gagawin nito.

It was almost 6 in the evening when I went down to get water when the helper told me that someone's looking for me. Lumabas naman ako para silipin iyon at ganoon na lang din ang pagkabigla ko nang makita ko si Therese na naroon.

"How did you know my address?" I asked her when I went out. Lumapit ako sa babae habang nakatingin ito sa akin. "Alam ba ni Cloud na narito ka?" I added.

She shook her head and looked at me. "He doesn't know, Ashanti, and he doesn't need to know..."

"What do you mean he doesn't need to know? You're his friend," binigyan diin ko ang salitang kaibigan dito. Tumingin naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Do you remember what I told you?" she asked me.

Hindi ako nagsalita ngunit nakatingin ako sa kanya. Binawi ko rin ang kamay mula sa babae at wala naman akong nakitang gulat sa mukha nito.

"I wasn't lying, Ashanti. Cloud, he came back in your life to get even because of what you did to him before. Sobra mo siyang pinahiya noon, sinaktan... gusto ka niyang gantihan sa lahat ng iyon..."

I just stared at Therese while she's talking.

"Ang company ng daddy mo, hindi niya gustong tulungan kayo. He's planning to destroy it, your dad, the company. You. Sa tingin mo, bakit kami magkasama kanina? He was talking about his plans..."

"You're talking nonsense, Therese. Mas mabuting umalis ka na," sabi ko rito habang nakakuyom ang mga kamay bago tumalikod.

"He's going to dump you at your reunion."

Natigilan ako sa sinabi nito.

"He was the one who told you to come, right? Because he's going to dump you there. He's going to do what you did to him before."

Nag-uunahan ang mga luha sa mga mata ko bago ako huminga ng malalim at pilit na pinatatag ang boses dahil hindi ko alam kung paano ko bang tatanggapin ang mga sinasabi ng babaeng ito ngayon... tungkol kay Cloud.

Magagawa ba ni Cloud ang lahat ng iyon?

"Good night, Therese," I walked back to the house and went straight to my room and locked my door.

He just came back to do all those things...?

Is he really capable of doing those things...?

Tama ba ako noon pa? That he was back just to get his revenge on me...

Ayokong maniwala...

Ayokong maniwala pero hindi ko mapigilan na hindi masaktan.

Paano rin kung totoo?

Paano kung bumalik lang talaga siya para masaktan ako?

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Xyz